Kabanata 12

A/n: Browsing some pics on chrome for an art reference then I saw this. This is how I imagine Laide's hair  ❤

Adelaide

"Ezekiel! pano sila Bela at Grey?"

Tanong ko habang kasamang naglalakad si Ezekiel paalis ng lugar, bigla nalang niya akong binuhat kanina.

"Hindi na sila bata, kaya naman nilang umuwing mag isa."

Ngisi niya saka pumara ng tricycle habang hawak padin ang kamay ko.

"Ako din naman ah, saka sayang naman hindi ako nakapagpaalam ng maayos kay Grey o nakuha man lang ang number niya."

Nguso ko, lumalim ang gitla ng noo nito sa sinabi ko.

"Bakit tatay mo ba sya para magpaalam ka? Talagang gusto mo pang kunin yung number niya? may number din ako Laide, gusto mo bili pa ako ng isa pang sim, iyon pwede mong isave."

Sabi niya sabay irap saka kami sumakay ng trike, ang sikip pa kasi ang laki niya.

"Ezekiel masikip doon nalang ako sa maliit na upuan."

Sabi ko, umiling ito saakin saka naupo sa sahig ng trike, nakasandal ito ngayon sa legs ko, ako naman ay wala sa sariling hinaplos ang kaniyang buhok, ang lambot ng buhok niya.

"Dyan ka na sa malaki, baka masilipan ka pa dito, nakabistida ka pa naman."

Sabi niya, napanguso lang akong tumango.

"Tatanong ko nalang kay Wade kung anong number niya mamaya, magkaibigan daw sila ehh."

Saad kong nagpamulagat ng mata niya at lumingon saakin.

"Expired na daw sim ni Wade katulad niya, di pa siya nakakabili ng bagong utak---este sim."

Sabi niyang nagpakunot ng noo ko.

"Ah ganoon ba, sige tanungin ko nalang sakaniya kapag naki----"

Pinutol niya ang sasabihin ko.

"Tumawag siya saakin kanina, patay na daw siya."

Sambit nitong nagpamulagat saaking mga mata.

"A-Ano---"

"Patay patay daw saakin---char, nasa manila yon di alam kung kailan babalik, sana wag na."

Kibit balikat niya.

"Eh diba expired na sim niya? paano siya nakatawag sayo?"

Nagtatakang tanong ko.

"U-hh ano, sa spirit of the glass."

Tarantang sagot niya, magtatanong pa sana ako pero tumigil na yung tricycle na sinasakyan namin.

"Ohh andyan na pala kay---Oo alam ko, nakikita kong andito na kayo at hindi ito panaginip."

Sabi ni nanay nang magsasalita pa sana si Ezekiel, tawang tawa naman siya doon.

"Mano po."

Ngiti ko at nagmano sakaniya, ngumiti saakin si nanay saka inirapan naman si Ezekiel.

"Kaawan ka ng diyos anak."

Ngiti nito saakin.

"Asaan nga pala si Bela? hindi ba sumama dito?---oo alam ko Eseng wala akong nakikitang Bela dito, wag mo ng subukang mamilosopo, akala mo ha, tangna ka."

Irap ni nanay, natawa ako doon, si Ezekiel naman ay napanguso lang.

"Eh iyon nga ho ang sinabi ko kay Ezekiel nay, bigla nalang ho akong hinila pauwi, di ako nakapag paalam kay Bela at Grey."

Nguso ko, nangunot ang noo nito.

"Grey?"

Tanong niyang ikinatango ko.

"Ipis nay, ginawang pet ni Laide kaso natapakan ko."

Iritang sabi ni Ezekiel.

"Uy hindi---"

Tinakpan nito ang bibig ko saka malapad na ngumiti kay nanay.

"Gutom na kami nay, kain lang po kami."

Ngisi niya saka hinila na ako papuntang kusina.

Maya maya ay naramdaman kong nagvibrate ang phone ko, isang text message galing sa hindi ko kilalang number ang nakita ko, nagtatakang binuksan ko naman iyon.

From: +63**********

Hey this is Grey, swerte mo, hindi ako pala bigay ng number ko, but since were friends and you're my desciple I will consider. I got your number from Wade, I had fun irritating that guy you like, see you when I see you!

Napangiti ako nang mabasa iyon saka agad na isinave ang number nito.

KINABUKASAN ay abala nanaman ako sa trabaho sa Hacienda, tumulong ako ngayon sa paggawa ng bukayo. Nakakatuwa dahil may bago akong natutunan, habang sina Ate Dindy at Gwen naman ay kinina pa ako kinukulit na magkwento sa nangyari kahapon.

