Capitulo Cuatro



Capitulo Cuatro



"Kagabi ay nakitang kasama ng binatang senador na si Senator Alejandro Lucas Navarroza ang kanyang girlfriend na hindi pa matukoy kung anong pangalan. Ayon sa mga nakakita ay napaka-sweet ng dalawa at kahapong magkasama sa pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan. Makikitang iisipin ng kahit sinuman na nabuhay bigla ang karakter nina Crisostomo Ibarra at Maria Clara ng nobela ng pambansang bayani na si Doctor Jose Rizal..."

Sinundan ko ang pinagmumulan ng nagsasalita na tila ba'y nag-uulat at narinig ko rin ang pangalan ni Alejandro. Suot-suot ko pa rin ang aking damit. Hindi ko kayang suotin ang mga damit na nasa aparador. Pawang mahahalay ang mga ganoong klaseng damitan. Hindi ko mawari kung bakit ganoon ang mga kasuotan na nasa aparador.

"Matagal nang inaabangan ang mga tao kung sino ang makakahuli sa pusong ilag ng presidential candidate na si Senator Navarroza..."

Nanlaki ang mata ko nang makita ko ang isang tao na nasa loob ng isang parisukat na kahon. "Aaaaaaah!"

Napalingon sa akin si Alejandro at kung anong anong bagay siyang itinutok sa parisukat na kahon kaya nawala ang tao.

Muli'y ako'y sumigaw. "Anong ginawa mo sa mga taong nakakulong sa kahon?"

"Kahon?"

Itinuro ko ang parisukat na kahon. "D'yan! Kanina ay may nagsasalitang binibini d'yan at may kung ano kang ginawa kaya naging itim na iyan." lumapit ako sa kahon at sinuri ko ang kahon na nakapatong sa mesa. "Hindi ito kahon. Napakanipis upang maging kahon." nilingon ko si Alenjandro. "Paano sila nagkasya dito? Ikukulong mo rin ba ako dito?" biglang natawa si Alejandro na aking kinainis. "Sa tingin mo ba'y nagbibiro ako? Walang dahilan para ika'y tumawa. Anong ginawa mo sa mga tao? May masamang kang ginawa sa kanila!"

"Wala akong ginagawang masama sa kanila, Victoria." lumapit sa akin si Alejandro. "Ang tawag sa bagay na ito ay television o TV."

"Telebisyon o tibi?"

Marahan siyang tumawa."Oo, iyon nga. Ang TV ay isang bagay kung saan maaari kang manood ng mga palabas o mga balita kahit anong oras mo gustuhin. May mga palabas na nakakatawa, may nakakatakot, mga tungkol sa pag-ibig at mga palabas na tungkol sa salita ng Diyos."

"Pero bakit sila—"

"Naalala mo ba 'yung mga dala ng mga taong bigla tayong pinagkaguluhan?"

Marahan akong tumango. Hindi talaga sila mawawala sa aking isipan. Kakaiba rin ang kanilang damitan dahil pawang nakasuot ang iba ng pang-itaas na maiksi ang manggas, maiksing saya ang mga babae at hindi ko na maalala ang iba pa.

"Ang tawag sa hawak nila ay camera at 'yung bagay na nilalapit nila sa atin ay microphone. Kinukuhaan nila tayo upang maipalabas sa mga television upang mapanood ng mga tao. Mga modernong kagamitan ma wala sa panahon mo. Tingnan mo." may kung ano siyang pinindot sa hawak niyang bagay na maliit na parisukat na kulay itim kaya biglang nagkaroon ng repleksyon ang telebisyon na sinasabi ni Alejandro.

May isang binibini umiiyak na tila ba nagagalit sa kausap niyang ginoo. Mayamaya ay nagkaroon na ito ng boses.

"Napakasama mo, Vernon! Bakit mo ako niloko?"

"Hindi ko sinasasadyang saktan ka, Gina. Please—"

Biglang nag-iba ang senaryo sa telebisyon nang pinindot muli si Alejandro. Ngayon naman ay isang ginoong nagluluto.

