Chapter 19

Lilia

"Nawala lang ako magjowa na kayo?!"

Gulat na sambit ni bakla, napatakip ako ng tenga roon.

"Ano ba, nakalunok ka ba ng microphone ha? Bitch calm down."

Irap ko, inungusan lamang ako ni Juan Isidro.

"You should've updated me! Kung hindi pa ako nagpunta dito para makibalita, hindi ko pa malalaman!"

Pagmamaktol niyang napapadyak pa. Well I don't really like the idea of being public in a relationship, I want everything personal in private, ayoko ng may nakikisawsaw kahit hindi naman related saamin.

"I'm busy okay? Nanay ba kita para iupdate ko?"

Pagtataray ko sa malditang baklang ito na ang tagal ding di nagpakita. 

"Saka hoy ikaw din naman, nagkajowa sa England di man lang nagsabi! Kung hindi pa nga kayo nagbreak ay wala kang balak umuwing gaga ka."

Dagdag ko, madramang napasinghap siyang humawak pa sa dib dib niya.

"I don't want to talk about it."

He said then rolled his eyes on me, sinipa ko lamang siya saka muling uminom ng kape ko.

"Himala at magdeday off ka ngayon, I never thought, this day would actually come, alam mo pa pala magday off?"

Sambit nito na siniko ko lamang.

"May dinaan lang akong papers sa opisina, I want to visit Wade this time. Since palagi nalang siya ang nag aadjust para saakin, I feel like, I am being unfair."

I shrugged, napangiwi siya doon habang kasabay kong pumasok ng elevator. Tambak ang trabaho ni Wade ngayon, I want to surprise him, hindi naman pupwedeng siya nalang parati.

"Ang unfair talaga! You have no experience in romance that much but you still have to make a move to keep your man. Pag ikaw nasingitan, wag kang iiyak iyak ha."

Pang ookray nito saakin.

"Coming from you?"

Taas kilay na sambit ko, matalim lamang niya akong binalingan ng tingin.

"Well I've been busy, but I still talk to him plenty of times a day through video call while were working. Then he would visit me when he finished what he is doing, or he'll just do it on my office. We would also travel every weekend together or go to La Muerte."

I stated.

Paglabas namin ng elevator ay patuloy padin kami sa pagkukwentuhan, nagrant lang ito ng nagrant tungkol sa ex boyfriend niya sa England hanggang makalabas kami ng building.

We went to the parking lot and waved each other good bye as we rode our cars. I started driving, it took me half an hour driving to the building where his main office is located.

Sakto namang nagring ang phone ko, napangiti ako nang makita ang pangalan ni Wade roon.

"Hello Ganda."

Bungad nito, ngiting nailing ako at pumasok sa loob.

"You sound exhausted."

I said, he just sighed.

"I've been working all night, miss na miss na kita."

He frowned, mahina akong natawa doon.

"That's what you get for being lazy."

Ngisi ko as usual, I am the center of attention. Considering the news that me and Wade are dating. We haven't confirmed it and didn't deny it either, ayokong mainvolve ang media saamin.

I went inside the elevator, buti nalang at walang tao roon. I pressed the top floor button and glanced at my reflection in the mirror.

Napangiti ako nang makitang maayos naman ang itsura ko.

"I'm trying my best to finish everything so I won't have anything to do when we go back to La Muerte."

He stated, I just giggled.

"Just don't forget to take a break."

I said, sakto namang nagbukas ang elevtor na sinasakyan ko.

"Nah I'm fine, I feel like my energy is back, now that I am hearing my baby's lovely voice."

Pambobola nito, hindi ko maiwasang mapangiti roon.

"Don't flatter me too much, baka masanay ako."

Sambit ko, Wadee chuckled.

"Edi mabuti, masanay ka lang, I will spoil you with love, hanggang di mo na kayang mawala pa."

That made me giggle softly.

"Fine for me, just don't end up leaving me alone."

I shrugged as I walked into the hallway, nang makita ako nang sekretarya niya ay agad ko siyang sinenyasan na tumahimik. Malapad itong napangiti at tumango.