"Ayon, nagselos, kala niya ha."

Tawang tawang sabi ni Ate Gwen saka nakipag apir kay Ate Dindy, napanguso ako roon.

"Wala naman po syang sinabing nagselos siya eh."

Sabi ko sabay kamot ng ulo, inirapan ako ng dalawa.

"Bakit ikaw?  aaminin mong nagseselos ka kay Bela?"

Tanong nila, nanlaki ang mata kong sunod sunod na umiling.

"iyon naman pala eh."

Irap nila.

"Alam mo Laide, hindi naman mahirap na gustuhin ka, na mahalin ka. Hindi ka lang naman maganda, at kahit pangit ka pa, sigurado akong ikaw padin naman ang gugustuhin ni Ezekiel. Maganda ang kalooban mo, oo nakakainis pagka inosente at slow mo minsan, pero napaka buti at napakasipag mo, kahit nga kay Bela noon ay hindi ko pa nakikitang ganyan iyang si Eseng, mukang patay na patay sayo eh, marinig lang pangalan mo pucha yung marta biglang kikislap tapos ngiting aso pa, kala mo kinagwapo niya."

Pagkukwento nila, nanlaki ang mata ko saka uminit ang pisngi nang marinig iyon.

"Yeiii kinikilig!"

Natatawang sabi ni ate Dindy saka kinurot ako sa tagiliran, natawa nalang ako.

"Ang bagal naman kasi niyang si Eseng! hindi pa manligaw, kainis!"

Dagdag pa nila, nailing nalang ako doon.

"Bakit manliligaw ang tawag sa manliligaw?"

Tanong ko, nangunot ang noo nila roon.

"Bakit?"

Tanong ni ate.

"Eh naisip ko lang, diba dapat gagabayan ka? hindi ka ililigaw?"

Tanong ko.

"Malamang kasi lolokohin ka din, ililigaw para dimo sila mabisto ng kabit niya."

Irap ni ate Dindy, natawa nalang kaming tatlo.

Matapos naming magluto at palamigin iyon ay nagdesisyon kaming magtungo sa coconut farm para ipatikim sa mga nandoon natira sa mga niluto namin.

"Laide!"

Napangiti ako nang  makita si Wade kasama nito ngayon si Grey na nakangisi saakin.

"Asan si Eseng panget?"

Tanong nito.

"Nasa bayan sumamang magconstruction doon sa ginagawang bahay."

Ngiti ko, napasimangot siya doon,

"Ano ba yan! Wala tayong maaasar dito Grey."

He hissed, as usual, grey has a bored expression on his face, nginitian ko ito, ngumisi lang siya pabalik.

"Boring."

He shrugged, nailing nalang ako.

"Oh bukayo oh, tikman niyo."

Ngiti ko.

Isang oras din silang nanatili sa Hacienda at doon narin nananghalian.

"Ang gwapo mo Grey! kamuka mo yung crush kong Thai actor! si Jirakit Thawornwong!"

Ate Dindy giggled.

"Sino yon ate?"

Tanong ko.

"Si Zero yung gumanap sa Ugly Duckling Don't! Grabe ang gwapo non saka malakas ang dating. Parang mas gwapo pa si Grey, pero nakakakilig kasi kamuka mo tapos parang pareho mo pa ng postura saka pangangatawan!"

Ate giggled, nagkatinginan pa kami ni Grey at napakibit balikat lang, natawa nalang ako.

"Pinoy ka ba? Parang hindi eh."

Muling tanong ni ate.

"My Dad is Spanish-Filipino, My mom is Thai."

Sambit niya, nanlaki ang mata ni ate doon.

"Kaya naman pala! Saka anak ka nung may ari ng Villamor University diba? Ang pogi pogi ng tatay mo infairness saka matangkad!"

Muling saad ni ate, nailing lang doon si Grey.

"Hello people."

Ngiting ngiting sabi ng bagong dating, it's Bela again, napakurap ako nang makita ang ayos niya ngayon. Pinakulot niya ang tuwid niyang buhok, pero bagay naman sakaniya.

"Hello."

Bati ko, tinignan lang niya ako at nag iwas tingin.

"Si Ezekiel?

Tanong niya kay Wade na kasalukuyang nakangisi lang.

"Nasa construction site."

Ngiti ni Wade saka lumingon saakin saka muling ibinaling ang tingin kay Bela.

"Pero wala na siya doon."

Kunot noong sabi nito.

"Baka nagkasalisi kayo."

