Kabanata 44
Adelaide
NAPANGITI AKO habang inaayusan si Madeline sa kwarto niya, her room is spacious and clean. May mga koleksiyon siya ng tirador na nasa shelf at mayroon din siyang darts target na nakasabit sa ding ding. Bukod doon ay may bow and arrow siya, bowling ball at mga laruang baril. Mayroon din siyang mga raketa ng badminton sa ding ding, golf clubs, at mga koleksiyon ng iba't ibang bola.
Hindi tulad ng ibang batang babae na manika ang pinaglalaruan.
Mayroon din siyang mga picture frames ng mga napanalunang kompetisyon, kasama niya si Ezekiel sa mga litratong iyon.
"Mahilig ka sa sports?"
Tanong ko, malapad siyang ngumiti saakin.
"Opo, magaling akong manirador sabi ni teacher kaso naprincipal ako kasi tinirador ko yung nang aasar saakin sa eskwelahan, buti nalang nagawan ng paraan ni tatay. Tapos sinali ako sa archery competition kasi napansin ni teacher na magaling daw akong manirador kaya pinasubok saakin, nanalo po ako ngayong taon sa national competition."
Hagikhik niya, nanlaki ang mata ko roon.
"W-Wow, that's a really amazing thing to achieve."
I said then giggled making her pout, her face turned red then looked at me shyly, napangiti ako doon at pinisil siya sa pisngi.
"S-Salamat po."
Nguso niyang nagpangiti saakin.
"Ayan tapos na, ang ganda mo lalo oh."
Masayang turan ko nang matapos siyang ayusan, nanlaki ang mata niyang napangiti saka nagpose pose pa sa harap ng salamin.
Her hair is in a twin braid style, she wore a Pink, hello kitty shirt paired with a denim jumpershorts and pink sneakers.
"Hala ang ganda ko nay!"
Tuwang tuwang sabi niya saka niyakap ako, my heart melted and hugged her back.
"Salamat po sa pag aayos saakin, si Tiya Rosing kasi ang taas taas mag ipit muka akong chinese lagi."
Reklamo niya, natawa ako doon.
"Bagay naman sayo kahit ano Madeline, maganda ka sa kahit anong ayos."
Ngiti ko.
"Alam niyo po dati pangarap kong mahalin ni nanay. Tapos noong inampon ako ni tatay, oo nandiyan si Tita Rhia, Tiya Gwen, Tiya Rosing Tita Thaliah, at Tita Lilia pero hindi naman sila laging nandito, gusto ko ng sarili kong nanay, pwede pong kayo nalang? wala naman kayong jowa diba?"
Tanong niya, she's smiling, but her eyes says otherwise. Kung buhay kaya si Isaiah, siguro ay kasama namin siya ngayon, siguro ay magkasundong magkasundo sila ni Madeline.
"Hindi ko naman kailangang maging boyfriend ang tatay mo para maging nanay mo, pwede mo akong maging nanay Madeline. We just met, but the idea of having you as my daughter makes me feel so happy."
I said then patted her head, ibinaon niya ang ulo niya saakin at suminghot.
"Salamat nanay."
Garalgal ang boses na sabi niya habang yakap yakap ako. Pinantayan ko siya at niyakap pabalik .
Ilang sandali kaming nanatili sa ganoong posisyon bago siya kumalas.
"Sabi niyo yan ha, nanay ko na kayo."
Turan niya, ngumiti ako at tumango saka pinahid ang luha niya.
"Oo kaya huwag ka ng umiyak para mas maganda ka."
Hagikhik kong nagpanguso sakaniya.
"Pero wala talaga kayong balak maging boyfriend si tatay? sure na? final answer?"
Tanong niyang nagpailing saakin.
"Masyado kasing komplikado Madeline, may mga bagay talaga tayong kinatatakutan na sobrang hirap labanan. May mga nangyari na sobrang hirap kalimutan kaya nahihirapan akong mag take ng risk, bata ka pa para maintindihan, sangayon hindi pa ako handang magkaroon ng boyfriend."
Ngiti ko, napanguso siya doon saka humalik sa pisngi ko.
