Capitulo Dieciocho



Capitulo Dieciocho


Alejandro Navarroza:



The whole time I'm with Victoria inside this private hospital is the longest time waiting her to wake up. Naialis kaagad ang bala sa katawan niya. Good thing, malayo iyon sa puso niya at walang ibang internal organ na tinamaan. I thought I'm losing the woman I love. Para akong mababaliw habang hinihintay na matapos ang operation niya.

Ayon kay Don, wala raw plate number ang sinasakyang kotse ng taong bumaril kay Victoria. Seryoso talaga ang nagpapadala ng death thteat sa akin. That person wants to get rid my soon to be first lady. Alam nito na ang kahinaan ko ay si Victoria.

Hinawakan ko ang kamay ni Victoria. Nagpapahinga ang katawan niya dahil sa operasyon kaya hanggang ngayon ay tulog pa rin siya. "Mi amore, please wake up." Humigpit ang hawak ko sa kanya. Lumalabo siya. Hindi nanlalabo ang paningin ko. Literal na lumalabo siya. Para siyang naglalaho. "No, Victoria! Please don't leave me. You know how much I love you. Don't go." I kissed her hand. I feel like someone's trying to take away her. "Victoria, huwag kang maglaho. Huwag mo akong iwanan." Para akong nabunutan ng tinik sa lalamunan nang bumalik na sa dati ang katawan ni Victoria.

Hindi ko alam kung bakit nangyayari ito sa kanya. Hindi ako makakapayag na mawala siya sa akin. Si Victoria ang dahilan kung bakit nagkaroon ng kulay ang buhay ko. She's my sunshine. She's my one and only. Alam kong selfish ako pero ayoko nang bumalik si Victoria sa panahon niya.

"Kuya Alejandro."

Hindi ko nilingon si Celestine. Nakatuon lang kay Victoria ang atensyon ko. Ayokong maglaho siya sa paningin ko.

"Kuya, I'm with Ate Keira."

Bumuntong hininga ako bago nilingon sila Celestine. Kasama nga niya si Keira Silvano-Realonzo. Ang sikat na archaelogist sa bansa. "Good day, Professor Keira."

Tinanguhan lang ako nito at nakatingin lang kay Victoria na para bang matagal na nitong kilala ang girlfriend ko.

"She's Vic—"

"Maria Victoria Saenz y Rioveros. Nag-iisang anak na babae nina Don Victorino Saenz and Doña Consolacion Saenz. Isa sa pinakamagandang dilag sa kanilang bayan at matagal nang nawawala sa panahon niya." Nilingon niya ako. "Ang pangatlong binibining sa maling panahon pinanganak."

Hindi ko naintindihan ang huling sinabi ni Professor Keira ngunit alam kong kilalang-kilala nito si Victoria. "S-Sino ka ba? Anong maling panahon pinanganak?"

Hindi ako pinansin ni Professor Keira. Hinawakan nito ang kamay ni Victoria. "May napapansin ka bang palagi niyang suot na kuwintas?"

"Oo. A star pendant necklace. Bakit?"

"Nasaan iyon?"

Kinuha ko sa bulsa ko ang kuwintas ni Victoria at inabot iyon kay Professor Keira. "Bakit mo hinahanap iyan?"

"Ito ang dahilan kung bakit napunta siya sa panahong ito. May pagkakataon bang nawala siya na parang bula at bigla na lang bumabalik o sumusulpot?"

Umiling ako. "Minsan parang nagpi-fade siya. Ang ginagawa ko, hinahawakan ko kaagad siya para lang hindi siya tuluyang maglaho."

Huminga ng malalim si Professor Keira. Inilagay nito sa kamay ni Victoria ang kuwintas. "Huwag na huwag mong ilalayo sa kanya ang kuwintas na ito. Ito ang dahilan kung bakit siya nakakapag-time travel. Kapag sa oras na nalayo ito sa kanya at bumalik siya sa panahon na pinanggalingan niya, hindi na siya makakabalik pa dito."

