Capitulo Treinta y Siete
Capitulo Treinta y Siete
"Ma'am Victoria!"
Napahinto ako sa dapat na pagbukas ng pintuan ng opisina ni Alejandro dahil sa biglang pagharang ni Mira. "Bakit Mira?"
"Wala po si Mr. President sa loob."
Kumunot ang noo ko. "Sigurado ka? Nag-message siya sa akin kanina na puntahan ko raw siya dito ng ganitong oras."
"Kakaalis lang po ni Mr. President. May biglaang meeting po siya."
"Baka sandali lang siya. Hihintayin ko na lang siya sa loob."
"No, Ma'am. The meeting is about the problem in the Mindanao. For sure po na mahaba-habang usapan iyon."
"Ayos lang iyon sa akin. Hihintayin ko pa rin siya."
"Ma'am, hindi po talaga kita maaaring papasukin sa loob hangga't wala pa po si Mr. President. I'm sorry po," sabi niya. "Rule po kasi iyon dito."
Hindi ko napigilang tumaas ang aking kilay. Siguro nga'y bawal akong pumasok sa loob ng opisina hangga't wala si Alejandro. Ngunit bakit ang dating sa akin ng pagbabawal sa akin ni Mira na pumasok ay iba. Napailing ako. Ginagawa lang ni Mira ang kanyang trabaho. Ngumiti ako sa kanya. "Ganoon ba? Hindi na ako magpipilit pa na pumasok sa loob. Pakisabi na lang kay Alejandro na pumunta ako dito."
"Maaasahan mo po, Ma'am."
Tinanguhan ko lang siya bago umalis. Sa tingin ko'y hindi ko na naman makakasabay kumain ang esposo ko. Mahirap palang maging asawa ng isang presidente. Kahati ko sa atensyon niya ang bansang pinamumunuan. Nagsisimula na akong magselos sa bansang Pilipinas kahit hindi naman maaari.
"First Lady."
Nilingon ko si Lyca. "Bakit, Lyca?"
"N-Nasa lobby po si Miss Erica San Diego."
"Sabihin mo, hindi ko siya makakausap. Masama ang pakiramdam ko." Lumiko ako ng daan imbes na pabalik ako sa north wing ng palasyo.
"First Lady, bawal po kayong pumunta sa ibang lugar. Baka biglang sumugod dito si Mr. President para sunduin kayo."
Hinarap ko ang mga nagbabantay sa akin. "Maglalakad-lakad lang naman ako saglit at babalik din naman ako. Hindi na ninyo pa kailangang sabihin kay Alejandro." Tinalikuran ko sila. Nakahawak ako sa likod ko habang naglalakad. "Puntahan mo na ang pinsan ko. Sabihin mo ang pinapasabi ko."
"Pero—"
"Bilisan mo."
"First Lady, hindi po siya aalis hangga't hindi ka niya nakakausap. Nandoon din po ang mother ninyo po."
Napasinghal ako at nagmadaling pumunta sa tinitirhan ko. Nakadama ako ng inis sa aking ina. Alam naman niya na ayokong makausap o makita si Rica dahil sa ginawa sa akin nito noon. Bakit pinagpipilitan pa rin niya na pag-usapan kaming dalawa?
"F-First Lady—"
"Sabihin mo sa head of security na sa susunod, huwag nang papasukin dito si Erica San Diego. Ban dito ang babaeng 'yan. Naiintindihan mo ba, Lyca?"
"Opo."
Hindi ako nakangiting pumasok sa loob na eksaktong nakita ko kaagad ang aking ina at pinsan. "Magandang hapon, Mommy." Umupo kaagad ako sa upuan. "Bigla akong nauhaw, Lyca. Pwede bang kuhaan mo ako ng tubig? Salamat." Tinanguhan ako ni Lyca bago umalis. "Nasorpresa ako sa biglaang pagdalaw mo, Mommy, at masaya akong makita ka."
"Hija—"
"Ngunit humihingi po ako ng paumanhin dahil hindi kita mahaharap ng matagal ngayon dahil masama po ang aking pakiramdam at kailangan ko na magpahinga."
"Pero, Victo—"
"Paalam po. Sa susunod na araw na lang po tayo magkwentuhan." Dahan-dahan akong tumayo. Nakakailang hakbang pa lang ako nang biglang magsalita si Rica.
