Chapter 43

#LGS1Darkness #LGS1Chapter43 #LaGrilla1

***

PAGKATAPOS magtanghalian at ang masayang kuwentuhan sa isang restaurant ay nasa manibela na uli si Leo. Katabi niya si Imee na—kapag sinusuwerte nga naman—sa pagkakataong ito nakatulog sa biyahe. . . .

But Leo's luck ran out. When they reached Makati, Imee stirred away from her sleep. Dahan-dahang umalis mula sa pagkakasandal sa katabi nitong bintana ang ulo nito at napatingin kay Leo. Samantala, lalong sumeryoso ang kaniyang mukha nang maramdaman na may malay na ang dalaga. Nag-aalalang napasulyap tuloy siya sa rearview mirror ng mini cooper.

"Malapit na ba tayo?" tanong nito sa mahinang boses habang binubuksan ang bote ng mineral water mula sa drinks holder sa pagitan nila.

Leo chuckled and smiled at her. "Hindi pa, ga. P'wede ka pang matulog uli. I'll wake you up once we've already come home." Then his eyes quickly shifted back to the road. 'I should not tell her that we have a problem. Because as long as Imee doesn't panic, I will be able to concentrate on solving this matter.'

He wasn't scared for himself. He was scared for her. . . .

Sumilip sa bintana si Imee at inunat ang mga binti. She was too tall though, so she hadn't managed to completely strerch out her legs. "D'yos ko! Mapuno na 'tong dinadaanan natin, a?"

"We are going to take a shortcut," dahilan niya. 'I hope she will stop asking a lot of questions . . . for now. I have to focus. I have to think.'

***

Warning: 🚫
Grave Threat, Violence, Trauma, Triggers, Kidnapping

KANINA pa napapansin ni Imee na pasulyap-sulyap si Leo sa mga salamin ng sasakyan. She did not follow Leo's line of sight though, or he might notice that she was observing him way too much.

"Galing tayo ng Alabang, 'di ba?" mahinahon niyang basag sa katahimikan na saglit na namayani sa kanila kanina. "Bakit parang ang layo pa rin natin sa Manila?"

"Ang tindi ng traffic kanina, no'ng nakatulog ka. Kaya ngayon lang tayo nakalayo-layo sa Alabang."

Nginitian niya ito. Nag-aalala man siya sa kaseryosohan nito, hindi na niya kukuwestiyonin pa ang lalaki. Magsasabi naman siguro si Leo kung may problema o mali sa dinadaanan ng kotse nito. "How are you feeling now, Leo?"

"Sometimes I'm still being attacked by the triggers of my trauma," tipid nitong ngiti habang palipat-lipat sa daan at sa rearview mirror ang tingin. "Don't remind me of it again, ga. I don't want to get stressed and then fuck you while we are in the middle of this trip."

Nahihiwagaan na napatingin siya sa lalaki. Hindi niya alam o maipaliwanag kung paano nagwowork ang sex para sa trauma nito dahil hindi ba't sex din ang involved sa traumatic experience nito?

'Paano?' Hindi pa rin niya makapaniwalang tanong sa sarili.

Then, she suddenly snapped out of her contemplation. Rumehistro na sa wakas sa isip niya kung bakit ganoon ang isinagot ng lalaki sa kaniya. Ang tanong niya kasi ay kung ano ang nararamdaman nito, at hindi man direkta ang isinagot nito, may kinalaman naman sa stress ang sagot ng binata.

He replied about his trauma!

He wasn't focused on her and with their conversation!

"Fuck," he could not help muttering

"Bakit?" Inatake na siya ng pag-aalala.

"That car keeps on following us," amin nito sa wakas bago sumulyap uli, sa side mirror naman.

Napalingon tuloy si Imee sa salamin malapit sa bintana niya. "'Yong itim na van?"

"Yeah." Mas binilisan na nito ang pagmamaneho. "Nag-iba na nga ako ng daan kahit mapapatagal pa nito ang pag-uwi natin, pero nakasunod pa rin ang lintik!"

"Nasaan tayo? At bakit sa liblib na lugar ka pa dumeretso?"

"We're in an exclusive subdivision now. I decided to take this route because there's CCTVs here. Sa oras na matakasan natin ang nakakasurang van na 'yan, babalikan ko ang CCTV recordings dito! I'll get them traced!"

Naalala niya ang mga death threat na natatanggap ni Leo sa cell phone nito. "Ga, baka 'yan 'yong gustong pumatay sa 'yo."

