Chapter 9

Hill.

Lilia

"This place is really huge, I remember about 10 years ago, Mr and Mrs Juarez presented me some pictures of this Hacienda and I don't remember it being this huge."

I commented while we were walking on the coconut plantation.

"This Haciend was nearly sold 1 year ago because of a debt, the three of us invested para mabawi ito, so basically, I am an owner too."

Wade said proudly.

"Me and that poor Eseng have twenty five percent share while that damn Alpha has fifty percent."

He added, napatango ako doon.

"I admit, you three did a great job making this Hacienda grow more in just a year."

I commented making him smirk.

"And were still working on it, kahit noong wala pa kaming investment dito ay tumutulong na kami! Pero ako talaga ang pinakamasipag saamin! Busy iyong mga iyon kakabuntot eh!"

Sambit niya, nangunot ang noo ko roon.

"Ikaw? Masipag? Noong mga araw na dapat ay nagtatrabaho ka sa Tech company niyo? Nasaan ka? Nasa opisina ko lang naman!"

Wika kong bahagyang nagpatawa sakaniya.

"Hindi ko kasalanang masyado kitang namimiss baby!"

Binbalingan ko nalamang siya ng masamang tingin.

"Oh shut up Wade, ang sabihin mo ay sadyang kulang ka lang sa pansin."

Saad kong nagpatawa sakaniya, I don't how the hell did he made his tech company on top.

Para itong kabuting kung saan saan nalamang sumusulpot, feeling ko nga minsan ay nasama na siya sa mga no permanent address kakabulabog saakin.

But I won't deny that Wade is indeed smart, he's not just good at hacking and being an agent, natitiyak kong magaling din siyang magpatakbo ng kompanya nila. Well Andrada tech won't be on top spot if he's not.

"What? Thinking how handsome I am?"

He grinned, nakuha pa nitong magtaas baba ng kilay.

"I'm thinking of ways to kill you."

Lukot ang mukang sabi ko na nagpasimangot lamang sakaniya.

"Hmm, me too."

He said then smirked.

"Nag-iisip ako ng mga paraan kung paano kita papatayin--sa sarap."

He winked, I just stared at him blankly, I should just ignore him. Humugot ako ng malalim na hiningaang hindi na siya pinansin at nauna ng maglakad. Wade just chuckled, naabutan din naman ako nito saka tumabi saakin.

"These coconut trees were so tall."

I commented while looking up, I can even see men climbing those.

"I can do that too, Di mo naitatanong professional akong taga akyat sa puno ng niyog!"

Singit niya, tinaasan ko lang siya ng isang kilay.

"Malamang opisina ko nga inakyat mong papansing unggoy ka, wala nalang sayo mga punong yan."

Irap kong bahagyang nagpahalakhak lamang sa monggoloid na ito.

"Eh kasi noong bata kami, naghahanap kami ng salagubang dito kahit napagalitan na kami ng ilang beses."

Napangisi ito saka tumingin saakin.

"Tapos sumigaw nun si Baldo yung isa pa naming kalaro noon parating na daw mama ko, edi natakot ako noon kasi baka pakainin nako ng tsinelas, ang sakit kaya mapalo!"

Natawa ako doon saka tinanguan siya.

"Kaya ang ginawa ko inakyat ko yung puno, di naman ganun kataas tulad ng iba. Muntik pa akong mahulog non buti nakalambitin ako doon sa malapad nadahon niya. Sa sobrang takot ko di ako tumalon kahit ang sabi ni papa ay sasaluhin nila ako. Ang nangyari ay halos isang oras akong nakalambitin doon sa dahon at isang oras din akong kinukumbinsi nina papa."

Natawa ako lalo doon, imagining little Wade na nakalambitin sa puno. Nagmuka siguro siyang keychain na matsing.

It took us an hour to finish the long road of coconuts, hindi ko man lang namalayan!

"Ang daldal mo rin ano?"

Saad ko, para bang napakadali ng paglalakad namin sa dami ng napagkwentuhan, nakakainis lang dahil halos mawala ang poise sa bawat kwento niya saakin.

"Atleast I get to see you smile and laugh."

