Capitulo Treinta y Sais



Capitulo Treinta y Sais



Nakangiti ako habang naglalakad papunta sa opisina ni Alejandro. Dala-dala ko ang isang tray na may lamang pagkain niya para sa tanghalian. Ako ang nagluto ng ulam niya kaya tiyak akong matutuwa siya nito.

"First Lady, ako na lang po kaya ang magdadala ng tray. Baka nahihirapan na kayo—"

"Lyca, kaya ko naman. Hayaan mong ako ang magdala ng pagkain ng asawa ko."

"Pero baka nahihirapan na po kayo."

"Huwag kang mag-alala. Hindi naman ako nahihirapan." Napahinto ako sa paglalakad nang makita ko ang sekretarya ni Alejandro. Medyo naiinis ako sa kanya dahil sa hindi nito pagsabi kay Alejandro tungkol sa pagtawag ko.

"Good morning, Ma'am Victoria!"

Tiningnan ko ang wallclock. "Good afternoon, Mira. Baka pwede na akong makipag-usap sa asawa sa mga oras na ito?"

"I'm sorry, Ma'am, about what happened these past few days. Masyado lang po kasi akong natotorete sa mga trabaho ko ngayon kaya nakakalimutan ko na pong sabihin kay Mr. President ang tungkol sa pagtawag ninyo po. I'm so sorry po."

Matipid lang akong ngumiti. "Its okay."

"Ma'am, pumasok na po kayo sa loob." Si Mira pa mismo ang nagbukas ng pintuan para sa akin at naiwan naman sa labas si Lyca.

"Magandang hapon sa iyo, Mister."

Biglang umangat ang tingin ng napaka-busy kong asawa. Napangiti siya. "Victoria!" Tumayo si Alejandro at lumapit sa akin. Kinuha niya sa akin ang hawak kong tray. "Bakit ka napunta dito?" Magaan niya akong hinalikan sa pisngi.

"Masama bang dalawin ang aking asawa?"

Ngumiti siya sa akin bago umiling. "I'm planning to eat lunch with you, Mi Amor. Naunahan mo lang ako sa planong iyon." Pinaupo niya ako sa upuan. Inalis niya ang papeles sa kanyang mesa.

"Ang akala ko nga'y hindi ako papapasukin ng iyong sekretarya dahil daw ikaw ay sobrang busy." May halong inis sa boses ko.

"Victoria, hayaan mo na 'yong tao. Patawarin mo na. Hindi na niya ulit iyon uulitin."

Huminga na lang ako ng malalim. "Alejandro, sa susunod na buwan ba'y aalis ka ng bansa?" Pagbabago ko sa usapan namin.

"Parang oo. Titingnan ko pa ang schedule ko. Bakit?"

"W-Wala naman." Pilit akong ngumiti. Sa susunod na buwan na ang kabuwanan ko. Mukhang hindi matutupad ni Alejandro ang pangako niya sa akin noon na nasa tabi ko siya habang ako'y nanganganak.

"Kanina bago ako pumunta dito sa office, tiningnan ko ang nursery room ng baby natin. Ang ganda ng pagkaka-disenyo mo doon."

"Salamat."

"Pero dapat nag-hire ka na lang ng magde-design ng room para hindi ka napagod." Si Alejandro na ang nag-ayos ng kakainan namin.

"Mas gusto kong ako ang nagdisenyo ng magiging silid ng unica hija natin. Tinulungan naman ako ng mga criada dito kaya ayos lang."

"Ayoko lang naman na napapagod ka."

Ngumiti na lang ako at nag-usal na ako ng dasal. Naging masaya ang tanghalian ko ngayon. Nagkukwentuhan kaming dalawa habang kumakain. Parang katulad lang dati.

"Hayaan mo na dito ang pinagkainan natin. Ipapakuha ko na lang ito."

