Capitulo Veinte-Ocho
Capitulo Veinte-Ocho
"Manuel?"
"Ate Victoria, ikaw nga!"
Napangiti ako dahil kapatid ko nga ang nakikita ko ngayon. Nang tangka kong lapitan si Manuel biglang may humawak sa aking baywang upang pigilan ako.
"Victoria no!"
Sabay ng pagsigaw na iyon ang pagbago muli ng paligid ko. Nasa loob na ulit ako ng bahay namin ni Alejandro. Nilibot ko ang aking paningin. "A-Anong nangyari? Nasaan si Manuel?" Palinga-linga kong tanong.
"Wala dito si Manuel, Victoria."
"Nandito siya. Nasa harapan ko na siya at nandoon ako sa bahay namin kanina."
"Victoria, nandito ka sa bahay natin."
"Pero nasa harapan ko na ang kapatid ko."
"Hindi mo siya kapatid."
"Kapatid ko siya! Kahit anong mangyari, siya pa rin ang bunso kong kapatid. Mayayakap ko na si—"
"Tumigil ka na, Victoria!" biglang sigaw niya na ikinatigil ko. Mariin niya akong hinawakan sa balikat. "Hindi ba napagkasunduan natin na hindi mo na iisipin ang pamilya mo doon dahil ayaw nating masira ang magiging pamilya natin? Bakit mo pa rin sila iniisip? Bakit binubuksan mo ang topic tungkol sa kanila?" Puno ng galit ang kanyang mga mata na ngayon ko lamang nakita.
"Hindi ko sila iniisip ngayon!"
"Kung hindi mo sila iniisip, bakit halos maglaho ka na kanina?"
"Hindi ko alam!" Napangiwi ako nang mas dumiin ang pagkakahawak niya sa akin. "N-Nasasaktan ako!"
Lumambot ang kanyang mukha at unti-unti niya akong binitawan. "I'm sorry."
"Bakit ka ba nagagalit sa akin? Hindi ko naman ginusto na mangyari iyon kanina."
"Victoria, hindi ko—"
Tinalikuran ko siya at hindi ko na tinapos ang kanyang sasabihin. Nagmadali akong umakyat ng hagdanan. Bumalik ang inis ko kay Alejandro at sa mga oras na ito, mas nadagdagan ang inis ko sa kanya na may halong pagtatampo. Bakit niya pinagpipilitan na iniisip ko sila Manuel kanina kaya muntik na akong bumalik sa pinanggalingan kong panahon?
"Nakakasama ng loob." bulong ko bago pumasok ng aming silid. Humiga ako sa kama at hindi ko na napigilang umiyak. Sobra talagang nakakasama ng loob si Alejandro. Pwede naman na mag-usap kami ng hindi ako pinagtataasan ng boses. Oo, gusto kong makita ang aking kapatid ngunit mas pipiliin ko na lang na hindi ito makita kaysa hindi mabuo ang magiging pamilya namin ni Alejandro. Mariin akong pumikit nang narinig kong bumukas ang pintuan ng kwarto.
Alam kong si Alejandro ang pumasok. Mayamaya'y lumubog sa tabi ko at hinawakan niya ang aking balikat. "Victoria, I'm so sorry." Hindi ko siya pinansin at umiwas ako ng tingin sa kanya. "Victoria, mag-usap tayo," Mahina niyang pinisil ang balikat ko. "Hindi ko sinasadyang pagtaasan ka ng boses. Hindi ako nagagalit sa iyo."
"Nagagalit ka sa akin. Hindi mo naman ako pagtataasan ng boses kung hindi ka galit sa akin."
"I'm sorry kung napagtaasan kita ng boses. Kahit kailan hindi ko magagawang magalit sa iyo."
Nilingon ko siya. Parang nawala ng parang bula ang pagtatampong nararamdaman ko sa kanya. "T-Talaga?"
