Capitulo Veinte-Uno



Capitulo Veinte-Uno



"Ma'am Victoria, tama na po ba ang lasa nito?"

Kaagad kong tinikman ang menudong niluluto ni Dina. "Tama na ang lasa " sagot ko at pinagpatuloy ko na ang hinihiwa kong carrots. Bisperang ng bagong taon ngayong araw na ito kaya sobra kaming abala sa pagluluto. Ngayon lamang ako naging masaya ng ganito sa araw ng bisperas ng bagong taon. Marahil dahil kasama ko ang taong nagpapasaya sa akin. Napatingin ako kay Alejandro na abala sa paghihiwa ng baboy. Ang sabi niya'y iihawin niya ito mamaya. Napangiti ako nang tumingin siya sa akin.

Binalik ko ang aking tingin sa hinihiwa ko. Tanging kami ni Alejandro at ng mga kasambahay namin ang kasama namin sa darating na bagong taon. Wala sa bansa ngayon si Mama Cora. Nagbakasyon sa Amerika. Napaisip ako. Ano kaya ang mukha ng bansang iyon?

"Shit!"

Bumalik ang tingin ko kay Alejandro at biglang nanlaki ang mga mata ko dahil dumudugo ang daliri niya. "Alejandro!" Nilapitan ko siya at inabot ang kamay niya. Kaagad kong itinapat sa gripo ang kamay niya para malinisan ito ng tubig. "Saab ka ba nakatingin at nahiwa mo ang iyong daliri."

"Sa asawa ko. Lalo kasi akong nai-in love sa kanya sa tuwing tintingnan ko siya."

Namula ang pisngi ko sabay ng impit ng pagkakilig ng mga kasama namin sa kusina. Kinurot ko tuloy si Alejandro sa tagiliran. Pasaway! "Loko-loko ka talaga, Alejandro. Pakituloy na lang ng aking ginagawa dahil lilinisan ko pa ang sugat ng pasaway na amo ninyo." Hinila ko si Alejandro papunta sa sala. Kinuha ko ang first aid kit. Pagkabalik ko sa sala inumpisahan kong linisan ang sugat ni Alejandro. Binuhusan ko ng alcohol ang sugat niya.

"Aray! Bakit alcohol ang ginamit mo? Pwede namang betadione." reklamo niya.

"Pasaway ka kasi eh. Naghihiwa ka ng baboy pero kung saan-saan ka pa nakatingin." Muli kong binuhusan ng alcohol ang daliring may sugat at pinipigilan ko si Alejandro sa pagbawi ng kanyang kamay.

"Kasalanan ko bang nakaka-fall ang ganda ng asawa ko?"

"Ewan ko sa iyo." Pinipigilan ko ang ngiti ko at nawala ng tuluyan ang inis ko kay Alejandro. Naglagay ako ng betadione sa bulak. Idinampi-dampi ko iyon sa sugat ni Alejandro bago nilagyan ng gasa ang daliri niya.

"Hindi ka talaga nakakasawang pagmasdan. Pa-kiss naman sa pinakamagandang babae na asawa ko na ngayon."

Tiningnan ko siya nang matapos na ako sa ginagawa ko. Pinagbigyan ko siya. Hinalikan ko siya. Nang lalayo na ako, hinawakan niya ako sa batok at mas pinalalim niya ang halik. Impit akong napatili nang ihiniga niya ako sa sopa. Sa ganoong sitwasyon kami naabutan ng isang kasambahay namin.

"Ma'am, Senator—ay! Naku po!"

Kaagad kong tinulak si Alejandro na dahil ng pagkabagsak niya sa sahig. Napatingin ako sa gawi ng criada na tumawag sa amin. Doon ay nakita ko sina Senator Cervantes, Tita Natalia at Rica. Damang-dama ko ang pamumula ng buong mukha ko. Nakakahiya ang naabutan nilang senaryo kanina.

"Aray ko." Tumayo si Alejandro at nang makita niya ang bisita namin, tuwid siyang tumayo.

Tumayo rin ako habang nakayuko. "M-Magandang hapon po."

"Good morning—este afternoon po sa inyo." medyo nahihiyang bati ni Alejandro.

"Good afternoon din mga anak." ganting bati ni Tita Natalia. Nakangiwi ito na tila ba'y may gustong sabihin sa nakita kanina.

Inakbayan ako ni Alejandro. "Bakit po kayo nagawi dito?"

"We just want... We just want—"

"Gusto namin makasama ngayong biperas ng bagong taon ang anak namin, Alejandro. Twenty-two years naming hindi nakasama sa mga mahahalagang okasyon ang unica hija namin kaya gusto namin siya makasama." putol ni Senator Cervantes sa sinasabi ni Tita Natalia. "Pero hindi naman namin siya ilalayo sa iyo ngayong araw, hijo. Makikisalo lang kami sa inyo."

