Chapter 33

#LGS1LionInManila #LGS1chapter33 #LaGrilla1 #LaGrilla

***

Warning: 🚫
Bullying, Violence

LEO slammed his fists on his desk. Pinagbalingan niya ng galit ang lahat ng gamit sa office room. Ibinato niya ang flower vase sa pader kaya nabasag ito sa maraming piraso. Inihagis niya lahat ng file folders sa desk niya kaya nagkalat ito sa paligid. Tinadyakan niya ang mga drawer. At kahit ang flatscreen TV ay hindi nakaligtas, binato niya ito ng throw pillow mula sa sofa.

Nanghihinang napaupo siya sa tabi ng pinto pagkatapos. Ipinanghilamos niya ang mga kamay sa sariling mukha na puno ng pinaghalong pagkabalisa, galit, at marami pang magkakahalong emosyon.

Parang ulan na bumuhos sa kaniyang isipan ang pangit na mga alaala mula sa kaniyang nakaraan . . .

***

PANIBAGONG araw na naman sa kolehiyo. As usual, maagang gumising si Leo para gumayak at bumiyahe mula sa bedspace na nirerentahan niya patungo sa paaralan. As usual din, hindi siya nag-almusal dahil nakaugalian na niyang bumawi na lang ng kain sa tanghalian para makatipid sa pera.

Dumeretso si Leo sa classroom para sa unang subject. Pakiramdam niya ay nakabilad siya sa ilalim ng araw sa sobrang init ng mata ng mga kaklase na nakatutok sa kaniya. Malas kasi na block section sila. Ibig sabihin, mula una hanggang sa kahuli-hulihang subject ay sila-sila pa rin ang magkakaklase. Ibig sabihin din nito, hindi rin nakaligtas sa mapanuring mga mata ng mga ito na kakaiba siya kumpara sa kanila.

Napapikit si Leo nang may bumuhos na puting pulbos sa kaniyang ulo. Mabango ngunit matapang ang amoy kaya napaubo siya at marahas na suminga ng hangin mula sa kaniyang ilong. Mabilis na pinagpagan niya ang pulbos na bumagsak sa bandang dibdib at balikat ng kaniyang suot na asul na collared shirt.

"O, 'wag mong pagpagan! Kaya kumupas 'yang kulay ng shirt mo, e! Tatlong buwan mo na yata 'yan hindi nalalabhan!" palatak ng isa sa mga lalaking kaklase ni Leo bago sinundan ng nangungutyang pagtawa.

He glared at his classmate, Rigel. He thought he always looked stylish only because a rich kid like him could afford it. Unlike him who had to settle with old, faded hand-me-downs.

"Say 'thank you, Rigel' ka naman d'yan, Leo!" dagdag ng alipores ng walang-hiyang lalaki. "Napakabait!" akbay nito kay Rigel na mayabang na ngumisi sa kaniya. "Heneroso! Mantakin mo! Binigyan ka ng libreng detergent!"

Leo gave Rigel a piercing stare before uttering fiercely and lowly. "Fuck you, Rigel."

Nagkatinginan ang dalawa. They were shocked for a second, then offended for another second, before they returned their eyes on him that matched their mocking smirks.

"Bakla pala 'tong patpatin na 'to, e! Ipa-fuck ka raw, o, Rigel!"

Rigel just smirked wider with his eyes focused on him. Ngunit tila napikon ito dahil hindi man lang siya nagsalita o na-offend nang paratangan na bakla. Bakit nga ba siya ma-o-offend? Wala namang nakaiinsulto roon.

"Gutom lang 'yan, Leo." Dahan-dahan nitong itinukod ang magkabilang-kamay sa kaniyang desk bago dumakot ng detergent na nagkalat dito. "Here, have some breakfast."

Hindi siya nakaiwas agad nang itapal nito ang palad sa kaniyang bibig para pakainin siya ng detergent. Pero nanlaban siya. Tinabig niya ang braso nito at halos sabay silang tumayo nang tuwid.

Natumba pa ang upuan niya nang sugurin niya si Rigel. Mabilis niya itong hinablot sa collar ng T-shirt nitong napapatungan ng itim na leather jacket sabay sapak sa mukha nito.

Nagkagulo na sa loob ng classroom. Pinaikutan sila ng ilang mga kaklase na imbes umawat ay ginawa silang libangan, isang palabas na pampalipas-oras habang hinihintay ang pagdating ng professor.

