Capitulo Dieciséis



Capitulo Dieciseis



"Victoria?"

Hindi ko pinansin ang taong nasa likuran ng pintuan ng aking silid. Pinagpatuloy ko ang pagbabasa ng libro. Kailangan kong mag-aral ng mabuti dahil sa Viernes na ang exam ko. Kailangan kong makapasa dahil sobrang nakakahiya kay Alejandro kapag ako'y bumagsak. Ang laki na rin ng nagastos niya para makapag-aral ako.

Isa pa'y gusto ko rin makapag-colegio. Pwede akong kumuha ng scholarship sa oras na makapasa ako. Nais ko ring magtrabaho upang magkaroon ako ng sarili kong pera. Ayokong gumastos pa ng malaki si Alejandro. Gusto kong patunayan na kakayanin ko.

Huminga ako ng malalim at pilit pinapasok sa aking isipan ang mga kailangan kabisaduhin. Nahinto ako sa pagbabasa nang may humawak sa balikat ko.

"Victoria, alas dos na ng madaling-araw. Bakit hindi ka pa natutulog?"

Umangat ako ng tingin. "Marami pa akong dapat na pag-aralan. Malapit na ang test ko." Binalik ko ang aking tingin sa libro. Sikreto lamang ang pagkuha ko ng ALS Accreditation and Equivalence Test dahil sa oras na malaman ng media ang tungkol dito, isa daw itong malaking gulo. Lalo daw akong hahabol-habulin ng mga reporter at paparazzi. Sa opisina ni Alejandro gaganapin ang exam ko.

Umupo si Alejandro sa gilid ng mesa. "Ang sabi nila Manang Fely, buong maghapon ka na raw nagre-review. Alam mo bang hindi healthy iyan sa pagre-review mo?"

"Hindi naman siguro. Mas mainam na mag-aral ng buong magdamag." hindi kalakasang boses na sabi ko. Mariin akong pumikit at pilit pinapasok sa isip ko ang binabasa. Na si Edgar Allan Poe ang father of Modern Detective Story and Horror Story. Si Geoffrey Chaucer naman ang father of English Literature. Kapag natapos na ang exam, susubukan kong basahin ang mga akda nila.

"Hindi mainam iyon, Victoria. Alam mo bang sa oras na sobrang pagod ang braincells mo, hindi papasok sa isip mo ang nire-review mo? Sayang lang ang pagod mo sa kakaaral. Hindi naman pwedeng buong maghapon, nag-aaral ka dahil mapapagod ang braincells mo. Isa sa mga sign na pagod na ang braon ng isang tao kapag panay ang hikab nito. Inaantok na kasi ito at kailangan na magpahinga ang isipan. Kaya magpahinga ka na." Seryosong sabi niya.

"Hindi naman ako—" hindi ko napigilang humikad. "—inaantok. Hindi pa ako pagod sa ginagawa ko." muli akong humikab.

"Hindi raw inaantok pero panay ang hikab." Bigla niyang kinuha sa akin ang librong hawak ko. "Matulog ka na, Victoria."

"Pero—"

"Bukas ka na mag-review. Huwag mo namang abusuhin ang sarili mo."

"Hindi pa nga ako—"

"Inaantok ka na. Huwag kang makulit." Hinila niya ako patayo. Muntik na akong matumba, mabuti na lang nahawakan niya ako. "Tingnan mo? Halatang kanina ka pa nakaupo dito kaya sobra kang nangalay at nanibago bigla ang katawan mo. Pasaway ka." Walang sabi-sabing kinarga ako ni Alejandro. Hindi ko na nagawang umangal dahil talaga namang inaantok na ako. Dahan-dahan niya akong ihiniga sa kama at kinumutan ako. Binuksan na rin niya ang lampshade.

"Alejandro?"

"Hmn?"

"Nami-miss ko na ang pamilya ko. Labis akong nag-aalala sa kanila lalo na nasakop rin pala ang ating bansa ng mga Amerikano. Tiyak akong nabubuhay pa sila sa mga panahong iyon." Nilingon ko siya. "Sa tingin mo, ano kayang nangyari sa kanila?"

Naglakad si Alejandro papalayo sa akin at pinindot ang switch ng ilaw ng kwarto ko. Kaagad din siyang bumalik sa akin. Umupo siya sa gilid ng kama. Hindi ko alam kung bakit puno ng pagkabahala ang kanyang mga mata. Hinawakan niya ang aking kamay. "M-May naririnig ka bang boses bukod sa boses nating dalawa?"

Kumunot ang noo ko. "Wala naman. Bakit?"