He said then winked at me, nailing nalamang ako.

"Pahinga muna tayo gusto mo?"

Tanong niyang nagpatango saakin saka kami naupo sa malapit na upuang gawa sa kahoy sa lilim ng mga puno. Kumuha pa siya ng buko sa dumaang trabahador doon para mainom namin.

"Is that a mango plantation?"

Tanong ko habang umiinom kami ng sabaw ng buko nang matanaw ko iyon.

"Yes, want to go there?"

He asked, pinapaypayan pa ako nito gamit ang isang folder na hindi ko alam kung saan niya nadampot.

"Hmm, yes, I love mangoes."

I uttered making him smile.

"Ako kaya love mo?"

And here we go again with his banats!

"No."

I said simply makinh him pout.

"Eto naman no agad, pag isipan mo muna baby!"

Reklamo niya, I sighed.

"Edi yes."

I said, his eyes widened, bigla nalamang siyang natulala habang nakatitig saakin.

"As a friend, tulala ka agad dyan eh."

Irap ko, his face fell, nailing nalamang akong tumayo na sa kinauupuan.

But to my surprise, Wade is too quick to grab my arms and pin me into the coconut tree near us as he started owning my lips!

He bit and and sucked my lips and I couldn't help myself but return his hungry kisses. It was intense and electrifying, mahigpit pa akong napakapit sa balikat niya.

Nang maputol ang halik ay doon nalamang ako nakaramdam ng hiya, papano kung may nakakita pala saamin? Nakakahiya!

"I will make you love me Lilia."

Ngisi ng gago, mabilis ang pagharumintado ng aking puso habang tulala padin sakaniya. His honey colored eyes were intense, it's making loose my damn mind!

"Isn't that too late for me? Stop joking Andrada."

I said blankly trying to defend the walls surrounding my heart from this man who's trying to penetrate it.

"I am not Joking."

He said, I just shrugged, nag umpisa na akong maglakad para mauna sakaniya ngunit agad din naman ako nito naabutan at nasabayan.

"I'm sick tired of just looking at you Lilia."

He smirked.

"I will make you look at me that you won't be able to see other guys the same way you're going to see me."

He said with that mysterious smile plastered on his face.

"I'd like to see you try."

Taas kilay na sabi ko..

"uh-huh.."

He just said with that grin on his face, nailing nalamang ako. We went to the mango plantation, malaki at malawak din ang lugar, halos magningning ang mga mata ko sa bawat basket na puno ng hinog na mga mangga.

"Magandang araw ho!"

Bati ng ilang trabahador doon.

"Wade! Iyan na ba iyong girlpren mo?"

Tanong ng isang may edad na lalaking lumapit saamin at may dalang isang basket na puno din ng hinog na manga.

"Hindi pa po ako sinasagot eh."

Ngisi ng lalaking ito.

"Humina ka ata!"

Natawa lamang si Wade doon na bahagyang nagpakunot ng noo ko.

"Mukang maganda ang ani ngayon ah."

Komento ni Wade, napangiti doon ang lalaki.

"Oo nga ho, gusto niyo ho bang tikman? Matamis po ito!"

Alok niya, natatawang tinanggap iyon ni Wade at iniabot saakin, napangiti ako doon.

"Salamat."

Turan ko, Wade winked at me then glanced at the man.

"Salamat ho Mang Isko."

Ngiti niyang nagpatango sa lalaki.

"Oh siya't mauuna na ako, ipasyal mo muna iyang maganda mong kasama, bakudan mong mabuti."

Sambit nitong nagpatawa kay Wade, napailing nalamang akong inamoy ang hinog na mangga, I really like it's scent, ang tamis ng amoy nito at halatang masarap.

"Kuya pogi!"

Tumakbo ang ilang bata papunta sa direksiyon ni Wade, napangiti ako nang makitang nagsikapit ang mga ito sakaniya. Natawa doon si Wade na nagawa pang makapaglakad habang nakakapit sa dalawang binti niya ang mga bata.

"Ben! Ten! Ayan nanaman kayo! Wag niyong istorbuhin si Kuya niyo Wade at gelpren niya!"

