Capitulo Dos
Capitulo Dos
"Glenda!" niyakap ko siya ng napakahigpit. Ilang taon ko ba siyang hindi nakita? Marahil ay limang taon. "Kumusta ka na?"
"Mabuti naman. Ikaw kaagad ang una kong pinuntahan, pagkadating na pagkadating ko dito sa San Pablo."
"Nakakataba ng puso ang iyong mga sinabi. Ang tagal nating hindi nagkita at talagang napakasaya kong makita kang muli." hinawakan ko ang kanyang kamay. "Alam mo namang isa ka sa mga bilang kong kaibigan at talagang nagpapasalamat ako sa Poong Maykapal na nakita kitang muli."
"Masaya akong makita rin kitang muli."
Hinila ko siya papalayo sa aming bahay. Gusto kong makausap ng matagalan ang aking kaibigan. "Nasaan ka nitong mga nakaraang taon?"
"Pumunta ako sa iba't ibang parte ng Filipinas at sa ibang bansa na rin."
Bumuntong hininga ako. "Mabuti ka pa't natupad ang nais mo. Ako, hanggang dito na lamang sa San Pablo o hindi kaya'y minsan ay sinasama ako ni Mama papuntang Maynila. Kailan kaya ako makakalibot katulad sa iyo?"
Ngumiti sa akin si Glenda at marahan akong tinapik sa balikat. "Matutupad rin iyan."
"Sana'y magdilang anghel ka."
"Hayaan mo, mangyayari iyan. Ay oo nga pala! May regalo ako sa iyo. Pambawi ko sa ilang taong wala ako dito sa araw ng iyong kaarawan."
Pinagmasdan ko si Glenda. Parang hindi nagbaho ang kanyang mukha. Iyon at iyon pa rin. Nakakatuwa naman kahit papaano ay may kaibigan akong makakasama ngayon. Nabawasan ang kalungkutang aking nararamdaman.
"Heto!" may pinakitang kuwintas sa akin si Glenda. Napakaganda! May isang colgante na hindi ko alam kung anong tawag sa disenyo. "Para sa iyo ito." inabot niya ang aking kamay at nilagay ang kuwintas. "Isang bituin ito," tinuro niya ang colgante ng kuwintas. "Matutupad ang iyong hiling na matagal mo nang minimithi."
Umangat ang tingin ko. "Sa tingin mo'y matutupad iyon?"
Tumango siya. "Oo naman."
Para akong tinubuan ng pag-asa sa sinagot ni Glenda. Nais kong matupad ang matagal ko nang minimithi. Marahan kong hinaplos ang kuwintas. Pakiramdam ko'y para sa akin ang aksesoryang ito.
"Ano bang hiling ang matagal mo nang minimithing matupad?"
Nakadama ako ng kilabot sabay ng paghangin ng malakas. Bumaling ang tingin ko kay Glenda na abot tenga ang kanyang ngiti. Hindi ko mawari kung bakit ganito ang nararamdaman ko sa pamamaraan ng pagtingin niya sa akin. Nakakakilabot. "Ang makalayo ako dito't makilala ko ang binatang magmamahal sa akin tulad ng pagmamahal ni Señor Gabriel kay Señorita Keira."
"Isang wagas na pag-ibig ba ang nais mo?"
Marahan akong tumango sabay ng malalim kong pagbuntong hininga. "Alam kong imposibleng mangyari iyon dahil ikakasal na ako kay Señor Linares?"
Kinuha niya ang kuwintas. "Isusuot ko ito sa iyo." tumalikod ako kay Glenda. Isinuot niya kaagad sa akin ang kuwintas kaya humarap na ako sa kanya. "Hayan! Bagay sa iyo." hinawakan niya ang aking kamay. "Gusto mo bang matupad ang hiling mo?"
Pagak akong tumawa. "Oo naman. Sino namang tao na hindi nanaiising matupad ang kanyang hiling?"
"Kung ganoon, matutupad ang iyong hiling basta ipaglaban mo ang iyong karapatan." marahan niyang hinaplos ang aking mukha. "Makakaalis ka sa lugar na ito."