"Iyon ay kung gusto ninyong dalawa." pagtutuloy ni Tita Natalia. Matipid na ngumiti ito sa akin. "Hindi naman namin pagpipilitan na dumito kung ayaw ninyo. Nagbabakasakali lang naman kami."

Nagkatinginan kami ni Alejandro. Hindi ko alam ang magiging desisyon ko. Hindi ko pa masyadong natatanggap na tunay kong ina si Tita Natalia.

"Depende po iyan sa desisyon ni Victoria. Kung gusto niya na kasama kayo ngayon o hindi."

Bumaling ang tingin ko sa mag-asawang Cervantes. Nagmamakaawa ang kanilang mukha. Nagmamakaawa na hayaan na makasama nila ang kanilang anak. Nilingon ko si Alejandro. Nanghihingi ako ng permiso mula sa kanya. Tinanguhan niya ako at nginitian. Bumalik ang tingin ko sa kanila. Kumibot-kibot ang aking labi bago tumango. "P-Pwede naman po."

"Thank you so much, anak!" niyakap ako ni Tita Natalia kaya naalis ang braso ni Alejandro sa balikat ko. "I'm so happy right now." Yumakap rin sa akin si Senator Cervantes.

Ngayon ko lamang naranasan ang ganitong yakap. Puno ng pagmamahal ng magulang. Napapikit ako at dinama ito.

"We're so happy to be with you, Victoria."

Napatingin ako kay Alejandro. Tila ba'y natutuwa siya sa mga nakikita ngayon. Kumalas na ako sa pagkakayakap sa kanila at huminga ako ng malalim bago ngumiti. "Masaya po akong makasama kayo ngayon. Dumito muna kayo at tatapusin ko lang po ang aking niluluto."

"Tutulungan ka namin ni Rica, anak. Magandang bonding ang pagluluto." Napapalakpak si Tita Natalia.

"Pero mga bisita namin kayo—"

"Its okay, hija."

"Eksakto! May kailangan kaming pag-uusapan ni Alejandro." Nilingon ni Senator Cervantes si Alejandro. "Pwede ba, hijo?"

"P-Pwede naman po, Ninong."

"Good. We'll go now." Naunang maglakad palabas ng bahay si Senator Cervantes kaya sumunod kaagad si Alejandro.

Hinila naman ako ni Tita Natalia papunta sa kusina. "Lets start na, anak. Ituturo ko sa iyo ang mga ginagawa ko para mas sumarap ang luto mo."



----



Isang ngiti ang nakaguhit sa aking mga labi habang pinagmamasdan ko ang kalangitan. May mga makukulay na firework display na makikita roon. Senyales na malapit na ang bagong taon. Tumingin ako sa mga tunay kong magulang. Nagkukwentuhan sila habang iniihaw ang mga baboy. Samantalang si Rica ay mukhang abala sa kausap nito sa telepono. Nakaayos na ang mga paputok na gagamitin sa pagsapit ng alas doce ng madaling araw. Nasa bakuran na rin ang mga kasambahay namin pati na rin ang ibang bodyguard at security guard.

Muli kong binaling ang tingin ko sa kalangitan. Muntik na akong mapatili nang biglang may yumakap sa akin mula sa likuran. Hindi ko na nilingon kung sino ang taong iyon dahil kilala ng aking puso kung sino ito.

"Malapit na magbago ang year sa calendar." Tumango ako bilang pagsang-ayon sa sinabi ni Alejandro. "Ten, nine, eight..." nakisabay sa pagbilang niya ang mga kasama namin. "...five, four, three, two, one—Happy New Year!"

Napangiti ako at pinatunog ko ang torotot na binigay sa akin ni Alejandro kanina. Sinindihan na rin ng mga kasambahay ang mga paputok. Nakakatuwang pagmasdan ang mga makukulay na fireworks display at sa mga fountain. Sabay ng pag-iingay namin ang pag-iingay ng kalapit-bahay namin.

"Happy new year, Victoria." niyakap ako ng mahigpit ni Alejandro. "At happy birthday sa iyo."

Napanganga ako. Ngayon ko lamang napagtanto na araw mismo bagong taon ang aking kaarawan.

"Happy birthday to you, happy birthday to you..." sabay-sabay na nagsikantahan ang mga kasama namin. Lumapit naman sa akin si Tita Natalia na may hawak na isang cake.

