Kabanata 41

Adelaide

MY PHONE RANG, I rejected it, muli nanamang tumunog iyon, si Liz ang tumatawag saakin. Napabuntong hininga akong sumulyap kay Ezekiel saka sinagot ang tawag.

"Bakit Li---"

"This is Aaron."

Pagputol nito sa sasabihin ko, nangunot ang noo ko roon.

"I am on my way to the hospital now, liz got shot. May nangyaring hold-up-an kanina, nadamay siya, damn, I-I don't know what to do!"

Mariin at puno ng pangambang sabi nito, nanlaki ang mata ko roong nakaramdam ng paninikip ng dibdib. No! I won't loose, Liz too!  Nangilid ang luha ko't nanlamig ang buong katawan sa nalaman.

"P-pupunta na ako diyan, sa light hospital ba?"

Tanong ko, naririnig ko ang mga busina ng sasakyan sa kabilang linya.

"Yes, malapit na kami."

Sagot.

"Sige, pupunta na ako."

Seryosong sabi ko saka pinatay na ang tawag at dai daling naglakad papalayo.

"ihahatid na kita."

Seryosong sabi ni Ezekiel, alalang tumango ako sakaniya.

"Hanggang sa tapat lang ng ospital."

Saad ko saka sumunod sakaniya sakaniyang sasakyan, mariin akong naipikit ang mga mata. 

Oh god, please save Liz, sana ay hindi malala ang tama, hindi ko alam kung anong gagawin ko, kung may mangyaring masama sakaniya. She's the only family I have, she's my sister, my best friend, so please, please don't take her away from me too, hindi ko na kayang mawalan pa.

I silently prayed on our way to the hospital. Puno ng frustrasyon ang muka ko habang nakatingin sa labas, I felt Ezekiel's hand on mine, his eyes were full of assurance. Nag iwas lang ako ng tingin saka binawi ang kamay ko sakaniya.

Nang marating namin ang ospital ay agad akong bumaba at pumasok sa loob.

"Aaron!"

I called his name, he looks to worried and frustrated.

"Damn, kasalanan ko ito, I shouldn't have let her wait there! kung maaga lang sana akong dumating!"

Mariing sabi niya, nangilid ang luha kong umiling.

"It's not your fault Aaron, hindi mo gusto ang nangyari so don't blame yourself and pray that Liz will be alright."

I said, then gave him a handkerchief, kinuha niya iyon at ipinahid sakaniyang mata. My phone vibrated, it's a text message from Ezekiel.

Ezekiel:

Hindi na kita sinundan dahil ayokong dumagdag sa dinadamdam mo ngayon. But I will always be here for you Laide, makakaligtas ang pinsan mo, don't stress yourself too much and rest. 

Ezekiel:

I love you.

Marahas akong napabuga ng hangin at tinago ang phone ko matapos mabasa iyon at naupo sa waiting area.  Maya maya ay lumabas na ang doktor, kaya agad kaming napatayo at hinarap siya.

"Successful ang operation, mabuti nalang at mababaw lang ang bala at walang naging komplikasyon. Okay naman na ang pasyente pati ang baby niya, so no need to worry."

The doctor said smiling at us, nanlaki ang mata ko roon.

"B-Baby?"

Sabay naming tanong, ngumiti ang doktor at tumango.

"Oh you don't know? ikaw ba ang asawa ng pasyente?"

Tanong niya kay Aaron, agad naman itong tumango.

"Congratulations, she's 8 weeks pregnant."

The doctor announced, napatakip ako sa bibig at napatingin sa tulalang si Aaron.

"Oh my! Thank goodness! Congratulations!"

Masayang sabi ko, napaluha itong ngumiti.

"I-I'm gonna be a father!"

Masayang sabi niya, natawa ako roon at nakahinga na ng maluwang, thank god she's okay now. I'm so happy for both of them, magkakapamilya na sila.

Inilipat na ng kwarto si Liz at nagpapahinga na, baka daw bukas ay magkamalay na ito.

"Umuwi ka na muna Laide, alam kong pagod ka din, ako na ang bahala kay Liz."

Ngiti ni Aaron.

"Sigurado ka?"

Kunot noong tanong ko, tumango siya saakin.

"Yes, magpahinga ka na muna, ako na ang bahalang magbantay."

Turan nito habang hinahaplos ang buhok ng walang malay na pinsan ko.

"Okay, pero babalik ako bukas para magbantay."

