Chapter 32

#LGS1SabihinMo #LGS1chapter32 #LaGrilla1 #LaGrilla

***

Warning: 🚫
Mention of abuse

PAGKATAPOS magtanghalian, nagpaalam si Leo kay Mang Baste na maglalakad-lakad muna sa taniman ng mga puno ng niyog. Wala itong sinabi, tumango lang ito bilang pagpayag.

Wala pa raw si Jamer sa hacienda, kaya iniatas na ni Leo sa sarili ang trabaho ng pagpapatrolya sa lugar. He just had to make sure that whoever was sending him those threats were unable to follow him here. This was for the sake of Imee and the plantation workers' safety.

Sa kaniyang paglalakad, sakto namang nag-vibrate ang cell phone sa kaniyang bulsa. Ibig sabihin ay may tumatawag.

Sinagot ni Leo ang tawag nang nakaakyat na siya sa burol.

"Hello, Steve. Ano na ang balita?"

'Nag-match ang fingerprints kay Almario,' sagot ng kausap niya sa kabilang-linya.

Si Jeffrey Almario, anak ng gobernador. Ito ang nasasakdal sa pagkakasalang rape dahil sa isinampang reklamo ng kliyente niyang si Isabel Dela Paz.

Leo gritted his teeth. "I knew it. So that means, may ebidensiya na tayo na s'ya nga ang humukay o nagpahukay sa bangkay ng kapatid ko."

'Dadagdagan mo ng Grave Threat ang kaso n'ya? Bakit 'di na lang tayo magpokus sa rape case, Leo? Mas mabigat naman ang parusa n'on. Kapag naipanalo mo ang kasong 'yon, makukulong din s'ya.'

"Don't worry. I won't file any case against him. There's no need for that anyway. Halatang guilty ang gagong 'yon dahil sa ginawa n'yang 'to, kaya gagawin kong back-up evidence para sa rape case itong mga death threat niya. These threats has the possibility of being categorized as obstruction of justice too."

'Okay. Copy. Napag-aralan mo na ba 'yong files na ipinakita ko sa 'yo sa agency kagabi?

"Oo," he sighed, inhaling the warm early afternoon breeze. "Ayos na 'yon para sa susunod na trial."

'Good. See you at the trial.'

"Thanks."

Leo scoffed after disconnecting the call. Napalingon siya sa bandang likuran at nakita si Imee na paakyat ng burol. He completely turned to face her and waited for her to come closer.

Kailangan niyang pakalmahin ang sarili. Kumukulo pa kasi ang kaniyang dugo mula nang makumpirmang si Almario nga ang nananakot sa kaniya. Hindi nga yata talaga marunong gumamit ng utak ang hayop na iyon dahil sa dami ng puwede nitong takutin ay siya pa na sanay na sa mga death threat mula sa mga nakakalaban sa korte.

O baka naman, malaki ang ulo nito dahil bina-back-up-an ng tatay nitong gobernador?

"Narine ka lang pala," hinto ni Imee sa paglakad nang nakalapit na ito sa kaniya.

Mabilis na nag-transition ang kaniyang mood. Leo smiled as he quickly pocketed his cell phone. "Masyado kang nagwo-worry. I'm not even going anywhere far from you-"

He was about to kiss her when she pushed him away. Itinulak ng palad nito ang mukha niya palayo.

"Tumigil ka. Kailangan nating mag-usap."

Kumunot ang noo niya, pero sa loob-loob ay inatake na siya ng kaba. Daig pa niya ang lilitisin.

"Tungkol saan naman?" pamaywang niya gamit ang dalawang kamay.

"Ano 'tong pag-aaralin mo 'ko?"

Pinigilan niya ang matawa dahil naguguluhan din siya. "Why are you asking that? Ikaw na nga mismo ang pumayag na saluhin ko ang magiging gastusin."

"Nakisakay na lang ako dahil ang galing mong magpasikot-sikot ng usapan! Pero magrereklamo pa rin ako dahil wala naman 'yon sa usapan natin bago tayo pumunta rito!" She raised an eyebrow and crossed her arms.

