Kabanata 49
Adelaide
WE CAME BACK to Manila after my OB told us that we can travel. Dumiretso kami sa bahay ni Mr. Javier Kings, kabang kaba tuloy ako dahil hindi agad saakin sinabi ni Ezekiel na ipakikilala niya ako sa ama niya.
"Papa!"
Masayang bati ni Madeline kay Mr. Kings nang salubungin kami nito. Tuwang tuwa naman siya't niyakap agad ang apo. I already met him once when I visited Thaliah in the hospital. Hindi ko pa alam noon na related sila ni Ezekiel, kaya naman pala ay magkamuka silang dalawa.
Kinakabahan ako dahil pormal akong ipakikilala ni Ezekiel bilang fiancee niya sakaniyang pamilya. Ezekiel did proposed to me in the hill, ther is no weather forecast that it will rain. But turns out he's been cloud seeding to make it rain that day.
He told me that he will make me remember that happy memory whenever I see the rain. He will make me remember that moment whenever I go to the hill. We danced and danced under it, and then he proposed to me, it's trully unforgettable.
He turned all my fears into a happy memory I will remember for the rest of my life.
"Good morning po, Mr. Kings."
Ngiti ko nang ako ang sunod na salubungin nito.
"You can call me Dad since you will be this stupid son of mine's wife."
He joked, napasimangot doon si Ezekiel na nagpangisi lang sa matanda.
"Welcome to the family, hija."
He chuckled then hugged me, napangiti ako doon.
"Thank you po."
Masayang sabi ko.
"Let's go inside, naghihintay doon sila Rhia."
Turan ng ama ni Ezekiel saka buong puso kaming iginiya papasok sakanilang tahanan.
"Laide! Hello! Nice to see you again sister in law."
She giggled then hugged me.
"Nabigla nalang ako grabe! hindi ka man lang nagsasabi na ikaw pala yung kinababaliwan nitong panget na to."
She hissed making me smile. Sumulyap ako kay Ezekiel na kausap ngayon ang ama niya.
"I really have no idea, nabalitaan ko nalang na may fiancee na ang gago, and what surprised me the most is, it's you! Kung alam ko lang!"
Patuloy na reklamo niya.
"W-Well it's complicated at first, hindi ko din inakalang mauuwi kami sa ganito."
Even if I have the ability to see the future, I never thought that I can be happy with him again. I never thought that we'll have second chance.
"Really? Akala ko matagal na kayong nagkabalikan? 5 months ago nagpatulong siya saaking bumili ng singsing. Wala siyang mapili kaya noong nagpunta kami sa auction, nakipag agawan pa siya sa isang red diamond, she bought it three times the original price, me and my husband were really shocked. It's that gem on your engagement ring."
Pagkukwento niyang nagpamulagat sa mga mata ko.
"Red diamond? I thought this is ruby?"
Kunot noong tanong ko.
"No, that's red diamond, he must be thinking about marrying you the whole time. He doesn't want you to feel intimidated by the price, I think he just wanted to give you the best ring he could offer."
She giggled, nag init ang pisngi ko roon.
"I-I-Is that so."
I stammered, not knowing how to react. Ezekiel!!! Why would you give me something like this! Geez...
"Yeeii kinilig."
She teased, napanguso ako roon habang nag iinit ang pisngi. Muli akong napasulyap kay Ezekiel na buhat buhat si Madeline, nagkasalubong ang mga mata namin. Kumindat siya saakin kasabay ng isang nakakatunaw na ngiting gumuhit sakaniyang labi.
Napakagat labi akong ngumiti din saka muling lumingon kay Rhia na abot langit ang ngiti ngayon.
"Where's the kids by the way?"
I asked.
"Ahh..They are with Chase and his dad, nasa garden. Si Race lang naman, tulog, pinababantayan ko sa nanny niya para tawagin ako kapag nagising."
She smiled, napangiti ako roon.
"I heard my name."
Biglang sulpot ng kaniyang asawang niyakap siya mula sa likod.
"Hey."
I greeted, ngumiti saakin si Chase.
"Nice to see you again, paano ka nauto ni Eseng?"
Ngisi niyang mahinang nagpatawa kay Rhia.
"Grabe ka."
Tawa ni Rhia saka humalik sa asawa, nailing nalang ako.
"Are you guys talking about me?"
Si Ezekiel iyon na humawak sa bewang ko.