"Okay po, pero kapag gusto niyo na, available si tatay, reserved daw po siya para sainyo. Sasabihan ko siyang gumawa ng resume tapos sabihin niyo po saakin kapag hiring na kayo."
Hagikhik niya sabay thumbs up, natawa akong pinanggigilan siya.
"Ang dami mo namang nalalaman, sinong nagturo sayo niyan?"
Natatawang banggit ko saka kiniliti siya, tawang tawa naman siya.
"Napanood ko po."
Natatawa pading turan nito, ngumiti akong hinalikan siya sa pisngi.
"Ano pang ibang pinagkakaabalahan mo? Ang dami mong collection"
Tanong ko habang inililibot ang tingin sa kwarto niya.
"Depende mo sa gusto ko, pero paborito ko padin po manirador."
Tawa niya saka kumuha ng isa sa mga tirador niya.
"Basta huwag ibang tao ang tinitirador mo."
Turan kong agad na nagpailing sakaniya.
"Hindi po ah, kadalasan po mga lata saka targetss. Pero minsan si Apolinario at Tiya Rosing po ang gandang tiradurin, laging nasasapol."
Sabi niyang nagpamulagat sa mga mata ko.
"Madeline!"
Saway ko.
"Joke lang po!"
Tawa niya, napanguso ako roon.
"Ikaw talaga."
Sambit ko saka pinisil ang ilong niya. She's has the same personality as Ezekiel maybe because she spent most of her time with him since Ezekiel adopted her.
Natigil nalamang kami nang makarinig nang mga katok sa pintuan.
"Gwapo po."
Si Ezekiel iyon kumakatok.
"Pwedeng pumasok?"
Tanong niya, he's also asking for permission to enter even in his seven years old, daughter's room.
"Pasok po tatay!"
Natutuwang sabi ni Madeline habang hawak ang kamay ko. Nang makapasok siya ay umakto pa itong nasorpresa nang makita si Madeline.
"Ang ganda naman ng prinsesa ko!"
Malambing na sabi niya saka binuhat ang anak, napahagikhik doon si Madeline.
"Syempre naman tay! Noong umulan ng kagandahan wala ako sa labas, wala din ako sa loob ng bahay, nasa langit ako nagdodonate!"
Bibong sabi niya, malakas akong natawa doon.
"Bakit ang cute mo Madel!"
Tuwang tuwang sabi ko saka hinalikan siya sa pisngi, malapad siyang napangiti saakin.
"Ako lang to."
Hagikhik niya saka sumulyap kay Ezekiel.
"Tatay! ako kiniss ng ilang beses, ikaw hindi, bawal pa daw pong mag boyfriend si nanay, sorry ka."
Ngisi ni Madeline, napasulyap ako kay Ezekiel na nakasimangot na habang nakatitig saakin, nailing nalang ako.
"Magpipicnic tayo sa burol nay, maganda doon, sabi ni tatay lagi raw kayong nandoon noon, tapos sabi ni Tito Wade doon daw po kayo nagbabahay bahayan."
Pagkukwento ni Madeline, nanlaki ang mga mata namin roon at nagkapalitan ng tingin, nag init ang pisngi kong nag iwas ng tingin.
"Ah a-ano... Oo, bahay bahayan saka luto lutuan."
Ezekiel said then laughed awkwardly, pinanlakihan ko siya ng mga mata.
"Talaga po? Anong niluluto niyo tatay?"
Tanong ni Madeline.
"Ano whip cream saka hotdog."
Sagot niya, pasimple ko siyang kinurot na nagpangiwi sakaniya.
"Wow, masarap po tay?"
Tanong muli nito, napatampal ako saaking noo, nag iinit ang mga pisngi.
"Hehe Oo---"
"Tara na!"
Nahihiya at tarantang sabi ko, bago pa may kung anong sabihin itong si Ezekiel, narinig ko ang mahinang tawa nito na nagpairita lang saakin.
I just sighed as we walked out of her room. Magkakatabi ang kwarto naming tatlo dito sa second floor.
