Capitulo Nueve




Capitulo Nueve



Tahimik na ang buong paligid ng lumabas ako ng bahay. Marahil ay tulog na ang lahat ng kasama ko sa bahay. Napapikit ako nang humangin ng malakas. Hindi ako dinadalaw ngayon ng antok kaya naisipan kong pumunta sa hardin upang magmuni-muni. Laking gulat ko nang makita ko si Alejandro na nakaupo sa gilid ng swimming pool at nakatingin sa kalangitan. Tahimik akong umupo sa tabi niya. Napalingon siya sa akin na kanyang kinagulat kaya binigyan ko siya ng matipid na ngiti.

"Victoria! Bakit gising ka pa?"

"Hindi ako makatulog. Ikaw? Bakit gising ka pa?"

"Hindi rin ako makatulog."

Tumango na lamang ako at tumingin ako sa kalangitan. Kay gaganda ng mga tala. Tila mga diamaneteng nagniningning sa kalangitan.

"Ang gaganda ng mga bituin. Bihira lang na makakita ng ganyan sa kalangitan ngayon."

"Tama." Pagsasang-ayon ko kay Alejandro. Napansin ko iyon. Natatakpan ng mga ulap ang kalangitan. Ulap nga ba o mga usok na galling sa mga makabagong teknolohiya?

"Sa inyo, palagi mo bang nakikita ang mga bituin sa langit?"

"Oo ngunit may pagkakataong natatakpan ng mga ulap ang kalangitan na hindi naman maiwasan. Napakaraming bituin ang makikita mo sa langit. Mas maganda ang kalangitan kapag sobrang liwanag ng buwan. Tila ba nababagay sa isa't isa ang buwan at tala."

"Ang ganda siguro sa inyo noon."

"Masasabi kong maganda nga ngunit sobrang malupit ang mga Español sa ibang Pilipino lalo na kung ito'y nasa mababang antas ng pamumuhay. Maswerte na lamang ako dahil galing ako sa Buena familia. Mas maganda ang panahon mo, Alejandro, dahil malaya na kayo."

"Siguro nga. Alam mo bang naniniwala ako na matutupad ang kahit anong kahilingan mo sa oras na hulingin ka sa bituing nasa kalangitan."

Napalingon ako kay Alejandro. "Alin sa mga iyan ang pagsasabihan ko ng aking mga kahilinan upang matupad iyon?"

"Ang pinakamaningning sa kanilang lahat." Tinuro niya ang pinakamaningning na bituin. "Tutuparin ng bituin na iyan ang kahilingan mo basta buong puso mong sasabihin sa kanya." Tumingin siya sa akin. "May kahilingan ka bang gusto mong matupad ngayon o sa darating na araw?"

Bumalik ang tingin ko sa kalangitan. "Ang kahilingan ko sa ngayon ay ang makapunta sa iba't ibang panig ng Pilipanas at kung papalarin ay pati na rin sa ibang bansa. Wala kasi akong karapatan na pumunta sa mga lugar na nais kong puntahan dahil hindi iyon gusto ng aking mga magulang. Mayroon akong sariling maestra upang makapag-aral at kung sakaling pumunta kami sa Maynila ay bantay sarado ako ng aking ina. Bawat kilos ko'y nakabantay siya dahil sa isang kadahilanan."

"Ano naman iyon?"

"Dahil nakatakda na akong ikasal sa binatang nais nila para sa akin, si Señor Linares. Matagal na nilang napagkasunduan iyon na talagang hindi ko gusto. Ayokong ikasal sa kanya kaya sobrang saya ko na mapunta sa panahon mo, Alejandro. Para akong binigyan ng kalayaang mamuhay na wala sila ngunit may pagkakataong nais kong bumalik sa panahon ko dahil labis akong nangungulila sa aking pamilya." Muli'y bumuntong hininga ako. "Ikaw, Alejandro? May kahilingan ka bang nais matupad?"