"Ngayon ay lalagyan natin ang baboy at hayaan—"

Nawala na ang repleksyon sa telebisyon at humarap sa akin si Alejandro. "Ganyan na kamoderno ang panahong ito, Victoria. Alam kong mabibigla ka sa mga makikita mo pero sana ay magtiwala ka sa akin."

Yumuko ako. Ako'y labis na nakokonsensya dahil sa aking mga inaktong hindi kaayaaya. "Paumanhin sa aking inasal, Señor Alejandro."

Bumuntong hininga si Alejandro. "Magha-hired este magkakaroon ka ng guro para matuto ng wikang English para maintindiham mo ang nasa iyong paligid. Sa panahong ito, hindi na ginagamit ng mga Pilipino ang wikang Español. English at Filipino na ang salitang ginamit namin." napahakbang ako patalikod nang hinawi ni Alejandro ang ilang hibla ng buhok na nakatabing sa aking mukha. "Bakit ganyan pa rin ang suot mo?"

"Dahil pawang mahahalay ang mga damit na naroon sa aparador. Napakaiksi at hindi angkop na suotin ng isang binibini."

"Hindi nga?" sumunod ako kay Alejandro nang siya'y pumanhik at pumasok sa silid na aking ginamit. Tiningnan niya ang laman ng aparador. "Maayos naman itong mga damit. Hindi naman mahalay at pwede mong suotin. Heto, suotin mo." may inabot sa akin na kasuotan si Alejandro.

Isa iyong kulay rosas na may maiksing manggas at hanggang tuhod ang haba ng kasuotan. "Hindi ko ito maaaring suotin. Napakaiksi nito, Señor Alejandro."

"Iyan na ang pinakamahaba sa lahat. Ganyan na ang damitan ng mga babae sa panahong ito. Ang iba nga ay mas maiksi pa ang sinusuot o hindi kaya mas mahalay pa para sa iyong paningin ngunit napaka-pangkaraniwang damitan na lamang dito." huminga ng malalim si Alejandro. "Iiwanan na kita dito. Pagkatapos mong mag-ayos ng iyong sarili, bumaba ka na para sabay tayong makapag-agahan."

Bumuntong hininga ako bago isara ang pintuan. Mukhang mahihirapan ako na makibagay sa kung anong mayroon sa panahong ito.


----


Nilingon ko si Alejandro na seryoso sa kanyang trabaho. Ako'y nasa loob ng kanyang opisina. Ang sabi niya'y isa raw siyang senador ng bansang ito na hindi ko mawari kung anong klaseng katungkulan iyon. Binaling ko ang aking tingin sa librong aking binabasa. Ako'y binigyan ni Alejandro ng isang libro. Ang sabi niya'y isang daw iyon na paketbuk. Maganda naman ang nilalaman ngunit may mga salita na hindi ko maintindihan dahil nakasalin sa wikang Ingles at talaga nga namang kailangan ko pang itanong kay Alejandro kung ano ang pagbasa at kahulugan ng pangungusap o salita.

Malalim ang pagbuntong hininga ko dahil may panibago na namang wikang Ingles. Ako'y makikinig ng mabuti sa oras na makilala ko ang magiging maestra ko sa wikang Ingles. Napalingon ako sa nagbukas ng pintuan. Isang binibini ang pumasok. Tiningnan ko ito mula ulo hanggang paa. Napapailing na lang ako dahil sobrang iksi at hapit ang suot nitong saya. Ganito na ba talaga ang mga kababaihan sa panahong ito? Wala nang respeto sa sarili at hinahayaang magsuot ng mga kasuotang tiyak akong mababastos sila ng mga kalalakihan.

"Victoria."

Napatingin ako kay Alejandro. "Bakit, Señor Alejandro?"

"Hindi ba nakatira ka sa San Pablo?"

Marahan akong tumango. Bigla kong naalala ang aking pamilya. Naisip ko na baka hinahanap nila ako ngayon at tiyak akong labis nang nag-aalala si Mama.

