Chapter 6

CHAPTER 6

Night Inside La Cota University

* * * * *

Nur Ali Ibrahim

Naalimpungatan ako ng gising nang makarinig ako ng isang sigaw rito sa loob ng Woods Area ng Snak Hauz. Nakasubsob ako sa mesa at papikit-pikit na pinagmasdan ang paligid. Nilibot ko ng tingin ang Woods Area at agad akong napatayo sa kinauupuan ko nang makitang sinasabunutan ni Kelsey si Care.

I hastily walked towards them.

"Stay away from her," walang emosyon kong sabi.

Kelsey laughed in disbelief. She crossed her arms and tilted her head. "Oh, hi Mr. Ibrahim. Looking good pa rin, ha. Friend mo na rin ba 'tong animal na 'to?" Inginuso niya ang kaniyang labi sa pwesto ni Care. Nakangiwi ngayon si Care habang kinakapa-kapa ang kaniyang nasabunutang buhok.

"Nope, we're not friends. Pero puwede bang layuan mo na lang siya. You're making a scene, Kelsey."

"Oh, am I? Am I making a scene?" umismid siya habang tinuturo-turo pa niya ang kaniyang sarili.

"Yes, you are!" sabat naman ni Yarsi. "Puwede bang umalis ka na lang dito bago pa ako may gawin sa 'yo. You don't know me, Kelsey," nanggagalaiting wika niya.

Kelsey just rolled her eyes. Tumitig pa siya kay Care na may ngisi sa kaniyang labi-isang ngising nakaaasiwa. "Mabuti na lang to the rescue itong mga friends mo. Tingnan na lang natin kung hanggang saan, hanggang kailan ka nila poprotektahan." Marahas pa niyang hinawi ang kaniyang buhok bago tumalikod at nilisan ang lugar na ito.

Nakahinga naman nang maluwag ang tatlong babae at inalo nina Yarsi ang naagrabyadong si Care. Marahang tinulak ni Yarsi ang wheelchair ni Care palapit sa kanilang round table.

Napakamot na lang ako bigla ng batok dahil baka mawirduhan sila kung uupo ako at makikisama sa kanila.

Huminga muna ako nang malalim bago ko gawin 'yong nasa isip ko.

Maayos na silang nakaupo at tinabihan nila ang wheelchair ni Care para pakalmahin dahil panigurado ay nagulantang siya sa nangyari.

Inihakbang ko na ang aking paa at hinayaan ang aking sariling makalapit at makisama sa round table nila. Umupo ako nang tahimik pero napansin ako ni Yarsi. Nagtagpo ang mga mata namin. Bakas sa mukha niya ang kaunting pagtataka dahil medyo nalukot iyon.

"Why are sitting with us?" she mouthed.

I just shrugged and awkwardly smiled at her. Napansin na rin ako ng babaeng maangas ang itsura. Tinaasan niya ako ng kilay pero ngumiti rin siya sa akin 'di kalaunan.

"Thanks for your help," aniya.

"Okay lang 'yon," nahihiya kong sagot. "Is ... she ... okay?"

Nag-angat ng tingin si Care at tumama ang kaniyang mata sa akin. Parang pinaliguan ako ng glue at hindi na ako nakagalaw sa aking pwesto. Tila umakyat naman ang dugo sa aking pisngi at uminit iyon. Napalunok na lang ako nang bigla siyang ngumiti.

"Salamat," sambit niya.

Napakurap-kurap ako at nag-unahang nagtambulan ang mga pulso ko.

"Ah-ah, wala 'yon. P-pero, okay ka lang?"

She nodded and I heard a hum of approval.

"Ikaw, okay ka lang?" balik-tanong niya.

Napakurap muli ako. "Ah, oo naman. Hindi naman sumakit 'yong likod ko nang pinasan kita kahapon," natatawa kong sabi habang hinihimas-himas ang palad ko. Pero nawala rin ang pagtawa ko nang biglang nagulat at napahiyaw si Yarsi at 'yong maangas na babae. Nanlaki na lang ang mga mata ko dahil napagtanto ko na nadulas ako sa sinabi ko. Bakit ko pa kasi na-bring up 'yong nangyari kahapon?

