Chapter 28

CHAPTER 28

Fake Hostage

* * * * *

Care Billones

Nakababa na kami sa van na sinasakyan namin kasama ang org mates ko sa Youth Volunteers Org. Nasa isang basketball court kami at ang ilaw sa bawat posteng nakapalibot dito ay nakasisilaw. Naningkit ang aking mga mata habang pinagmamasdan ang paligid.

Hindi naman naging mahigpit kanina ang pagpapalikas sa mga mamamayang gustong umalis sa La Cota. Walang naging sagabal basta bawal lang ang pagpasok sa siyudad. Ginabi na kami nang marating namin ang kuta ng LACOFRA rito sa Palayan. Si Tim ang naging gabay namin dahil siya ang may contact sa grupo para marating ito.

Nakatayo kaming lahat sa harapan ng mga taong tila namumukhaan ako. Lahat ng mga mata nila ay nanlilisik sa akin.

Biglang namang namilog ang aking mga mata na tila mailuluwa ko na ang aking eye ball. Ngayon ko lang napagtanto. Mga estudyante ang karamihan sa kanila sa LCU. Napsinghap ako at ang aking panga ay muntik nang masalo ng sementadong sahig. At nagsunod-sunod ang bulungan ng mga tao sa aking harapan.

"Ayan si Care, 'di ba?"

"Bakit siya nandito?"

"She's spying us."

"We're all dead."

"No, she's dead!"

"Why on Earth she's here?"

Napasigaw at napatili na lang ang mga tao, kasama ako, nang may narinig kaming isang putok. Parang mula iyon sa isang baril. Napatakip ako ng tainga at napayuko. Nangatog bigla ang aking tuhod na tila bibigay na anumang oras. Binalot ako ng ihip ng takot at pumalibot iyon sa akin.

Nadama ko na lang ang pagkawit ng braso ni Tim sa aking baywang at ikinulong niya ako sa kaniyang matigas na dibdib. Nakatapat ako sa kaniyang dibdib at dinig ko ang paisa-isang tibok ng kaniyang puso.

"We're here, Care. I'm here. Don't worry," malalim at nag-aalalang sabi ni Tim.

Ang hanging mula sa aking baga ay nanginginig at sinasalo ng kaniyang dibdib. Dumapo ang kaniyang palad sa aking buhok kaya tila may kuryenteng nagpapitlag sa akin at nagpainit sa aking pisngi.

"Huwag kang matakot," paninigurado niya sa kaniyang pinakamalambot na boses.

Maya-maya pa'y isang sigaw ng babaeng mala-siga at matapang ang nagpabingi sa akin.

"Bumalik kayo sa mga puwesto ninyo!" maotoridad nitong utos.

Inalis ko ang aking mukha sa dibdib ni Tim at nilingon ang babaeng iyon. Laking gulat ko na lamang na si Kelsey pala ang babaeng iyon.

"Hi Care!" Iwinawagayway pa niya ang kaniyang kamay na may baril na tulad ng mga pulis. Kaswal na kaswal niya 'yong bitbit na parang sanay na sanay na. Isinuksok na niya iyon sa kaniyang tagiliran. "I'm glad that you want to join the rebellion. You want to fight your father, huh?" Naglakad na siya palapit sa amin habang may nakalolokong ngiti.

"What a heart-warming welcome sa amin, Kelsey," asar ni Tim at hinayaan na niyang malaglag ang pagkawit ng kaniyang braso sa aking baywang.

"Yes, heart-warming talaga kasi nabuhay 'yang mga dugo ninyo dahil sa pagputok ng baril ko," halakhak-sabi ni Kelsey. "Anyway, welcome. You are all welcome here sa LACOFRA, even Care." Nagtagpo ang aming mga mata at nag-iwan siya ng isang ngiti. "Thank you, Care. You are in good hands."

Tila may isang tulay ang namagitan sa aming dalawa at tumawid ang isang kakaibang ihip na nagpaantig sa aking puso. Ang aking katawan ay nanghina pero tila may mga taong nakaabang na patayuin muli ako-at sila iyon.

Bakit ko ba 'yon nadama? Weird.

"O siya, pasensya na talaga sa pagputok ko ng baril. I'm going to tour you around sa aming maliit at humble na kuta."

Tumalikod na si Kelsey sa harap namin at inangat ang kaniyang paa. Nagsimula na siyang maglakad at sinundan na namin siya.