"Idadala kita sa San Pablo mamayang gabi. Sigurado akong kailangan mo ring malaman kung anong nangyari sa pinanggalingan mo. May kakilala akong makakatulong sa iyong malaman iyon."

Parang nagkaroon ako ng sigla nang marinig kong makakapunta ako sa bayan ng San Pablo. Nais ko talagang malaman kung anong nangyari sa bayang aking kinalakihan. Ang sabi ni Alejandro ay isang daan at dalawangpu't siyam na taon na ang nakalipas nang ako'y nawala sa aking panahon. "Napakagandang balita iyan mula sa iyo, Señor Alejandro. Tunay nga'ng ika'y may mabuting kalooban."

Umiwas sa akin ng tingin si Alejandro at napakamot siya sa ulo. Hindi ko maiwasang gumuhit ang ngiti sa aking labi. "A-Ano, gutom ka na ba?"

"Hindi pa naman ako nagugutom." sa totoo lamang ay talagang nagugutom na ako ngunit ako'y nahihiya sa kanya. Siya'y maraming ginagawa at nakakahiyang guluhin siya sa kanyang trabaho.

"Hindi ka ba nababagot dito?"

Ako'y umiling. "Hindi naman, Señor. Ako'y natutuwa dahil binigyan mo ako ng babasahin habang ako'y nandito sa iyong opisina." nilibot ko ang aking tingin sa loob ng opisina. "Napakaganda ng disenyo dito sa loob at tunay nga'ng nasa modernong lugar ako—" namula ang aking buong mukha dahil sa pagtunog ng aking tiyan simbolo na ako'y nagugutom na.

Marahan siyang tumawa. "Sa tingin ko kailangan na nating kumain."

Yumuko ako. "Ayos lamang sa akin kung mayamaya na tayo kumain ng tanghalian. Ayoko namang guluhin ka sa iyong trabaho."

"Hindi ka naman nakakagulo sa akin, Victoria, at tsaka gutom na rin ako. May alam akong restaurant na tiyak akong magugustuhan. Malapit lang iyon dito."

Kimi akong ngumiti bago tumayo. Kinuha ko ang aking pamaypay upang maiharang sa aking mukha. May pinagamit sa akin na tinatawag ni Alejandro na purse. Maliit na cartera kung saan pwede kong ilagay ang aking portamoneda, suklay, panyo at kung anu-anong bagay na kakasya sa purse.

"Gamitin mo itong coat ko. Sigurado akong naiilang ka sa iyong damit." ipinatong niya sa akin ang kanyang abrigo.

Tama nga siya. Ako'y labis na naiilang sa aking kasuotan. Ako ay nakasuot ng saya na hanggang tuhod ang haba at may disenyong bulaklakin na kulay azul, blusang kulay puti na may maiksing manggas at ang sapin sa aking paa ay sapatos na may maiksing takong na kulay puti rin. Noong una ay nahirapan akong maglakad dahil hindi ako sanay sa ganitong uri ng sapin sa paa ngunit 'di kalaunan ay nasanay na rin ako. "Salamat."

"Tayo na?"

Natigilan ako sa tanong ni Alejandro. Umiwas ako ng tingin sa kanya. "Bakit ganyan ang iyong tanong na tila ba ang tagal na nating magkakilala? Paumanhin ngunit—"

"Hindi! Mali ang pagkakaintindi mo. Ang ibig kong sabihin ay tayo nang umalis."

"Aaah." marahan akong tumango. Ngumiti ako sa kanya. "Tayo na."

Gumanti ng ngiti sa akin si Alejandro at pinagbuksan niya ako ng pintuan. Talagang napakamaginoong binata. Habang kami ay naglalakad ay bumilis ang paglalakad ni Alejandro at sinubukan ko namang sumabay sa kanya ngunit hindi ko magawa. Hindi naman angkop sa isang binibini ang mabilis na paglalakad kung hindi rin naman nagmamadali.

"Señor Alejandro!"

Humintong maglakad si Alejandro at nilingon niya ako. "Bakit Victoria?"

