Chapter 3

CHAPTER 3

Mayor Billones

* * * * *

Care Billones

Marahan kong iminulat ang aking mata. Malabo pa ang aking paningin kaya hinintay ko munang luminaw iyon. Una ko namang nadama ang isang malambot na bagay sa aking likuran. Parang nakahiga yata ako sa isang kama.

Nang luminaw na ang aking paningin, iginala ko na ito at pinagmasdan ang paligid. Nasa school clinic siguro ako dahil may mga posters dito tungkol sa LCU, gamit pang-ospital at isa pang kama sa tabi ng aking hinihigaang kama. Nangingibabaw rin ang amoy ng gamot dito sa loob. Saglit ko ring napagtanto na, dinala pala ako dito ni Nur kanina. Nakaidlip siguro ako.

"Ma'am Care," bati ni Yaya Buning, naka-suot siya ng light blue na damit at naroon siya sa bandang pintuan. May katandaan na si Yaya dahil matagal na siyang naninilbihan kay Papa-hindi pa ako ipinapanganak. May dala rin siyang tray na may mangkok. Sabaw yata iyon dahil may steam pa akong naaaninag.

"Yaya, kanina pa po kayo nandito?" Inayos ko naman ang upo ko kaso biglang kumirot ang paa ko kaya napangiwi ako. Dumako ang paningin ko roon at nakitang naka-bandage na iyon.

"Oh, 'wag ka munang gumalaw Ma'am Care." Nakapasok na siya rito at inilapag ang tray sa side table.

"Paano po ako makakalakad nito?"

"Magwi-wheel chair ka raw muna Ma'am."

Inalalayan naman ako ni Yaya Buning para makasandal. Umupo naman siya sa gilid ng kama at ipinatong niya ang tray sa binti ko. Nadama ko ang tumatawid na init mula sa mangkok na nakapatong sa tray rito sa aking binti.

"Ma'am, nakatulog ka kanina dahil siguro sa pagod. Kaya habang tulog ka, nilagyan na nila 'yong paa mo ng bandage," paliwanag ni Yaya at saglit na tumingin sa paa ko. "At saka, inayos ko na rin 'yong laman ng bag mo. Nasira pala ang cellphone mong bata ka."

Sumimangot ako at tumango.

"Huwag kang mag-alala. Inayos ko na." Napatango naman ako sa sinabi niya.

"Uhm, Yaya. May lalaki po ba sa labas? Naka-itim na damit." Iniba ko ang usapan naming dalawa.

"Lalaki? Wala akong nakita. May lalaking nurse do'n pero hindi siya naka-suot ng itim na damit. Bakit?"

"Ah. Wala po," aniko at itinuon ko ang pansin sa sabaw na nasa tapat ko.

"May humahabol ba sa 'yo kaya nagkaganyan 'yang paa mo?" Naging seryoso ang mukha ni Yaya.

"Wala po Yaya. 'Yong tinutukoy ko po ay 'yong lalaking nagdala sa 'kin dito," mabagal kong sagot. Inangat ko na ang kutsara para matikman ang sabaw.

"Baka, manliligaw 'yan, a," kantiyaw ni Yaya habang hinihigop ko ang sabaw kaya muntik na akong masamid. Napaubo ako at tila malalagutan na ng hininga kaya tarantang tumayo si Yaya at naghanap ng tubig.

Yaya naman, eh. Kumakain ako tapos kung anu-anong pinagsasasabi.

Binigyan niya ako ng isang basong tubig at agad ko namang tinanggap iyon. Nakahinga rin ako nang maluwag pagkatapos inumin iyon.

"Yaya, don't ever say that," naiinis kong sabi.

"Sorry na. 'To naman, 'di mabiro."

I smirked when she said that. Ganyan na ganyan si Yaya Buning. Palabiro tapos ako naman, bigla-biglang magugulat sa mga biro niya. When I was in grade school, I was playing with my dolls in our garden. Tapos bigla siyang sumigaw ng, "May higad! May higad!" I immediately dropped all of my dolls. Nagkabali-bali pa nga ang ibang katawan ng mga iyon. Siyempre, nagtatalun-talon ako dahil sa takot. Then, Yaya laughed. Iyong tawa niyang parang wala ng bukas. Muntik pa nga siyang masesante dahil sa ginawa niya sa akin pero sinabi niyang biro lang iyon. Pagkatapos niyon, nagsunud-sunod pa ang mga biro niya.