Sambit ko saka ngumiti sakaniya.

"Sige, ihahatid na muna kita sa mansiyon."

Sabi niya, agad naman akong umiling.

"No, I'm fine, bantayan mo nalang si Liz, sasabay ako sa kaibigan ko, may binisita kasi iyon dito at pauwi na din daw siya kaya okay lang."

Sabi ko, napatango si Aaron doon.

"Sige, ingat kayo."

Turan niyang nagpangiti saakin.

"Sige salamat, itext mo saakin kapag nagising sa si Liz, bibisita ako ng maaga rito bukas, balitaan mo ako ha."

Sabi ko saka naglakad na palabas ng kwartong kinaroroonan ni Liz.

"Tara na?"

Tanong ni Isay, naospital kasi ang nanay niya at kailangan niyang umuwi para kumuha ng gamit. She found ou that I have no driver today so she offered to take me home, since dala ng asawa niya yung kotse nila kaya pwede daw akong maihatid saamin.

"Oo, pasensya na sa abala."

Ngiti ko, umiling lamang siya.

"Ayos lang ano ka ba, hindi ka naman na naiba saamin saka di naman ganun kalayo, iyong village niyo saamin."

Sabi niyang nagpangiti saakin.

"Sige salamat ha."

MAAGA AKONG nagising kinabukasan para bisitahin si Liz sa ospital. Nagsuot lamang ako ng simpleng blouse at pantalon saka bumaba na.

I should call the agency to hire a new driver for me. I went to the dining hall and ate my breakfast, lumilipad ang isip ko habang kumakain. I should've told him the truth last night, pero nang mabalitaan kong nabaril si Liz ay nablangko ang utak ko at napuno lamang ng pag aalala. 

"Ma'am ito na po yung pinabibili niyong mga prutas."

Sabi ni manang sabay lapag ng fruit basket sa lamesa.

"Salamat po, kain po tayo."

Ngiti ko, umiling saakin si manang.

"Okay lang ho ma'am, kumain na po ako, salamat po."

Sambit niya, tumango ako roon saka nagpatuloy na sa kinakain. Nang matapos ako ay kinuha ko na ang bag ko at ang fruit basket saka lumabas na ng bahay.

"May taxi na ho akong tinawag ma'am."

Sabi ni manong Albert, isa sa mga guards ng mansiyon.

"Sige ho salamat."

Ngiti ko saka naglakad na palabas nang buksan niya ang gate. May taxi na nga sa labas, pumasok ako roon.

"Sa Light hospital po."

Sabi ko habang tinigtignan ang bag kung may naiwan man ako. Tumingin ako sa salamin sa harapan at ganun nalang ang gulat nang makasalubong ko ang pares ng asul na matang nakatitig saakin.

"Ezekiel!"

Kunot noong sabi ko nang makilala ang driver, nakita ko ang pag ngiti niya mula sa salamin.

"What? Hindi mo ako masisisante, hindi mo na ako driver, taxi driver na ako."

Tila ba ay proud na proud pang sabi nito, napasimangot ako doon.

"Stop playing tricks with me!"

Inis na sabi ko.

"I am not playing tricks with you, seryoso ako sayo, ganda."

Ngiti niya sabay kindat saakin, binalingan ko siya ng masamang tingin na nagpatawa sakaniya.

"Don't follow me around Ezekiel."

Seryosong sabi ko saka humalukipkip na sumandal sa backrest ng kinauupuan.

"You don't like me following you around?"

He asked.

"Obvious ba?"

Taas kilay na sabi ko, muli siyang natawa.

"Sungit."

Ngisi niya, umirap ako sakaniya.

"Then I am not following you around, ginagawa ko lang ang trabaho ko."

Kibit balikat na sabi nito.

"Nek-nek mo."

Iritang sambit kong nagpatawa nanaman sakaniya. I'm still upset  that he decieved me, I honestly feel stupid. But for some reason, I feel relieved knowing who he really is that he actually achieved his dreams, I'm upset that he lied to me, but I am proud that he reached the dreams he is just telling me before.

"So Rhia is your sister?"

I asked out of the blue, I just realized it now since madami akong iniisip kagabi pa.

"Twin sister, you used to tell me that I look like that girl in the magazine before, turns out, she's actually my sister."

He smiled, tahimik akong tumango roon.

"I'm still mad at you for lying to me, but I am happy that you found your family and actually reached your dreams."