Nagdilim ang anyo nito at nagsalubong ang mga kilay. "How did you know?"

Natahimik siya. Nadulas siya. Ayaw niyang aminin dito na nakialam siya sa cell phone nito dati.

"How did you know?" ulit nito. Sa pagkakataong ito, sa nanghihinang boses na.

"Sorry, Leo . . ." She could simply make an excuse, but she ended up admitting the truth. Because if Leo told her about his trauma and about this van following them even if it was hard, how dare she reciprocate that with lies? "N-Nakialam ako dati sa cell phone mo. Sorry."

Lumambot na ang ekspresyon sa mukha nito. His hooded eyes momentarily gazed into hers. "Now . . . you don't feel safe with me anymore, right?"

Diniinan bigla ni Leo ang pagkakatapak sa gas ng sasakyan kaya humarurot ito. If it weren't for the seatbelt, Imee could have slammed against the dashboard and the car door due to the strong centripetal force from the car's sharp left turn.

Meanwhile, Leo's eyes narrowed in fury as he focused them on the road. He did not wait for Imee's answer to his question, hoping that it will make her completely forget about it. Lingid kay Imee na nagsisisi ito sa itinanong. Ayaw kasi nitong takutin siya at mas lalo na ayaw nitong mangamba siya tungkol sa status ng relasyon nila sa mga oras na ito.

His traumatic past used to influence the way he acted all these years, but today, its reign was already done for. This time around, Leo wanted to personally take control of his overwhelming emotions—only him, and not his experience.

Nakailang mura ang lalaki dahil matinik ang van na nakabuntot sa kanila. Tila iniiwasan nitong lingunin siya. Natatakot siguro itong makita na natatakot siya sa van o sa itinanong nito sa kaniya.

But she was not scared.

Imee swallowed it all—the rising tension, her fear for their lives. Kailangan niyang maging matatag para matulungan si Leo. Kumapit siya sa braso nito at nagmamadaling hinalikan ito sa pisngi.

"Ga, I feel safe with you. Kaya nga hindi ko sinasabi sa 'yo na alam ko ang tungkol sa death threats mo. Para saan pa? Alam ko namang kayang-kaya mo 'yon!"

Sinilip ni Imee ang mukha ng lalaki at tinitigan ito. Sa loob-loob niya, abot-langit na ang kaba na pumupukpok sa kaniyang dibdib.

Naramdaman niya ang mataas at mababang pag-alon ng dibdib nito.

'Please, Leo . . .'

Kinakabahan na siya sa tagal ng pananahimik nito. Napahiwalay tuloy siya sa braso nito at sumilip sa side mirror na malapit sa seat niya.

Nakasunod pa rin ang van!

"Thank you, ga," tugon nito na nagpaliwanag sa mukha ni Imee.

Bang!

Napatili siya nang marinig ang pagputok ng gulong ng kanilang sasakyan. Umalog ang sasakyan kaya napakapit siya sa braso ni Leo.

"Diyos ko!" subsob niya ng mukha sa braso nito.

"Yumuko ka lang!" anito, pinipilit na paandarin pa ang sasakyan.

Bang! sabog ng isa pang gulong ng kotse.

Nag-uumapaw na ang takot sa dibdib niya. Parang tumigil ang paghinga niya dahil sunod-sunod nang binaril ng kung sino ang gulong ng sasakyan nila.

"Leo!" yakap niya dito nang mahigpit nang bumilis ang andar ng sasakyan dahil nawalan na ito ng kontrol.

Matinis na kumadkad ang gulong at car rim sa kalsada, habang gumegewang ang kotse.

Napasubsob naman si Leo sa manibela bago tumigil sa pagdulas at pag-ikot ang sasakyan.

"Leo!" iyak niya nang makita ang patagilid na pagkakadiin ng ulo nito sa manibela kaya humarap sa direksiyon niya ang mukha nito.

'Diyos ko! Buhay pa naman s'ya, hindi ba?'

Tuloy-tuloy na ang pagdausdos ng luha sa mga pisngi niya. Dilat ang mga mata ng lalaki pero wala itong kagalaw-galaw mula sa posisyon nito.

He stared at her and sighed, "Do you still feel safe with me?"

Napatitig si Imee sa lalaki. Relieved man siya na buhay pa ito, nanggigigil naman na natampal niya ito sa mukha.

"Bakit nakatirik nang gano'n ang mga mata mo? Akala ko, natuluyan ka na!" she scolded in a hushed tone.