"Ate Keira, never na nalayo sa akin ang kuwintas ko. Through dreams ako nakakabalik dito pero sa oras na ginigising ako ni Simoun, bumabalik ako sa panahon niya. Hindi ko rin alam kung bakit nasira sa akin gayong hindi naman ito nasira sa panahon na napuntahan ko."

"Dahil ginusto ni Simoun Pelaez na bumalik ka sa panahong ito. Natuklasan niya sigurong galing ka sa hinaharap kaya hiniling niyang bumalik ka na kaysa ang mahirapan ka pa doon. Ganoon ang ginawa ni Gabriel kaya nakabalik ako dito."

Pabalik-balik ang tingin ko sa dalawang babaeng nag-uusap. Ibig sabihin nakapag-time travel din sila. Tumikhim ako kaya napalingon sila sa akin. "Ano bang nangyayari dito?"

"Mag-usap tayo sa labas." seryosong sagot ni Professor Keira.

"Hindi ko pwedeng iwanan dito si Victoria."

"Don't worry, kuya. Hindi siya babalik sa panahon niya. Dama kong nandito lang sa paligid si Lola Glenda." Hinawakan ni Celestine ang kamay ko at hinila ako palabas ng kwarto ni Victoria.

"Alam ko, Senator Navarroza, na gusto mong malaman kung ano ang dahilan kung bakit napunta dito si Victoria at tungkol saan ang pinag-uusapan namin ni Celestine. We need to tell you this. Para hindi kayo parehong masaktan ni Victoria sa huli."


-----


Tahimik lang akong nakatingin kay Victoria. Thirty minutes na ang nakalipas nang umalis sina Profressor Keira at Celestine. Kinuwento nila ang nangyari sa kanila noong napunta sila sa panahon na sakop ng Español ang Pilipinas. Magkaibang taon lang ang napuntahan nila. Masakit at masaya ang nangyari kay Professor Keira. Masakit dahil pinaghiwalay sila ng panahon dahil ginusto raw iyon ni Gabriel Realonzo pero naging masaya rin dahil sumunod ito sa kanya. Para lamang makasama siya at ang anak nila.

Kay Celestine, naging masaya, malungkot at sobrang sakit. Naging masaya siyang makasama ang lalaking minamahal na ang pangalan ay Simoun Pelaez. I saw his face in Celestine's room. Masaya silang nagmamahalan pero pinaglalayo sila ng 'tunay' raw na magulang ni Celestine. Naging malungkot dahil akala ng pinsan ko, may papakasalang ibang babae si Simoun pero nalaman rin niyang hindi iyon totoo dahil siya lang daw ang gustong pakasalan ng binata. Masakit dahil pinaghiwalay sila ng oras dahil ginusto rin iyon ni Simoun—according kay Professor Keira—siguro para hindi na matuloy ang nakatakdang mangyari kay Celestine sa panahong iyon. Ang makasal kay Alonzo kung hindi ako nagkakamali.

According din kay Professor Keira, sa panahong ito dapat talaga nabubuhay si Victoria. Si Celestine at Professor Keira naman ay sa panahon noon. Medyo naguguluhan ako sa kinukwento nila sa akin at masasabi kong puno ng misteryo ang buhay ng tao.

Ang tanging hindi mawawala sa isip ko, hindi mababalik si Victoria sa panahong pinanggalingan niya hangga't hindi ko ginusto na bumalik siya doon habangbuhay. Hindi ko hihilingin na bumalik siya sa magulong panahon na iyon na sa mismong tinuring niyang pamilya ay hindi siya malaya. Ipapadama ko kay Victoria kung gaano ko siya kamahal at nararapat lang siya dito sa tabi ko.

Hinaplos ko ang mukha niya. "Gumising ka na, Victoria. Ang haba na ng tulog mo. Nami-miss na kita." Walang tugon galing sa kanya. Hinalikan ko ang palad niya. Narinig kong may kumatok sa pintuan. Baka ang doctor ni Victoria iyon. "Come in."

"Victoria!"

Nagulat ako sa biglang pagsulpot ni Ninang Natalia. Hinawakan niya ang kamay ni Victoria habang umiiyak. Nakasunod rin sa kanya si Senator Cervantes na dahilan kung bakit biglang kumulo ang dugo ko. "Mawalang galang lang po, umalis na kayo dito."

