Kabanata 46
Adelaide
I FROWNED and stared at Ezekiel's sleeping face. Mukang masyado itong nagulat kagabi sa sinabi ko at nawalan ng malay. Masyado siyang mabigat para buhatin pa sa kwarto niya kaya naman ay hinayaan ko nalang siyang matulog dito.
"Laide?"
He called my nameand slowly opened his eyes.
"I had a great dream, you told me you were pregnant."
Kunot noong sabi niyang napahawak sa ulo niya at napangiwi, nabukulan kasi siya kagabi sa pagbaksak niya.
"I'm not sure yet."
I said then showed him the pregnancy tests that I asked a helper to buy this morning. Nanlaki ang mata niyang biglang napaupo.
"T-That's not a dream?"
Gulat na tanong niyang nagpatango saakin.
"It's not and you even dared to pass out when I am the one who is possibly pregnant here."
Reklamo ko, naitikom niya ang bibig niya roong nagpairap saakin at tumalikod na para magpunta ng cr.
"Saan ka pupunta? itetest mo na? baka madulas ka?"
Sabi niyang tila ba hindi alam ang gagawin at wala sa wisyong tumayo para alalayan ako.
"Madudulas agad? Oa Ezekiel?"
Taas kilay na sabi kong nagpangiti sakaniya at pinisil ang kamay ko. Napanguso lang akong binawi ang kamay sakaniya at pumasok sa cr. To be honest, I'm really really nervous and scared, my hands were trembling as I started doing a urine test. Ilang minuto pa akong naghintay bago makita ang resulta.
"Oh my god."
I mumbled seeing the two red lines on the kits, mariin akong napapikit at inulit muli ang test sa ilan pang kit na pinabili ko. I repeated the test six times and the result is always the same!
Nanghihina akong napasandal sa dingding, tulala sa pregnancy test na nagpapatunay na may buhay sa loob ko. Tears started pooling on my eyes, napahikbi ako habang titig na titig sa result.
"Laide? is everything okay? how is it? is the result ready? can I come in?"
Ezekiel outside said nervously while continously knocking, hindi ko maiwasang lalong mapaiyak. I lost Isaiah before, what if I loose this child again? paano kung bawiin din siya saakin?
Napaupo akong niyakap ang sarili.
I should be happy right? It's a blessing, no matter how unplanned it is, I should be thankful. But still, I have so many what ifs right now, I feel unsure, I don't want to have a child when I'm still in pain.
"Laide!"
Si Ezekiel iyon na tuluyan ng nakapasok, napahikbi akong tiningala siya.
"I-I'm pregnant."
I said crying and gave him the result.
"I-I can't be pregnant, I'm not ready, I have so many what ifs, I'm still in pain, no matter how hard I try to stop it, I just couldn't, I do----"
"That child is mine too Laide.
Mariing sabi niya saka mahigpit akong niyakap.
"I understand if you're in pain, but I am here, I won't leave you. I understand if you're not readt, but please don't talk as if you do not want that child. Please give me a chance to help you, to take care both of you. Stop ignoring what you really feel and be honest with yourself, stop running away, cause I'm hurting too, it hurts so much how the past made you like this, it hurts so much that you feel so close yet so far. We seems so okay but there's this wall I've been trying to break, but you just kept building it."
Litanya niya habang titig na titig sa mga mata ko, tuloy tuloy ang pag agos ng luhang para bang pinipiga ang puso ko sa bawat katagang binibitawan niya.
"I'm in pain too Laide, seeing you suffer makes the pain unbearable and you're the only cure. But no matter how tiresome it is, no matter how much it will hurt me in the process, I won't give up on breaking the walls between us, hanggang sa ikaw ang sumuko. Kung hindi ka handa ay naiintindihan ko, pero hayaan mo akong alagaan at protektahan kayo, hayaan mo akong mahalin kayo. I will give you everything, since the first time I laid my eyes on you, I've already become yours, so please give us a chance."
Mariing sabi niya habang tumutulo ang luha sakaniyang mga mata, hindi ako nakasagot agad at pinahid ang luha sakaniyang mga mata.
I don't know if I am doing the right thing, but I feel like I want to try.
"Okay, I will give you a chance."
I sighed making him smile.
'Really?"
