Chapter 34

CHAPTER 34

Last Chapter

Bomb

* * * * *

Care Billones

Nang magtanghali, dumating na ang mga tauhan ni Papa at ang ilang mga sundalo rito sa covered court ng eskwelahang pinagtataguan namin. Maraming maiitim na kotse at mga military jeeps. Magigiting ang tindig ng mga sundalo at mga tauhan ni Papa habang tangan-tangan ang mga kani-kanilang armas. Kaba ang umapaw na emosyon sa aking dibdib.

Agad naman akong humarap sa kanila na huwag parusahan ang mga nagpaiwang miyembro ng LACOFRA rito.

Nagpakilala ako bilang anak ni Mayor Billones at agad naman silang naniwala dahil namumukhaan ako ng ilang sa mga tauhan ni Papa.

Nagulat na lang kaming lahat ng isa sa mga sundalo ang nagsabing hindi raw sila paparusahan-ang mga kasama ko. Mayroong ibinigay na last minute order si Papa. Binago niya ang kaniyang utos na 'wag patawan ng parusa ang aking mga kasama kung susunod lang sila sa mga sundalo.

Walang gumalaw sa aming lahat at nagpalipat-lipat lamang ang aming tingin sa isa't isa. Lumalim ang aking paghinga at ilang beses akong napapalunok ng laway. Nakakuyom na narin ang aking palad dahil nanginginig sa nerbyos ang aking daliri.

Bigla namang may dumapong mainit na palad sa aking braso. Bahagya akong napitlag at nanlaki ang mga mata. Isa raw siya sa mga tauhan ni Papa at pinapasakay niya ako sa kotseng itim na nakaparada sa aking harapan-mga sampung metro ang layo mula sa aking puwesto.

Lumapit na rin ang ilang mga sundalo sa mga kasama ko at mahinahong pinakiusapang sumakay sa mga military jeeps na nakaparada. Mabilis din silang sumunod.

Nagtagpo ang mga mata namin ni Tim at Minda. Nakangisi silang lahat pero lumbay at kalungkutan ang mababakas sa kanilang mga balintataw. Tila may humaplos sa aking puso kaya nanunibig ang mata kong ito.

Nakagat ko ang ibabang bahagi ng aking labi dahil hindi ko alam kung nagsasabi ba ng totoo ang mga sundalong ito. At, ang utos pa na iyon ay galing kay Papa na alam kong may galit sa mga kasamahan ko.

Marahan naman akong dinala ng sundalong may hawak sa aking braso at sa tapat kami ng kotseng itim huminto. Sa huling pagkakataon, sinulyapan ko sina Tim na nakangisi pa rin habang isa-isa nang pinapasakay sa mga military jeeps.

Sana . . . sana maging okay lang kayo.

Pinagbuksan na ako ng pinto ng kotse at tuluyan nang sumakay rito. Laking gulat ko na lang nang makita ko kung sino ang magiging katabi ko rito.

"Aleks?" dilat-mata kong tawag.

* * * * *

"You'll stay here in our mansion until the problem in La Cota get solved," paliwanag ni Aleks na nakaupo sa harap ko ngayon dito sa kanilang napakalaking sala.

Napakataas ng kisame at may nakasabit pa roong isang chandelier na sinlaki yata ng gulong ng mga truck-doble ang laki-at nagninigning sa itaas kahit hapon pa lang. Ang kanilang pader sa gilid ay gawa naman sa salamin. Tanaw ko ang napakalaking hardin nila na may swimming pool pa. Nakaupo kami sa mga sofa rito at magkaharapan.

"Your dad contacted me, Care. Kailangan mo ng matutuluyan while he's fixing La Cota. You are safe here in our mansion here in La Dalampa. And, you can freely swim sa aming swimming pool d'yan sa garden or you can visit our resort," nakadaop-palad niyang sabi. Nakapatong ang kaniyang mga siko sa kaniyang hita.

Mukhang business man ngayon ang postura ni Aleks dahil sa puting polo niyang suot at nakahawing buhok na pinaliguan ng gel.

"You'll be taken care of. You can use our facilities, Wi-Fi, we have a lot of food-"

"I don't need all of those, Aleks," sabat ko. Napataas na lang siya ng isang kilay at sumandal sa sofa'ng kinauupuan niya. Binuka niya ang kaniyang mga braso at ipinahinga niya ito sa kamay ng sofa.

