Capitulo Treinta y Nueve
Capitulo Treinta y Nueve
"Ate."
Nilingon ko si Manuel bago ko ibalik muli ang aking tingin sa mga bulaklak na inaayos ko. Ilang linggo na ang nakalipas nang nakabalik ako rito. Tila ang daming nangyari na hindi ko alam kung paano nangyari. Maraming nagbago. Tulad nang wala ang dating sigla ng bahay. Wala ring mga criada na nag-aasikaso dito.
"Anong nangyari dito, Manuel? Bakit ikaw lang mag-isa dito sa bahay?" Hindi pa ako nakakalabas ng bahay. Hindi ko alam kung bakit tila may pumipigil sa aking lumabas. "Nasaan na ang mga criada natin?"
"Pinaalis ko na sila, Ate, noong pumanaw sila Mama't Papa. Gusto ko kasing mapag-isa."
Marahan akong tumango. Sa ilang araw ko dito sa bahay, unti-unti kong naaalala ang mga nangyari sa akin bago ako bumalik dito. Nakakapagtaka lamang dahil iba ang mga kasuotan ko doon. Alam kong nasa Pilipinas ako pero iba iyon. Tila ba nasa isang modernong lugar ako ng mga panahong iyon. Naikukwento ko iyon kay Manuel. Ang sabi niya sa akin ay wala pang ganoong lugar dito sa Pilipinas. Mariin akong pumikit nang may mga alaalang pumasok sa aking isipan. "Alejandro..."
"Ilang beses ko nang narinig ang pangalan na iyan mula sa iyo. Sino ba siya, Ate?"
Gumuhit ang ngiti sa aking mga labi. "Hunyo nang araw na iyon. Tila may fiesta dahil nagkakasiyahan ang mga tao sa paligid. Biglang tumagos ako sa isang espejo at siya ang sumalo sa akin. Hindi mawawala sa aking isipan noong makita ko ang kanyang mukha. Akala ko'y isang anghel ang sumalo sa akin. Inasikaso niya ako sa mga biglaang pangyayari na hindi ko maintindihan kahit pa napagkamalan niya akong multo ng gabing iyon." Marahan akong tumawa. "Siya ang nasa tabi ko noong mga panahong iyon." Napasapo ako sa dibdib ko sa pagsabog ng sakit dito sa aking puso. Sunod-sunod ang pagdaloy ng mga alaala sa isipan ko. Tila mga senaryong bigla na lang lumabas. "Siya ang tumulong sa akin. Matiyaga niyang pinapaliwanag ang mga bagay na hindi ko maintidihan. Buong puso akong tinanggap at inalagaan. Ang nagpapasaya sa akin at ang kumukumpleto ng araw ko." Unti-unting tumulo ang mga luha sa aking pisngi.
"Ate..."
"Isa siyang senador noong nakilala ko siya. Pangarap niyang maging pinuno ng ating bansa."
Umupo sa tabi ko si Manuel. "Isa ba siyang Español? Tanging hinalal lang ng hari ng España ang pwedeng maging Gobernador Heneral."
Umiling ako. "Hindi siya Español. Pilipino rin siya. Isang napakakisig at maginoong Pilipino. Doon, malaya na ang bansa natin. Malaya na tayo. Tiyak ako doon." Napayuko ako. "L-Labis ko siyang iniibig, Manuel."
"Ate..." Hinawakan ni Manuel ang aking kamay. "Kasintahan mo ba siya?"
Dahan-dahan ako ng umiling. "Hindi."
"Kung hindi, sino siya sa buhay mo?"
"A-Asawa ko siya." Halos pabulong kong sagot.
"Asawa!" Bakas sa boses ni Manuel ang labis na pagkagulat. "Kung gayon, dapat ko siyang makilala."
Sunod-sunod akong umiling. "Hindi mo siya makikita o makikilala man lang sa personal. Hinding-hindi, Manuel."
"B-Bakit?"