"Yeah, we told Laide your tiktok account."
Ngisi ni Chase, nanlaki ang mata roon ni Ezekiel saka tumingin saakin.
"W-Wala akong tiktok! Wag ksang maniwala! wag mong isearch!"
Tarantang sabi niya, natawa si Rhia na tinap ang kaniyang phone saka iniharap saakin.
"Rhia!"
Reklamo niya.
Si Ezekiel iyon, sumasayaw ng 'sayaw kikay' malakas akong natawa habang pinanonood iyon.
"Wait, magdadownload ako."
I giggled, agad na kinuha ni Ezekiel ang phone ko at namumula ang pisnging ngumuso.
"Bakit? akina, gusto kong panoodin."
Natatawang sabi ko na lalong nagpasimangot sakaniya.
"Ayaw."
Sabi nito.
"Isa."
Seryosong sabi ko, wala siyang nagawa kundi ibalik saakin ang phone ko, sina Rhia at Chase naman ay tawang tawa sa bubulong bulong pang si Ezekiel sa tabi ko.
"Nanay, may tiktok kami ni tito Chase at papa Javier, sayaw kikay din po."
Biglang sulpot ni Madeline na mukang kanina pa nakikinig saka iniabot saakin ang phone. Napawi ang ngiti roon ni Chase na nagpangisi naman kay Ezekiel.
"Di ko alam yan ha."
Ngisi ni Rhia sa namumutlang si Chase. Ibinigay sakaniya ni Madeline ang phone saka namin pinanood iyon. Tawang tawa kami sa sayaw nila habang pinanonood ang video.
"Ang pangit sumayaw parang bulateng inasinan, mas magaling padin ako."
Iling iling na sabi ni Ezekiel.
"Gago, inggit ka lang kasi mas magaling akong gumiling sayo."
Ngisi ni Chase na nagpangiwi kay Ezekiel.
"Baka pag pinakitaan kita ng talent ko mabakla ka."
Sabi ni Ezekiel.
"Pareho naman kayong di magaling."
Iling iling na singit ni Tito Javier, nailing nalang kami ni Rhia.
"Katahimikan!"
Sigaw ni Madeline na nakatayo na ngayon sa upuan.
"Dapat po may show down para sure!"
Sabi nitong nagpatango tango saamin, nagkatinginan ang tatlo.
"Game!"
Sabay na sabi nila saka pumwesto sa harapan.
Twang tawa kami sa pinaggagagawa nila, mga ayw magpatalo kaya bigay todo sa pagsayaw. Sumama pa sakanila si Crest na kararating lang kasama si Eleanor at ang ama ni Chase.
Sa huli ay si Crest ang nanalo na binuhat nila Ezekiel, Chase at Tito Javier.
"Anak ko to kaya mana saakin."
Ngisi ni Chase.
"Paanong mana sayo eh barag barag ka namang sumayaw, mana sa tito kamo."
Ezekiel hissed.
"Mali kayo, saakin mana ang apo ko."
Sabi naman ni Tito Javier sabay halukipkip.
Nagpatuloy lang sila sa pag aaway na nagpailing nalang saamin saka nagtungo na sa kusina.
"Sa peanut butter ka naglilihi?"
Tanong ni Rhia nang makita akong nagpapapak uli, natigilan akong sumulyap sakaniya.
"I figured out when Ezekiel asked who is the best OB, why would he go to that extent to help a friend."
She shrugged, nakagat ko ang labing tumango. When we went to the OB yesterday, Ezekiel cried while staring at the ultra sound, it's a very emotional moment for the both of us.
"Y-Yeah, Ezekiel is planning to tell you and your dad today."
Sabi ko, sasagot pa sana siya nang makarinig kami ng ingay sa living room. Sumilip kami at nakitang tuwang tuwa si Tito Javier habang tumatalon at buhat buhat si Madeline. Napakamot ulo si Ezekiel saka inilabas ang brown envelope kung saan naroroon ang ultrasound pictures.
"Looks like Willow is the first one to tell them."
Rhia giggled.
"Yeah, that's not surprising."
Turan ko habang nakangiti at pinanonood sila.
"Sigurado akong mas magaanda o gwapo itong anak ko kesa sa mga piranhas."
Ngisi Ezekiel kay Chase.
"Ulol, panget mo."
Chase hissed.