He said looking as if he couldn't believe it.
"Yes."
I said seriously, nanlaki ang mata niya roon at saka tinawid ang landas namin at siniil ako ng halik. I answered his kisses passionately, his kisses were slow and full of affection, it's filled with warmth and it calms me.
"You won't regret this."
He said, hinaplos ko ang muka niya at muli siyang dinampian ng halik sa labi.
"I might become toxic, negative, helpless and stressful to you. I have so many things I am afraid of, sometimes I even get panic attacks I might bother you with my issues."
I said.
"I don't care and you will never be a bother to me. I understand if you become toxic or negative, I won't be mad at you. I will help you get through this, diba sinabi ko na sayo? kasama mo ako sa laban mo."
Seryosong sabi niyang nagpatigil saakin at napangiti.
"I didn't know what did I do to have you Ezekiel."
Sambit ko saka ibinaon ang ulo sa dibdib niya, Even though I know how I feel about him, even though I know that he can make me happy, I can't help but feel like I don't deserve him.
"What if I did something in the past that will make you really angry at me?"
I asked, I wanted to tell him about Isaiah.
"Then I will try my best to understand you."
Seryosong turan ni Ezekiel, nakagat ko ang labing sinalubong ang mga nakaktunaw na mga titig niya.
"Ezekiel I---"
"Nanay? tatay? bakit po kayo nakaupo diyan?"
Nakapamewang na tanong ng biglang sumulpot na si Madeline. Si Ezekiel naman ay ngumiti at maingat na inalalayan ako patayo.
"Careful."
He whispered gently, naginit ang pisngi ko roon.
"Okay lang po ba si nanay?"
Nag aalalang tanong ni Madeline na nagpangiti saakin at pinakita sakaniya ang pregnancy test.
"Hala may lagnat kayo nanay? bakit walang number tong thermometer niyo? sira ata nanay."
Napakamot ulong kunot ang noo niyang nagtatakang tumingin saakin.
"Hindi iyan thermometer."
Saad ni Ezekiel.
"Eh ano ito tatay?"
Tanong ni Madeline habang iniexamine iyon.
"That's pregnancy test, one red line is negative and two means positive."
Malumanay na sabi ko, napatitig siya muli sa pregnancy test.
"Positive nay!"
Masayang sabi niya na nagpangiti saakin.
"Alam mo ibig sabihin niyan Madel?"
Tanong ni Ezekiel, inosente namang umiling si Madeline.
"Hindi po, pero positive akong gutom na ako."
Sabi niyang mahinang nagpatawa saakin at hinaplos ang buhok niya.
"Ang ibig sabihin niyan ay may magkakababy na ako, magkakaroon ka na ng kapatid Madeline."
Balita ko, nanlaki ang mata niya roong napatili at nagtatataalon sa tuwa.
"Yes! Yes! nanay parequest, pwede po bang lalaki? para may kasama akong manirador!"
Hagikhik niyang nagpangiti saamin.
"Hindi sigurado kung anong gender, pero ang importante ay malusog siya. Kaya huwag kang masyadong makulit para lumabas ng healthy si baby."
Paalala ni Ezekiel saka pinisil ang ilong ni Madeline na napanguso.
"Okay po."
Sagot niya saka sumilay ang malapad na ngiti sa labi at niyakap ako.
HABANG KUMAKAIN ay panay ang asikaso saakin ng mag-ama, nakakatuwa ang kulitan nila habang panay ang pag asikaso saakin.
"Buntis ako pero gumagana pa ang kamay ko."
Reklamo ko, napanguso ang dalawang nagpangiti saakin saka kinuha ang kutsara ko kay Ezekiel para makakain na ng maayos. I have to take care of myself more now, I'm still afraid but I will make sure this time, I won't loose this child again.
Mababaliw ako.
I sighed and looked at Ezekiel and Madeline arguing now, napangiti ako habang pinanonood sila. Right, I have them now, I won't loose this child again, I won't let that happen again.
I will tell Ezekiel about Isaiah, no matter what will be the consequences, I will accept it. I will tell him about our child after I give my statement regarding nanay Delilah's case.
Isa iyon sa mga dahilan kung bakit ako bumalik ng La Muerte. I want justice for Nanay's death and I am the only one who saw the man's face and remembers it since the witness who proved my innocence didn't see it.