"Why? Ayaw mo ba? So, babawiin mo ang mga sinabi mo kanina?"

"Hindi na, no! Ayokong ma-disappoint sila Itay. Ayoko ring isipin nila na ang bobo ko naman para palagpasin ang oportunidad na makapag-abogasya." Tumalikod ito sa kaniya at tinungo ang tuktok ng burol. Tinanaw nito ang coconut plantation bago umupo sa damuhan, sa lilim ng mga puno ng niyog.

Habang pinanonood si Imee, may kutob si Leo na hindi nagsasabi ng totoo ang dalaga. Na may mas malalim pang dahilan kaya pumayag ito sa kagustohan niyang tustosan ang pag-aaral nito ng abogasya. Gayunman, hindi na niya isinaboses ang agam-agam. Tinabihan na lang niya ito sa pagkakaupo sa damuhan.

"Originally, gusto naman talaga nila na makapagtapos ako ng pag-aaral, kaya okay na siguro 'to." Humiga si Imee sa damuhan, tinitigan ang asul na langit na sumisilip sa pagitan ng siwang ng mga dahon ng puno ng niyog. "Ang hindi ko lang maintindihan, p'wede mo namang bayaran sa mas madaling paraan ang naging atraso mo noon sa 'kin. P'wede mo naman akong bigyan ng pera at tuluyan nang maglaho sa buhay ko, sa buhay namin."

Leo decided to lay down beside her. "I have to see things through, Imee. Parang ang insincere naman ng apology ko kung babayaran lang kita ng pera sabay alis sa buhay mo."

Imee rolled her eyes. "I don't care anymore if you're sincerely sorry or not. Mag-iwan ka man ng pera o samahan ako sa pag-aaral ko, hindi ko pa rin makalilimutan ang ginawa mo sa akin."

Leo closed his eyes and shuddered a sigh.

https://youtu.be/c8Ho38yT77o

In the tranquility of this hill, under the relaxing shade of a coconut tree, he was finally ready to tell some parts of his past. He didn't know why all of a sudden, he felt ready to speak, even just a little bit about his traumatic past. Matagal rin siyang natahimik bago nagpaliwanag, dahil baka magdalawang-isip pa siya.

Sa huli, nanatili ang kaniyang lakas ng loob. Nagsalita siya.

"I have to make sure that everything for your schooling is taken care of. I don't want you to feel the grip of desperation around your neck, to be forced to do things for the sake of survival.

"You see, Imee, may perang kapalit 'yong sex na nakita mo sa video na 'yon na kinuhanan bago ako naka-graduate ng PolSci. At first, I wasn't sure if we did it . . . I decided to take the money anyway because I need it . . ." His face twisted in confused because up to this day, he still could not remember how that traumatic part of his past started. "Nagkapulmonya no'n si Leopoldo . . ." banggit niya sa kaniyang kapatid. "Pagkatapos, nagkagipitan na . . ."

Gulat na napadilat ito. Bakas ang pagkadismaya at kaunting iritasyon sa boses nito. "Ibig sabihin, binabayaran ka ni Ava? Para makipag-sex?"

Natahimik si Leo. Nang idilat niya ang mga mata ay tila naka-face-to-face niya ang Diyos dahil bumungad sa kaniya ang asul na asul na langit. His eyes were begging Him to understand him, to forgive him for what he did to the body that he was given . . .

"I thought you are better than that," upo naman ni Imee. "Matalino ka at may mauutangan naman ang mga magulang mo na mga tagarito sa hacienda. Si Jamer! Bakit hindi mo inutangan? Marami namang paraan para magkapera, pero bakit kailangan mo pang ibenta ang katawan mo para maigapang ang pag-aaral mo?"

Leo sat up. Mali yata ang pagkakahabi niya ng mga salita kaya mali ang pagkakaintindi ni Imee sa kaniyang mga sinabi. Weird, because as a lawyer, he was required to be well-spoken!

