Kabanata Dalawa


Cerien's PoV

~~

Nervous.Really,so fucking nervous to the point na maiihi na ako sa kinauupuan ko. Duh! Kanina pa siya naka tingin ow! Let me repraise that, nakatitig! Nakatitig siya saakin simula pa kanina at kahit ni isang salita wala man lang siyang sinasabi. E ako, ito kinakabahan na ewan dahil nandito siya mismo sa harapan ko, na never kong in-expect.

Gosh! He's intimidating, to the point na hindi ko na kayang tumingin pa sakanya. Gudto ko nalang talaga maglaho ng parang bula because all of a sudden, 'yung matagal ko nang itinatago na sikreto ay ngayon alam niya na. At hindi ko talaga inaasahan.

Tama nga sila. Great things happen when you're not expecting it to happen. Well 'yah, this is freakin' great! Insert sarcastic voice.

Napalagok ako sa sariling laway dahil sa sobrang kaba, huminga ako ng malalim at pilit na inipon ang natitirang lakas ng loob sa katawan ko.

"C-Can i-i j-just, l-leave?" Ow yeah! Hella great! Nautal ka pa talagang babae ka.

His forehead creased. Kinurot ko ang sarili kong kamay dahil sa katangahan nanamang ginawa ko. Sa lahat naman ng sasabihin mo Cerien! Napaka mo talaga.

"No. I'm still not done with you." Namilog ang mata ko dahil sa sinabi niya, gosh! Bakit ba pati sa puntong 'to kinikilig parin ako sakanya? Kahit na napaka seryoso ng boses niya ay hindi ko parin mapigilan ang puso ko na tumalon sa kilig.

I just nod. I should zipper my mouth baka kung ano nanamang masabi ko na hindi niya gusto. Ma turn off pa saakin ang lalabs ko.

Panay lang ang iwas ko ng tingin sa bawat titig na binabato niya saakin. Hindi ko talaga makayanan 'yung mga mata niya.

I let out a deep breath again. "Ow...kay, if you want me to apologize to you for everything that i did, sorry but i don't want to say sorry because i really mean to does things. But yeah, i know it was wrong but i just can't stop my heart and my self to be with you kahit nights lang, and mag so-sorry ako for ruining your sleeps" sabi ko habang nakapikit ng mariin ang aking mga mata, natatakot kasi ako sa magiging reaksyon niya.

Narinig kong gumalaw ang upuan niya kaya nagmulat ako ng mata. Naka halumbaba siya sa lamesa habang nakatitig parin saakin, mas lalo siyang lumapit, mas lalo akong hindi makatingin sakanya ng deretso.

"I'm not asking you to apologize. I need you to explain." Then he move his face closer to me, kaya napa antras ako. "Why, did you, do that huh?" Malalim ang gatla sakanyang noo habang nililitanya niya iyon.

Mas lalo kong isinandal ang likod ko sa upuan para lumayo sa mukha niya. Gosh! Hindi ko kaya na masyado akong malapit sakanya! Jusko! Yung pagkababae ko nababaliw!

"Ginawa ko 'yon.... ginawa ko 'yon kasi...." hindi ko alam kung maganda bang dahilan ang sasabihin ko, kung reasonable ba ang dahilan ko kaya ko ginagawa 'yon. Sheez! Bahala na nga si lola Bashang! "Ginawa ko ang mga bagay na iyon kasi gusto kita, and i don't have the chance na magustuhan mo rin ako kasi mas mataas ka saakin at nobody lang ako sa'yo. I'm just a simple student here, na hindi masyadong active sa mga activities kaya sino ba ako para magustuhan ng isang tulad mo? Since that day na sinigawan ako ni Trainer dahil ang tanga ko raw dahil hindi ako marunong bumaril, that day na tinulungan mo akong tumayo at pinunasan ang luha ko, nang araw na iyon nag simulang mahumaling ang puso ko sayo," nag iwas ako sandali ng tingin sakanya dahil hindi ko kayang matagalan ang malalalim niyang titig saakin.