Hindi ko alam kung bakit nakakakilabot ang ngiti ni Glenda. Parang hindi siya ang aking kaibigan. Para siyang ibang tao.
"Señorita Victoria!"
Napalingon ako sa guardia personnel na tumawag sa akin. May mga guardia personnel na malayo pa sa gawi ko.
"Señorita, nasaan ka na po?"
Tiyak akong pinapahanap na ako ni Mama o ni Papa. Nalaman siguro nilang wala ako sa loob ng bahay. Ngayon ko lamang napagtanto, kailangan ko nga'ng ipaglaban ang nais kong mangyari sa aking buhay. "Glenda, paano ako—" pagkalingon ko kay Glenda ay wala na siya. Tila ba parang bula na naglaho sa tabi ko. "Glenda?"
"Señorita!"
Muli kong nilingon ang mga guardia personel at ngayon ay naglalakad papunta sa akin. Tumakbo ako. Ito ang tamang dapat kong gawin para makatakas sa plano ng aking magulang paea sa akin. Gusto kong ikasal ako sa binatang mahal ako at mahal ko. Bilisan ko ang pagtakbo. Wala na akong pakialam kung magaslaw ako.
"Señorita!"
Hindi ko nagawang lumingon basta takbo lang ako ng takbo.
"Señorita! Tumigil ka. Makakasama sa iyong kalusugan ang pagtakbo."
Oo, masama sa aking kalusugan ang pagtakbo ngunit wala iyon sa akin.
Napahawak ako sa colgante ng suot kong kuwintas at pumikit ako. "Sana'y makaalis na ako sa lugar na ito at makita ko na ang binatang nakalaan para sa akin." huminga ako ng malalim at nagpatuloy akong tumakbo hanggang sa may makita akong mga baging. Doon ay dumaan ako. Takbo lang ako ng takbo hanggang sa dumilim ang aking paligid at nakadama ako ng parang hinigop ang aking katawan.
Alejandro:
"Happy Independence day, Senador Navarroza!"
Ngumiti ako ng matamis at kinamayan ang matandang lalaki na bigla na lang sumulpot sa harapan ko. "Happy Independence day rin po, 'Tay." pasimple kong sinenyasan si Don, ang head ng mga bodyguard ko. He know that he need to take away this old man. For my safety sake purpose. I've recieved so many death threat since I announce that I win run for president. If ever I win in election for presidential, I am the first youngest president of the Philippines.
"Senador Navarroza, asahan mo pong kayo ang iboboto namin sa eleksyon!"
"Maraming salamat po!" tinanguhan ako nito bago ako iniwan. Napatingin ako sa mga kabataang sumasayaw ng streey dance. Nakakatuwang may ganitong contest ang mayor ng Manila. Huminga ako ng malalim. Kanina ay maraming lumapit sa akin na mga supporter ko at pati na rin ang mga taong nanonood ng program na inayos ng LGU ng Manila.
"Senator, kailangan na namin i-clear ang paligid."
Tinanguhan ko si Don. Siguro'y naramdaman nilang may threat na nasa paligid ko. Pasimpleng pinalayo ng kaunti sa akin ang mga tao. Bilang isang politiko, kaakibat ng propesyon ko ang mga death threat lalo na't kinakalaban ko ang mga kasamahan kong gumagawa ng mga anomalya sa loob ng pamahalaan pero mas lalo lang dumami dahil nga kandidato ako bilang presidente at nakikita kong nasa akin ang pulso ng mga tao. Sampung buwan pa bago ang presidential election kaya marami pang magbabago. Kailangang ipakita ko na maganda talaga ang hangarin ko sa bansa.
"Piliin mo ang inang Pilipinas, Kapuluang kwintas ng perlas, Piliin mo yakapin mo, Kayamanan nyang likas, Piliin mo ang Pilipinas..."
Pumalakpak ako sabay ng pagkatapos sumayaw ng huling contestant ng street dancr contest. Nagsialisan na ang mga tao. Malamang ay pupunta sila sa Open Air Auditorium ng Luneta Park. May mga live banda kasing tutugtog doon.
