Capitulo Vente-Cuatro
Capitulo Veinte-Cuatro
Isang malalim na paghinga ang ginawa ko bago pinagpatuloy ang hinahalo kong ingredients para sa ibi-bake namin ni Mommy Natalia. Biglang napadalaw si Mommy kaya heto, nagpaturo ako sa kanyang mag-bake ng napakasarap na strawberry cake. Paghahalo pa lang ng ingredients ang ginagawa ko pero parang pagod na pagod ako.
"Okay ka lang ba, Victoria?"
Tumango ako. "Ayos lang po ako. Pagkatapos po nito, anong next na gagawin po natin?"
"Parang maputla ka." Sinalat niya ang aking noo. "Hindi ka naman nilalagnat."
"Sa katunayan po, masakit ang aking ulo. Hindi naman po ako puyat."
"Siguro sa panahon kaya masakit ang ulo mo. Alam mo naman, February na ngayon kaya palapit na ang summer." Kinuha sa akin ni Mommy ang hawak kong bowl. "Siguro kailangan mo na magpahinga." Inalalayan niya ako papunta sa sala. May kinuha pa siyang botelya sa kanyang bag at ipinahid ang laman nito sa akin sentido.
"Mabilis rin po ako mapagod nitong mga nakaraang araw." Dahan-dahan akong humiga sa sofa.
"Ano bang pinapagawa sa iyo ng asawa mo kaya ka nagkakaganyan?"
"Wala naman po, Mommy." Muli akong huminga ng malalim. "Minsan, sumasakit ang likod ko at puson. Hindi ko mawari kung ano po ang dahilan. Sa tingin mo po, kailangan ko na kayang magpatingin sa doktor?"
"Sa tingin ko rin, hija. Hayaan mo bukas sasamahan kita sa kaibigan ko para i-checkup ka bukas."
Ngumiti ako bago pumikit. "Salamat po, Mommy." Hindi ko na nagawang tingnan kung sino ang pinagbuksan ng aming katulong. Gusto kong matulog upang maibsan itong sobrang sakit ng aking ulo.
"Good afternoon, Mommy!" Boses iyon ni Alejandro.
"Good afternoon din, hijo. Napaaga ka yata ng uwi?"
"Tumakas lang po ako sa kamara para lang makauwi kaagad." Naramdaman ko ang paghagod ni Alejandro sa aking buhok. "Nakatulog po ba si Victoria habang nagkukwentuhan kayo?"
"Kakatulog lang. Masama ang pakiramdam niya kaya humiga muna dito. Minsan daw sumasakit ang likod at puson niya. Tapos masakit ang ulo niya ngayon. Para ngang pagod na pagod."
"Iaakyat ko na lang po siya para makatulog ng maayos." Mayamaya'y binuhat na niya ako kaya dumilat ako.
"Alejandro."
Ngumiti siya sa akin ngunit hindi iyon abot hanggang mata. Malungkot pa rin si Alejandro. Sampung araw na ang nakalipas nang mailibing si Celestine ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nagiging masigla.
"Maaari mo na akong ibaba. Kaya ko naman na ang sarili ko."
Hindi niya ako pinansin at pumasok na kami sa aming silid. Dahan-dahan niya akong hiniga sa kama. "Magpahinga ka na." Kinumutan niya ako. Bago pa siya makalayo sa akin, pinigilan ko siya. "Bakit?"
"Pwede bang dumito ka muna, Alejandro."
"May gagawin pa ako sa opisina. Itutuloy ko na doon ang naiwan kong trabaho. Take a rest now, Victoria." Hinalikan niya ako sa noo bago tinanggal ang pagkakahawak ko sa kanya at tuluyan na akong iniwan dito sa loob ng kwarto.
Nakadama ako ng sobrang pagkalungkot. Mas naaapektuhan ako sa ginagawa ni Alejandro. Masyado niyang tinututok ang kanyang atensyon sa trabaho. Sinisisi niya ang kanyang sarili dahil sa pagkamatay ni Celestine kahit hindi naman. Natural lamang ang pagkamatay nito ngunit hindi iyon matanggal ni Alejandro. Sobrang sakit para sa kanya na mawala ang tinuturing niyang bunsong kapatid. Pero ika nga nila, kailangan niyang mag-move on. Hindi matutuwa si Celestine sa ginagawa niya sa kanyang sarili. Tumagilid ako ng pagkakahiga at hindi ko napigilang tumulo ang aking luha.
