Kabanata 15

Adelaide

"Ano?! kayo na ng babaeng iyan?!"

Kunot noong sambit ni Ate Rosing habang matalim ang tingin saakin. Napayuko lamang ako at akmang bibitawan ang kamay ni Ezekiel ngunit hinigpitan lamang niya ang paghawak doon.

"May pangalan siya ate."

Saad ni Ezekiel, umirap lamang sa hangin si Ate Rosing.

"Alam mong gusto ko si Bela, Ezekiel Josiah!"

Inis na sabi nitong nagpalalim sa gitla ng noo ni Ezekiel.

"Edi ikaw ang manligaw, basta kami ni Laide."

Iritang saad nito na lalo lang nagpatalim sa titig saamin ni ate Rosing.

"Kung kailan nagbalik na sya! gusto ka niya! may pagkakataon kang makipagbalikAN tapos yang babaeng yan lang ang pipiliin mo?!"

Panduduro nito, hinawi iyon ni Ezekiel.

"Huwag mong dinuduro si Laide, siya lang ang gusto ko, wala akong pakielam kung gusto ako ni Bela, hanggang pagkakaibigan lang ang kaya kong ibigay, sana maintindihan niyo na Laide na ang mahal ko, walang Bela, walang kahit sino, si Laide lang."

Mariing sambit nito, nakagat ko ang labing napayuko, dahil saakin ay nag aaway ang magkapatid.

"Hindi nakakain ang pagmamahal! Kita mo sila nanay?! mahal daw nila ang isa't isa pero ano tayo ngayon? nga nga!  kung magkakagusto ka rin lang, doon na sa mapera! maging praktikal ka naman! pabigat ka na nga tapos ganito pa?! putang inang buhay to sawa nako sa hirap!"

Sigaw niya, malamig siyang tinitigan ni Ezekiel, pinisil ko ang kamay niyang umiling na nagpabuntong hininga lang sakaniya.

"Huwag mong pagsasalitaan sila nanay ng ganyan! kung hindi nila pinili ang isa't isa, wala ka na ngayon dito ate! Hindi ko kailangan ng kahit sino para pakainin ang pamilya ko, hindi tayo pinalaki ni nanay para lang manlimos at manggamit. Maiaahon ko itong pamilya natin sa hirap ate, at kung pabigat man ako ay lalo tayong walang makakain ngayon. Si Laide ang gusto kong makasama sa buhay, sana respetuhin mo ang desisyon ko, respetuhin mo si Laide, kasi nirerespeto ka niya. Kung hindi ay ko ang makakalaban mo."

Mariing sabi ni Ezekiel saka iginiya na ako papasok ng bahay.

"O-okay lang ba yun? baka nasaktan si ate Rosing sa sinabi mo? ayokong magkagalit kayo Ezekiel."

Tanong ko nang makapasok kami sa loob. Ezekiel smiled and patted my head.

"Magiging okay din kami mamaya kapag naabutan ko na siya ng pera, dadagdagan ko nalang. Huwag kang mag alala Laide, magiging okay din ang lahat."

Ngiti niya, napasinghap ako nang kunin nito ang kamay ko at halikan ang likod non, nakagat ko ang labing napangiti.

"Jusko salamat naman at nakauwi na kayo! buti at nag text kayo kanina, alalang alala ako kahapon!"

Salubong saamin ni nanay saka ibinuka ang kamay, nakita kong payakap na si Ezekiel, pero nilagpasan siya ni nanay na mahigpit akong niyakap.

"Nanay, bakit siya lang ang niyakap niyo."

Nakangusong reklamo ni Ezekiel, natawa doon si nanay.

"Aysus tampururot naman itong baby damulag na ito."

Natatawang sabi ni nanay na niyakap din si Ezekiel, natawa si Ezekiel saka humalik sa noo ni nanay.

"Love you nay!"

Ngiti niya, nakita ko ang galak sa muka ni nanay nang sabihin iyon.

"Nako itong anak ko, naglalambing kararating lang eh!"