"Lets stop this, Victoria. We're not child anymore para umakto ng ganito," sabi niya.
"Para umakto ng ganito? Pinoprotektahan ko lang ang anak ko kaya ganito ang pakikitungo ko sa iyo. Ayoko lang na mangyari ulit ang ginawa mo sa akin noon."
"I'm sorry on what I've done to you. Masyado lang akong nagseselos dahil—"
"Mahal mo ang asawa ko kaya mo nagawa iyon?" Pagtutuloy ko sa sinasabi niya. "Kaya malakas mo akong tinulak na muntikan nang ikapahamak ng batang nasa sinapupunan ko at sinabi mong mamatay na sana ang anak ko?"
"I was drunk that time and I don't know what I'm doing that time."
"Pero hiniling mo pa rin na mawala ang anak ko maski ako mismo?" Napayuko si Rica kaya pagak akong tumawa. Tunay ngang siya ang nagbabanta sa buhay ko. "Nakita mo na ang kasagutan, Mommy? Kaya 'wag na po kayong magtaka kung bakit ayokong harapin ang babaeng ito. Magiging delikado lang ang buhay namin ng anak ko."
"Victoria..."
Maiwan ko na po kayo." Nagmadali akong iniwan sila. Mukhang kay Rica pa rin ang panig ni Mommy. Napasapo ako sa aking dibdib. Hindi dapat ako masaktan. Natural lang naman na pagpanigan niya si Rica dahil tinuring niya itong anak. Samantalang ako'y sandali pa lang niya na nakikilala. Kaagad kong pinunasan ang luhang lumandas sa aking pisngi. Huminga ako ng malalim bago pumasok sa loob ng kwarto ko. Itutulog ko na lang itong sama ng loob na aking nararamdaman.
------
Napangiti ako dahil nakalabas na ulit akong Malacañang. Bibili ako ng mga kakailanganin pang gamit ng aking anak. Ayaw ni Alejandro na umalis ako at ipagawa na lang ito sa iba ngunit napilit ko siya. Marami ang nagbabantay sa akin kaya hindi makalapit ang mga nais na makipagkamay sa akin. Ang iba ay dinadaan na lamang sa pagkuha ng litrato ko sa malayuan.
"First Lady, sabihin mo kaagad sa akin kung bigla mong maramdaman ang contraction or sumama ang pakiramdam mo."
"Opo." Marahan akong tumawa. Paulit-ulit kasing sinasabi iyan ni Lyca. Hindi kasi siya mapalagay sa paglabas naming ito.
Pumasok kami sa isang department store. May mga sumalubong sa amin na mga saleslady para raw asikasuhin ako. Nginitian ko lang sila at nagsimula na akong tumingin-tingin ng mga gamit. Sobra kong saya habang pumipili ng mga gamit para sa unica hija ko.
"Ito po, First Lady, maganda po ang tela." May pinakita sa aking puting damit si Lyca.
Hinawakan ko ang damit. Kahit simpleng puting damit lang ito sa ibang tao ngunit sa paningin ko'y sobrang ganda nito. Gumuhit ang ngiti sa labi ko. "Napakagandang damit. Se adapta a mi bebé. (It fits for my baby.)"
"Po?"
"Kukunin ko ito." Hindi ko na binitawan ang damit. "Natanggap na ba ng mga bata sa foundation ang mga damit na binili natin para sa kanila?"
"Yes po. Nagustuhan po ng mga bata ang binigay mo sa kanila."
"Regalo iyon, Lyca. Masaya akong malaman na nagustuhan nila ang regalo natin sa kanila." Huminto ako sa paglalakad. Kinuha ko ang isang manika. "Sa tingin mo'y matutuwa kaya sila kapag binigyan natin sila ng laruan? Ay muntik ko na makalimutan. Kumusta na ang mga batang nakatanggap ng scholarship? Maayos ba ang napili ninyong eskwelahan para sa kanila?"
"Maayos naman po sila, First Lady. Nakakatuwa po dahil nakapasok po ang karamihan sa kanila sa with honors."
"Nakakatuwa nga."
"Gusto nga po nila na makilala po nila ang taong nagpapaaral sa kanila."