"Malabo ba mata mo? saka gwapo ako, mas maganda si Laide kaya malamang mas maganda at gwapo ang mga anak ko kaysa sainyo."
Ngisi niya.
"Tama tama."
Segunda pa ni Madeline.
"Mana saakin ang mga apo ko kaya magaganda at gwapo sila."
Tango tangong sabi ni Tito Javier, mukang hindi pa tapos ang mga ito. Nagkatinginan lang kami ni Rhia at napahagikhik.
Their family is so fun to be with, napuno ng tawanan at kasiyahan habang naroroon kami. Buong puso nila akong tinanggap bilang kasapi ng kanilang pamilya. Napakabait din ng ama ni Ezekiel, si Rhia naman ay kasundong kasundo ko.
Ezekiel also showed me a piucture of his mom and told me stories that Rhia at Tito Javier told him about his mom. Nakakalungkot lang na hindi niya na nakilala ito.
Buong araw kaming nag stay sa bahay na iyon at nagtungo sa condo unit ni Ezekiel sa maynila upang doon tumuloy.
"You already sent your cousin a message?"
Tanong ni Ezekiel habang nagbibihis, nakagat ko ang labing napatitig sa kabuuan niya. Nang mahalata niya iyon ay ngumisi siya saakin na nagpainit sa mga pisngi ko.
"Yeah, I told her I will visit tommorow, pagkatapos nating bisitahin si Lola at si Isaiah."
Sagot ko habang hinahaplos ang buhok ng natutulog na si Madeline. Tumabi saakin si Ezekiel at isinandal ang ulo sa balikat ko saka hinawakan ang kamay ko.
"It must've hurt a lot."
He sighed, tipid lang akong ngumiti.
"Don't start this kind of conversation, I still won't blame you."
I said, tumitig lamang siya saakin at hinalikan ako sa labi.
"If only he's alive, they will be good playmates."
Sabi niya habang nakatingin kay Madeline.
"Hmm yeah, they can even be classmates since they are around the same age."
I chuckled.
"That painting in your room, I want it to be in our house."
Turang niyang nagpatango saakin saka inilapit ang muka sakaniya at dinampian ang labi niya.
"Sure."
I mumbled, there is this spark on his eyes as he started kissing me passionately. Bago pa lumalim ang halik ay lumayo ako sakaniya.
"Madeline will wake up, maaga pa tayong gigising bukas."
Natatawang paalala ko.
"Let's do it quick in the bathroom then."
He whispered, nanlaki ang mata ko roon.
"Ezekiel."
Saway kong mahinang nagpatawa sakaniya at muling humalik saakin.
THE MORNING CAME in a bliss and I felt so sore down there. He told me it's gonna be quick! Well I did like it, but I woke up late because of him. Nag init ang pisngi ko nang maalala ang mga ginawa namin kagabi.
"Nanay, Good morning po!"
Si Madeline iyon na pumasok kasama si Ezekiel at may dalang pagkain.
"Nagluto po kami ni tatay."
Hagikhik niyang nagpaangiti saakin at sinalubong siya ng yakap.
"Wow naman, salamat."
Masayang turan ko saka sumulyap kay Ezekiel na inilapag ang pagkain at humalik saakin.
"Good morning."
He grinned then winked at me, nag init ang pisngi kong sinalubong ang tingin niya.
"G-Good morning."
I smiled.
The three of us started eating in the bed room, mayroon namang mesa dito kaya doon kami kumain.
"Tatay si Tito Wade magaling daw po ba talaga siya maghanap ng isang tao kahit hindi po niya kilala?"
Tanong ni Madeline.
"Hmm..hmm."
Ngumunguyang sagot ni Ezekiel.
"Oo, bakit mo natanong?"
Tanong ko, ngumiti lang ito at umiling.
"May bayad po ba?"
Tanong niya muling nagpatango saakin.
"Meron, bakit?"
Ezekiel asked while eating.
"Wala lang po, curious lang hehe."
Ngiti niya saka nagpatuloy na sa pagkain, naningkit ang mata ko roon. Pero kumain nalang din, I feel like something's bothering her.
I should talk to her later.
"Do you think something's bothering Madeline?"
I asked Ezekiel the moment Madeline left my room to take a bath in her room.
"I'm nit sure since she's acting usual, why?"
Tanong ni Ezekiel habang inililigpit ang pinagkainan.
"Pakiramdam ko lang, kagabi pa."
Sabi ko.