"You should rest, We'll go to an ob-gyne soon, I'll call Rhia later and ask her to recommend me the best."
Sambit niya nang matapos kaming kumain.
"Sige, salamat, doon lang ako sa living room, manonood kami ng movie ni Madeline, sabihan mo ako kapag pupunta na tayo."
Ngiti kong nagpatango sakaniya saka kami magkasamang nagtungo sa living room.
"Nanay ito na yung movie, na play ko na po."
Hagikhik niyang nagpatango saakin at naupo sa couch katabi niya.
"Ma'am may nagdeliver ho dito, naka pangalan po sainyo."
Sabi ng isa sa mga katulong sa bahay, ngumiti ako sakaniya at tumango.
"Sige ho, salamat."
Ngiti ko saka tinanggap ang plastic envelope kung saan naroroon ang isang lumang sketch pad.
"What is that?"
Ezekiel asked.
"I asked Maris to find it for me after I left it in my house in pampanga before, and now she sent it to me when she finally found it."
Sagot ko saka iniabot sakaniya ang binuklat kong sketch pad.
"This man..."
He mumbled, tumango ako sakaniya.
"I never forgot his face, the man who killed you mother. When I escaped, 8 years ago, I sketched the man's face on that old sketch pad just to be sure I wouldn't forget. I also encountered him on a grocery store nearby hours before the crime so you should check their cctv records if they still have it just to be sure, you might obtain a clearer picture of his face."
I uttered, natahimik siyang nandilim ang muka't naikuyom ang kaniyang mga kamao.
"For years we couldn't find him since all the evidences were pointed at you, and when we find out that it is not you who did it, we only have one witness who diddn't see his face so it's really hard to track him down specially that it's been years since the crime and all the evidences against him except that woman is gone."
Marahas siyang napabuntong hininga at niyakap ako.
"Thank you, this will be a great help Laide."
Sambit niya habang yakap yakap ako, napabuntong hininga ako roon.
"I want to help with the case Ezekiel."
Seryosong sabi kong nagpatigil sakaniya.
"But your condition---"
"I will just be a witness and tell everything that I know, my statement might help. Besides, you're here, alam kong hindi mo ako pababayaan."
Ngiti ko, napabuntong hininga siyang pinisil ang kamay ko.
"Thank you, this really means a lot to me. And I really won't let anyone harm you, our child and Madeline."
Turan niyang nagpatango saakin.
"I know Ezekiel."
Ngiti ko saka hinaplos ang muka niya.
"Bakit kayo nagyayakapan ng wala ako?"
Kunot noong, nakapamewang na sabi ni Madeline na sa wakas ay naalis na ang atensiyon sa tv.
"Edi pumunta ka dito."
Natatawang sabi ni Ezekiel, napahagikhik akong ibinuka ang mga braso at mahigpit na niyakap si Madeline.
"Nanay mo lang ang yayakapin mo?"
Pabirong reklamo ni Ezekiel, napabungisngis doon si Madeline na kumalas saakin at niyakap din si Ezekiel.
"Nanay, kapag ba may baby na kayo, hindi niyo na kami iiwan?"
Tanong ni Madeline habang seryosong nakatingin saakin.
"Well may work padin ako kaya kailangan kong umalis minsan, pero hindi ibig sabihin non ay hindi na ako babalik, edi sobra kitang mamimiss."
Hagikhik kong malapad na nagangiti sakaniya, natutuwa kong pinisil ang kaniyang pisngi.
"You can't go to work while pregnant, I'll hire someone who will do your job while you're pregnant. Then I will help you with the important files needed to be approved by you"
He said, napanguso ako doon.
"I'll just finish some unfinished tasks I have when I get back."
I said, sasagot pa sana ito ngunit tinaasan ko siya ng isang kilay na nagpakamot ulo lamang sakaniya.
MADELINE IS IN my room again, singing while in my bed as I get ready. Napangiti ako habang nakasulyap sakaniya at isinuot ang isang simpleng bistida.
Pupunta kami ni Ezekiel sa bayan upang mamili ng mga kailangan, he seems excited and insisted to buy things for my pregnancy after he asked his twins what are the things I will need.
"Ang ganda naman ng boses mo Madeline."