Siguro ito na nga iyong ginagamit ng mga abusado na dahilan para matalo ang mga biktima ng pang-aabuso sa mga paglilitis. May mga detalye na nakaliligtaan. May mga hindi mapanindigan lalo na kung walang-malay o wala sa huwisyo noong naganap ang pang-aabuso, katulad niya. Minsan ay tumatalon ang mga eksena sa kanilang salaysay.

Mahirap ngang isatinig ang masamang alaala kahit na gustong-gusto nila itong isigaw para malinis ang kanilang pangalan at mabuo ang nadurog na pagkatao't kumpiyansa. . . .

And yet, Leo decided against the idea of clarifying himself. Napansin niya na kasi ang pagluha ni Imee at katulad ng nakasanayan, ay inuna niya ang kapakanan ng dalaga.

Pinunasan ni Leo ang pisngi nito, pero tinabig lang ni Imee ang mga kamay niya.

"Imee . . ." he soothingly pleaded.

"Leo?" tawag ng kung sino kaya napalingon siya sa likuran nila na pinagmulan ng bagong boses.

"Ava!" bulalas niya nang makita kung sino ito.

***

NAPADILAT si Imee nang narinig ang pangalang ibinulalas ng lalaki.

It was Ava.

Remnants of the past immediately reverbrated at the back of her mind. She was reminded of that woman who pretended to be her friend. That woman who kept on warning her to stay away from Leo. Pagkatapos, iyon pala, babae ito ni Leo at nag-aasam na mapabalik ang lalaki rito dahil nagbunga ang kanilang pagtatalik . . .

Imee lowered her head to hide her face. She wiped her own tears and put on a brave face before slowly standing up.

Tama na ang pagbabalik-tanaw niya sa nakaraan. This time, and after Leo confessed that he only had sex in exchange for money for his studies, she felt decisive in settling everything for once and for all.

Considering what Yaya Lumeng told her back in Leo's townhouse, she could finally hope that everything was really just a big misunderstanding. Dahil kung totoo ngang may pagpapahalaga si Leo sa imahe nito dahil iyon ang mahigpit na hinihingi ng propesyon nito, posible nga na wala itong ginagawang kalokohan. Kung totoo ngang walang litrato at presensiya ni Ava o ng naging anak nila sa bahay nito, posible ngang hindi totoo ang mga sinabi ni Melissa. Kung totoo ngang kasal na si Ava kay Jamer at kagagaling lang nila sa honeymoon, posible . . . posible pang magkabalikan sila ni Leo!

Yes, she had to get into the details of Leo's involvement with Ava in the present. It would help her decide whether they should reunite or part ways.

When Imee turned, she already saw Ava and Leo's expectant gazes focused on her. She had to hold her breath for a while, because she felt her whole being tremble at the sight of the woman.

Ava had always been gorgeous, but it was more prominent at this moment than ever. She looked so loved, so spoiled, and well-taken care of. Nakaladlad ang alon-alon nitong buhok na parang itim na ulap sa sobrang lambot at dulas nitong tingnan. Her eyes softened at the sight of her, and her soft-looking lips slightly parted to slip out a low sigh.

Ava ran to her, as graceful as the way the ruffled ends of her pink halter neck dress' skirt flicked against her knees. Their heights almost leveled because Ava wore a pair of pretty white ankle-strap high heels.

At yumakap na nga sa kaniyang leeg si Ava. Her soft cheek pressed against the side of her face.

"Thank God, you're finally back!" Humigpit pa nang bahagya ang pagkakayakap nito sa kaniya. "Sobrang nag-alala ang lahat dito, Imee! Especially your parents! They even asked for our help. Jamer hired people and has been in touch with his connections in the military, kaya paano ka nakapagtago sa 'min nang gan'to katagal?"

Imee just looked away while still rooted to her place. 'Sa military kayo humingi ng tulong, e. Talagang pagtataguan kayo ng mga taga-mafia kung saan involved ang manager kong si Maria.'

Humiwalay sa kaniya si Ava. Habang nakahawak sa kaniyang mga braso ay pinasadahan siya nito saglit ng tingin. Her eyes trailed from her delicate face and her hair, down to her white blouse and fitting denim skirt.

