Simula

Life has so many things to offer, life has so many surprises that even me, couldn't explain. But I rarely experience surprise, would you believe me if I say that I can read palms? That there is someone who can see the future just by drawing the lines of the palm?

Well I am that someone...

Two years ago, I woke up in an unknown place, with no memories, I was 16 that time, the person who took care of me told me that I've slept for 10 years, not knowing if I will ever wake up from the slumber I am in.

"Thank you lord for another day you've given me life."

Sambit ko habang nakatingin sa kalangitan mula sa bintana ng kwarto ko. Napangiti akong tumayo saaking kama upang mag ayos ng aking sarili. Napatingin ako saaking repleksiyon, sinasalubong ang sariling mga mata.

Nang magising ako ay wala akong maalala, Bukod sa pangalan at edad ko na nakita ni lola saaking name tag noon ay hindi ko na alam kung sino ba ako. Kung may pamilya ba akong naghihintay o kung may naghahanap man lang ba saakin.

They said my parents might be from another country because of my features and my silver eyes. Dalawang taon na ang nakalilipas ngunit umaasa padin akong makikita ko sila, na mahahanap nila ako, marami akong katanungang walang kasagutan, kung sino ba sila? o kung hinanap man lang ba nila ako.

"Magandang umaga ho Ma'am."

Bati saakin ng mga kasambahay ng bahay na tinutuluyan ko, binigyan ko sila ng matamis na ngiti.

"Laide nalang ho, hindi naman na po kayo naiba saakin."

Ngiti ko.

"Gising na ho ba si lola? gusto ko sana siyang ipag luto."

Muling saad ko.

"Maaga hong nagising si senyora ngayon, hinihintay nalamang kayo para saluhan siya."

Sambit niya na nagpatango saakin.

"Ganun ho ba? sige tara na ho at magsalo salo na tayo."

I smiled then went to the kitchen, there I saw my grandmother drinking her tea while looking outside.

"Good morning po sa maganda kong lola."

Malambing na sabi ko saka niyakap at hinalikan sa pisngi si Lola Lydia. Mahina itong natawa.

"Good morning din sa pinaka maganda kong apo."

Ngisi niya.

"Ako lang naman ang apo niyo lola."

Natatawang sabi ko na matamis na nagpangiti sakaniya. She's Lydia Aldama, wala na siyang pamilya, namatay daw kasi ang mga magulang niya ng maaga, wala siyang kapatid at hindi niya kilala o hindi rin siya kilala ng mga kamag anak niya kung meron man.

Hindi narin daw siya nakapag asawa at nag focus nalang sa pagpapalago ng negosyo niya hanghang naging kilalang kilala ito. Kaya naman pamilya na ang turing namin sa isa't isa.

"Kumain na tayo Laide, ako ang nagluto ngayon ng agahan."

Sambit niya, malapad akong napangiti doon.

"Talaga po?! Wow kaya naman pala ang bango!"

Hagikhik ko.

She's not my real grandmother but in my heart, she is. Napakalaki ng utang na loob ko sakaniya, dahil sampung taon niya akong inalagaan, kahit pa napakamahal ng pagpapagamot saakin at maaaring wala na akong pag asang magising ay hindi siya sumuko.

Hindi niya ako sinukuan, sino ba namang gagawa ng ganoon kalaking bagay sa isang batang hindi mo naman kilala?

At nang magising naman ako ay tuloy tuloy ang pagpapagaling ko at pagtuturo niya saakin ng mga dapat kong malaman dahil hanggang anim na taon lang ang isip ko nang magising ako.

Pero ang sabi nga nila ay napakabilis kong matuto, mabilis akong nakaadapt at naaalala ko ang lahat kahit isang beses ko palang ito nababasa o naririnig. She said I probably have an amazing photographic memory, kahit kasi gaano na katagal ang lumipas ay hindi ko nalilimutan ang mga itinuturo saakin.

They focused on the subjects someone must know, Math, English, Science, Filipino, GMRC and Etiquette, yung mga bagay lamang na kailangan kong matutunan sa mga subjects na iyon. Madalas din akong magbasa ng libro dahil natutuwa ako sa tuwing may natututunang bago, kaya naman ay sa loob lamang ng dalawang taon ay pwede na raw akong makihalubilo sa mga kaedad ko at pumasok sa eskwelahan sa susunod na pasukan.

Malaki ang naitulong niya saakin, kaya naman ay ginagawa ko rin ang lahat para alagaan siya at ipakita kung gaano ko siya kamahal.

"MAGDALA ho kayo ng payong lola, uulan ngayon."

Ngiti ko habang gumuguhit sa aking sketch pad habang nasa hardin ako ng mansyon.

"Did you look at someone's palm again?"

She smiled, I nodded my head on her.

"Yes po, it's already a habbit."