Sana bumalik na ang dating sigla ni Alejandro. Nangungulila na ako sa dating siya.
----
Nagising ako sa biglang pagsakit ng aking puson. Hindi ko maipaliwanag ang sakit. Napatingin ako sa cellphone ko kung anong araw ngayon. Dalawang linggo na akong hindi nagkakaroon ng buwanang dalaw. Masyado yatang nahuli ito kaya sobrang sakit ng puson ko ngayon.
Nag-fetal position ako upang maibsan ang sakit. Halos pagpawisan ako ng malapot. Napapikit ako sa sobrang sakit. Kaagad kong na-dial ang number ni Alejandro.
"Victoria, bakit ka napatawag? Pwede mo naman akong puntahan dito sa opisina ko."
"A-Alejandro." Nabitawan ko ang cellphone at napahawak ako sa puson ko.
"Victoria? Anong nangyayari sa iyo?"
Hindi ko na nasagot pa si Alejandro. Nanghihina na ako dahil sa sakit na nararamdaman ko. Para akong may ginawang kung ano kaya sobra akong nakadama ng pagod.
Biglang bumukas ang pintuan at kaagad na lumapit sa akin si Alejandro. "Victoria!"
Nanlalabo na sa paningin ko ang aking asawa. Pilit kong inabot ang kanyang mukha ngunit hindi ko na magawa. Unti-unti akong pumikit hanggang sa tuluyan na akong mawalan ng malay.
----
"Sa tingin ko kailangan niyang ma-checkup sa hospital. Base on what you said to me, having a back and abdomen pain, migraine at isama pa ang pagsakit ng ulo, siguro'y huwag mo muna siya pakilusin masyado. Baka sobrang pagod lang siya these past few days at darating na rin ang monthly period niya. You know women have different kind of pain before, during or after their menstruation."
Napatingin ako kina Alejandro at sa doktor na pinatawag niya upang tingnan ako. Sa ngayon ay ayos na ang aking pakiramdam. Wala namang pinainom na gamot sa akin ang doktor.
"May something ba kay Victoria kaya kailangan din siyang ma-checkup sa hospital?"
"Wala naman. Mas maganda lang talagang ma-checkup siya sa hospital for health assessment. Mamaya lowblood na pala siya, hindi pa natin alam." Napatingin sa gawi ko ang doktor. "Are you okay now, Mrs. Navarroza?"
Tumango ako bilang sagot.
"So I need to go now. Its already eleven-thirty in the eve. Don't worry I will recommend a doctor, Senator Navarroza and take care, Mrs. Navarroza." Marahang tinapik nito sa balikat si Alejandro bago lumabas. Sumunod dito ang asawa ko kaya naiwan akong mag-isa.
Bumuntong hininga ako. Alam kong labis na nag-aalala sa akin ngayon si Alejandro.
Mabilis siyang nakabalik dito sa kwarto. Hinaplos niya ang aking pisngi at kitang-kita ko ang pagsisisi sa kanyang mukha. "I'm sorry."
"Sorry saan?"
"Dahil napabayaan kita. Tingnan mo, hindi mo mararanasan ito kung inalagaan lang kita. Masyado akong nadala sa lungkot ko."
Inabot ko ang kanyang kamay. "W-Wala ka namang kasalanan, Alejandro. Natural lang na maranasan ko ito."
"Still, I'm so sorry. Alam kong nasasaktan at nalulungkot ka dahil sa akin. Ano bang gusto mong gawin ko para mabawasan kahit papaano ang lungkot mo?"
"Pwede bang makasama kita buong araw?"
Pinagmasdan niya ako ng mabuti, kalauna'y tumango siya. "Oo naman." Tumabi siya sa akin kaya yumakap ako sa kanya. "Susulitin natin ang mga araw na hindi pa campaign period. Kapag campaign period na, kung saan-saan ako pupunta para maipakita ko sa mga mamamayan na malinis ang intensyon ko for presidential position."
