CHAPTER 4 - Frustration
CHAPTER 4 - Frustration
MAINIT ang ulo ni Aidan ng pumasok siya sa opisina kinabukasan. Mula nang iwan siya ng babaeng 'yon sa penthouse niya, hindi na ito nawala sa isip niya. Hanggang sa magising siya, ang babaeng 'yon pa rin ang laman ng isip niya. He doesn't know her name, he doesn't know where she lives and he doesn't fucking know if he will see her again or not.
That's what frustrates him the most!
"Good morning, Boss."
Napatigil siya sa paglalakad at bumaling sa pinanggalingan ng boses. It sounds so freaking familiar. Like that woman with mask— a pair of black eyes looked back at him. Fuck! It's just Gemini. And besides, that woman has amber eyes.
Nilampasan niya lang ang sekretarya niya at pumasok sa opisina niya.
Aidan was about to start working when Gemini enter his office. She was wearing a white polo paired with a pencil cut skirt up to her knee. Napatitig siya sa makurba nitong beywang. Napakurap-kurap siya ng maramdamang nabuhay ang pagkalalaki niya.
Marahas niyang ipinilig ang ulo at ibinalik ang atensiyon sa binabasa niyang papeles.
"Here's your coffee, boss." Anito.
Pinukol niya ng masamang tingin ang sekretarya niya. "Puwede ba, ibahin mo ang boses mo. Change it back to normal."
Kinunotan siya nito. "Boss, normal ko na pong boses 'to."
"Hindi 'yan ang normal mong boses." Giit niya. "That's the voice of that woman—fuck!" Naiinis na tinapon niya ang mga papeles sa sahig. That woman really owns his mind! Fuck this! "Out, Gemini!"
Walang salita na lumabas sa bibig ng sekretarya niya. Naglakad ito palabas ng opisina niya. His eyes trailed on his secretary's ass.
Aidan gulped. Fuck! Ano ba ang nangyayari sa'kin?
Bumuga siya ng hangin at pinulot ang mga papeles na itinapon niya sa sahig at ibinalik iyon sa mesa niya. Natigilan siya ng makita ang kape na tinimpla ni Gemini para sa kanya.
There's a post it note pinned on the cup and it says 'smile, boss'. Napatitig siya sa post it note at parang gumaan ang pakiramdaman niya. Medyo nabawasan din ang pagkainis niya.
Napailing-iling nalang siya at ininom ang kape.
'Smile, boss.'
Aidan sighed. Pati ba naman ang simpling mensahe ng sekretarya niya, magkakampo sa isip niya?
Aidan blew a loud breath and leaned back on his swivel chair. Ang aga-aga, masama na ang mood niya. Ang babaeng 'yon ang dapat niyang pasalamatan sa pagkasira ng umaga niya. Fuck that woman! I'm going to find you, Lady Masquerade and I'm going to get my sweet fucking revenge!
NAPATITIG si Gemini sa screen ng cell phone niya ng marinig na tumunog iyon. The caller is Aidan's mother. Mabilis niyang sinagot ang tawag.
"Good morning po, Tita." Bati niya sa ginang.
"Good morning din sa'yo, hija." Sabi nito na may bahid na ngiti ang boses. "Kumusta si Aidan?"
Nagpakawala siya ng isang buntong-hininga. "Mainit ang ulo niya, Tita. At pinapaiba niya ang boses ko." Gemini chuckled at that. "Nakakatawa lang kasi hindi man lang niya naisip na ako 'yong babae kagabi."
"Mas mabuti ngang hindi niya maisip na ikaw at si Lady Masquerade ay iisa." Ani ng ginang. "Ayoko pang malaman niya. May plano pa ako sa kanya."
Bigla siyang kinabahan sa narinig. "Ano hong plano?" Sana naman hindi siya kasali sa planong 'yon.
The woman giggled. "You, my dear, Gemini, will make my playboy son, Aidan, fall deeply and madly in love with you."
Halos mahulog ang panga niya sa narinig. "Ho?!"
"Kaya mo yan, hija. Maganda ka naman e. Tinatago mo lang."
Gemini was hyperventilating. "Tita, baka sobra na po ang ginagawa na'tin. I have nothing against my Boss, Aidan, kaya naman hindi ko yata magagawa ang gusto niyong ipagawa sa'kin—"
"Oh, silly girl." Sansala nito sa iba pa niyang sasabihin. "You can do it. May tiwala ako sa'yo. Wala rin naman akong galit sa anak ko. Gusto ko lang siyang matutong maging responsabli pagdating sa mga babae. I saw many women cry because of my son, kaya ginagawa ko 'to. I just want him to know love and experience it."