"Seems like fortune favored you so much in Manila. Look at you! Mas lalo kang gumanda!"

Imee just lowered her eyes to her left. Hindi pa niya napaghandaan ang pagkikita nilang ito ni Ava kaya hindi pa niya malaman kung paano pakikitunguhan ito para makuha ang resultang gusto niya-iyon ay ang magkalinawan na silang tatlo tungkol sa sex video at sa mga pinagsasasabi ni Melissa noon.

***
Warning: 🚫
Mentions sex, abuse

PINAPASOK sila ni Ava sa mansiyon ng mga Hermano. Imee tried to be as civil as possible, 'yong tipong parang balewala na lang sa kaniya na may namagitan kina Ava at Leo kahit hindi gano'n ang kaso.

Imee looked around the mansion and she was subtly astounded at the apparent changes. Bilang sa daliri lang ang mga pagkakataong nakapasok siya noon sa mansiyon pero nag-iwan iyon ng impresiyon sa kaniya na matamlay ito at masyadong madilim. Pagkatapos, heto na ang bagong hitsura ng mansiyon-masigla at tila puso na muling tumibok dahil sa iba't ibang pagpulso ng mga kulay sa bawat sulok nito. It looked homey with its rustic design-from the hardwood finished floors to the wooden furnitures mixed with cream-colored cushioning or accents. There were colorful decorations that added more life and harmony to the place.

A big wedding picture hung on the wall behind the long sofa. Nasa larawan sina Ava at Jamer.

'Kasal na talaga sila?' paniningkit ng kaniyang mga mata na nakapako na sa wedding picture.

"Napaaga yata ang balik n'yo ni Jamer? Ang sabi ni Mang Baste, sa susunod na linggo pa dapat ang balik n'yo," narinig niyang wika ni Leo kay Ava kaya hinarap niya uli ang mga ito. Naghahanap na ang mga ito ng pupuwestohan sa mga sofa.

"Well . . ." Ava shrugged her shoulders. "Sinugod kasi ang lolo ni Jamer sa ospital. Kritikal ang kondisyon. Bumisita muna kami kahit hindi pa makausap at nasa ICU, 'tapos nauna na lang akong umuwi rito sa hacienda para mag-ayos ng mga gamit namin. Masyado kasing stressed ngayon si Jamer, kaya gusto ko, pag-uwi n'ya rito, 'di na 'ko abala sa pag-aayos ng mga gamit namin. I want to be very attentive to him during these trying times."

Leo nodded. Nilingon siya ni Ava at nginitian, pagkatapos ay bumalik na ang mga mata nito sa lalaki.

"Wow. Nagkabalikan na kayo?" May panunukso sa himig nito.

"Well, you can say that," kibit-balikat ni Leo sabay atras para umakbay sa kaniya.

She just rolled her eyes. 'Malamang um-oo na lang s'ya para hindi na magtanong pa nang magtanong si Ava.'

Clueless Ava continued, "I haven't prepared for this so, is it okay if ininit na lasagna muna ang i-serve ko sa inyo? We've got some cake too."

"We already had our lunch, Ava. A thin slice of cake might do, though." Leo glanced at her. "Ikaw, Imee?"

Napatitig muna siya kay Ava. Hinahanap niya sa mga mata nito kung sinsero ba ang tuwa nito na makitang magkasama sila ni Leo. Kasi hindi ba noon ay sobrang tutol ito sa kanilang dalawa?

"Chocolate flavor s'ya, Imee," Ava smiled at her, a stark contrast to her serious expression. The growing awkwardness could be seen on the woman's face, too.

"Sige," seryoso niyang sagot habang titig na titig pa rin dito.

"I'll get some then, with tall glasses of water," she announced. "Just sit here and have some chat."

Nang maiwan silang dalawa, umupo na sila ni Leo sa magkabilang solohang sofa na napagigitnaan ng mesita. Napatingin si Leo sa mukha niyang bakas ang pagkairita.