Nanlalaking mata na lumingon sa akin si Ninang Natalia. "Hijo, huwag mo kaming paalisin dito. Please." nagsusumamong sabi ng ginang.

"Ayokong tuluyang magalit sa inyo kaya umalis na po kayo ngayon." puno ng otoridad kong bigkas. Binaling ko ang tingin ko kay Senator Cervantes. "Sa oras na makakuha ako ng katibayan sa mga death threat na binibigay mo sa akin, Senator Cervantes, sisiguraduhin kong sisirain ko ang pangalan mo. Ayos lang sa akin na buhay ko ang pagbantaan mo pero huwag lang si Victoria. Muntik nang malagay sa peligro ang buhay niya dahil sa kasakiman mo."

Dumilim ang mukha ni Senator Cervantes dahil sa mga sinasabi ko. "Kahit kailan hindi kita binigyan ng death threat, Alejandro. At hinding-hindi ko kayang pagbataan ang buhay ni Victoria." tumingin ito kay Victoria at nawala ang galit sa mukha. Napalitan iyon ng fondness. "How could I do that to my own daughter?"

"Hindi kayo ang magulang ni Victoria. Kilala ko ang magulang niya."

Lumapit sa akin si Ninang Natalia at hinawakan niya ang kamay ko. "Hindi ka siguro maniniwala pero totoo ito, hijo. Anak namin si Victoria. Noong araw na sabay kayo ng Ninong Inno mo na nag-file for candidacy, pasimple akong kumuha ng hibla ng buhok ni Victoria at pina-DNA namin iyon."

"Impossible! Alam kong matagal nang patay ang anak ninyo kaya hindi ninyo ako maloloko." Bumaling ang tingin ko sa girlfriend ko. Napapailing ako. Hindi ko akalaing pati ang ganitong klaseng kasinungalingan ang sasabihin nila para lang mapagtakpan ang ginawang kasalanan. "Umalis na po kayo."

"Hijo, please—"

"Huwag ninyo pong hayaan na ang mga bodyguard ko ang magpalabas sa inyo." umupo ako at tinuon ko ang tingin ko kay Victoria.

"Hijo, huwag ka namang ganito sa amin."

"Natalia, bumalik na lang tayo dito kapag gising na ang anak natin."

Hindi ko na sila nilingon hanggang sa makalabas na sila. Mas dapat kong protektahan si Victoria sa mag-asawang iyon. Alam kong malapit ang loob ng girlfriend ko kay Ninang Natalia pero dapat kong ilayo siya sa ginang. Para sa kaligtasan niya.



Maria Victoria Saenz:



"Alejandro, hindi naman ako pilay para alalayan mo ng ganito." sita ko kay Alejandro. Paano naman, aakalain ninuman na pilay ako sa pamamaraan ng pag-alalay niya sa akin. Papasok na kami sa kwarto ko. Ngayon lang ako pinayagan ng doktor ko na makalabas na ng ospital. Ilang linggo rin akong nandoon kaya talagang na-miss ko ang simoy ng hangin sa labas. Nakakaumay ang amoy ng medisina. Ilang beses rin akong dinalaw ni Celestine. Minsan na daw akong dinalaw ni Keira ngunit tulog daw ako noon. Sayang. Nais ko pa namang malaman kung anong nangyari sa pamilya ko dahil hindi alam ni Celestine ang tungkol sa kanila.

Huminga ako ng malalim. Mabuti na lang at pahilom na ang sugat malapit sa dibdib ko kaya makakakilos-kilos na ako. Gusto ko ngang tumulong sa mga criada ni Alejandro dahil mamayang gabi na pala ang noche buena! Hindi man lang kami nakapagsimbang gabi ni Alejandro.

"Hayaan mo na ako sa gusto ko, Victoria. Gusto kong ipadama sa iyo ang TLC ko."

Kumunot ang noo ko. "TLC?"

"Tender Loving Care."

Napangiti ako. "Hindi pa ba TLC ang araw-araw mong pinapadama sa akin?"