Paglabas namin ng gate ay natigilan ako nang makita kung sino ang naroroon.
"Totoo nga? bumalik na iyang babaeng yan? pinatuloy mo pa talaga dito?!"
Mariing sambit ni ate Rosing, ibinaba ni Ezekiel si Madeline. Ezekiel told me this morning, ate Rosing is still staying in their old house, hindi raw niya iyon maiwan mula nang mamatay si nanay.
Pinaayos lang ng kaunti pero ganoon padin ang itsura, kahit daw inayang dito tumira ay ayaw niyang iwan ang bahay at bumibisita nalamang.
"Mauna ka na sa kotse Madeline, o mamulot ka ng bala ng tirador mo doon."
Malumanay na sabi niya, malapad na napangiti ang anak niya.
"Areglado tatay!"
Sabi nito sabay saludo at excited na umalis at namulot ng mga bato, di kalayuan ngunit hindi rin malapit saamin.
"Bakit kailangan mong habol habulin at pabalikin ang babbaeng iyan dito Eseng?!"
Iritang sabi nito.
"Bahay ko ito ate, patutuluyin ko kung sinong gusto ko. Alam mong walang kasalanan si Laide, alam mo ding anak ang turing sakaniya ni nanay. I don't see any reason para hindi siya pabalikin dito, La Muerte is her home too."
Depensa nito, mariin akong napapikit. Ate Rosing still blames me, totoo namang kasalanan ko, may pwede akong gawin pero hindi ko nagawa. I am given this ability, I helped people, I saved them, pero si nanay, hindi ko siya nagawang iligtas.
"Ayoko sa babaeng iyan! bakit ka ba nandito? diba nga hindi ka bumalik kahit noong napawalang sala ka? kasi ano? nalaman mong mayaman na itong si Eseng!"
Inis na turan niya, hindi parin ito nagbabago.
"Bumalik ako dito hindi po para kay Ezekiel, bumalik ako dito para bisitahin si nanay, iyon lang po."
Sabi ko.
"Patay na si nanay! hindi mo siya nanay! wala kang mabibisita! maganda naman ang buhay namin dito noong wala k----"
"Hindi magugustuhan ni nanay kung naririnig ka man niya ate alam mo yan. Laide is my guest, respetuhin mo siya kasi kahit kailan hindi ka naman niya binastos."
Mariing pagputol ni Ezekiel sa sasabihin ni ate.
"Bahala ka sa buhay mo!"
Inis na turan ni Ate Rosing saka matalim na tumingin saamin at galit na umalis.
"Sorry, nakagulo pa ata ako."
Sabi ko, lumalim ang gitla sa noo ni Ezekiel at umiling.
"No, si ate ang dapat na humihingi ng pasensya, kakausapin ko nalang siya kapag lumamig na ang ulo niya."
Sabi nito saka hinawakan ang kamay ko at pinisil iyon, napabuntong hininga nalamang ako.
"D-Don't worry, pagkatapos kong bumisita sa Hacienda at kay Nanay, aalis agad ako."
Sambit kong nagpamulagat sa mga mata niya at umiling.
"No, you can stay Laide, kahit gaano katagal, pwede ka ding bumalik dito, hayaan mo na si ate, ganoon talaga iyon. I will talk to her so she won't bother you."
Turan nito, nakagat ko ang labing napatango nalamang.
SAKAY NG kotse ay bumiyahe kami patungo sa Hacienda. Sa totoo lang ay kinakabahan ako, hindi ko alam kung papaano mag rereact ang mga tao roon, natatakot ako na baka gaya ni ate Rosing ay hindi nila ako matanggap muli.
I just want a piece of mind but I'm honestly too afraid right now, gusto ko ng makawala sa mga takot ko kaya naririto ako ngayon.
Naputol nalamang ang sasabihin ko nang maramdaman kong hinawakan ni Ezekiel ang kamay ko at pinisil iyon. Ezekiel smiled at me in assurance, I smiled back at him.
"They want to see you again."
He said, nakagat ko ang labing tumango.
"Sigurado ka bang sasama ka sa burol mamaya?"