I shrugged then stood up.

Nang magising ako ay napansin kong may kakaiba saakin. Sa tuwing nakakatingin ako sa palad ng isang tao ay nakikita ko ang mangyayari sakaniya.

May mga pagkakataong kailangan kong iguhit sa papel upang malaman ko ang pagkakasunod sunod.

Si lola lang at ako ang nakakaalam ng abilidad kong ito dahil delikado sa lugar na tinitirahan namin. Masyado daw kasing makaluma ang paniniwala ng mga tao rito at baka manganib pa ang buhay ko.

Lola said, na baka nakuha ko raw ito dahil sa aksidente, that maybe this is a god's blessing to me, basta raw ay gamitin ko lamang sa mabuti.

Lahat ay may kadahilan, kaya maaaring may kadahilanan din kung bakit saakin ibinigay ang kakayahang ito, kaya nga nangako ako kay lola na kahit kailan ay hindi ko ito gagamitin sa masama.

DAYS passed by, I am happy as usual, I am living my life to it's fullest. Bumabawi sa mga panahong inagaw saakin ng tadhana.

Pero mukang totoo nga ang sabi nila, ang bawat kasiyahan ay may kakambal na kalungkutan.

"Ilabas mo ang demonyong nasa pamamahay mo Lydia! Wag mong hayaan sakupin ka niya, magbalik loob ka sa diyos at isuko mo siya saamin!"

Sigaw ng mga tao sa labas ng gate ng mansiyon, nalaman ng lahat ang tungkol sa kakayahan ko, maging ang mga katulong at gwardiya namin ay isa isang nagsialisan. Ako ang sinisisi nila sa malakas na lindol na naganap na pumawi sa buhay ng nakararami.

"H-Hindi po ako ang may kasalanan lola, sinubukan ko lang silang balaan para mailigtas sila, hindi ako demonyo."

Naiiyak na sambit ko, tumatangis namang mahigpit na niyakap ako ni lola.

"Paano nila naiisip ito? Hindi ka demonyo Adelaide, anghel kita, hindi ko alam kung anong klaseng kabaliwan ba ang pumasok sa isip ng mga taong iyan!"

Galit na galit na sambit ni Lola saka nagtipa saaming telepono para magtawag ng mga tao.

Maya maya pa ay nagulat nalamang kami nang bigla nalamang magliyab ang isang parte ng mansiyon, napuno ng takot ang  puso ko habang mahigpit na yakap si lola.

Mabuti nalamang ay dumating agad ang mga tao niya at agad na napatila ang apoy.

"Wag kang mag alala Adelaide, hindi ko palalampasin ito! sisiguruhin kong mananagot ang may gawa nito saatin! sila ang mga demonyo! Sila na nga ang binalaan mo, sinabihan kang baliw, tapos noong nangyari ay ikaw ang sisisihin?! Punyeta! Magbabayad sila! hindi ako makapapayag na saktan nila ang apo ko dahil lang sa kabaliwan nila!"

Tuloy tuloy ang pag agos ng luha ko habang niyayakap si lola.

"K-kung sana ay hindi lang ako nagkaroon ng ganito, tahimik ho sana ang buhay natin ngayon."

Iyak ko, lola's face softened.

"Hindi mo kasalanang espesyal ka Adelaide, sadyang sarado lamang ang mga isip nila para tanggaping kakaiba ka. Ikaw ang buhay ko Adelaide, hindi ko hahayaang may mangyari sayo."

Naiiyak na sambit niya.

ILANG linggo pa ang lumipas at nagpatuloy ang pang haharass saamin ng mga tao, kahit ano pang pigil ay hindi talaga sila tumitigil hanggang hindi raw ako isinusuko ni lola. May pagkakataon pang muntik pa nilang patayin ang lola ko, at hindi ko na mapalalampas iyon.

"Sinusumpa ko! Darating ang araw na babalik sainyo ang ginagawa ninyo. Kung ipagpapatuloy ninyo ito at kung hindi niyo titigilan ay may katakot takot na sakunang mangyayari sainyong mga buhay higit pa sa naranasan ninyo noong nakaraan."

Pananakot ko sakanila, pinaninindigan ang tawag nila saakin. Nakita ko kung papaano napuno ng takot ang kanilang mga mata. Hindi malayong mangyari iyon, ang mga katagang binanggit ko ay talagang mangyayari kung hindi sila magbabago. Iba gumanti ang karma, ang ginagawa mo sa kapwa mo ay doble ang ibabalik sayo, ikaw ang pipili kung iyon ba ay mabuti o masama.

"SIGURADO ka ba dito apo?"

Naiiyak na sabi ni lola na nagpangiti ng mapait saakin.

"Kailangan kong lumayo lola, hindi ko na po kaya ang ginagawa nila, hindi na po kaya ng konsensya ko na nadadamay pa ho kayo."