***

"MR. Tierra, tandaan mo, iskolar ka," marahang wika ng lalaking guidance counselor sa malumanay nitong boses habang silang dalawa na lang ang magkausap sa loob ng opisina nito. "Hindi lang grades ang dapat mong pangalagaan dito kundi ang kabuoan ng school record mo, ang good moral character mo. Hindi makabubuti sa record mo ang pagpatol kay Rigel Hugo."

"Hindi rin naman po p'wedeng hayaan ko na lang s'ya na bully-hin ako," bahagyang pagtaas ng kaniyang boses bilang pagdepensa sa sarili. "Baka bago pa ako maka-graduate ng PolSci, e, nasa kabaong na 'ko dahil sa kan'ya!"

"You're both within the vicinity of our alma mater, Mr. Tierra. I assure you that such a thing as that won't happen. You have nothing to worry about."

"Nothing? E, hindi n'yo nga s'ya ma-suspend! May university rule book tayo pero hindi naman nasusunod! Pang-ilang insidente na 'to, hindi n'yo naman maparusahan ang gagong 'yon! Kung hindi n'yo lang din ako maipagtatanggol, mabuti pang hayaan n'yo na lang ako na ipagtanggol ang sarili ko!"

Kahit nakangiti ay tila nadismaya ito. "I'm sorry, Mr. Tierra. Pero kung may problema ka sa iyong kaklase, i-report mo pa rin s'ya sa 'min. Hindi 'yong nakikipagsakitan ka sa kan'ya. Isa pang insidenteng ganito ay posibleng bawiin sa 'yo ang scholarship mo rito. Alalahanin mo na malayo pa ang pinanggalingan mo. At maunawaan mo rin sana na hindi magandang ideya ang makipagsuntukan sa anak ng tao na nagkaloob sa 'yo ng scholarship mo, hindi ba?"

Galit na naikuyom niya ang kamao. "Sa pagkakaalam ko ho, nakuha akong iskolar dahil sa potensiyal ko, dahil matalino ako, dahil nakapasa ako sa exam. Hindi dahil sa kusa itong ibinigay sa akin o dahil sa nilimos ko 'to mula sa kung sino."

Gulat na napasinghap ito. "Napakawalang utang-na-loob mo naman, hijo! Hindi por que tatay ni Rigel ang may-ari ng school na 'to ay idadamay mo na s'ya sa galit mo!"

"Itong school lang ang pagmamay-ari n'ya, hindi ang pagkatao ko. Kaya hindi ko isasakripisyo ang buhay ko o gagawing katatawanan ang sarili ko para lang sa kanilang magtatay dahil sino ba sila?"

Bago pa sumagot ang guidance counselor ay tumayo na si Leo. Napangiwi siya nang kaunti dahil nagalaw ang ilang parte ng kaniyang katawan na nalamog ng mga suntok at sipa ni Rigel at ng mga alagad nito. Idagdag pa ang sariwang mga sugat at pasa sa kaniyang mukha.

Malalaki ang mga hakbang na lumabas siya ng guidance office.

***

"MAY part-time job ka, 'di ba?" tanong ng kaklase ni Leo. Nasa mapunong study area sila ng bagong unibersidad na nilipatan niya. "Scholar ka pa rito. Kaya bakit wala kang pang-ambag?"

Nahihiyang napakamot ng batok si Leo. "Pasensiya na. Gipit lang talaga ako ngayon. Hindi ba p'wedeng utak ko na lang ang iambag ko?"

"Hindi mapi-print ng utak mo 'tong report natin, sira!" masungit na sabat ng isa pa niyang ka-groupmate.

"E, abonohan n'yo na lang muna. Nagpasa naman ako sa inyo ng parte ko sa report, 'di ba? May participation pa rin ako, kaya huwag n'yo naman ako tatanggalin sa groupings."

Nagkatinginan na lang at nag-usap ng mata sa mata ang mga kagrupo ni Leo.

Pagkatapos ng group meeting ay nagsipag-uwian na ang mga kaklase ni Leo. Siya naman ay dumeretso sa restaurant kung saan part-timer ang job description at suwelduhan niya pero pang-full time ang working hours.

Alas-diyes ng gabi na natapos si Leo sa pagwe-waiter at pagiging tagalinis. Mga alas-onse na siya nakauwi sa bedspace at hindi na rin nakapaghapunan dahil nakatulog na siya sa sobrang pagod.

Kinabukasan ay ganoon pa rin ang gawain niya: gigising, hindi mag-aalmusal, at papasok sa eskuwela. Tuwing break hours bago ang sunod na klase lang siya nakapagre-review o self-study. Magtatanghalian bago pumasok sa trabaho. Pagkatapos ay uuwi na sa bedspace.