Bakas ang pag aalala sa boses na sabi niya, natigilan ako sandali at dahan dahang tumango.
"Yes."
Tipid na sabi ko, napabuntong hininga si Ezekiel.
"I'm here for you okay?"
He uttered in assurance, ngumiti ako sakaniya.
"Salamat."
Turan ko.
"Eto para kay Apolinario, kay tiya Rosing, Apolinario, Tiya Rosing."
Narinig ko si Madeline sa backseat, abala sa pagbibilang ng mga bato saka inilalagay iyon sa isang maliit na knitted pouch. Napangiti ako habang pinanonood siya, hindi ko lang maintindihan kung bakit si Apolinario at Ate Rosing ang binabanggit niya sa pagbibilang.
"Apolinario, Tiya Rosing, si Tatay kapag hindi niya tinupad yung promise niya na lulutuan niya ako ng spaghetti mamaya. Apolinario, Tiya Rosing, Tat----"
"Oo lulutuan kita mamaya, grabe ka naman Boss Ma'am."
Ezekiel frowned, napahagikhik ako doon.
Nang makarating kami sa entrada ng Hacienda Juarez ay napahugot ako ng malalim na hininga, parang gusto kong umatras na ayaw.
"Nanay oh heart shape yung bato."
Tuwang tuwang sabi ni Madeline saka ipinakita saakin ang batong napulot, my mouth formed an 'o'
"Oo nga noh, huwag mong gawing bala para hindi mo mawala."
Ngiti ko, tumango siya saakin.
"Opo nay! Dati nanay mahilig ako magkolekta ng mga batong maganda yung hugis kaso tinatapon dati ng nanay ko doon kaya tinatago ko."
Nguso niya, nangunot ang noo ko roon.
"Dibale't ngayon hindi mo naman na kailangang itago, gusto ko tuloy makita."
Hagikhik ko, malapad siyang napangiti.
"Sige po pagka uwi natin ipapakita ko po sainyo!"
Masayang sabi niya, kahit papaano ay nakakalimutan ko ang kaba dahil kay Madeline.
"Hello po!"
Masayang bati ni Madeline habang nakasilip sa bukas na bintana sa kinaroroonan niya, kumakaway pa siya't todo ngiti sa mga nadadaanang mga trabahador.
"She's so energetic."
I commented.
"Oo nga parang kiti kiti kadalasan."
Mahinang tawa niya.
"But since she brought happiness into my empty life when she came, she's like a ray of sunshine, not just to me but to everyone she meets."
He uttered making me smile and nodded my head.
Nang madaanan ang ancestral house ay ilang sandali pa akong hindi makagalaw at napatitig sa bahay sa tabi nito.
"You want to go inside?"
Tanong niya, umiling lamang ako.
"Mamaya na kapag pauwi na tayo."
Sambit ko saka nag iwas ng tingin sa bahay na iyon, baka hindi ko kasi mapigilan ang emosyon kapag napunta ako roon ngayon, I still want to meet my friends here first and I don't want them to meet me in that state.
Nang itigil ni Ezekiel ang kotse sa manggahan ay agad kong nakita ang mga trabahador doon na nagmemeryenda ng dala nila ate Gwen at iba pang naroroon.
"Tara?"
Tanong ni Eseng, si Madeline ay lumapit saakin.
"Labas na tayo nanay."
Masayang sabi niya, napahugot ako ng malalim na paghina saka ngumiti at tumango. Pinagbuksan kami ng pintuan ni Ezekiel saka ako naglakas loob na lumabas ng sasakyan. Nakita ko kung paano matigilan ang mga tao roon at gulat na natulala saakin.
"Laide!"
Masayang bati saakin ni Ate Gwen, si Ate Dindy naman sa tabi niya ay agad ding lumapit at niyakap ako.
"Laide! akala ko hindi ka na babalik!"
Masayang sabi ni Ate Dindy, nakangiti saakin ang mga tao roong pinalibutan ako. They all look happy to see me again and it honestly made me feel relieved.
"Tara doon tayo mag usap, upo tayo."