"Don't worry, I won't leave you alone as long as I live, hindi ako naghintay sayo para lang itapon ang lahat."

Sinilip ko siya mula sa labas ng opisina at napangiti nang makita kung gaano ito kasaya. Binuksan ko ang pintuan ng kaniyang opisina saka nginitian siya.

"Hmm.. I like the sound of that."

I said, bahagya siyang natigilan doon at nanlaki ang matang napatayo nang makita ako.

"Baby!"

He uttered then walked at my direction as he leaned closer to give me a tight hug, mahina akong natawa doon.

"Goodness, I thought I am daydreaming."

He chuckled, ngiting ginawaran ko naman ito ng halik.

"I miss you."

I said then pinched his cheeks, malapad siyang napangiti doon saka muli akong hinalikan. The kiss we are sharing is passionate and warm, I might get addicted into this.

"Okay tama na, kumain muna tayo."

Natatawang sabi ko saka lumayo sakaniya, ngiting aso naman itong si Wade. Kinuha ko ang eco bag na laman ang mga pagkaing iniluto ko kanina at inilapag iyon sa bakanteng lamesa.

"Did you cook all of these?"

He asked while smiling as he pull out the lunch boxes.

"Hmm..Those are some or your favorites, as I remember."

I shrugged then went to the mini kitchen in his office to get some utensils.

"Hmm yes, But I have something I want to eat the most."

He uttered then look at me, agad ko namang nakuha ang gusto niyang ipahiwatig.

"Shut up and just eat, Mr Andrada."

Irap kong nagpatawa lang sakaniya.

"So how's your day?"

He asked while were enjoying the food together.

"Unbelievably silent without you."

I stated, napasimangot si Wade doon.

"But lonely and empty."

I added then smiled, napanguso siyang nangingiting sinalubong ang tingin ko, natawa lang ako doon.

"How about that Jerk Cipriano? Is he still bugging you?"

He asked, umiling lang ako doon.

"He's silent this past few days, sumuko nadin siguro."

Sambit ko, napangisi doon si Wade.

"Finally, I might end up strangling him if he won't stop."

He hissed, nailing lamang ako doon.

"Can I help you?"

I asked when we finished eating.

"Just sit in there and kiss me now and then."

He answered, blangko ko lamang siyang tinitigan.

"Come on Wade, I wanted to help."

I stated, umiling lang si Wade saka masuyo akong hinalikan sa labi.

"Malapit naman ng matapos ito, you can just relax and wait for a bit."

He said then winked at me.

"I'll just get something in my car then."

I said then hugged him.

"Should I go with you?"

He asked, inilingan ko siya.

"Focus on your job Andrada, babalik din agad ako."

I stated then kissed him, Wade kissed me back.

"I'll be back."

I said then pinched his nose. Napanguso lamang ito nang humiwalay ako na mahinang nagpatawa saakin.

I went outside his office, naiwan ko ang purse ko sa kotse.

"Ms. Fiorenza."

Pagtawag pansin saakin ng sekretarya ni Wade.

"Ms. Hannah Vallegas came awhile ago, sinilip lang po kayo sa loob, she looks really angry."

She informed, nangunot ang noo ko roon.

"She called someone, I heard it's some of her people, knowing how crazy that woman is towards Mr. Andrada, I think she's plotting something. Mabuti po siguro ay wag muna kayong bumaba mag isa."

She added, my lips formed nan 'o' then smiled.

"I'll be fine, make sure not to tell this to your boss."

I said making her forehead creased.

"Ako na ang bahala, ayoko lang mag alala pa si Wade, trust me, I can take care of this."

Ngiti ko, bagama't napipilitan ay nagawa ko rin itong makumbinsi. Nang makasakay ako ng elevator ay bigla namang nagring ang phone ko. It's Magdalene, napataas ako ng isang kilay roon.

"Yes?"

I asked.