Nag-iba lang ang lahat nang tawagan ni Leo sa payphone sa isang sari-sari store ang kaniyang tatay sa Batangas. Nalaman niya mula rito na isang linggo nang kumpirmado na may pulmonya ang nakababata at nag-iisa niyang kapatid na si Leopold.

***

MABUTI na lang at may malapit na high school sa unibersidad na nilipatan ni Leo. Nag-aaral sa high school na iyon ang kapatid ng isa sa mga ka-grupo ni Leo sa isang report project.

Kinailangan ng high schooler na iyon ng tutor kaya nagpresinta si Leo. News spread around that high school that he was open for more job offers, so eventually, he was tutoring almost a dozen of students by January.

Isa sa mga estudyanteng iyon si Ava Milano.

Isang hapon, paalis na sa roofed study area ng high school si Leo nang humahangos na nilapitan siya ni Ava.

"Kuya Leo!" hinto nito sa harapan niya.

Ava was so carefree. She didn't mind if her white blouse and green pleated uniform got wrinkled. She bothered less about her wavy hair that was messily tied in a high ponytail.

"Ava." He squint his eyes because they were already standing beneath the noon sun. Tanghali na at dapat na siyang umalis para pumasok sa trabaho, pero siguro naman ay mabilis lang itong magiging pag-uusap nila ng dalagita. "Ano 'yon?"

"Kuya Leo, bagsak na naman ako sa Math, e," ngiti nito na malapit na sa ngiwi. Sa hiya na rin siguro kaya humigpit ang pagkakayakap nito sa leather nitong file folder. "Winarningan na ako ng teacher namin na baka maging repeater ako kapag nagpatuloy 'to sa fourth grading."

Leo lowered his eyes. Mukhang alam na niya ang sunod na sasabihin ng dalagita. Malamang ay titigil na ito sa pagpapa-tutor sa kaniya. "Pasensiya na kung hindi nakatutulong sa 'yo ang pagtuturo ko-"

Ava immediately waved a hand. "No! It actually helps! It's just me who's the problem!"

Gulat na napatingin siya rito.

"Pagkaturo mo naman kasi sa group studies natin, nauunawaan ko 'yong topic. 'Di ba, nagpapa-quiz ka pa nga sa 'min? Nakaka-score pa nga ako, e. Pero pagdating sa mismong klase . . ." She cringed and lowered her voice. "Leo, nakaka-zero ako kahit sa mismong exam."

Napangiwi tuloy siya. "I see. Pero kung hindi naman nakakatulong sa grades mo ang pagtuturo ko, baka kailangan mo na maghanap ng tutor na may mas magandang paraan ng pagtuturo."

"No. Mom suggests something else."

"Ma'am?"

Ava quickly nodded. "My mom. Mother."

"Oh!" he smiled and chuckled slightly upon understanding what she meant. "Ano ang suggestion n'ya?"

Ava tugged him by the arm. Sumilong sila sa bubong ng study area bago ito nagpatuloy. "Well, ang sabi ni Mom, baka hirap lang ako i-retain ang mga natutuhan ko kapag marami akong kasama noong pinag-aralan ko 'yon. Imbes kasi na mga lesson lang ang maalala ko, nasa memory ko rin daw 'yong mga taong nakapukaw sa atensiyon ko, 'yong mga nakasalamuha ko sa classroom o sa group studies natin."

His eyes narrowed in curiosity. "Parang nagpapahiwatig s'ya ng one-on-one tutorial."

Ava nodded. "Sakto! 'Yan ang gusto n'yang mangyari. Kaya kung okay sa 'yo, p'wede ka bang sumaglit sa bahay namin? Doon mo ako i-tutor."

Leo stared at Ava. 'Sa tingin ko, gusto lang ako makilala ng mga magulang n'ya. Walang magulang ang hindi nagiging maingat kapag nalaman na lalaki ang tutor ng anak nila.'

Ava was smiling at him expectantly as she waited for his answer.

Leo replied politely. "Kailangan ko nang pumasok sa trabaho ngayon. Pero bukas, pagdaan ko rito, pag-usapan natin ang suggestion ng mama mo, okay?"

Lumaki ang ngi ng dalagita at sumigla ang boses nito. "Sure, Kuya Leo! Thank you!"

***

Warning: 🚫
Graphic depiction of medical condition

"KUYA, ayokong mamatay, kuya. . . ." iyak ni Leopold, ang kapatid ni Leo.

Pinigilan ni Leo na masabunutan ang sarili. He wanted to appear composed to relieve his brother from any worries, but his face could not hide how he was crumbling deep inside.

Sino ang hindi guguho ang mundo kapag nakita na halos maghabol ng hininga ang kapatid habang nagpupumilit magsalita, magmakaawa?