Tumango ako at magaan siyang hinalikan sa pisngi. "Ako'y aalis na para maipagpatuloy mo na ang iyong trabaho." Dahan-dahan akong tumayo. Napahawak ako sa likod. Ang hirap talagang kumilos. Naglakad na ako papalabas ng opisina niya at kinamalas-malas ay nahulog ang hawak kong panyo. Nahihirapan pa naman akong mag-abot ng gamit sa sahig.

"Huwag mo nang kunin, Victoria!" Nagulat na lang ako na nasa tabi ko na si Alejandro. Siya na mismo ang kumuha ng panyo ko st binigay sa akin.

"Salamat." Binuksan ko na ang pintuan.

"Victoria..."

Nilingon ko si Alejandro. "Bakit?"

"May gagawin ka ba ngayon?"

"Wala naman. Maglalakad-lakad lang ako. Kailangan ko kasi gawin iyon sabi ng doktor."

"Sasamahan kita."

"Pero may trabaho ka—"

"Pagbibigyan naman siguro ako ng mga mamamayang Pilipino kung gusto kong makasama ngayon ang asawa ko kahit sandali man lang."

Gumuhit ang ngiti sa mga labi ko. "Kung iyan ang gusto mo." Naglakad na ako kaya sumunod si Alejandro sa akin. Hinawakan niya ang kamay ko. "Hindi ko inaakalang ganito pala kaganda ang lugar na ito." usal ko habang naglalakad kami sa hardin. May payong na hawak si Alejandro. Nais ni Don na ito na ang humawak ng payong ngunit tinanggihan ito ng ni Alejandro.

"Maganda ang lugar na ito dahil sa patuloy na pag-alaga dito ng mga tauhan."

Tumango ako bilang pagsang-ayon. Napahinto ako sa paglalakad dahil sa biglaang paghilab ng tiyan ko. Napangiwi ako sa sakit.

"Bakit, Victoria? M-Masakit ba ang tiyan mo?"

"C-Contraction." Ilang beses akong huminga ng malalim. Talagang sumasakit ang tiyan ko.

"A-Ano—Tumawag kayo ng doctor! Bilis!" Tatakbo na dapat palayo sa akin si Alejandro kung hindi ko lang siya napigilan dahil siya mismo ay natataranta na.

"Natural lang ito, Alejandro."

"Anong natural? Sumasakit nga ang tiyan mo. Baka manganganak ka na—"

"Alejandro, hindi pa ako manganganak!" Humigpit ang pagkakahawak ko sa kanya. Muli akong huminga ng malalim hanggang sa unti-unti nang nawawala ang sakit na nararamdaman ko.

"O-Okay ka na ba?"

Sunod-sunod akong tumango. "Ayos na ako."

"You need to rest now."

"Pero—"

"Baka lalong sumakit ang tiyan mo sa paglalakad mo."

"Alejandro, natural lang ang paghilab ng tiyan ko. Nagre-ready lang ang katawan ko dahil malapit na akong manganak."

"Kahit na."

"Pero—"

"Take a rest now, Victoria."

Bumuntong hininga na lang ako at nagpatangay na lang ako sa marahang paghila sa akin ni Alejandro. Talagang nag-panic ang lalaking ito.



----



"First Lady, I think we need to go back at the North wing of the palace. Baka bigla po kayo makaranas ng contraction. Alam naman nating madalas mo na iyon maranasan."

"Okay naman ako, Lyca. Natural ko lang maranasan iyon at saka nababagot ako doon dahil wala naman akong ginagawa." Pumasok ako sa loob ng nagsisilbing museum dito.

"First Lady, dapat hindi tayo pumunta dito. Alam mo namang maraming pumupunta dito. Baka mapaano kayo."

"Hindi 'yan. May mga naman nakabantay naman sa atin." Isa-isa kong tinitingnan ang mga naka-display dito na naging saksi sa pagbabago sa loob ng Malacañang. "Marami palang naging presidente ng bansang ito?"

"First Lady—"

"Ikaw, Lyca, naging pangarap mo rin bang maging pinuno ng ating bansa katulad nilang dalawa?" Tinuro ko ang larawan ng dating pangulong Corazon Aquino at Gloria Macapagal Arroyo.

