CHAPTER 2 - Amber Eyes

 CHAPTER 2 - Amber Eyes

INAYOS ni Aidan ang pagkaka-butones ng suit niya bago pumasok sa bahay ni Don Knight Velazquez. Speaking of which, nasa pintuan ang lalaki at nakikipagkamay sa mga bisitang dumarating.

The house was freaking huge. Para iyong palasyo at talagang napakaganda ng pagkakagawa. Well, Knight is an Architect so he must be the one who designed it.

Naririnig niya ang malamyos na musika na nanggagaling sa loob ng bahay. Lahat ng lalaki na nakikita niya at nakasuot ng suit samantalang ang mga babae naman ay iba't-ibang klase ng gown ang suot. Mayroong modern looking gown, mayroon namang Victorian inspired gown at mayroon ding princess inspired gown. Syempre, lahat ng tao roon ay nakasuot ng maskara maliban kay Knight.

Nang makarating siya sa pinto, nginitian niya ang lalaki. "Hello, your majesty." Aniya at bahagyang itinungo ang ulo. "Thanks for the invitation."

Count Knight smiled. "Your voice sounds familiar. Take off your mask, para makilala kita."

Tumaas ang dalawa niyang kilay ng marinig itong nagtagalog. Knight Velazquez is a Spaniard count. Hindi niya akalain na marunong itong magtagalog, pero medyo matigas ang bigkas bito sa mga salita. May tuno rin ang pagsasalita nito ng Tagalog. But nevertheless, he knew how to speak Tagalog.

Tinanggal niya ang maskara at nakipag-kamay sa lalaki. "It's me, Aidan."

Ngumisi si Knight ng makita ang mukha niya. "Well, hell, how are you my man?" Tanong nito.

They go long way back. Nakilala niya ang lalaki sa Stanford habang nag-aaral siya roon. He was taking up Operational Management while Knight was taking up Architecture. Magkatabi sila ng condo kaya naging ka-close niya ito. This man is so down to earth, saka lang niya nalaman na isa pala itong royalty sa Spain ng imbitahan siya nitong magbakasyon sa Barcelona, sa palasyo na pag-aari ng pamilya nito.

"I heard that you're getting married to a Tschauder heiress." Aniya. "Valerian Volkzki told me."

Umingos ito ng marinig ang pangalan ni Valerian. "That man and his history issues. I didn't even know why we became friends."

Mahina siyang tumawa. "Is he here?"

"Yeah." Ngumisi ito. Alam nila pareho kung gaano kagalit si Valerian sa lahat ng konektado sa Spain at Japan. And Aidan knew that Valerian would not set his foot in this Spanish palacio inspired house. "He owes me. I back out on my wedding because he called me to cancel it. A friend of his is in love with my bride so, yeah."

Napatango-tango siya. "Umatake na naman pala ang pagiging friendly mo."

Knight chuckled. Hindi niya akalain na maiintindihan nito ang sinabi niya.

"Don't be shock, mi amigo." Anito ng makita ang gulat sa mukha niya. "I now understand Tagalog. I've been studying for three years."

He rolled his eyes. "Whatever, man." Tinapik niya ang balikat nito. "Sige, pasok na ako."

"Maging maganda ang gabi mo." Anito.

Aidan laughed. "Dude, kulang ng sana ang sentence mo. Dapat maging maganda sana ang gabi mo."

Tumawa lang ang lalaki at siya naman ay tuluyan nang pumasok sa bahay.

Aidan was welcomed with beautiful scenery. The living room is very huge. It's like a huge hall full of people with masks. He is used of expensive things, pero ang mga dekorasyon sa bahay na ito ay talagang nakakalula. Well, Knight Velazquez is a freaking count.

Isinuot niyang muli ang maskara at naglakad patungo sa bar na naroon. He ordered one glass of vodka.

Habang iniinom ang vodka, may tumapik sa balikat niya. Nang lingunin niya kung sino iyon, nakita niya si Valerian. Wala itong maskara na suot kaya naman kaagad niya itong nakilala.

"Hey, Aidan." Anito at umupo sa stool na katabi niya.

"Hey. Paano mo nalaman na ako 'to?" Nagtatakang tanong niya.

"I saw you talking to Knight." Sabi nito at ipinalibot ang paningin sa kabuonan ng bahay. "This house creep me out." Anito at umaktong nanginginig ang katawan. "I hate everything that has to do with Spain and Japan. Fuck it! Kung wala akong utang na loob sa lalaking 'yon, nunkang papasok ako sa bahay na 'to."

Natawa nalang siya sa sinabi nito at ininom ang vodka.

"Good evening, Ladies and Gentlemen."

Sabay silang napatingin ni Valerian sa direksiyon ng pinggalingan ng boses. Si Knight ang nagsasalita at naroon ito sa may hagdan habang may hawak na microphone.