"W-Wala." Gumuhit ang pilit na ngiti sa kanyang mga labi. "Sa tingin ko, naging maayos naman ang buhay nila. Tingnan mo, hanggang ngayon buhay pa rin ang bahay kung saan ka pinanganak. Kaya huwag ka nang mag-alala sa kanila." Puno ng pang-uunawa ang boses niya. Hinawi niya ang ilang hibla ng buhok na nakaharang sa mukha ko. "Gusto mo bang samahan kita dito hanggang sa makatulog ka para lang mabawasan ang lungkot na nararamdaman mo?"

Siguro nga mababawasan ang pangungulila ko sa pamilya ko kapag sinamahan ako kahit sandali ni Alejandro. Nahihiya akong ngumiti sa kanya. "Maaari ba? Hindi ka kaagad makakapagpahinga kapag sinamahan mo ako dito."

"Wala iyon sa akin, Victoria." Humiga na siya sa tabi ko. Ipinatong niya sa braso niya ang aking ulo. Pakiramdam ko'y naging ligtas ako sa bisig niya.

Yumakap ako sa kanya. "Kung sakaling nandito ang aking mga magulang, marahil ay hindi na nila ipagpipilitan na pakasalan ko si Señor Linares dahil nandito ka. May karapatan na akong ipaglaban ang sarili ko dahil may minamahal na ako. Hindi na nila ipipilit sa akin na ibigin ko si Señor Linares."

"At kung sakaling gusto pa rin nilang pakasalan mo ang Linares na iyon, batas ng bansang ito ang ipanlalaban ko sa kanila. Itataya ko ang pagiging senador ko."

Hindi ko napigilang ngumiti sa sinabi ni Alejandro. Hinayaan ko siya sa pasimpleng paglalaro sa dulo ng buhok ko. Ang saya ko dahil nakatagpo ako ng lalaking ipaglalaban ako sa mga magulang ko.

"May isang magandang dalaga na ang pangalan ay Cinderella."

Bigla akong lumayo sa kanya. Ang ganda ng moment tapos bigla siyang magkukwento tungkol sa ibang babae. "Sino naman si Cinderella?"

"Isang character sa isang fairytale." Alam kong pinipigilan niya ang pagngiti. "Sinusubukan ko lang kung effective pampatulog sa iyo ang storytelling."

Tinaasan ko siya ng kilay. "Ikaw ba'y nagsasabi ng totoo?"

"Oo. Nagsasabi ako ng totoo. Don't tell me, nagseselos ka sa karakter ng isang kwento?"

Umiwas ako ng tingin. Alam kong namumula ang buong mukha ko dahil sa kahihiyan. Hindi ko naman alam na isang tauhan sa kwento si Cinderella at hindi dapat pagselosan. "H-Hindi ako naninibugho sa kanya."

"Mi amor, ayos lang naman na magselos ka basta hindi character ng fairytale." Hinila niya ako at ikinulong sa kanyang mga bisig. "At wala ka rin namang dapat pagselosan dahil ikaw lang ang nagmamay-ari ng puso ko." puno ng paglalambing ang kanyang boses. Napangiti ako at gumanti ng yakap sa kanya. Magaan niya akong hinalikan sa noo. "Gusto mo pa bang ituloy ko pagkukwento tungkol sa buhay ni Cinderella?"

"Kung nais mo pang ikwento sa akin."

Ngumiti siya sa akin at mahirang pinisil ang tungki ng aking ilong. "Isang mabait at magandang dalaga si Cinderella. Maganda ang naging buhay niya ngunit namatay ng maaga ang kanyang mama. Pagkaraan ng ilang taon na namatay ang mama niya, muling nagpakasal ang kanyang papa. Isang babaeng may dalawang anak na babae. Instant siyang nagkaroon ng stepmother at stepsister..."

Taimtim akong nakikinig sa kinukwento ni Alejandro ngunit hindi ko mapigilan ang antok. Nais kong marinig ang buong kwento ni Cinderella. Dahan-dahan kong pinikit ang aking mga mata.

"Hindi niya inaakalang ang mabait na stepmother ay isa palang evil stepmother..."


----


Hindi ko alam kung bakit kailangan pa akong isama ni Alejandro sa kanyang opisina. Dapat ay tahimik akong nagrereview sa kanyang bahay ngunit heto ako, hindi makapagkonsentrasyon sa aking binabasa dahil panay ang pasok ng mga tao sa opisina niya. Sana'y mag-umpisa na ang pagpupulong nila sa kamara.

Huminga ako ng malalim. Alam naman ni Alejandro na bukas na ang exam ko pero pinagpilitan niyang dumito ako. Kung tutuusin, hindi ako pwedeng tumagal sa opisina niya. Pasaway talaga siya

"Senator, nandito na po ang pina-microwave mo po."