Natutuwang sabi ni nanay saka muling niyakap ang anak, ang saya nilang panoorin, namiss ko tuloy lalo si lola.

"Parang ang saya mo ata ah?"

Ngiti ni nanay saka lumingon saakin.

"Kayo na ni Laide ano?"

Tanong niya, napakurap ako doon.

"Oho nay, kami na."

Masayang sabi ni Ezekiel, napasuntok sa hangin si nanay saka niyakap ako.

"Yes! Otp ko kayo eh!"

Hagikhik niya.

"Otp?"

Tanong ko.

"One true pairing! Pagpasok niyo palang ramdam ko na! Maigi yan at landian lang din kayo ng landian, ngayon may label na!"

Saad nitong nagpainit sa pisngi ko.

"O-okay lang po ba sainyo?"

Nahihiyang sabi ko, masayang ngumiti saakin si nanay.

"Oo naman, parang anak nadin kita ehh, masayang masaya ako para sainyo."

Hagikhik niya habang hawak ang kamay ko, napatingin ako sa gawi ni Ezekiel na nakangiti lang saakin.

"Tamang tama pala at bumili ako ng bihon kahapon, magpapancit ako! hindi mo naitatanong, pang world class ang pancit ko!"

Tatawa tawang sabi ni nanay.

"Talaga po? gusto ko pong matikman saka matutunan!"

Ngiti kong nagpahagikhik lang ulit kay nanay.

"Oh siya't magpahinga muna kayo, mamaya tulungan mo akong magluto."

Masayang sabi nito, napatango ako roon. Hawak kamay kaming nagtungo ni Ezekiel sa taas, kanina pa siya ngiting ngiti.

"Dito na ako, magpahinga ka na din, napagod kang mag drive."

Ngiti ko, ngumuso itong yumakap at umiling.

"Ayaw ko."

Parang batang sabi niya habang yakap yakap ako, natawa ako kasi ang cute niya.

"Nanghihina ako, di ako makalakad, kailangan ko ng kisspirin."

Nguso niya muli, nanlaki ang mata ko doon.

"Hala wait! tignan ko sa lagayan natin ng gamot kung mayroon!"

Nag aalalang sambit ko at akmang hihiwalay sakaniya ngunit hindi ako nito pinakawalan saka ako ginawaran ng masuyong halik sa labi.

"Yep, I feel better now."

He chuckled, nagtataka ko siyang tinignan.

"Ezekiel naman, niloloko mo ako eh, wala ka namang sakit."

Reklamo ko, natatawa siyang muli akong hinalikan.

"Ang cute ng girlfriend ko."

He chuckled, I feel like my face turned bright red upon hearing that.

"Magpahinga ka na mahal, baka gapangin pa kita, love you."

Natatawa niyang sabi, ngumiti lamang akong tumingkayad saka ginawaran siya muli ng halik.

"Love you."

I whispered then gave him my sweetest smile as I went inside my room.

I SLEPT for 2 hours, agad akong bumangon saka bumaba patungo ng kusina, naabutan ko roon si nanay na naghahanda na ng mga ingredients.

"Tamang tama Laide, magluluto na ako."

Sambit niya agad naman akong tumango saka tumabi kay nanay.

"Sige po, gusto ko pong matutunan kung paano ito iluto."

Ngiti ko.

Nagsimula na kaming magluto, nakakatuwa dahil magaling magturo si nanay, pinanonood ko ang ginagawa niya, masaya kami sa kusina habang nagluluto ay napapasayaw pa dahil sa musikang pinatutogtog ni nanay.

"Basta Laide, wala munang anak ha, bata pa kayo, disiotso ka palang at bente dos lamang si Eseng. Diba nga't sabi mo ay next year ka pa magkokolehiyo?"

Sambit niyang agad na nagpailing saakin.

"W-wala ho! wala pa po sa isip namin iyan, saka hindi ko po alam kung paano."

Sambit ko saka napakamot ulo, napatango tango doon si nanay.