Aya ni Ate Gwen saka kami naupo sa mahabang lamesang naroroon.
"Saan ka nagpunta Laide?"
Tanong saakin ng isa sa mga trabahador doon.
"Ahh sa Manila po sa lola ko."
Sabi ko, napatango sila roon.
"Sa Manila lang pala, diba't lagi ka doon noon Eseng? Ang hirap mong hagilapin!"
Sabi nila, napatikom lamang ako ng bibig at napatango.
"Pero mabuti nalang at hindi ka nahanap, wala ka namang kasalanan, buti at may lumitaw na witness kaya napatunayang wala kang ginawa, noon pa naman hindi rin ako makapaniwala, alam ko kasi kung gaano mo kamahal si Nanay Deliah."
Turan ni Ate Dindy, tahimik lamang akong hindi alam ang sasabihin saka sumulyap kay Madeline na kalaro ngayon ang mga anak ng mga nagtatarabaho dito.
"Oo nga, ang hirap paniwalaan noon, akala nga namin hindi ka na babalik."
Iling iling na sabi ng isa pa sakanila.
"Akala ko rin po, pero masaya po akong makita kayo ulit."
Tipid ang ngiting sabi ko.
"Mas lalo kang gumanda ngayon, ilang taon ka na ba? noong nandito ka ata noon ay wala ka pang bente eh."
Tanong nila.
"Ah ano po, 27 na po."
Ngiti ko.
"Grabe parang di ka tumanda ah, sana all!"
Natatawang sabi ni ate Dindy, mahina akong natawa doon.
"Gusto mo ng mangga?"
Si Ezekiel iyon, may dalang mangga na kinuha niya hindi kalayuan rito, ngumiti siya saakin saka tumabi. Parang nanubig ang bagang ko nang tignan iyon.
"Mamaya na sa bahay."
Ngiti ko, gusto kong subukang isawsaw sa peanut butter.
"Ay sa bahay na daw."
Ngisi nila saka makahulugang tumingin saamin, nanlaki ang mata ko roon.
"N-Nakikituloy lang ho habang nandito ako."
Sabi ko, lalong lumapad ang ngiti nila.
"Kita niyo si Madel oh tuwang tuwang nakikipag laro doon, mas maganda sana kapag may kapatid na siyang nakakalaro."
Turan ni ate Gwen na nagpatango sakanila saka tumingin saamin.
"Kung gusto niya."
Ngisi ni Ezekiel sabay sulyap saakin, lalo tuloy silang umingay, agad akong napailing.
"H-Hindi naman tayo, saka wala akong balak, bakit mo ako tinitignan."
Nag iinit ang pisnging sabi ko, natawa ang mga tao roon.
"Wala ka pala Eseng, wag mo ng balikan to Laide."
Pang aasar pa nila, nabato tuloy sila ng balat ng mangga ni Ezekiel na lalo lang nagpalakas sa tawanan.
"Mga gago, kapag iyan nagkatotoo itatali ko kayo sa puno tapos ipapakain ko kayo sa mga langgam."
Ezekiel hissed, tinawanan lang siya ng mga kaibigan, nailing nalang ako.
"Laide?"
Pagtawag saakin ng isang boses, lumingon ako at nanlaki ang mata nang makita si Apolinariong nagmamadaling pumunta saakin.
"Laide!"
Tila ba di pa makapaniwalang sabi nitong akmang yayakap saakin nang may tumamang maliit na bato sa ulo niya, nanlaki ang mata ko roon.
"Sapul! tatay!"
Tawa ng bulinggit sa di kalayuan.
"Eseng yung anak mo tinirador nanaman ako!"
Reklamo ni Apolinario, napatampal ako saaking noo, si Madeline naman ay tuwang tuwang nag thumbs up sa tila ba proud na proud pang si Ezekiel.
"Ezekiel!"
Saway ko, mahina lang siyang natawa saka nginisian ako.
"Ayos ka lang Apolinario?"
Tanong ko habang napahawak ito sakaniyang bukol, napakamot ulo nalang ako.
"Ah oo, gusto sana kitang kausapin Laide, akala ko hindi ka na babalik eh."