"What do you need then?"

"I need my friends."

"Ah, 'yong mga terrorists?"

"They're not terrorists!"

"They are. They are creating terror. What do you call to a group of people who are creating terror? Eh 'di, terrorists. Use your mind, Care."

"I'm using my brain, Aleks! Ikaw ang walang utak dito."

"Fisrt, I'm smart and that's a fact. Second, the fact that they are now on their way to attack the city makes them an evil terrorist group."

Nangunot ang aking noo. Paano niya nalaman na papunta na sa siyudad ang ilan sa mga LACOFRA?

"How do you-"

"Ah, paano ko nalaman?" Inayos niya ang kaniyang upo at mapanlokong ngisi ang tinapon niya sa akin. "May nagpaiwan sa pinagtataguan n'yo right? At 'yong iba naman ay papunta na sa La Cota. Napakahina naman kasi ng kokote mo Care. Bakit mo sinabi sa papa mong pupunta sa siyudad ang grupo na 'yon? Your dad told me everything. And, iyon na rin ang inaabangan ng papa mo. He's been preparing for this. Well, good luck na lang mga so-called mong friends." Inangat niya ang kaniyang isang palad at umaktong kumaway na tila nagpapaalam. "Good bye to your friends," ngiting-sabi niya, nang-aasar.

Nanggigil ang aking panga at gusto ko siyang sapakin sa mga oras na ito. Kumulo ang aking dugo at umiinit na ang aking paghinga.

"But don't worry, Care. 'Yong mga nahuli kanina, nasa mabuting kamay 'yon. We followed your dad's last-minute command. They are all staying in a building in Montana. Tinatanong lang sila ng mga authorities kung ano ang mga naganap sa kuta ninyo. Pero, siyempre kailangan nilang ibalik ang kanilang loob sa Papa mo-" and an evil laugh escaped from his lips"-kasi kung hindi, good bye friends na talaga. Actually, ang bait pa ng papa mo, binibigyan pa sila ng chance para magbago."

Ang init na ng baga ko at tila may apoy na nagliliyab na rito. Gusto ko na itong ilabas at sunugin nang buhay itong taong nasa harapan ko.

"The mansion is also highly guarded by the La Cota City Police Department. So, kung may balak kang tumakas ngayon dadaan ka muna sa mga kamay nila. And you know naman kung gaano kahigpit ang mga pulis sa La Cota City, 'di ba?" Bumuntonghininga si Aleks at tumayo mula sa kinauupuan niyang sofa. "Home sweet home, Care."

Ipinamulsa na ni Aleks ang kaniyang mga palad sa itim niyang pants at taas noo akong iniwan dito sa napakalawak nilang sala.

Tila may bumara namang bulak sa aking lalamunan at kahit anong labas ko ng salita ay hinaharangan niyon. Tiim-bagang ko nalang siyang pinanlilisikan habang paalis dito sa kanilang sala.

Napakademonyo mong nilalang Aleks! Hindi ko alam kung bakit kita kinaibigan! Demonyo!

* * * * *

Mabilis ang pagdating ng buwan sa kalangitan at nakaupo ako rito sa hardin nina Aleks. Dama ko ang mga damong tumutusok sa tela ng aking pantalon sa aking puwetan.

Nahimasmasan na rin naman ako at maluwag na ang aking paghinga. Bumaba na rin ang temperatura ng dugo kong kumukulo kanina.

Tanaw ko mula sa puwesto ko ang umiilaw nilang swimming pool sa gawing kanan at isang gazebo sa aking kaliwa. Binibisita rin ako ng mga kasambahay rito sa mansyon nina Aleks para tanungin kung may gusto ba akong kunin pero tanging tanggi lamang ang isinasagot ko sa kanila.

Sinubukan ko ring tawagan sina Yarsi at Jen kanina pero 'di sila sumasagot sa tawag ko kaya para akong pinalibutan ng walang katapusang disyerto at nag-iisa lamang.

Niyakap ko na lang ang aking binti at ipinatong ang aking baba sa aking tuhod.

Gusto kong umiyak dahil wala akong nagawa.

Gusto ko na lang mawala dahil wala akong nagawa.

Mapapahamak pa ang mga taong malapit sa akin dahil wala akong nagawa.

