Chapter 8
CHAPTER 8
The Girl
* * * * *
Nur Ali Ibrahim
"Oo, naglayas ako," kaswal na sabi ni Care. Nakatayo sa gilid ng mesang pinagkakainan namin si Aleks. Nakabagsak ang kaniyang balikat habang tutok ang mata kay Care.
"Hinahanap ka ng Papa mo. You need to go home, Care."
"Home?" Care scoffed at iniling-iling pa ang ulo. Mababakas sa kaniyang mukha ang yamot na may halong lungkot. "Go home? Hindi home 'yon, Aleks. Impyerno 'yong lugar na 'yon."
Aleks bit his lower lip and shook his head in disbelief. Lumapit si Aleks sa pwesto ni Care at pumunta sa likod ng wheelchair nito.
"Anong gagawin mo?" tanong ni Care.
"Iuuwi na kita." Ikinapit na ni Aleks ang kaniyang palad sa push handles ng wheel chair ni Care.
Bahagyang namilog ang mga mata ko. Agad akong tumayo at hinayaang malaglag sa plato ang kutsarang hawak ko. Nakagawa pa iyon ng ingay.
"Aleks, dude," sabi ko at inilahad ko ang aking kamay.
They both looked at me. Nag-aalalang mata ang mayro'n kay Aleks at takot at poot naman ang kay Care.
"Iuuwi ko lang si Care, bro," sagot ni Aleks, mababakas ang determinasyon sa kaniyang boses.
"Ayaw ko!" sigaw ni Care.
"Your dad called me earlier! Tanong siya nang tanong sa mga tao sa bahay pati sina Yaya Buning at Kuya Ben ay pinagtanungan na ng Papa mo, pero 'di nila alam. Nag-aalala ang Papa mo sa 'yo!"
"Nag-aalala? Pweh. Nag-aalala lang siya sa pangalan niyang Billones."
Napalagutok na lang ng dila sa Aleks at akmang bubwelo para maitulak ang wheelchair ni Care. Dagli naman akong naglakad at pumunta sa harap nilang dalawa. Hinarangan ko ang wheelchair ni Care. Hinahampas-hampas naman niya ang mga kamay ni Aleks na nasa push handles ngunit tila hindi nasasaktan ang lalaki.
"Aleks, ayaw niya," sabi ko. Bumigat ang paghinga ko habang nakatayo sa harap nila. Kumabog din ang puso ko na tila gusto nang makawala nito sa isang hawla.
Taimtim akong tumitig kay Aleks. Naging flat ang emosyong nababasa sa kaniyang mukha. Patuloy pa rin sa paghampas si Care sa gilid ng wheelchair. Ayaw niya talagang umuwi. Bigla na lang akong nakaramdam ng awa at pangamba para kay Care.
"Aleks, please, I don't want to go home," mangiyak-ngiyak na wika ni Care.
"Care can decide kung gusto ba niyang umuwi o hindi." Inihakbang ko paabante ang aking paa. May tumutulo ng luha mula sa mga mata ni Care na tila tumawid at humaplos sa katawan ko. Nadama ko bigla ang kaniyang lungkot. Bumuga ako ng isang malalim na hangin galing sa aking ilong.
Ipinikit naman ni Aleks ang kaniyang mga mata at bumuntonghininga
"Okay, okay," sabi niya at tuluyan nang bumitaw sa wheelchair ni Care. Naglakad siya papunta sa gilid ng wheelchair nito. "Just call me if you need help." Ipinamulsa na ni Aleks ang kaniyang kamay at tuluyan nang umalis dito sa rooftop.
Nakayuko naman si Care sa kaniyang wheelchair at dinig ko na ang kaniyang paghikbi. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Nahihiya akong pakalmahin siya dahil natatakot akong mabigyan niya ito ng kahulugan. O, baka ako ang natatakot? I mentally punched my face.
Ano ka ba Nur? Umiiyak na 'yong tao sa harap mo!
Ikinuyom ko ang palad ko saka tumingala sa asul at makintab na langit. Nakagat ko pa ang aking ibabang labi. Pero sa huli, mas nais ng aking katawang tumabi sa kaniya.
Huminga muna ako nang malalim. Ibinaba ko ang aking sarili't lumuhod sa sahig. May nadama pa akong mga maliliit na batong tumama sa hibla ng aking pantalon.
Nang makita ko ang mukha ni Care, napuno ito ng luha. Basa ang kaniyang mamula-mulang pisngi dahil dito.
"Care, okay na. Umalis na si Aleks. Tahan na, ha."