Sinalubong ko ang tingin ni Manuel. "Dahil nasa iba siyang panahon. Wala siya dito."
-----
Tahimik lang akong nakamasid sa labas ng bintana. Puno ng katamikan ang paligid. Pinagmasdan ko ang kalangitan. "Kumusta ka na, Alejandro? Tiyak akong nalulumbay ka. Paumanhin kung ako'y wala sa iyong tabi."
"Victoria..."
Hindi ko mapigilang maluha. Palagi na lang ako umiiyak. Baka nga maubusan na ako ng luha sa kakaiyak. Palagi ko ring naririnig ang boses ni Alejandro. Na tila ba'y sinasabi na bumalik na ako.
"Kung alam ko lang kung paano muling makabalik sa iyong mga bisig, Alejandro." Napahaplos ako sa aking leeg. Wala sa akin ang aking kuwintas. Hindi ko alam kung saan na iyon napunta. Ito pa man ang daan para makabalik sa panahon ni Alejandro. "Paumanhin, Alejandro."
"Umiiyak ka na naman, Ate Victoria."
Tinanggap ko ang panyo galing kay Manuel. "Labis lamang akong nangungulila sa aking asawa. Tiyak akong ganoon din iyon. Labis siguro siyang nag-aalala ngayon."
"Talagang labis mo siyang minamahal."
Tumango ako. "Baka magtampo siya sa akin dahil nakalimutan ko ang tungkol sa kanya." Huminga ako ng malalim nang may senaryong lumabas sa aking isipan. Senaryo na magkasama kami ni Alejandro. Nakaluhod siya sa harapan ko at nakalapat ang kanyang tenga sa tiyan ko. Puno ng saya ang kanyang mukha. Napahawak ako sa aking tiyan. Hindi malaki ang tiyan ko nang ako'y mapunta dito. "A-Ang anak ko." Napahagulhol ako. May anak na kami ni Alejandro at hindi ko man lang nakita ang mukha ng aking anak. "May anak na kami, Manuel. Hindi ko man lang nakita ang aking munting anghel."
"Ate Victoria—"
"Ang aking anak. Bakit ko nakalimutan ang aking anak?" Sobrang sakit ng aking nararamdaman. Bakit ako nilayo sa aking pamilya?
Niyakap ako ni Manuel. Marahan niyang tinapik ang aking likod. "Gusto mo ba silang makasama muli, Ate?"
"Gusto ko man ngunit hindi ko sila makakasama, Manuel. Malayo ang pagitan namin."
"Makakasama mo na sila, Ate."
Naguluhan ako sa sinabi ni Manuel. "Paano? Hindi na ako muling makakabalik pa doon."
May kinuha si Manuel sa kanyang bulsa. Nanlaki ang aking mga mata nang makita ko ang kanyang hawak. Ang kuwintas na binigay sa akin ni Glenda! "Nakita ko ito sa silid ng ating mga magulang noong nakabalik ka dito. Hindi ko kaagad naibigay sa iyo d-dahil ayoko nang mawala ka, Ate Victoria."
"Manuel..."
"Alam kong ito ang daan kung bakit ka napunta sa ibang panahon. Ilang beses kitang nakita nitong mga nakaraang taon. Bigla kang lumilitaw at maglalaho na para bang isang multo. Suot-suot mo ang kuwintas na ito sa tuwing nakikita kita. Maski rin si Tiyo Reymundo at ibang criada rito ay saksi sa biglang paglitaw mo. Sinabi ko rin kina Mama at Papa ang tungkol dito ngunit hindi sila naniwala sa akin. Umasa silang babalik ka hanggang sa naniwala silang ikaw ay pumanaw na dahil sa nangyayaring pagpapakita mo raw." Huminga siya ng malalim. "Ate, kahit ngayon ganoon pa rin. Tila isa kang multo. Ako lamang ang nakakakita sa iyo at naging dahilan ito upang ikatakot ng mga criada. Kaya pinaalis ko sila dito."