Hindi ko na sila nilingon at niligpit ko na ang mga gamit ko. Pinatong naman ng sekretarya ni Alejandro ang tupperware sa ibabaw ng mesa. Napapikit sila pagkaalis ko ng takip ng tupperware.

"Ang sarap naman niyan, Senator."

"Syempre. Lahat ng luto ni Ma'am Victoria mo, masarap."

Ramdam ko ang pag-init ng pisngi ko. "Hindi naman masyado." Nilagay ko sa mangkok ang laman ng tupperware. Nagtira ako para kay Mira—ang sekretarya ni Alejandro. Sinigang na baboy ang niluto ko para sa tanghalian namin. "Para sa iyo, Mira." Inabot ko kay Mira ang tupperware.

"Aw, thank you po." Nagpaalam ito kay Alejandro bago lumabas ng opisina.

Si Alejandro ang naglagay ng kanin sa pinggan ko. "Mukhang mapaparami ang kain ko nito."

"Marapat lamang. Akala mo ba'y hindi ko alam na minsan ay hindi mo nakakain ang mga pinapadala kong pagkain sa iyo sa dami ng iyong ginagawa? Ngayon ay magpakabusog ka." Nilagyan ko ng karne ng baboy ang kanyang pinggan.

Napangiti siya. "Opo, Misis."

Kumunot ang noo ko. "Misis?"

"Ha?"

"Sinabihan mo ako ng misis."

"Wala akong sinasabing misis ah." Humigop siya ng sabaw. "Ang sarap talaga nito!"

"Alejandro, sinabihan mo akong misis."

"Grabe! Mapapadami ang kain ko talaga."

"Ale—" naputol ang sasabihin ko nang bigla akong sinubuan ni Alejandro. Lokong lalaki ito.

"Kumain ka na."

Napapailang na lang ako bago mag-umpisang kumain. Ayos naman sa akin na sabihan niyang misis. Masarap sa tenga na marinig iyon. Napahinto akong kumain nang pumasok sa loob si Mira.

"Yes, Miss San Jose?"

"Senator, may naghahanap sa iyo. Nasa labas po siya ng opisina ninyo."

Marahil ay tagasuporta ni Alejandro.

"Who?"

"Pamangkin po ni Senator Cervantes."

Natigilan ako sa sinabi ni Mira. Umangat ang tingin ko kay Alejandro. Hindi siya nakatingin sa gawi ko. Hinihintay ko ang magiging sagot niya at sana'y hindi na niya papasukin dito ang taong iyon.

"Senator?"

Sumubo ng kanin si Alejandro. "Papasukin mo."

Kaagad namang lumabas si Mira. Dapat ay hindi na siya pumayag na pumasok dito ang pamangkin ni Senator Cervantes.

"Alejandro!"

Nainis ako nang makita ko sa harapan ko ang pagyakap ni Rica sa novio ko. May paghalik pa ito sa pisngi ni Alejandro.

"Nagawi ka dito, Rica?"

"Galing ako sa office ni Tito Inno tapos naalala ko na dito rin pala ang office mo kaya nagpa-deliver ako ng food sa favorite mong Korean Restaurant." Inangat ni Rica ang hawak na paperbag. "Bulgogi and Ddukbokki."

"That's great! Akin na!" Kinuha ni Alejandro ang paperbag at siya mismo ang naglabas ng laman no'n.

"Ibigay na lang natin itong food mo sa secretary mo. For sure she would love to eat sinigang. Hindi mo rin naman ito makakain."

Napasimangot ako sa sinabi ng babaeng ito. Nakitang kinakain ni Alejandro ang niluto kong sinigang tapos hindi raw makakain. Nakakainis na babae!

"No! I love this sinigang."

"But you don't like sinigang, right? Dahil sobrang asim ng lasa nito."

"Nagustuhan ko na ang sinigang simula ng nilutuan ako nito ni Victoria." Hinawakan niya ang aking kamay.

Nilingon ako ni Rica at nawala ang ngiti sa labi nito pero bumalik ang ngiti nito. "Oh, you're here! Hello, Victoria!"

Peke akong ngumiti. "Hello."

"So kumakain na pala kayo." Kumuha ng upuan si Rica at umupo sa tapat namin ni Alejandro. "Hindi naman siguro masamang makisabay kumain sa inyo?"

Magsasalita na sana ako na masamang makisabay ito sa amin ngunit naunahan ako ni Alejandro. "Hindi naman. Kakaumpisa lang naming kumain."