Sigaw ng isang babaeng satingin ay kaedaran lamang ni Wade, nanlaki ang mata ko doon. Nagsibungisngisan ang dalawang batang lalaki saka umalis na sa binti ni Wade at lumapit sa babae.

"Nililigawan palang Gwen, pero darating din kami diyan."

Ngisi ni Wade na pinanlakihan ko lamang ng mata.

"Naku! Wag mong sagutin ito! chick boy ito!"

Tawa ng babae, napangiti ako doon saka tinignan ang nakasimangot na si Wade.

"Gwen naman! Baka maniwala eh! Gwapo lang ako at lapitin pero good boy ako!"

Reklamo nito, mahina akong natawa doon.

"Asaan asawa mo?"

Tanong ni Wade saka kami lumapit sa mahabang lamesa kung saan may inihahaing mga pagkain doon iyong gwen.

"Kinuha ni Kevin iyong mga water Jag kasama si tatay Max."

Ngiti niya, si Wade naman ay iginiya ako paupo sa isang mahabang upuang gawa sa kawayan.

"Makikain na kayo rito, tutal at madami kaming nailuto!"

Imbita niya, ngumiti lamang ako sakaniya na nagpangiti lalo sa babae.

"Sige, nakakagutom ding maamoy iyang mga inihain niyo eh."

Wika ni Wade, tahimik lamang ako dahil nakakhiya namang makisawsaw sa usapan. Tama nga si Wade dahil mukang masarap nga man talaga ang nakahain. May mga mangkok na may lamang tinola, may tuyo, itlog maalat, kamatis at kanin, mayroon ding mga manggang nakalagay sa basket.

"Ganto dito tuwing tanghalian, sabay sabay kumakain mga trabahador dito sa lilim tapos yung mga asawa nila ang nagtulong tulong magluto."

Paliwanag ni Wade, my mouth formed an 'o' then nodded my head on him. It's inded refreshing, eating outside, malilim naman dahil sa mga puno ng mangga at sariwa din ang hangin, I feel like I could stay here forever.

"Tart!"

Ngiti ng lalaking may buhat na dalawang water jag saka inilapag iyon sa isang pang mahabang upuang gawa sa kawayan.

Si Wade naman ay tumayo upang tulungan iyong matandang magbuhat, parang napakagaan noon para sakaniya nang buhatin niya.

Nang mapansin niyang nakatingin ako ay kumindat siya saakin na hindi ko na pinansin.

"Kinukuha na ni Sandy, Pearl at Karen iyong kakanin Tart, tawagin mo na muna iyong mga kasama niya at nang makapagtanghalian na."

Ngiti ni Gwen sa asawa niya saka tumabi saakin.

"Ikaw si Lilia diba?"

tanong niyang nagpatango saakin.

"Naikukwento ka saamin ni Wade sa selpon! Ang ganda mo din sa personal! Muka kang artista sa hollywood, ako si gwen."

Ngiti niya, napangiti ako doon.

"My name is Lilia."

I uttered, napatango siya doon.

"Mukang masarap itong mga luto ninyo."

Turan kong nagpabungisngis sakaniya.

"Syempre ah! Maong ta nagsabi itong si Wade ya bibisita kayo, akapanluto kami ya Latik tan und-unday."

Wika niya, mukang pinaghalo niya ang tagalog at ang local language nila rito pero naiintindihan ko naman ang sinasabi niya.

"Salamat, di na sana kayo nag abala."

Ngiti kong nagpangiti din sakaniya, maya maya pa ay dumating na ang mga tao at nag-si upo na.

They asked Wade to lead the prayer and after that we all ate, ang ingay ng mga ito kung mag usap ay parang napakalayo ng kausap pero masaya naman at nakakatuwa. Masarap ang mga pagkaing inihain nila kaya naman ay busog na busog ako.

I feel at home, buong oras na iyon ay nakangiti lamang ako, and I can't remember the last time I smiled and laughed freely like this. Kanina pa ata ako ganito mula pa noong naglalakad kami ni Wade sa coconut plantation at nagkukwentuhan tungkol sa kabataan namin.

