Chapter 29

CHAPTER 29

Melody

* * * * *

Nur Ali Ibrahim

Kanina ay dumating na sina Tim at Care pero hindi muna ako nagpakita sa kanila dahil baka mag-iyakan lang ang buong grupo. Pero natanaw ko naman sila kanina dahil sumabay ako kay Kelsey na biglang nagpaputok ng baril. Nagulat kaming lahat at napatili si Omerah sa aking tabi kaya minabuti ko na lang na bumalik kami sa classroom. Tiyak akong nawala saglit ang kaluluwa ni Omerah kaya mas mainam kung magpahinga muna siya.

Hatinggabi na at napabangon na lang ako sa matigas at malamig na banig dahil naiihi na ako. Wala pa namang tubig sa bawat CR rito sa eskwelahan tuwing gabi kaya pahirapan ang pagbuhos at paglinis. Sinipat ko muna ang mahimbing na natutulog na si Omerah. Ang kaniyang mukha ay sinisinagan ng ilaw mula sa buwan na tumatagos sa bintana ng classroom na ito. Kinuha ko na ang flashlight sa tabi ko saka tuluyang tumayo.

Nagpalipat-lipat ako ng building para lang bisitahin ang bawat CR kung may nakaimbak bang tubig sa mga drum. Mamaya pa kasing umaga dadaloy ang tubig sa mga gripo at ayaw ko namang iwang mapanghi ang banyo.

Narating ko ang fourth floor ng isang gusali rito. Pasipat-sipat rin ako sa bawat classroom at mahimbing na natutulog ang mga tao roon. Itinama ko na lang sa pasilyo ang flashlight at nang marating ko ang dulong parte nito, isang banyo ang bumati sa akin.

Agad kong ch-in-eck ang mga drum at nakahinga ako nang maluwag nang may nakitang tubig doon.

Nang matapos ako, dinalaw muli ako ng antok at pinulot na ang flashlight para pailawin ang daan. Pero habang palabas na ako rito sa loob ng banyo, isang himig ang aking nadinig. Isang tono na nakahahalina at masarap pakinggan. Kung may lasa lang ang himig na iyon, para itong isang tsokolateng gusto kong tikman ulit dahil sa tamis.

Hindi mapakali ang ugat sa aking paa kaya nagtulungan sila ng aking tainga upang hanapin ang himig na iyon. Malapit lang talaga iyon sa aking puwsto.

Mas lalong lumakas ang tunog nang lumapit ako sa hagdan paakyat sa isa pang palapag. Pumapasok mula roon ang liwanag mula sa buwan kaya ang hinala ko ay rooftop na iyon ng building na ito.

Ipinatong ko ang palad ng aking tsinelas sa hagdan at pumanhik. Ang simoy ng hatinggabi ang sumalubong sa akin kaya nayakap ko ang aking sarili. May kalamigan dito sa itaas.

Pinailawan ko ang buong paligid dahil huminto ang himig na kanina ko pa nadidinig.

Nagpaikot-ikot ako rito sa rooftop kasama ang flashlight nang biglang tumigil ito sa isang babaeng gúlat ang nakapinta sa kaniyang mukha.

Natigilan din ako at ang aking puso ko ay tumibok nang mabilis. Napalunok na lang ako ng laway habang nakatitig sa kaniyang mala-anghel na mukha.

"N-Nur?" pagtawag niya sabay hakbang ng kaniyang paa.

"Care . . ."

Tila may kuryenteng nagpaangat sa dulo ng aking labi at hindi ko maitago ang aking ngiti.

Iaangat ko na rin ang aking paa pero mabilis ang paglapit niya sa akit at bigla na lang niya akong niyakap. Muntik ko pang malaglag ang dala kong flashlight kaya naging maligalig ito sa aking kamay.

Uminit na lang ang aking pisngi at ang aking ngiti ay umaabot na hanggang langit.

"Nur, I miss you," bulong ni Care sa aking dibdib na tila humihikbi. Umiiyak ba siya?

"Care, I miss you, too."

Tila may sariling buhay naman ang aking kamay at hinaplos niyon ang kaniyang likuran. Nadadama ko na rin ang unti-unting pamamasa ng aking dibdib dahil siguro sa kaniyang pagtangis.