Sunud-sunod siyang tumango. "Kaya lang ako nagkaganoon kanina dahil natakot. Natakot ako dahil halos mawala ka sa akin kanina. Halos hindi na kita makita. Para akong mababaliw sa tuwing nakikita kitang naglalaho, paano pa kaya kapag tuluyang kang mawala sa akin. Baka sa pagbalik mo dito, naka-confined na ako sa mental hospital."
Dahan-dahan akong umupo. "Alejandro "
"Pasensya na sa ginawa ko, Victoria." Inabot at masuyo niyang hinalikan ang aking kamay.
"Paumanhin din sa aking inakto."
Ngumiti siya sa akin at niyakap ako. Magaan niya akong hinalikan sa noo. Mabuti't naging maayos kaagad kaming dalawa.
----
Taimtim akong nakikinig sa sermon ng prayle na nagmimisa ngayon. Tungkol sa mga kabataan ang sinasabi nito. Na dapat ay maging mabuting tao at patuloy at isapuso ang pananalig sa Poong Maykapal.
Napatingin ako kay Alejandro nang hinawakan niya ang aking kamay. Mabuti nagising ko siya ng maaga dahil kung hindi baka ang aking mga magulang ang kasama ko ngayon. May mga bodyguard na nakapaligid sa loob at labas ng simbahan upang mabantayan kami ng mabuti.
"Maging mabuting ehemplo sa mga susunod na henerasyon. Itigil na ang mga masasamang gawain bagkus gawin ang mga bagay na ikakabuti hindi lamang ng kapwa-tao pati na rin ang ating kapaligiran..."
Tumango ako bilang pagsang-ayon sa sinabi ng prayle. Nababalitaan ko ngayon ang kabi-kabilaang pag-abuso sa kalikasan. Tunay ngang nawala na ang dating ganda ng inang kalikasan. Kung dati'y napapaligiran ng mga puno ang mga lungsod dito, ngayon ay puros gusali at bilang na lamang ang mga punong makikita. Kabi-kabilaan ang mga kalat na nagiging dahil ng pagbaha sa ibang lugar. Nakakalungkot dahil unti-unting nasisira ang kalikasan.
Bumuntong hininga ako dahil paglukod ng lungkod sa akin. Siguro'y kapag nagkaroon na ako ng pagkakataon, baka'y sumali ako sa mga grupo na nagtatanim ng mga halaman na magiging puno kalaunan. Tiyak akong papayag si Alejandro sa nais kong gawin.
Natapos ang misa na napakapayapa. Hindi kami nakisabay sa mga lumalabas dahil baka raw mapaano ako. May mga lumapit sa amin at binati kami. May ibang nagpakuha ng larawan kasama sina Alejandro at Daddy Innocencio. Iba lang talaga kapag nakasabay sa misa ang dalawang kilalang tao sa mundo ng politika. May iba ring na kasama kami ni Mommy Natalia sa litrato.
"Thank you po!" masayang sabi ng isang binatang nasa edad na diecisiete bago kami iniwan.
"I have a reservation to your Mommy Natalia's favorite restaurant. Sumama kayo sa amin. Ang tagal na noong nagkasabay tayong apat na mag-breakfast."
"Pwede naman po, Senator—"
"Alejandro."
"Sorry po. Daddy Inno, pwede naman po."
"That's good to hear. Convoy na lang tayo. Magkita na lang tayo sa Hulya's Diner."
Sabay kaming tumango ni Alejandro bago nila kami iniwan. Hindi mawala ang ngiti sa labi ko habang sinusundan ko sila ng tingin. Napakatamis ng pag-iibigan ng tunay kong mga magulang. Hindi tulad ng kinalakihan kong magulang, iisa lamang ang umiibig.
Mariin akong pumikit at pilit inaalis sila sa aking isipan. Ayokong magkaroon ng dahilan si Alejandro para hindi matulog ng ilang gabi dahil binabantayan niya ako matulog. Pagdilat ko'y halos maputol ang aking paghinga sa aking nakita. Sa hindi kalayuan ay nakita ko ang aking kapatid. "K-Kuya Matias?"
"Ano, Victoria?"
"Kuya Matias!" Tumakbo ako papunta sa gawi ni Kuya Matias. Mabilis itong naglalakad palayo sa akin.
