Bayad po

Best answer kapag mag-aabot ng pamasahe sa Jeep


"MANOOOONG. BAYAD PO!"


——


#MedyoJinggoy

Manong: San galing ang 20?
Pasahero: Manong, wag niyo kong husgahan please. Ang perang yan
ay hindi galing sa gobyerno.


—-


#MedyoParanoid

Manong: San yung bente?
Pasahero: Ano? Kaaabot ko lang nawala agad yung bente ko?!


—-


#MedyoMayabang

Manong: Estudyante?
Pasahero: Mechanical Engineer. 2010 Board Passer.


——


#MedyoHarotToTheNthPower

Manong: Estudyante?
Pasahero: Opo. 2nd year high school. Hindi pa nireregla pero may
anim na crush na.


—-


#MedyoDumadamoves

Manong: Ilan dito sa 20?
Pasahero: Dalawa po. Isang manhid at isang nagmamahal ng palihim.


—-


#MedyoHarotPart2

Manong: San galing?
Pasahero: Nag group study po. Tapos alam niyo ba andun din yung
crush ko. Magdamag niya akong tinuruan sa math. Tapos nung nag
exam kanina, 0 nakuha ko. Hihi.


—-


#MedyoDefensive

Manong: San galing?
Pasahero: Nagmotel. 3 hours kami dun. At wag kayong judgmental
please. Gumawa lang kami ng loombands.


——


#MedyoNakahithitNgPentelpen

Manong: San ang bababa yung bente?
Pasahero: Tung-inuhhh!! Naglalakad yung bente!!!!


—-


#MedyoHighblood

Manong: San ang baba?
Pasahero: Sa gitna ng kalsada. Para patay ako tapos kulong kayo.


—-


#MedyoEmoH3artZ

Manong: Ilan dito sa 20?
Pasahero: Isa lang. Wag niyo na din sanang itanong kung bakit.
Sanay na ako na palaging iniiwan. Kaya nasanay na rin akong mag-
isa. Keep the change.


——


#MedyoTumaTumblr

Manong: Walang barya??
Pasahero: Yan tayo eh. Sobra sobra na nga ang binigay, pero
parang kulang pa rin. Parang pag-ibig lang.


--


#MedyoPilosopo

Manong: Saan bababa?
Pasahero: Sa semento po!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top