* * * * *

Nakarating kami sa isang classroom. Ang buong hallway na binagtas namin ay napakadilim, tanging kandila at flashlight lang ang nagpapailaw sa bawat classroom. Sinisipat-sipat ko pa ang bawat classroom na nadadaanan naming at namamahinga ang mga tao sa mga banig at karton ang ginagawang pamaypay. May dala-dala namang flashlight si Kelsey para pailawan ang daan.

Kung hindi lang ito nangyari sa La Cota, wala ring mangyayaring ganitong klaseng rebelyon. People will not suffer like this. Bumibigat ang aking dibdib sa tuwing nakikita ko ang kalagayan ng iba pero alam kong, sulit ito. They are, we are, fighting for the freedom of La Cota City.

"Dito muna kayo mamamalagi. We will have a training tomorrow kaya you all better sleep. Bring this with you." Binigyan kami ng kandila at posporo ni Kelsey. "You need to wake up early kasi food will come. Ubusan minsan 'yon."

"Saan nanggagaling 'yong mga food? Bali may pumapasok pa rito sa kuta ninyo?" tanong ni Minda.

"A secret organization is helping us. No need to ask." Tumapat naman ang mga mata ni Kelsey sa akin. "You, Care, I need to talk to you same with Tim."

Pumasok na sa classroom ang ilan sa mga ka-org mates namin at sinundan naman namin ni Tim si Kelsey sa paglalakad.

"Good to see you again Tim and Care," ani Kelsey habang nasa unahan namin at pinapailawan ang hallway gamit ang flashlight na dala.

"Good to see you too," tugon ni Tim.

"Si Care lang talaga ang gusto kong makausap pero I want you, Tim, to be the witness of this small conversation."

Nakatuon ang aking tainga kay Kelsey. Aminado akong kinakabahan ako ngayon dahil na rin sa ambiance ng lugar at sa kung anumang salita ang madidinig ko mula sa kaniya.

"Kanina, habang hinahatid ko kayo sa classroom na pagtutulugan ninyo, may naisip lang ako."

Pinailawan naman ni Kelsey ang hagdan paakyat sa isa pang palapag.

"I don't know kung papayag ka ba, Care."

Pumanhik na kami sa hagdan at narating ang rooftop ng gusaling ito. Madilim at kuliglig lang ang tanging nadinig ko, bukod pa roon ang mga pagtama ng aming mga sapatos sa sahig.

Pero . . . ano ba ang gustong sabihin ni Kelsey?

May itinuro naman siya sa madilim na karagatan habang pinapailawan kami ng nakangiting buwan na nakamasid sa itaas.

"Nakikita mo ba 'yong liwanag sa dulo ng kadilimang ito?"

Tumango ako at mahinang sumagot ng oo.

"Hayun ang masaganang lungsod ng La Cota. Titingkad pa ang liwanag ng syudad na 'yan kung bababa sa puwesto ang iyong ama-si Mayor Billones."

Humarap sa amin si Kelsey. Ang kaniyang mukha at binuhusan ng seryosong pintura.

"Deretsuhin mo na kami Kelsey," pagsingit ni Tim.

Tipid ang pagtango ni Kelsey bago sumagot.

"You will be our hostage, Care, a fake one. Huwag kang mag-alala. Walang mangyayari sa 'yo. Isa lang 'yong palabas. Once na maipakita namin sa papa mong hostage ka namin, and tanging kapalit lang para mabawi ka niya ay ang pagbaba sa pwesto bilang mayor ng La Cota. Pero kung hindi bumaba sa puwesto ang iyong ama, aatake na sa syudad ang LACOFRA."

Nanigas ang aking buong katawan. Hindi ko alam kung ako ba ang iisipin ni Papa kung mangyayari ba iyon pero mas malaki talaga ang tsansang hindi niya ako ililigtas.

"Pero, Kelsey," nakabuo na ako ng salita. "My dad will not listen."

"Care, hindi ko kayang sirain ang siyudad na nagpamulat sa akin. We need to try. Ito ang tanging paraan para matapos na 'to. Kailangan lang bumaba sa puwesto ng papa mo and we will elect a new one. Or, maybe a new leader from LACOFRA. Pero . . . kung wala talaga, wala na tayong magagawa. We need to attack the city."

Nilingon niya ang nagliliwanag na siyudad sa malayo. Kelsey, isang babaeng nagparamdam sa akin na wala akong kuwenta dahil isa akong Billones, pero isa rin siya sa mga taong may ginintuang puso. She's strong outside but emotional inside. She will fight para lang makuha ang gusto niya-her home, the city of La Cota.

Kaya buong lakas akong pumayag sa plano ni Kelsey.

"I will be your fake hostage."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top