Capitulo Veinte-Sais
Capitulo Veinte-Sais
Nilibot ko ang paningin ko. Nasa park kami ng subdivision kung saan kami nakatira ni Alejandro. Ngayon lang niya ako nadala dito. Marami-rami ring tao na kung hindi naglalakad-lakad, tumatakbo o naglalaro. Nasa paligid lang din namin ang mga bodyguard na nagbabantay sa amin. Niyaya ako ni Alejandro na ma, pupunta siya sa iba't ibang panig ng Pilipinas upang mangampanya. Gusto kong sumama sa kanya kapag nangampanya na siya pero alam kong hindi niya ako papayagan dahil ako'y nagdadalang tao.
Pinaupo niya ako sa bench at hinawi ang buhok ko. "Hey, huwag kang malungkot. Sandali lang naman 'yon. Mga ilang araw then tapos na. Kaya huwag ka na malungkot. Okay?"
Pilit akong ngumiti bago tumango. Wala naman akong magagawa. Kailangang mangampanya ni Alejandro para dumami ang sumusuporta sa kanya. Kagabi nalaman ko na pati rin ang kasalukuyang presidente ng Pilipinas, nasa kanya ang suporta nito. Unti-unting naaabot ni Alejandro ang kanyang pangarap at sana, matupad ito.
Tumabi siya sa akin at pareho naming tinitingnan ang mga dumadaan. Sinundan ko ng tingin ang isang pamilya na napadaan sa amin. Ang saya nila tingnan. Napahawak ako sa aking tiyan. Sana maging masaya kami katulad nila sa oras na mabuo ang aming pamilya. Nakakatuwa sigurong tingnan na ako at si Alejandro na hawak-hawak namin ang kamay ng aming supling habang naglalakad dito sa park.
"Excited na akong makita ang anak natin kaso matagal pa siyang lalabas." Nilingon ko si Alejandro.
Ngumiti siya sa akin at hinawakan ang tiyan ko. "Sigurado akong excited rin ang baby natin na makita tayo."
Humilig ako sa balikat ni Alejandro. Naging mas masaya ang asawa ko nang malaman niyang nagdadalang tao ako. Nawala na ang lungkot niya dahil sa pagpanaw ni Celestine.
"Sa labas na lang tayo kumain para sa dinner natin. Ang tagal na rin noong huling kumain tayong dalawa sa labas."
Tumango ako. "Alejandro, nasaan na ang abuela mo? Nais ko sanang ipaalam sa kanya na magkakaapo na siya sa tuhod."
"Bumalik na si Lola Caridad sa Cebu."
"Ganoon? Sayang naman."
"Hindi nga nagpaalam na aalis na siya." Hinawakan niya ang kamay ko. "Kumusta na ang sinusulat mo?"
"Malapit ko na matapos." Napangiti ako. "Nalaman ko na may mga website para sa mga manunulat. Nagpatulong ako kay Mira na gumawa ng account sa napili kong online writing website. Tinuruan din niya ako kung paano mag-post doon. Nakakatuwa nga dahil marami akong mamabasang nobela sa website na iyon."
"Nakapag-post ka naman doon ng kwento?"
Tumango ako. "Ang kwento nating dalawa ang tanging maipo-post ko doon. Si Mira rin ang gumawa ng book cover kaya ang laki ng pasasalamat ko sa kanya. Kahit papaano'y may nagbabasa naman ng aking sinulat."
"That was good. May iba ka nang pagkakaabalahan pero huwag masyadong gumamit ng internet."
"Opo."
"Maglakad-lakad na ulit tayo."
Nasa baywang ko ang braso ni Alejandro habang kami'y naglalakad. Napapansin ko na kinukuhaan kami ng litrato. Hindi ko alam kung bakit kailangan pa kaming kuhaan ng litrato. Bigla akong napakapit kay Alejandro. Umiikot ang aking paningin.
"Ayos ka lang ba, Victoria?" nag-aalalang tanong sa akin ni Alejandro.