Hagikhik ko.
"Salamat nanay."
Malapad ang ngiting sabi niya.
"Siguro magaling ding kumanta ang mga magulang mo."
Dagdag ko, napanguso siya doon at napatingala.
"Hmm...ewan ko po kay nanay ko doon, ang alam ko mala sound system boses niya, si tatay naman po namatay siya ng maaga kaya hindi ko na po maalala."
Kibit balikat na sabi niya, napatango ako roon. Looking at Madeline, she kinda looks like Rhia's daughter, Eleanor.
"Hindi ko din po alam kung magaling kumanta yung tunay kong nanay."
Nguso niyang nagpatigil saakin.
"Bakit, hindi mo ba totoong nanay yung nanay mo doon sa tinitirahan mo dati?"
Takang tanong ko na nagpatango sakaniya.
"Napulot lang po ako ni tatay noon, ibinigay po ako ng tunay na nanay ko sakaniya bago siya mamatay noong nagkaroon ng malakas na lindol. Sayang nga po at hindi ko siya nakilala, baby pa daw po ako noon eh."
Nguso niya, napabuntong hininga ako doon at hinaplos ang buhok niya. I kinda saw myself years ago on what she told me.
"Kung nasaan man ang nanay at ang tatay mo ngayon, sigurado akong napakasaya niyang lumaki kang mabait, healthy at masayahin."
Ngiti ko.
"Saka maganda nay, huwag niyo pong kalimutan."
Dagdag niya, mahina akong natawa roon at napatango.
"At sobrang ganda."
Natatawang na sabi ko saka pinisil ang pisngi niya. Saka lumabas na ng kwarto ko kasama siya, saktong nakita namin si Ezekiel na naghihintay sa labas.
"Tatay anong oras po kayo babalik?"
Masiglang tanong ni Madeline, ngumiti sakaniya si Ezekiel.
"Pagkatapos ng lakad namin, Kulitin mo lang tito Alpha mo ha, yung maistress siya."
Ngising paalala nitong nagpasimangot naakin.
"Ezekiel."
Saway ko, mahina lang itong natawa.
"Okay po!"
Malapad ang ngiting sabi ni Madeline, sa Hacienda daw kasi muna ito habang wala kami. Mayroon namang magbabantay sakaniya rito sa bahay, pero mas maigi roon dahil may mga makakalaro siya at naroroon sila Alpha at Thaliah.
"Kailangan talaga alalayan ako? hindi pa naman malaki itong tiyan ko."
Natatawang sabi ko kay Ezekiel habang pababa kami ng hagdan.
"Kahit na, malay ko ba kung bigla kang matapilok, maigi ng nag iingat."
Kibit balikat na sabi niyang nagpangiti lamang saakin. Nagtungo kami sa labas at sumakay sa sasakyan para ihatid si Madeline sa Hacienda.
"Huwag masyadong makulit dito ha, huwag mong sundin yung sinabi ng tatay mo kanina."
Paalala ko, napanguso doon si Ezekiel, inirapan ko lamang siya.
"Sige po, si tito Alpha lang po ang guguluhin ko."
She giggled, inilingan ko lamang siya.
"No, Baka busy ang tito Alpha mo, marami ka namang makakalaro dito."
Paalala ko sabay pisil ng pisngi niya.
"Aww..sige po."
Nguso niya, napangiti ako doon saka iniabot sakaniya ang backpack niya.
Nang makarating kami ng Hacienda ay dumiretso kami sa Ancestral house ng mga Juarez at pumasok roon. I greeted back, some of the helpers I know, since dito ako nagtatrabaho, 9 years ago at nandito parin ang ilan.
"Willow!"
I heard Thaliah's voice, agad siyang lumapit kay Madeline at masayang niyakap ito.
"I miss you!"
She giggled making me smile.
"Miss you na din po tita Thaliah!"
Masiglang bati ni Madeline.
"Kasama ko po ang nanay at tatay ko ngayon tita."
Pagkukwento ni Madeline.
"Really? You have nanay na?"
Thaliah asked, Madeline nodded her head and pointed me.Nang sumulyap saamin si Thaliah ay nanlaki ang kaniyang mga mata nang makita ako at napatayo pa.