Hindi na niya naitago ang sarkasmo sa tono ng kaniyang pananalita. "So, pagkatapos ng lahat-lahat, in good terms pa rin kayo ni Ava. At nag-uusap pa rin kayo."

"Imee," bulong nito sa kaniya, "please, baka marinig tayo ni Ava."

"O, bakit? Hindi pa ba n'ya alam ang nalalaman ko? Alam naman n'ya, 'di ba? Kasi s'ya naman ang may kagagawan ng mga milagro ninyo noon. Kaya ano naman kung marinig n'ya tayo? Bakit pagkatapos ng mga nangyari sa inyo, ganito ang treatment n'yo sa isa't isa? Friends? Parang wala lang nangyari? Hindi ka ba sinisilaban sa galit dahil pagkatapos n'yang samantalahin ang pangangailangan mo ng pera at sirain ng video ninyo ang relasyon natin noon, heto s'ya at ipinamumukha sa 'tin na ang saya-saya ng buhay n'ya? O baka naman, may hindi pa maka-let go sa inyo? Alam kaya 'to ni Sir Jamer?"

Hindi lang talaga mapigilan ni Imee ang magalit. Kanina pa kasi magkausap ang dalawa habang naglalakad sila patungo sa mansiyon. They seemed to be in good terms. Too good than it should. They even hugged briefly as they greeted each other.

Big deal iyon kay Imee kahit na niyakap at kinausap din siya ni Ava na tila iniisip na wala pa rin siyang kaalam-alam tungkol sa sex video, sa namagitan sa kanila ni Leo.

"At kasal ba talaga sila ni Sir Jamer? Kasi kung gano'n, pa'no ang anak ninyo?" dagdag pa niya para magkalinawan na sila. Because if they wouldn't settle this, Imee would never know how to deal or interact with Ava once she returns, so she had to urgently figure things out right now!

"Hindi si Ava ang nasa video," Leo hissed, keeping his tone as low as he could. "At ano'ng anak ang pinagsasasabi mo?"

"Kung hindi s'ya, e, 'di sino?" bahagyang pagtataas ng boses niya rito. "Kung hindi si Ava, bakit hindi mo na lang sabihin kung sino talaga 'yon!? Hindi mo ba masabi dahil pinoprotektahan mo ang taong 'yon hanggang ngayon? At bakit mo naman s'ya poprotektahan? Dahil may koneksiyon pa kayo? Napapakinabangan n'yo pa ang isa't isa?"

Imposibleng hindi si Ava ang nasa video! Imposible naman kasing ipahiya ni Melissa, ng mismong nanay nito, si Ava kung hindi talaga ito ang nasa video, 'di ba? She knew the feeling of being loved by a mother, and certainly, her own mother wouldn't do that to her. Her mother wouldn't tell other people about her sex video if it wasn't an emergency and if it wasn't hers in the first place! Any good mother wouldn't expose their children like that!

"Ang boses mo!" saway ni Leo sa kaniya.

"O, ano naman? Kung naipilit mo ang gusto mo na pag-aralin na naman ako, p'wes, sasabihin mo ngayon sa 'kin kung sino ang ka-sex mo sa video na 'yon!"

Natahimik ito, nanatiling nakatulala sa kaniyang mukha. Nakita ni Imee ang pagkabahala sa mga mata ng lalaki pero kahit ano'ng iling ang gawin nito ay wala na siyang balak pa na tumanggap ng 'hindi' mula rito. Sasabihin na ngayon ni Leo sa kaniya ang gusto niyang malaman dahil iyon ang gusto niyang mangyari!

Oo, noong una ay ayaw na niyang makarinig ng anomang paliwanag mula rito. Ayaw niya dahil masasaktan lang siya. Ayaw niya dahil sapat nang ebidensiya ang video. Ayaw niya dahil posibleng lokohin lang siya ng lalaki para makalusot at patuloy siyang lokohin katulad ng tipikal na ginagawa ng mga palikero na katulad nito. Dahil minsan ay masyadong masakit malaman ang buong kuwento lalo na at alam ni Imee na sa isang masakit na katotohanan lang naman ang bagsak niyon . . .

