CHAPTER 6 - He likes her

CHAPTER 6 — He likes her

HINDI makalimutan ni Aidan ang tirik na tirik na dibdib ni Gemini. Hindi ba nito alam na see through ang damit na suot nito? Napailing-iling nalang siya sa tuwing naaalala ang hiya na bumalatay sa mukha nito.

Bumaling siya sa pinto na pinasukan ni Gemini kanina ng marinig niyang bumukas iyon.

"Let's go." Sabi ni Gemini na kalalabas lang ng silid. Hawak nito ang salamin na nakalimutan nitong isuot kagabi.

His forehead creased when he saw her put the eyeglasses on. Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa sofa at lumapit kay Gemini. Nakita niyang natigilan ito sa paglapit niya.

"I don't like this." Sabi niya sabay hawak sa gilid ng eyeglasses at tinanggal iyon. "There. Pretty."

Hindi niya akalaing lalabas ang salita na iyon sa bibig niya. Hindi niya akalain may tinatago palang ganda ang sekretarya niya. Kagabi lang niya nalaman nang magkita sila sa Délicieux Cuisines Restaurant.

Wala itong suot na eye glass kagabi, at ang buhok nito na palaging nakapusod ay nakalugay na. She has this slight auburn curly hair and it draped over her creamy shoulder. After three years, ngayon lang niya napansin na ganoon ang kulay ng buhok nito. And Gemini has a very beautiful face na ngayon lang din niya napansin.

At kagabi, mukhang hindi lang siya ang nakapansin sa angkin nitong ganda. Dahil ang kalalakihan sa restaurant ay nakatingin sa dalaga. That's what irritated him the most. Alam na alam niya ang tumatakbo sa isipian ng mga kalalakihang iyon kagabi. They wanted Gemini.

And he will not let them. Hindi isang patakbuhing babae ang sekretarya niya. She's a very dignified woman. A respected one. And Gemini will stay that way.

And then he remembered the scene he saw outside Gemini's apartment last night. Hindi niya alam kung ano ang relasyon ni Knight kay Gemini at hindi siya magtatanong. Wala naman siyang karapatan.

Bumuga siya ng hangin at isinuot dito muli ang eyeglasses.

"Bakit mo binalik?" Mataray na tanong ni Gemini sa kanya.

Lihim siyang napangiti. So this is the real Gemini.

Ang Gemini na sekretarya niya sa loob ng tatlong taon ay walang emosyon palagi ang mukha. Palaging 'yes, boss' ang sagot nito sa kanya sa kahit na ano ang ipagutos niya. Ni hindi nga niya nakakitaan ng negatibong emosyon ang mukha nito.

But now... he likes the real Gemini. So fierce and pretty.

"Ayokong makita nila kung ano ang nakita ko." He said cryptically.

Nagsalubong ang kilay nito. "Ano?"

"Wala." Nauna na siyang naglakad patungo sa pinto ng apartment nito. "Come on. Masyado na tayong late."

INUNGUSAN ni Gemini ang likod ni Aidan bago sumunod sa binata. At dahil sinundo siya nito, hindi siya pinayagan na sumakay sa taxi. Kaya naman nakaupo siya ngayon sa passenger seat ng Maserati nitong sasakyan.

"So," her boss drawls, "ano ang relasyon mo kay Knight Velazquez?"

Hindi na siya nagulat sa tanong nito. Alam niyang nakita nito kagabi na niyakap siya ni Knight.

"Ako ang tutor niya." She answered simply.

"Tutor sa?"

"Tagalog."

"Oh." Tumango-tango ito. "Bakit ka niya niyakap kagabi? I saw it. Kaya huwag kang mag deny."

"Boss, baka nakakalimutan niyo na secretary mo lang ako. Ibig sabihin, hindi mo puwedeng pakialaman ang personal life ko hangga't maayos naman ang trabaho ko. At kung ano man ang ginagawa ko sa labas ng opisina, hangga't hindi iyon nakakasama sa kompanya niyo, okay lang at wala na kayong pakialam doon."