"Ano!" sabay nilang sabi. Nanlalaki ang mga mata nila at nagpabalik-balik ng tingin mula sa akin at kay Care.

"Anong ginawa ninyo?" tanong ni Yarsi. "Bakit siya nasa likod mo? Sumakit ba 'yong likod mo dahil sa kaniya? Wait, ano, may nangyari ba sa inyo?"

Tumayo bigla 'yong maangas na babae. Mabibigat ang kaniyang paghinga at nakakuyom na ang kaniyang kamao. Napasandal na lang ako sa kahoy na kinauupuan ko.

"Girls, girls, wala siyang ginawa," biglang sabi ni Care at hinila pa niya ang dulo ng pulang shirt no'ng maangas na babae. Umupo na lang ulit 'yong babae.

"Puwede bang pakipaliwanag kung ano ang nangyari sa inyo?"

"Jen, it's not that serious." Saglit na tumingin sa akin si Care bago niya ibalik ang tingin sa maangas na babae na ang pangalan pala ay Jen. Siya pala 'yong roommate ni Yarsi na laging niyang ikinukwento sa akin. Bakit hindi ko siya nakilala agad?

"So, ano 'yon?" Jen asked.

"Napilayan ako kasi hinabol ko siya tapos binuhat niya ako papuntang clinic. 'Yon lang," pagpapaliwanag ni Care.

"Hinabol? Hinabol mo ang isang lalaki?" Nagsalubong ang dalawang kilay ni Jen.

"Nope, hindi gano'n." Iniling-iling ni Care ang kaniyang kamay. "He left his phone sa class namin kaya hinabol ko siya para maisauli 'yong cellphone niya."

Napatango naman si Yarsi. "Ah, kaya pala tinanong ka sa akin kaninang umaga nitong si Nur kung okay ka. At iyon din pala 'yong nadapa ka. Now I know," ani Yarsi. Lumipat naman ang mata niya at sa akin iyon tumama. Naningkit ang mga mata niya na may halong paghihinala.

I mouthed the word, "what?" at her.

* * * * *

Tinatahak namin ang kalsada rito sa loob ng LCU. Napakaganda talaga ng gabi lalo na kung dito mo makikita iyon sa loob unibersidad. Ang mga poste na may malabolang kristal sa tuktok ang nagpapailaw sa daan. Napakalawak din ng buong LCU kaya nakakapagod talaga ang maglakad. Dahil doon, ipinatayo ang monorail para magsilbing transportasyon sa loob ng unibersidad.

Hindi na kami sumakay ng monorail pabalik sa LCU Dorm Village. Noong natapos silang kumain ng dinner sa Snak Hauz, nais ni Care ang makalanghap ng natural na hangin. Punung-puno rin naman ng puno't halaman ang LCU kaya sakto ito sa kahilingan niya. Gusto ring maglakad-lakad nina Yarsi at Jen kaya tinuloy na namin ang paglalakad sa gabing ito.

"I forgot to introduce myself nga pala sa 'yo," ani Jen kaya napatingin ako sa kaniya. Nasa gitna namin si Care habang tinutulak ni Yarsi ang wheelchair nito. Nasa magkabilang gilid naman kami ni Jen. "I'm Jennie Arago. Jen na lang."

"I'm Nur Ali Ibrahim. Some people call me Nur or Ali ... or Nur Ali."

Jen nodded and I gave her a soft smile.

"Ba't ka nga pala sumasama sa 'min?" biglang tanong naman ni Yarsi.

"Eh, papunta rin ako ng Dorm Vill, eh."

"There's monorail naman." May paghihinala sa tono ng boses niya. Ipinamulsa ko na lang ang aking dalawang namamawis na kamay.

"I want to walk, Yarsi, okay?" nakangisi kong saad.

"You want to walk or you want to-"

"Yarsi, gusto lang niya maglakad. Okay na 'yon," pagputol ni Care sa sinasabi ni Yarsi. And again, Yarsi looked at me suspiciously.

Pagkatapos niyon, wala nang naglakas ng loob para magsalita pa. Tanging mga kuliglig lang ang naririnig namin. May mga panaka-naka ring kotse ang dumadaan. Mga sasakyan siguro iyon ng mga ibang estudyante o kaya ng mga professor.