"Isang huwad na pag-ibig ang mararanasan niya." Aniya sa malungkot na boses.
"Please, Gemini," Aidan's mother is now begging. "Please, pagbigyan mo ang gusto ko. In return, tutubusin ko ang rancho niya sa Cebu at hindi na kita sisingilin pa. Please, just do this for me."
Gemini sighed heavily. "Tita," napailing-iling siya, "what could you possibly gain by doing this to your son."
"Gemini, I am a mother. Ang gusto ko lang naman ay maging masaya ang anak ko. And mother knows best, alam ko kung ano ang makabubuti para sa anak ko."
"At ito 'yon?"
"I have a plan, Gemini, and we have a deal. Just do your end of the deal."
Tumango siya na parang nasa harapan lang niya ang kausap. "Okay po. Pero huli na 'to. I'll be lady masquerade and I will make him fall for me, after this babalik na ako sa Cebu para ayusin ang Rancho namin."
Bumuntong-hininga ang nasa kabilang linya. "Salamat, hija."
Nang mawala ang ginang sa kabilang linya, humugot ng isang malalim na buntong hininga si Gemini at tumingin sa pinto ng opisina ni Aidan. Ayaw niya pero kailangan niyang gawin para mabawi ang Rancho ng pamilya niya. Iyon na lang ang natitirang ari-arian na pag-aari nila at gusto niyang maibalik iyon sa kamay nila.
Kaya lang naman nila iyon naisangla dahil nagkasakit ang ina niya ng cancer pero nawala rin naman ito.
Maraming tao ang nagsasabi na sayang daw ang perang ginastos nila, pero para sa kanila, hindi iyon sayang. Dahil nakasama pa nila ng matagal-tagal ang mommy niya at sapat na iyon na kapalit sa pera na ginastos nila.
Tumingin siya sa polo na suot. Naiiling na binuksan niya ang dalawang butones para makita ang cleavage niya.
Ayos lang kagabi na maghubad siya sa harap ni Aidan dahil may maskara naman siyang suot, pero ngayon?
Hindi makapaniwalang umiling-iling siya at humarap sa monitor ng computer niya at nagtanong kay Google kung paano mang-akit ng lalaki. Lots of articles and blogs about 'how seduce a man' came out. Pero isa lang ang nakakuha sa atensiyon niya.
'Seducing a man is easy, but seducing a man's heart is very hard. I, myself, have already seduced a man into loving me. And here are the steps that guide me to the loving arms of my beloved husband.
Step 1: Don't come on too strong. Be smooth. Be confident. Be sexy. Give him a vibe that says 'I'm interested to give you a blow job but I'm too good for you to do that'. Play hard to get. Learn the different kinds of smile that will make him think of you while he is lying in his bed alone at night. Remember, always be yourself. Men like women who are natural and fun to be with. Be that woman and if this works, visit my blog again and read step 2.
Babasahin sana niya ang step 2 ng tumunog ang intercom at narinig niya ang boses ni Aidan mula roon.
"Gemini, come to my office. Now!"
She rolled her eyes. Aidan barked orders like he owns the freaking world. Tama nga siguro ang ina nito, kailangan nitong matuto ng leksiyon. At siya ang magtuturo rito niyon.
Inayos niya ang pagkakabukas ng butones ng polo niya para makita ang cleavage niya bago pumasok sa opisina ni Aidan. Napasukan niya ang binata na halos mag-isang linya na ang kilay nito habang nakatingin sa kawalan at mukhang nakikipag-komprehensiya sa hangin.
Mukhang hindi talaga nito matanggap na tinakbuhan niya ito kagabi. Buti nga sa'yo!
"Yes, boss?" Siniguro niyang ang ginamit niyang boses ay ang boses niya kagabi.
Aidan turned to her; shock is written is his face. "Magsalita ka ulit."
Kinunotan niya ito ng nuo para sabihing naguguluhan siya sa inaakto nito. "Okay lang kayo, boss?"
Umiling-iling ito at nag iwas ng tingin. "I met a woman last night in the masquerade ball."
"Let me guess, boss. Iniwan ka niya o hindi ka niya gusto?"
Nagtagis ang bagang nito. "She played me and I was a fool to believe her." Kumuyom ang kamao nito. "Alam mo bang magkaboses kayo? But the eyes..." ibinalik nito ang tingin sa mga mata niya. "Magkaiba kayo ng mata. Your eyes are plain black, but hers were amber and they glisten like beautiful stars in night sky. Her eyes were captivating and I was enthralled."