Wade shrugged, ngumuso lamang si Bela.

"Laide, pasuyo naman oh."

Ngiti ni Ate Gwen.

"Pahatid naman ito sa bahay ni Lola Gina, pinahahatid ni Mrs Juarez, may gagawin pa kasi ako. Pwede ka naman ng umuwi pagkatapos."

Utos nitong ikinatango ko.

"Ay sige lang po, saan po ba bahay niya?"

Tanong ko.

"Yun yung bahay na malapit sa may malawak na ilog diba? dito sa barangay?"

Tanong ni Wade na ikinatango ni ate.

"Ah doon nga, doon kayo naglalaro nila senyorito Alpha at Eseng noong mga bata kayo, tapos si Eseng lang ang mapapalo."

Tawa nitong nagpatawa din kay Wade.

"Sige ako na magtuturo kay Laide ng daan, namiss ko ding magpunta doon, babalik nadin kasi ako ng maynila next week. Sumama ka Grey, tutal ay bakasyon ka lang din, maganda doon, malinis yung tubig magandang ihian."

Biro ni Wade, Grey just looked at him lazily.

"Boring."

He yawned, napasimangot lang si Wade.

"Sige."

Dagdag niyang ikinairap lang ng katabi, natawa ako doon.

"Can I come too? baka pagbalik natin nandito na si Ezekiel, ayokong maghintay lang dito."

Ngiti ni Bela.

"Sure."

Wade grinned.

SUMAKAY kami sa sasakyan ni Wade dahil kahit nasa baranggay ay may kalayuan ito sa Hacienda, excited nadin akong makita ang ilog. Nagdala din ako ng extrang damit dahil nagyaya si Wade na maligo doon, gusto kong subukan.

dumaan kami sandali kay lola para ibigay yung bukayo saka kami naglakad patungo sa ilog. 

"Wow!"

Masayang sabi ko nang makita iyon.

"Hindi ka pa ba nadadala dito ni Ezekiel?"

Ngisi ni Bela, umiling naman ako.

"Aww, and here I thought you're special, tama ka nga, I shouldn't really see you as a threat."

She giggled, ngumiti ako saka tumango nalang, ayokong masira ang maganda kong mood sa magandang lugar na ito.

"WOOOH!"

Wade shouted then jumped on the river, kasunod niya ay si Grey.

"Di kayo lalangoy?"

Tanong nito, umiling lang si Bela.

"No, hindi ako nakapagdala ng swimsuit."

Ngiti nito, napatango lang ang dalawa doon saka tumingin saakin, ngumiti ako saka dahan dahang lumusong sa tubig.

"Lalangoy kang nakabistida??"

Tanong ni Grey.

"May extra naman akong dala saka nakashorts ako."

Ngiti ko saka naglakad saka sa mababaw na parte ng ilog.

"Kukunin ko lang yung mga pagkain."

Sabi naman ni Bela.

"Tulungan na kita."

Ngiti ko, tinignan lang niya ako saka tumango, looks like her nice act towards me stopped.

"Can you stop pretending you like me?"

Inis na sabi niya pagdating namin sa kotse.

"Hindi kita gusto Bela."

Ngiti ko.

"Then why are acting all nice? you already saw through me, stop being such a plastic"

Irap nito.

"You don't like me either pero naging mabait ka saakin. The difference is, para saakin, hindi ko kailangang tumigil na maayos kang tratuhin at respetuhin ka dahil lang ayoko sayo. Pinakikisamahan kita kasi iyon ang tama at alam kong espesyal karin kay Ezekiel at sa pamilya niya."

Ngiti ko saka dinampot ang ilan sa pagkaing binili namin kanina sa nadaanang mini grocery. Satingin ko mabait naman si Bela, naniniwala ako na may kabutihan sa bawat nilalang, hindi pwedeng masama lang.

Pinagdadasal ko lang na sana kahit iisa lang ang gusto namin ay makatagpo kami ng kaniya kaniyang kasiyahan sa huli.

"He's the food na."

Ngiti ni Bela kay Wade at Grey na muling tumalon mula sa batuhan.

"Maglilibot lang ako."

Paalam ko.

"Wag ka lang masyadong lumayo Laide."

Paalala ni Wade, ngiting tumango naman ako saka nagsimulang maglakad lakad. Lumilipad ang utak ko habang tuwang tuwa sa kapaligiran, hindi ko namalayang napalayo ako. I frowned, dibale at diretso lang naman ang tinahak kong daan.