Naluha ako sa mga nangyayari ngayon. Kung noon, si Kuya Matias at Manuel lamang ang nakakaalaala ng aking kaarawan, ngayon ay buong pamilya ko ang nakakaalaala nito. "S-Salamat."

"Blow your candle, hija. Make a wish first before you blow your candle." malambing na sabi ni Tita Natalia.

Pumikit ako. Nais kong makasama ng matagal si Alejandro at magkaroon kami ng masayang pamilya. Dumilat ako bago hipan ang kandila. Nagsipalakpakan silang lahat at nagpatuloy na ang kasiyahan sa komedor upang kumain na. Nag-usal ng dasal si Rica bago kami nag-umpisang kumain.

"Wala na akong masasabi sa mga niluto mo, anak. Mas marami akong natutunan mula sa iyo. Pang-high class ang cooking skills mo."

"Thank you po, Tita Natalia."

"Please, anak. Kahit isang beses lang, call me mama or mommy."

"Thank you po, M-Mommy." tumabingi pa ang ngiti ko dahil nakakailang na tawaging mommy si Tita Natalia.

"Thank you rin, anak."

"Ninang Natalia, the best po talaga ang mga luto ni Victoria." Hinawakan ni Alejandro ang kamay ko. "Magtira pa po kayo ng space sa tiyan ninyo dahil mapaparami rin ang kain ninyo kapag natikman ninyo ang mga dessert na ginawa niya."

"I can't wait, hijo." Nakangiting sabi ni Senator Cervantes. "Mukhang masisira mo ang iniingatan mong figure, Rica."

Dumako ang tingin ko kay Rica. Hindi ito masyadong nakikipagkwentuhan. Tahimik lang d'yan sa tabi-tabi. Mainit ang dugo ko sa kanya at ganoon rin siya kaya siguro na mainam ngang iyon ang gawin niya kaysa mag-away kaming dalawa. Ngumiti lang ito kay Senator Cervantes bago nagpatuloy kumain.

Tumahimik ang lahat habang kumakain. Aakalain ninuman na may dumaang anghel kaya tahimik. Bigla kong naalala ang kinalakihan kong pamilya. Bagong taon na rin kaya sa kanila? Nagulat ako sa biglaang paghawak sa akin ni Alejandro. "Bakit?"

"Wala lang." sagot niya bago uminom ng wine. Kumibit-balikat na lang ako bago nagpatuloy kumain.

Nang matapos kaming lahat kumain, dumeretso kami sa sala. Doon ay nagkukwento ang bawat isa tungkol sa hindi nila makakalimutang karanasan nitong taong 2018.

"May importante akong sasabihin sa inyong lahat."

"Ano po iyon, Senator Cervantes?" seryosong tanong ni Alejandro. Nasa baywang ko ang kamay niya.

"Alam naman nating lahat na magkalaban tayo sa darating na eleksyon, hindi ba?"

"Pwede po bang saka na—"

"Matutuwa ka sa sasabihin ko, hijo." Huminga ng malalim si Senator Cervantes. "Napag-isip-isip ko na hindi naman magandang tingnan na magkalaban tayo lalo na't isa na tayong pamilya."

Naramdaman ko na humigpit ng kaunti ang pagkahawak ni Alejandro sa balikat ko. Kaya hinawakan ko ang kamay niya para lamang kumalma siya.

"Kaya napagdesisyunan ko na hindi ko na itutuloy ang kandidatura ko sa presidential position." ngumiti sa amin si Senator Cervantes. "I will support you, Alejandro. And I know you will become a great president once you win this upcoming election."

Natulala si Alejandro dahil sa sinabi ni Senator Cervantes. Hindi niya inaasahan na iyon ang sasabihin nito. Maski ako, nagulat rin dahil ang akala ko ipagpipilitan ni Senator Cervantes na huwag na tumakbo sa pagkapresidente si Alejandro.

"Hijo?"

"Seryoso po ba kayo sa sinasabi ninyo?"

"Oo naman. Kailan ba ako nagbiro sa ganitong usapin?" Hindi tumugon si Alejandro sa tanong ni Senator Cervantes. "Next week, iaanunsyo ko sa media na hindi na ako tatakbo para sa presidential position."

Tuluyan nang napangiti si Alejandro. "Thank you so much, Senator Cervantes. Hindi ka magsisisi sa decision mo lalo na kapag nanalo ako. I will prove you that I will be the best president in this country."

"At patunayan mo rin na patuloy mong mamahalin ang anak ko."

Nilingon ako ni Alejandro. "Kahit na hindi mo po sabihin 'yan, araw-araw kong patutunayan sa kanya kung gaano ko siya kamahal." Napangiti ako sa sinabi ni Alejandro sabay ng paghalik niya sa noo ko.