May mga nakasasalubong din naman kaming ilang estudyanteng naglalakad at yumuyuko't ngumigiti kami sa tuwing nagtatagpo ang aming landas.

Napabuntonghininga na lang ako dahil medyo naiilang na ako sa katahimikan sa pagitan naming apat.

"So, kumusta araw n'yo?" tanong ko. Napakawalang kwentang tanong. Alam ko na rin ang sagot diyan dahil mula pa kanina, binubulabog na kami ng balita tungkol sa wristband na ito.

I heard Yarsi's laugh. "Awkward, huh?" kaswal niyang sabi.

"Ganito ba talaga kayo? Tahimik lagi? I thought girls are loud and maligalig."

"I thought boys are like that din, eh," sabat naman ni Jen. "Of course, not all girls are like that, 'no? At saka, nasa gitna tayo ng daan, madilim ang kalangitan, tapos gusto mo magsigawan tayo rito?" dagdag pa niya na may halong pagkapilyo sa boses niya.

Care chuckled. Napatingin ako sa kinauupuan niyang wheelchair at tumingala rin siya para matitigan ako.

"Funny ka rin, eh, 'no?" nakangiti niyang sabi. Unti-unting nag-init ang pisngi ko at inilayo ko ang tingin sa kaniya. Biglang nagtama ang mata namin ni Yarsi. I was thinking if she noticed my sudden fidget when Care said those words.

Nagkunot-noo lamang si Yarsi but she smiled mischievously. She didn't say any word but she bursted out a guffaw. Napahinto siya sa pagtutulak kay Care at nasapo pa niya ang kaniyang tiyan dahil sa matinding pagtawa.

"Anong nangyayari sa 'yo?" natatawang tanong ni Jen.

"Hoy, anong nakakatawa, Yarsi?" nakalingong sabi ni Care. She was chuckling.

"Nothing. Nothing. May naalala lang ako," sagot niya. Tinitigan niya ulit ako na may mapangkutyang ngisi.

Para namang may dalawang pader ang umiipit sa aking katawan dahil sa kahihiyan na nararamdaman. Hindi ko alam kung bakit na lamang umusbong ito nang biglaan. Hindi na rin mapigilan ni Yarsi ang pagtawa at paghagikhik.

We continued to walk and Yarsi kept on saying non-sense words.

"Paano kaya nai-inlove 'yong isang tao?" She looked at me again after she finished that sentence.

I shook my head.

"Mukhang may kasama kasi tayong lalabas na yata ang puso dahil sa pagkabog-kabog-kabog-kabog." She ended that with a giggle. She also exaggerated doing a chest pump imitating a heartbeat. Even though Yarsi looked so pure, she had a goofy side which she only showed to her closest friends, like me and like them-Care and Jen.

I clenched my jaw. Hindi ko alam kung ako ba 'yong pinatatamaan niya pero parang sinalo iyon ng kalooban ko kahit pilit ko 'yong sinasalag. Bakit ba ganito ako ngayon?

Patuloy lang kami sa paglakad hanggang sa may makita sina Jen na isang palikuran sa may 'di kalayuan.

"CR lang ako, guys," sabi ni Jen nang makarating na kami malapit doon.

"Ay, ako rin," biglang sabi ni Yarsi. Tumango naman si Jen. Agad namang bumitaw si Yarsi sa wheelchair ni Care at nagpaalam ang dalawa sa kaniya. Pero bago umalis ang dalawa, may isang makahulugang pagtitig naman ang iniwan ni Yarsi. Hindi ko talaga siya maintindihan. Tumitig pa siya sa madilim na langit.

"Usap lang kayo, ha!" natatawang sabi niya habang lumilisan kasama si Jen. Pumasok na sila sa loob ng CR at naiwan na kami rito ni Care nang tuluyan.

Nakaramdam na lang ako ng pamamawis sa aking noo. Agad ko rin iyon pinunasan gamit ang palad kong namamawis din kaya parang dumoble ang basa roon.

"Oh, panyo." Napatingin ako sa nakaupong si Care at may inaabot siya sa aking isang puting panyo.