"Katiting pa lang 'yon ng TLC ko. Wala pa ang super TLC ko." Natawa ako sa sinabi ni Alejandro kaya mahina niyang pinisil ang ilong ko. "Ikaw ah, hindi mo sineseryoso ang sinasabi ko."

"Akala ko kasi joke lang 'yon." pabiro kong sabi.

"Aruy!" Dahan-dahan niya akong pinahiga at kaagad siyang tumabi sa akin. Niyakap niya ako at magaang hinalikan sa noo. "Okay lang sa akin na hindi ka maniwala basta ipapadama ko na lang sa iyo iyon. I love you, Victoria." Buong suyo niyang sabi.

"I love you too."

Hinaplos niya ang mukha ko. "Pakasal na kaya tayo next week?"

Marahan akong tumawa at mahina ko siyang kinurot sa tagiliran. "Loko ka talaga, Alejandro. Palabiro ka talaga."

Naging seryoso ang mukha ni Alejandro kaya tumigil akong tumawa. "Hindi ako nagbibiro, Victoria. Seryoso ako sa sinasabi ko."

"Alejandro..."

"Matagal na tayong magkakilala at magkasama." hinawakan niya ang kamay ko. "Siguro nga hindi pa umaabot ng dalawang buwan simula nang maging tayo pero alam ko sa sarili kong ikaw ang babaeng gusto kong pakasalan unang kita ko pa lang sa iyo."

"S-Sigurado ka ba? Mamaya nabibigla ka lamang." medyo kinakabahan kong sabi. Paano kung mapagtanto ni Alejandro na hindi pala siya handang pakasalan o makasama ako sa habangbuhay?

"Siguradong-sigurado ako, Victoria." May kinuha siya sa bulsa niya at pinakita sa akin iyon. Isang kahita at alam ko kung ano ang laman nito. "Maria Victoria Saenz, the lady from year eighteen eighty-nine, maraming pwedeng mangyari sa susunod na araw at isa tao lang ang gusto kong makasama na harapin ang mga araw na iyon. Ikaw iyon, Victoria. Tinatanggap mo ba ako bilang lalaking makakasama mo habangbuhay?" Binuksan niya ang kahitang naglalaman ng isang napakagandang singsing.

"Pero paano si Rica?"

"Hindi siya kasali sa usaping ito, Victoria. Hindi siya kasama sa plano ko sa buhay ko. Tanging ikaw lang ang babaeng kasali ko sa planong iyon." Hinaplos niya ang aking pisngi. "Ikaw, payag ka bang isama ako sa plano mo sa buhay?"

Napangiti ako at unti-unting tumango. "Oo naman, Alejandro. Ikaw lang naman ang lalaking gusto ko makasama hanggang sa pumuti na ang mga buhok ko." buong puso kong sabi. Tumulo ang luhang kanina pa nagbabadyang bumagsak. Ito ang sinasabi nilang tears of joy.

Isinuot na sa akin ni Alejandro ang singsing at pinunusan niya ang luha sa pisngi ko. "Thank you so much, Victoria. Hindi ka magsisising pakasalan ako." Hinawakan niya ang mukha ko at magaan akong hinalikan sa labi. "I love you so much. Walang makakapaghiwalay sa ating dalawa kahit pa ang panahon."

Nawala ng sandali ang ngiti sa labi ko. Paano kung biglang bumalik ako sa panahon ko? Ayokong masaktan si Alejandro.

"Victoria."

Umangat ang tingin ko kay Alejandro. May matamis na ngiting nakaguhit sa kanyang mga labi kaya gumanti rin ako ng ngiti. Mabilis ko siyang hinalikan sa labi. "Mahal na mahal kita, Alejandro. Hinding-hindi ako aalis sa tabi mo. Pangako iyon." Gagawin ko ang lahat para hindi na bumalik sa panahon ko. Darating ang araw na maiintindihan ng pamilya ko na kaya ako umalis sa amin dahil gusto ko rin maging masaya at si Alejandro ang tanging dahilan kung bakit masaya ako ngayon.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top