"That's good!" Binuksan ni Rica ang styrofoam na naglalaman ng binili nitong pagkain. "Here, Alejandro."

Tumango lang si Alejandro at nagpatuloy na kumain. Napansin kong isang beses lang siya sumubo ng pagkaing dala ni Rica. Natutuwa akong pinili niyang kainin ang niluto ko kaysa sa lutong banyaga.

"Hindi mo gusto ng Bulgogi at Ddukbokki?" Nagtatakang tanong ni Rica.

"Gusto ko naman pero hindi ko mapigilang kainin itong sinigang. Tikman mo. The best ang luto ng mahal ko. Pwede na kaming ikasal."

Napangiti ako at mahinang kinurot sa tagiliran si Alejandro. "Loko ka talaga."

"T-That's great! May future wife ka na."

"Actually, kasal na lang ang kulang namin ni Alejandro." Humilig ako sa balikat ng novio ko.

"What do you mean, Victoria?" nakakunot noong tanong ni Rica.

"What she mean is we're living in a one roof." Nilingon ako ni Alejandro. "Kailan mo ba ako balak pakasalan, Victoria?"

"Ang sabi natin kay Mama Cora pagkatapos ng eleksyon saka natin pagpaplanuhan ang ating kasal."

"Iyon ba ang sinabi natin? Akala ko next week na tayo ikakasal." Muli kong kinurot sa tagiliran si Alejandro na ikinatawa niya ng malakas. "Ito, biro lang naman."

"Ikaw talaga, Alejandro. Puros biro ka na lang."

"Baka kasi pumayag kang next week tayo ikasal." Niyakap niya ako kaya gumanti ako ng yakap. Kumalas lang ako nang tumikhim si Rica.

"Pasensya na, Rica. Minsan ganito lang kami ni Alejandro."

"Hindi 'yon minsan, Mi Amor. Araw-araw pa." Mahinang pinisil ni Alejandro ang ilong ko.

"Its okay. So wedding bells na pala ito?" Ngumiti sa akin si Rica. "Did you know, Victoria, na mahilig maglaro ng chess si Ale? Mahilig rin siyang mag-skiing. Ayaw niya na ginugulo ang worktable niya dahil nawawala sa isip niya ang pinag-aaralang document sa oras na magulo ang pwesto nito. Ayaw rin niya sa mga bagay na masyado ang pagkaka-color green. Mas nare-relax siya kapag nakakarinig siya ng piano music. Hindi mawawala sa tabi niya ang cellphone niya kahit pa kumakain siya dahil sunod-sunod ang tumutawag sa kanya. He have an allergy in strawberry..."

Tumabingi ang ngiti ko. Sobrang kilala ni Rica si Alejandro. Halos karamihan ng sinasabi nito tungkol sa novio ko ay hindi ko pa alam. Nakakainis lang dahil bakit hindi ko alam ang mga iyon? Bakit hindi nasabi sa akin ni Alejandro. Ni wala sa katiting ng alam ni Rica tungkol sa kanya ang nalalaman ko. Pakiramdam ko tuloy ay wala akong kwentang novia.

"Ang favorite food ni Ale ay Bicol Express. He really love spicy food pero ang Bicol Express ang pinakagusto niya. Favorite niyang pastry ay Chocolate Mousse. He never try to eat other pastry food."

"Talaga?" Nilingon ko si Alejandro. "Akala ko ang paborito mong pagkain ay Sinampalukang Manok at sa panghimagas naman ay Apple pie."

"Dati iyon. Sinampalukang Manok at apple na ang favorite ko ngayon."

"Really, Ale? Akala ko ba hindi magbabago ang pagkahilig mo sa Chocolate Mousse?"

"Iba na ngayon. I love Sinampalukang Manok and Apple pie, especially if Victoria cook those food. I prefer organized table because it makes my mind clear, I still love listening piano music. Lalo na kung si Victoria ang tumutugtog ng piano dahil ang sarap pakinggan ang piano piece niya." Huminga siya ng malalim. "I set aside my cellphone because using cellphone while eating is a sign of disrespect to the blessings given by our Lord. Iyan ang natutunan ko kay Victoria."

"Are you kidding me, Ale?"

"No, I'm not. Look, Rica, maraming nagbago noong panahong wala ka dito."

"Y-Yeah right."

Hinawakan ni Alejandro ang kamay ko. "Nang dumating sa buhay ko si Victoria, maraming nagbago sa akin. She made me see how life is beautiful."

"Ganoon ba?"

"Everything became colorful, Rica." Sinalubong ni Alejandro ang tingin ko. "At dahil iyon sa babaeng nasa tabi ko."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top