Capitulo Treinta y Dos
Capitulo Treinta y Dos
Unti-unti kong dinilat ang aking mga mata. Una'y malabo ang aking paningin hanggang sa luminaw na ito at nakita ko na ang mukha ni Alejandro. Malalim akong bumuntong hininga. Isa lamang palang panaginip iyon. Akala ko'y bumalik ako sa pinanggalingan kong panahon.
Pero parang totoong naroon ako.
"Ayos ka lang ba?" nag-aalalang tanong ni Alejandro sa akin.
Nilibot ko ang aking paningin. Nasa loob pala ako ng kotse. Muli akong napabuntong hininga. Limang araaw na ang nakalipas nang mabaril si Alejandro habang nasa kalagitnaan kami ng pangangampanya nila sa Batangas. Agad naman siyang nakalabas sa ospital. Nais ko ngang doon muna siya magpagaling ngunit pinilit niyang dito na lang sa bahay magpagaling.
Ngayong ang araw ng eleksyon at sinama ako ni Alejandro papunta sa napili nilang lugar para sa paghihintay sa update ng bilang ng boto. Simula nang umuwi kami naging sobrang dami na ang nagbabantay sa amin. Labis-labis ang pag-aalala ng aming mga magulang dahil sa nangyari. Mas lalonh naging mahigpit ngayon si Alejandro. Nauunawaan ko naman kung bakit siya ganito. Para naman ito sa kaligtasan ko at ng magiging anak namin.
"Victoria?"
Nilingon ko si Alejandro at sunod-sunod na tumango. "Malayo pa ba tayo?" Sandali akong sumilip sa labas.
"Malapit na tayo."
Tumango na lamang ako at muling tumingin sa labas. Muling bumalik sa aking isipan ang tungkol sa aking panaginip. Para talagang nadoon ako habang nagtatalo si Mama at si Manuel. Ngayon lang muli ako nanaginip tungkol sa kanila. "Alejandro..."
"Bakit? Masama ba ang pakiramdam mo? Nagugutom ka ba?"
Napangiti ako at kaagad ding umiling. "Hindi ako nagugutom at hindi rin masama ang aking pakiramdam." Matamnam akong pinagmasdan ni Alejandro. Huminga ako ng malalim. "N-Napanaginipan ko ang aking mama at si Manuel." Napalitan ng labis na takot ang mukha niya at biglang hinawakan ang aking kamay. "Huwag kang mag-aalala. H-Hindi naman ako maglalaho. Gusto ko lang malaman mo kung ano ang nasa panaginip ko."
Bumuntong hininga siya bago tumango. Simbolo na ikwento ko na ang tungkol sa aking panaginip.
"Nagising ako na nasa loob ako ng aking silid. Laking gulat ko dahil nadoon ako kaya nagmadali akong lumabas ng kwarto ko. Pagkalabas ko, bumungad sa akin sina Mama at Manuel na nagtatalo tungkol sa binibining nais nila ipakasal sa kapatid ko."
"Ano ang sumunod na nangyari?"
"Sinabi ni Manuel na ayaw niyang makasal sa babaeng hindi naman niya mahal at..."
"At?"
"At hindi na raw siya nagtataka kung bakit ko sila iniwan. Sigurado raw siya na masaya na ako ngayon."
Humigpit ang pagkakahawak ni Alejandro sa aking kamay. "Siguro naramdaman niya na masaya ka na ngayon kaya nasabi niya iyon. Pinaglalaban niya rin ang alam niyang magpapasaya sa kanya."
"Pero..."
"Pero? Huwag ka na mag-isip ng kung anu-ano, Victoria. Hindi iyan makakabuti sa inyo ng anak natin."
"Pero, Alejandro, pakiramdam ko nandoon din ako ng mga oras na iyon."
"Iniisip mo lang iyon. Hindi ba nandito ka ngayon sa tabi ko? Kaya hindi totoo iyon." Ngumiti siya sa akin kaya gumanti na rin ako ng ngiti. Magaan niya akong hinalikan sa pisngi.
"Senator, Ma'am, nandito na po tayo."