Napatitig siya sa mga mata ni Aidan. This man really saw the real her last night. Mas contact lens siya ngayon, kagabi ay pinatanggal iyon ng ina nito para raw hindi siya makilala ni Aidan. At mukhang tama ang ginang.
Aidan chuckled and shook his head. "Gemini, tinawagan ko na ang organizer ng masquerade ball kagabi. Puntahan mo siya ngayon din." May ibinigay itong address sa kanya. "Go and find the woman who has the same mask as this." May inilapag itong maskara na kaparehang-kapareha ng suot niya kagabi. "Huwang kang babalik dito hangga't wala kang nahahanap na impormasyon na magututuro kong nasaan ang babaeng 'yon."
Tumango siya at mabilis na kinuha ang maskara. She was about to left Aidan's office when Aidan spoke again.
"And Gemini?"
Mabilis siyang humarap sa binata. "Yes, boss?"
Tinuro nito ang taas na parte ng dibdib niya. "Ibalik mo sa pagkakabutones iyang polo mo. Nakakairitang tingnan."
Dumako ang mata niya sa nakabukas na butones ng polo niya at ibinalik ang tingin sa binata. "Bakit naman? I thought men digs women who has great boobs and I have one, actually, I have two great boobs—"
Napatigil siya sa pagsasalita ng tumayo si Aidan mula sa pagkakaupo nito sa swivel chair at naglakad palapit sa kanya. Tumigil ang paghinga niya ng ibinutones nito ang polo niya at matiim na tumingin sa kanya.
"You don't deserve to be treated like those women whom guys like to fool around." Anito na nagpabilis ng pintig ng puso niya. "Isa kang matinong babae kaya umakto ka ng matino."
Pagkasabi niyon ay bumalik ito sa pagkakaupo sa swivel chair nito. "Umalis ka na."
Natauhan siya ng marinig ulit ang boses ng binata at nagmamadaling lumabas ng opisina nito.
Kinapa niya ang dibdib kung nasaan ang puso niya na mabilis at malakas pa rin ang tahip. Para siyang kinakapos ng hininga kaya hindi muna siya gumalaw at nanatili ang kamay sa puso niya.
"Shit! Anong nangyari sa'kin?" Tanong niya sa sarili nang makabawi sa nangyari sa loob ng opisina ni Aidan.
Biglang bumukas ang pinto ng opisina ni Aidan at kumunot ang nuo nito ng makita siyang parang wala sa sariling nakatayo.
"Gemini?" Pukaw nito sa kanya.
"Boss?"
"Okay ka lang? Para kang tanga riyan na nakatayo."
Napakurap-kurap siya at marahang napailing-iling. "Okay lang ako, boss."
Mas lalong kumunot ang nuo nito. "Are you sure?"
Tumango siya at tumalikod sa binata. "Yes, boss."
Mabilis siyang naglakad papasok sa restroom na siya lang ang gumagamit at doon hinamig ang sarili.
NAPAPANTASTIKUHANG tumingin si Aidan sa papalayong likod ng sekretarya niya. Nahihiwagaan talaga siya sa inaakto nito. Pero hindi hiwaga ang naramdaman niya kanina ng makita niyang bukas ang butones ng polo nito at para talagang gusto nitong ipakita sa mga kalalakihan ang dibdib nito.
That irritated him. Hindi siya sanay na ganoon ito.
Naka-sandal siya sa hamba ng pintuan ng opisina niya ng lumabas si Gemini sa restroom. Bumadha ang gulat sa mukha nito ng makasalubong ang mga mata nila.
"Okay ka lang ba talaga?" Tanong niya na may halong pag-aalala.
Gemini is a great secretary. She's very efficient and effective and he doesn't want to fire her because she's good at what she does. Pero kapag nagpatuloy ito na parang wala sa sarili palagi, mukhang kakailanganin niyang maghanap ng bagong sekretarya.
Tumukhim ito at nakita niya ang pagkawala ng emosyon sa mukha nito. "Okay lang ako, boss."
Her secretary famous stoic face is back. Yehey!
"Great." Tinuro niya ang pinto ng elevator. "Go and do what I told you to do."
Tumango ito at kinuha muna ang shoulder bag bago pumasok sa elevator.
Bumalik siya sa opisina niya at kinuha ang cell phone pagkatapos ay tinawagan ang ina niya. Ang mga maskara na pinagbibili ng ina niya sa boutique nito ay personal nitong ginawa. Kung ang babaeng iyon ay sa boutique nang ina niya bumili, malalaman din siya kung sino siya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top