"hmm... how about this, let's talk to her later, after our trip."
Ngiti ni Ezekiel saka hinalikan ako sa noo, napabuntong hininga akong tumango.
"Let's make her extra happy today."
I smiled.
Balak naming mamasyal matapos naming bumisita sa mga puntod.
"Salamat."
Sabi niya, tumayo na ako saka sumulyap kay Ezekiel.
"For what?"
Tanong ko, nagkibit balikat ito.
"For caring so much about Madeline."
Ngiti niya, lumapit ako sakaniya at humawak sakaniyang balikat, si Ezekiel naman ay sa bewang ko.
"She's not hard to love, Ezekiel, and I care for her because I want to and I love her."
I said, nakagat niya ang labing tumingin saakin.
"Kinikilig ako."
Ngisi niyang nagpanguso saakin.
"Sira."
Natatawang sabi ko sakaniya saka lumayo na.
"Next week na ang hearing."
He informed, isa ako sa mga tatayong witness roon.
"Sigurado ka---"
"Yes I am Ezekiel, para kay nanay."
Pagputol ko sa sasabihin niya.
"Saka nandiyan ka, alam kong hindi mo ako pababayaan."
Ngiti ko saka kumindat sakaniya at dumiretso na sa banyo. I wonder how is Bela doing? Ezekiel told me last time that She had to fight with her father. I hope she's okay, malaking tulong at mahirap na desisyon ang ginawa niya.
The three of us went to the Cementery where Lola and Isaiah is burried, pinalipat ko ang puntod ni Isaiah sa tabi ng kay lola para sabay na namin silang bibisitahin. Pinaasikaso ko kay Aaron noong nasa La Muerte pa ako.
My parent's grave will also be relocated here so that I can visit them at the same time. I just thought of it when Lilia suggested it, back in La Muerte.
"Isaiah Kiel Escalona."
Pagbasa ni Ezekiel sa puntod ng anak, nangilid ang luha nitong hinaplos iyon.
"We'll change his surname to Kings next time."
I said then sat beside him, tumabi din saakin si Madeline.
"Sino po siya, nanay? Halos pareho po sila ng pangalan ni tatay."
Tanong ni Madel.
"Anak namin siya ng tatay mo, yun nga lang maaga siyang nagpunta sa heaven."
Tipid na ngiting sabi ko.
"Sayang naman po, siguro po masaya kapag nandito siya."
Nguso niya.
"Hmm..oo, pero doon hindi siya magkakasakit, hindi siya malulungkot, tapos nakikita niya tayo."
Sabi ko, sumulyap ako kay Ezekiel na titig na titig sa puntod.
"My son..."
He mumbled as tears started falling from his eyes. Lumapit pa ako sakaniya upang damayan siya, ganoon din ang ginawa ni Madeline.
"Sorry, sorry ngayon lang ako..."
Garalgal ang boses na sabi niya, hindi ko din mapigilang maiyak sa tagpong iyon.
"Nak, andito na si tatay."
Mapait ang ngiting sabi ko.
I know how much pain he's feeling right now, meeting his son this way, for the first time. Halos ikamatay ko nang magising ako't malamang wala na siya, I nearly gave up if it weren't for Liz and Aaron, I wouldn't be here now.
Sobrang sakit at hanggang ngayon at nasasaktan padin ako sa tuwing naaalala ko ang sandaling iyon. When I lost Isaiah, I feel like the last hope I'm holding on, broke down. I fell into a deep darkness, causing me fatal wounds.
I just wanted to give up and end everything that time.
"Tatay, love ka po namin ni Isaiah, nanay saka ni baby."
Pag alo ni Madeline kay Ezekiel saka niyakap ito, mahigpit siyang niyakap ni Ezekiel.
"I'm sure, wherever he is, he is happy and healthy, I am sure he is sso glad to finally meet his father."
Turan ko, napatitig siya saakin at bumuga ng marahas na hangin.
"This time I won't leave your side Laide."
Puro ng emosyong sabi niyang nagpangiti saakin saka pinahid ang kaniyang luha.
"I just want you to know that whatever happened in the past, no matter how painful it is. Hindi ko pinagsisisihang nakilala kita, at kahit sa maikling sandaling dinala ko si Isaiah, naging masaya ako."
Litanya kong nagpatango sakaniya.
"Wow para akong nasa teleserye."