Napangiti ako nang makita kung gaano kaganda sa parteng ito ng ilog, nakita ko ang malaking bato at naisip na akyatin iyong upang makitang maigi ang lugar.

 I was humming as I climb the rock.

"Wow."

I mumbled when I got on the top, sa sobrang excitement ay napatalon ako. Nanlaki nalamang ang mata ko nang mawala ako sa balanse dahil doon. I closed my eyes, ready to fall in the water, but instead I felt a warm embrace, I landed on a pair of strong arms.

Pag mulat nang mata ko ay mga mata niyang kakulay ng kalangitan ang sumalubong saakin na bahagyang nagpatambol sa puso ko.

"E-Ezekiel?!"

Gulat na sabi habang buhat padin niya ako. He's topless--no he's not just topless! Nanlaki ang mata ko nang makita wala siyang saplot.

"A-Anacondal!"

Gulantang na sabi ko.

"Ganda---h-ha?"

He blinked, nanlaki ang mata niyang inilubog ang ibabang bahagi sa tubig, nabitawan pa niya ako, buti nalang at nakakapit ako sakaniyang batok.

"Anong ginagawa mo dito Ezekiel? bakit wala kang damit?"

Tanong ko.

"Nadaanan ko itong ilog pauwi kaya naligo muna ako, yung damit ko ayokong mabasa. Ikaw bakit nandito ka? may kasama ka?"

Malalim ang gitla ng noong tanong niya.

"Kasama ko si Grey---"

"Grey?!"

Napataas ang boses na sabi niya.

"---saka si Wade at Bela, bat ka sumisigaw?"

Kunot noong sabi ko, nandilim ang muka niyang humigpit ang hawak saaking bewang.

"Nagseselos ka ba?"

Tanong kong ikinalaki ng mata niya.

"Oo, bakit may angal ka?"

Irap nito, napanguso akong nagpipigil ng ngiti.

"Bakit gusto mo talaga ako? hindi nawala yon nung dumating si Bela?"

Muli kong tanong.

"Bakit mawawala yon? bakit hightecht ba itong puso ko at may password na napapalitan? Padlock to Laide, iisa lang yung susi, hindi mawawala ang pagkagusto ko sayo dahil lang dumating ang ex ko."

Sabi niya, nakagat ko ang labing nag iwas ng tingin.

"E-Eh bakit sakaniya ka lagi sumasama?"

Nguso ko.

"Kasi akala ko eh hindi naman siya laging pupunta dito at kahit papaano may pinagsamahan kami. Kahit pa gustuhin kong pumunta sayo hindi ko alam kung bakit niya ako laging hinihila kung saan, miss na miss na nga kita kita eh."

Napabuga ito ng marahas na hangin.

"E-Edi wow."

Nguso kong ikinalaki ng mata niya.

"Gumaganyan ka na Laide?"

Ngisi niya, nanlaki ang mata ko doon.

"S-sorry."

Nguso ko, natawa si Ezekiel.

"Shit, namiss ko ito."

Ngiti niya, gumihit din ang isang matamis na ngiti saaking labi.

"Ako din."

Sambit ko.

"Maniwala ka saakin Laide, kaibigan ko lang si Bela, yung saamin matagal ng natapos, ikaw ang gusto ko, kaya kung ano man ang iniisip mo, hindi iyon totoo, hindi ko na mahal si Bela."

Nakatitig lamang siya sa mga mata ko habang sinasabi iyon.

"W-Wala naman akong ibang naiiisip."

Nguso ko.

"Eh bakit ka umiiwas? Akala mo hindi ko napapansin?"

Sabi niya, napayuko ako doon, maya maya ay napasinghap nang mahigpit niya akong yakapin.

"Sorry."

Muli kong saad, umiling ito saka masuyo akong hinalikan sa tungki ng ilong ko saka saaking noo.

"Sabihin mo lang kung gusto mong dumistansya ako kay Bela."

Sabi niyang ikinalaki ng mata ko, gusto ko sana sabihing hindi na kailangan pero nakapagtataka at iba ang iminutawi ng bibig ko.

"Sige--a-no, Ikaw ang bahala."

Sambit ko saka nag iwas ng tingin, ngumisi ito roon.

"Selos ka?"

Ngisi  niya.

"H-Ha?"

Wala sa sariling sabi ko, Ezekiel chuckled.

"Gusto mo din ba ako Laide?"

Tanong niya, para bang napipe ako sa tanong na iyon at hindi ako makasagot. Handa na ba ako? hindi ba dapat ay tanungin ko muna kung okay lang kay lola?

"H-hindi ko alam."

