CHAPTER 15 - Confession and Kiss
CHAPTER 15 - Confession and Kiss
MAAGANG pumasok si Gemini sa opisina. Wala pa roon ang lasing niyang boss kaya naman inayos niya ang mesa nito bago siya nag umpisang magtrabaho! Buti nalang at wala siyang masyadong ka close sa opisina kaya walang nagtatanong kung bakit siya nawala ng isang buwan pero nasisiguro niyang siya ang headline ng mga tsismosa.
It was past nine and Gemini was busy accepting calls and such when the elevator popped open and Aidan steps out.
Their eyes met and she quickly looked away when her heart started to beat erratically. Iba talaga ang epekto ni Aidan sa puso niya.
"Good morning." Bati ni Aidan sa kaniya at tumigil ito sa harapan ng mesa niya.
She looked up and forced a smile. "G-Good morning."
"Salamat pala kagabi." Ani Aidan na nakatayo pa rin sa harapan niya. "I was so drunk and—"
"It's okay. You are my boss and it's my job."
Aidan's expression grimed and quickly walks to his private office. Gemini knew that she blew him off pero wala siyang pakialam. Ayaw na niyang dagdagan ang sakit sa puso niya. Kung hindi siya nito gusto. Okay. Hindi. But she wouldn't put a salt on her wounded heart just to make her boss happy.
Dapat sarili muna niya ang unahin bago ang iba. Pero hahayaan kaya siya ng hibang niyang puso na tumitibok para kay Aidan? Sana naman... dahil ayaw na niyang masaktan. Nakakapagod ang masakta... nakakapagod ang umiyak at maawa sa sarili niya.
Habang nagta-trabaho siya, biglang may dumating na delivery boy at may dala itong bulaklak.
"Dito po ba ang opisina ni Gemini Tejares?" Tanong ng delivery boy.
Gemini frowned as she pointed herself. "Ako 'yon. Bakit?"
Lumapit sa kaniya ang lalaki at inilagay sa ibabaw ng mesa niya ang bulaklak. "May nagpapabigay po sa inyo." Pagkasabi no'n ay umalis ito kaagad.
Dinampot niya ang bulaklak at inamoy-amoy iyon. Then her eyes settled on the lollipop lying in between the flowers with a note.
She smiled. Parang alam na niya kung kanino ito galing. Kinuha niya ang lollipop at binasa ang note na naroon.
My gem,
Smile as you read this note. Sigaruduhin mong nakikita ng boss mo ang bulaklak na binigay ko para magselos siya. Anyway, here's a lollipop to sweeten your day. At susunduin kita mamaya. Tingnan natin kung hindi pa magselos ang boss mo.
Your good friend, Reigo.
Napailing-iling siya sa laman ng note nito. Talagang si-seryusohin nito ang planong pagselosin si Aidan? Para namang magseselos ang binata. He only needs her because she's a good secretary. And it hurts. Pero wala siyang karapatang masaktan kasi siya ang unang nanakit at nanloko.
Maybe this is her karma.
"Kanino nanggaling ang bulaklak na iyan?" Anang boses ni Aidan na nagpaigtad sa kaniya.
Mabilis siyang tumingin sa pinanggalingan ng boses ng binata. And there he is, standing and leaning on his office door frame while he looked at the flower with dark expression on his face.
"Who sent the flower?" Aidan asked again.
Tumungo ang tingin niya sa bulaklak at saka bumalik ang tingin niya kay Aidan.
"From Reigo." She chuckled. "Flowers with lollipop."
Naglakad palapit sa kaniya si Aidan at dinampot ang bulaklak na bigay ni Reigo saka sinuri iyon na para bang isa itong Doctor at may dalang virus ang bulaklak.
"So this flower could put a smile on your face?" Kapagkuwan ay tanong nito saka inilapag ang bulaklak sa ibabaw ng mesa niya at tiningnan siya ng matiim. "Nagsabi ka sana at hindi lang isang bouquet ang ibibigay kong bulaklak sayo."
She's pissed off. "Boss, it's not about the quantity of the flower, nasa nagbibigay iyon, kung kusa ba o napipilitan lang."
Titig na titig sa kaniya si Aidan. "Kailan pa naging kayo ng Reigo na 'yon?"
Hindi siya sumagot dahil ayaw niyang magsinungaling dito. She didnt want to lie to him. Hindi naman kasi sila ni Reigo. Pero sinabi ni Reigo na sila para pagselosin ito and in the back of her mind, she hoped that Aidan would get jealous. Pero mukhang imposibleng mangyari 'yon. Aidan's heart wouldn't beat for her same as her heart beats for him.
"Isang buwan ka lang nawala, may boyfriend ka na kaagad." Wika ni Aidan ng hindi siya nagsalita. "Ganoon ba ako kadaling palitan, Gemini?"
Napatitig siya sa binata sa tanong nito. "A-Ano?"
Itinukod nito ang mga kamay sa ibabaw ng mesa niya at inilapit ang mukha sa mukha niya. Their faces are now inch away. Naamoy niya ang mabango nitong hininga na nagpapatuliro sa puso niya.