He chuckled lowly.

"Sumeryoso ka nga!" aniya sa natataranta ngunit mahina pa ring boses. "Sino ang humahabol sa 'tin? Ano na ang gagawin natin?"

"Iyuko mo lang 'yang ulo mo," instruksiyon nito bago pasimpleng hinugot ang headrest ng car seat nito at iabot sa kaniya.

Imee curiously held the headrest with its two metal rods poking out. Leo clicked the locks of their seatbelts open.

"Kung mauwi sa alanganin ang paglabas natin, tumakbo ka agad. In case they still catch you, use that for stabbing," tukoy nito sa hawak niyang headrest ng upuan. "Aalamin natin kung sino 'tong kakasuhan natin. Violation of Anti-Stalking Law of 2010. Grave Threat. Destruction of Property. Attempted murder. Illegal use of firearms . . ." Patuloy na naglista ang lalaki ng puwedeng ireklamo sa may-ari ng itim na van habang gumagapang ang kamay nito papunta sa glove compartment.

Napasinghap siya nang makita na baril ang kinuha ni Leo mula roon.

"May baril ka?" bulong ni Imee.

Ikinasa ito ni Leo at sinuksok sa tagiliran bago tinakpan ng laylayan suot nitong polo shirt

"It's licensed, ga. Don't worry. I only got this because I figured it might come in handy on situations like this. It's only for self-defense."

Naramdaman niya ang paghawak ni Leo sa isa niyang kamay. His hand was cold. Doon lang niya na-realize na kahit papaano ay natatakot rin pala ito sa sitwasyon nila ngayon. Kaya dapat ay maging matatag din siya. Sana nga lang ay kayanin niya ito.

"Lalabas tayo ng sasakyan nang dahan-dahan, ga."

"Pero ga, baka nakaabang sila sa 'tin. Papatayin yata tayo ng humahabol sa 'tin sa oras na lumabas tayo ng sasakyan."

Leo smirked and stole a glance at the mirror above the car's dashboard. "I don't think so. Kanina pa huminto ang sasakyan natin, ga. Dapat sinamantala na nila 'yon para tadtarin tayo ng bala hanggang sa mamatay. Pero hindi."

"Baka bumubuwelo lang sila, inaabangan ang paglabas natin para makasigurado sila na mamamatay tayo."

Leo placed his other hand on her cheek and stared into her eyes. "Nasaan ang pangga ko? Kasi ngayon, takot na nagkatawang-tao ang kumakausap sa akin, hindi ang babaeng mahal ko. Si Imee? She's brave. She loved a stupid man like me and stood up for me even when her mother disapproved of me. She braved an unfamiliar city, for two years, all alone . . . in the den of mafias and criminals. And she survived. And she escaped from them. Unscathed." Tears began rimming their eyes. Their lips quivered and their breaths shuddered as they smiled. "She's brave, because even if the truth might hurt her, she encouraged this man—me—to introduce the demons of his past to her. And she, my sweet Imee, tamed those demons so effortlessly." His fingers shakily caressed from her cheek down to her chin. His gaze followed his fingers then shifted to her lips. "Imee . . . you're brave, not for loving me, but for coming to where your heart wants to be—for it to come here, to me."

Hinalikan siya nito sa noo. Imee closed her eyes to hold back her tears.

"Ay, napakatapang. Dinaig pa ang kapeng barako. Dalagang Batangeña ka ngang tunay," he sighed, overflowing with relief, admiration, and pride.

Umupo nang tuwid si Leo na siyang ginaya niya. Hindi binitiwan ng isang kamay nito ang kamay niya nang binuksan nito ang pinto ng kotse. He pulled her with him as he stepped out.

Matapang man siya, damang-dama pa rin ni Imee ang natatarantang pagkabog sa kaniyang dibdib. Halos mabingi siya dahil tanging ang pagpintig ng puso niya ang kaniyang naririnig sa mga oras na ito.

Pagkababa nila mula sa kotse ay tumingin si Leo sa paligid. Nakita nila ang itim na van na nakahinto sa gitna ng sementadong kalsada at ang matataas na talahiban sa paligid nila. Mukhang nasa kasulok-sulokan na sila ng subdivision, sa parte na hindi pa natatayuan ng mga bahay.

Napalunok si Imee nang humigpit nang bahagya ang pagkakahawak ni Leo sa isa niyang kamay.