Iyon ang sinabi kong ikinatango niya.

"Hindi ako nagmamadali, maghihintay ako Laide."

Ngiti niya, nakagat ko ang labing tumango.

Mahal na ata kita Ezekiel, iyon din siguro ang hinihintay ko saiyo, kapag sinabi mong mahal mo ako ay satingin ko handa akong sumugal. Hindi ko sigurado kung papaano nangyari, pero satingin ko ay hindi nalang simpleng paghanga at pagkagusto ang nararamdaman ko.

Pero natatakot ako, nalilito at walang kasiguraduugan kung totoo ba ang nararamdaman. Marami akong hindi alam sa mundo, sampung taon ang ipinagkait saakin, ayokong basta nalang sumugal, inosente man ako sa ilang mga bagay bagay ay alam kong hindi ako dapat nagpapadalos dalos sa papasukin ko.

Ang sabi ni lola saakin kagabi, ang pagpasok sa relasyon ay hindi lang daw puro saya, hindi lang umiikot sa kilig. Pag isipan ko daw muna kung ano ba talagang nararamdaman ko at alamin kung pareho kami ng nararamdaman ni Ezekiel saka ako susubok.

"Salamat."

Seryoso kong sabi, nanatili kami sa ganoong posisyon, nakatitig lamang sa muka ng isa't isa. I saw how his eyes travelled on my face, specially on my eyes and then lips, ganoon rin ako sakaniya.

I remembered that night, that passionate kiss he gave me that I always craved since I got a taste of it. That lips I always dream about kissing it since I felt it touched mine, I've been starving for it and I couldn't understand why.

Nalilito ako.

"Can I kiss you Laide?"

He asked while staring right straight into my eyes. Para bang wala ako sa sariling napatango kasabay ng paglapat ng mainit nitong labi saakin.

Sinagot ko ang mga halik niya, sinusundan ang bawat galaw ng kaniyang labi kahit walang kasiguraduhan kung tama ba ang ginagawa.

Pagagalitan ako ni lola kapag nalaman niyang nakipaghalikan ako. Ang sabi niya kasi ay bawal daw mahalikan.

Okay lang kayang hinawakan ako ni Ezekiel noong nakaraan sa pagkababae ko? wala namang sinabi si lola eh, hindi niya saakin naituro iyon.

"LAIDE!"

Narinig kong pagtawag, nanlaki ang mata ko roon at akmang magsasalita nang muli akong halikan ni Ezekiel at pasandalin sa malalaking mga bato malapit saamin.

My eyes widened, may naramdaman kasi akong mahaba at matigas na bagay na nakadikit ngayon sa pagkababae ko at nakaipit sa mga hita ko.

At satingin ko ay may ideya na ako kung ano iyon. Umaatake nanaman ba ang sakit ni Ezekiel? Gusto kong magsalita pero hindi ko mapigilang ibalik ang maiiinit at bahagyang nakakasabik niyang mga halik.

"EZEKIEL!"

Boses iyon ni Bela.

"Diba sabi nung bata nakita niya kanina si Ezekiel? kanina pa tayo nag iikot."

Sabi nitong ikinataranta ko lalo saka pinutol ang halik. Titig na titig saakin si Ezekiel at muli akong hinalikan, wala akong ibang magawa kundi mapapikit, idagdag pa ang masarap na sensasyon na aking nararamdaman saaking pwerta.

Para bang may sariling buhay ang katawan kong kinikiskis ang pagkababae sa mahabang bagay na mayroon si Ezekiel, naramdaman ko ang napahigpit na paghawak ni Ezekiel saaking bewang, sa gitna ng aming halikan.

Nang mapatingala ako ay mahina akong napasinghap nang makitang nakangisi saamin si Wade.

Ezekiel embraced me and showed him his middle finger. Pakiramdam ko ay nangamatis na ang muka ko nang mapagtantong nanonood ito.

May inihulog itong nasalo ni Ezekiel, mga damit niya iyon.

"Wala sila dito, baka nagmomomol----este baka nagkasalisihan na tayo."

I heard Wade said then chuckled, mariin kong nakagat ang labi doon saka sinamaan ng tingin ang nakangisi lamang na si Ezekiel.

Narinig nalang namin ang papalayong yabag ng mga ito.

"N-nakakahi----"

Naputol muli ang sasabihin ko nang halikan niya ulit ako! nakakainis dahil para bang wala akong kontrol sa sariling walang sawang tinutugon iyon..

A/N: Walang naghihintay na tuka ng tuka Eseng, baka maubos yan 😂😂😂

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top