Pinunasan niya ang kaniyang luha gamit ang kaniyang kamay. Sumisinghot-singhot pa siya.
Bahagyang nag-angat ang kaniyang tingin at nagtagpo ang mga mata namin. Parang ramdam ko na rin ang bigat ng kaniyang kalooban. Nagbigay ako ng isang tipid na ngiti.
"Gusto mong pumangit?" tanong ko.
Nangunot ang noo at nagsalubong ang kaniyang dalawang kilay. "Ha?"
"Tumigil ka na d'yan sa kaiiyak mo. Papangit ka." May kumawalang maliit na hagikhik mula sa aking labi.
Suminghot muli siya. "Ikaw, gusto mong pumangit?"
"Ako?" Itinuro ko pa ang sarili ko. "Hindi na ako papangit. Pogi na ako simula pa noon."
Naglabas ng isang nakauuyam na tawa si Care. Tila umatras na ang mga luha niya kaya napangiti ako.
"Sinong nagsabi na pogi ka? Lakas mo naman pala!" nakahalukipkip niyang turan.
Patuloy lang ako sa pagngiti upang maiparating ko ito sa kaniya para mapawi na ang kaniyang kalungkutan.
"Mukha kang asong ulol," ismid niya.
Tumayo na ako mula sa pagkakaluhod. Buti naman at kumaunti na ang pagbigat ng hangin sa paligid. At, ganoon din ang aking nararamdaman-galak at isang kakaibang bugso na hindi ko pa maipaliwanag.
Nawalan na rin ng gana kumain si Care kaya kinuha ko na lang 'yong pinagkainan namin at siya ang nagdala n'on. Alangan naman ako na tagatulak ng wheelchair niya.
* * * * *
Bumalik na kami rito sa dorm nina Yarsi. Nasa kwarto si Care dahil gusto niya raw muna magpahinga at mapag-isa dahil na rin sa nangyari kanina. Hinayaan ko na lang muna siya roon. Alam kong mabigat ang kaniyang pinagdadaanan ngayon. Tahimik nga lang kami habang pabalik dito sa dorm.
Namalagi muna ako rito sa sala't nakaupo sa sofa habang may pinapanood na series sa Netflix. Nakasandal lang ako at tutok na tutok sa palabas nang biglang tumunog ang cellphone ko. Agad ko rin iyong kinuha na nasa tabi ko lang naman.
Tiningnan ko ang pangalang nakaimprenta sa screen at ang nandoon ay ang pangalan ng kapatid ko-Aliya Ibrahim.
Sinagot ko ang kaniyang tawag.
"Kuya, salam," pagbati niya.
"Salam."
"Kumusta na? Affected ka ba ng wristband? Nag-aalala kami sa 'yo."
"Oo." Saglit akong napahinto at tiningnan ang wristband sa kaliwang palapulsuhan ko. "Musta na sina Abi at Umi?" Pag-iiba ko ng usapan. translation: Abi - Tatay, Umi - Nanay
"Ayun, kinakabahan sila kasi baka kung ano ang mangyari sa 'yo d'yan, pero okay lang naman sila rito."
Napatango ako sa kaniyang sinabi.
"At saka kuya, kaya pala ako napatawag kasi may darating dito. Kailangan mong bumisita."
Bahagyang nalukot ang aking mukha at napuno ng pagtataka ang aking isipan. Umupo ako nang maayos at pinahinaan ang volume ng palabas sa TV.
"Bakit? Ano'ng mayro'n?"
Narinig ko na lang na bumuntonghininga si Aliya sa kabilang linya.
"Darating dito si Omerah pati ang family niya. Next week na," imporma sa akin ng aking kapatid.
Sa isang kisap, tila dumilim ang lahat at lumubog ang aking puwetan sa sofa'ng inuupuan. Naiyuko ko pa ang aking ulo't huminga nang malalim. Malalim na malalim na parang may limang drum ang kailangang punuing hangin ng aking baga. Banayad ko munang pinakalma ang sarili upang makapag-isip nang maayos muli.
Si Omerah, siya ang babaeng ipinagkasundo sa akin. Pinag-uusapan na ng magulang ko at magulang niya ang kasal at mga kung anu-anong gagawin ngunit hindi pa final ang lahat. Batay na rin sa nalalaman ko, wala pa namang nabibigay na dowry ang magulang ko sa pamilya ni Omerah.
Lumunok muna ako bago sumagot muli sa tawag ng aking kapatid.