She felt smug when Aidan open his mouth then close it again. Mukhang wala itong masabi sa mga binitiwan niyang salita.

Hanggang sa makarating sila sa Navarro Enterprise Building, hindi na nagsalita pang muli ang boss niya. Baka nasobrahan ang pagtataray niya at sisantehin siya nito bigla. Pero tama lang naman ang mga sinabi niya, ah.

Magkasabay silang lumabas sa sasakyan at taas nuo siyang naglakad papasok sa building. Nasa unahan niya si Aidan at nasa likod naman siya nito. Hindi niya hinahayaang magpantay silang dalawa sa paglalakad dahil sekretarya lang naman siya nito.

Nang nakapasok sila sa elevator, nabigla siya ng hawakan ni Aidan ang braso niya ay pinapihit paharap dito.

"Boss—"

Tinangay ng hangin at pagkabigla ang mga salita na sasabigin niya ng biglang lumapat ang mga labi ni Aidan sa nga labi niya. Spark rushed through her. Parang may kumoryente sa mga labi niya. Parang hinugot ang bituka niya mula sa kaniyang tiyan ng bahagyan nitong kagatin ang dila niya at sinipsip iyon.

Oh god!

Hindi pa siya nakakapag-react sa ginawa nito, lumayo na ang labi nito sa nga labi niya.

"I was wondering kung anong lasa niyang matalas mong dila." Aidan smirked. "Now i know."

Pagkasabi nito niyon, tamang-tama naman na bumukas ang pinto ng elevator. Aidan exited and left her in utter shock. Buti nalang bago pa sumira ang elevator, nakabawi na siya sa pagkabigla at nakalabas na siya ng elevator.

Habang naglalakad siya patungo sa mesa niya, hindi mawala sa isip niya ang paghalik sa kanya ni Aidan. Kahit ilang ulit niyang marahas na ipilig ang ulo, hindi talaga iyon mawala sa isip niya. Kahit nuong nagta-trabaho na siya, iyon pa rin ang laman ng isip niya.

Kaya naman ng marinig niya ang boses ni Aidan sa intercom, napaigtad siya kasabay niyon ay bumilis ang tahip ng dibdib niya.

"Gemini." Aidan's baritone voice was soft and her heart wouldn't stop beating so fast. "Pumunta ka rito sa office ko."

Inayos muna niya ang damit at huminga ng sobrang lalim bago pumasok sa opisina ni Aidan. Napasukan niya ang binata na naka-focus ang atensiyon sa screen ng laptop nito.

"Boss?" Pukaw niya sa binata.

"Gawan mo ako ng kape." Wika nito na hindi man lang tumitingin sa gawi niya.

"Okay po."

Akmang hahakbang na siya patungo sa pantry nang magsalitang muli si Aidan na ikinatigil niya sa paghakbang.

"Papayag ka lang basta-basta sa pinapagawa ko?" This time when he spoke, he looks at her. "Nasaan ang matalas mong dila?"

Matapang niyang sinalubong ang tingin ni Aidan. "Parte ng trabaho ko ang i-timpla kayo ng kape kaya bakit ako magre-reklamo?"

Tumaas ang gilid ng labi ng binata. "Sige. Ipag-timpla mo na ako."

Inirapan niya ito na tinawanan lang naman nito at naglakad siya palapit sa pantry. Napapansin niyang nagbabago ang ugali ni Aidan. Ano naman kaya ang nakain ng lalaking 'to? No one can chance an attitude in just a day. Siguradong may maitim na binabalak ang binata.

Habang nagtitimpla siya ng kape naririnig niya pasipol-sipol si Aidan, kaya naman hindi niya napigilang lingunin ito. Nahuli niya ang lalaki na nakatingin sa pang-upo niya.

"Hey!" Reklamo niya. "Don't look at my butt, boss!" Singhal niya rito.