"Well I have an importanteng appointment dito in Andrada Tech main building para sa tech security of my new branch, you know? that one I am imbita you? But then I saw your car, I am sure this is sayo talaga! and I am currently kita a baliw na woman smashing your car and she has lots of gwardiya! Should I make patumba to them na? Or you nalang?"

She asked, I just smirked.

"Ohh."

I chuckled.

"Just go to your appointment Magdalene, ako na ang bahala."

Sambit ko.

"Okay, take care sila to you!"

She giggled, nailing nalang akong pinatay na ang tawag. Blangko lamang ang muka kong lumabas na sa elevator nang makarating sa ground floor. Tuloy tuloy lamang akong naglalakad patungo sa parking lot. 

Mukang tinawagan na ng mga guards si Wade ayon sa pagkakarinig ko.

"Ma'am wag po muna kayong pumasok, baka madamay po kayo."

Sambit ng isa sa mga gwardiya ng building ngumiti lang ako at umiling.

"Kotse ko ang sinisira ng babaeng iyan, and you're telling me not to meddle?"

Sambit ko saka tuloy tuloy na naglakad patungo sa lugar. Madaming bantay na kasama si Hannah habang para itong baliw na sinisira ang sasakyan ko gamit ang isang baseball bat.

"You finally came."

Ngiti niya, malamig ko lamang siyang tinitigan.

"You like it?"

She said mockingly.

"I don't mind you smashing my car, I'm just worried, you wouldn't afford it"

Sambit ko saka matamis siyang nginitian.

"Shut up old hag!  I just showed you what bitches like you deserve."

She said, seriously? Just how bitter and desperate this woman could be?

"Ampalaya ba ang inulam mo kanina at ganyan ka kabitter? It's a 600 million worth of car, if you couldn't pay, you better prepare yourself, I'd do the same thing into your face."

Ngiti ko, Hannah glared at me, nakakaawa ang taong ito, masyado atang kinulang sa atensyon at parang uhaw na uhaw ito doon.

"I'd smash your head first, I'll make you regret touching my property."

She said then smirked, natawa nalamang ako doon.

"Property? Since when? You don't treat someone as your property Ms. desperate, maybe that's why Wade never fell for you, and will ever will, stop deluding yourself."

I mocked, this woman needs a theraphy, who would smash someone's car for not getting someone love them back?

"You're the delusional one here! Wade is just toying with you! Wake up!"

She said then gazed at her body guards, kasabay ay ang paghawak ng mga ito saakin. 

"After this, Wade would eventually dump you, you messed up with the wrong person Lilia."

Muling niyang sambit habang hawak ang baseball bat. Nagkakamigraine ako sa baliw na babaeng ito. Can't she just attack me? ang dami niyang sinasabi, nagkakagulo nadin ang mga tao at ang ayoko sa lahat ay naieskandalo.

She swung the bat to aim it into my face, handa na akong kumilos nang may malakas na brasong pumigil doon.

"Wade."

Hannah uttered, seryoso lang ang muka nito.

"What do you think you are doing Hannah?"

It's Wade, unlike the usual Wade, ibang iba ang tono ng boses nito ngayon. He's mad, mahigpit ang hawak nito sa baseball bat na akmang ihahampas saakin. Walang kahirap hirap niya itong naagaw at malakas na ibinato kung saan.

"I am doing you the favor of getting rid of that woman Wade! Diba yun---"

She shouted thenj tried to hold Wade, umiwas si Wadesaka malamig siyang tinitigan.

"Be thankful, I came before you hit her, I might have killed you, if you managed to hit her with that thing!"

He  shouted coldly, He's trembling with anger.

"Enough of this stupid acts of yours Hannah, before I forget, I even treated you as a friend."

Mariing sambit niya, madilim ang ekspresyon nitong bumaling sa direksiyon ng mga kalalakihang nakahawak saakin. Saka niya buong pwersang sinuntok ang isa roon, na agad na ikinatumba nito.

Ako naman ay malakas na sinipa ang isa pa sakaniyang sikmura at inupper cut ng isa pang papasugod saakin. I saw one of Hannah's men about to pull out his gun, agad ko iyong nasipa saka malakas siyang sinapak sa muka at pinatid.