"Ayos lang ako. Medyo nahihilo lang."
"Umuwi na—"
"Huwag kang mag-alala. Ayos lang—" mariin akong pumikit. Mas lalo akong hihilo. Muntik na akong mapatili dahil bigla akong binuhat ni Alejandro.
"We will go home now."
Napakapit ako sa leeg niya at hindi na ako dumilat. Baka kasi lalo akong mahilo kapag dumilat ako. Huminga ako ng malalim. Para akong dinuduyan habang karga-karga niya. Ngumiti ako hanggang sa lamunin na ako ng antok.
Alejandro Lucas Navarroza:
"Senator, ako na po ang magbubuhat kay Ma'am Victoria."
Umiling ako kay Don. "No need. Kaya ko naman buhatin ang asawa ko." Napatingin ako kay Victoria. She's sleeping right now. Napangiti ako.
"Hala si Senator in love masyado kay Ma'am Victoria."
"Shut up, Don. Nakikitang natutulog si Victoria."
Pinagbuksan ako ni Don ng pintuan kaya mabilis akong nakapasok sa loob ng bahay. Hindi ko mapigilan na titigan si Victoria. She's so peaceful while sleeping. Pagkapasok namin sa kwarto, dahan-dahan ko siyang hiniga sa kama. I gave Victoria a kiss in her forehead before leaving her in our room. Pumunta kaagad ako sa opisina ko.
Nasa loob si Don, halatang hinihintay ako. "May lead ka na kung sino ang nagpapadala ng death threat?"
"Wala pa rin, Senator. Magaling magtago ang taong ito. May kararating na box para kay Ma'am Victoria." Inabot sa akin ni Don ang box.
Binuksan ko kaagad ito at kumuyom ang kamay ko sa nakita kong laman nito. Isang fetus ng aso at baby cloth. Punong-puno rin ng dugo ang damit. Kinuha ko ang nakatuping papel doon.
I will make sure that you're baby will die
Cut out galing sa magazine ang message para kay Victoria. "Lahat ng mga padala para sa asawa ko, siguraduhin mong dadaan muna sa akin bago niya matanggap." Makakasama kay Victoria kapag may natanggap siyang death threat.
"Noted, Senator."
I don't have an idea who's this person. Kung dati si Senator Cervantes ang iniisip kong gumagawa nito, ngayon hindi na. He's my father-in-law and he will never do this to her daughter. He love Victoria so much. Pinadagdag pa nga nito ang bodyguard namin para lang maprotektahan ng mabuti ang asawa ko.
I read again what's written in the paper. Nilamukos ko ito. Pati ang anak namin pinagbabantaan ng taong ito. I need to find this person as soon as possible. Hindi ko hahayaang may mangyaring masama sa mag-ina ko. I will protect them no matter what happen.
"Itapon mo na ito sa basurahan. Dapat hindi ito makita ng Ma'am Victoria ninyo." Binigay ko kay Don ang box. "Install more CCTV camera. Lalo na sa labas ng bahay. Bantayan ninyo ng mabuti ang paligid ng bahay. Kapag may napansin kayong kahina-hinala, sabihin ninyo kaagad sa akin. I-check ninyo ng mabuti ang mga pumapasok dito sa bahay. Pati rin ang groceries at ang nilulutong pagkain para kay Victoria. We need to be more extra careful. Hindi ito pwedeng malaman ni Victoria. Ayokong mag-alala siya. Makakasama iyon sa pagbubuntis niya."
"Copy, Senator Navarroza."
Maria Victoria Saenz-Navarroza:
Napapangiti ako habang pinagmamasdan ko si Alejandro. Masyadong tutok ang atensyon niya sa sinasabi ng mga kapartido niya. May meeting sila ngayon sa conference room ng cityhall ng Maynila. Hindi dapat ako kasama ni Alejandro ngunit pinagpilitan kong sumama. Halos isang oras bago ko siya napapayag na isama ako. Naging hiluhin kasi ako at ayaw lang naman niyang may mangyari sa akin. Pero talagang nababagot na ako sa loob ng bahay.