"Ganoon ba kadaling palitan ako?" Tanong ng binata.
Gemini pressed her lips together. She didn't want to talk. Because if she did, Gemini is sure as hell that she will blurt out her feeling for him. Ayaw niyang magmukhang tanga sa harapan nito. Kaya naman itinikom niya ang bibig at pinilit ang sarili na hindi magsalita.
Silence is the best defense in situation like this.
"Damn it, Gemini! Answer me!" Biglang sigaw ni Aidan.
Napaigtad siya sa pagtaas ng boses ng binata. Pero kahit ganoon, hindi pa rin siya nagsalita. Ayaw niyang magsalita sa kadahilanang ayaw niyang masabi niya bigla ang nararamdaman niya para rito. She's afraid to be rejected.
Nagbaba siya ng tingin at kinagat ang pang-ibabang labi niya.
Walang buhay na tumawa si Aidan. "Kapag si Lady Masquerade ka, niloloko mo ako. Kapag si Gemini ka naman, pinaglalaruan ako. Why, Gemini? Wala ba akong karapatang seryusohin mo?"
Nagtaas siya ng tingin kay Aidan. She can't take this anymore! "Oo, niloko kita dahil nagpanggap akong si Lady Masquerade. Pero bilang si Gemini, hindi kita pinaglaruan. Kung ano man ang ipinakita ko sayo, totoo 'yon lahat. Nuong may nangyari satin, buong puso kong ibinigay sayo ang sarili ko, hindi dahil gusto kitang lokohin o paglaruan. At kung tungkol sa pagseseryuso ang issue mo, tatanungin kita, 'yong mga babaeng pinaiyak mo noon, sineryuso mo ba?" Napailing-iling siya. "Don't bother to answer my question. We both know the answer."
Kumuyom ang kamao nito. "Those woman who cried over me, they know the real score before i screw them! But you," lumambot ang mukha nito at masuyong hinaplos ang pisngi niya. "When i fuck you, alam ko sa sarili ko na ikaw ang babaeng hindi karapat-dapat na paiyakin. I took you seriously, Gemini. I don't deserve you at all. I hurt many women that may fingers and toes can count, at kahit anong pigil ko sa sarili ko, still, I fell for Lady Masquerade, but i fell for Gemini even harder."
Gemini's jaw went slack. "W-What?"
"Yes, Gemini, I'm in love with you." Aidan looked so vulnerable as he looked at her. "At ang sakit-sakit kasi may iba nang nagmamay-ari sayo. Ang gago-gago ko dahil pinakawalan ko ang babaeng katulad mo. Hindi ko na kayang magpanggap na hindi kita mahal, kasi alam ko sa sarili ko na pinuntahan kita sa Cebu at pinabalik dahil miss na miss na kita at gusto kitang makasama. Fuck my company, ako ang may kailangan sayo, hindi ang kompanya ko."
Binitawan nito ang pisngi niya at mabilis na nagtungo sa elevator na para bang gusto nitong takasan ang magiging tugon niya. Naiwan siyang nakatigalgal sa kawalan. Did Aidan just tell her he loves her? And was it true? O naghihiganti lang ito sa panloloko niya?
She's confused and hopeful.
"ANO naman ang sagot mo?" Tanong sa kanya ni Reigo habang kumakain sila sa Délicieux Cuisine. Sinundo siya ng binata at inayang kumain sa labas. At habang kumakain, naikuwento niya rito ang nangyari sa opisina kaninang umaga.
"Wala." Aniya. "Umalis siya e. Hindi na bumalik."
Reigo narrowed his eyes on her. "Kung nanatili siya, anong isasagot mo?"
Nagkibit-balikat siya. "Hindi ko alam ang isasagot ko. I wanted to tell him that i love him too, but something is stopping me."
Tumango-tango si Reigo na para bang naiintindihan ang nararamdaman niya. "Normal lang naman yata na maguluhan ka. Pero tama ako diba," he has a triumphant smile on his face. "Mahal ka no'n pero ayaw mong maniwala sa'kin."
"Anong gagawin ko?" Bumuntong-hininga siya. "Magulo ang isip ko."
Reigo shrugged. "I don't know. Why don't you clear your mind and after that, you decide. At habang nag-iisip ka, magpapanggap pa rin akong boyfriend mo at pagseselosin natin si lovey dovey mo hanggang sa mabaliw siya at magmakaawa sayo na mahalin mo. Siguro naman kapag nagmakaawa na siya ay tatanggapin mo na."
Bumuga siya ng hangin. "Mahal ko si Aidan, pero nasaksihan ko kung paano siya manakit ng babae, kaya natatakot ako."
"Well," Reigo leaned on his seat, "kailangan mong harapin at talunin ang takot mo kung gusto mong makasama ang taong mahal mo."
Her lips thinned. Yeah. She should do that. She should face her fear and conquer it. Easy to say, hard to do.
INIHATID siya ni Reigo sa apartment niya. He hugged her goodbye before leaving.
As she walked towards her apartment, she halts on her steps when she saw Aidan leaning on her apartment door.
"Aidan."