Naiiyak na sabi ko saka hinawakan ang kamay ni lola.

"Napakalaki ho ng utang na loob ko sainyo, sa nakalipas na dalawang taon ay kayo ho ang nagsilbing pamilya ko. Kahit malayo man ho ako ay wala pong makapagpapabago noon, mahal na mahal ko po kayo lola. Pangako po, babalik ako kapag maayos na ang lahat, tatawag rin po ako madalas sainyo kasi sobra ko po kayong mamimiss eh.."

Ngiti ko habang patuloy parin sa pagtangis. Lola's soft eyes looked at me and wiped my tears.

"Mukang buo na ang pasya mo, sige, doon ka muna tumuloy sa---"

Umiling ako sakaniya at ngumiti.

"Lola naman, ang dami niyo hong naitulong saakin, ayoko pong masyadong dumipende sainyo, siguro ho ay napapanahon narin para po harapin ko ito ng mag isa. Pero pangako po, tatawag po ako lagi, diba nga ho ay binigyan ninyo ako ng cellphone?"

Pilit na pagpapatatag ko saaking sarili, pero sa totoo lang ay ayoko talagang iwan si lola, ayokong umalis, gusto ko lang syang makasama. Matagal kong kinumbinsi si Lola bago ko siya napapayag, ayoko ng mapahamak siya dahil saakin kaya ako nalang ang lalayo.

"Kung ayaw mo rin lang tanggapin ang alok kong tutuluyan ay gamitin mo itong perang ito, tumawag ka lang kapag may kailangan ka ha."

Naiiyak na sambit ni lola habang nasa terminal kami ng bus ngayong madaling araw.

"Oho, babalik ho ako lola, hintayin mo ako ha?"

Ngiti kong nagpatango sakaniya.

"Hihintayin kita apo."

Nagyakapan kaming dalawa bago ako sumakay sa isa sa mga bus roon, sa totoo lang ay hindi ko rin alam kung saan ba ako pupunta, pero umaasa padin ako na sana umayos na agad ang lahat para makabalik na agad ako.

"I love you po lola, mag iingat po kayo lagi ha, yung mga gamot niyo, tatawag ako para ipaalala sainyo, yung mga bagong katulong sabihan niyo dapat kasama niyo lagi para alalayan kayo, wag ho hayong masyadong magpastress sa kompanya. Mamimiss ko ho kayo ng sobraa la."

Iyak ko, ngumiti siya saakin at tumango.

"Magpapalakas ako para sayo apo, mag iingat ka doon ha? Wag kang mag tiwala basta basta. Kung kinakailangang gamitin mo iyang abilidad mo para makaiwas sa mga ikapapahamak mo ay gawin mo. Mamimiss kita Adelaide, hihintayin kita, I love you."

Paalala nito, we bid our good byes then I went inside the bus, sumakay ako sa bus byaheng San Carlos. Iyak lamang ako ng iyak saka matutulog at kakain, pinipilit kong magpakatatag kahit kinakabahan at natatakot ako dahil ito ang unang beses kong bumiyahe at nalayo sa tirahan ko mula noong magising ako.

Pitong oras din akong bumiyahe at natulog sa isang inn, at dahil wala namang mahanap na mauupahan ay nagpasya  akong muling bumiyahe, nakarating ako sa bayan ng Ibanez.

Sa kamalas malasan lang ay nanakaw pa ang bag ko at ilan pang importanteng gamit, mabuti nalang at nasaakin pa ang numero ni lola at ang ilang pang numbers na ibinigay niya saakin. 

At kahit maiwala ko man ay tandang tanda ko naman ang mga iyon.

Yun nga lang ay wala na akong pera, ayokong mag alala siya saakin kaya siguro ay gagawan ko nalang muna ng paraan.

I sighed, mabigat ang damdamin ko habang sinusubukan kong maghanap ng trabaho, pero lahat sila ay pinaaalis ako. Mabuti nalamang at may mabait na babaeng pinayagan akong mag waitress sa isang beer house daw.

"Magkano ang gabi mo miss?"

Muling tanong ng isa sa mga lalaki roon, kahit naiilang ay ngumiti lang ako at hindi sumagot.

"Ang mo miss ahh, ang sexy mo, magkano ka ba? Wag ka ng tumanggi, papakipot ka pa eh lahat naman kayo madumi ang trabaho dito! Sayang ang gando mo kung hindi mo ibibigay saakin miss, kailangan mo ba ng pera? virgin ka pa?"

Ngising pangungulit ng isa, umiling lang akong pilit na tumatanggi. Nakahinga nalamang ako ng maluwag nang sawakas ay natapos din ang trabaho ko, sukang suka ako sa pang hihipo saakin ng mga costumer doon pero marami naman akong nakuhang tip.