"Erina! Oh my god this is so nakakagulat, why are you nandito and bakit you're kasama of Josiah and Willow? You should've tawag me and informed me that nandito na you in La muerte! And what? you're Willow's nanay? I'm not even informed that may something between you and Josiah!"
Tuloy tuloy na sabi niyang mahinang nagpatawa saakin.
"I can't answer all your questions, kapag sabay sabay."
Ngiti ko, napanguso siya doon.
"M.U. na sila ni tatay, Tita."
Singit ni Madeline, mukang hindi pa maproseso ni Thaliah ang impormasyong iyon sakaniyang utak.
"I didn't inaasahan this! Omg Erina, Josiah! since kailan?"
Tanong niya, humawak si Ezekiel sa kamay ko at hinalikan ang likod non, dahilan upang magtititili si Thaliah.
"Omg! It's so nakakakilig! hindi me nga knows that you two are magkakilala!"
She giggled, maya maya ay dumating si Alpha at ipinulupot ang kamay sa bewang ng maingay na si Thaliah.
"She's his ex I mentioned to you before, now they probably had a second chance."
He shrugged, nanlaki ang mata roon ni Thaliah na mukang kating kati ng i-interogate kami.
"You owe me a kwento Erina, tell me everything!"
She said excitedly, nailing nalamang ako.
"I will after we buy some things for my pregnancy."
I smiled, natigilan siya roon, si Alpha ay napangisi at nakipag high-five kay Ezekiel. Maya maya ay napatili si Thaliah, natawa kami doong tinakpan ang mga tenga.
"Tita Thaliah kanina ka po tumitili, may sunog ba?"
Reklamo ni Madeline, na nagpanguso kay Thaliah.
"Chill."
Alpha chuckled, nag init ang pisngi ni Thaliah roon.
"You look happier now."
I told Alpha making him smile.
"Yeah...I am."
He said while staring at Thaliah like he is staring at his whole world. Looking back when I first came here, he looks cold and empty. Now, he still rarely smiles, but his eyes looks so happy while he is with Thaliah Magdalene.
"Josiah too, he looks complete."
He shrugged while looking at his friend beside me, napasulyap ako kay Ezekiel dahilan upang magtagpo ang mga mata namin.
"I sure, am."
He chuckled while staring at me, nag init ang pisngi ko roong napanguso. Kinindatan ako ni Ezekiel saka iniabot kay Alpha ang plastic envelope kung saan naroroon ang sketch ng muka ng killer.
"Give that to Wade fucking Andrada later, since him and his family often visits the two of you here. Also tell him to check the CCTV footages 8 years ago, the date of nanay's death, from the Grocery store inside MF mall. Tell him to check if the footage is still there, where Laide encountered that man."
Paliwanag niyang nagpatango kay Alphaa at tinanggap iyon.
WE WENT TO THE MALL together, walang branch ang ALD sa La Muerte sangayon pero maaaring iconsider ko na ngayong magtayo rin ng branch dito.
"Did you, uhh.. tell Rhia about me being pregnant when you asked her earlier?"
Tanong ko habang magkahawak kamay kami ni Ezekiel.
"Not yet, I told her that a friend of mine asked."
He said then removed something from my face.
"I want you to officially meet my family first then tell them personally.
Ngiti niya, nanlaki ang mata ko roon.
"R-really? When?"
Kabadong tanong ko, mahina siyang natawa at pinisil ang ilong ko.
"When My Dad and Rhia's family have some free time, I will inform them."
Sambit niyang nagpatango saakin.
"I already set an appointment to one of the best Ob-gyne's in the country, Rhia recommended her to me. Hindi ko alam kung safe ba sayong bumiyahe kaya ipasusundo ko nalang siya."
Kibit balikat na sabi niya, nanlaki ang mata ko roon.
"Or we can just visit an Ob-gyne clinic here."
I frowned.
"But I want the best for you and the baby, just let me Laide."
He chuckled and pulled me closer when someone who's not paying attention was about to bump me while we were walking.
Nailing nalamang ako habang nakatingin sakaniya.
When I got pregnant, years ago, hindi ako kailan man bumisita sa OB at umasa lamang sa payo ng family doctor, I told myself unless I feel something weird, I won't visit. Natatakot ako na baka magkaroon ako ng record sa ospital at matrack ako ng mga pulis sa mga panahong iyon.