I said, sumeryoso ang muka niya roon, his eyes has a lonely expression on it.

"Hindi rin."

Sabi niya saka sinalubong ang mag mata ko sa salamin habang nagmamaneho.

"I still couldn't take you back."

He said, mabilis na kumabog ang puso ko roon, nag iwas ako ng tinging hindi siya sinagot. Nang makarating kami sa ospital ay nagbayad ako at nagmamadaling lumabas at tuloy tuloy na pumasok sa loob. 

Nang makarating ako sa kwarto ni Liz ay naabutan kong naghahalikan ang dalawa. I cleared my throat, agad silang naghiwalay na nagpailing saakin.

"Baka bumukas yang sugat mo Liz, iwas muna sa ganyang klaseng activities."

Irap ko saka inilapag ang fruit basket sa lamesa, natawa doon ang dalawa.

"Kamusta na ang pakiramdam mo?"

Tanong ko saka kumuha ng tangerine at binalatan iyon para kay Liz.

"Okay naman na ako Erina, in fact pwede na daw akong lumabas mamaya."

She smiled then caressed her tummy, napangiti ako doon.

"Magkakababy na kayo, you should move with Aaron para mas maasikaso ka niya."

I said then gave her the tangerine.

"Pinapalayas mo na ako?"

Biro niya, umirap lang ako.

"Oo."

I hissed, ngumuso siya doon.

"But I will visit you often."

I chuckled, sumulyap ako kay Aaron.

"Ikaw naman bawasan mo ang trabaho mo, alagaan mo itong si Liz, lalo na ngayon, buntis."

Saad ko, napangiti siya doon at tumango.

"Yes ma'am."

Tawa niya, nailing lang ako.

"At ikaw naman Liz, don't overwork and don't stress yourself too much, alagaan mo ang sarili mo and eat healthier food para healthy din si baby."

Sambit ko, ngumiti siya saakin.

"Opo."

She giggled then hugged me, napangiti akong niyakap siya pabalik. Nangilid ang luha ko roon.

"You'll have your own family now."

I said crying, napaiyak rin siya doon.

"Erina naman! bakit ka umiyak! I feel like crying na din tuloy."

Naluluhang sabi niya.

"Even if I start a family with Aaron, you're still my family and you were always welcome to visit us okay?"

She said, pinahid ko ang luhang tumango.

"Okay, sabi mo yan ha."

Garalgal ang boses na sabi ko.

"I'm so happy for you Liz."

I said while embracing my cousin.

"Ang iyakin mo Erina! Nahahawa ako, ano ba!"

Reklamo niya, natawa kami ni Aaron doon.

I spent my whole morning there, hindi pa naman ako gutom kaya mamaya na siguro ako maglalunch.

"Mag lalunch ka na?"

Biglang sulpot ni Ezekiel sa harap ko, halos mapatili ako doon kaya hindi sadyang nahampas ko tuloy siya.

"Ezekiel!"

Inis na saway ko, ngumiti siya saakin.

"Tara lunch tayo?"

Sabi niya.

"I'm busy."

Iling na sabi ko saka nauna ng naglakad na palayo, naramdaman ko pa ang pagtawag niya saakin na hindi ko pinansin at pumara nalamang ng taxi. 

"Sa ALD mall po."

Sabi ko saka tumingin sa labas ng bintana, wala na roon si Ezekiel. Nagkibit balikat nalang akong sumandal sa backrest ng upuan.

I hate myself..

I am determined to tell him last night, pero bakit hindi ko magawang sabihin sakaniya kaniya? I wanted to be freed too, I hate how hard it is to fight my own fears, I hate how tiresome it is to fight myself, to push myself into breaking out this cage inside me.

Nang makababa ng taxi ay nagbayad na ako saka pumasok sa mall para mag obserba.

"Magsashopping ka?"

Biglang sulpot ng damuho, nanlaki ang mata ko roon.

"Bakit nandito ka?"

Gulat na tanong ko.

"Kasi wala ako doon."

Tawa niya, sinamaan ko siya ng tingin.

"Mag lunch muna tayo, gutom na ako."

Sabi niya, inilingan ko lamang siya.

"Busog pa ako, mamaya ako maglalunch, kumain ka nalang mag isa. Hindi ko naman hawak ang susi ng mga kainan dito."

Turan ko saka nagpatuloy sa paglalakad  hanggang marating ang restroom.

"Ano? hanggang dito susundan mo ako?"

