CHAPTER 5 — The Host
SA HALIP na hanapin ang babae na pinapahanap ng boss niyang uncle yata si Hitler, nanatili sa aparment niya si Gemini at humilata sa kama niya buong naghapon.
Pinuntahan lang niya ang organizer na pinapapuntahan ni Aidan baka malaman nito na hindi siya pumunta. Kinuha niya ang listahan ng mga inimbitahan sa Masquerade Ball at nang makita ang pangalan ng ina ni Aidan na isa sa mga imbitado, kaagad niyang itinago ang listahan.
Hindi puwedeng malaman ni Aidan na imbitado ang ina nito. At hindi nito puwedeng malaman na kilala rin niya ang host ng masquerade ball na 'yon.
Habang nakatingin sa kisame ng silid niya, hindi namalayan ni Gemini na nakatulog pala siya.
Nagising lang siya ng malakas na tumunog ang cell phone niya. Naiinis na kinapa niya ang cell phone na nasa gilid ng kama niya at sinagot ang tawag.
"Yes? Gemini Tejares, speaking." She grumbled.
"Nasaan ka?! Kanina pa kita tinatawagan pero hindi mo sinasagot! Tell me, Gemini, should i look for another competent secretary?!"
Napamulagat siya at biglang napaupo sa kama. "What? No. I'm sorry, boss—"
"Ano na ang nangyari sa pinapagawa ko sayo?" Putol nito sa iba pa niyang sasabihin.
Inilayo ni Gemini ang cell phone sa tainga niya at bumuga ng hangin para i-ready ang sarili na magsinungaling.
Gemini put the phone back over her ear. "Boss, pinuntahan ko po ang lahat ng imbitado na dalaga at tiningnan ko ang mga maskara nila, pero wala po talagang kaparehas sa maskara niyo." She lied flawlessly.
Napangiwi si Gemini ng marinig na malutong na nagmura si Aidan.
"Meet me in Délicieux Cuisine Restaurant, Thai Cuisine Floor." Utos ni Aidan. "Dalhin mo ang listahan ng mga inimbetahan."
Kinabahan siya bigla. "Ang listahan, boss? Ngayon na?"
"Yes. Hurry up. Huwag mo akong paghintayin." Anito at pinatay ang tawag.
Mabilis pa sa alas-kuwatro ang sumunod niyang kilos. Binuksan niya ang laptop at sobrang bilis na ini-encode ang list ng imbetado sa ball. Kinopa niya sa original list pero tinanggal niya ang pangalan ng ina ni Aidan at pinalitan iyon ng gawa-gawa niyang pangalan para magkasya sa isang daan ang listahan. Tapos pini-print niya kaagad.
Gemini take the fastest shower in the history of shower, she put a simple low waist denim jeans and a color lilac hanging blouse na kita ang makinis niyang puson, then she put on her contact lens.
Pagkalabas niya sa apartment, nagmamadali siyang pumara ng taxi at nagpahatid sa Délicieux Cuisine Restaurant. Fortunately, hindi umepal ang traffic kaya kaagad siyang nakarating sa kaniyang destinasyon.
She hurriedly went to Thai Cuisine Floor and there, she saw Aidan on the far corner table. Hindi maipinta ang mukha at mukhang mapapasabak na naman siya sa masama nitong ugali.
Nagmamadali siyang lumapit sa mesa nito. "Good evening. Sorry na late ako—"
"Who are you?"
Natigilan siya sa tanong na lumabas sa bibig nito habang titig na titig sa kanya.
Kinunotan niya ito ng nuo kapagkuwan. "Ahm, it's me, Gemini."
Hinagod siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa. Umawang ang labi nito pagkatapos siya nitong hagurin nang tingin nang ilang beses.
Napailing-iling ito at hinubad ang coat na suot pagkatapos ay tumayo at lumapit sa kanya.
Sinundan niya ang tingin ni Aidan ng makitang matalim ang mga mata nito habang nakatingin sa likuran niya. She saw a man who's giving her sexy back a lustful stare. May kasama itong babae pero hindi man lang ng lalaki alintana ang ka-date nito. Men!
"Bakit ba ganyan ang suot mo?" Pagalit na tanong ni Aidan at hinila siya paupo sa kaharap nitong upuan at ipinulupot sa kanya ang coat nito. "And where the hell is your eyeglasses?"
Mabilis siyang napahawak sa mga mata niya. "Shit!" Mapamura siya ng hindi makapa ang eyeglasses niya na wala naming grado. "Naiwan ko sa apartment sa sobra kong pagmamadali."
Nag-isang linya ang kilay nito. "At dahil ba sa sobra mong pagmamadali ay ang damit na yan ang naisuot mo? That's an immoral kind of clothing."
Bumaba ang tingin niya sa kaniyang suot na blouse na kita ang tiyan niya at ang makurba niyang beywang.
Ibinalik niya ang tingin kay Aidan na ngayon ay nakaupo na sa kaharap niyang silya. "Boss, hindi immoral ang suot ko. At saka nakita ko naman ang mga nakaka-date niyo na palaging pumupunta sa office. Mas malala pa nga ang mga suot nila."