I had a healthy pregnancy, kung hindi lang dahil sa aksidenteng iyon---
Mariin akong napapikit at umiling.
"I will also tell Liz in person, bawal siyang bumiyahe kaya kapag kinonfirm ng OB na pwede ako ay siya ang una kong pupuntahan."
Sabi kong nagpatango sakaniya.
"Okay, let's do that."
He said, I don't want to sdtress Liz out but she's my family, she has to know my condition.
"Should we buy some clothes for the baby too?"
Excited na tanong niya habang hawak ang kamay ko, napangiti ako roon at sumandal sakaniyang braso habang naglalakad kami.
"It's too early for that, let's buy some when we found out the gender, for now let's just buy what I need."
Sagot ko, napanguso siyang tumango.
"I will renovate your room into a nursery, para malapit sa kwarto natin."
Sabi niya, natigilan ako roon.
"Kwarto natin?"
Tanong ko, napatango siya roon.
"Since there is only three rooms in the second floor, let's just share a room and make the other one a nursery, then we also shpuld make the two rooms connected?"
Focus na focus sa pag iisip na sabi niya, looking at him now makes me smile.
"Hmm.. yeah, we could do that."
I chuckled making me smile.
"We should go to the second floor of this mall after we buy some groceries to look for toys, craddle, baby bottles, strollers---"
"We could buy that when we know the baby's gender."
Pagputol ko sa sasabihin niya saka mahinang natawa.
"Sorry, I just got a bit excited."
He pouted, napangiti akong tumango saka hinila na siya patungo sa isang section ng grocery para mamili.
In the end, we also bought a stroller and craddle, also some clothes and socks that can be used by a girl or a boy. It seems like Ezekiel is really looking forward to it.
Napahikab lamang ako habang nakahiga sa kama ko, kanina pa ako inaantok mula nang nasa sasakyan kami kaya nagpaalam akong magpapahinga lang muna sa kwarto.
Wade came so Ezekiel had to talk to him, I think it's about Nanay's case.
"I hope, using these leads, Wade could finally track him down. I couldn't find him before but I think Wade could because of his skills and connections."
Napabuntong hininga saka ngumiti akong hinaplos ang tiyan ko.
"I'm sorry for thinking of not wanting you at first, baby."
I mumbled and closed my eyes.
"I easily get scared, but I promise that we will love you and we will take care of you. Alam mo ba, nasa loob palang kita ay marami ng nagmamahal sayo. Gusto kong lumabas ka at makita mo ang mundo, gusto ko na sa pangalawang pagkakataon na ibinigay saakin ay maiparamdam ko sayo kung gaano kita kamahal. Pangako, hindi ko hahayaang mawala ka rin saakin."
I said as a sad smiled formed on my lips, niyakap ko ang unan. I was humming a song to my baby, hoping my child would hear, before I finally fell into a deep slumber.
Nagising nalamang ako nang maramdaman ang paghaplos sa buhok ko at ang brasong nakayakap saakin.
"Ezekiel.."
I called his name the moment I saw his face, nakaunan na ako ngayon sa braso niya't nakayakap sakaniya. Nag-init ang pisngi kong naupo at tumingin sa labas ng bintana.
"Did I sleep too long?"
Tanong ko, madilim na kasi sa labas at ala-singko palang ata nang makatulog ako kanina.
"It's already 7 pm."
He chuckled then kissed my forehead.
"Tatawagin sana kita para maghapunan."
Ngiti niya.
"Oh? bakit hindi mo ako ginising?"
Tanong ko.
"Ang sarap ng tulog mo kaya ayaw kitang istorbuhin."
Sabi niya saka umayos na din ng upo. Napatitig ako sakaniya, kaming dalawa lamang ang nasa kwarto ngayon, and I badly want to burry my face into his neck right now, I want t inhale his scent. Nakagat ko ang labing nag iwas ng tingin, this is just my pregnancy hormones talking.
Baka biglang pumasok si Madeline.
Natigilan nalamang ako nang maramdaman ang pagdampi ng labi niya saakin.
"Let's go?"
He said smiling while I was left dumbfounded, dahan dahan akong napatango skaa sumama sakaniya palabas.
"Akala ko ba maghhaapunan tayo? bakit tayo paakyat sa taas?"