He looked at her, his eyes were dead. "Gemini."
Huminga muna siya ng malalim bago naglakad palapit sa binata. Her heart was beating so fast. So darn fast.
Nang makalapit siya sa pinto ng apartment niya, binuksan niya iyon at inimbitahang pumasok ang binata.
"Pasok ka." Sabi niya.
Aidan quietly enters her apartment. Then they sat on the sofa. Katabi niya ang binata sa upuan.
"Bakit hindi ka na bumalik sa opisina?" Tanong niya.
Sa halip na sagutin, niyakap siya nito at hinalikan siya sa leeg. Amoy na amoy niya ang amoy-alak nitong hininga. Darn it. He's drunk!
Itinulak niya palayo sa kanya ang binata. "Stop it, Aidan."
Walang buhay ng tumawa ang binata. "Oo nga pala. May boyfriend ka na." Bigla nalang itong nahiga sa mahabang sofa at ginawang unan ang hita niya. "Puwede bang makasama kita ngayong gabi lang? Pangako, wala akong gagawin sayo."
Napatitig siya sa binata na nakaunan sa hita niya. She sighed. Nanaig pa rin ang puso niya laban sa isip niya. Hinawakan niya ito sa kamay.
"Halika sa kuwarto ko." Aniya. "Doon ka matulog."
"Okay." Anito sa mahinang boses at bumangon.
Iginiya niya ang binata sa silid niya at pinahiga sa kama saka kinumotan ito.
"Matulog ka na."
Akmang hahakbang siya palayo sa kama ng pigilan siya nito sa kamay. "Stay, Gemini. Please? Puwede bang ngayong gabi, ako muna. Saka na si Reigo bukas. Boyfriend mo naman siya 'di'ba, he can be with you all day. Pero ako, ngayong gabi lang. Please?"
Huminga siya ng malalim. Parang may umaararo sa puso niya habang nagmamakaawa si Aidan na manatili siya sa tabi nito. At ang puso niya ay nasasaktan para rito. Bakit naman kasi ang arte-arte niya? Mahal niya ito at mahal din siya nito. Dapat masaya siya. Pero sa dami ng babaeng sinaktan nito, natatakot siya na ganoon din ang gawin nito sa kanya. Nobody knows what will happen in the future and she's afraid of what the future holds.
Huminga siya ng malalim at umupo sa gilid ng kama, sa tabi nito.
"Matulog ka na. Lasing ka." Aniya.
Sa halip na matulog, mataman siya nitong tiningnan. "Hindi ako lasing. Nakainom lang ako. Lay beside me, please."
Humugot siya ng isang malalim na buntong hininga at tumabi ng higa rito. Malakas ang tibok ng puso niya ng yakapin siya nito at ihinilig ang ulo sa balikat niya.
"Ako nalang, Gemini." Pabulong na sabi nito. "Please, ako nalang. Kung anong kayang ibigay ni Reigo, kaya ko rin naman. Kaya please, ako nalang. Tulad noon. Ako lang."
Mariin niyang ipinikit ang mga mata. Gustong-gusto niyang ipagsigawan na mahal niya ito pero natatakot siya na baka iwan din siya nito at saktan katulad ng ibang babae na dumaan sa buhay nito.
"Gemini?"
"Hmm?"
"Ano ba ang kailangan kong gawin para sa akin ka nalang?"
Her heart hammered inside her chest. "Wala. Wala kang dapat gawin."
"Do you dislike me that much?"
"Hindi." Binalingan niya ito at halos magkadaiti na ang mga labi nila. "Aidan, I've seen you hurt women for three years. I've seen you shoved them away after you're done with them. At ayokong mangyari 'yon sakin. Hindi ko hahayaan na gawin mo 'yon sakin."
Masuyong hinaplos nito ang kaniyang mukha, ang ilong nila ay magkadikit na. Naamoy niya ang mabango nitong hininga na may halong amoy ng alak at hindi niya mapigilan ang mga mata na pumikit na piping magdasal na sana lumapat ang mga labi ni Aidan sa mga labi niya.
But it didn't.
"Gemini, hindi lang sex ang habol ko sayo. Kaya ko 'yong makuha sa mga babae na handa akong paligayahin. But even if i have a willing woman to fuck, i still want you. You are the one who captured everything of me. You are the only woman who tamed my playful heart. Ikaw lang Gemini. Ikaw lang."
Napangiti siya. Napakasarap marinig ang mga salitang lumabas sa bibig nito.
Gemini gathered Aidan in her arms and hugged him so tight. Hindi niya kayang sabihin ang nararamdaman kaya dinaan nalang niya sa halik ang gustong iparating.
Gemini pressed her lips on Aidan's with so much ferocity, it even shock her. Mabilis namang tinugon ni Aidan ang halik niya. Madiin at mapusok ang halik nito, habang ang mga kamay ay nag-uumpisa nang pumisil sa masisilang bahagi ng katawan niya. At ang katawan naman niya ay naghahangad ng mas higit pa sa halik at pisil. She wants more and she will have it tonight.
A/N: UPDATE starts now... hehe... Enjoy reading :)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top