"Maigi iyan, mag aral muna kayong mabuti , para maganda ang buhay na maibibigay ninyo sa pamilya ninyo balaang araw. Gusto kita para kay Eseng, napakabuti mo at masipag, matigas ang ulo niyang si Eseng kaya nga nakakatuwa dahil sumusunod iyan sayo. Pagpasensyahan mo nalang at lapitin iyan ng mga babae, madaming nagkakagusto, pero nasisiguro ko sayong hindi babaero iyan, hindi namin pinalaking mapaglaro sa damdamin ng iba."

Saad nito.

"Alam ko naman po iyon nay, may tiwala ho ako na hindi niya po ako sasaktan. Ganoon rin po ako, mahal ko po si Ezekiel."

I said making nanay smile at me.

"Basta nandito lang ako, susuportahan at gagabayan ko kayo hanggang makakaya ko. Kapag may dinaramdam ka ay pwede kang magpunta saakin, anak na din ang turing ko sayo Laide."

Ngiti nito, pinigilan ko ang sariling maluha at ngumiti, yung totoo ko kayang nanay? kamusta na kaya siya?

"Opo, maraming salamat po, sobrang swerte po ni Ezekiel at Ate Rosing sainyo."

Sambit ko saka niyakap siya.

"At swerte din ako sakanila."

Saad nito saka ngumiti saakin.

"Kung buhay pa siguro ang mga magulang ni Ezekiel ay siguradong matutuwa sila."

Malungkot na sabi ni nanay.

"Po? S-sino po bang magulang ni Ezekiel?"

Tanong ko, umiling ito saakin.

"Hindi ko daw maaaring sabihin kung sino sila kahit anong mangyari. Nagkagulo kasi noon sa pinagtatrabahuan ko sa ibang bansa, tapos ibinigay siya saakin para mailigtas siya, tapos ang balita ko ay patay na raw sila. Hinihintay ko pa nga noong may kumuha kay Eseng dito, pero dalawang dekada na ang lumipas ay wala padin."

Pagkukwento niya.

"Nakakalungkot naman po at hindi niya nakilala ang mga magulang niya, tiyak ay magiging proud sila kapag nakilala nila si Ezekiel."

Sambit ko.

NANG matapos kaming magluto ay masaya naming pinagsaluhan, kaming tatlo lamang ang nasa kusina dahil wala daw ganang kumain si ate Rosing. Ang sarap nga talaga ng pancit ni nanay, nakarami pa ako ng nakain, busog na busog tuloy ako.

'Thank you po sa masarap naming pagkaing inihain namin sa hapag, marami pong salamat sa pamilyang kasalo ko, maraming salamat po sa panibagong araw na inyong ipiahiram saamin'

Matapos naming kumain ay nanood lamang kami ng tv, katabi ko si Ezekiel sa upuan, magkasaklop ang mga kamay na nagkukwentuhan habang nanonood. Natatawa ako sa pinanonood namin, nagsalang kasi siya ng cd para makapanood kami ng pelikula bago siya magtrabaho mamaya sa mga Juarez.

May pinaaayos kasi sakaniyang tubo roon, tamang tama ay dumating na siya. Tutulong din akong maglinis ng bakuran, madami kasing nahulog na mga dahon dahil may kalakasan ang hangin noong nakaraan.

Matapos naming manood ay nagtungo na kami sa mga Juarez.

"Bakit laging wala rito si sir Alpha?"

Tanong ko kay Ezekiel habang naglalakad kami papasok.

"Traveling dog kasi siya."

He shrugged, nanlaki ang mata ko doon.

"Uy! grabe ka!"

Sabi ko.

"Eh totoo naman, buntot ng buntot, parang aso, kulang nalang kumawag ang buntot ng gago kapag nakikita si Thaliah. Pareho sila ni Wade, isa pang buntot yon, ako lang talaga itong matino saamin ehh hindi ko kailangan bumuntot,heck, stalking is creepy, hindi ba nila alam yon?"

Iling iling na ngisi niya.

"Grabe ka naman sakanila, saka amo natin si Sir Alpha."

Suway ko.

"Hindi ko siya amo, yung mga magulang niya ang amo ko."