Tanong ko.
"Kaya nga."
Ngisi niya sabay kindat saakin saka nakapulupot ang kamay sa bewang ko habang paakyat kami ng hagdan. Binuksan niya ang glass ceiling sa parteng iyon at inalalayan ako pataas. My mouth formed an 'o' seeing the rooftop of the house, the lights are dim and their are blankets lying on the ground, naroroon din ang mga pagkain.
"Wow."
I said surprised.
"Nanay! Tatay!"
Masayang tawag ni Madeline sa atensiyon namin, ngiti akong kumaway sakaniya.
"What is this about?"
I asked Ezekiel while he's holding my hand, he kissed my temple and smiled. Lubog na lubog ang dimple niya at titig na titig saakin.
"A celebration."
Sambit niya saka natutuwang hinaplos ang tiyan ko.
"Celebration para kay baby."
He uttered happily then kissed my belly, enough to make my heart flutter rapidly.
"G-Ganoon ba? ha-ha..uhmm ano, salamat."
Kabadong sabi saka ngumiti sakaniya.
"Ang tagal iyo nay! tay! gutom na ako po!"
Reklamo ni Madeline na lumapit na saka kinuha ang kamay ni Ezekiel at iginiya kami pareho sa nakalatag na mga kumot.
"Ang dami naman nito."
Natutuwang sabi ko.
"Niluto po namin yan ni tatay habang tulog kayo nanay."
Madeline giggled, my mouth formed an 'o'
"Grabe, kaya pala mukang masasarap."
I giggled then kissed her on her cheeks.
"Dapat pati si tatay."
Ngisi ni Madeline, nakagat ko ang labing nasulyap kay Ezekiel. Taas baba ang kilay niyang pumikit at ngumuso, nailing lang akong hinalikan siya sa pisngi.
"Salamat Ezekiel."
Isang matamis na ngiti ang sumilay saaking labi, natulala siyang nakatingin lamang saakin.
"Tatay yung laway mo poi tumulo na."
Sabi ni Madeline, nanlaki ang mata roon na agad nagpunas ng bibig.
"Wala naman ah!"
Reklamo niya, tawang tawa doon si Madeline.
"Ah ganiyanan pala ha."
Sabi ni Ezekiel sabay kiliti kay Madeline, isang malutong na tawa ang narinig ko kay Madeline habang kinikiliti siya ni Ezekiel, nailing nalang akong nilagyan ng spaghetti ang plato ni Madeline.
"Tama na yan, kumain na tayo."
Ngiti ko, agad namang tumigil ang dalawa na nagpangiti saakin.
"Pray muna tayo."
Sabi kong nagpatango sakanila saka nagdasal bago kami kumain.
"Nanay may pangalan na po ba si baby?"
Tanong ni Madeline.
"Hmm.. for now, tinatawag ko siyang peanut, pero pag labas niya, wala pa."
Sagot ko, her mouth formed an 'o'
"Bakit po peanut?"
She asked.
"Kasi mahilig ako sa peanut butter ngayong ipinagbubuntis ko siya."
Sabi kong nagpatango sakaniya.
"Ang cute po ng pangalan."
Hagikhik niya, ginulo ko ang buhok niya't napangiti.
"Hello peanut, mahal ka ni tatay."
Malambing na sabi ni Ezekiel saka niyakap ang tiyan ko at sumulyap saakin, naitikom ko ang bibig habang nag iinit bang pisnging pinanonood siya.
"Hello Peanut, si ate mo ito, lumabas ka na agad para may kalaro ako saka magshades ka ha, nakakasilaw kasi ang kagandahan ko, concern lang naman ako."
Sabi naman ni Madeline na mahinang nagpatawa saakin.
"Sana paglabas mo healthy ka, masayahin, sana maging masigla ka."
Turan ko.
"Feeling ko nga masigla siya eh, saka mabilis sigurong tumakbo, kasi ginawa natin siya sa sasak---"
Agad kong hinampas si Ezekiel na nagpadaing sakaniya, umirap lang ako saka inasikaso si Madeline.
"Tatay bakit po Madeline Willow ang pinangalan niyo saakin?"
Tanong ni Willow, right, Ezekiel told me that her nanay didn't name her.