"Victoria, huwag kang tumakbo!"
"Kuya Matias!" paulit-ulit kong tinatawag ang kapatid ko ngunit tila bingi ito sa pagtawag ko. "Kuya Matias, nandito ako, si Victoria!" Sabay ng paglingon sa akin ni Kuya ang paghila sa akin ng isang ta at ang pagdaan ng isang van sa tapat ko. Natulala ako. Muntik na ba akong masagasaan ng isang kotse?
"Victoria, naman!" Mahigpit akong niyakap ni Alejandro.
"Hoy! Kung gusto ninyong magpakama—Senator!" May lumapit sa aming isang lalaki. "Ayos lang po ba kayo?"
"Ayos ka lang ba, Victoria?"
Hindi ako nakasagot at hinanap ng paningin ko si Kuya Matias. Wala na siya.
"Ayos lang po kami. I'm sorry on what happened a while ago."
"Okay lang po. Mag-ingat na lang po kayo." At iniwan na kami nito.
"Nasaan na si Kuya Matias?"
"Sino ba si Matias?"
"K-Kuya ko."
"Heto na naman tayo, Victoria."
"Tunay ko siyang nakita. Halos pareho kayo ng suot at may mukhang may kausap siya sa cellphone. H-Hindi kaya'y napunta sa panahong ito ang kuya?"
"Imposible 'yon, Victoria. Kayo lang nina Celestine at Professor Keira ang possible na mag-time travel."
"Ano namang masasabi mo kay Señor Gabriel? Siya ay nag-time travel upang masundan ang kanyang mag-ina. Paano kung si Kuya Matias pala'y pumunta dito upang makita ako?"
"Iyon ang hindi ko hahayaang mangyari. C'mon, Victoria, lets go. Baka maghintay ng matagal sa atin ang parents mo."
Bumuntong hininga na lamang ako bago sumunod sa kanya. Umisang sulyap muna ako sa gawi kung saan ko huling nakita ang kuya ko. Sana'y makita ko siyang muli.
----
"Ma'am?"
Napahinto ako sa pagtipa sa laptop bago nilingon ang tumawag sa akin. "Bakit?"
"May bisita po kayo?"
"Sino?" Nagpatuloy na ako sa pagtitipa. Malapit ko nang matapos ang nobelang sinusulat ko at kaagad kong ipapabasa ito kay Alejandro sa oras na matapos ko ito.
"Kaibigan mo raw po. Keira Realonzo po ang pangalan."
Napangiti ako at kaagad kong pinindot ang save. Akala ko'y hindi na darating si Keira. "Bababa na ako." Nauna akong lumabas ng silid at nagmadaling bumaba. Lalo akong napangiti nang makita ko si Keira sa sala. "Buenas tardes, Keira!"
Napalingon si Keira sa akin. "Buenas tardes, Victoria."
Tumabi ako sa kanya. "Kumusta ka na, Keira?"
"Mabuti naman. Limang buwan na akong nagdadalang tao para sa pangalawang anak namin ni Gabriel. Ikaw, ilang buwan na baby sa tiyan mo?"
Napatingin ako sa tiyan niya kaya napahawak ako sa tiyan ko. "Dalawang buwan na."
Tumango si Keira. "Malapit na ang campaign period for election. You need to be more careful. Nakaka-stress ang campaign period dahil iyan ang time ng labasan ng baho ng mga kandidato at kung anu-anong negative comments to them."
"Salamat sa advice, Keira."
Nginitian niya ako. "Bakit mo pala ako pinapunta dito?"
Napaayos ako ng upo. Huminga ako ng malalim. Kailangan kong sabihin kay Keira ang tungkol kay Kuya Matias. Magkaibigan silang dalawa at tiyak akong matutuwa siya kapag nalaman niya ang nakita ko. "Tungkol ito sa kapatid ko. Si Kuya Matias nakita ko noong isang araw."
Nawala ang ngiti sa labi niya. "Imposible iyon, Victoria."