Ngisi nito, nailing nalang ako. 

"Parang may naririnig na akong mga kampana ah."

Ngisi ni ate Dindy, nagkumpulan ang mga katulong nang makita kami, nagkatinginan kami ni Ezekiel at natawa.

"Sawakas! dika na torpe! landian kayo ng landian, oh ngayon may label na!"

Natatawang sabi naman ni Ate Gwen, ang ingay ng mga itong kinakantyawan kami.

"Paano niyo po nalaman?"

Nahihiyang tanong ko.

"Eh kasi diba naghatid kayo ng gamit kay Sir Wade kanina? pumunta siya dito sa hacienda pagkatapos non tapos ibinalita saamin."

Ngisi ng isa sa mga katulong, napakamot ulo kami roon.

"Ayon, chinismis na pala ng kumag."

Naiiling na sabi ni Ezekiel, natawa nalamang ako.

Nagsimula na kami sa kanya kanyang mga trabaho, kanina pa ako kinakantyawan ng mga katulong dito, at kanina pa nag iinit ang pisngi ko.

"Magluluto na kami Laide, hindi ka sasabay?"

Tanong ni ate Gwen.

"Tatapos ko lang po itong parteng ito, susunod nalang po ako."

Ngiti ko habang nagwawalis, tumango ang mga ito saka nauna ng umalis. I am humming  a song, while thinking about Ezekiel, when I suddenly felt a pair of hand snaked in my waist.

"Ezekiel!"

Gulat kong sabi, ngumiti ito saakin saka inabutan ako ng tatlong rosas.

"Pinitas mo ito sa hardin ano? may ganitong bulaklak doon."

Naniningkit ang matang sabi ko, ngumisi  lang ito saakin.

"Nagpaalam ako kay senyora, judger to."

Nguso niya, natawa ako doon saka kinuha iyon at hinalikan siya sa labi.

"Salamat Ezekiel, ang ganda ng mga ito."

Sambit ko saka gumuhit ang matamis na ngiti saaking labi. Saglit siyang natulala doon habang nakatitig saakin.

"Tangina, bakit lagi akong nawawala sa sarili kapag ngingitian mo ako? adik na ata talaga ako."

Tawa niya, naginit ang pisngi ko doon.

"Ezekiel naman."

Nguso ko, natatawa siyang mahigpit akong niyakap.

"Salamat Laide, kahit wala akong maipagmamalaki, kahit mahirap lang ako, binigyan mo padin ako ng pagkakataong mahalin ka, hindi ko sasayangin ang pagkakataong ito Laide."

Sambit niya habang nakayakap saakin, napangiti ako doon.

"Hindi mo kailangang magpasalamat, hindi mo kailangang maging mapera, mahal kita kaya gusto kitang maging kasintahan ko. Mahal kita kahit sino ka pa, mahal kita bilang palatawa, palabiro, masipag, minsan ay bugnutin, mahal kita kung ano ka man Ezekiel. Wala kang kayamanan sa ngayon pero alam ko namang napaka buti mo, at kahit sino pang  lalaking dumating sa buhay ko ay ikaw padin ang pipiliin ko."

Sambit ko, nakagat nito ang labing napatitig lang saakin at akmang muling hahalikan ako nang nagsidatingan ang ilang katulong, agad akong humiwalay sakaniya.

"Aba may nagsosolo! anong ginagawa niyo ha?"

Ngisi ni kuya Kevin, nag init ang pisngi ko doon.

"Maghahalikan sana kaso dumating kayo, nahiya tuloy si mahal----"

Kinurot ko siya sa tagiliran na ikinadaing niya.

"T-tutulong pa pala ako kay ate Gwen, bye!"

Sambit ko saka nauna na, narinig ko pa ang tawa ni Ezekiel na lalong nagpainit sa pisngi ko. 

NANG MATAPOS kaming mananghalian ay may kinailangang ayusing sasakyan si Ezekiel sa garahe ng mga Juarez. Ako naman ay naatasang itanim ang mga bagong halamang binili ni senyora sa hardin.