Samantala, bumaba mula sa itim na van ang isang lalaking naka-jeans at puting shirt. Nakatutok sa kanila ang shot gun nito.

Nanatili ang tingin nila sa armadong lalaki. Inilapit ni Leo ang gilid ng mukha nito sa kaniyang pangahan. "Kaya naman pala napasabog n'ya agad ang mga gulong ko, shot gun ang gamit n'ya. May laban ako kahit papaano sa lalaking 'yan. Mas mabilis mag-load ng bala ang baril ko kumpara sa shot gun niya."

"E, 'di barilin mo na sa hita."

"Hindi p'wede. Nakatutok na ang baril n'ya. Ibig sabihin, naka-load na ang bala niyan, naka-ready nang paputukin."

"Buti at buhay pa kayo!" Unti-unting naglakad ang lalaki palapit sa kanila. Nakatutok mula sa likuran nito ang headlights ng van kaya mahirap maaninagan ang mukha nito. "Huwag n'yong subukang tumakas! Kung hindi, lagot kayo sa 'kin! Lumapit kayo rito at sumakay sa van!"

"Fine!" Leo gritted. Imee noticed his free hand trailing down to his side slowly. It was as if he was going to reach his pocket, but she knew he was going to pull out his gun.

"Leo, h'wag," Imee whispered, her eyes still on the front.

"Ano'ng h'wag? May tiyansa tayong makatakas sa kan'ya."

"Please, Leo, ayokong mapahamak ka."

"Mag-isa lang s'ya. Kayang-kaya natin s'ya. Paglabas ko ng baril, ipuputok ko 'yon sa kaliwa n'ya sabay takbo ko sa kanan. Kaya ikaw, tumakbo ka sa kaliwa. H'wag kang hininto hangga't wala kang nakikitang p'wedeng hingian ng tulong."

"Sabi na nga ba, magpapahabol ka sa kan'ya. Patatakasin mo 'ko." Humigpit ang kamay nito sa kamay ni Leo. "Pero hindi p'wede 'yang plano mo. Hindi tayo nakasisigurado. Baka may mga nasa loob pa ng sasakyan."

"I believe, he doesn't want to kill us, Imee. Kapag nagpaputok ako, hahabulin lang n'ya tayo uli."

"At mahuhuli uli dahil habang tumatakbo tayo, nakasakay naman sila sa van. Ang malala pa roon, marami sila at baka paulanan tayo ng bala—"

"Hoy! Dalian n'yong mga putangina n'yo!" angil ng lalaki sa kanila.

Maangas na gumanti si Leo. "Tangina mo lalo! Ang kapal ng mukha mong murahin ang pangga ko!"

"Leo!" hindi makapaniwala na singhap niya habang pinanlalakihan ng mga mata ang lalaki.

Nagpakawala na lang si Leo ng malalim na buntonghininga at niyakap siya bigla. "Ang gago talaga ng hayop na 'yon, ga! How dare he cuss you!"

She confusedly hugged him back, right on the side of his body where the gun was kept. She almost had her back turned against their would-be captor.

"Quick." Leo whispered in a rush "Dukutin mo ang burner phone ko sa bulsa. De-keypad. Press two. Press call. Ihulog mo pagkahiwalay mo sa 'kin."

Imee moved quickly and had to even hide her face behind the left side of Leo's head just to manage to see the cell phone's screen and keypad. Mabuti at sanay pa rin pala siyang magde-keypad na cell phone!

"Kita mo? Pinaiyak mo na s'ya kaya nakasubsob ang mukha sa 'kin!" pang-aaway ni Leo sa kanilang kalaban.

When they separated, Leo pulled her by the hand. Imee tossed the phone behind as they ran, their clicking shoes covering up the noise of a cell phone dropping somewhere on the ground. Meanwhile, the shot gun man followed them with his eyes and with the point of his gun.

Pinagbuksan sila ng pinto sa van ng isang lalaki na nasa loob nito na may kasamang tatlo pa na tinutukan sila ng mas maliliit na baril ng mga ito.

"I love you, ga," Leo murmured to her softly, looking at the armed men cautiously. "Bilib na talaga ako sa talas ng utak mo. Tama ang suspetsa mo."

Nang pumosisyon ang lalaking nagbukas ng pinto sa pinakalikurang upuan, tumambad sa kanila ang mga lubid na nakapatong sa upuan.

"Ikaw, talian mo s'ya sa kamay," utos ng lalaki sa isa sa mga tauhan nito habang nakatutok sa gilid ng ulo ni Leo ang shot gun nito.