"Labis pala ang iyong pagod n'yan."
"Ayos lang sa akin iyon. Pangarap ko ito kaya wala sa akin ang magiging pagod ko sa campaign period. Marami akong plano para sa ikakabuti ng ating bansa. Alam kong madadagdagan ang mga kritiko ko at hindi ko papansin ang mga masasakit na salitang sasabihin nila sa akin. Its a high time to change our country for a better place. 'Yong safe, have a good economy, education for all and so on."
Hinaplos ko ang mukha ni Alejandro. Ngayon lang ulit siya nagkwento sa akin. Ang tagal kong hinintay ito.
"Hindi lang ito para sa future ng magiging anak natin, para ito sa future ng mga mamamayang Pilipino."
"Pinagmamalaki kita, Alejandro."
"Talaga? Hindi ka ba naiirita sa mga sinasabi ko?"
Umiling ako. "Bakit ako maiirita sa taong gagawin ang lahat para sa Inang Bayan?"
Ngumiti siya sa akin at alam kong sa mga oras na ito, bumalik na ang dating ngiti ni Alejandro. "Salamat sa suporta mo, Victoria."
Tanging ngiti lamang ang naging tugon ko bago siya niyakap ng mahigpit. Sana'y magpatuloy na ganito si Alejandro. Mawala na ng tuluyan ang lungkot na nararamdaman.
----
Palipat-lipat ang tingin ko kina Mommy Natalia at Mama Cora. Sabay silang dalawa na bumisita sa bahay namin. Kanina ko pa hinihintay ang sasabihin nila kung bakit biglaan silang pumunta dito na hindi man lang sinasabi kay Alejandro o sa akin. Ni hindi man lang ako nakagawa ng espesyal na meryenda para sa kanila. Nagkukwentuhan lang silang dalawa tungkol sa aerobics or zumba. Tumikhim ako para makuha ko ang atensyon nila.
"Yes, anak?" nakangiting baling sa akin ni Mommy.
"Uhm, ano po bang gusto ninyong meryenda?"
Nagkatinginan silang dalawa bago bumaling ulit sa akin ang tingin nila. "Hija, sorry napahaba ang kwentuhan namin ng mommy mo. Darating ngayon ang lola ni Alejandro. Actually, sinundo na siya sa airport ng asawa mo dahil galing pa siyang Cebu. Eighty-five years old na ang mother-in-law ko na iyon pero until now gala pa rin."
"At malinaw pa rin ang pag-iisip ni Tita Caridad."
"Tama ka pero minsan sinusumpong na siya ng mild Dementia. Alam mo na matanda na kaya siguro nagkakaganoon na si Mama."
Darating pala ngayon ang abuela ni Alejandro. Dapat talagang maghanda ako ng pagkain. Nakakahiya namang dumating ito na hindi espesyal ang nakahandang putahe. "Maiwan ko po muna kayo sandali."
"Bakit? Saan ka pupunta?" nagtatakang tanong ni Mama Cora.
"Magluluto po ako. Ano po ba ang paboritong ulam ni Abue—"
"Hija, no need to cook na."
"Pero Mama Cora—"
"Hay Cora! Minsan talaga si Victoria hindi mo maiaalis sa kitchen. She loves cooking. Anak, maupo ka na d'yan. Anytime darating na si Tita Caridad."
Wala na akong nagawa kundi sundin ang sinabi ni Mommy Natalia. Ayoko lang naman na may masabi sa akin ang abuela ni Alejandro.
"I'm so excited to see her again, Cora. Its been ten years noong huli kaming nagkita."
Ako naman ay kinakabahan. Ngayon ko pa lang makikita ito kaya kinakabahan ako sa magiging impression nito sa akin. Sumandal ako sa upuan. Sumasakit ang likod ko.
"Victoria."
Nilingon ko si Mama Cora. "Po?"
"Napansin kong nagkakalaman ka. Hindi ko naman sinasabing sobrang payat mo pero parang nadagdag ang timbang mo which is bumagay sa iyo, 'di ba Natalia?"
"Para ngang lumaki ang balakang mo, Victoria."
"Marahil nadagdagan lang po ang aking timbang dahil palagi akong nasa kusina." Umayos ako ng upo.