Singit ni Madeline, bago pa makapagsalita si Ezekiel, mahina kaming natawa doon.
THE DAY OF THE TRIAL came, kabadong kabado ako habang papasok kami sa lugar. This is the day, I will stand as a witness, ilang taon ang hinintay namin para sa araw na ito at wala kaming balak magpatalo.
"You okay? do you want anything?"
Ezekiel asked concered while guiding me.
"I'm fine, this is for nanay."
Ngiti ko, hinawakan niya ang kamay ko at pinisil ito.
"Patong patong na kaso ang kinahaharap ngayon ni Mr. Lim, Wade did a great job sucking information dry about that son of a bitch. Madaming ebidensyang itinuturo siya, hindi niya matatakbuhan ito."
Mariing sabi nitong nagpangiti saakin.
"That's a relief."
I said.
On our way, we saw Bela with her husband. Humiwalay ako kay Ezekiel at nilapitan siya.
"Laide..."
She mumbled looking at me.
"I'm sorry."
Nakayukong sabi niya, agad ko siyang inilingan.
"It's not your crimes but your father's Bela, you shouldn't apologize. I'm just concerned how are you feeling right now."
Malumanay na sabi ko.
"I feel like shit."
She chuckled.
"Dad's so gonna hate me, pero ito lang ang tanging paraan na alam ko para makabawi sainyo."
Sabi niyang nagpangiti saakin.
"And I admire you for doing the right thing even if it's hard thing for you to do, you're still here, fighting along with us."
I smiled.
"I am doing thing for tita, not for you and Josiah."
She rolled her eyes making me chuckle.
"Let's be friends this time if we win the case."
I said sincerely, Bela hissed.
"I'll think about it."
She shrugged.
"She means she wanted to be friends."
Singit ng asawa niya, pinanlakihan siya ng mata ni Bela.
"Okay, I'll wait."
I chuckled then glanced at Ezekiel beside me.
The trial started, sumalang ang unang witness, it's Bela.
"I am Bela Lim Cabrera, Simeon Lim's daughter."
She introduced herself.
She told everything she knew in detail, ofcourse she also got questioned. But Attorney Ranaldi is really good that she made the other side, speechless.
"How could you do this to your father! I did everything to give you everything you want! wala kang utang na loob!"
Pag aamok ni Simeon, sinubukan niyang lapitan si Bela na walang nagawa kundi maiyak. Mabuti nalamang at napigilan siya ng mga pulis. The next witness that will give state her testimony is me. Nanlalalmig ang kamay kong inihahanda ang sarili.
"You'll be fine."
Ezekiel whispered then held my hand, tipid akong ngumiti at tumayo saka nagtungo sa harapan at naupo. They told me to state my name first for the records, so I did.
"Before the incident, 8 years ago, I noticed that someone, who's face is new to me seems to be watching us. I ignored it because I thought he is just one of the people who visits the Hacienda."
I started, the attorney on the other side questioned me so I answered it honestly.
"Pagtapos naming mamigay ng meryenda ay sinabi ni nanay na may pupuntahan daw muna siya. Ako naman ay naglakad lakad muna sa manggahan, nakatulog pa ako noon."
My voice broke remembering that, Attorney Ranaldi told me to continue.
"T-then when I woke up, I decided to go to the hill. Habang papunta ako roon ay may natanaw akong lalaking nakasuot ng itim na hoodie at may puting gloves. May hawak siyang kutsilyong puno ng dugo."
Garalgal ang boses na pagkukwento ko. I looked at Ezekiel, madilim ang muka niya habang nakatingin kay Mr. Lim. I got questioned again by Mr. Lim's attorney but I managed to defend myself.
"Nanlaban pa ako sakaniya, naagaw ko sakaniya ang kutsilyo at itinutok sakaniya iyon sa takot na baka kung anong gawin niya saakin. Ngunit hindi na siya umatake pa at mabilis na tumakbo lamang."
Muli nanaman akong tinanong ng abogado ni Mr. Lim. Agad ko iyong nasagot at dinipensahan rin ako ni Attorney Ranaldi kaya nagpatuloy na ako sa pagkukwento ng mga pangyayari noon.
"After that,buong tapang akong umakyat ng burol, tapos...t-tapos.."
Tuloy tuloy ang pag agos ng luha ko nang maalala ang nangyari. Agad akong inalo ni Attorney, kahit emosyonal ay nagpatuloy ako sa pagkukwento.