"Ma'am Victoria." Pinatong ni Don ang isang platito ng strawberry cake at isang baso ng orange juice.
"Salamat, Don." nakangiting bulong ko bago ko tikman ang cake.
"Dapat bandang Pampanga tayo unang mangampanya, Senator Navarroza." suhestiyon ni Senator Davis.
"Hindi ba dapat dito muna sa Metro Manila tayo mangampanya bago sa mga probinsya?" wika naman ni Senator De Villa.
"Mas maganda kasing unahin natin ang mga lugar na marami tayong supporters..."
Binaling ko na lang ulit ang atensyon ko sa kinakain kong cake. Nang iinumin na ako ng juice bigla kong nabato ang baso na dahilan ng pagkabasag nito.
"Victoria, anong nangyari?"
"M-May uod sa inumin ko." nanginginig kong sagot. Takot ako sa mga uod at bulate. Hindi ko alam kung bakit may ganoon sa inumin ko.
"Don!" sigaw ni Alejandro kaya napapasok sa loob si Don.
"Bakit po, Senator?"
"Di ba sinabi ko sa iyo na i-check mo lahat ng pagkain o inumin na ise-serve kay Victoria? Bakit may uod sa juice niya?"
"H-Hindi ko po napansin, Senator. Sorry po."
"Leave now. Tumawag ka ng maglilinis nito."
"Opo, Senator." Mabilis na lumabas ng conference room si Don.
"I think we need to end this meeting." Seryosong sabi ni Alejandro na ikinasang-ayunan nilang lahat. Halos sabay-sabay kaming nagsilabasan. Nakaalalay sa akin ang asawa ko.
Lumapit sa amin si Mayor Camacho. Sa pagkakatanda ko, tatakbo ito para sa senatorial position. "I'm sorry, Senator Navarroza, on what happened. Ipapa-imbestiga ko kaagad ang nangyari kanina." Tumingin sa akin ito. "I'm sorry, Ma'am."
Pilit na lang akong tumango. Pumasok kami sa elevator kasama ang ibang kapartido ni Alejandro. Nasa baywang ko lang ang kamay niya. Tahimik silang lahat. Nawala ang ingay kanina sa loob ng conference room. Kasalanan ko kung bakit naputol ang diskusyon nila.
Napayuko ako at napakagat labi. Kung wala lang ang ganoong bagay sa inumin ko, hindi ko sana sila magugulo. Pero bakit may ganoon sa inumin ko?
"Senator Navarroza, Madam, mag-ingat kayo sa daan." nakangiting sabi ni Senator Davis bago kami iniwan.
Iginiya naman ako ni Alejandro papunta sa kotse. Kaagad niya akong pinapasok sa loob. May pinag-uusapan sila ni Don at hindi ko marinig ang mga sinasabi nila. Mayamaya pumasok na rin sa loob si Alejandro. Napakaseryoso ng mukha niya ngayon na tila ba walang biro sa bawat segundong dumarating.
"Alejandro—"
"Wala ka nang tatanggaping pagkain kapag kasama kita sa mga meeting ko. Magdadala na lang tayo ng sarili mong pagkain."
"Ngunit kabastusan naman kung tatanggihan ko ang—"
"Nakita mo naman kung anong nilagay sa juice na binigay sa iyo? Hindi natin alam kung anong susunod nilang ilagay sa pagkain o inumin mo."
Hinawakan ko ang kamay ni Alejandro. Siguradong mainit ang ulo niya sa nangyari kanina. "Hindi naman siguro sinasadyang magkaroon ng uod ang inumin ko. Hindi lang natingnan ng mabuti."
"Kahit na. Mabuti na ang nag-iingat." Huminga siya ng malalim. "Miss San Jose, can we cancel the interview?"
"Senator, if ever we cancel the interview, pwede pong makasama ito sa image mo. Its a live interview." sagot kaagad ni Mira.
Muling bumuntong hininga si Alejandro. "We have no choice."