"Care, bakit ka umiiyak?"

"Na-miss lang kita. Sorry."

"Nagkita naman tayo noon sa gift giving."

Tiningala niya ako mula sa aking dibdib at itinungo ko naman ang aking ulo. Ang kaniyang mga mata ay bituing nagpaantig sa aking puso. Nangilid bigla ang aking luha pero pinigilan kong paagusin iyon. Ang kaniya namang pisnging bakas pa ang mga luha ay akin namang pinunasan gamit ang aking daliri.

"I was sad that time kasi ipapakasal ka na pala." Nang sinabi niya iyon, bigla na lang siyang kumawala sa pagyayakapan namin at bahagyang itinungo ang ulo. "Sorry. Nabigla ka siguro sa pag-hug ko. I didn't mean to do that. Sorry."

Nagbago bigla ang timpla ng hangin sa paligid at kahihiyan ang namagitan sa amin. The awkward silence of the midnight was swallowing me, slowly.

"I need to go," tungong-sabi niya at nagmadali siya sa paglalakad pero mabilis kong hinablot ang kaniyang braso at ikinubli muli sa aking katawan. Nakakawit ang isa kong kamay na may bitbit na flashlight sa kaniyang likuran. Naikulong ko si Care sa aking katauhan.

Ang mainit naming katawan ay aking nadadama. Lumalapat at nagdidikit ang aming damit kaya ang aking puso'y mabilis na pumintig.

"Why do you need to leave me again? I want to see you, Care." Ang kanina pang nagbabadyang luha ay tuluyan nang nagpadausdos pababa.

"Pero . . . Nur, ikakasal ka na 'di ba? Why are you hugging me like this? Do you like me? Do you love me?"

Naipikit ko na lamang ang aking mga mata at hindi ko na mapigilan ang pagpapadulas ng ang aking luha. I love you Care pero naduduwag akong ipagtapat ang nararamdaman ko sa 'yo.

"I don't love you," walang gana kong sabi at nalaglag ang aking braso mula sa pagyakap ko sa kaniya.

Nagtagpo ang aming mga mata at kitang-kita ko roon kung paano iyon nawalan ng kinang.

"You don't . . . love me?" makahulugan niyang tanong na nagpakirot sa aking puso. Ang pangungusap na iyon ay may dalang karayom na nagpapadugo sa aking balat.

Mahal kita hindi ko lang masabi. Mahal kita kaso hindi tayo puwede. Mahal kita kaso puso ko'y nakatali.

Kahit na umamin na si Omerah noong isang gabi sa akin na gusto na niya akong maging malaya, hindi ko pa rin alam kung ano ang magiging reaksyon ng aking mga magulang.

"Yes Care, I don't love you but you are special to me. So please, can we have a talk . . . a small conversation, please."

"Kasama mo ba rito 'yong mapapangasawa mo?" malungkot niyang tanong.

Tumango ako habang nakatiklop ang labi.

"Baka makita tayo at magalit pa siya. Mabuti kong matutulog na lang ako. Ikaw rin."

"No, ayos lang. Hindi siya magagalit." Naglabas ako ng isang tipid na ngiti at pinasaya ko ang aking mga mata upang tumawid iyon sa kaniya. Pinunasan ko naman gamit anng palad ang luhang natuyo sa aking pisngi.

Lumapit ako sa kaniya't hinawakan ang kaniyang kamay. Marahan kong pinisil ang kaniyang palad. Ibinaba ko naman sa lapag ang dala kong flashlight at inilagay sa kaniyang baba ang isa ko pang kamay.

"Look at me, Care. I miss you so much. Kaya please kahit ilang minuto lang. Usap tayo."

She hummed as an agreement and nodded her head slowly.

* * * * *

Nakaupo na ang mga puwet namin sa malamig na semento habang pinapanood ang hanting-gabing paraiso. Sa dulo ng kadilimang ito ay ang nagniningning na siyudad ng La Cota.

"I talked to my dad para makaalis kami sa La Cota," pagbasag ni Care sa katahimikan. "I did a lot actually to stop him but those were not enough. I'm still scared because a war will happen . . . soon."