Napatingin ako sa langit. Padilim na, malamang ay malapit na ring matapos ang program.
"Senator Alejandro, kailangan na po nating umalis."
"Sandali lang." nilibot ko ang paningin ko. Ngayon lang ulit ako pumunta dito. Dapat ay doon ako sa Kawit, Cavite pero nakakahiya naman kay Mayor Camacho kung hindi pumunta dito. Personal pa naman niya akong inimbita. Napatingin ako sa Masonic Memorial Clock. I dont know why I'm fascinated in that clock. There's something I feel that I dont know.
Kinuha ko ang cellphone ko nang bigla itong mag-ring. Its Auntie Lanie. "Hello Auntie?"
"A-Alejandro, si Celestine."
"Wala pa ring lead kung nasaan siya, Auntie." huminga ako ng malalim. Mahigit isang buwan nang nawawala si Celestine. Bigla na lang nawala ito na parang bula. According kay Uncle Danny pagbukas niya ng pintuan ng kwarto ni Celestine ay wala na ito. Wala ding nakita sa CCTV footage na lumabas ng bahay si Celestine o baka nagloko lang ang CCTV. Nanghingi na rin ng tulong sa akin si Auntie Lanie para lang mahanap ang anak nila kaso pati rin ang kakilala ko sa NBI ay hindi rin makita si Celestine.
"Parang mababaliw na ako, Alejandro."
Tumingin ako sa kalangitan. I need to calm myself. "Hindi naman kasi siya mawawala ng biglaan kung hindi ninyo siya in-arranged marriage kay Jade Sanchez. I told you na sa akin ninyo siya ipakasal kung gusto ninyong maging powerful ang kompanya ninyo. You know she have a dream to be a prima ballerina, If she marry me, she can achieve that dream."
"Alejandro! Celestine is your cousin!"
"But she's not my real cousin and you know that, Auntie Lanie." hindi tunay na anak nina Auntie Lanie at Uncle Danny si Celestine. Inampon nila si Celestine bagong panganak pa lang sa kanya ng tunay niyang ina. "Look, she can be what she want if I marry her. I dont have any problem to her."
"Hijo, lets talk later kapag okay na ang daloy ng isipan mo." then Auntie Lanie ended the call.
I take a deep breath. Bakit ba ayaw nila pumayag sa gusto ko. Sila rin naman ang makikinabang sa gusto kong mangyari. I love Celestine as my cousin. Ayoko lang na mag-suffer siya sa marriage life niya.
"Senator Alejandro, kailangan na po nating umalis."
"Kung lumisan ka, 'wag naman sana..."
Tumingin ulit ako sa Masonic Memorial Clock. Parang gumalaw ang orasan. Napailing ako. Baka pagod lang ako kaya kung anu-ano ang nakikita ko. May proposal ako sa kamara kaya talagang pinagpupuyatan namin ito ng mga staff ko. Nasilaw ako sa tumamang liwanag sa dumaang lumang salamin sa gilid ng Masonic Memorial Clock. Pagdilat ko ay nanlaki ang mata ko nang may tumagos na babae sa salamin. Eksaktong nasalo ko ang babae bago siya mahulog sabay ng pagbasag ng salamin.
"¡Dios mio!"
"Senator! Nasaktan po ba kayo."
"...Aking sinta ikaw na ang tahanan at mundo..."
Hindi ko pinansin si Don at tiningnan ko ang babae. Nakatabig sa mukha niya ang kanyang mukha. "Miss, are you okay?"
"S-Sa tingin ko'y ayos naman ang aking lagay."
Natulala ako dahil napakalambing ng boses niya. Hindi ko alam kung bakit ang sarap pakinggan ng boses niya.
"Senator Navarroza, okay lang po ba kayo?"
Nilingon ko ang nagtatanong sa akin na may hawak na lumang salamin kanina. "Okay lang po ako pati na rin siya." binalingin ko ang tingin ko kay Don. "Paki-asikaso naman si Manong." tinanguhan ako nito bago inalalayan si Manong.
"Señor, maaari mo ba akong ibaba?"
"Anong sabi mo?"