At niloko siya nito, kaya wala na itong karapatan na magpaliwanag dahil kung manloloko ito ay magsisinungaling lang ito para makalusot. At kung maglolokohan lang din pala sila ay maghiwalay na lang sila . . .

Pero heto siya ngayon, may lakas na ng loob na malaman ang buong kuwento, ang buong katotohanan. Handa na siya sa sakit na ihahatid niyon sa kaniya. Wala nang mas maganda pang oras para kay Imee na malaman iyon kundi ngayon na mismo, ngayong handa na siya.

At kasalanan ba niya kung ngayon siya mangulit sa binata? E, kanina pa sana malinaw ang lahat kung hindi lang walang-pasabi na sumulpot sa burol kanina si Ava at gumambala sa kanila!

"Sino, Leo?" matapang niyang usig. "Sabihin mo na habang nasa kusina pa si Ava! Sabihin mo na para hindi na 'ko magtaka sa pagiging close n'yo pa rin ni Ava hanggang ngayon! Sabihin mo, para pagbalik ng babaeng 'yon dito, alam ko kung pa'no s'ya haharapin!"

Napapikit lang ito nang mariin. Hindi niya alam kung ano na ang tumatakbo sa isip nito pero tila may kung anong kirot itong nadama na nagpalukot sa mukha nito.

Frustration grated her voice. "Leo! Sabihin mo na kasi sa 'kin! Sino ba s'ya, ha? Kung hindi si Ava, sino?" Mariin niyang naikuyom sa kaniyang kandungan ang mga kamao. "Ayokong ma-involve sa 'yo kung attached ka pa rin sa ibang babae! Kaya sino s'ya, Leo? Sino?!"

"It was Ava's mother, okay?" he blurted out. "Bakit ba hindi mo maintindihan na nahihirapan akong pag-usapan 'to dahil tuwing naaalala ko, nandidiri ako sa sarili ko? Naalala ko 'yong mga panahon na kahit ilang beses akong makipag-sex as iba't ibang babae, na kahit ipagpilitan ko ang masanay, pakiramdam ko, ang dumi ko dahil nagpababoy ako kay Melissa at tinanggap ko ang pera n'ya!" singhal niya rito.

Natigilan siya. Nayanig sa narinig. 'Nag-sex sila ng nanay ni Ava? 'Yong Melissa Milano? 'Yong mismong nagpakita sa akin ng video na 'yon?!'

Leo seemed to have had enough. He could not refrain the passion and frustration in his tone any longer. "Yes, we had sex! I only intended to do it once, dahil 'yong unang beses, lasing ako at mali 'yong ginawa namin! Sa tuwing inaalala ko ang lahat, lalo akong natatangahan sa sarili ko! Kasi noon, para akong kriminal na takot na takot na maparusahan kapag hindi ko pinanindigan ang ginawa ko raw kay Melissa! Then at Law school, I realized that I am not the criminal, I am the victim! Isa akong malaking istupido!"

Nanikip ang dibdib ni Imee at gumapang ang nagyeyelong panlalamig sa buong katawan niya. Hindi niya mapangalanan ang nararamdaman pero napakatindi nito para panginigin ang kaniyang mga kalamnan, para palindolin ang kaniyang dibdib.

"Yes, Imee!" Leo spat indignantly. "Melissa and I had sex and she makes up for every hell I suffered into by paying for my tuition fees, for everything I need! Tumigil lang kami no'ng nahuli kami ng tatay ni Ava at-"

Natigilan si Leo na tila may nahagip sa gilid ng mga mata nito. Nang napalingon ito sa doorway ng sala ay sinundan ni Imee ang tingin nito at nakitang nakatayo roon si Ava. Nanginginig ang babae sa galit. Maluha-luha rin ang mga mata nito. Napatayo si Leo sa kinauupuan para puntahan si Ava.

Napatayo si Imee. She wanted to stop Leo, but she stepped back when she understood what he wanted to do.

He wasn't planning to run away. It actually seemed like he wanted to approach Ava, to soothe her! It seemed that Leo wanted to explain to Ava and to say sorry, and to make her understand his situation. Na kahit hindi na ito makisimpatya sa lalaki, pang-unawa na lamang ang hihilingin nito mula rito.