"Si Tita Rhia mo yung nagsuggest ng Willow noong nag iisip kami, narinig daw niya sa kanta. Tapos Adeline sana kaso nung pinaasikaso ko kay tito mo Wade yung birth certificate kasi may biglaang inasikaso ako noon diba. Tatanga tanga akala niya daw Madeline Willow."
Iling iling na sabi nito saka sumulyap saakin.
"Sayang naman po! Edi sana malapit pangalan ko kay nanay, siya Adelaide tapos sakin Adeline, oh diba po magkalapit lang."
Nguso nito, nanlaki ang mata ko roon at sumulyap kay Ezekiel na kumindat saakin. Nag-init ang pisngi kong ngumuso lamang.
"Oo nga ehh.."
Sabi ni Ezekiel saka sumulyap saakin habang kumakain kami.
"Si Peanut po paglabas niya, ano pong ipapangalan niyo?"
Tanong niya.
"Hmm may naiisip ako sa lalaki, pero sa babae wala pa."
Ngiti ko.
"Ako nanay may naisip ako!"
Bida nito.
"Caroline?"
Ezekiel said then grinned, malapad na napangiti si Madeline at tumango.
"Why do you know?"
I asked Ezekiel.
"Pangalan po yun ng pinakauna kong tirador nanay, sabi ko kay tatay kapag amgkakaroon siya ng anak ulit, iyon ang ipangalan. Namimiss ko na kasi iyon nanay, ninakaw nung mga batang kalye noon, regalo pa naman iyon saakin ng tito ko doon. Regalo niya saakin noong nangaroling ako sakaniya nung pasko, edi Caroline pinangalan ko hehe galing ko po diba?"
Hagikhik niyang nagpatawa saamin.
"Okay, kapag babae, Caroline."
Sabi ko.
"Yehey!"
Masayang masayang sabi nito at napapalakpak pa.
"Kayo nanay? ano pong naiisip niyo sa lalaki?"
Tanong niya saakin, nakatingin din sa gawi ko si Ezekiel at naghihintay ng sagot.
"Theodore, meaning Gift of God."
Sabi ko.
"Wow, angas naman."
She commented, sumulyap ako kay Ezekiel.
"I like it."
He said while smiling at me.
"May naiiisip ka pa ba?"
Tanong ko.
"Kanina pa ako naghahanap ng magandang pangalan."
Proud pang sabi nito.
"Kapag babae Felicity, ibig sabihin joyfulness, sa lalaki naman Ephraim."
Umasim ang muka niya.
"Ninong ko iyon, taga Ibanez. Tinawagan ko siya kanina nagtatanong ako ng pangalan, kapag daw hindi ko ipinangalan sakaniya ilalabas daw yung nakakahiyang litrato ko."
He hissed, malakas kaming natawa doon.
"Okay if it's a girl, let's name her Caroline Felicity, if it's a boy, Theodore Ephraim."
I giggled, mukang nagustuhan nila iyon at tumango.
"Nanay oh ang daming stars."
Turo ni Madeline sa itaas, agad akong napatingin roon at namangha dahil punong puno ang kalangitan ng mga nagkikislapang mga bituin.
"Oo nga, ang gaganda."
Masayang sabi ko saka tumingin sakanila, natigilan ako nang makitang may hawak na gitara si Ezekiel, nakatayo silang dalawa ngayon at nakangiti saakin.
"Anong meron?"
Tanong ko.
"Haharanahin ka namin nanay."
Masayang sabi ni Madeline saka kumindat saakin, tumingin ako kay Ezekiel na nakatitig saakin habang hawak ang gitara. Nakagat ko ang labi at sinalubong ang nakakatunaw niyang mga titig saakin.
I still love him, I thought I forgot my feelings, but having him beside me like this makes me realize, I never actually did, I just made myself believe that I don't love him anymore. I still love him, I love him, Madeline and our child inside me.
A/n: Medyo hinabaan ko itong chapter para pambawi. Medyo wala kasi ako sa mood magsulat nitong nakaraan kaya nagpahinga muna ako. Anyways 4 chapters nalang T___T Parang hindi ko ata kayang i let go ang Hiraeth. But I'm thankful po sa lahat ng mga sumusuporta saakin at nagbabasa ❤❤❤
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top