"Ako rin Care, natatakot. Pangalawang tahanan ko na ang La Cota at ayaw kong masira 'to. Kaso, ito na lang yata ang huling paraan para mapaalis sa pwesto ang papa mo."

"Actually, there's another one. Kelsey and I talked about a plan na magiging fake hostage n'yo ako. I agreed. Once my dad saw me, Kelsey thinks that he will rescue me and will step down as the mayor of the city. LACOFRA will not ask for ransom. Papa must step down but kung 'di 'yon mangyari, aatake na ang LACOFRA sa siyudad."

"Did you . . . really agree?" Ibinaling ko sa kaniya ang tingin.

Tumango siya. "Pero sabi ko kay Kelsey na there's a possibility na hindi ako ililigtas ni Papa. He loves La Cota so much."

"Pero Care-"

"Hindi n'yo pa 'to alam pero kahit na anak ako ni Papa, minsan . . . madalang . . . ay hindi, parang never ko pa talagang naramdaman na naging ama ko siya at naging anak niya ako. I was living in hell kahit nandito pa ako sa Earth-" she chuckled"-kaya minabuti ko na lang na umalis sa poder niya. I'm old enough to choose the things that I deserve. That is why I moved to the dorm village with my friends." Napabuntonghininga na lamang si Care at tumingala sa langit.

"I wish, I was born a star shining above. Mas gusto ko pang magbigay liwanag sa mga tao. Mas gusto kong magpalutang-lutang na lang para walang problema. Tapos, titingilain din ako ng mga tao para bigyan sila ng insipirasyon."

"You are already a star, Care," malambot pero malalim kong saad sa kaniyang nagliliwanag na anyo.

"No, I'm not. I'm not shining and people look down at me. That's the reality because I was born as Billones."

"But you care, Care. Kaya nga 'yon ang pangalan mo kasi para ka ring bituin na kapag mawala sa langit, malulungkot 'yong tumitingala sa 'yo. Star cares kaya nandyan sila dahil may humihiling sa kanila, naniniwala sa kanila."

"Thank you. Salamat at napapagaan mo ang loob ko."

"Do you know the meaning of my name 'Nur'? It means light in Arabic. Kaya a star needs light to shine brighter. A star needs light to continue inspiring others. A Care needs a Nur."

Bigla naman siyang naglabas ng hagikhik at natutop niya ang kanyang bibig. Nagsalubong ang aking mga kilay at taka ko siyang pinagmasdan.

"Ang corny mo! Hindi ko alam bakit nahulog 'yong mapapangasawa mo sa 'yo. Corny ng mga lines!" Hindi na mawala ang ngiti sa kanyang mukha at ang kanyang pagtawa ay tila kanta sa aking tainga.

Umakyat naman sa aking pisngi ang mga dugo sa aking katawan kaya nag-init ito. Bakit ko ba kasi sinabi iyon? Nakakahiya ka Nur!

"Sorry kung corny!" nakangiwi kong saad.

"Okay lang. Napatawa mo naman ako."

Tinapik niya ang aking balikat. Tumayo naman siya sa kaniyang puwesto at pinagpag ang pantalon niyang suot. "Malalim na ang gabi, Nur. Tulog na ako. Ikaw rin."

"Pero sandali . . ." Itinayo ko na rin ang aking sarili at taimtim ko siyang tinitigan. "Ikaw ba 'yong humihuni kanina?"

"Ah, narinig mo pala. Kaya ka siguro napadpad dito. Sorry kung napangitan ka," bahagyang nahiya ang tono ng kaniyang boses.

"Hindi. Hindi. Actually, ang ganda nga, e"

Singganda ng himig na iyon ang iyong kalooban, Care. Mahal kita. Mahal na mahal kita. Sana naririnig mo itong sinasabi ko sa aking isipan.

"Baliw! O siya, tulog na ako, good night!" Ikinaway na niya ang kaniyang kamay.

"Good night."

Bumaba na siya mula sa rooftop na ito at ako'y naiwan na may kiliting nadadama sa aking tiyan.

Salamat.

Salamat at nakausap muli kita.


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top