Wala akong nagawa.

Isinubsob ko na lang ang aking ulo sa aking tuhod at hinayaan ang banayad na pag-agos ng aking luha. Tanging hikbi ko lamang ang naging musika rito sa hardin.

Habang nagtatangis, isa namang chime notification mula sa aking phone ang umalingawngaw kaya saglit akong nahinto sa pagluha. Binunot ko iyon mula sa bulsa ng aking pantalon.

Dahan-dahan namang nanlaki ang aking mga mata nang makita ko kung sino ang nag-message sa phone ko. Nakagat ko ang aking labi at may pagtulak ng emosyon sa aking kalooban na nagpadoble sa aking mga luha.

Si Nur, ang lalaking nagparamdam sa akin ng kakaibang galak at saya sa tuwing nandyan siya.

Nginig-daliri kong binuksan ang mensahe niya habang sumisinghot dito sa hardin.

Mas lalo akong naluha nang malaman ko kung ano iyon.

Nur:
For you, Care ❤️
You sent a photo.
Please contact me here. This is my new number 09001011234
I need to save the battery of my phone, Care kaya hindi ko muna gagamitin 'tong mobile data ko.
Hope you are doing well.

I clicked the photo he sent. Kahit na naluluha ako, awtomatikong umangat ang aking labi dahil inasikaso at inisip niya pa akong i-drawing kahit na papunta silang La Cota.

Kumusta ka na? Nakarating ka na ba sa La Cota? Ano na ang lagay d'yan?

Nur, I am just here praying for your, our, success. I hope to see you again kapag tapos na ang lahat ng ito.

Agad ko namang s-in-ave ang number niya at sinubukang tawagan.

Nakakagat ko na ang aking kuko pero matapos ang ilang pag-ring sa kabilang linya, walang Nur ang sumagot.

Inilayo ko na lang sa aking tainga ang phone ko at inilapag sa madamong lupa.

Tumingala ako sa langit kung saan payapang nanonood ang buwan sa mundo.

"I still remember the meaning of your name, Nur. You're the light."

Napangisi ako sabay singhot. Pinunasan ko na lang ang aking luha gamit ang aking palad.

"I love you. I really do."

* * * * *

Nakadama na lang ako ng pagtapik sa aking balikat. Malabo pa ang aking paligid at ang liwanag ay tila bubulag sa akin kaya pakurap-kurap akong dumilat.

Naaamoy ko ang malupa at madamong samyo. May berdeng kulay ang rumehistro sa aking paningin at nang maging malinaw ang aking mata, sumalubong sa akin ang damo, pool, at ang hardin nina Aleks. Kaya pala tila may tumutusok sa aking pisngi. Mga damo pala iyon.

"Hello po, Miss Care. Good morning." Tinapik muli ako ng isang babeng naka-maid uniform. Inalok niya ang kaniyang kamay para paupuin ako rito sa lupa.

Inabot ko naman iyon.

"Good morning din po," garalgal kong sagot habang umuupo. "Dito ho ba ko nakatulog?"

"Opo. Ang sabi po ni Sir Aleks, huwag na raw po namin kayong istorbohin dahil baka nais ninyong mapag-isa."

Tumango na lamang ako. Ayaw ko ring matulog sa isa sa mga kuwarto ni Aleks dahil pakiramdam ko, pinagtataksilan ko ang LACOFRA. Natutulog akong parang prinsesa, samatalang sila ay buhay ang itinataya sa labas.

Tila nabuhay naman ang dugo ko nang maalala ko ang mga pinagsasabi ni Aleks kahapon. Napatayo na lang ako bigla habang pinapagpag ang aking katawan.

"Nasaan po si Ale-"

Hindi ko na rin natapos ang aking sasabihin dahil lumapat agad sa aking paningin si Aleks. Naka-upo siya roon sa isa sa mga upuan sa gilid ng hardin, may kulay puting payong, at may isang pabilog na mesa. Naka-gray shorts naman siya at nakaputing sando habang sumisipsip ng inumin mula sa tasa. Salubong-kilay ko siyang tinitigan at iniisip na mapaso sana siya sa iniinom niya.

Iniwan ko ang kasambahay na gumising sa akin at nilapitan si Aleks.

"Good morning, Care," nakangiti niyang bati matapos ilapag sa tabing mesa ang tasang umuusok pa.