"Ang sabi ko'y maaari mo ba akong ibaba? H-Hindi magandang tingnan ng karga-karga mo ang isang binibini na hindi mo naman novia."
"Ay sorry." agad ko siyang binaba. Napansin ko ang ayos niya. Nakasuot siya ng Maria Clara na damit at talagang Maria Clara din ang kilusan. Baka sobrang makabayan niya kaya effort ang pagsuot ng ganyan.
Nilibot ng babae ang kanyang paningin. Pagkalito ang nakikita ko sa mukha niya. "N-Nasaan ako?"
Marahan akong tumawa. "Nasa Luneta Park ka pa rin."
"Luneta Park? Ngayon ko lang narinig ang lugar na iyan." naglakad siya papalayo sa akin. Sinundan ko siya. "Ito ba ang labas ng hacienda namin?"
Kumunot ang noo. Hacienda? "Walang hacienda dito sa Manila."
Humarap siya sa akin. "Manila? Iyon ba ang ibang tawag sa Maynila? Hindi ko inaakalang malapit lang ang Maynila sa San Pablo. Hindi ba't limang oras ang biyahe papuntang San Pablo?"
Naguguluhan ako sa mga pinagsasabi ng babae. San Pablo? Ang layo ng San Pablo dito. "Miss, masama ba ang epekto ng pagkalusot mo sa salamin? Malayo dito ang San Pablo. That's my grandparents province."
"Paumanhin ngunit hindi Miss ang aking ngalan. Lumusot sa salamin? Paano nangyari iyon? Ang alam ko'y tumakbo ako at marami akong nadaanang baging."
Napapailing na lang ako. Baliw ata ito.
"Senator Navarroza."
Sumenyas ako kay Don na sandali lang. "Miss, I think—" nagulat ako nang tumili ang babae at napayakap siya sa akin sabay ng fireworks display. Niyakap ko siya dahil dama ko ang takot niya. Hindi ko alam kung bakit ko ito ginawa.
"M-May kaguluhang nagaganap." tumili ulit siya.
"Hey, hey! Walang kaguluhang nangyayari. Fireworks display na 'yan. Tingnan mo ang langit." tinuro ko ang madilim na kalangitan kung saan nagaganap ang fireworks display. Sinunod naman ng babae ang sinabi ko. "See?"
"A-Ang ganda!"
Napangiti ako. Nakakatuwang tingnan itong babae. Aakalain ninuman na first time lang makakita ng fireworks ang babae.
"Kakaibang tanawin ang aking nakikita. Tila ba'y may munting mga tala na sumasabog sa kalangitan."
Mas maganda ang tanawin na nakikita ko ngayon. Napaka-genuine ng ngiti ng babae.
"Senator—"
"Senator Navarroza, siya po ba ang girlfriend mo ngayon?"
Napamura ako sa isipan. Paanong nagkaroon ng media dito. Sunud-sunod ang flash galing sa mga camera'ng dala-dala ng mga taga-media. Nagsumiksik sa akin ang babae at humigpit ang hawak niya sa suot ko.
"A-Anong nangyayari?"
"Excuse us." pumalibot sa amin ang mga bodyguard ko.
"Senator Navarroza, ano pong pangalan niya?"
"Kailan po naging kayo?"
"Wedding bells na po ba ito?"
Dama ko ang panginginig ng babae at lalong paghigpit ng kapit niya sa akin. Bumuntong hininga ako at kinarga ko siya. Tinanguhan ko si Don at hinawi nila ang mga reporter. Mabuti na lang at nakaparada na ang kotse ko malapit sa amin.
"I-Ipapasok mo ako diyan?"
Tumango ako at dahan-dahan ko siyang isinakay sa kotse bago ako sumunod. Panay pa rin ang pagkuha ng picture sa amin ng reporters kahit na hindi na nila kami makita dahil tinted ang salamin ng kotse ko.
"B-Bakit nagkakagulo sila? Anong klaseng kagamitan ang kanilang hawak-hawak? Bakit nakakasilaw? Hindi ko rin mawari ang kanilang mga sinasambit?"
Napasapo ako sa noo ko. Sasakit ata ulo ko sa babaeng ito.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top