"Sige, pupunta ako. Kailangan, eh." Bakas sa aking boses ang isang mabigat na damdamin.
"Sige Kuya. Sasabihin ko 'to kina Abi at Umi. Bye, kuya. Ingat!"
"Ingat!"
Ibinaba na niya ang kaniyang tawag at inilapag ko muli ang cellphone sa tabi ko. Hinayaan ko namang kainin ng malambot na sofa ang likod ko,
Kinakabahan lang ako sa tuwing lumilitaw ang usapin tungkol sa arranged marriage ko. Mahal ko ang mga magulang ko kaya halos lahat ng sinasabi nila, ginagawa ko.
Nagkita na rin kami ni Omerah noon. Sobrang nakaiilang dahil unang beses pa lamang naming magkita. Bumisita kami sa lugar nila sa Mindanao at halatang may kaya ang pamilya niya. Kami naman, siguro maituturing kong nasa middle class lang ang pamilya namin kaya mahirap ang pagbibigay ng dowry kung mataas ang halagang hinihingi ng pamilya ni Omerah. Pero sa tingin ko, hindi naman siguro problema iyon dahil magkaibigan ang tatay ko at ang tatay niya. Ang mga tatay rin namin ang nag-usap tungkol dito kaya sila ang nasunod upang mabuo ang ideyang ito.
Nasira ang pagmumuni-muni ko nang may narinig akong nabasag na plato kaya napabalikwas ako ng tayo. Dinig ko rin ang pagsigaw ni Care na nanggagaling sa may kusina. Agad akong pumunta roon at nakitang nagkapira-piraso na ang puting platong tumama sa tiles na sahig.
"Are you okay?" tanong ko sa kaniya. Nanginginig pa ang kaniyang mga kamay. Balak ko sanang hawakan 'yon para madama niya na ayos lang ang nangyari ngunit hinampas ako ng alon ng kahihiyan kaya hindi ko nagawa.
Inilayo ko na lang siya sa kusina at diniretso sa sala.
"Okay ka lang?"
"Oo," nanginginig niyang sabi.
"Bakit ba 'yon nabasag?"
"Sinubukan kong tumayo pero sumakit lang itong pilay ko kaya nabitawan ko 'yong plato. Sorry. Magso-sorry na lang ako kina Jen at Yarsi," pagpapaumanhin niya. Nakasalikop ang kaniyang mga kamay at nakapatong sa hita niya.
"Nagugutom ka ba?"
"Oo, hindi ko kasi naubos 'yong kinain ko kanina kasi dumating si Aleks."
Napabuntonghininga ako. "I'll cook for you. At, darating na rin sina Yarsi mamaya. Magluluto ako para sa inyo, ha."
* * * * *
Saktong mga alas kwatro dumating sina Yarsi at Jen galing sa mga klase nila. Katatapos ko lang din magluto ng scrambled egg. Paano ba naman, wala palang mga pagkaing nakaimbak sa refrigerator nila. No choice kundi itlog na lang ang lutuin ko at saka may mga tinapay naman dito.
"Kailan n'yo balak bumili ng mga pagkain?" tanong ko kina Yarsi na nandito sa kusina. Isinasalin ko na sa plato ang umuusok na scrambled egg.
"Siguro bukas," natatawa niyang sagot. Dumiretso siya sa hapag at nandoon din ang dalawang babaeng sina Care at Jen.
"Bukas, ah. Bumili na kayo ng pagkain ninyo." Inilapag ko na ang plato sa mesa at itinapat kay Care. Hindi naman siya nag-inarte no'ng sinabi ko sa kaniya kanina na itlog at tinapay lang ang kakainin niya. At, mukhang busog pa itong sina Yarsi at Jen dahil amoy fishball at siomai pa ang buong katauhan nila. Tila nananapak ang mga amoy nila.
Umupo na ako sa upuan at nakapaikot na kami rito sa hapag. Abala sa cellphone si Jen at si Yarsi ay masayang nakikipagkwentuhan kay Care.
"How's your day kasama si Nur?" nakangiting tanong ni Yarsi.
"Okay lang."
"Okay lang? Walang nangyaring kung anu-ano?" sabi niya habang malikot niyang ginagalaw ang kaniyang kamay na tila kumukumpas tuwing may flag ceremony.
"Wala!" Nagtaas ng boses si Care.
Biglang ngumuso si Yarsi at inilipat ang tingin sa akin. "Pero bakit may nakita akong basag na plato sa basurahan kanina?"
Nakita ko namang biglang natigil si Jen sa pagkalikot sa kaniyang cellphone at inilapag ito sa mesa.