"Maaari bang bagalan mo ang iyong paglalakad? Hindi ako makasabay sa iyo at baka mamaya ay mawala ka na sa aking paningin. Hindi pa naman ako pamilyar sa ganitong lugar."

"Paumanhin, Victoria." lumapit siya sa akin at hinawakan ang aking kamay.

Ramdam na ramdam ko ang pamumula ng aking mukha at ang pagbilis ng tibok ng aking puso. Wala pang binata na nakakahawak ng aking kamay bukod sa aking ama at si Kuya Matias. Marahan niya akong hinila at mabilis kaming naglalakad. "Señor Alejandro, bakit tila ika'y nagmamadali?"

"Dahil may mga taga-media dito. Kapag nakita tayo—"

"Senator Navarroza!"

Mariing pumikit si Alejandro. "Sabi ko na nga eh." inakbayan ako ni Alejandro at gumuhit ang ngiti sa labi niya sabay ng paglapit sa amin ng mga taong may dalang kamera at maykropown.

"Good afternoon, Senator Navarroza."

"Good afternoon rin sa iyo, Dara!"

Hindi ko maintindihan ang kanila sinasabi pero sa tingin ko ay isang pagbati iyon.

"Senator, may mga katanungan kami sa iyo."

"Go! As long as I can answer that questions, I will entertain it."

"Senator Navarroza, pwede bang ipakilala mo sa amin ang kasama mong binibini?"

"Sino ba siya sa buhay mo?"

"Sandali lang! Mahina ang kalaban." marahang tumawa si Alejandro. Hinapit niya ako. "Ang binibining kasama ko ay si Victoria. Ang aking nobya."

Bigla akong napalingon kay Alejandro. "Nobya?"

"Makisakay ka na lang para tigilan na nila tayo."

Makisakay? Ang magkaroon ng nobyo ay wala pa sa aking isipan! Pilit akong ngumiti habang marahang tumatango.

"Senator, wedding bells na ba ito?"

"Kailan ang kasalan?"

"Kailan po kayo nagkakilala?"

"I'm sorry kung hindi ko iyan masasagot ngayon dahil kami ay kakain na ng tanghalian. Pagbigyan ninyo kaming makakain ng matiwasay. Bihira lang din kasi kaming magkita, 'di ba, Mi Amor?"

Tila huminto ang aking paligid nang dahil sa sobrang lapit sa akin ng mukha ni Alejandro at mas mabilis ang tibok ng aking puso. Hindi ko mawari kung bakit ganito ang aking nararamdaman. Marahan kong hinaplos ang kanyang mukha. Inabot ni Alejandro ang aking kamay at hinalikan iyon.

"Victoria."

Ilang beses akong kumurap bago tumango. "O-Oo."

"Narinig ninyo ang sinabi ng aking nobya. Bueno, tsaka na lamang tayo magkukwentuhan." hinila ako ni Alejandro papalayo sa mga taong panay pa rin ang tanong sa kanya. Nang makalabas na kami ay agad niya akong pinagbuksan ng pintuan ng kotse. Nginitian ko siya bago pumasok sa loob. Nang makapasok na si Alejandro ay umusog ako ng kaunti. "Victoria, salamat sa unawa mo kanina. Kailangan ko talaga iyon sabihin para wala silang masamang sabihin tungkol sa nakita nila sa atin."

Pilit akong ngumiti. "Iyon ang dapat, hindi ba? Ngunit sana'y bigyan mo ako ng abiso tungkol sa mga gagawin mong hakbang. Hindi ako sanay sa mga ganitong usapin."

"Pasensya talaga sa nangyari kanina." hinawakan niya ang aking kamay.

"W-Wala iyon. Ito'y ayos lamang sa akin, ito ay wala pa sa kalingkingan ng iyong pagtulong sa akin."

"Huwag mong isipin na may kapalit ang pagtulong ko sa iyo. Taos puso kitang tinutulungan, Victoria. Sana'y tandaan mo iyon."

Marahan akong tumango. "Tatandaan ko iyon, Alejandro."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top