The fresh air feels great, natutuwa din ako sa mga batang makukulit. Alas kwatro na ng hapon nang matapos kaming maglibot sa buong Hacienda. May dinaanan pa kaming Fish farm at natutuwa akong nagpakain ng mga isda.

Bumisita din kami sa mga kabahayan sa loob ng Hacienda at nakatutuwang nakisalamula sa mga mababait na mga residente ng lugar.

I actually have a mansion I think three hours away from here, sa lolo ko iyon pero hindi ko nabibisita dahil sa sobrang busy.

"Pagod ka na ba?"

Tanong ni Wade na nagpailing lamang saakin.

"I'm fine, last naman na diba?"

Tanong kong nagpatango sakaniya.

"I can carry y---"

Sinamaan ko siya ng tingin na nagpatikom lamang sa bibig niya. We both walked into the hill, inaalalayan ako nito paakyat na hinayaan ko lamang. Malayo ang burol na iyon sa mga kabahayan ngunit nasa dulo ng malawak na mango plantation.

Sa tuktok ng burol ay may maliit na kubo at malaking puno na may kahoy na krus na nakaturok sa lupa sa ilalim ng punong iyon.

Damang dama ko ang sariwang simoy ng hangin na yumayakap saakin.

"Wow..."

I uttered, tanaw dito ang Hacienda. Medyo nagulat pa ako nang hawakan ni Wade ang buhok ko. Sinuklay niya iyon gamit ang kamay niya saka ipinusod.

"Napupunta sa muka mo iyong buhok mo."

Ngiti niya, his honey colored eyes were beautifully reflecting the mild sunlight, medyo natulala pa ako kasabay ng mabilis na pagtahip ng aking puso.

"Pogi ba?"

Ngisi niya, my face crumpled, natawa lamang siya doon.

"Walang nagpupuntang tao dito."

Wade stated, I glanced at Wade's direction.

"Bakit naman? Ang ganda kaya dito? Saka bakit noong nagpunta tayo dito ay patago pa? May balak ka?"

Kunot noong sabi ko, natawa siya doon at umiling.

"Hmm, slight?"

He said, I glared at him then looked back at the sunset.

"Walang nagpupunta dito kasi gago si Eseng, ipinagkalat ba namang may multo dito noon, idinamay pa ako! Madali ding naniwala mga tao."

Tawa niya, nangunot ang noo ko doon habang siya ay twang tawa padin.

"It's our highschool days halos himatayin si Ate Rosing at Nay Delia sa pananakot namin noon kaya ayun kumalat, malay ba naming papatulan nila."

Tawa niya, I rolled my eyes on him.

"Bakit niyo naman gagawin iyon?"

Tanong kong nagpangisi sakaniya.

"Para may hide out kaming tatlo, iyang kubo ngang iyan, kaming tatlo lang ang gumawa, dito kami nagjajamming noon."

He shrugged, nailing nalamang ako.

"Medyo gago kayo sa part na pananakot."

Irap kong nagpatawa sakaniya.

"Madami daw kasing pinatay dito noong panahon ng espanyol, ginamit iyon ng gago nakisakay lang naman kami sa kwento!"

Ngisi niyang nagpangiwi lamang saakin saka napatingin sa lumang krus na nakatusok sa lupa sa ilalim ng malaking puno sa tabi ng kubo.

"Anyways, I'll go get something inside."

Wika niya saka nagtungo sa loob ng kubo, paglabas niya ang may dala na siyang gitara at makapal na kumot.

"Wait there."

He said, inilatag niya ang kumot sa damuhan. Nang matapos siya ay pinaupo niya ako doon.

"Haharanahin kita."

Ngisi niya, I just gave him a smug face.

"Bakit? Marunong kang kumanta?"

Ngisi ko, napakamot ulo lamang siya.

"Hindi."

Nahihiyang sabi niyang nagpatawa saakin.

"Bakit yung magagaling lang ba ang pwedeng mangharana? May favoritism kayo, wag tayong Bias! Saka kasama kaya ako sa banda dati, ako yung lead guitarist!"

Pagmamalaki niyang napabungisbungis lang saakin.

"Anong pangalan ng banda niyo?"

Tanong ko, for some reason biglang namula ang muka niya.