Tumawa lang si Aidan at pasipol-sipol pa rin na ibinalik nito ang atensiyon sa harap ng laptop nito.

Pagkatapos niyang mag-timpla ng kape, naglakad siya palapit sa mesa ni Aidan ang isang tasang kape at walang imik na lumabas sa opisina nito.

IT WAS lunch time when Gemini's phone rang. Kinabahan siya bigla ng makita niya kung sino ang tumatawag. It's Aidan's mother.

Sinagot niya ang tawag. "Hello po?"

"Gemini," the woman chirped in the other line. "I have good news."

"Ano po?"

"Well," the woman giggled like a happy teenager. "May nalaman ako ng may isang socialite na magho-host ng Masquerade ball mamayang gabi. And guess what? Imbetado ang anak ko. Kaya naman pumunta ka rito mamaya sa boutique ko. Kailangan na muling magpakita ni Lady Masquerade."

Nanlamig ang buo niyang katawan. "Po? Do I have do kiss him and give him a head again?"

"Hindi na. Sa pagkakataong ito, desisyon mo na kung ano ang gagawin mo sa anak ko. Make him fall in love, wala akong pakialam kung sa'yo siya mai-in love o kay Lady Masquerade. Ang importante, malaman niya ang kahulugan ng salitang pag-ibig."

Bumuga siya ng hangin at napailing-iling. Kung hindi lang dahil sa Rancho nila, hindi niya talaga 'to gagawin! "Sige po, tita."

"Great. Hihintayin kita." Wika nito at pinatay ang tawag.

Siya naman ay parang nanghihinang inilapag ang cell phone sa ibabaw ng mesa niya. Mapapasabak na naman siya mamaya. Ano ang gagawin niya? Letseng buhay 'to!

Napatingin siya sa elevator ng bumukas iyon at lumabas doon si Manang Ellena. Dala nito ang inorder niyang Pinakbit, adobong baboy at tempura.

"Heto na ho ang order niyo, ma'am." Nakangiti wika nito sabay lapag ng inorder niya sa ibabaw ng kaniyang mesa.

"Salamat ng marami, Manang Ellena." Nakangiti sabi niya sabay abot ng bayad dito.

Siya ang may hawak sa meal budget ng boss niyang masama ang ugali kaya naman siya ang nagbabayad sa lunch at breakfast nito.

Dinala niya ang pagkain sa opisina ni Aidan at inilapag iyon sa ibabaw ng mesa nito.

"Your lunch, boss." Aniya at naglakad palabas ng opisina nito.

"Gemini." Tawag nito sa pangalan niya dahilan para tumigil siya sa paglalakad.

Humarap siya sa binata at nang magtama ang mga mata nila, ngintian siya nito na naging dahilan ng mabilis na pagtahip ng puso niya.

"Come here, eat with me." Sabi nito.

Kinunotan niya ito. "Busog pa ako, boss."

"Sige na." Giit nito. "Saluhan mo na ako."

Umiling siya. "Ayoko. Busog pa ako."

Nawala ang ngiti sa mga labi nito at nag-isang linya ang kilay. "Kapag hindi ako sinaluhan, sisisantehin kita." Pananakot nito.

Nabubuwesit na talaga siya sa palaging pananakot nito sa kanya. Pero wala naman siyang magagawa para sundin ito. She needs money. At bilang sekretarya ni Aidan, doble ang sinasahod niya. Ganoon kasi ang binata. Kapag maayos kang mag-trabaho at nagustuhan niya ang performance mo, hindi ka man umangat sa posisyon mo, aangat naman ang sahod mo. At iyon ang dahilan kung bakit hindi pa siya nagri-resign sa Navarro's Enterprise kahit pa nga uncle ng boss niya si Hitler sa ka-istriktohan at kawalan ng puso.

Naglakad siya pabalik sa mesa nito at napipilitang umupo sa visitor's chair.