Turan niya saka napakamot ulo.
"May gusto sana akong sabihin, alam kong huli na kasi masyado ng matagal---"
"Magsosorry lang yan Laide, wag mo patawarin bugbugin mo muna."
Pagputol ni badong na nagpasimangot kay Apolinario.
"Sorry sa ginawa ko noon, akala ko kasi talaga ikaw ang may gawa non, hindi ko agad naisip na imposibleng magawa mo yon kay nanay."
Sambit niua habang nakanguso at pinagdidikit ang dalawang hintuturo, ngumiti ako sakaniya at tumango.
"Matagal na iyon, ayos lang saka lumabas din naman ang totoo, kahit sino naman siguro ay ganoon ang maiiisip kapag nasa posisyon mo sa mga panahong iyon."
Sambit kong nagpangiti sakaniya.
"Pinapatawad mo na ako?"
Tanong niyang nagpatango saakin, ngiting ngiti siya ngayong akmang yayakap nang humarang si Ezekiel dahil upang siya ang mayakap nito.
"Ayan nanaman si Bakod."
Tawa ng mga nasa likod.
"Label muna."
Kantyaw pa nila.
"Mga gago, tigilan niyo ko."
Ezekiel hissed making them laugh, binatukan pa niya si Apolinario na nakayakap padin, nailing nalang ako.
It is indeed fun, wala silang pinag bago at masaya pading kasama, it's as if I was back into time when everything is okay.
"NASAAAN si Madeline?"
Tanong ko kay Ezekiel habang nag lalakad.
"Nasa bahay nila Gwen, naki gamit ng banyo, mauna na daw tayo sa burol, papasama daw siya kila Badong at Dindy paakyat mamaya."
Ngiti niyang nagpatango saakin.
Habang binabaybay ang daan patungong burol ay hindi ko maiwasang panghinaan at manginig. I feel breathless as I look around the place, it reminds me of what happened that day.
"I-I fell asleep that day I even heard screams and no one's around, I thought I'm just dreaming, w-when I woke up, the man holding the knife came from t-the hill..."
Tuluyan ng bumagsak ang luha ko kasabay ng panginginig habang nakatingin sa daan, patuloy na bumabalik ang mga ala alang pilit kong ibinabaon sa limot nitong mga nakaraang taon.
"Laide!"
I was snapped out of my thoughts when I heard Ezekiel's voice hugging me tight, looking at me with those eyes filled with concern.
"H-He's gonna come, he killed nanay, the man, he killed nanay."
Napahagulgol ako roon punong puno ng takot ang mga matang nagpailing sakaniya at pinahid ang luha ko.
"I'm here, I'm here Laide, calm down, I'm here."
He said while embracing me, tumagal ng ilang minuto bago ako tuluyang kumalma.
"Ayos ka na? huwag na tayong tumuloy kung hindi mo pa kaya."
Malumanay na sabi niya na nagpailing saakin
"N-N-No, I-I'm fine, Madeline is looking forward for this."
I said still trembling, nag aalala pading nakatingin saakin si Ezekiel.
"But---"
"I should face my fears to free myself Ezekiel, I want to, pagod na ako na lagi nalang ganito. If I back out now, then I will continue being like this."
Sambit ko habang lumuluha, napabuntong hininga siyang tumango at hinawakan ang kamay ko.
"Okay, were in this together, just tell me if you can't okay? Hold my hand."
Malumanay na sabi niya, napatango ako doong nanghihina padin habang naglalakad. Mahigpit na hawak ang mga kamay ni Ezekiel at habang paakyat kami sa burol na minsang nagdala ng kasiyahan saakin, ngayon ay puno ng takot akong buong lakas na pinipilit ang sariling maglakad.
I can do this, I can do this.
"S-Si nanay, nakita ko s-s-siya sa tuktok-----"
Tuloy tuloy sa pag iyak at napaluhod, nagad akong inalalayan ni Ezekiel.
"You can do this Laide, I'm here, I'm here for you."
Patuloy na pag alo niya saakin.