"Sigurado ka bang hindi ka na babalik hija? mukang magiging mabenta ka sa mga costumers."

Ngiti ng babaeng nagbigay ng trabaho saakin pagkatapos ibigay ang sweldo ko sa gabing iyon, agad naman akong umiling sakaniya.

"H-Hindi na po talaga, pero maraming salamat po."

Ngiti ko nalang.

"Ganun ba? Sayang naman, pero kung nagbago ang isip mo ay  pwede ka namang bumalik dito."

Ngisi niya, tumango lamang ako at nagpasalamat saka umalis.

"Sandali lang miss."

Pagharang saakin ng isang lalaki, bahagya akong kinabahan nang makilala, siya iyong pilit akong kinukulit kanina.

"Aalis ka na agad? magsaya muna tayo?"

Ngisi niyang nagpatayo ng mga balahibo, I glad at him palm and drew on my palm using my finger, I saw how he will harass me, bahagya akong nanginig roon.

"U-Uuwi na po ako."

Sambit ko saka tumalikod na, ngunit na hawakan nito ang kamay ko, mariin akong napapikit saka agad siyang sinapak sa muka saka sinipa at nang mabitawan niya ako ay agad akong tumakbo, ngunit muli ako nitong naabutan at humarang.

"Pakipot ka pa eh! akala mo ang linis linis mo?! Magkano ka ba ha?!"

Galit na bulyaw niya saakin, I again glance at his palm, he will attack me, so I memorized his moves on what I saw.

Tagumpay kong naiwasan ang mga atake  niya saka buong pwersa siyang sinipa sa sensitibong parte  ng kaniyang katawan dahilan upang mamilipit siya sa sakit, kinuha ko ang tubo malapit saakin saka masamang binalingan siya ng tingin.

"Subukan mong lumapit saakin, bibiyakin ko ulo mo!"

Nanginginig ngunot buong tapang na sambit ko, napatiimbagang itong masama akong tinignan saka umalis. 

Matapos non ay mabilis na akong tumakbo, malakas na buhos ang ulan, hindi ko alam kung ano ba ang kasalanan ko at para bang pinarurusahan ako.

Tuloy tuloy ang pag agos ng luhang tulala akong naglalakad sa gitna ng malakas na ulan, nilalamig at natatakot sa kung ano mang posibleng nangyare saakin.

Nanginginig akong naupo sa gilid ng kalsada habang patuloy sa pagiyak, kamusta na kaya ngayon si lola? baka nag aalala na siya saakin. Kanina pa ako naririto at hindi parin tumitila ang ulan, nang may tumigil na sasakyan saaking harapan. 

Bumaba roon ang isang matipunong lalaki, may ilaw sa tapat ko kaya nakita ko ang itsura niya. 

"Miss bat nandito ka? okay ka lang?"

Nag aalalang sambit niyang dinaluhan ako, nang hihina namang tinignan ko siya na ikinatigil niya.

I met his warm gaze, ang ganda ng asul niyang mga mata, hinang hina ako at ni hindi ko magawang makagalaw o makapagsalita.

"Oh shit, dadalhin kita sa ospital."

Tarantang sabi niya, mahigpit akong napahawak sakaniyang mga braso at napatitig sakaniya habang tumutulo ang mga luha saaking mga mata. Hindi ko alam kung anong sumunod na nangyari, at naramdaman nalang ang mainit na yakap niya na unti unting nagpatigil sa panginginig ko at nagpakalma sa kalooban ko.

"Wag kang umiyak, mas maganda ka kung ngingiti ka."

Malumanay na sambit niya saka ngumiti saakin, dahilan upang bahagyang tumahip ang puso ko.

"Dadalhin kita sa ospital okay?mainit ka"

Sambit niya, nanghihina lamang akong tumango at hinayaan siyang kargahin ako sa loob ng delivery truck na minamaneho niya. 

Thanks to his warmth, I calmed down, my quivers stopped, kahit papaano ay nawala ang pangangamba at takot ko, malakas ang pakiramdam ko na pwede ko siyang pagkatiwalaan.

"I'm Ezekiel Josiah Escalona, Eseng for short pero pwede mo din akong tawaging forever mo."

Pagpapakilala niya saakin sabay kindat saka binalot ako ng tuwalya.

"T-Thank you..."

I mumbled before closing my eyes.



A/N: Medyo kinakabahan ako sa story ng dalawang ito whahaha anyways this will be the last book of La Muerte series, sana po ay suportahan niyo rin gaya ng pagsuporta niyo sa naunang dalawang libro. Asahan niyo hong gagawin ko po ang makakaya ko para mapaganda ang kwento nila. 

Thank you po sa lahat ng sumusuporta, take care po and god bless! ❤❤❤

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top