Sinalubong naman ni Ava si Leo.

Pero lumapit lang ito sa binata para sampalin ito. His head flung to his right, giving him a short glimpse of Imee's shocked reaction.

Napapikit naman saglit si Imee sa malutong na paglagapak ng palad ni Ava sa pisngi ni Leo. Hindi niya napigilan ang awtomatikong paggulong ng luha sa mga pisngi niya dahil parang siya mismo ang nakatanggap ng sampal na iyon!

Ang pinakamasakit pa rito ay napagtanto na ni Imee na hindi nga nagtaksil sa kaniya si Leo. Masakit dahil kung ito na ang katapusan ng pagdurusa ng kaniyang damdamin, sa tingin niya ay ito naman ang magiging simula ng pagdurusa para kay Ava, kay Leo.

"I-Ikaw!" duro ni Ava kay Leo. "Ikaw pala ang sumira sa pamilya ko! Naghiwalay ang mga magulang ko dahil sa 'yo! Nambabae ang tatay ko dahil sa 'yo! Itinuring pa kitang kaibigan, Leo, e, ahas ka naman pala! Ang kapal ng mukha mo!"

Napailing-iling si Leo. Naluluha na ito sa bigat ng nararamdaman. Tila ba lumabas sa pamamagitan ng mga luha ng lalaki ang lihim na ilang taon na nitong itinatago, ang lahat ng kinimkim nitong trauma, at pagkakonsensiya.

Sa nasaksihang ito, tila naramdaman din ni Imee ang bigat na dinadala ng lalaki sa loob nito. Nagpanginig ang bigat na iyon sa kaniyang mga kalamnan at buong katawan, kulang na lang ay bumuwal siya sa kinatatayuan. Nahirapan si Imee na igalaw man lang ang mga paa niya para sumaklolo rito.

She watched Leo as he held Ava's arms. "I . . . I am sorry, Ava. . . . Ava, I am sorry! Walang araw na hindi ako nagsisi, na hindi ako na-guilty! Kaya nga kinaibigan kita, 'di ba? Para kahit papaano, makabawi ako, Ava! I am sorry! Ava . . . please, huwag ka nang magalit sa akin. . . ."

Nanghihinang itinulak lang nito si Leo palayo. "Ang kapal ng mukha mo! Pinakain kita! I treated you like a brother!" dumadausdos na ang luha sa mga pisngi nito habang unti-unti nang gumegewang ang katawan nito mula sa kinatatayuan.

Doon na lumapit si Imee at sinalo si Ava bago pa ito tuluyang bumigay dahil sa panginginig ng mga tuhod nito.

"Ayaw na kitang makita, Leo!" Kahit na bahagyang nanlambot ang boses ay kinilabutan pa rin si Imee sa kalakip nitong galit. "This time, I completely lost my trust in you!"

***

INALALAYAN ni Imee si Ava para makaupo sa sofa. Pagkatapos ay nagmamadaling hinabol niya si Leo sa labas ng mansiyon. She only reached him when they got to his mini cooper parked on the yard.

"Leo!" tawag niya rito sabay hablot sa braso.

Leo violently tugged his arm away from her hold.

"Masaya ka na?" lingon nito sa kaniya, namumula na ang mga mata sa galit at sa pangingilid ng pinipigilang mga luha.

"Leo . . ." haplos niya sa balikat ng lalaki pero tinabig lang nito ang kamay niya.

Tuluyan na itong humarap, at nagtanong nang puno ng hinanakit ang tinig. "Why do you have to do this to me, Imee?"

Unti-unting nadudurog ang kaniyang puso habang pinagmamasdan ito na puno ng galit at sakit ang mga mata. Maging ang mga kamay nito ay nanginginig na rin. Naghalo ang kaniyang takot at lungkot, buong pagsisising nangamba siya kung saan hahantong ang mga komprontasyong ito.