Bigla namang pumasok ang school nurse na kumausap sa akin no'ng dinala ako rito ni Nur. May hawak siyang mga papeles.

"Good afternoon, Ms. Billones," panimula niya.

"Good afternoon din po."

"So, ito 'yong mga gamot na iinumin mo para mabilis na gumaling 'yang pilay mo." Ibinigay niya sa akin ang isang papel na may nakaresetang mga gamot. Binasa ko muna saka ko binigay kay Yaya dahil siya naman ang bibili.

"Mga ilang araw po ba ito gagaling?" tanong ko.

"Hindi naman malala 'yong case mo, so siguro mga one week or two weeks. Mag-rest ka muna, Ms. Billones."

"Sige po. Thank you po."

Sumakay na ako sa aking wheelchair matapos ang ilang pag-uusap. Marahang tinutulak ni Yaya Buning iyon at pinagmamasdan ko naman ang hallway rito sa loob ng school clinic.

Nang makalabas kami sa clinic, napansin ko ang papalubog na araw. The sky was turning into an orange hue. Nilibot ko rin ang paningin ko at unti-unti na ring nagliliwanag ang bawat kwarto sa bawat dorm dito sa Dorm Village ng LCU.

LCU Dorm Village looked like high-rise condominiums that were painted in white and purple. Binibisita ko rin minsan sina Jen at Yarsi rito dahil dito sila naninirahan. Yarsi came from La Dalampa, which was a municipality that's located in the southwest of La Cota Island. Jen was born in Montana, also a municipality located in the north of La Cota Island. Naiinggit nga rin ako sa kanila minsan dahil kaya nilang maging independent. Pero ako, lagi akong nakadepende kina Yaya Buning, Kuya Ben at kay Papa.

Nakaabang naman sa may parking lot ng Dorm Village si Kuya Ben. Bihira lang pumasok si Kuya Ben sa loob ng LCU dahil walang permit ang kotse ko rito kaya lagi na lang niya akong binababa sa gate ng university. Pero sa palagay ko, kumuha siya ng emergency permit para lang maka-park dito at masundo ako.

* * * * *

We arrived at the Billones' Mansion-my home. Kuya Ben lifted me up and carefully put me down on my wheel chair. Inilagay niya rin ang bag ko sa likod at iyon ang sinasandalan ko. Yaya Buning pushed the wheel chair and we reached the living room where Papa was standing. I noticed his left leg trembling. Nang makita niya ako ay agad siyang lumapit sa akin. Namumutla ang kaniyang mukha na parang kinakabahan.

Dad was in his late forties. Pero 'di mo aakalaing gano'n na ang edad niya dahil sa bata ng 'itsura niya at sa fit at healthy niyang katawan.

"Are you okay?" he asked worriedly. Nakapapanibago dahil hindi naman ganito si Papa. Pero, never pa naman akong nasaktan o napilayan kaya hindi ko naman siya nakitang nag-alala sa akin. This was the first time.

"Opo, Papa," mahina kong sagot.

"Who did that to you?"

"No one po. Kagagawan ko po ito."

"Are you telling the truth, Care?"

"O-opo. Nadapa po kasi ako kanina dahil nagmamadali po ako sa sunod kong klase, Papa," pagsisinungaling ko. I did not want to tell him that I followed a Muslim guy just to return his mobile phone. Baka mag-iba pa ang anyo ni Papa sa harap ko.

"Okay." He sighed in relief. "Do you have meds?"

"Opo. Yaya bought those before we came here."

"Yaya, did you?"

"Yes po Sir Billones. Nabili ko na po 'yong mga nireseta sa kaniya," sagot ni Yaya.

"Okay. Sabay na tayo mag-dinner, Care." Tumalikod na si Papa at naglakad palayo sa amin. Nagtinginan naman kami ni Yaya Buning. Nakakunot ang noo niya at bakas sa mukha niya ang kalituhan.

"Ano'ng mayro'n sa Papa mo, Ma'am Care?" tanong niya.