"Knight is so creepy." Komento si Valerian na ikinatawa niya.

"Sinasabi mo lang 'yon kasi ayaw mo sa mga espanyol." Aniya.

Valerian snorted. "Creepy talaga si Knight. Ngumiti lang iyan kapag kilala ang kausap pero kapag hindi, parang batong walang emosyon ang mukha. That's what makes him creepy."

Napailing-iling nalang siya. Valerian Volkzki is one of his close friends. Sa Stanford din ito nag-aral at katabi lang ng condo nila ni Knight. Naging mag kaibigan ang dalawa dahil hindi alam ni Valerian na taga-Spain si Knight. Nang malaman nito, hayon, kung makaiwas, parang may nakakahawang sakit si Knight.

Tinatawanan nalang niya ang pagka-disgusto nito sa Spain at Japan.

"This masquerade ball is for street children's. A friend of mine, Mr. Shun Kim, is the founder of this street children charity. We need funds to help those in need. I hope you can donate." Ngumiti ito. "Please, enjoy the party. If you have donations and such, lumapit nalang kayo kay Miss Guzman." Tinuro nito ang babae na nasa baba ng hagdan at walang suot na maskara. "Give your donation to her. Gracias, everyone. Maraming salamat."

Umingos si Valerian. "Tss! Annoying."

Natawa siya sa sinabi nito. "Valerian, rein your annoyance, please." Tumayo siya at tinapik ang balikat nito. "Mag-donate ka nalang."

Hindi maipinta ang mukha ni Valerian habang naglalakad sila patungo sa table kung saan naroon ang nangongolekta ng donation.

May dalawang babae na naroon sa mesa. Alam niyang si Miss Guzman ang isa dahil wala itong suot na maskara. Ang isa naman ay may suot na maskara at nakatungo ito.

Si Valerian ang inasikaso ni Miss Guzman kaya naman sa isang babae siya lumapit.

Tinaggal niya ang maskara na suot. "I will donate two million." Aniya.

Mabilis na nag-angat ng tingin ang babae na may mahaba at kulot na buhok at parang kinapos siya ng hininga at tumigil ang pag-ikot ng mundo ng magtama ang mga mata nila ng babae.

Her amber eyes were magnetic and entrancing. Kahit natatakpan ang kalahati ng mukha nito, alam niyang maganda ang taglay nitong mukha. Nang bumaba ang mga mata niya sa mapupula nitong labi, nanuyo ang lalamunan niya. Gusto niyang dumukwang at halikan ang nakakaakit nitong mga labi pero hindi niya magawa kasi ngumiti ang babae at kumislap ang kasiyahan sa mga mata nito at para siyang pinako sa kinatatayuan.

Her smile took his breath away. Hindi niya matanggal ang mga mata niya sa babae. At hindi siya tanga para hindi malaman kung ano ang tawag sa nararamdaman niya sa mga sandaling 'yon. Palaging bukang bibig ng ina niya kung ano ang mararamdaman niya kapag nakita niya ang babaeng para raw sa kanya. And those feelings are now residing in every fiber of his being.

And his heart ... fuck it! His heart is beating erratically.

At ngayon lang niya napansin na pareho sila ng maskara na suot.

"Two million ang ido-donate mo?" Gulat na wika ng babae.

Damn! That voice sounds familiar. It couldn't be. It sounds angelic and enticing. Kung may nakilala siyang ganoon ang boses, sigurado siyang maalala niya.

Tumikhim siya. "Make it three million."

The woman's smile widens. "Talaga? Wow. Thank you." She beamed at him.

Inilapag niya ang blank check na dala sa mesa at sinulatan niya iyon ng three million sa amount at pinermahan pagkatapos ay inabot sa babae.

"Thank you, Mr. Navarro."

Natigilan siya at bahagyang nanlaki ang mga mata niya. "Kilala mo ako?"

Tumango ito. "Who wouldn't know the owner of Navarro's Empire?" Balik tanong nito at inabot ang cheke kay Miss Guzman pagakatapos ay ibinalik nito ang mga mata sa kanya. "Salamat ng marami, Mr. Navarro."

"Don't mention it."

Tumayo siya at humakbang palayo rito para ang kasunod naman niya sa pila ang mag-donate. Bumalik siya sa bar at umorder ng isang basong vodka.

As Aidan drink his vodka in the bar, his eyes were trained on the beautiful woman who is wearing the same mask as him. It's too much of a coincidence that they are wearing the same mask. Way too much.

"Baka matunaw niya."

Natigilan siya at tumingin kay Knight na nagsalita sa likod niya. "Anong sabi mo?"

"Baka matunaw niya." Ulit nito sa sinabi.

Kumunot ang nuo niya. "Ano ang matutunaw niya? Sinong niya?"

Knight grunted. "I mean, you keep on staring at the woman. She might melt under your gaze."