"Siguro nga." Tumatango-tangong sabi ni Mama Cora.
Bumalik ako sa pagkakasandal ko sa inuupuan ko. Kahit papaano nawawala ang sakit ng likod ko. Pumikit ako at ilang beses na huminga ng malalim.
Mayamaya, bumukas na ang pintuan at pumasok si Alejandro. Inaalalay ang isang matandang babae na marahil ang abuela niya.
"Mama!" Kaagad na lumapit si Mama Cora sa matanda at kaagad na nagmano sa matanda. Ganoon rin ang ginawa ni Mommy Natalia.
"Aba! Kay gaganda ninyo pa rin hanggang ngayon."
"Si Mama, mapagbiro talaga."
Tumayo ako at lumapit sa kanila. Ngumiti ako kay Lola Caridad. "Magandang hapon po."
Inakbayan ako ni Alejandro. "Lola, this is my wife Maria Victoria. Mi amor, ang pinakamamahal kong lola, si Lola Caridad."
Grabe ang pagtitig sa akin ni Lola Caridad at inabot ko ang kamay nito. Nang tangka ako magmamano kay Lola, bigla nitong binawi ang kamay. "L-Lola?"
"Bakit ka nagmamano sa akin, Lola?"
Nagkatinginan kami ni Alejandro. Tinawag akong lola ni Lola Caridad.
"Mama, hindi mo po siya lola, asawa po siya ni Alejandro."
"Hindi! Lola ko siya. Bakit ngayon ka lang po bumalik dito, Lola? Alam mo po bang sobrang lungkot ni Lolo Manuel kasi ang tagal mong hindi bumabalik?"
Napahawak ako kay Alejandro. "S-Sino?"
"Si Lolo Manuel po. Palagi kang kinukwento sa akin ng lolo. Sinasabi niya po na ang tagal niyang hinihintay ang ate niya dahil alam niyang babalik ka raw po. Miss na miss ka na po ni Lolo Manuel. May picture ka pa nga niya. Ikaw po si Maria Victoria S—"
"Lola, siguro kailangan mo na magpahinga. Sobra ka lang pagod kaya napagkamalan mong lola mo si Victoria. Mama, pakihatid naman si Lola Caridad sa kwarto niya. Sa tingin ko sinusumpong siya ng dementia ngayon."
"Mama, halika na po sa kwarto mo." Hinawakan ni Mama Cora si Lola Caridad sa braso at inalalayan itong maglakad.
"Pero gusto kong makausap ang lola ko."
"Saka na lang, Mama. Pagod din si Lola mo."
Nilingon ako ni Lola Caridad. "Lola." Iyon ang huli nitong sinabi bago makapasok sa loob ng kwartong nakalaan para dito.
"Sinumpong talaga si Tita Caridad. Sasamahan ko lang ang Mama mo, Alejandro." Kaagad na pumasok sa loob si Mommy Natalia.
Nakadama ako ng pagkalungkot. Hinihintay ako ni Manuel na bumalik sa amin. "Ang Manuelito ko."
"Victoria, siguro kailangan mo na rin magpahinga."
Nilingon ko si Alejandro. "Hinihintay ako ng bunso kong kapatid."
"Hindi mo siya kapatid, Victoria."
"Kapatid ko pa rin siya." Napayuko ako. "Labis sigurong nalungkot ang aking Manuelito nang ako'y mawala."
"Victoria..."
"Kuwawa naman siya. Ako ang nag-alaga sa kanya simula nang siya'y maliit pa." Napasapo ako sa aking mukha at napahagulhol ako. "Hindi ko man naisip ang kanyang nararamdaman nang ako'y mawala."
"Victoria, huwag mo naman akong iwanan. Nakabalik ka naman sa bahay ninyo noon."
"Ngunit wala naman siya doon."
"Victoria." Niyakap niya ako ng mahigpit. "Gusto mo bang bumalik doon kahit na alam mong hindi mo na ako makikita?" Sunod-sunod akong umiling. "Kung ganoon, huwag mo muna isipin ang kapatid mo. Baka makasama sa iyo ang kakaisip mo kay Manuel."
Tumango na lamang ako habang nakakulong pa rin sa mga bisig ni Alejandro.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top