"Huwag mo na lang isipin ang tungkol sa panaginip mo. Mag-focus ka na lang sa health mo at ng magiging baby natin."
Muli akong ngumiti bago tumango. Naunang lumabas ng kotse si Alejandro at binagbuksan niya ako ng pintuan. Mga reporter ang bumungad sa akin pagkalabas ko ng kotse. Marami silang tanong na hindi ko alam kung sasagutin ko ba o hindi. Mabuti na lang at naharangan sila ng mga bodyguard namin. Tuloy-tuloy kaming pumasok sa isang stadium. Mukhang magiging matrabaho ang gagawin ng mga tauhan ni Alejandro. Maski siya mismo.
------
"Sigurado ka bang ayaw mong umuwi? Alam mo namang hindi ka pwedeng magpuyat, hindi ba?"
Hinawakan ko ang kamay ni Alejandro at sunod-sunod akong tumango. "Huwag kang mag-alala, ayos lang ako." Wala sa oras na humikab ako. Gusto ko na matulog ngunit gusto ko ipakita ang pagsuporta ko sa asawa ko.
"Victoria." May babala sa tono ng boses niya.
"Don't worry. Kaya ko pa." Marahan kong tinapik ang kamay niya. Tumingin ako sa isang malaking screen kung saan pinapakita kung ilan ang bumoto kina Alejandro at sa kalaban nila. Nakakatuwang maraming bumoto sa kanila. Lalo na sa aking esposo ngunit halos magkalapit lang ang bilang ng boto sa kanaya at ng kalaban niya.
"Pero―"
"Senator, nandito na po ang mag-i-interview sa iyo." Biglang putol ni Mira sa sasabihn niya.
"Sabihin mo na mamaya na lang ako magpapa-interview."
"Pero, Senator, ngayon po ang schedule na sinabi mo sa kanila. They're expecting you now."
Nilingon ako ni Alejandro at ilang beses siyang bumuntong hininga bago tumango. "Sabihin mo na papunta na ako."
"Okay, Senator." at iniwan na kami ni Mia.
Bumaling ulit ang tingin niya sa akin. "Mag-uusap tayo mamaya." Mabilis siyang umalis para lapitan ang mga reporter na nais siyang ma-interview.
Nilibot ko ang aking paningin. Lahat ng tao sa paligid ko ay abala sa kanilang ginagawa. Samantalang ako ay nakaupo lang sa inilaan nilang upuan para sa akin. Kapag nagbibigay sila ng pagkain, tumutulong naman ako pero minsan ay ayaw nilang tumulong ako. Ang dahilan nila ay hindi nila gustong mapagod ako at ang anak ko.
Napasapo ako sa aking tiyan na eksaktong napalingon sa gawi ko si Alejandro. Biglang bumadya ang pag-aalala sa kanyang mukha kaya sumenyas akong ayos lang ako. May binulong siya kay Mira kaya agad itong lumapit sa akin. Nginitian ko si Mira nang nasa harapan ko na ito.
"Ma'am Victoria, are you okay?"
Tumango naman kaagad ako bilang tugon sa tanong nito.
"Sigurado po ba kayo?"
Muli akong tumango. "Huwag kang mag-alala, Mira. Ayos lang ako."
"Ganoon po ba?" Huminga ng malalim si Mira. "May gusto po ba kayong kainin or inumin?"
Hindi ko nasagot ang tanong ni Mira dahil sa babaeng dumaan sa likuran niya. Si Glenda! Bakit siya nandito? Bigla akong tumayo na ikinagulat ng kausap ko.
"Ma'am—"
"Sandali lang, Mira. May kakausapin lang akong importanteng tao." Hindi ko na hinintay ang sasabihin ni Mira at sinundan ko na si Glenda.
Kumabog ang dibdi ko. Dama kong may nais siyang sabihin kaya siya nagpakita sa akin ngayon. Medyo malayo na siya sa akin ngunit sinisikap kong mahabol siya.
"Glenda!" Patuloy pa rin siya sa paglalakad kahit ilang beses ko na siyang tinawag. "Glen—" Biglang may humila sa akin kaya naputol ang pagtawag ko kay Glenda.
"Victoria, saan ka pupunta?"