"Senator, may isang magazine na gusto po kayong ma-interview with Ma'am Victoria. They're waiting your answer."
"Bakit kasama ako?" hindi ko napigilang sumingit sa usapan nila. Ilang beses nang na-interview si Alejandro ngunit ngayon ko lang narinig na gusto siyang i-interview na kasama ako. Wala namang interesante sa akin.
Ngumiti sa akin si Mira. "Kayo po ni Senator ang ideal couple ng buong Pilipinas kaya po maraming gusto ma-interview kayong dalawa. Ilang interview na rin po ang ni-reject ni Senator dahil ayaw niya po na ma-expose kayo sa media."
Nilingon ko si Alejandro. Alam kong mahalaga ang bawat interview dahil makakatulong iyon sa kampanya niya. "Alejandro?"
"Gusto kong hindi ka ma-stress sa mga itatanong nila sa iyo kaya nire-reject ko ang gustong mag-interview sa ating dalawa." Hinaplos niya ang aking mukha. "Kahit pa alam natin kung anong itatanong nila, may mga tanong pa rin silang biglang ibabato sa atin. Minsan negatibong tanong, minsan hindi."
"Ngunit makakatulong sa iyo kung sakaling—"
"Hayaan mo na 'yon. Ang mahalaga, hindi ka ma-stress lalo ngayong buntis ka. Ayokong may mangyaring masama sa iyo dahil sa mga interview na 'yan."
"Pero—"
"I love you, Victoria."
Napangiti na lang ako. Tinapos na niya ang usapan. Naiintindihan ko siya. Iniisip lang naman niya ang kaligtasan ko at ng batang nasa aking sinapupunan. "Mahal din kita, Alejandro." Masuyo siyang ngumiti sa akin at hinila ako upang yakapin ng mahigpit.
----
Tutok ang aking atensyon kay Alejandro habang siya'y kinakausap ng host ng isang sikat na programa sa telebisyon. Maraming tinatanong sa kanya tungkol sa politika. Mga issue na kinokonekta sa kanya na agad rin niyang nasasagot. Marami ring manonood dito sa loob ng studio. Pinaupo nila ako sa harapan upang mapanood ko raw si Alejandro ng mabuti. Katabi ko rin si Mira.
"Senator Navarroza, is it true that Senator Cervantes is your father-in-law?" seryosong tanong ng host. Sa pagkakatanda ko'y si Tessie Gumabao ang ngalan nito.
"Yes, Tessie. He is my father-in-law."
"How come? Adoptive daughter ba nila ang wife mo?"
"No. Biological daughter nila ang asawa ko. She was their long lost daughter and its a long story kung ikukwento ko pa sa iyo." Pasimpleng tumingin sa akin si Alejandro.
"Why you want to be the next president of the Philippines?"
"Bata pa lang ako, pangarap ko na maging presidente ng bansa natin. Sa murang edad, namulat na ako sa kung anong nangyayari sa bansa natin. I have so many plan for the country. Gusto kong panindigan ito at alam kong matutulungan ko pang maging maayos ang bansa natin kapag naging presidente ako. Hindi ko man maipapangako na magiging perpekto ang bansa natin pero magagawa kong maiangat ito. Ang kailangan ko lang ay ang kooperasyon at suporta ng mga mamamayang Pilipino. Kung tayo'y magtutulungan, sabay-sabay nating maiaangat ang ating bansa."
"You have a great plan to our country, Senator Navarroza." nakangiting sabi ni Tessie. Tumingin ito sa hawak na papel. "But why do you still continued running for this position if your father-in-law wants to be a president too? Hindi ba parang disrespect ito sa kanya at sa asawa mo?"
"Me and Senator Cervantes talked about this. He said that he wants me to run for this position because he know that I'm capable for the position. For him, its a high time to enjoy his life with Ninang—Mommy Natalia. Sa totoo lang, sinabi ko sa kanya na ako na lang ang hindi tutuloy sa pagtakbo for presidential position because I respect him as my father-in-law but he insist that I shall continue this. I have a mission that I need to finish and that is to serve my country."