Sino ang hindi maaawa sa isang bata na may kung ano-anong aparato na nakakabit sa katawan?

Sino ang hindi madudurog kapag nakita na nangangasul na ang mga labi at kuko ng isang bata?

Sampung taon pa lang si Leopold. Sampu! Para kay Leo ay masyado pa itong bata at hindi pa nito dapat iniisip ang tungkol sa kamatayan nito!

Mag-iisang linggo na si Leopold sa ospital. Pero bago na-confine ay isang linggo itong nagkaroon ng ubo't lagnat na napagkamalan na simpleng trangkaso lang ng kanilang mga magulang. Naalarma na lang ang mga ito nang nahirapan nang huminga si Leopold hanggang sa mailigtas ng tatay ni Imee, si Mang Baste. Marahil ay huli na ang lahat kung hindi pa nakita ng matanda ang panakaw na namasyal na bata na bumulagta na sa niyugan at may dugo sa bibig.

Mula nang maospital si Leopold, sa iba't ibang laboratory test napunta ang karamihan sa mga kinikita ni Leo sa restaurant. Kahit mahal ay malaking tulong pa rin ang mga lab test dahil nakumpirma sa pamamagitan ng mga iyon na may pneumonia ito.

Sa sumunod na linggo, dinagdagan ang medication ng bata. May dugo na sa ubo nito at mga suka, kaya bago umabot ng tatlong linggo ang kondisyon ng bata ay pina-confine na ito sa ospital.

The first days of Leopold's confinement were supported by the Hermanos, the bosses of Leo's parents. But then, the Hermano couple gently told them that they couldn't support all their bills. Ayaw lang ng mga ito na magkaroon ng masamang impresiyon ang iba pang trabahador sa hacienda katulad na lamang ng favoritism.

At napapikit na nga si Leo nang mariin nang umubo na naman ang kaniyang kapatid. Malutong ang mamasa-masang ingay na nagmumula sa lalamunan nito.

His eyes flung open and glared at his brother.

"Tumigil ka na kasi sa kaiiyak!" pigil niya ang maiyak kaya pinagtakpan ang sakit na nararamdaman ng nanenermon na galit. "Kaiiyak mo, sisipunin ka na naman at magkakaplema! Uubuhin ka na naman, Pol!"

Lalo lang itong naiyak. His breathing thinned, making his phlegmic cough sound pitched as well. Leopold began inhaling sharply, beating his chest with his hand as he swallowed breaths of air alternately with his violent coughs.

Hindi na napigilan ni Leo ang tumayo mula sa monoblock na katabi ng kama.

Malalaki ang mga hakbang na nilisan niya ang kuwarto at tinungo ang nurse station. Ipinaalam niya sa isang nurse dito na malala na naman ang pag-ubo ni Leopold at kailangan nila ng assistance.

Hindi na siya sumama rito pabalik sa kuwarto ng kaniyang kapatid. Nanginginig na kasi ang mga tuhod niya kaya napakapit na lang siya sa dulo ng desk counter ng nurse station.

Hindi pa tuluyang humuhupa ang panginginig ni Leo nang lumapit sa kaniya ang bagong dating na ina.

"Bakit nandito ka? Si Pol?" humahangos nitong tanong. Humigpit ang pagkakakapit nito sa may kalakihang plastic bag na pagkain ang laman.

"Inaasikaso ng nurse. Malala na naman ang pag-ubo n'ya."

Nagmamadaling nagsuot ng face mask ang kaniyang nanay at walang-pasabi na sumugod na sa kuwarto ng kaniyang kapatid. Leo just released a sigh and headed to the rest room. He took off his face mask and washed his hands so roughly until they were reddish. Patampal na hinilamusan niya ang mukha at iniwasang tingnan ang repleksiyon niya sa salamin dahil pakiramdam niya ay isa siyang malaking kahihiyan.

Hindi ba dapat ay nakatutulong siya sa pamilya? Pero bakit heto at hindi man lang niya makayang tingnan ang kapatid?

Bakit imbes na siya ang malakas at mag-ahon sa kanilang pamilya mula sa kahirapan, heto siya at nanghihina sa nasaksihang pagdurusa ni Leopold?

***

COME HERE
La Grilla Series #1
Copyright Registered: 2024
R-18, General Fiction, Sexy Romance, Drama
First publish on Wattpad: December 2016

Facebook Page: ANAtheCowgirl
Wattpad: ANAtheCowgirl
Twitter: anathecowgirlwp
Instagram/Threads: anathecowgirl
Email: [email protected]

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top