"What's good in the morning Aleks?"

"Well, as what I've said yesterday, your dad will end this so-called war. Look at this news." Ibinigay niya sa akin ang kaniyang phone pero nag-atubili ako. "Tingnan mo," pagpupumilit niya.

Kinuha ko na lamang iyon. Huminga ako nang malalim dahil ang pagtibok ng aking puso ay bumilis.

Itinutok ko ang lente ng aking mata sa screen ng phone. Balita ang nakalagay rito kaya agad kong pinindot ang play para umandar ang video.

"Kaliwa't kanan na ang mga militar na nakaposisyon sa buong isla ng La Cota at sa kabisera nito-ang lungsod ng La Cota. Ipinaalam sa atin ni Mayor Billones na nakapasok na sa siyudad ang teroristang LACOFRA. Alam din ni Mayor Billones kung saan nagtatago ang bawat miyembro ng LACOFRA dahil patago raw niyang binantayan ang bawat galaw ng buong grupong ito. Ipinalikas na rin niya ang mga mamamayan dahil malaking pinsala ang mangyayari kaya't minabuti na ang kaligtasan ng mga mamamayan ng lungsod. Ang plano naman ng alkade ay ang pagbomba sa bawat lokasyon kung saan naglalagi ang mga miyembro ng LACOFRA sa siyudad. Kasama na rito ang prestihiyosong La Cota University at ang city hall ng La Cota-"

Hindi ko na natapos ang panonood sa balita dahil hinablot ni Aleks ang phone sa aking tangan.

"Call your dad," makahulugan pero walang emosyon niyang sambit. Napawi ang ngiting sinalubong niya sa akin kanina.

Tuluyan na rin siyang umalis sa aking harapan at iniwan ang umuusok pa niyang inumin sa tasang nasa mesa.

Hindi ko naman alam kung ano ang aking gagawin dahil tila huminto ang aking mundo.

Bobombahin ni Papa ang LCU?

Ang lugar kung saan nabuo lahat ng masasayang alaala ko ay buburahin din ni Papa?

Hindi ko naramdaman ang aking hita kaya bigla akong bumagsak sa madamong lupa ng hardin. Ang pagtusok ng dam isa aking tuhod ay tila 'di ko naramdaman. Namanhid ang aking balat at ang pagnginig ng aking kamay ay mababakas na.

Unti-unti kong inilalapit sa aking bibig ang aking kamay at mabilis akong himinga nang malalim.

"Call your dad."

Nag-pop up bigla sa aking tainga ang boses ni Aleks.

Tama. I need to call him.

Sinubukan kong pumikit at binagalan ang aking paghinga ipang mapakalma ang aking sarili. Kailangan kong maging kalmado at tatagan ang aking kalooban.

Binunot ko sa bulsa ng aking pants ang aking phone at dagli kong hinanap ang pangalan ni Papa sa aking contacts. Nang mahanap ko ito, idinikit ko na sa aking tainga ang aking telepono. Matapos lang ang dalawang pag-ring, may sumagot na sa kabilang linya.

"Anak," garalgal na bungad ni Papa. May pangungulilang tono ang mababakas sa kaniyang boses.

"Pa?" Hinipo ako ng isang kabadong hangin na nagpakaba rin sa akin.

"I'm sorry. I was living in hell. You were living in hell. I did the wrong choice."

"Pa, ano'ng pinagsasabi mo?"

Umatras lahat ng galit kong emosyon, at awa ang lumutang sa buo kong kalooban. Bakit parang nanginginig at hinang-hina ang boses ni Papa sa kabilang linya?

"I don't know what to do, anak. I loved your mom. I did this to get revenge but it did not help to heal the wounds of my past, our past. I'm sorry anak, nadamay ka pa sa mga kagaguhan ko." Naririnig ko na ang bawat paghikbi ni Papa na tila tumawid sa telepono ko.

Nangilid bigla ang aking luha at nakagat ang aking labi. May kakaiba sa aking dibdib na unti-unting sumisikip.

"Pa, ano ba? Bakit ka ba umiiyak?"

"I called the office of the president to drop bombs from the above. I want to end this, anak. I love you so much."

"Pa! What are you doing?"

"I'm doing this for you. I don't want you to suffer more because of my existence and what I did here."