"Sabihin mo na wala kami rito sa Pilipinas at ayaw namin magpakilala. Mas magandang hindi na nila kami makilala. Katulad ng dating ginagawa ni Alejandro." Nakakagaan talaga ng loob ang tumulong sa nangangailangan. Kahit papaano ay may mga kabataan na matutulungan namin na gumanda ang kinabukasan.
"Pero bakit ayaw ninyong malaman nila na kayo ang nagpapaaral sa kanila? 'Di ba mas magandang makilala nila kayo para malaman ng buong bansa ang kabutihang ginagawa ninyo?"
"Mas maganda kasing isikreto ito. Minsan kasi minamasama ng ibang tao ang kabutihang ginawa ng isang tao lalo na sa posisyon namin ngayon ni Alejandro. Tiyak akong ang iba ay iisipan pa ng masama ang ginagawa naming pagtulong. Uso pa man din iyon sa mga social media site." Nilagay ko na sa cart ang damit na hawak ko. "Bayaran na natin ito." Inabot ko sa saleslady na nag-a-assist sa amin ang credit card ko at ito na ang nag-asikaso ng bayarin ko.
"Maupo muna kayo, First Lady." Tinuro ni Lyca ang upuan malapit sa amin.
Mabuti na lang at may upuan. Talagang gusto kong maupo sandali. "Salamat." Hinaplos ko ang tiyan ko at napangiti ako nang maramdaman ko ang pagsipa ng munti kong anghel. "Estoy emocionado de verte pronto mi hija. (I'm excited to see you soon my daughter.)" Lalo akong napangiti nang muling sumipa ang aking unica hija. "Te quiero."
"Madam." Inabot sa akin ng saleslady ang credit card ko. Sinabi nito na ipapadala na lang sa Malacañang ang mga pinamili namin.
Nginitian ko ito. "Salamat." Nagpaalam kami sa mga tauhan ng department store na tumulong sa amin bago kami umalis. "Lyca, nais kong kumain sa Jollibee. Makakakain kaya tayo roon?"
"S-Sigurado po ba kayo, First Lady, na doon kayo kakain?"
"Doon tayo kakain. Syempre kasama kitang kumain at oo ang aking sagot. Matagal na rin noong huling kain ko sa restaurant na 'yon. Una't huli at kasama ko si Alejandro." Naalala ko tuloy ang noong namasyal kaming dalawa.
"Pero, First Lady, palaging maraming tao roon. May iba namang restaurant na comfortable kumain."
"Ayos lang—Anong mayroon doon?" Tinuro ko pa ang mga nagkukumpulang tao. Tila ba'y may pinagkakaguluhan sila
"Hindi ko po alam. Lalapitan ko—"
Nagtakbuhan papunta sa gawi namin ang mga tao. Bago pa ako malapitan ng mga bodyguard ko, nadala na ako sa takbuhan nila. "S-Sandali lang." Nabitawan na ng isa sa humila sa akin nang nakalabas na kami ng mall. Hinanap ng mga mata ko ang aking kasama. "Nasaan na sila?" Isa-isa kong tiningnan ang mukha ng mga nakakasalubong ko. Kinuha ko ang cellphone ko. Bago ko pa ma-dial ang number ni Lyca biglang may tumakip sa ilong ko at unti-unting dumilim ang paligid ko.
Alejandro Lucas Navarroza:
Huminga ako ng malalim bago ko binaba ang hawak kong papeles. Ilang beses kong pinag-aralan mabuti ang batas na pr-in-oposed ng Legislative Department. May kulang pa at hindi ko alam kung bakit hindi ito napansin ng Judicial Department. Tungkol pa man din ito sa edukasyon at hindi man lang pinag-aralang mabuti. Minasahe ko ang sentido ko.
I started writing what recommendations I can suggest for this law. Its automatically veto or not approved. I'm sure next time they will give these papers to me, its completely perfect. No more mistake.
"President."
"Nakauwi na ba si Victoria?" tanong ko kaagad kay Don. Wala ngayon si Mira dahil naka-one week leave ito kaya si Don ang minsan tumutulong sa akin dito. Kaninang umaga pa umalis si Victoria para bumili ng iba pang kulang na gamit ng baby namin. Ayokong payagan na umalis si Victoria dahil alam kong nahihirapan na siyang magkilos-kilos.