"Posible, Keira. Nakita ko ang kuya noong nagsimba kami ni Alejandro. Marahil ay nag-time travel si Kuya kaya siya nandito."
"Hindi pwedeng mangyari iyon." Sunod-sunod siyang umiling.
"B-Bakit naman? Kung ang asawa mo nagawang makapunta dito, bakit ang kapatid ko hindi pwede?"
"Dahil patay na siya, Victoria."
Natigilan ako. "Ano?"
"Patay na siya—"
"Oo, patay na ang kapatid ko kung hindi siya nag-time travel pero buhay siya. Nakita ko siya."
"Patay na si Matias, Victoria. Wala na siya bago pa ako makabalik sa panahong ito."
"Sinasabi mo bang patay na ang kapatid ko?"
"Pasensya na—"
"Hindi pa patay ang kuya ko! Nakita ko pa siya noong linggo!"
"Sorry, Victoria, pero totoo ang sinasabi ko. Nabaril siya ni Corazon."
"B-Bakit siya babarilin ni Señorita Corazon?"
"Dahil sa amin ni Gabriel. Si Matias, gusto niya kaming patayin lalo na ako dahil hindi ko masusuklian ang nararamdaman niya sa akin. Siya rin ang dahilan kung bakit namatay si Luciana Irabon." Inabot ni Keira ang aking kamay. "Maniwala ka sa akin. Hindi ko gusto ang nangyari."
"Hindi totoo 'yan. Hindi 'yan magagawa ng kuya ko. Mahal na mahal ni Kuya Matias si Luciana." Sunod-sunod akong umiling. "Kung maaari lang, umalis ka na."
"Victoria—"
"Umalis ka na!" sigaw ko kay Keira. "Hayaan mo muna ako!"
"Sana paniwalaan mo ang sinasabi ko. May mga proweba ako na totoo ang mga iyon. Alam ko rin kung anong nangyari sa pamilya mo pagkatapos ng insidenteng iyon."
Tinalikuran ko siya. "Don! Pakihatid si Keira sa labas." Mabilis akong umakyat. Hindi ako naniniwalang kaya gawin iyon ni Kuya Matias. Mabait na tao at may takot sa Diyos ang kuya ko kaya imposibleng pumatay at papatay ito ng tao. "Sobrang imposible!"
----
"Are you okay, mi amor?"
Matipid akong ngumiti bago tumango. Bumalik ang tingin ko sa salamin. Pinapanood ko kung paano ako ayusan ng makeup artist. Nagawa nitong gawin akong mas maganda. May pictorial kami ni Alejandro sa isang magazine. Ito ang kauna-unahan kong interview at syempre kasama ko ang aking esposo. Kinakabahan man ngunit kakayanin ko ito.
Kaya pumayag sa interview na ito si Alejandro dahil sa mga kondisyones niya. Nais ko mang malaman ngunit ayaw niyang sabihin sa akin.
"Ready na po tayo, Madam."
Nginitian ko lang ito. Lumapit sa akin si Alejandro at inilahad niya ang kanyang kamay. Magkahawak kamay kaming pumunta sa pwesto kung saan kami kukuhaan ng litrato.
"Sandali lang po. Papasok na po ang photographer."
Tinanguhan lang ni Alejandro ang staff. Pinaupo niya ako sa sofa na nandito. "Kapag hindi maayos ang pakiramdam mo, sabihan mo kaagad ako para ihinto na ang photoshoot."
"Sige."
"Good morning, everyone!"
Sabay kami ni Alejandro na napalingon sa taong bumati. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang aking kapatid. "K-Kuya." mahinang usal ko.
Lumapit ito sa amin na abot tenga ang ngiti. "Good morning, Senator Navarroza." Nakipagkamayan si Kuya Matias kay Alejandro. "Good morning, Ma'am." Inilahad niya ang kamay sa akin. Hindi ako makikipagkamayan kay Kuya kung hindi niya inabot ang kamay ko. "I'm Matthew Quijano, your photographer for today."
Matthew Quijano? Bakit nagpalit ng pangalan si Kuya Mattias?