"Okay! Lets continue our sharing of our unforgettable moment in year 2018." biglang singit ni Rica. "Ikaw na, Ale. Ano ang unforgettable moment mo?"

"Ang araw na nagtagpo ang tadhana namin." sagot kaagad ni Alejandro.

"Wow! Ang deep naman ng term mo, Senator." natatawang sabi ni Don.

"Ganoon talaga." marahang tumawa si Alejandro. "Independence Day noong nangyari iyon. Habang nakatingin ako sa Masonic Memorial Clock, dumating sa buhay ko ang pinakamaganda at pinakamabuting babae sa mundo." hinaplos niya ang mukha ko. "Iyon ang unang beses na nakita ko si Victoria ng personal."

"Personal? Nakita mo na ba sa kung saan si Victoria?" curious na tanong ni Tita Natalia.

"I have her picture when she was fourteen or fifteen. Nakita ko lang kaya tinago ko. Nakuha kasi niya ang atensyon ko kahit pa sa picture ko lang siya makikita."

"Aw, so sweet naman." kinikilig na sabi ni Tita Natalia.

"Hindi ko alam na may ganoon kang picture, Ale."

"Syempre kukunin mo sa akin ang picture kapag pinakita ko sa iyo, Rica."

Tumikhim si Rica bago bumaling ang tingin sa akin. Nakangiti man ngunit kitang-kita ko sa mga mata niya ang selos at galit. "Ikaw, Victoria? Anong unforgettable moment mo?"

"Marahil ay noong nakilala ko si Celestine."

"Teka! Bakit noong nakilala mo si Celestine? Hindi ba unforgettable moment para sa iyo noong nagkakilala tayo?" nakakunot noong sunod-sunod na tanong ni Alejandro sa akin.

"Unforgettable moment ko rin iyon pero mas hindi ko makakalimutan ang araw na nakilala ko si Celestine." Umayos ako ng upo.

"Bakit iyon ang hindi mo makakalimutan?"

"Dahil iyon ang araw na napagtanto kong matagal na pala kitang iniibig." Lalo akong napangiti nang namula ang buong mukha ni Alejandro sabay ng pag-iwas niya ng tingin.

"Hindi nga?"

"Totoo ang mga sinabi ko. Pinagselosan ko pa nga si Celestine noon." marahan akong tumawa. "Ang isa pang hindi ko malilimutan ang bigla mong pagdala sa kaibigan mong Supreme Chief Justice upang pakasalan kita. Mabilisan man ngunit napaka-memorable para sa akin iyon dahil natupad ang hiling ko noon na maikasal ako sa lalaking labis kong minamahal."

"Hindi naman siguro masamang sabihin na kinikilig ako?" Tumango ako. "Geez! Kinikilig talaga ako."

Nagsitawanan ang lahat ng kasama namin—maliban siguro kay Rica. Mabilis naman akong hinalikan ni Alejandro sa labi.

"Nilalanggam kami!" medyo malakas na sabi ng isa sa aming criada na lalong kinalakas ng tawa nila.

Niyakap ako ni Alejandro. "Susunod naman si Rica. Hindi ka pa nagkukwento. Ano naman ang 2018 unforgettable moment mo?"

"Wala."

Kumunot ang noo ni Alejandro. "Wala? Paanong wala?"

"Wala akong unforgettable moment. Puros aral ang inatupag ko. Hindi ko na magagawa pang makapag-hangout. Like what Miriam Defensor Santiago said, Law school is quite easy. It's like a stroll in a park. Pero Jurassic Park." Pekeng tumawa si Rica. "My gosh! I'm drunk na. I think I need to go to sleep. I'll go upstair." Inabot nito kay Tita Natalia ang hawak na kopita bago umalis.

Huminga ng malalim si Tita Natalia. "Maybe she's tired too. Hayaan na natin siya."

Bumalik ang usapan sa pagkukwento ng hindi makakalimutang alaala noong 2018. Naging abala na ang lahat.

Napatingin ako sa gawi ng dinaanan ni Rica kanina. Pagod? Sa tingin ko hindi. Parang gusto nga ako sakalin ng babaeng iyon sa pamamaraan ng pagtingin niya sa akin. Lumingon ako kay Alejandro nang humigpit ang yakap niya sa akin.

"Matulog na rin tayo. May date pa tayo bukas."

Napangiti ako bago tumango. "Sige, matulog na tayo."

Nagsenyas sa akin si Alejandro na huwag akong mag-iingay at pasimple na kaming umalis sa sala. Marahil para hindi masira ang pinag-uusapan ng mga kasama namin. Magkahawak kamay kaming umakyat na hindi man lang nagpapaalam.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top