"Pero pagkatapos nang araw na iyon, hindi na tayo nagkita, hindi na kita nakausap, at hindi na kita nakasama sa rank 3-N kasi tumaas na ang rank mo. And because of that, hindi na kita pwedeng kausapin o lapitan man lang. So sinunod ko parin ang gusto ng puso ko, i chase you, every night. I blind folded you and chained you para hindi mo ako makita, i was so obsess, binaliw mo ang pagkatao ko. So, I-I kissed you." Napapikit ako ng mariin. I even cover my face with my both hands dahil sa kahihiyan na ginawa ko sakanya.

Fuck! I should me killed by now! Sinunod ko kasi ang bugso ng damdamin ko kaya heto ka ngayon Cerien, malapit kana sa kamatayan mo bruha ka.

Minulat ko nang kaunti ang aking mata para silipin siya at agad ko ulit iyong binalik sa pagkakatakip dahil naka tingin parin pala siya saakin at walang imik. Hindi ko alam kung anong pumapasok sa utak niya at iniisip tungkol saakin.

Patay na talaga ako neto.

"Is that all?" He said. Dahan dahan kong inalis ang mga kamay sa mukha ko at naiilang na tinignan siya.

I nod. "I deserve to be killed by now, i'm really really sorry Carperr. Kahit anong maging desisyon mo tatanggapin ko. K-kahit pa, k-kamatayan..." ibinaba ko ang tingin sa aking mga kamay na nanginginig sa ilalim ng lamesa.

I didn't mean that! Ayoko pang mamatay 'no! Pero sana 'wag naman siya mag-agree kasi joke lang naman iyon e.

Minutes of silents. Nanatili ako sa pwesto ko at ganu'n rin siya. Nararamdaman ko ang mga mata niyang nakatingin saakin kaya hindi ko magawang mag angat ng tingin sakanya. Nahihiya, naiilang.

"Do you expecting that i will kill you?"

"No!" Mabilis kong sabi. Medyo napalakas ata ang boses ko kaya napatingin ako sa paligid, buti nalang at wala pa masyadong tao rito. He smirk kaya natigilan ako sa pag pa-panic rito.

"Okay, if you want to." May kinuha siya sa bulsa ng kakhi short niya, cellphone niya at iniabot saakin iyon. "I have my other consequences para pagbayaran mo ang mga ginawa mo saakin, put your number there so i can contact you anytime that i want and need you. In short, you'll follow all that i want as your punishment. Hindi naman ganuon kahirap 'diba?" Nakatitig lamang ako sa cellphone niya na inilalahad niya sa harapan ko, i'm still processing lahat ng sinabi niya.

Tinignan ko siya. "L-like a slave?"

"If you call it like that then, you will be my slave from now on." He said then smiled. My goshhhhh! Ayoko nang ngumingiti siya nang ganyan! Nawawala 'yung mata niya.

Nanginginig ang mga kamay kong kinuha ang phone niya at inilagay ang number ko ruon, inilagay ko narin ang buo kong pangalan para hindi niya ako malimutan.

Bakit ba imbis na mainis ako dahil gagawin niya akong slave e parang gusto ko pa at mag-e-enjoy ako? Aish! Ganito na ba ako ka obsessed kay Carperr?!

"So... Cerien Amife," he read on my name on his phone. "See you, anytime." He stood up and about to leave when he look at me again. "And don't silent your phone." Then he leave.

Nasapo ko ang dibdib ko kung nasaan ang puso ko. Fudge! Feeling ko lalabas na ang puso ko at tatalbog papunta sakanya anytime! Bakit ba kasi nabaliw ako sa lalaking iyon! Hindi ko na alam ang gagawin ko at first time ito! Palagi akong may solusyon at magagawa sa lahat ng bagay pero bakit ngayon pa ako walang maisip na paraan?

Geeezz! He's making me weak again.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top