"May iniibig ka bang binata sa panahon mo kaya ayaw mong magpakasal sa Linares na 'yon?"

Marahan akong umiling. "Wala. Hindi pa ako umiibig sa kahit sinong binata sa panahon ko."

"May nanligaw ba sa iyo sa panahon mo?"

"Wala rin dahil batid na ng mga binata sa bayan namin na bawal akong ligawan. Sa tingin ko'y si Señor Linares lamang ang nanligaw sa akin."

"Nahalikan ka na ba ng Linares na 'yon sa labi?"

"H-Hindi. Ikaw pa lang ang aking u-unang h-halik." Umiwas ako ng tingin at pakiramdam ko'y sobrang namumula ang aking mukha. Bakit kailangan niyang itanong iyon sa akin? "Babalik na ako sa aking silid?" Nagmadali akong tumayo ngunit bago pa ako makalakad palayo ay napigilan ako ni Alejandro.

"Alam mo ba kung ano ang hiling ko sa pinakamaningning na bituin?" Tumayo siya at sinalubong ang aking tingin. "Na sana hindi ka bumalik sa panahon mo. Gusto mo bang malaman ang dahilan ko kung bakit ayokong bumalik ka sa panahon mo?"

"Alejandro..."

"Dahil mahal na kita, Victoria. Gusto kong ipakita sa iyo na mahal na mahal kita. Gagawin ko ang lahat para mawalan ka na ng dahilan para bumalik sa panahon mo. Liligawan kita para malaman mong seryoso ako sa iyo."

Labis akong nagulat sa sinabi ni Alejandro sabay rin ng sobrang pagbilis ng tibok ng aking puso. Umiibig sa akin si Alejandro! "Ngunit—" Nanlaki ang aking mata nang bigla niya akong hinawakan sa batok at hinagkan sa labi.

"We're settled." At naglakad na palayo sa akin si Alejandro.

Napahawak ako sa aking labi at napagtanto kong ninakawan ako ni Alejandro ng halik sa labi.



Alejandro:



"Senator Navarroza."

Umangat ang tingin ko kay Don at isa sa mga office staff ko. "Yes?"

"Senator, 'yong document po na need ng pirma mo po."

"Oh! The papers." Agad kong pinirmahan ang dokumento at binigay iyon sa empleyado ko. Bumuntong hininga ako nang makalabas na ito ng opisina ko. Masyadong okupado ni Victoria ang isipan ko. I cant take her off on my mind. Pati ang trabaho ko, apektado. Kailangan kong gawin ang trabaho ko bilang public servant pero sa nangyayari ngayon, pakiramdam ko ay hindi ko masyadong nagagampanan iyon. I have a meeting with one of NGOs but I cancelled it. Alam kong hindi ako makakapag-focus sa meeting na iyon. Muli akong bumuntong hininga.

"Senator, ayos lang po ba kayo?"

"Naranasan mo na bang manligaw noon, Don?"

"Opo naman, Senator. Ang panliligaw ang pinakamagandang pamamaraan para ipakita sa babaeng gusto mo na seryoso ka at mahal mo talaga siya."

"Paano ka nanligaw sa fiancé mo?"

Napakamot sa ulo si Don bago umupo sa visitor's seat. "Palagi ko pong binibigyan ng bulaklak at chocolate si Miles kapag dinadalaw ko siya. Minsan stuffed toy ang regalo ko sa kanya. Dinadala ko siya sa mga magagandang lugar sa tuwing may date kami at sinisiguro kong magugustuhan niya ang lugar na iyon. Walang araw na hindi ko siya nasasabihan kung gaano ko siya kamahal. Na siya lang ang pinakamagandang babae sa paningin ko. Niligawan ko rin po ang magulang ni Miles. Hindi ka man maniwala, Senator, pero pinagsibak ng kahoy at pinag-igib ako ng tubig ng tatay niya tapos ang nanay naman niya ay pinalinis sa akin ang bahay nila. Sinunod ko lahat ng utos nila para lang mapatunayan kong malinis ang hangarin ko sa anak nila hanggang sa makuha ko ang basbas nila. Pinakita ko talaga kay Miles na worth it akong maging nobyo niya kaya pagkalipas ng sampung buwan na niligawan ko siya, sa ilang beses na binasted niya ako, dumating na ang araw na binigay niya sa akin ang matamis niya oo. Iyon ang isa sa mga the best kong araw."