"Pa." Wala akong mahagilap na salita dahil tila nalulunod na ako sa mga luhang umaagos mula sa aking mga mata. Ang mainit na likido sa aking pisngi ay damang-dama ng buo kong katawan.

"Anak, hindi man ako naging mabuting ama, naging masaya naman ako dahil naging mabuti kang anak. You know better than me and I'm very very proud. You fight for what you believe. You listen to your people. Lumaki kang isang palaban na babae, just like your mom." Sunod-sunod na paghikbi ang lumalabas sa kabilang linya. Singhot nang singhot si Papa at nangininig ang bawat salitang inilalabas sa kaniyang labi. "I love you so much anak. I'm glad that we talked."

Bigla namang nawala sa linya si Papa kaya mas lalo akong nilamon ng kaba.

Ano ba ang nangyayari sa kaniya? Ano ba ang ginagawa mo Papa?

Nangining ang aking kamay at nanlalamig nang pilitin kong pindutin muli ang call button. Tumutulo na ang mga luha ko sa screen kaya nahihirapan ako sa pagpindot.

Papa, I love you too. I'm glad that we talked, too. Pero sana, may kasunod pa ito.

Hindi na ako mapakali dahil kahit anong pindot ko sa basang screen ay wala itong mapindot.

Nagbabanggaan na ang mga ngipin ko sa isa't isa at para na akong baliw kapipindot sa screen na ito nang biglang may napindot akong ibang pangalan.

Now calling Nur.

Namilog ang aking mga mata at hindi ko na inaksaya pa ang oras. Kailangan ko rin siyang pagsabihan at bigyan ng babala.

Agad kong inilapit sa aking tainga ang phone at mabilis din ang pagsagot ni Nur.

"Hello? Hello? Care?" Mababakas ang pagkasabik ni Nur.

"Nur, you need to retreat! You need to leave the city! Magpapabagsak si Papa ng aerial bombs!"

"What?"

"Yes, Nur! Please, please, please, umalis na kayo d'yan!"

"Saan daw banda?"

"LCU, city ha-"

"LCU?"

"B-Bakit Nur? N-Nandyan kayo?" Nanginig ang aking labi at tila anumang oras ay mawawala na ang aking kaluluwa. Tuluyang nanlamig ang buo kong katawan.

Hindi puwede. Hindi puwedeng mawala si Nur.

Kahit wala akong lakas, sinubukan kong tumayo mula rito sa madamong lupa ng hardin at pinasok ang mansyon ni Aleks.

"Nur, please, listen to me. All of you will DIE!" Nagmamadali ako sa paglalakad para makalabas sa mansyon. Kailangan kong makawala sa mga pulis sa labas na todo bantay sa akin na sabi ni Aleks.

"Yes, Care. Alam ko. We are all going to die in this war." Naging malumanay ang tono ng kaniyang boses.

"Sino ang mga kasama mo? Nandyan ba si Kelsey? Sabihan mo sila! Ngayon!"

Tumatagaktak na ang aking pawis. Hindi ko na makontrol ang pagbilis ng aking puso at ang aking paghinga ay tila abnormal. Para akong nasa dagat, nalulunod, at hirap sumagap ng hangin.

"Care, we are ready to die. Pumunta rin kami rito nang walang kasiguraduhan. Sabihan mo na lang sina Tim na mami-miss ko sila."

"Nur!" Napahinto ako sa paglalakad dahil sa sinabi niya. Hindi ko rin alam kung saang sulok ako ng mansyon ni Aleks. Nasa hawllway ako na may mga abstract paintings sa bawat gilid at isang sahig na pinatungan ng pulang carpet.

"Care, natanggap mo ba 'yong drawing ko kagabi?" Naging kaibig-ibig ang tono ng kaniyang boses na biglang nagpangilid sa aking luha.

"Nur, bakit parang-"

"Natanggap mo?"

"Oo."

"Ano'ng masasabi mo?"

"M-Maganda. K-Kamukha ko."

Narinig ko na lang na parang may isang masayang hanging lumabas sa kaniyang bibig.

"Salamat dahil nagustuhan mo."

Napaluhod na lang ako sa carpet floor ng hallway na ito. Ang luhang nagbabadya ay tuluyan nang umagos paibaba.

"Care, masaya akong nakilala kita. Masaya akong nandyan ka. Masaya akong lumalaban ka. At, masaya akong . . . minahal kita."