"Bakit Manuel?"
"Naging maramot ako, Ate." Napayuko si Manuel. "Ikaw na lang ang natitira kong pamilya at ayokong pati rin ikaw ay mawawala sa tabi ko. K-Kaya ko tinago ito." Binigay niya sa akin ang kuwintas.
"Pero bakit mo ito binabalik sa akin ngayon?"
"Dahil ayoko nang makita kang nasasaktan at labis na nalulungkot. Alam kong labis kang nangungulila sa naiwan mong pamilya." Hinawakan niya ang kamay ko at kinuha ang kuwintas. Isinuot niya ito sa akin. "Kaya maaari ka nang makabalik sa iyong pamilya, Ate Victoria. Masaya na akong nakasama kang muli kahit pa sa maiksing panahon at masaya rin akong malaman na naging masaya ka kapiling ang lalaking iniibig mo."
Kitang-kita ko ang pagtakas ng luha sa kanyang mata. "Ngunit paano ka?"
"Ayos lang ako, Ate Victoria. Magiging maayos din ang lahat. Bumalik ka na sa pamilya mo dahil alam kong nangungulila sila sa iyo ngayon."
"Manuel..."
"Mag-ingat ka at alagaan mo ang iyong sarili. Ikumusta mo na lang ako kay Alejandro at sa aking pamangkin." Muli akong niyakap ng aking bunsong kapatid. "Hinihiling ko na makasama mo na silang muli." Sabay ng pagbigkas niyang iyon at tila paghigop sa aking kaluluwa.
Alejandro Lucas Navarroza:
"Victoria, please wake up. I miss you so much." I whispered to her. Hinalikan ko ang kamay niya. Ten months na siyang comatose. Noong maiahon ko siya mula sa pool, hindi na siya nagising. The doctor's says that she dissociated herself to us that's why sheet still in coma until now. Iniisip daw siguro ni Victoria na hanggang ngayon ay hindi pa rin siya ligtas. Kausapin lang daw namin siya palagi para malaman niya na ligtas na siya at nandito lang kami sa tabi niya.
Mira is gone. Tinamaan siya ng bala ng baril sa mismong puso niya. Nagawa pa niyang gumanti ng baril ngunit wala natamaan. Lahat ng mga kasabwat niya ay nasa kulungan na ngayon. Nag-resign si Mr. Davis. Hindi raw niya kayang ipagpatuloy ang pagiging bise presidente.
"Victoria, gumising ka na. Hindi ka ba nasasabik na makita ang baby natin? She's already nine months." Pinagmasdan ko ang karga-karga kong sanggol.
Cesarean section ang ginawa kay Victoria nang siya ay manganganak na dahil nga comatose siya. Todo ang pagbabantay sa kanya ng mga doctor at nurse habang siya ay buntis pa. Ngayon ay nasa loob na ng Malacañang si Victoria. Mas ligtas siya dito. On house rin ang doctor at dalawang nurse.
Napangiti ako nang ngumiti sa akin ang unica hija namin. Pareho daw naming kamukha ang anak namin. "Nami-miss mo na rin ba ang mommy mo, Catalina?" Ngiti lang ang sinagot sa akin ni Catalina. Ihiniga ko siya sa tabi ni Victoria. Yumakap kaagad ang anak namin sa kanya. "Victoria, gumising ka na. Kailangan ka ng anak natin. Hindi ba sabi mo, sabay nating aalagaan si Catalina? Paano mangyayari iyon kung natutulog ka pa rin. Gumising ka na."
Para lang akong nakipag-usap sa hangin.
Huminga ako ng malalim at hinawi ko ang buhok na nakatabing sa mukha niya. "Victoria." Napabuntong hininga ako. Kumunot ang noo ko nang mapansin ko sa isang mesita ang kuwintas ni Victoria. Kinuha ko iyon. Ngayon ko lang ulit ito nakita. Hindi na suot ni Victoria ang kuwintas na ito noong araw na iyon.