Wala siyang balak kumain dahil alam niya hindi siya matutunawan dahil kasalo niya si Aidan. Pero ganoon na lamang ang gulat niya ng tumayo si Aidan sa trono nito at kumuha ng pinggan, kutsara, tinidero at baso na may lamang tubig pagkatapos ay inilagay ang mga iyon sa harap niya.

Hindi lang 'yon, nilagyan ng kanin at ulam ni Aidan ang pinggan niya.

Nakatanga lang siya sa binata habang ginagawa nito iyon. Sa tatlong taon na nagtrabaho siya rito, ngayon pa lang siya nito inayang kumain at talagang nilagyan pa ng kanin at ulam ang pinggan niya.

"Sige, kumain ka na." Ani Aidan.

"Anong nakain mo?" Hindi mapigilang tanong niya sa binata na kumakain na.

Aidan stopped eating and looked up at her. "Masaya lang ako."

"May I ask why, boss?"

Aidan shrugged. "May pupuntahan akong Masquerade ball mamaya at nararamdaman kong pupunta ang babaeng 'yon. Doon ko siya huhulihin. Hindi na gagana sa akin ang mga kalokohan niya."

Inungusan niya ito para itago ang kaba na nararamdaman niya. Shit! Mas lalong hindi siya puwedeng umattend sa Masquerade ball na 'yon. May pina-plano na pala ang lalaking 'to. Pero naka-oo na siya sa ina nito.

"At naliligayahan ka sa isiping mahuhuli mo na ang babaeng 'to?" Tanong niya. Her hands are cold and slightly shaking.

"Oo." Ngumiti ng mala-demonyo si Aidan. "Kapag nahuli ko siya, malalaman niya kung ano ang kayang gawin ng lalaking pinaglololoko niya."

Napalunok siya. "A-Anong gagawin mo sa kanya?"

"Sa akin nalang 'yon." Sagot ni Aidan na nakangisi.

Pakiramdam niya ay hinalukay ang tiyan niya kaya naman mabilis siyang tumakbo patungo sa banyo at nagduwal siya sa lababo. Ito ang nangyayari sa kanya kapag sobrang nani-nerbiyos siya.

Natigilan siya sa pagduduwal ng maramdamang may humagod sa likod niya. Sumilip siya sa salamin na nasa harapan niya para alamin kung sino ang nasa likod niya. She saw Aidan and he looks... worried?

Imposible.

Ibinalik niya ang atensiyon sa lababo at ng maramdamang masusuka na naman siya, napahawak siya sa gilid ng lababo at nagduwal ng nagduwal. Wala namang lumalabas sa bibig niya maliban sa tubig.

"Buntis ka ba?"

Gemini went rigid. Kapagkuwan ay tumayo siya ng tuwid at walang buhay na tinitigan si Aidan. "Seriously? Nagduwal lang buntis kaagad? Sino naman ang bubuntis sa'kin? For your information, I am a virgin."

A satisfied smile crept into Aidan's lips. "That's good news." Tumaas ang kamay nito na may panyo at nakangiwing pinahiran ang bibig niya. "Gross."

Tinabig niya ang kamay nito at humarap ulit sa lababo. Nagmumog siya at lumabas ng banyo. Naramdaman niyang nakasunod sa kanya si Aidan kaya naman bigla siyang humarap dito dahilan parang magkadaiti ang mga katawan niya.

Malakas niya itong tinulak pero hindi man lang ito natinag. "Anong ba ang kailangan mo?" Singhal na tanong niya sa lalaki.

Itinaas ulit nito ang kamay na may hawak na panyo at tinuyo ang bibig niya na nabasa dahil sa pagmumog niya. "There. Puwede ka nang lumabas."

Hindi makapaniwalang napailing-iling siya at nagmamartsang lumabas sa opisina nito. Her heart was hammering inside her chest and she can't do anything to make it stop from beating in fast pace.

Ano ba ang mayroon ang Aidan na 'yon at kaya nitong pabilisan ang tibok ng puso niya?

A/N: Last update

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top