Aidan's lips thinned. "Hindi ka nila kaparehas kaya huwag kang gumaya. Hindi 'yan bagay sayo."
She felt insulted. Tumikwas ang kilay niya dahil hindi na niya mapigilan ang inis na nararamdaman. "Boss, kung ang gusto mong iparating na hindi bagay sa akin ang mga pan-sexy na damit, save your breath. I can wear anything that i want—"
"That's not what i meant." He cut her off.
Naiinis na itinirik niya ang mga mata at malakas na inilapag ang listahan na kailangan nito sa ibabaw ng mesa. "Yan ang listahan ng mga imbetado, isaksak mo sa baga mo. At kung gusto mong maghanap ng bagong sekretarya. Go. Knock yourself out, Aidan." Hindi na boss ang tawag niya rito.
Napupuno na talaga siya sa ugali nito.
"You're bossy and so controlling!" Dagdag pa niya ng makitang nakatanga lang ito sa kanya. This is the first time that she raised her voice to tell him what she really feels. "You think you are the king of the freaking world. Well, think again. Hindi ka naman hari pero kung umakto ka para kang ewan. Heh! Magsama kayo ng masama mong ugali!"
Iniwan niya ito sa Restaurant at mabilis na pumara sa taxi at nagpahatid sa apartment niya.
Nang makarating siya sa pinto ng apartment niya, napakunot ang nuo niya ng makita doon ang Spaniard count na tsino-tutor-ran niya ng tagalog sa loob ng tatlong taon.
"Knight," nginitian niya ang binata. "Anong ginagawa mo rito?"
The Spaniard count smiled, making him more handsome that he already is. "Ahm, gusto kong mag bar hopping kaya lang wala akong kasama. My friends here in the Philippines are busy and you are the only one i know."
Napangiti siya ng marinig ang tagalog nito. Nice. Talagang natututo na ito sa lengguwahe nila. He's making progress. Nakakatuwa.
Nakilala niya ang binata sa isang site tutorials. Naghahanap ito ng Filipino na magtu-tutor rito at nag-apply siya. Naging palagay na ang loob niya rito sa halos tatlong taon na palagi silang nagkakausap sa Skype kapag gabi. And then six months ago, umuwi ang lalaki at nagpatayo ng mala-palasyong bahay sa Bachelor's Village. And from then on, they became good friends.
Binuksan niya ang pinto ng apartment at pinapasok si Knight sa loob.
"Pasensiya na kayo, kamahalan. Maliit lang ang tirahan ko." Tudyo niya. Alam niya kung gaano nito kinaiinisan ang titulong iyon.
Tumawa ng mahina ang lalaki. "Stop calling me that—"
Bigla siyang humarap sa lalaki dahilan para mapatigil ito sa pagsasalita. "Anong sabi ko sayo noon? Hindi ba, sinabi ko sayo na kapag kausap mo ako, pure tagalog? Naaalala mo?"
Napasimangot ito. "Yeah— i mean, oo, naaalala ko."
"Good." She grinned.
Humarap siya sa salamin na nasa sala at tinanggal ang contact lens niya.
"I don't understand—" hindi pinagpatuloy ni Knight ang sasabihin at tumikhim, "hindi ko maintindihan kung bakit tinatago mo iyang mga mata mo. Maganda naman e."
Nginitian lang niya si Knight at pinaupo ang binata sa pang-isahang sofa. "I don't want men knocking on my door step."
Hindi naman sa pagmamalaki pero kung mag-aayos lang siya tulad ngayong gabi, maraming magkakagusto sa kanya kasi hindi naman siya pahuhuli kung kagandahan ang pag-uusapan. May lahing kastila ang ina niya kaya doon niya nakuha ang taglay niyang ganda.
"Well, Mr. Velazquez," umupo siya sa kaharap nitong sofa. "Hindi ako mahilig lumabas at mag bar hopping kaya hindi kita masasamahan ngayon gabi. Wala akong alam na magandang bar e. Pasensiya na."
Knight sighed. "Is that so? Gusto ko pa naman ngayong uminom hanggang sa malasing ko."
Napailing-iling siya. "Mali ang sentence mo. Dapat 'hanggang sa malasing ako hindi ko'. Anyway, bakit ka naman maglalasing? Hindi mo pa rin ba nahahanap ang pinunta mo rito sa Pilipinas?"
Umiling ang lalaki. "Mahirap hanapin lalo na kung wala naman akong kaalam-alam maliban sa tinakas ng ina ko noon ang kapatid ko. I just hope na makita ko kaagad ang kapatid kong babae."
She smiled at Knight. "Mahahanap mo rin siya. Ikaw pa. Isa kang count."
Natawa ito ng mahina. "I hate that tittle so stop calling me that."
Humilig siya sa likod ng sofa. "I know. So, dahil hindi naman kita masasamahan mag bar hopping. What can i offer you? Drink? Food?"
Ngumiti na rin ang binata na nawalan ng emosyon ang mukha kanina. "Ahm, beer?"