Kumibit-kibit ang labi ni Lyca. "Noon po, oo."

"Hindi na ba ngayon?"

"Hindi na po eh. Personal ko nang nakita na sobra talagang mahirap maging presidente ng isang bansa kaya po masaya na ako ngayon sa trabaho ko."

Tumango na lang ako. Huminga ako ng malalim bago nagpatuloy sa pagtingin ng mga naka-display dito.

"Hindi ba siya ang asawa ni President?"

"Siya nga."

"First Lady, umalis na po tayo—"

"Uhm, hello po!"

Sabay kami ni Lyca na lumingon sa bumati sa amin. Isa silang grupo ng mga estudyante. Nginitian ko sila. "Hello!"

"Madam, pwede po ba magpa-picture sa iyo?"

"Oo naman."

"First Lady—"

"Huwag kang mag-alala, Lyca. Picture lang naman ito." Nagsilapitan sa akin ang mga estudyante at nagsimula na sila mag-picture kasama ako. Hanggang sa sunod-sunod na ang nagpa-picture sa akin. Nararamdaman ko na ang pagod sa tagal kong nakatayo dito.

"Mr. President—"

"Victoria."

"Alejandro!"

Nakangiti siyang lumapit sa akin at hinalikan niya ako sa pisngi. May nagpaalam sa kanya na kukuhaan siya ng picture at ilan lang ang pinayagan niya bago kami umalis. "Bakit ka nandoon sa museum?"

"Gusto ko kasing makita ang loob ng museum."

"Alam mo namang hindi ka pwedeng pumunta sa lugar na maraming tao dahil baka may mangyaring masama sa iyo?" Dahan-dahan akong tumango. "Alam mo naman pala. Bakit ka pa rin pumunta doon?"

"Nababagot kasi ako. Ayokong mahiga lang maghapon."

"Hay, naku! Victoria, nagiging makulit ka ngayon."

Sinamaan ko siya ng tingin. Nakadama ako ng sobrang pagkairita kay Alejandro. "Kung nagiging makulit na ako sa iyo, huwag mo nang problemahin ang paglilibot ko dito." Binitawan ko ang kamay niya at kahit pa nahihirapan na akong maglakad, pinilit ko pa ring bilisan ang lakad ko.

"Victoria naman." Humarang si Alejandro sa dinadaanan ko. "Look, I'm sorry. Huwag ka na magalit sa akin."

"Ewan ko sa iyo." Inirapan ko siya. "Bumalik na tayo sa bahay, Lyca." Nilagpasan ko si Alejandro at hindi ko pinansin ang pagtawag niya sa akin. Bahala siya d'yan.



----



"Ma'am Victoria."

"Bakit Mira?" Hindi ko siya tinapunan ng tingin. Nagpatuloy lang ako sa binabasa ko.

"Ma'am, alam ko po na wala ako sa posisyon na sabihin ito sa iyo pero sana huwag mo na po siya pag-aalalahanin ng sobra."

Bigla akong napatingin kay Mira. "Ano?"

Kuwawa po kasi si Mr. President and on the same time, hindi na po niya nagagawa minsan ang trabaho niya dahil sa pag-aalala sa iyo. Alam ninyo naman po na dapat naka-focus siya sa trabaho pero hindi niya po magawa."

Umiwas ako ng tingin kay Mira. "Hindi ko alam na nagkakaganoon si Alejandro."

"Ma'am, sinasabi ko lang po ito dahil sa naririnig ko pong negative comments ng mga nakapaligid sa kanya. Pasensya na po."

"It's okay, Mira. You don't have to worry. Thank you sa pagsasabi nito sa akin."

"Thank you rin po. Mauna na po ako." Bahagyang yumuko si Mira bago umalis.

Napabuntong hininga ako. Hindi ko alam na nagkakaganoon na pala si Alejandro sa trabaho nang dahil sa akin. Pinag-aalala ko siya ng sobra. Nakokonsensya tuloy ako sa inakto ko kanina.