Nagsunud-sunod ang aking paghikbi dahil tumagos sa aking puso ang mga salitang binitawan niya. Nasapo ko ang aking dibdib at kinusot ang aking damit.

"Care, 'wag ka nang umiyak d'yan. Tumahan ka na. Tahan na. Wala akong takot na nararamdaman ngayon kasi kausap ko ang taong mahal ko."

"Mag-uusap pa tayo pagkatapos ng lahat ng 'to. Makikita mo pa ang bagong La Cota, Nur!"

"D'yan ako nalungkot, Care. Baka hindi ko na rin masilayan pero nandyan ka pa naman at sina Tim. You will see the new La Cota. Sana mas maging masaya, mas mapagmahal, at mas tumatanggap."

"Makikita mo rin 'yon."

Nakarinig na lang ako ng isang malungkot na tawa mula sa kaniya.

"Sige, sige. Makikita ko na." Napabuntonghininga siya. "Makikita pa rin . . . kita, Care."

"Magkikita pa tayo, Nur."

"I-I love you, Care. I hope you'll be fine without me. Stay strong kasi isa ka sa mga babaeng nakilala ko na malakas ang paniniwala sa mga bagay na alam nilang tama. You are a strong lady, Care. I love you. Mahal na maha-"

Isang pagsabog ang aking nadinig mula sa kabilang linya at naestatwa ako rito sa loob ng hallway. Nanginig ang buo kong braso habang nakatulala sa carpet na sahig.

"N-Nur?"

Nabitawan ko ang aking telepono at ang ilog na nagtatago sa aking mata ay tuluyan nang kumawala.

Wala na si Nur. Wala na.

Hindi ito totoo!

Hindi! Hindi! Hindi!

Ang lalaking mahal na mahal ko ay nawala lamang sa isang iglap.

Bumigat ang aking paghinga na tila may bakal na sinasalo. Ang mga abstract paintings naman sa bawat gilid ng hallway na ito ay tila naging alon at tinangay ako niyon. Dumilim ang aking paligid at tila wala na akong mahagilap na hangin. Para akong nakalutang. Wala akong naramdaman.

Wala na akong nararamdaman.

Wala na.

* * * * *

Sampung araw ang lumipas at tila parang isang bulak na lamang ang aking kaluluwa. Matamlay at malamlam ang aking pakikitungo sa bawat tao rito sa mansyon nina Aleks.

Sa isang kwarto na rin ako namamahinga at gabi-gabi, boses ni Nur ang paulit-ulit kong nadidinig. Wala akong lakas sa lahat ng bagay dahil gusto ko na rin sumunod sa kaniya.

Tumitingin din ako ng updates sa aking phone para malaman kung nakita na ba ang katawan ni Nur . . . at ang katawan ni Papa. Kakaunti pa lang ang bangkay na nakikita dahil karamihan sa mga nahanap na bangkay ay lasug-lasog na o kaya kulang sa parte dahil sa nangyaring pagsabog.

Araw-araw na lang akong natutuyuan ng luha dahil nawawalan na ako ng kontrol sa aking emosyon.

Pero . . . umaasa akong, nakaligtas si Nur sa pagsabog.

Sana . . . sana buhay pa siya.

Sana makita ko muli ang kaniyang mukhang nagpapagaan sa aking kalungkutan.

Sana, sabay kaming manumbalik sa La Cota, ang siyudad kung saan lahat tinatanggap at walang deskriminasyong nagaganap.

Mahal kita. Mahal na mahal kita, Nur.

Kaya hanggang hindi pa nakikita ang katawan mo, may tyansa pa ring nariyan ka't buhay.

Habang tumitingin naman ako sa mga updates dito sa aking kama, biglang may nag-text sa akin.

Ang una kong inakala ay update na nakita na si Nur o si Papa, pero text iyon mula kay Yaya Buning kaya nabuhayan din ako ng loob.

Yaya:
Hello Ma'am Care, may huling
habilin sa akin ang Papa mo. Sa
Maynila na raw po kayo titira
kasama ko. Iniwan niya po sa
akin ang lahat ng kayamanan
ng pamilya po ninyo.
Nasaan ka ma'am?

Paulit-ulit kong binasa ang text mula kay Yaya.

Sa Maynila na ako titira?

END

~~~

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top