"Anong basag? Sinong nakabasag? Bakit nabasag?" Sa akin tumama ang malamlam pero nangangalit niyang mga mata.
"Nag-away ba kayo kanina? Tapos, ipinagluto mo na lang si Care ng itlog para ma-resolve?" Sumandal sa upuan si Yarsi habang nakahalukipkip pero may nakapintang nakalolokong ngiti sa kaniyang labi.
"Sino. Ang. Nakabasag?" maotoridad na wika ni Jen. Nilalagutok na niya ang kaniyang dila, halatang inip at nag-aabang ng sasagot.
I folded my lips. Ako ba ang aako? Ako ba ang magsasabing nakabasag? Kaso, baka naman ihampas nila sa akin 'yong nabasag na plato. Pero kung si Care naman ang aamin, baka siya naman ang malagay sa panganib. Naguguluhan ako.
"Uhm..." panimula ko.
"Ako. Sorry," biglang pagsingit ni Care. Mabilis na lumipat ang mga mata namin sa kaniya.
"Bakit?" Umupo nang maayos si Yarsi at tila nalungkot nang malaman niyang si Care ang nakabasag.
"Gusto ko sana kumain at tumayo ako. Tapos, nabitawan ko 'yong plato."
Nakarinig ako ng pagbuntonghininga mula kay Jen. "Buti naman at hindi itong si Nur ang nakabasag. Kundi, may mababasag talaga sa kaniya."
Nanlaki bigla ang mata ko. Tinutukoy niya ba ang ano ko? Agad kong ipinagdikit ang hita ko at napansin nina Yarsi iyon kaya nagsimula silang maghagikhikan.
Napailing-iling na lang ako.
Dahil pagabi na rin, magpapaalam na ako sa kanila para bumalik na sa dorm ko. Hinihintay na siguro ako ro'n ni Tim.
"Sige, aalis na ako."
"Okay. Bye," bugnot na wika ni Jen at bumalik sa pagkalikot sa kaniyang cellphone.
"Uy, salamat ha!" masayang sabi ni Yarsi. "Buti naman at hindi mo pinabayaan si Care," dagdag pa niya at kumindat pa. Hindi ko alam kung nang-aasar ba 'tong isang ito o ano.
Mabuti na lang din at hindi lumitaw 'yong usapan tungkol sa nangyari kanina sa rooftop ng Snak Hauz. Mas okay na sigurong hindi na nila alam para hindi pa sila lalong mag-alala sa kaibigan nila.
"Care, ingat ka ha," sabi ko bago tumayo.
Tipid lang na ngiti ang kaniyang isinukli. Kahit na gano'n, parang may kakaiba akong kaba at sayang naramdaman. Parang dahil doon, gusto kong bumalik sa pagkakaupo at panoorin lang siya sa paglamon sa niluto kong itlog. Ano ba ang ginawa mo sa akin, Care?
Ngumiti na lang din ako bilang sagot.
Paalis na sana ako ng kusina nang may narinig kaming malakas na pagkatok mula sa pinto ng dorm na 'to. Sunud-sunod na malalakas na katok na parang sinasapak o minamartilyo na ang pinto. Parang may galit din ang taong nasa likod niyon.
"Who the fuck is that?" sigaw ni Jen. Balikwas siyang tumayo sa upuan kaya natumba ang upuang pinanggalingan niya.
Natigil sa pagkain si Care at halata sa mga mata niya ang takot.
"Ba't may kumakatok na ganyan kalakas?" nag-aalalang tanong ni Yarsi.
"Ako na bahala." Naglakad na si Jen palapit sa pinto at sumunod na lang din ako para kung may mangyaring gulo, maipagtatanggol ko si Care-este itong tatlong babaeng nandirito.
Pinihit na ni Jen ang busol ng pinto at binuksan iyon. Bumungad sa amin ang isang lalaking nakasuot ng kulay asul na suit at itim na pants. Matikas at maotoridad ang kaniyang tayo kaya kinabahan ako sa presensya niya. Ang kaniyang mata ay parang namamaril at bibigay ka na alang anumang oras.
Tila nawalan naman ako ng kaluluwa saglit nang mapagtanto ko kung sino 'yon.
Tila tumigil din ang sistema ni Jen at nawala ang pagkainis niya.
May mga kasama pa si Mayor Billones sa kaniyang likod. At isa na roon ay si Dr. Ahi, ang university president.
"Papa?" biglang tanong ni Care na nasa likod na pala namin ni Jen.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top