The images of nanay lying on the ground bathing with her own blood keeps repeating on my head. Habang naglalakad ay magkahawak kami ng kamay, hindi niya binitawan ang kamay ko hanggang marating namin ang tuktok ng burol.
Naroroon parin ang puno at ang kubo, tuluyan na akong napahagulgol at nagtungo sa ilalim ng puno kung saan ko nakita si nanay noon.
"I-I saw her here, bathing with her own blood, that man, that man killed her mercilessly, walang ginagawang masama si nanay pero pinatay niya! despite of her state, she looked at me with eyes full of love and caressed my face with a smile, I couldn't do anything to save her Ezekiel! I have this ability given to me and yet I couldn't save her! I hate myself, I hate how I couldn't do anything!"
Hagulgol ko, napaluha narin siyang mahigpit akong niyakap.
"N-No, no please stop blaming yourself, h-hindi mo ginusto iyon Laide! That man who killed nanay is the one who should suffer, bullshit! he should be the one in pain and tormented, hindi ikaw!"
Mariing sabi niya habang yakap ako, napahagulgol lang ako lalo habang yakap siya.
Nang kumalma ako ay nakahawak padin ako sa mga kamay niya, tinitignan ang kalangitan habang nakahiga sa damuhan.
"What if nanay didn't die?"
I uttered while looking in the sky.
"Were probably married now, we have our own family, we'll have our picnic here right now with our kids, nanay and ate. And you wouldn't be in so much pain, we wouldn't feel tormented for years."
He said, an image popped in my head making me smile bitterly.
"Probably."
I sighed.
"Laide---"
"Nanay! Tatay!"
Boses iyon ni Madeline na nagputol sa sasabihin ni Ezekiel, napaupo kaming dalawa at tinanaw si Madeline na todo kaway saamin, ngumiti ako at kumaway pabalik. Si Ezekiel naman ay pinagpagan ang likod ko at inalis ang mga dahon sa ulo ko, ganoon din ang ginawa ko sakaniya at tumayo na.
"Nasaan sila Badong?"
Tanong ni Ezekiel.
"Eh takot daw sila tay may engkanto daw dito."
Kibit balikat na sabi ni Madeline, nailing nalang ako saka napangiti nang humawak siya sa kamay namin at iginiya kami patungo sa nakalatag na kumot kung saan naroroon ang mga pagkain. Dinala rito lahat ni Ezekiel kanina habang nakikipag usap ako sa mga tao.
I just enjoyed my time with Ezekiel and Madeline, I don't want the child to see me crying specially that she's been looking forward to this since last night.
We ate and told each other stories, ang daldal ni Willow and then the three of us sang while Ezekiel is playing the guitar. It's a very nice feeling, makes me wish that our loveones that we lost were all here with us.
"Tatay! Nanay! Natumba ko lahat kahit malayo!"
Masayang masayang sabi ni Madeline na napatumba nga lahat ng target niya, nanlaki ang mata ko roon at manghang napapalakpak.
"Wow, she's good at this."
I giggled.
"Yes, Wade once took her to their private shooting range when I had an emergency and asked him to watch over her for awhile. Madeline watched for an hour, how him and Lilia are using guns then she pleaded them to let her try it. I was shocked when Wade sent me a video of Madeline shooting the targets effortlessly and would always hit the bullseye, gusto kong sapakin noon si Wade, at the same time I'm amazed of Madeline's talent."
Pagkukwento niya na nagpakurap saakin at sumulyap kay Willow na muling itinayo ang mga lata para patumbahin nanaman, ngumiti ako sakaniya at kumaway.
"Wow, she's gifted."
I said amazed.
"She really is."
He chuckled, napapalakpak kami muli nang makitang napatumba ulit ni Madeline lahat ng lata.
"Pero wag mo namang turuang basta nalang manirador."
Irap ko, napakamot ulo siya roon.
"Hindi naman talaga, ang sabi ko tiradorin niya kapag may gustong manakit sakaniya o kapag may nanliligaw sakaniya sa school."
Kibit balikat na sabi nitong nagpamulagat sa mga mata ko't hinampas siya sa braso.