At their nearness Imee could already make out the features of their main assaulter's face. Tatandaan niya ito para matagumpay na maipakulong ito sa oras na makatakas sila mula rito.

Naalerto si Imee dahil pinagdikit na ang mga pupulsuhan niya nang magsalita si Leo.

"Ako muna ang itali n'yo."

The man shrugged and nodded at his henchman. Nagmamadaling lumayo ang lalaki kay Imee at pinaikutan si Leo ng dilaw na lubid sa pupulsuhan na pinagdikit nito.

She gave Leo a terrified look. 'Bakit nag-volunteer kang magpatali, Leo? Hindi mo ba naaalala . . .' Imee's thoughts were interrupted because she suddenly got an idea. "Nakatutok na sa kan'ya ang baril mo 'tapos hindi pa ako ang una n'yong tinalian ng mga kamay," Imee murmured, hoping that would stop them from tying Leo's wrists.

"Tumahimik ka!" angil ng lalaking may shot gun bago nilingon ang kasamahan nito. "Higpitan mo!" maangas na utos ng lalaki na paulit-ulit nitong sinabi dahil tila hindi ito makontento sa pagkakatali niya kay Leo.

Mabigat ang kaniyang paglunok sa bawat paghigpit ng pagkakatali rito. Bakas kasi sa mukha ni Leo ang takot habang nakatitig sa nakatali nitong mga pupulsuhan at iyon ang unti-unting dumudurog sa kaniya.

After his hands were tied, she held his hands and squeezed them reassuringly. She tried to catch his eyes but he already froze where he stood. He seemed lost in his thoughts already.

"Itinatali ako ni Melissa para hindi ako makapanlaban sa kan'ya. Palaging iniipit ng mga hita n'ya ang baywang ko para . . . para mababoy n'ya 'ko nang paulit-ulit . . ." naalala niyang kuwento noon ni Leo sa kaniya.

Nilukob siya ng takot. Sumunod ang pagnipis ng kaniyang paghinga at ang sensasyon na may pumipiga sa kaniyang puso kaya napakakirot ng kaniyang dibdib. Sumilip agad ang luha sa bawat sulok ng kaniyang mga mata.

Nagsalita na naman ang may hawak ng shot gun. "Ngayon, piringan mo s'ya."

"Don't—" tutol ni Leo.

"Ayaw n'ya—" baling ni Imee sa lalaki pero idinikit lang nito ang nguso ng baril sa kaniyang batok.

"Ayaw mo na ba s'yang mabuhay pa?" banta nito kay Leo.

Leo didn't throw a single look at their oppressor. His eyes were all on her, reflecting back the brewing courage behind the fear that made them mist.

"Let her run first," he sighed.

Gumusot ang mukha ng lalaking may shot gun.

"Bago n'yo 'ko piringan, hayaan n'yo siyang makatakbo. It's the last thing that I want to see her do . . . Running away freely."

Imee shook her head. "Ga . . ."

Nilingon siya ng armadong lalaki. "Takbo."

Imee glanced back into Leo's eyes. Her mind was racing while her heart froze in this place, unwilling to leave her man. As if her heart could simply leave. It couldn't because her heart was already in his hands . . .

"Imee, tumakbo ka na. Pakiusap," mariing saad ni Leo.

Mariin siyang napapikit at mabilis na nagdesisyon. She took a quick turn and ran away. As she ran, she kept on looking back, seeing alternating flashes of images of the dimly lit street, the silhoutte of the tall trees, and of how an armed man knotted the blindfold at the back of Leo's head.

She saw him tremble, giving her the strongest impulse to hug him tight . . . to make him feel that things will be alright . . .

Soon.

Hopefully soon . . .

***

"IKAW, talian mo s'ya sa kamay," utos ng lalaki sa isa sa mga tauhan nito habang nakatutok sa gilid ng ulo ni Leo ang shot gun nito.

Tumalima agad ang tauhan nito. Dinampot ang lubid sa backseat ng sasakyan at nilapitan si Imee na tila titig na titig sa mukha ng lalaking may shot gun. Leo's eyes softened as he gazed lovingly on her face. The very thought of seeing Imee's wrists being tied was already crushing him.

'Ayokong maranasan din ni Imee ang naranasan ko noon. Hindi ko kakayaning makitang nakatali ang mga kamay niya katulad ng ginawa sa akin noon . . . Hindi ko kakayanin.'