Isang oras din akong nagtagal bago natapos, at ngayon ay kasalukuyang naghuhugas na ng kamay sa malapit na gripo.

"Laide."

Malamig na sambit ng isang pamilyar na boses, paglingon ko ay sumalubong saakin ang malakas na sampal nito.

"Bela!"

Gulat na sambit ko habang hawak ang pisngi.

"Para iyan sa pang aagaw mo saakin kay Ezekiel!"

Galit na galit na sabi niyang ikinalalim ng gitla ng aking noo.

"Pero Bela wala akong inaagaw, kasi hindi mo naman pag aari si Ezekiel."

Sambit ko, mukang lalo siyang nagalit doon at akmang muli akong sasampalin gunit agad kong nasalo iyon.

"Kung wala ka ay kami sana ngayon ni Ezekiel! ano bang ginawa mo?! ginayuma siya? hindi ka naman maganda! o baka naman ay inakit mo?!"

Sigaw niya, pinilit kong palmahin ang sarili, naiiyak kasi ako sa masasakit na salitang binibitawan niya, lalo na at hindi naman totoo. 

Pero ayokong umiyak sa harapan niya.

"Hindi ako ang dapat mong kwestyunin Bela, Si Ezekiel ang nagtanong saakin para maging kasintahan niya."

Sambit kong ikinailing niya.

"Kasi inakit mo siya! pwede kang tumanggi Laide!"

Mariing sabi niya, she looks hurt, alam kong dapat ay magalit ako sa mga salitang ibinabato niya, pero alam kong nasasaktan lang siya kaya siya ganito ngayon. Nakapagsasalita siya ng hindi maganda dahil nagdurugo ang puso niya at ayokong nagsalita rin ng mas masakit pa doon.

"Mahal ko din siya kaya pumayag ako Bela, naiintindihan kong nasasaktan ka kaya nakapgsasalita ka ng ganiyan ngay---"

Muli ay nakita kong itinaas niya ang kamay niya, hindi ko na sinalo iyon, kung gagaan ang pakiramdam niya sa pagsampal saakin ay hahayaan ko siya ngayon. Ngunit bago pa man iyon tumama sa muka ko ay may nakasalo na sa kamay niya.

"Tama na Bela."

Malamig na sabi ni Ezekiel na ikinalaki ng mga mata ni Bela.

"Siya ang nagsimula Ezekiel! sinampal niya ak---"

Ezekiel glared at her.

"Nakita kong ikaw ang naunang manampal Bela! at hindi magagawang manakit ni Laide! ano bang ginagawa mo?! nilinaw ko na sayo na hindi na ako makikipagbalikan at pagkakaibigan nalang ang maibibigay ko, huwag mo ng subukang saktan si Laide, kasi baka kahit pagkakaibigan, hindi ko na magawang ibigay!"

Galit na sabi nito, tumulo ang mga luha ni Bela saka yumakap kay Ezekiel, pero agad namang lumayo sakaniya si Ezekiel.

"Alam kong ako ang mahal mo Ezekiel! ako parin ang mahal mo! at ginagamit mo lang yang babaeng iyan para gumanti saakin! para pagselosin ako!"

Mariing sabi ni Bela na nagpailing lang sa kaharap.

"Matagal na tayong tapos Bela, nagpapasalamat akong dumating ka sa buhay ko, pero sana ay tanggapin mo na matagal ng sarado ang kwento natin. Mahal na mahal ko si Laide, nirespeto kita noong pinili mong sumama sa ibang lalaki, sana ay hayaan mo ako ngayong mahalin yung babaeng gusto kong makasama sa buong buhay ko."

Sagot ni Ezekiel, hindi ko alam kung dapat ba akong umalis, o manatili, dahil hindi ko din alam ang gagawin. Iyak lamang ng iyak si Bela habang puno ng sakit ang mga matang nakatitig saamin.

"You will regret choosing her over me Ezekiel! gagapang ka din pabalik saakin."

Mariing sabi nito saka padabog na umalis.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top