Nagsihiyawan ang mga sumusuporta kay Alejandro. Ako naman ay napangiti. Sobra ko siyang pinagmamalaki.
"You have so many supporter, Senator Alejandro Navarroza. What can you say to them?"
Humarap si Alejandro sa mga audience. "Maraming salamat sa inyong suporta. Wala ako dito sa kinatatayuan ko ngayon kung wala kayo. Salamat sa tiwala ninyo sa akin at pinapangako kong pagbubutihan ko pa ang paglilingkod sa bayan."
"I've heard na magkakaroon na kayo ng baby soon. Congratulation, Senator Navarroza and to your wife."
"Thank you, Tessie."
"Thank you, Senator Navarroza, sa pakikipanayam sa amin." Ngumiti si Tessie bago humarap sa ito humarap sa camera. "Well that's all for today. Thank you for watching. Senator Navarroza, goodluck sa darating na eleksyon." Tinanguhan lang ito ni Alejandro. "I am Tessie Gumabao and this is Speak Up for the People."
Nagsipalakpakan ang mga nasa paligid ko. Senyales na tapos na ang interview. Tumayo ako at nakaalalay naman kaagad sa akin si Mira. Kanina kasi ay nahilo ako kaya binabantayan ng secretary-assistant ni Alejandro ang bawat kilos ko.
Gumuhit ang ngiti sa labi ko nang maglakad papunta sa akin si Alejandro. "Ayos lang ba ang pakiramdam mo?" tanong niya kaagad sa akin bago ako magaang hinalikan sa noo na dahilan kung bakit nagsitilian ang karamihan ng manonood sa loob ng studio.
"Ayos lang ako. Medyo nilalamigan ako kanina pero nakaya ko naman dahil sa coat na binigay mo sa akin bago mag-umpisa ang programa."
Hinawakan niya ang kamay ko. "Sobrang lamig ng kamay mo."
Kimi akong ngumiti. "Sobra kasi akong kinakabahan habang ini-interview ka nila."
"Lets go now." Kumaway siya sa mga sumusuporta sa kanya. Kumaway rin ako dahil may mga kumaway sa akin. Kabastusan naman kung hindi ko gawin iyon. Magkahawak kamay kaming pumunta ng backstage. Nakasunod naman sa likuran namin si Mira at ang ibang bodyguard ni Alejandro.
"Senator, the president wants you to go at the Malacañang Palace as soon as possible."
"Sa alanganing oras talaga?"
"Its still four-thirty in the afternoon, Senator."
Napamasahe sa sentido si Alejandro. "Victoria—"
"Ayos lamang sa akin kung ako'y mauuna nang umuwi." putol ko sa sasabihin niya. Mahalaga ang pag-uusapan nila ng presidente kaya kailangang pumunta ni Alejandro doon.
"Hindi kita pwedeng hayaang umuwi na hindi ako kasama."
Hinaplos ko ang kanyang mukha. "Huwag kang mag-alala. Hindi naman ako pababayaan ng mga bodyguard na itinalaga mo para ako'y bantayan. Upang mapalagay ang iyong loob, doon muna ako sa aking mga magulang. Mas malapit dito ang tahanan nila kaya hindi ako magtatagal sa gitna ng daan na hindi ka kasama."
Napabuntong hininga na lang siya bago tumango. "Mag-ingat ka sa daan. Tawagan mo ako kapag nandoon ka na sa bahay nila."
"Ikaw rin mag-ingat ka." Magaan ko siyang hinalikan sa gilid ng labi niya bago ko sila iniwan. Nakasunod kaagad sa akin si Don. Mukhang siya na talaga ang tinalaga ni Alejandro upang magbantay sa akin ng mabuti. Nilingon ko ang aking esposo. Marami nang kumakausap sa kanya ngunit ang kanyang tingin ay nasa akin pa rin. Kumaway siya sa akin kaya gumanti rin ako ng kaway hanggang sa makalabas na ako.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top