"I don't know po Yaya," kibit-balikat kong sagot.

I was, too, confused. Baka lumabas lang talaga ang father instincts niya nang makita akong naka-wheel chair at may bandage ang paa. At, isa pa sa nagpanganga sa akin ay ang pagdi-dinner namin. My last memory of dinner with Papa was during my eighth birthday. I cried a lot back then because my score in my periodical test was too low and I was scared for no reason. Tapos, bigla na lang nagalit si Papa dahil sobrang ingay ko raw. I halted my tears and looked at his pissed face. Umalis siya sa dining table at naiwan lang ako. Sinabayan na lang ako ni Yaya Buning at ng iba pang mga yaya para sa eighth birthday ko. After that incident, we never had dinner together.

Itinulak na ni Yaya Buning ang wheelchair ko at iginiya niya papunta sa dining area. There was a long table, roughly the same length of a passenger jeepney, made of wood that shone as the light from the chandelier touched it. May mga iba pang maid dito na nakatayo sa gilid at ang iba naman ay may dala-dalang mga pagkain at isa-isang nilalapag sa mahabang mesa. Halos walang nagawang tunog ang pagtama ng plato roon.

Dad sat on the host chair-the head part of the table. Inalis naman ni Yaya Buning ang upuan sa left side ni Papa at doon niya ako ipinuwesto. I was still seating on the comfort of my wheelchair while eyeing the dishes in front of me. Natakam ako bigla nang isa-isang pumasok sa ilong ko ang bawat amoy ng mga pagkain. There was a roasted turkey and the skin was perfectly cooked. It was golden brown, beaming. Vegetables were lush green and fruits seemed healthy. Dad didn't like rice, hence mashed potatoes with gravy with an earthy color was served.

Papa raised his hand. I looked at him.

"Lahat ng kasambahay, you may now leave this dining hall," he ordered with an authority and his deep voice reverberated in this room.

Yumuko lahat ng mga kasambahay at isa-isang nagsialisan. Yaya Buning left, too. I told her to stay beside me but Papa insisted that she needed to leave. Wala akong magawa dahil siya naman ang haligi ng mansyong ito.

Papa began to eat and I just followed. It was an awkward moment dahil hindi ako sanay na kasama siya sa dinner pero nalimutan ko rin naman iyon ng saglit dahil sa sarap ng pagkaing nasa harapan ko.

"How was school?" tanong niya. I gazed my eye to him but he's not looking at me. He was drinking a red wine in a wine glass.

"It was fine, I think."

"You think. Bakit? May nam-bully ba sa 'yo?" Inilapag na niya ang kaniyang wine glass.

"Wala po, Papa. I-I . . . My day was great po." I drank some water to ingest the nervousness. Ang presensya ni Papa ay parang isang virus na tahimik na umaatake sa katawan mo. The dark cloud surrounding him was slowly reaching me.

"Good. And remember, if someone bullied you, report it immediately. And if that was a Muslim, don't hesitate to report it to me." Tinusok niya ang isang parte ng turkey gamit ang tinidor at hiniwa. Napalunok na lang ako sa ginawa niya. Bakas talaga sa postura niya na kinasusuklaman niya talaga ang mga Muslim. Kinakabahan ako para sa sarili ko kung malaman niyang may kaibigan akong Muslim at ang taong tumulong sa akin kanina ay isa ring Muslim.

Tahimik at maayos akong kumain. Kung nasa labas lang kami ngayon, baka may kuliglig na akong naririnig. Kanina ko pa nararamdaman na tila bumibigat ang aking katawan.

"I'm sorry, Care," biglang sabi ni Papa habang pinupunasan ang kaniyang labi gamit ang table napkin.

Inilunok ko muna ang pagkaing nginunguya ko at inilapag ang kutsara sa plato. "P-Po?"

Nag-sorry ba siya o namali lang ako ng dinig?

"I'm sorry that I didn't do my job as your dad," he said, emotionless. Hindi ko naman alam kung ano'ng ire-reply ko sa sinabi niya kaya tumahimik na lang ako.

"Do you remember your eighth birthday?" tanong pa niya.

I nodded. "Yes po."

"You didn't know this pero ang birthday mo ay birthday rin ng mom mo."