"Bitch, this is all your fault!"

Hannah squealed then pointed a gun at me, nailing nalamang ako. Kuyom na kuyom ang kamao niyang naglakad patungo saakin.

Habang ang mga tauhan niya ay patuloy na inaatake si Wade para hindi nito mapigilan si Hannah, na hawak na ngayon ang baril na kinuha niya mula sa isa sa mga tauhan niya.

"Hannah!"

Wade shouted angrily, puno ng galit ang mga mata nito habang nakatutok padin ang baril saakin.

"If you didn't show up, saakin na sana si Wade ngayon!"

This woman needs a serious help, nailing nalang ako. At nang makitang kakalabitin na nito ang gatilyo ay agad kong hinawakan ang pulsuhan niya saka malakas siyang sinikmuraan. Dahilan upang madali kong naagaw ang baril sakaniyang kamay saka itinutok iyon sakaniya.

"I don't think you need Wade, what you need is theraphy."

I said, she just shouted then attempted to attack me again, agad akong nakaiwas saka malakas siyang sinipa sa likod.

"I will kill you."

She groaned, nangisi lang ako doon.

"Piece of advice, don't bark if you couldn't bite."

I said then smiled, nang nilingon ko si Wade ay napatumba na nito ang mga body guards ni Hannah. Agad itong dumalo saakin, I just winked at him.

"And about my car, I don't really mind, I can buy tons of it, hindi ako magsasampa ng kaso kung sa mental ka nila dadalhin."

Mariing sambit ko, sinubukan nitong kumawala sa mga gwardiyang liumapit at humawak sakaniya, ngunit hindi nito magawa.

"Stop this already Hannah, stop hurting people, cause I won't promise I won't hurt you and make a move, if ever you hurt Lilia."

Malamig na sambit ni Wade, I saw how tears fell from Hannah's eyes as she look at Wade and tried to get near him.

"Why?! She's not the one for you Wade!"

She shouted as she tried freeing herself from the security.

"Can she even bear a child?! Your child?!"

She added.

"She's the only one for me and with or without a child, she's the only one I wanted to spend my life with."

Seryosong sambit nito saka hinawakan ang kamay ko, nakagat ko ang labing napatitig lamang kay Wade.

After that commotion, we had to go to the police station and give our statements, hindi rin kami nagtagal doon. We went back to his office as he finished his remaining work.

The Vallegas agreed to pay all the damages, they also apologized in behalf of Hannah and promised to seek for help in her condition.

"This would cause another issue Wade."

I frowned as we both went inside the helicopter.

"I know."

He smiled, nangunot ang noo ko doon at hinampas siya.

"Bakit ngingiti ngiti ka pa diyan?! The media won't stop pestering us again! It's annoying!"

Pagmamaktol ko napanguso lang itong napakamot ng ulo.

"I know, chill, I already made sure, nothing comes out."

He said then smiled, I just blinked.

"Really?"

I asked, tumango ito saakin.

"Ako pa ba?"

Ngisi nito sabay nguso, tinaasan ko siya ng isang kilay.

"Napagod ako baby."

Nguso niya saka nag inarteng nanghihina.

"Kailangan ko na ng vitamin K."

Sambit niya habang ngumunguso nguso saakin, hindi ko napigilan ang tawa doon.

"mamaya na, di mo nanaman ako titigilan kapag binigyan kita ngayon."

Irap ko, napasimangot si Wade doon, ngiting dinampian ko naman siya ng mabilis na halik.

"Ano ba yan, bitin."

Reklamo niya, I chuckled then hugged his waist.

"Later, when we arrive, I will even give you a bonus since you were so cool back then."

I said then winked, nanlaki ang mata niya roon.

"Hoy, bilisan mo naman magpalipad, ang bagal!"

Baling niya sa kaibigan, the man just glared at him then showed him his middle finger. Natawa nalang ako doon saka piningot ito na ikinadaing niya.

A/n: sorry for the very late update, ang dami pong kinailangang asikasuhin 😅😅

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top