Naalerto si Imee dahil pinagdikit na ang mga pupulsuhan niya nang magsalita si Leo.

"Ako muna ang itali n'yo."

Hindi na nakatutol pa si nang pumayag ang kalaban na itali ang magkabilang pupulsuhan niya.

'Once Steve alerted the bureau's agents, pagbabayaran mo ang pagmura at pagtutok ng baril sa girlfriend ko!' titig niya sa lalaking may shot gun, pagkatapos ay sa lalaking nagtatali sa mga pupulsuhan niya.

Pagkatapos ng mahigpit nitong pagkakatali ay hinawakan ni Imee ang mga kamay niya at tumitig sa kaniyang mga mata. But Leo could not return her gaze. He stood frozen, staring at his tied hands.

"Let me tie you up, my little sex bunny. . . ."

Nagsikap siya. Sinubukan naman niya. Ngunit malinaw pa rin kay Leo ang lahat: si Melissa na naka-itim na bunny half-mask. May suot na itim na bra at panty. May hawak itong tali na pinaikot-ikot nito sa kaniyang pupulsuhan.

She was really going to tie him up!

Wala na talaga siyang pag-asa na makawala rito!

Wala na!

At first, he stopped hearing things—the voices of the henchmen, and damn, even his beloved Imee's sweet voice!

Nagsalita na naman ang may hawak ng shot gun. "Ngayon, piringan mo s'ya."

"Don't—" tutol ni Leo, unti-unting tinatalo ng takot na hatid ng pag-alala niya sa nakaraan.

"Ayaw n'ya—" tanggol sa kaniya ni Imee.

Ang walang-awang lalaki, idinikit lang nito ang nguso ng baril sa batok ng kaniyang nobya!

"Ayaw mo na ba s'yang mabuhay pa?" banta nito habang nakatingin sa kaniya, naghihintay sa kaniyang sagot.

But Leo just looked away from their oppressor. His eyes focused on Imee. The longer he stared at her, the more that courage filled his heart, spilling out the fear that used to occupy it. Then, he stared longer to remember her soft almond eyes, her narrow top-full bottomed lips, and tapered brows . . . her beauty.

"Let her run first," he sighed in surrender, still admiring her face. "Bago n'yo 'ko piringan, hayaan n'yo siyang makatakbo. It's the last thing that I want to see her do . . . Running away freely."

Imee shook her head in protest. "Ga . . ."

Nagpasya ang armadong lalaki. "Takbo."

Nakita niya ang pagdadalawang-isip ni Imee kaya pigil niya sa mga oras na iyon ang paghinga. Nakahinga lamang siya nang maluwag nang tumakbo na ito. As she inched farther, she never stopped looking back.

His trembling lips pulled out a faint smile. 'It's true, Imee. It's the last thing that I want to see you do . . . running away freely. The last thing. So, I'll make sure that this won't be the last time that we'll be together. . . .'

Then darkness quickly took place. A voice resurrected, echoing on every corner of his mind.

"This will make you feel better, my sex bunny!" sabi noon sa kaniya ni Melissa bago siya nito piniringan.

'No!' nanghihilakbot na panic sa utak ni Leo nang mapagtantong piniringan na siya.

Kadiliman lang dapat ang nakikita niya, pero hindi!

Si Melissa na naman!

Tila iisa nga lang ito—si Melisaa at ang kadiliman.

Iisa lang sila!

"Now that you're tied and blindfolded, let's start hopping, my sex bunny!"

'Shit. Damn it!'

Pero bago pa maitulak ni Leo si Melissa palayo sa mga halusinasyon niya, may tumakip sa ilong at bibig niya na medyo basa. Sumakit ang kaniyang ulo sa matapang nitong amoy. His complaints were muffled by the cloth and his resistant body was restrained by strong arms that wrapped him from behind.

Then, everything completely went pitch dark . . .

. . . but not his mind.

Not his restless mind!

His body must had been motionless, but not his searching heart.

'Bakit wala akong makita?'

'Imee?'

'Imee!'

***

Read advanced and full chapters on Patreon: https://patreon.com/anamarive

COME HERE
La Grilla Series #1
Copyright Registered: 2024
R-18, General Fiction, Sexy Romance, Drama

Facebook Page: ANAtheCowgirl
Wattpad: ANAtheCowgirl
Twitter: anathecowgirlwp
Instagram/Threads: anathecowgirl
Email: [email protected]

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top