I bit my lower lip. I knew that. Ngayong laganap ang social media at internet, nakahanap ako ng impormasyon tungkol kay mama. She looked like me. She had an almond shaped eye, pointed nose and a youthful skin. She was very beautiful.

"I knew that, Papa," I answered while lowering my head.

"Of course, you knew. Our information is on the web already," sagot niya, still emotionless.

"Pero, why did you get mad that time? It was my birthday." I couldn't hide my tears anymore. I looked at him with watery eyes. Kinimkim ko ito for how many years. Twenty years old na ako at masakit pa rin.

"Because naaalala ko siya sa 'yo. She cried like a baby, too. I still couldn't move on."

"Because of that? Magagalit ka?" I kept my voice in a normal range.

Hindi siya sumagot. Katahimikan ang namuo sa buong paligid.

Mama died when I was five or four. Of course, I couldn't remember anything at nalaman ko lang ang lahat kay Yaya Buning.

"Care, hindi ko pa rin makalimutan kung paano namatay ang mama mo. Hinding-hindi ko mapapatawad ang mga taong hindi siya tinulungan." Papa clenched his jaw. His eyes turned fire.

Mama died in Maculay-the city where citizens were pre-dominantly Muslims. She died in a car accident and what Yaya Buning told me was Papa drove to Maculay but the Muslim Hospital couldn't save her. At sa palagay ko, doon ang naging ugat ng galit ni Papa sa mga Muslim.

"But, I think those people did their best to save Mama." The warm liquid from my eye flowed down on my cheek. "Right?"

"No, they didn't." Papa fixed his dishes and drank his wine. He pushed his chair backwards and created a squeak. He stood up.

"Papa, please, could you just not generalize them? Hindi naman sila masamang tao. Even in our religion may mga taong barumbado."

Mainit pa rin ang tingin niya sa akin. His brown eyes were piercing me inside.

"Huwag mong igaya ang relihiyon natin sa relihiyon nila!" Marahas niyang inilapag ang palad niya sa mesa at nagsitalunan ang mga pagkain. Nagtunugan naman ang mga kubyertos kaya napitlag ako. I lowered my head and continued crying.

"Care, they are the virus here in La Cota. Hindi sila importante rito sa siyudad na ito. They have their own city. Bakit pa sila punta nang punta rito?"

"But, Papa, could you just show some respect? You are treating them like they are not humans like us." I managed to look straight up to him, walang kurap, walang lingunan. I was wiping my tears with my hands. Narinig ko namang may yapak na papalapit dito sa dining hall at nakita ko si Yaya Buning. Nakasalikop ang kaniyang mga kamay sa harap at malungkot akong tinitigan. Lumapit siya sa amin.

"Yaya, bring her to her room," malamig na utos ni Papa.

"Opo sir."

"Wait," pagpigil ko kay Yaya Buning na nakahawak na sa likod ng wheelchair ko. "Pa, Muslim students will suffer sa LCU. Puwede bang ibahin mo na lang 'yong mga plano mo? Pa, please!"

"No! They need to suffer." Tumalikod na siya at naglakad palayo. Umiiyak akong naiwan dito kasama si Yaya Buning. Parang déjà vu. Ganitong-ganito ang nangyari noong eighth birthday ko. I was weeping and Yaya Buning was comforting me.

* * * * *

Inalalayan ako ni Yaya Buning para makapanhik sa kwarto ko. The Billones' Mansion has a mini elevator in it kaya doon ako dinala ni Yaya Buning. Kung bubuhatin niya pa ako o bubuhatin ako ng ibang tao, baka raw mabitawan pa nila ako at mas lalong lumala itong pilay ko.

Mangiyak-ngiyak pa rin ako habang pumapasok kami sa elevator. Yaya kept telling me to stop in a motherly way. She, too, almost wept because she had a soft heart that if I cried, she would follow. Punas ako nang punas at singhot nang singhot. Papa would never change his mind. I couldn't change his mind. Mataas ang kaniyang pride and even me, his daughter, couldn't do anything to stop him.

We arrived in my spacious white room. I didn't like to decorate stuffs or post some pictures on my wall. I wanted my room to be clean and minimalistic. But I had a bookshelf positioned parallel to my queen size bed.