"Ay, hindi. Okay lang ako." I let out an awkward laugh. Ginamit ko ang likod ng aking kamay upang punasan ang pawis sa noo ko. Nakailang lunok na rin ako ng laway at ang pagtibok ng puso ko ay lalong tumitindi.

"Uhm, Nur," pagtawag ni Care. I looked at her and our eyes met. I felt something tingling inside me. Hindi ko mapaliwanag kung ano iyon. "Thank you, for saving me twice."

Ang dulo ng aking labi ay awtomatikong tumaas. She smiled at gaya no'ng nangyari roon sa animation class, nagliliwanag muli ang kaniyang mukha.

"No. That's my duty," sagot ko.

"So bodyguard ka pala?" Humagikhik siya.

I shook my hands signaling her a "no."

"Hindi 'yan 'yong ibig-sabihin ko. Ang ibig kong sabihin ay, I don't want to see others na nasasaktan," I explained myself.

"Pero, bakit ako? Bakit ka pa magsasayang ng lakas, eh, kilala mo naman 'yong Papa ko."

"I know him, but I don't know you," kaswal kong sagot. I didn't know Care, really. I judged her because she's the daughter of Mayor Billones. Pero tuwing nakikita ko siya, tila may magaan sa aking kalamnan. Kahit na nakilala ko lang siya kahapon parang may mainit na pagtanggap akong nararamdaman sa kaniya.

"You really don't know me?" she asked.

"Of course, I know you. I know your name, your background and such. What I don't know about you, is ..." Huminto ako saglit. Hindi ko alam kung sasabihin ko na ba itong nasa tuktok ng ngala-ngala ko. I wanted to say was her 'personality.' Pero natatakot na baka, may iba siyang isipin kung sasabihin ko iyon. Pero baka, masyado lang akong nag-o-overthink.

Tumingin ako sa kaniya at nakataas ang dalawang manipis niyang kilay. Halatang nag-aabang ng sagot. Habang pinagmamasdan ko ang kaniyang mukha, nablangko ang aking isip. Tila sinakop iyon ng kadiliman pero may mga salitang lumutang doon at iyon lang ang nilalaman ng isip ko. Napakaganda niya.

Itutuloy ko na sana ang sasabihin ko nang may biglang tumulak sa akin mula sa gilid kaya nawalan ako ng balanse at bumagsak sa sementadong daan. Napangiwi ako dahil sa hindi inaasang pangyayari. Sumakit bigla ang aking braso at agad din akong umupo at hinimas-himas iyon.

"Who are you? Bakit mo kasama 'tong si Care?" asik ng lalaki. Matangkad siya at nakasuot ng denim na jacket.

"Hey, Aleks!" sita ni Care. "Wala siyang ginagawang masama!" Iginulong niya ang wheelchair palapit sa lalaking nagngangalang Aleks.

"What are you doing here? Gabi na, Care!"

"Pauwi na ako," malamig na sagot niya.

"Pauwi? With this guy?" Itinuro ako ni Aleks. "Sino ba 'to?"

"A friend. So please, 'wag mo ngang gawin ulit 'yon sa kaniya!"

Nakarinig naman ako ng mga tunog ng mga sapatos at maya-maya'y nakita ko sina Yarsi at Jen. Nasapo ni Yarsi ang kaniyang bibig at mabilis naman akong nilapitan ni Jen.

"Okay ka lang?" tanong niya.

Tumango ako at itinayo ang sarili. Humarap naman si Jen kay Aleks.

"Hoy, Aleks! Ano ba problema mo? Ikaw ba may gawa rito sa kaibigan namin?" galit at pasigaw na sabi ni Jen.

Pinagpagpag ko ang damit ko para matanggal ang ilang alikabok. Medyo kumikirot pa rin ang braso ko dahil sa pagbagsak ko. Habang ginagawa ko iyon, nagsalubong bigla ang mga mata namin ni Care. Malungkot at nag-aalala ang ipinapahiwating ng kaniyang nangungusap na mga mata.

Tila huminto ang oras.

Tila may mga musika akong naririnig.

At, tila gumaling ang kirot ng aking braso.

Ano bang pakiramdam ito?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top