Napahawak ako sa suot kong kuwintas sabay ng biglang pagbago ng paligid ko. Biglang nasa loob na ako ng bahay namin sa San Pablo. Biglang huminto sa harapan ko si Mama at si Manuel.

"Mama, huwag na po kayong umiyak."

"Hindi ko mapigilan, anak. Nawawala na si Victoria at ngayon naman ay tuluyan na tayong iniwan ni Matias. Labis akong nasasaktan dahil sa nangyayari sa pamilya natin. Kasalanan ko ito."

"Mama, wala kang kasalanan sa nangyari kay Kuya Matias."

"Hindi. Kasalanan ko ito. Sana'y hindi ko hinayaan ito. Kung sana'y naging maayos ang paglaki ko sa inyo, hindi tayo magkakaganito. Hindi sana mamamatay ang kuya mo at hindi sana umalis ang ate mo. Kasalanan ko lahat ito dahil hindi ako naging mabuting ina."

"Mama." Tumayo ako. Nang lalapitan ko na sila biglang may humila sa akin at niyakap ako. Bumalik sa dati ang ayos ng paligid ko. "M-Mama."

"Victoria, wala sila dito. Wala sila dito."

Ilang beses akong kumurap bago ko napagtanto na nakayakap sa akin ngayon si Alejandro. Gumanti ako ng yakap. "Alejandro, bakit ang aga mo yatang umuwi ngayon?"

"Wala sila dito, Victoria. Hindi totoo ang nakita mo kanina."

"Alejandro..."

Hinaplos niya ang mukha ko. "I'm sorry dahil napapabayaan na kita pero huwag mo naman akong iwanan, Victoria."

"Hindi naman kita iiwanan. Sino ba nagsabing iiwanan kita?" Hindi sinagot ni Alejandro ang tanong ko. Niyakap lang niya ako ulit. Marahan kong tinapik ang likod niya. "Paumanhin kung naging matigas ang ulo ko. Ako'y nangangako na hindi na kita pag-aalalahin ng sobra. Hindi na ako masyadong maglalabas-labas at didito na lamang ako."

"I'm sorry too, Victoria." Magaan niyang hinalikan ang uluhan ko. "Let take a rest now while we're waiting for our dinner?" Napangiti ako at sunod-sunod na tumango. Sabay kaming naglakad papunta sa silid namin upang makapagpahinga na.



Glenda:



"Talagang ginugulo mo ang oras, Alivia. Alam mong dapat na nandoon siya sa panahong iyon."

Nilingon ko si Avilius. "Ngunit hindi iyon maaari dahil alam nating sa umpisa pa lang ay dapat sa panahon ng lalaking nakatakda sa kanya siya isinilang."

"Pero hindi mo dapat ginugulo ang oras at panahon! Mas nagkakagulo ang lahat dahil sa ginawa mo, Alivia. Tigilan mo na rin ang pagpapanggap mo bilang Glenda. Ilang Glenda na ang nagugulo rin ang buhay nang dahil sa iyo."

"Sisihin mo si Alexus kung bakit tayo nagkakaganito." Kung hindi sana nagmahal si Alexus ng isang tao, hindi sana magkakagulo ang lahat. Hindi ko sana guguluhin ang oras.

"Dapat bumalik na si Victoria sa panahon kung saan siya pinanganak. Tama nang nagkaroon ng isa at dalawang gulo. Itong pangatlo'y hindi ko na palalampasin pa."

"Avelius, hindi mo magagawa 'yan. Nagdadalang-tao si Victoria at hindi mo sila pwedeng maipaglayo."

"Nagawa kong ibalik si Keira sa panahong kinalalagyan niya ngayon, p'wes, magagaw ko rin iyon kay Victoria."

"Subukan mo ulit guluhin ang itinakda ko para sa kanya, sisiguraduhin kong magkakagulo tayong dalawa, Avilius." Iniwan ko sa bulwagan si Avilius. Hindi maaaring bumalik si Victoria sa panahon ng Español. "Hindi pwedeng magulo ang nakatakda para sa anak nila ni Alejandro."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top