"Tungkol po d'yan ang sasabihin ko, President Navarroza."
Biglang umangat ang tingin ko. "Anong nangyari sa kanya?" Bumaha ang pag-aalala ko sa asawa ko.
"Kakatawag lang ni Lyca Santos at ang sabi niya, nawawala raw si Ma'am Victoria."
Napatayo ako. "Ano? Paanong nawawala ang asawa ko? Nasaan ang mga bodyguard niya?"
"President—"
"The heck!" Nagmadali akong lumabas ng opisina ko. "Sigurado ba silang nawawala si Victoria? Paano kung pumunta pala siya sa comfort room? Tawagan mo ulit si Ms. Santos!" Hindi pwedeng mawala si Victoria.
"Opo, Sir." Kaagad na tinawagan ni Don si Ms. Santos. "Lyca—"
Inagaw ko kay Don ang cellphone niya. "Ms. Santos, what happened? Paanong nawala ang asawa ko?"
"Mr. President, nagkagulo po kasi dito kanina. Nasama po si First Lady sa mga nagtatakbuhan. Sinundan ko po siya kaso bigla po siya nawala na parang bula."
"A-Ano?" Sinakop ako ng takot. Pumasok bigla sa isip ko na baka bumalik sa panahon ng Español si Victoria. Hindi! Hindi pwedeng biglang maglaho si Victoria. Hindi siya pwedeng bumalik sa panahon na 'yon.
"Nandito po kami ngayon sa security office para tingnan ang CCTV footage. Mr. President, wala po silang kopya ng footage nang mangyari iyon. Parang na-hack po ang system nila. Its a big possible po na na-kidnap si—"
"I-check ninyo mabuti ang mga CCTV footage. Baka na-skip lang ninyo ang nangyari d'yan kanina." Mariin akong pumikit at binalik kay Don ang cellphone niya. Binaling ko ang tingin ko sa isa sa mga bodyguard na nakasunod sa akin. "Mag-assign kayo ng maghahanap sa asawa ko. Tell the PNP to put a checkpoint in every part of the NCR now. Hindi pa siguro sila nakakalabas ng Metro Manila." Ayokong paniwalaan ang idea na baka nag-time travel ang asawa ko pabalik sa year 1889. Nasaan ka na, Victoria?
"Yes, Sir." Umalis kaagad ito.
"Sir, sa iyo po yata 'yung tumutunog na cellphone."
Kaagad kong kinuha ang cellphone sa bulsa ko. Para akong nabunutan ng tinik sa lalamunan nang mabasa ko ang pangalan ni Victoria. "Its my wife," I said. Pinindot ko ang loud speaker. "Hello? Where are you, Victoria?"
"A-Alejandro..."
Naririnig ko sa kabilang linya ang paghikbi niya. "Why are you crying? Nasaan ka ba? Susunduin kita."
"Alejandro, t-tulungan mo ako—"
"Hello, Mr. President!"
Kumuyom ang kamay ko. "Pakawalan mo si Victoria. Huwag mong idadamay sa kalokohan mo ang asawa ko!"
"Ilang beses na kitang nabigyan ng warning pero hindi mo iyon pinansin. Now, I want to prove that every death threat I gave to you is true."
Narinig ko ang pagsigaw ni Victoria. "Gagawin ko lahat ng gusto mo. Huwag mo lang sasaktan si Victoria!"
"Really? Pumunta ka dito ngayon ng mag-isa and we will live like a newly wed couple." Sinabi nito kung nasaan sila ngayon. "Bilisan mo lang dahil kapag na-late ka, baka hindi ko mapigilan ang sarili kong saktan ang asawa mo." Tumawa ito ng malakas bago maputol ang tawag nito.
Mariin akong pumikit. "Ililigtas kita, Victoria."
----
Author's Message:
Good day, Caras!
Mga anak, stay at home. Delikado sa labas ngayon dahil sa COVID19. Tiis muna tayo sa loob ng bahay. Have a good time with your family and do your assignment or activities if you have. Kung walang magawa, magbasa na lang ng books or dito sa Wattpad or play games—board game or mobile game—to your siblings. Always pray kay God.
Stay safe and God bless you all!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top