"Hindi ko naman alam na ganoon pala kabigat ang nangyari at dapat isikreto-"

"'Yon nga 'yon, e! Wala kang alam! Wala ka na ngang alam, nag-a-assume ka pa agad!" basag ng boses ito. "Kahit isang beses, Imee, mula nang magkita uli tayo sa Atlantis, hindi ko man lang naramdaman na mahalaga ako sa 'yo. Ang mahalaga na lang sa 'yo ay mangyari kung ano ang mga gusto mong mangyari!" His eyes were now teary. "Sa kabila ng sarap na hatid mo sa 'kin, sa loob-loob ko, napapaisip pa rin ako: ano pa kaya ang plano ng babaeng 'to sa 'kin?Ano pa kaya ang gagawin n'ya para pasakitan ako? Para makaganti sa 'kin? I loved you for your innocence. I even wished you never lose it, but now, I regret it."

Naghihirap ang kalooban na nahigit niya ang paghinga.

"Hindi por que ikaw ang nasaktan, ikaw lang ang biktima at ako lang ang masama. Hindi mo naman kailangang maintindihan ang lahat, e. . . . Hindi mo naman kailangang malaman ang lahat. . . . Because if you'll only come here-" he slapped a trembling hand to his chest, "-come hear me . . . then everything will be clear to you: all I need is for you to believe me.

Ang kailangan ko lang mula sa 'yo ay ang maniwala ka sa 'kin, at ang sakit-sakit kasi hindi mo 'yon kayang ibigay sa 'kin nang walang-kondisyon! Sarili mo lang ang gusto mong paniwalaan. O marahil 'yong mga usap-usapan na babaero ako! Takot na takot kang maloko! Takot kang magmukhang tanga! Takot kang malamangan kaya gan'yan ka! You believe in your own stories in your head, in your own fairytales!

"It's alright to trust in yourself, but sadly, you don't give a damn about reality . . . the reality that there is not only one side to every story! Not only your side of the story matters, but mine, too!"

Hinarap na nito ang kotse at binuksan ang pinto nito.

"But to be fair, I have to admit that what you did also right. Protect your heart. Protect your peace of mind. Run away while you're not yet deep into this connection between us. Why should you trust in me anyway? Palikero ako. Right from the start, we both knew I am unworthy of you. You deserve a man you'll be proud of."

"Leo . . . I am sorry . . ." manginig-nginig ang mga labi niyang usal, tinutupok ng panghihina ng kalooban.

Nilingon siya uli ng lalaki. "Hindi kita pinagtaksilan, Imee. When I fell in love with you, I thought I'm ready to settle down. I thought that for once in my life, I will be doing something for someone without asking for anything in return, without expecting them to heal my trauma-and that something is loving you."

Sa tono ng pananalita nito ay tila namamaalam na ito sa kaniya. Hindi siya makapapayag!

"Please, intindihin mo rin ako. E, sa iyon ang nakita ko, e. N-Nasa video lahat, Leo. . . ." iyak ni Imee. "Leo! I . . . I am sorry . . . P'wede pa naman natin subukan uli, 'di ba?"

"Ewan ko," pagtatapos ni Leo. "I already tried my best, baby. I already gave this relationship a second shot. And since you can't find it in your heart to forgive me, to believe in me . . . I don't know if I can give it another chance."

Sumakay na ito sa driver's seat at isinara ang pinto.

Pinanood ni Imee ang pag-andar ng kotse palayo sa kaniya, palabas ng Hacienda Hermano. At sa puntong ito lang niya naramdaman ang matinding takot na baka hindi na bumalik pa kailanman si Leo.

Baka hindi na siya nito hanapin uli.

Baka hindi na siya nito mahalin uli.

https://youtu.be/c8Ho38yT77o

***
COME HERE
La Grilla Series #1
Copyright Registered: 2024
R-18, General Fiction, Sexy Romance, Drama
First publish on Wattpad: December 2016

Facebook Page: ANAtheCowgirl
Wattpad: ANAtheCowgirl
Twitter: anathecowgirlwp
Instagram/Threads: anathecowgirl
Email: [email protected]

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top