Nilingon ko ang humila sa akin. "Alejandro." Nilingon ko ang dinaanan ni Glenda. Hindi ko na siya matanaw.
"Bakit ka lumabas?"
"May kakilala ako na n-nakita ko kaya sinundan ko siya."
Napailing si Alejandro at inakbayan ako. "Huwag mo na siya sundan. Pumasok na tayo sa loob." Inagapay niya ako papasok sa stadium. "Dapat hindi ka lumabas ng stadium na walang suot na sumbrero o balabal dahil mahamog ngayon. Bawal kang mahamugan."
Muli akong lumingon sa gawi ng dinaanan ni Glenda bago ko binaling ulit kay Alejandro ang tingin ko. "Nakalimutan ko. P-Pasensya na."
"Okay lang 'yon. May hinanda silang meryenda, kumain muna tayo."
Tumango na lang ako. Kailangan kong makausap si Glenda. Kailangan kong malaman kung ano ang nais niyang sabihin.
-------
"Hindi pa rin ba nakikita si Victoria?"
Ang boses ng tiyuhin ko ang biglang nagpagising sa diwa ko. Laking gulat ko dahil nasa sala ako ng tahanan ng aking kinalakihang pamilya. Paano ako napunta dito samantalang nasa loob ako ng stadium?
"Hindi pa rin, Kuya Reymundo." sagot ni Papa.
"Ilang taon na ang lumipas ngunit hindi ninyo pa rin siya nakikita. Hindi kaya'y matagal na niya tayong iniwan sa mundong ito?"
"Huwag mong sabihin iyan, Kuya Reymundo! Hindi iyon mangyayari." Malakas na napahagulhol si Mama. "Hindi iyon gagawin ng unica hija ko."
"Mama..."
"Ngunit pwedeng ganoon nga ang nangyari sa kanya. Maaaring wala na si Victoria sa mundong ito dahil halos suyurin ninyo ang buong Filipinas para lang hanapin siya. Nahanap ninyo ba siya? Hindi. Maaaring may nakasalubong siya na grupo ng mga—"
"Hindi totoo iyang mga sinasabi mo. Hindi iyon mangyayari kay Victoria." putol ni Papa sa sinasabi ni Tiyo Reymundo.
"Hindi lang talaga nagpapakita sa amin si Victoria dahil masama ang loob niya sa amin. Ngunit babalik siya. Alam kong babalik sa amin ang anak namin." Patuloy pa rin sa pag-iyak si Mama. "Sa oras na bumalik siya, hindi na namin siya pagpipilitan sa mga bagay na ayaw niya. Magiging masaya kami sa magpapasaya sa kanya. Magiging mabuti akong ina, bumalik lang siya. Labis akong nangungulila sa aking Victoria."
"Mama." tumulo ang luha sa aking mga mata. Maski man ako'y nangungulila rin sa kanila. Hinawakan ko sa balikat si Mama. "Aking ina, nandito ako."
"Victoria?" Napatingin ako kay Tiyo Reymundo at nanlalaki ang mga mata niya habang nakatingin sa akin. Dahan-dahang umangat ang kanyang kamay at tinuro ako. "Si Victoria!"
Sabay ng paglingon sa akin nina Mama't Papa ang biglang pagdilim ng paningin ko. Pagdilat ko'y si Alejandro na ang nasa harapan ko't ginigising ako. Nilibot ko ang aking paningin. Wala na ako sa bahay ng aking mga magulang.
"Victoria, bakit dito ka natutulog? Mangangalay ka dito sa bench."
Ilang beses akong kumurap. Wala na talaga ako doon. "Kanina pa ba ako natutlog dito?"
"Hindi. Kanina wala ka dito at kanina pa kita hinahanap. Ngayon lang kita nakita. Saan ka ba galing."
"Kanina pa ako nawawala?"
"Oo."