Minasahe ko ang sentido ko. Parang sumakit ang ulo ko sa pag-intindi kung paano manligaw. Paano ko naman maliligawan ang mga magulang ni Victoria kung ilang daang taon na silang wala? Hindi ko alam kung anong magandang lugar na siguradong magugustuhan niya.

"Bakit mo po pala natanong, Senator?"

Bumuntong hininga ako. "May isang babae na gusto kong ligawan pero hindi ko alam kung paano manligaw. Kahit kailan ay hindi ko naranasang manligaw sa mga naging girlfriend ko noon."

"Ikaw na ang gwapo, Senator. Daanin mo na lang sa charm mo kung hindi mo kayang manligaw sa kanya. Sigurado namang mahuhulog kaagad sa iyo ang type mong babae." Biro ni Don.

"She's not that kind of girl, Don. She's different and she deserve a right way of courtship."

"Iba na 'yan, Senator. Si Ma'am Victoria ba 'yan?"

Napangiti ako nang marinig ko ang pangalan ng babaeng nagnakaw ng puso ko. "Oo, siya nga. She's the real version of a prim and proper lady. Very talented and beautiful too. She's perfect for me. She deserve to have pampered life and I'm willing to give that to her."

"Ibig sabihin niyan ay magkakaroon na ng first lady ang posibleng unang pinakabatang presidente ng Pilipinas."

"Kung ibibigay niya sa akin ang matamis niyang oo eh hindi pa nga ako nanliligaw sa kanya." Napasimangot ako nang tumawa ng malakas si Don. "Pinagtatawanan mo ba ako, Don?"

Biglang siyang nanahimik at sunud-sunod na umiling. "Hindi, Senator! Bigla lang akong nag-imagine kung anong magiging mukha ng magiging future kong anak. Alam mo naman si Miles, buntis. Ninong ka ng anak namin, Senator ah."

Napapailing na lang ako at kinuha ko ang cellphone kong nagri-ring ngayon. Napangiti ako nang makita kong si Victoria ang tumatawag. Huminga ako ng malalim bago sinagot ang tawag. "Hello, Victoria! May gusto ka bang ipabili mamaya? Sabihin mo lang, ipapa-deliver ko na kaagad ngayon."

"A-Alejandro! May ginagawa ka pa ba ngayon?"

Napatingin ako sa mga tambak na dokumento sa ibabaw ng mesa ko. "Wala naman masyado, bakit?"

"Nandito kasi ang iyong mama at tita Lanie. Hinahanap ka nila. Miss ka na daw nila hi-hi-hi."

Kumunot ang noo ko. "Nakainom ka ba, Victoria?"

"Hindi ah. Kaunti lang."

Napasapo ako sa noo ko. "Bakit ka uminom ng alak? Alam mo namang hindi ka pwedeng uminom niyan dahil mabilis kang malasing."

"Ano po iyon? Si Alejandro? Gustong magpakasal sa ibang binibini?" Narinig ko ang pagbagsak ng cellphone.

Ano na naman ang sinabi nina Mama at Tita Lanie sa kanya? "Uuwi na ako. Huwag kang makikinig sa mga sinasabi nina Mama at Tita Lanie." Ang paghagulhol ni Victoria ang huli kong narinig bago ko pindutin ang end call.