"Pussycat destroyer."

Nakangusong sabi niya, I blinked, bigla akong napahalakhak doon.

"Seriously?"

Tawang tawa pading tanong ko.

"Gago kasi si Eseng! Siya iyong nagregister non noon sa school! Halos gulpihin namin siya ni Alpha, napakacorny! pambakla."

Nguso nitong pulang pula parin, tawang tawa ako doon.

"On second thought I am good at destroying your pussy though."

Tango tangong sabi niya na ikinamulagat ng mata ko, halos masamid ako sa sa sariling laway.

"Gago!"

Bulyaw kong nagpahalakhak sakaniya saka inistrum na ang gitara niya at nagsimulang kumanta.

Wala sa tono ang boses niya at pakiramdam ko ay nagtutula siya pero para bang confident na confident pa siya sa pagkanta. Napangiti nalamang ako habang pinanonood siya, may papikit pikit pa si gago, feel na feel!

"Tonight will be the night
That I will fall for you over again
Don't make me change my mind

Or I won't live to see another day
I swear it's true
Because a girl like you is impossible to find
You're impossible to find"

Kanta niya habang nakatitig saakin, napapangiti nalang ako dahil may action pa ang pagkanta niya.

"Alam mo pasalamat ka at gwapo ka, para kang nag ispoken poetry."

Tawa ko, natawa lang din siya doon.

"Salamat."

Turan niya sabay kindat saakin at aba! nagbow pa!

"I know I'm a total performer."

He joked, natawa ako uli doon.

"Asa ka Andrada!"

saad ko, napangisi siya roon.

"Seeing your smile and laugh? Feeling ko ako na ang pinakamagaling na singer sa mundo!"

Saad nito saka walang pasabing pinatakan ng malamyos na halik ang labi ko, I smiled.

"Thank you, It's been ages since I felt this free and happy, I admit, being here with you is not so bad."

I shrugged, it's actually him that made me more happy as I roam around the Hacienda.

"R-really?"

Ngiti niya, napatango ako roon na ikinapula ng pisngi niya saka ngumiti lalo at muli akong pinatakan ng halik sa labi.

"I'm so glad you were here."

Saad nito, medyo natulala pa ako doon.

"Wade?"

I called his name, his eyes were looking at me intensely, pakiramdam ko ay matutunaw ako sa init ng titig niya saakin.

"Why are you doing all of these?"

I asked, nanatili ang titig niya saakin kalaunan ay napangiti.

"I admired you the first time I saw you, even with that mask, you look so cool, I couldn't stop thinking about it after that day. I got so facinated with the way you moved, your voice and your eyes that day, you're my first crush."

Natawa siya doon habang nakatitig padin saakin.

"Kaya noong nagkaroon ng pagkakataon ay agad akong sumali sa organization, simple reason, a teen ager who wants to get noticed by his crush."

He said, I blinked.

"I enjoyed working on that organization too, my family is not perfect, kahit pinapaalis mo ako sa opisina mo ay ikaw ang naging takbuhan ko noon. You were mysterious, I badly want to know you, lagi akong nagpapapansin pero di mo ako pinapansin, until one day I realized iba na. Imagine how devastated I am when I thought you died, I haven't even told you my feelings."

He chuckled.

"I can't believe I fell for someone I know nothing but her code name, I admired you for so long that I didn't realize what I really feel earlier. And now that I found another hope? I will do everything to make you fall for me, sorry to say but you won't easily get rid of me."

Ngisi niya, I was in daze, I got dumbfounded, I recieved a lot of confessions before but never did I felt like my heart is doing rampage on my chest like what I am feeling now.

"So stop saying that I am joking cause I am not, I love you Lilia, for twelve freaking years! and there is only two options for you, be my girlfriend or be my wife."

Turan niyang ikinawindang ko lalo, Wade just chuckled.

"Or I'll wait?"

Ngiti niya nang hindi ako nakasagot, napatango nalamang akong nagiwas ng tingin.

T I M E L E S S L O V E
by: peculiar lullaby

Ngayon lang nagkatime magsulat T__T naistress ako myghaad! Anyways hope you enjoyed this chapter ^^

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top