Napatango-tango siya ng lubusang maintindihan ang unang sinabi nito. "Dapat ang sabihin mo 'baka matunaw siya' hindi 'baka matumaw niya'. Mali ang sentence mo."

Tumawa si Valerian na nasa tabi niya. "Aidan, tell that Spanish count na kahit anong gawin niya, hindi siya matuto sa lengguwahe natin." Valerian said while smirking. 

Tumingin siya kay Knight. "You heard him."

Napailing-iling ito. "Aidan, do tell that history freak that i can understand Filipino language very well." 

Siya naman ngayon ang napailing-iling at iniwan ang dalawa na parang mga bata na nagbabangayan.

Nilapitan niya ang babae na kumuha sa atensiyon niya. Wala na itong ginagawa. The woman is now holding a wine glass as she looked at his direction.

"Hi." Bati niya rito habang may matamis na ngiti sa mga labi niya.

She instantly smiled. "Hello, Mr. Navarro."

His heart flipped at her smile.

"Kilala mo ako, pero hindi kita kilala." Hinawakan niya ang kamay nito at hinalikan ang likod ng palad. "Mind if i ask you your name?"

The woman chuckled, enticing him more. "Aww. Gusto mong malaman ang pangalan ko?" Tumawa ito na parang nang-aakit. "Pasensiya na, Mr. Navarro, but my name is for me to keep. It's very confidential."

He felt irritated. "Why?"

Tumawa na naman ang babae. "I see, mukhang nairita ka sa sagot ko." Inagaw nito ang kamay na hawak niya at inilapit nito ang katawan sa katawan niya dahilan para mabuhay ang parteng iyon ng katawan niya. "You see, Mr. Navarro, you can't get everything that you want and that includes my name."

Hinalikan siya nito sa gilid ng labi at mariin niyang ipinikit ang mata para pigilan ang sarili na atakihin ang babae gamit ang mga labi siya.

Akmang lalampasan siya ng babae kaya naman pinigilan niya ito sa pamamagitan ng pagpulupot sa braso niya sa makurba nitong beywang.

"I want to dance with you." Aniya na pabulong pero sapat na para marinig iyon ng babae.

The woman giggled. "Paano kung ayoko?"

Is she playing with me? Tanong niya sa sarili habang nararamdaman niya ang kamay nito na humahaplos sa matitipuno niyang dibdib at braso.

"I know you want to." His voice sounds confident.

Aidan can see it in the glint of the woman's eyes. Pinaglalaruan siya nito at nakikita niyang nasisiyahan ito.

The woman giggled again. "I would like to dance with you but..." tumingin ito kay Valerian, "mas gusto ko siya kesa sayo."

Nagdilim ang mukha niya at tumalim ang mga mata niya. "No." Humigpit pa lalo ang pagkakayapos niya sa beywang nito. "Ano ba ang gusto mo para lang makipagsayaw ka sa'kin?"

The woman stilled and then grins afterwards. "Magdagdag ka ng dalawang milyon sa charity. Then I'll dance with you."

Binitiwan niya ang babae at inilabas ang pitaka niya mula sa bulsa at kinuha roon ang blank check. Aidan gripped the woman's wrist and pulled her towards the table where Miss Guzman is there, sitting and waiting for someone to donate.

Aidan picks up the ball pen lying on the table and signs the check. Pagkatapos ay iniabot niya ang check sa babae. "Here. A blank check. Put any amount that you desire."

Umawang ang labi ng babae. "What?"

He snaked his arms around the woman. "Now ... let's dance."

Nakahinga siya ng maluwang nang magpagiya ang babae sa dance floor. Nang yumapos siya sa beywang nito, nanatili itong nakatayo at nakatitig sa kanya.

Naiinis na hinawakan niya ang braso nito at inilagay iyon sa balikat niya. "There. Much better."

Napakurap-kurap ito at yumakap sa leeg niya kapagkuwan at ihinilig ang ulo sa balikat niya.

Damn it! Aidan can feel her body pressed against his and that made him burn. Nararamdaman niya ang unti-unting pagkabuhay ng pagkalalaki niya.

"Bakit mo ginawa 'yon?" Tanong nito sa seryusong boses. "Binibiro lang naman kita."

Mas hinigpitan pa niya ang pagkakayapos sa babae. "If that's the only way for you to dance with me, then i will pay any amount."

Mahina itong tumawa. "Ganito ka ba talaga kapag may gustong kang makuha?"

Aidan gives the woman a side way glance. "Sinong may sabing gusto kita?"

The woman smirked at him. "Mr. Navarro, hindi ka maglalabas ng ganoong pera para lang sa wala. And i can see desire in your eyes. Hindi naman ako bulag para hindi makita kung paano hagurin ng mga mata mo ang katawan ko."