"Its nice to meet you, Mr. Quijano." nakangiting sabi ni Alejandro. "Pwede na ba tayong mag-start? Hindi kasi pwedeng mapagod ang wife ko."
"Pwede na po, Senator. Na-set naman na ng maayos ang set. So lets start." Naglakad na ito palayo sa amin. "Just follow my instructions and everything will gonna be alright. Okay?"
Nilingon ko ang aking asawa. "Alejandro?" Kailangan kong sabihin na kapatid ko ang photographer na iyon.
Gumuhit ang ngiti sa labi niya. "Huwag kang kabahan. Sandali lang naman ito. Ilang shots lang then tapos na."
"Pero—"
"Ganyan! Senator, put your hands to your wife's waist." Sinunod ni Alejandro ang sinabi ni Kuya. "Perfect!"
Hindi ko magawang magsalita dahil sa tuwing sasabihin ko ang nais kong sabihin, pinuputol ito kaagad ng kapatid ko. May pagkakataong pinagmamasdan ko ito. Parang walang nagbago. Hanggang balikat na haba ng buhok, ang tindik at ang ngiti. Gusto kong lapitan si Kuya Matias upang mayakap.
"Bakit ka umiiyak?"
Napahawak ako sa aking pisngi. Hindi ko alam na umiiyak na pala ako.
"Masama ba ang pakiramdam mo?"
Napalingon ako kay Kuya Matias. Pag-aalala ang nakaguhit sa mukha nito.
"Hindi naman."
"Malungkot ka."
"H-Ha?"
"May ibibigay ako sa iyo para mawala ang lungkot mo." May kinuha ito sa dalang bag at binigay sa akin. Isang esaymada galing sa sikat na bakery dito sa Pilipinas. Alam ni Kuya kung anong pagkain ang magpapawala ng lungkot ko.
"Thank you, Mr. Quijano."
"You're welcome, Senator. Napapansin ko kasing malungkot si Ma'am kaya sa tingin ko mawawala ang lungkot niya sa isang simpleng ensaymada katulad ng kapatid ko. My sister eat esaymada when she's sad."
"Kuya."
"Ilang taon na ang kapatid mo?"
Nginitian ako ni Kuya Matias. "Kasing age siguro ni Ma'am. My sister is twenty-three years old now."
Gusto kong yakapin si Kuya. Tiyak akong pumunta rin sa panahong ito ang kapatid ko.
"Nasaan na siya ngayon?"
Nawala ang sigla sa kanyang mukha. "In heaven. She died four years ago."
"I-I'm sorry—"
"Its okay, Senator Navarroza. Nakikita ko lang kay Ma'am ang kapatid ko na si Riana. Maybe because they have the same eyes."
Parang nawala ang sayang naramdaman ko nang sinabi nito ang pangalan ng kapatid daw nito. Ibig sabihin ay hindi ito ang kuya ko. Pero bakit kamukha niya si Kuya Matias? Parehong-pareho. Ni wala man lang pinagkaiba dahil marunong magsalita ng English ang kapatid ko.
"Okay na tayo, Senator. Pwede na ang mga nakuha kong picture. I'm happy to work with the most adorable couple in this country."
Bago pa ako magsalita ay iniwan na kami ni Kuya.
"Umuwi na tayo, Victoria."
"Pero gusto ko pang makausap si Kuya."
"Mukhang hindi mo na siya makakausap. Narinig kong may next photoshoot pa siya kaya sigurado akong nagmamadali siyang umalis."
Nilingon ko ang gawi ng kamukha ni Kuya Matias. Para talaga siya ang kapatid ko. Bumuntong hininga ako. Mukhang totoo nga ang sinabi ni Keira na matagal nang patay ang kuya ko.
-----
A/N: Maraming salamat sa mga positibo ninyong komento. Nagawa ninyong pagaanin ang aking loob. Nitong mga nakaraang araw na puros negatibo ang pumapasok sa aking isipan, nagawa ninyong mawala ito. Hayaan ninyo't gagawin ko ang aking makakaya upang magpatuloy sa pagsusulat. Maraming salamat po!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top