Kunot noong tanong ko sakaniya.

"Kung gusto mo."

Ngisi niya, napasimangot akong padabog na pumasok sa loob. Nagtungo ako sa cubicle at inilock iyon, narinig ko pa ang pagbukas ng pintuan sa tabi ko.

"Darn, why is he not answering his phone!"

Inis na sabi ng isang pamilyar na boses.

"Baka busy lang, your boyfriend is Ezekiel Josiah Kings after all, hindi birong magmanage ng ganoon kalaking empire, grabe, ang swerte mo Geraldine! Isipin mo, sa dami ng babae, sayo nagkagusto si Josiah? Kahit sa opisina ang daming nagkakagusto sakaniya, wala siyang pinapansin."

Tili ng kausap, boyfriend? why is she telling people that Ezekiel and her has a relationship more than friends, when they are not? I don't get it, what's the point?

"Ofcourse, I'm a perfect match for him, bakit siya magkakagusto sa iba? I am the only woman in his eyes, everyday binibisita niya ako tapos binibigyan ako ng bulaklak, isn't he sweet?"

Geraldine giggled, napangiwi ako roon saka tumayo na at nagflush saka lumabas. Nakita ko kung paano natigilan si Geraldine nang makita ako, I just smiled then washed my hands on the sink near them.

"Isn't my boyfriend sweet Laide?"

She asked with a grin on her face trying to provoke me.

"Yes, he is, indeed."

I said meaningfully and chuckled. Napawi ang ngiti niyang matalim na tumingin saakin.

Why is she glaring at me? siya ang nagtanong, sinagot ko lang naman ang tanong niya.

"Who is she Geraldine?"

Her friend asked looking at me from head to toe.

"Some desperate woman trying snatch my man away from me."

She said, natawa ako doon.

"Your man?"

I chuckled.

"I remembered something funny."

I said remembering Ezekiel's words about Geraldine and what she is claiming right now.

"I am not snatching him away from anyone, no one owns him in the first place, siya ang sumusunod saakin."

Kibit balikat na sabi ko saka tumalikod na, I knew she's gonna grab my hair since I saw her palms. Nasalo ko ang kamay niya habang nakatalikod saka marahas na binitawan iyon.

"You don't know who you're messing with."

Mariing sabi niya, hinawakan ng kaibigan niya ang mga kamay ko mula sa likod habang papalapit saakin si Geraldine.

"I can destroy you if you don't stop messing with my boyfriend!"

Sambit niya saka akmang sasampalin ako, ngunit itinagilid ko ang ulo ko dahilan upang ang kaibigan niya ang masampal niya.

"Geraldine!"

Tili ng kaibigan, nailing akong marahas na bumitaw.

"Bitch!"

Galit na turan nito, napangiwi lang ako sakanila.

"If you're confident about what he feels for you, then you shouldn't be attacking me right now Miss Alfonso. Just confront him and stop bothering me, I'm a busy person."

I said then turned my back on them, paglabas ko ay naghihintay padin pala si Ezekiel.

Hindi ko siya pinansin at nauna ng naglakad, naramdaman kong sinundan niya ako.

"Josiah!"

Pagtawag ng kaibigan ni Geraldine kay Ezekiel.

"Mel? long time no see."

Ezekiel said then held my hand, nangunot ang noo ko roon.

"Why are you with that botch instead of your girlfriend?! Akala ko pa naman iba ka!"

Mariing sabi nito.

"Don't call her names, you'll regret it."

Malamig na sambit ni Ezekiel, maya maya ay lumabas na din si Geraldine, she looks so upset.

"Geraldine is not my girlfriend, I only see her as my little sister."

He said blankly, pilit kong inaalis ang kamay ko sa pagkakahawak niya.

"Geraldine what is he saying? diba sabi mo boyfriend mo siya?"

Takang sabi nung Mel, namula ang muka ni Geraldine at nagiwas ng tingin.

"7 years Josiah! I've been here for you! sinaktan ka ng babaeng iyan!"

She exclaimed.

"I told you countless times that we can never be more than friends. 8 years and I still feel the same towards her, I don't want to hurt you since I am good friends with your brother so stop this Geraldine. I am telling you, not to touch even a strand of her hair, you'll regret it."

Galit sa saad ni Ezekiel saka naglakad habang hawak hawak ang kamay ko.

"You should give her a chance, she seems really like you. Uhh... bagay kayo."