"I-I-I saw nanay, naliligo siya sa sariling dugo, Nakahandusay siya sa ilalim ng puno. Hindi ko alam kung bakit nila ito ginawa kay nanay! napakabuti niyang tao! para saan? kayo ang gumagawa ng masama! bakit kailangang siya ang magbayad!"
Hagulgol ko.
I still remember how she looked at me in her last moments. Mahina siyang ngumiti saakin noon at hinaplos ang muka ko. Umiiyak ako nang bumalik sa kinauupuan, mahigpit akong niyakap ni Ezekiel.
"You did great, thank you Laide..."
Garalgal ang boses na sabi niya habang yakap yakap ako, mariin akong napapikit habang umiiyak. The next witnesses were the one who saw what happened between me and the killer and then we were all surprised seeing the killer he hired also became a witness. Maging ang ilang tao niya ay nakumbinsi nila Wade na tumistigo.
Ipinahayag ng mga witnesses ang kanilang mga testimony at ang naglatag din ng mga nakalap na ebidensiya laban kay Simeon Lim. The trial went smoothly, masyadong malakas ang mga nakalap na ebidensya laban sakaniya.
"Mr. Simeon Lim, was found guilty beyond reasonable doubt for Mrs. Delilah Escalona's murder and will be given an additional life imprisonment for his reclusion perpetua."
He announced, malakas akong napahagulgol doon at napayakap kay Ezekiel na ngayon ay tumatangis din. Nagsisisigaw ngayon si Mr. Simeon Lim na hindi makawala sa mga pulis.
"Finally Ezekiel, we finally achieved justice."
Hagulgol ko.
It was a blissful moment, we are embracing each other happily while crying.
"Laide."
Natigil ako nang marinig iyon, paglingon ko ay nakita ko si Ate Rosing puno ng luhang lumapit saakin at niyakap ako.
"Sorry sa lahat ng nagawa ko, maraming salamat, maraming salamat Laide."
Hagulgol niya habang yakap yakap ako, niyakap ko siya pabalik at lalong naluha. Hindi dahil sa sakit, kung hindi dahil sa saya.
Paglabas namin ay magkahawak kamay kami ni Ezekiel hanggang marating ang parking lot. Nadaanan pa namin doon si Bela na mukang kumalma na matapos aluin ng kaniyang asawa.
"Bela! how are you?"
Sabi ko, ngumiti siya saakin.
"I'll be okay, matutulungan nito si Dad na magbago, so I'll be fine."
She said then smiled, napabuntong hininga akong humawak sa kamay niya at pinisil iyon.
"Salamat Bela."
Sambit kong nagpatango sakaniya.
"I did this for my dad, no need to thank me."
She sighed then stared at me.
"And I've also thought about it, I think you'd make a decent friend."
She smiled, napangiwi doon si Ezekiel.
"She'll make an excellent friend."
He hissed, inirapan siya ni Bela.
"Thank you Bela."
I chuckled.
After our chat, we decided to celebrate together. Habang nasa sasakyan ay hindi ko mapigilang maiyak sa saya. Hinawakan ni Ezekiel ang kamay ko habang nagmamaneho na nagpangiti saakin.
'Nanay, sawakas ay nakamit na nanamin ang hustisya para sainyo.'
Turan ko saaking isipan, para bang biglang nawala ang mabigat na batong nakadagan sa dibdib ko nang maisip iyon. Masaganang luha ang tuloy tuloy na nagsituluan ang luha sa mga mata ko. Ezekiel smiled at me warmly then stopped the car to wipe my tears.
"I-I just can't believe it."
Garalgal ang boses na sabi ko, ngumiti siya saakin at hinalikan ako sa noo.
"Thank you for fighting with me, Laide."
Sambit niya, lalo lang akong naluha saka ngumiti sakaniya.
A/n: Nahirapan ako dito, since wala talaga akong alam sa mga nangyayari sa trials at hindi ko sure kung anong pagkakaiba ng sa ibang bansa at sa pilipinas (Kung meron man) puro kasi foreign trials ang napapanood ko. So sorry po if may mga pagkakamali ako, I'm not knowledgeable with these scenes. T__T
Anyways, feeling ko ang haba ng journey nila, parang kasama nila ako kaya parang ramdam ko yung ginhawa. 🤣🤣 Isang chapter nalang po before epilogue. ❤❤❤
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top