Aidan smirked and let the woman see the hunger and need in his eyes. "Yes, i want you, my lady. Don't you want me?" Parang nababahalang tanong niya sa babae

Ayaw niyang marinig mula sa mga labi nito na hindi siya nito gusto. That would make him angry for sure.

Ngumiti ang babae at inilapat ang labi sa mga labi niyang bahagyang nakaawang. Her taste exploded in his mouth. Napakasarap ng lasa ng labi nito. Nang ipasok nito ang dila sa loob ng bibig niya, he gripped her waist and deepened the kiss but the woman pulled away.

"What the—"

Tinangay nang hangin ang sasabihin niya ng lumapat ang daliri nito sa labi niya. The woman wiped off something from the corner of his lips.

"Sorry. You have a lipstick smudge on your lips. Pasensiya na." Wika nito habang mapupungay ang mata na nakatitig sa mga mata niya. "Ayoko nang sumayaw. Upo na tayo."

Tumango siya at hinayaan ang babae na hilahin siya pa-upo sa pang-isahang sofa. At dahil hindi naman sila kasya, sa hita niya ito umupo.

Alam niyang naramdaman nito ang matigas niyang pagkalalaki dahil nakita niyang natigilan ito at napatitig sa kanya.

"Sorry." Aniya at pilit na pinipigil ang ngiti sa mga labi.

"No. You are not sorry." She countered.

Nginitian niya ito at hinawakan ang kamay pagkatapos ay hinalikan ang likod niyon habang matiim na nakatingin sa babaeng naka-maskara.

"Can you please take off your mask?" He requested.

Gusto niyang makita ang mukha nito. Aidan will bet his life that she is stunning. Kung sana ang mata lang nito ang natatakpan, makikilala niya ang babae. But no, halos kalahati ng mukha nito ay natatakpan ng maskara.

Only her eyes and lips are on show, but still, his heart thundered inside his chest. And the feeling is new to him. Very new.

Pinaglandas nito ang daliri sa gilid ng maskara na suot nito at umiling-iling. "Sorry, Mr. Navarro. I can't. This is a masquerade ball, kaya dapat lang na naka-maskara ako."

Frustration bubbled inside him. "Take it off and call me Aidan."

Umiling ang babae. "Ayokong tanggalin, Aidan. I choose not to remove my mask." Pagkasabi niyon ay ngumiti ito ng nakakaakit. "Kapag tinanggal ko ang maskara ko, makikilala mo ako. Where's the fun in that?"

Nagsalubong ang kilay niya. "Kung ayaw mong tanggalin ang maskara mo, sabihin mo nalang sa'kin ang pangalan mo."

Inilapit nito ang labi sa tainga niya, "This is a masquerade ball and I am a lady. So just call me, Lady Masquerade."

Just like the song?

Aidan looked at the woman funny. "Are you kidding me?"

Umiling ito at hinalikan ang leeg niya. "Hindi ako nagbibiro, Aidan. Ayoko talagang makilala mo ako o makita mo ang mukha ko. I don't want you to see me. I once read a quote and it says 'people lie and hide all the time, but give them a mask, and they will tell you the truth'. You see, Aidan, I'm wearing a mask for a reason. Inaamin ko na pumunta ako sa Masquerade ball na ito para sa'yo Aidan, kaya please lang, pagbigyan mo naman ako na makasama ka ngayong gabi. Just you and me, Aidan."

Hindi siya makapaniwala sa sinabi nito. The woman whom he desire is here for him? Anong klaseng suwerte ang mayroon siya ngayong gabi?

"Just you and me?" Ulit niya sa sinabi nito.

The woman kissed the back of his ear. "Yeah. Ikaw at ako lang. Ngayong gabi."

"Kung ako ang pinunta mo rito, bakit pinaglalaruan mo ako kanina?"

"I was testing you." Anito at mahinang tumawa. "Gusto kong malaman kung gusto mo rin ako kaya ginawa ko 'yun."

Tumitig siya sa mga mata nito na may kakaibang kislap. "I want you, my lady. I desire you. Una palang na nagtama ang mga mata natin kanina, alam ko na kaagad na gusto kita." Inilahad niya ang kamay dito. "Take my hand, Lady Masquerade. And I'll take you to my home where I plan to devour every inch of you."

The woman gulped at the intensity of his stare. Her amber eyes matched the desire in his eyes. Her breathing ragged and Aidan knew that the woman wants him too.

Tinanggap nito ang nakalahad niyang kamay at sabay silang tumayo.

Magkahawak-kamay silang lumabas sa mala-palasyong bahay ni Knight at sumakay sa Lamborghini niya. Hindi niya hahayaang matapos ang gabing ito na hindi niya makita ang mukha ng babae. Aidan plans on keeping the woman who makes his heart hammered inside his chest and when he plans something, he won't stop until it happens.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top