"A-Alejandro."
Napalingon ako sa gawi ni Victoria. Nagmadali akong lumapit sa kanya at hinawakan ko ang kamay niya. "Victoria, nandito ako. Wake up, my love."
Unti-unting dumilat ang kanyang mga mata. Nilibot ang paningin sa loob ng kwarto. "Nakabalik na ako."
"Yes you are." Masuyo ko siyang hinalikan sa labi. "Sa wakas, nakabalik ka na." Hinawi ko ang buhok niya. "I'll call the doctor." Pinigilan niya ako bago pa ako makaalis.
"Siya na ba si Catalina?" Halos pabulong niyang tanong sa akin bago hawakan ang kamay ng anak namin.
"Oo. Siya ang unica hija natin."
Halos sumabog ang puso ko nang sa wakas ay nakita kong muli ang ngiti ng babaeng pinakamamahal ko. "Kumusta ka na, Catalina?" Magaang hinalikan ni Victoria sa noo si Catalina. Umangat ang tingin niya sa akin. "Ang ganda niya."
Nginitian ko siya at magaan ko siyang hinalikan sa noo. "I love you."
"I love you too."
Maria Victoria Navarroza:
Napapangiti ako habang pinagmamasdan ko ang aking munting anghel. Napakapayapa nitong matulog. Hinaplos ko ang kanyang pisngi. Akala ko'y mahihirapan akong patulugin si Catalina dahil sanay siyang si Alejandro ang nagpapatulog sa kanya tuwing gabi.
"Mahal na mahal kita, anak."
"Bakit hindi ka pa nagpapahinga?"
Napalingon ako kay Alejandro. Magaan niya akong hinalikan sa aking noo. "Kakatulog pa lang kasi ni Catalina." Muli kong binalik ang aking tingin sa anak namin.
Dalawang buwan na ang nagdaan nang ako'y magising sa aking katawan. Mabilis akong naka-recover kaya heto, nagagawa ko nang alagaan si Catalina.
"Hayaan muna natin siyang matulog d'yan." Hinila ako ni Alejandro papunta sa teresa. "Maaari ko bang maisayaw ang binibining bumihag ng puso ko?"
Marahan akong tumawa. "Wala tayong tugtog. Paano tayo makakasayaw?"
"Ayos lang 'yon." Nilagay ni Alejandro sa balikat niya ang kamay ko at nasa baywang ko naman ang braso niya. Nagsimula na kaming sumayaw na para bang may musikang tumutugtog.
"Nakasama ko si Manuel ng ilang linggo."
"Victoria." May hinig sa boses ni Alejandro na huwag kong ituloy ang aking sasabihin.
"Doon ay ako na lang ang natitirang kapamilya niya dahil pumanaw na rin ang aming mga magulang. Naging masaya naman ako dahil nakasama ko ang aking bunsong kapatid. Ngunit ako'y malungkot din dahil hindi ko kayo kasama. Labis akong nangungulila sa inyo hanggang sa binalik sa akin ni Manuel ang kuwintas ko at hiniling niya na makabalik ako dito."
"Naging masaya naman siya noong bumalik ka rito dahil alam niyang masaya ka na sa piling ko kasama ang anak natin."
Marahan akong tumango. Humilig ako sa kanyang dibdib. Naririnig ko ang pagtibok ng puso niya. Tila bumalik sa aking isipan ang mga masasayang alaala namin ni Alejandro. Naramdaman ko ang magaang paghalik ni Alejandro sa aking uluhan.
"Aking sinta, ikaw na ang tahanan at mundo. Sa pagbalik, mananatili na sa piling mo."
Hindi na ako muling babalik sa pinanggalingan kong panahon dahil dito sa puso ko, alam kong natagpuan ko ang tahanan ko. Ang makasama habangbuhay si Alejandro Lucas Navarroza.
"Mundo'y magiging ikaw."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top