I said then looked away, nangunot ang noo niya roong binalingan ako ng masamang tingin.

"Well I only see her as my sister, ikaw ang gusto ko, don't think about pushing me away, babalik at babalik lang ako."

Ezekiel hissed, napanguso akong umirap.  Wala rin akong nagawa kundi kumain kasama siya sa food court.

"Sana all may jowa."

Sabi niya habang nakatingin sa gilid ng table namin.

"Edi mag jowa ka."

Sabi ko habang kumakain.

"Jojowain mo ako?"

Ngisi niya.

"Totropahin."

I hissed, napanguso siya doon.

"Dibale doon padin naman papunta iyon."

Ngisi niya.

"Asa ka."

Irap ko.

"Ayaw mo jowa? asawa nalang? pwede mag apply?"

Muli niyang pangungulit.

"Hindi ka qualified."

I frowned.

"Ano bang requirements?"

Tanong niya, mariin akong napapikit, pinipigil ang sariling batuhin siya ng tinidor, naiinis ako.

"Just let me eat in peace."

I frowned, natawa siyang tumango.

"Ang cute mo mainis."

He chuckled, hindi ko nalang siya pinansin dahil madudugtungan nanaman ang mga sasabihin niya.

Matapos kumain ay nagpatuloy lang ako sa paglilibot sa mall. Namili rin ako ng ilang gamit, naalala ko si Liz nang mapadaan kami sa isang section ng mall kaya nagdesisyon akong mamili ng ilang maternity dress para sakaniya.

"W-Why are you buying those?"

Ezekiel asked, nangunot ang noo ko roon.

"For Liz."

I shrugged, he pouted ang nodded his head.

"Ayy."

Sabi niya sabay hawak sakaniyang batok, nailing lang ako saka namili pa ng ilang kakailanganin niya sa pagbubuntis.

I am smiling the whole time feeling excited for Liz, I want to give this to her later.

"You seems excited."

Ezekiel asked smiling at me, napangiti ako habang tumitingin sa mga pinamimili.

"Ofcourse, magkakaroon na ako ng pamangkin, I bet Liz would look so beautiful even she's pregnant."

I said woth delight.

"Uh huh, I bet you would too."

He said smiling while looking at me with those dreamy eyes, natigilan akong nag iwas ng tingin.

"Ewan ko sayo."

Sabi ko saka nauna na sa counter, narinig ko ang mahina niyang pagtawa saka naupo muna sa couch sa malapit para hintayin ako.

"Ang gwapo ng asawa niyo ma'am, ang gwapo at ang ganda siguro ng magiging baby niyo."

The woman in the counter said making my eyes widened.

"N-No, h-hindi ko siya asawa."

Tanggi ko, ngumiti siya saakin.

"Ay boyfriend po?"

She giggled, tatanggi sana ulit ako pero kinausap siya ng katabi, napanguso akong sumulyap kay Ezekiel. Nagkasalubong ang mga mata naming nagpangiti sakaniya saka kumindat saakin.

"Wala ka bang trabaho?"

Kunot noong sabi ko, sinubukan kong hindi siya pansinin buong araw, pero hanggang ngayon ay bumubuntot padin saakin.

"Money works for me."

He shrugged, napasimangot ako roon saka tumayo na sa kinauupuan bench.

"Uuwi na ako, umuwi ka na din at wag mo akong sundan, I don't like it."

Iritang sabi ko.

"Okay, I'll give you some time."

He sighed then looked at me.

"Have you ever thought of going back to La muerte?"

He asked, natigilan akong sumulyap sakaniya.

"I don't know, sometimes? I guess?"

I sighed.

"One week."

He uttered, taka akong tumingin sakaniya.

"One week from now I will go back to La Muerte, I want you to come with me."

Turan niyang nagpatigil saakin.

"W-What? I-I don't know Ezekiel..."

Sambit ko.

"Everyone misses you, don't you want to see them again?"

Tanong niya, nakagat ko ang labing tumango.

"I do, b-but I'm not sure about coming back to that place."

I uttered then looked away.

"I already told you, I will be with you as you take risks, I will fight along with you. So please, let's go back to that place together."

He pleaded, hindi ko alam ang isasagot ko.

"I will give you time to think, maghihintay ako dito sa araw na iyon."

Turan niya habang nakatitig saakin. He's asking me to come back to that place that I once called home and I've never thought would welcome me again after all that happened.

"I-I will think about it."

I said then turned my back on him.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top