She rolled her eyes. "Pasensiya wala akong beer."
"Bili tayo tapos inuman tayo." Suhestiyon nito.
"Balak mo talagang magpakalasing no?"
"Oo."
Napailing-iling siya. "Sorry, Knight, hindi ako puwedeng maglasing na kasama ka. Oo nga at wala naman tayong gagawing masama pero lalaki ka pa rin at babae ako. Ano nalang ang sasabihin ng makakakita sa'tin?"
"Yan ang gusto ko sayo e." Ani Knight na puno ng paghanga ang mga mata. "Alam mo kung paano alagaan ang sarili mo. That's good." Tumayo si Knight at nagpaalam sa kanya. "Well, i have to go."
"Ihahatid na kita." Aniya at pumayag naman ang binata.
Knight and her walk side by side. Hinatid niya si Knight hanggang sa nakaparada nitong Lamborghini sa labas ng apartment.
"Good night." Anang binata na nakangiti sa kanya.
She smiled back. "Night."
Knight gives her a friendly hug and went inside his very expensive car. Nang paharurotin nito palayo ang sasakyan, nahagip ng mata niya ang isang sasakyan. It's a Maserati. At nang tingnan niya ang plate number niyon, nasisiguro niyang pag-aari ni Aidan ang sasakyan.
Memorize niya ang lahat ng sasakyan at plate number ni Aidan dahil siya ang nagri-renew sa plate number nito sa LTO sa loob ng tatlong taon.
Hinintay niyang lapitan siya ng sasakyan pero hunarorot lang iyon paalis.
Gemini rolled her eyes and went back to her apartment. Nabu-buwesit talaga siya sa boss niya. Peste!
KINAUMAGAHAN, hindi pumasok si Gemini. Alam niyang pagkatapos ng mga pinagsasasabi niya kay Aidan sa Restaurant kagabi, sisante na siya. Kaya naman maghahanap na siya ng bagong trabaho.
But before she could find a new job, narinig niyang may kumatok sa pinto ng apartment niya.
Naglakad siya palapit sa pinto at binuksan iyon. Bahagyan siyang napamulagat ng makita niya si Aidan na nakatayo sa labas ng pinto ng apartment niya.
"Boss—i mean," tumikhim siya at tinaasan niya ito ng kilay, "Aidan. Anong ginawa mo rito?"
"Sinusundo kita. Halika na sa office."
Nagulat siya pero hindi niya iyon pinakita. "Pagkatapos ng mga sinabi ko sayo kagabi, pagta-trabahuin mo pa rin ako sa opisina mo?"
Tumango ito. "Yes. Kaya halika na."
Hindi naniniwalang tinitigan niya si Aidan. "Baka naman maghihigante ka lang at balak mo akong ipahiya sa opisina."
Aidan rolled his eyes. "Hindi ko gagawin 'yon." Anito. "Kaya nga sinusundo kita 'di'ba?"
Inungusan niya ang binata. "Ayoko nang nagtrabaho siya."
"Kung sinabi mo sa akin na noon pa pala ay naiirita ka na sa ugali ko, i could have adjusted my attitude for you."
Natawa siya. "Adjusted? Ano 'yon parang TV na puwede mong i-adjust ang volume?" Humalukipkip siya. "I quit."
A sinister smile crept on Aidan's lips. "Okay. Mag resign ka. Pero makakahanap ka ba kaagad ng trabaho? I don't think so. At sisiguraduhin kong puro negatibo ang ilalagay ko sa certification of employment mo."
Tumalim ang mga mata niya. "Gago ka talaga."
"Matagal na akong gago, Gemini. Alam mo 'yon." Humakbang ito palapit sa kanya kaya naman umatras siya sa kadahilanang parang binundol ng kakaibang kaba ang dibdib niya. "So, either you go back to the office with me or you would resign with a negative feedback from my company."
Pinukol niya ito ng matalim na tingin. "Ang sama talaga ng ugali mo."
Ngumisi ito. "Matagal na."
Masama ang loob na nilakihan niya ang pagkakabukas ng pinto ng apartment niya. "Pumasok ka. Maliligo pa ako kaya maghintay ka."
Parang pag-aari ng hinayupak ang apartment niya ng maglakad ito papasok sa loob. Gemini can't help but to roll her eyes at Aidan.
"Maghintay ka rito." Sabi niya ng makaupo ito sa sofa. "Maliligo at magbibihis pa ako."
Aidan shrugged and raked a hot stare over her body. "Hmm. Bagay sayo ang see through. 'Yan nalang kaya ang isuot mo, on second thought, huwag nalang."
Napamulagat siya at mabilis na napatingin sa damit niya. Napasinghap siya ng makitang naka see through nga siya na sleeveless at wala pa siyang suot na bra.
"Fuck!" She hissed and hurriedly went to her room.
Kahit nasa loob na siya ng silid niya, naririnig pa rin niya ang tawa ni Aidan. Fuck! Fuck! Fuck! Shit! Shit! Shit!
Nakakahiya talaga!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top