Yaya assisted me para makahiga ako nang maayos sa kama. I continued to sniff and tears were slowly going away. Nang makahiga na ako, malungkot na tumitig sa akin si Yaya. Looking at her eyes, I knew she was in the verge of breaking down.

"Ma'am Care, hayaan n'yo na ang Papa mo. Ayaw kong makita kitang ganyan, e," sabi niya at itiniklop ang kaniyang labi.

"Pero Yaya, Papa is wrong. Paano ko 'yon hahayaan?"

"Ginagawa niya lang 'yon para sa 'yo. Sa kaligtasan mo."

"Hindi Yaya. Ginagawa niya lang 'yon para makapaghiganti." Ang akala ko ay unti-unti nang mawawala ang luha ko pero may umagos na namang paibaba. Agad ko rin iyong pinahid gamit ang daliri ko.

Mabigat ang pagbuntonghininga ni Yaya at malungkot akong tinitigan. "Magpahinga ka muna, Ma'am Care. Lalabas muna ako. Nahahawa ako sa mga luha mo, e." Tumingala siya at nakita kong pumikit-pikit. Napasinghot na rin siya. "Sige, Ma'am Care, iwan ko na kayo," pagpapaalam niya.

"Sige po," pirming sagot ko.

Lumabas na siya sa kwarto ko at isinara ang pinto. Nakipagtitigan na lang ako sa kisame at inalala 'yong nangyari kanina. Hindi ko akalaing gano'n na pala talaga ang pag-iisip ni Papa. Parang hindi na siya 'yong Papa na nakilala ko. Nakapangingilabot na humarap ako sa kaniya. Parang kinakain niya ako ng buhay at hindi ako makalaban.

Mabigat ang puso ko habang nakahiga rito sa kama. Dahil na rin siguro sa pag-iyak ko, nakaramdam na lang ako ng antok. Hinayaan ko na lang na bumagsak ang mga talukap ko.

* * * * *

Nakarinig na lang ako ng mga sunud-sunod na pag-chime. Idinilat ko ang mata ko at nakita agad ang wheelchair sa tabi ng kama ko. Papikit-pikit akong bumangon at naramdaman ko agad ang kirot ng pilay ko sa paa kaya napangiwi ko. Marahan akong lumapit sa wheelchair at kinuha ang bag ko roon.

That was my phone. Naalala kong inayos pala ito ni Yaya Buning kahapon. My phone was chiming repeatedly at nakita ko ang picture ni Aleks sa screen ko. Tumatawag pala siya.

"Oh? Bakit?" tanong ko. Lumabas ang mukha ni Aleks at nakasuot siya ng white longsleeves.

"Good morning!" masigla niyang bati. Inaayos-ayos pa niya ang buhok niya.

"Good morning din."

"Ang gulo pa ng ayos mo, a!" Napansin niya siguro ang buhok kong kagigising lang din.

"I just woke up, Aleks," irita kong sabi.

He smirked. "So anyways, see you sa campus. Palabas na rin ako ng bahay."

"I'll be absent today or maybe this week."

Namilog ang mga mata niya at parang huminto siya sa paglalakad niya. "Why? May nangyari ba between you and your dad?"

I sighed at matamlay na humiga. "Nope. Napilayan ako kahapon."

"Ha? Bakit?"

"Mahabang kwento. Sige na, umalis ka na. Baka ma-late ka pa sa klase mo. Bye na!" Before he could say anything, I hung it up. Huminga ako nang malalim at ipinatong sa side table ang phone ko. Pero kinuha ko rin agad iyon nang tumunog ulit iyon. Mukha naman ni Jen ang lumabas nang sinagot ko ang tawag. Parang aligaga at nanlalaki ang mga mata niya.

"So, did you hear the news this morning?" nagmamadali niyang tanong. Parang nasa banyo yata siya dahil sa mga tiles na background niya at napakaliwanag ng mukha niya.

"No. Bakit? Kakagising ko lang, e."

"Your dad! Your dad announced that all Muslims entering La Cota will wear a red electronic wristband and it will send information sa city hall kung nasaan ang location nila. And, that's violation of privacy!" bulalas niya sa screen.

"What?"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top