-----


Nocturne Opus 48 Number 2 ang bumungad sa akin pagpasok ko ng bahay. Aakalain ng kung sinong papasok ng bahay na may patay kami ngayon dahil isa iyong funeral march piece. Sabay rin ng pagtugtog ng piano ang pag-iyak ni Victoria at ang pilit na pagtahan sa kanya nina Mama at Tita Lanie. Nandito rin si Ninang Natalia na pilit ngumiti. Parang pinaparating sa akin na pagpasensyahan ko na ang pinaggagawa kay Victoria ng nanay at tiyahin ko.

"Victoria!" Kaagad akong lumapit sa kanila.

Huminto siya pagpa-piano at umangat siya ng tingin niya sa akin. "Alejandro! Ola!" Tumayo siya at muntikan na siyang mawalan ng balanse mabuti na lang at naalalayan ko siya kaagad. "Que es Celestine? Quiero saber quién es ella. Hablar de ella, Alejandro." (Who is Celestine? I want to know who is she. Tell about her.)

"Anak, kanina pa siya salita ng salita ng Spanish language. Kanina pa sumasakit ang ulo namin sa kakaintindi kung ano ang sinasabi niya. Sinabi lang namin ang tungkol sa gusto mong pakasalan si Celestine noon, nagkaganyan na siya."

Bumuntong hininga ako. Halatang lasing na lasing si Victoria. Isang walang laman na bote ng Alfonso ang nakapatong sa coffee table. Hindi ko alam kung bakot naisipan nilang painumin ng alak si Victoria. "Matulog ka na, Victoria. Ihahatid kita sa kwarto mo." Hinawakan ko siya sa siko para maalalayan pero kaagad siyang pumiksi.

"¡Te odio!"(I hate you!) Nilingon niya ako. "Pensé que me amas pero fue una mentira!"(You said that you love me but it was a lie!)

"Victoria, lasing ka na. Umakyat na tayo."

"No! Eres un mentiroso!"(No! You're a liar!) Pinagpapalo niya ako sa dibdib ko hanggang sumubsob na siya sa akin at humagulhol. "Ya mi quiero ir a la casa."(I want to go home.)

"Victoria..."

"¡Te odio! ¡Te—"

Kaagad kong nasalo si Victoria. Wala na siyang malay dala ng sobrang kalasingan. Inayos ko ang pagbuhat ko sa kanya. Hindi ko masyadong naintindihan ang mga sinasabi niya pero narinig ko galing sa kanya na parang tinatanong niya ang tungkol kay Celestine. "Mag-usap na lang po tayo mamaya, Mama, Tita Lanie at Ninang Natalia."

Marahan akong umakyat para hindi magising si Victoria. Nang maipasok ko na siya sa kwarto niya ay dahan-dahan ko siyang ibinaba sa kama.

"Por que?" Unti-unting dumilat ang kanyang mata. "Bakit ba ako nasasaktan nang malaman kong gusto mong pakasalan ang binibining iyon?"

Ako ang mas nasaktan nang makita kong tumulo ang luha sa pisngi niya. Iyan ang pinaka-ayaw ko sa lahat, ang makitang umiiyak siya. Pinunasan ko ang luha sa pisngi niya. "Victoria—"

Bigla niya akong hinila pahiga sa tabi niya at niyakap ako ng mahigpit. "Huwag kang umalis sa aking tabi." Humilig siya sa aking dibdib. "Hindi na ako babalik sa panahon ko basta huwag ka lang magpapakasal sa binibining iyon."

"Victoria..." Wala nang naging tugon si Victoria at malalim na ang kanyang paghinga, senyales na tulog na siya. Hinawi ko ang buhok na nakatabing sa mukha niya at gumanti rin ako ng yakap sa kanya. Hindi ko mapigilan ang sarili kong ngumiti. Mukhang nagselos si Victoria sa pinsan ko.

Talagang hindi na siya mawawala sa tabi ko.



------


Maligayang Pasko sa inyong lahat!


-Ate Azul

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top