"Anong ligaw ka dyan! she's just 7, my goodness!"
I said, tawang tawa naman si Ezekiel na ikinasimangot ko.
"Kahit na, para hindi siya nababastos kahit wala ako kapag nagdalaga na. Ang ganda pa naman ng anak ko baka may manyak diyang abusuhin siya kapag hindi ko naturuan."
Sambit niyang nagpakunot noo saakin.
"Parang ikaw?"
Sabi kong agpasinghap sakaniya't napatakip pa sakaniyang bibig.
"Grabe, bakit ako?"
Painosente pa nitong sabi, inirapan ko siya.
"I was too innocent back then, ikaw naman ang manyak mo."
Iritang sabi kong nagpanguso sakaniya.
"Ikaw kaya ang nauna, gustong gusto mong nakikita anacon---"
Nanlaki ang mata ko roon at tinakpan ang bibig niya.
"Ezekiel!"
Inis na sabi ko, hinawakan niya ang kamay kong nakatakip sakaniyang bibig at hinalikan iyon. Nag init ang pisngi kong agad na binawi iyon at sinimangutan siya, tawang tawa nanaman ang loko.
"I feel like I'm going to hell back then, you're like an angel sent from above while here I am tainting your innocence, gusto kong sapakin ang sarili ko noon."
Turan niya saka muling hinawakan ang kamay ko, napanguso ako doong nag iinit padin ang pisngi saka pinanood nalang si Madeline.
"Madeline tara dito sandali, basa na ata likod mo."
Sabi ko, masaya siyang lumapit saamin.
"Nakita niyo yon nanay?"
She asked excitedly making me chuckle.
"Oo, ang galing galing mo nga eh."
Hagikhik ko saka pinisil ang pisngi niya at nilagyan ng maliit na towel ang likod niya. Malapad siyang napangiti saakin.
"Kapag sinaktan kayo ni tatay, isumbong niyo saakin, titiradurin ko siya nay."
Ngisi niya, nangiwi doon si Ezekiel.
"Takot ko lang sayo, saka wala akong balak, boss."
Sagot ni Ezekiel, mahina akong natawa doon.
"Nanay."
Tawag niya saakin, her, calling me nanay sounds melodic, it makes my heart flutter with so much happiness.
"Hmm... yes?"
I asked sweetly, malambing siyang yumakap saakin.
"Babalik po kayong maynila?"
Tanong niya, saglit pa akong napatitig bago tumango.
"May trabaho kasi ako doon Madeline."
Malumanay na sabi ko, I saw how her eyes became sad as he hugged me tight.
"Balik po kayo agad ha, sabay po kayo kay tatay tuwing uuwi po siya."
Nguso nito, nakagat ko ang labing sumulyap kay Ezekiel na nakatitig saakin at may parehong ekspresyon kay Madeline.
I sighed then smiled at her sweetly.
"Okay, if that's what you want."
Ngiti ko saka humalik sakaniya sa pisngi, malapad siyang napangiti roon.
"Yes! tatay narinig mo yon?"
Hagikhik niya, masayang ngumiti sakaniya si Ezekiel at tumango.
"Thank you."
He mouthed, I just bit my lips and smiled.
"I love you nanay."
Malambing na sabi ni Madeline, para bang may humaplos sa puso ko nang marinig iyon, pinigilan kong mapaiyak at ngumiti sakaniya.
"I love you."
I smiled and caressed her face making her and Ezekiel smile.
"Love niyo din po si tatay?"
Tanong niyang nagpatigil saakin saka sinalubong mainit na titig saakin ng ama niya.
"I can't answer that now."
I said honestly, napanguso siya doon saka sumulyap kay Ezekiel.
"Galingan mo kasi tatay."
She frowned then again hugged me tight, tipid lang akong ngumiti at pinisil ang pisngi niya at niyakap siya pabalik.
"I'll wait."
He whispered, mabilis na tumibok ang puso kong tumango. I don't want to open my heart yet, unless I'm fully healed, I don't want to inflict him more pain just because I'm still suffering.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top