Naguguluhan ako sa nangyayari ngayon. Sa pagkakaalala ko pumikit ako pagkabalik ko galing sa palikuran dahil nakadama ako ng pagkahilo. Pagdilat ko'y nasa loob na ako ng bahay ng magulang ko. Nandoon ako habang pinag-uusapan nila ako. Nakita pa ako ni Tiyo Reymundo. Tapos nandilim ang aking paningin at nandito na ako ngayon. Biglang nanlaki ang aking mga mata. Ibig sabihin ay bumalik ako sa panahong pinanggalingan ko?
"Victoria, ayos ka lang ba?"
Napalingon ako kay Alejandro. "'Di ba alas dos pa lang ng madaling-araw?"
Umiling siya. "Alas tres na ng madaling-araw. Napahaba yata ang tulog mo kaya akala mo two o'clock pa lang ng umaga." Hinawi niya ang buhok ko. "Uwi na tayo para makapagpahinga ka na. Babalik na lang ako dito mamaya."
Tumango na lang ako at inalalayan niya akong tumayo. Nakailang hakbang pa lang kami, tinawag na siya ng isa niyang staff. Halata ang sobrang saya nito habang papalapit ito sa amin.
"Senator!"
"Bakit Elijah?"
"Senator, tapos na ang pagbibilang ng votes."
Sabay kami ni Alejandro na napatingin sa malaking screen. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang resulta. "Nanalo ka, Alejandro!" Hindi ko napigilang mapabulalas. Siya naman ay natulala na kaya niyakap ko siya. "Binabati kita, Alejandro."
Dahan-dahang yumakap sa akin ang asawa ko. "Nanalo ako." Halos pabulong niyang sabi.
Kumalas ako sa pagkakayakap niya. "Masaya ako dahil ikaw ang nanalo. Matutupad mo na—" Naputol ang aking sasabihin nang bigla akong halikan ni Alejandro sa labi. Isang napakasuyong halik. Sabay no'n ang sunod-sunod na pag-flash ng camera mula sa mga reporter.
Nakangiting pinutol ni Alejandro ang halik na pinadama niya sa akin. Masuyo niyang hinawakan ang aking mukha at mabilis akong hinalikan muli sa labi.
"Congratulation, Senator Navarroza." Sunod-sunod na ang pagbati sa kanya ng mga nasa paligid namin.
Isang matamis na ngiti ang binigay niya sa akin bago ibaling ang tingin sa mga bumabati sa kanya. "Salamat po."
"Ano pong masasabi ninyo sa pagkapanalo ninyo?"
"Unang-una sa lahat ay nagpapasalamat ako sa Panginoon natin dahil binigyan niya ako ng pagkakataong matulungan ang ating bansa. Maraming salamat din sa mga sumuporta sa akin at sa mga kapartido ko..."
Pinagmamasdan ko lang si Alejandro habang sinasagot niya ang mga tanong ng mga reporter. Kitang-kita ko ang saya kanyang mga mata. Matutupad na niya ang matagal na niyang pangarap.
"Syempre ang inspirasyon ko ay ang aking misis." Inakbayan ako ni Alejandro. Inabot at hinalikan niya ang aking kamay. "Siya ang dahilan kung bakit naglakas loob akong tumakbo sa pagkapresidente kahit kabi-kabilaan ang tumututol sa kagustuhan kong paglingkuran ang ating bansa."
"Nakakatuwa naman Senator—Mr. President. May kasama ka na hanggang sa pagtanda."
"Tama ka, Karen."
Nawala bigla ang ngiti sa labi ko at napalitan ng takot ang sayang nararamdaman ko. Paano kung bumalik ulit ako sa pinanggalingan kong panahon katulad kanina at hindi na ako makabalik dito? Ayokong mangyari iyon. Kaagad akong umiling. Hindi na ulit mangyayari iyon. Dito ako nararapat sa panahong ito at hindi na ako babalik pa roon.
"To our new first lady, anong masasabi mo sa asawa mo na bagong presidente ng Pilipinas?"
Pinagmasdan ko si Alejandro. "Kahit anong mangyari, nandito ako sa tabi mo na susuporta at patuloy na magmamahal sa iyo."
"Thank you, Mi Amore." At masuyo niya akong hinalikan sa noo.
Gumuhit ang ngiti sa labi ko at niyakap ko naman siya sabay ng pagpalakpak ng mga tao sa paligid namin.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top