Chapter 27
CHAPTER 27
Guns
* * * * *
Nur Ali Ibrahim
Nang matapos ang aming agahan dito sa kuta ng LACOFRA, ipinatawag kaming lahat para magtipon-tipon sa covered court. Hawak-hawak ko ang braso ni Omerah dahil baka mahiwalay siya sa akin sa dagat ng mga tao rito. Bigla na lang kasing dumami ang mga tao at karamihan sa kanila ay aking namumukhaan. Kaya baka halos lahat ng kasapi ng grupong ito ay taga-LCU.
Palinga-linga ako sa paligid at umaasang makita si Tim dahil sinabi niya noon na sasapi siya sa rebelyong ito pero hindi ko pa rin siya mahagilap.
Lahat ng mga kasapi ng LACOFRA ay nadito't nakatayo sa court. Dinig ko pa ang pagtilaok ng manok at ang huni ng mga ibon ngayong umaga. Nasa gitna nga rin pala kami ng kawalan at nasa Palayan pa na puro taniman ang paligid.
"Good morning, Freedom Warriors!" bati ng isang lalaking kalbo sa harap na may matipunong pangangatawan. Nasa entablado siya kasama si Kelsey at iba pa. Siya siguro ay isa sa mga pinuno ng grupong ito. Hindi ko pa kasi kilala lahat ng mga taong namumuno rito, tanging si Kelsey lang. "My name is Richard Reyes. I'm one of the founders of LACOFRA same with these guys." He extended his arms towards the position of Kelsey's and others at the back of him.
"As you can see, you woke up this morning not realizing how many are we. LACOFRA is growing and getting stronger. LACOFRA will achieve its mission because of you. LACOFRA will bring back La Cota . . . the La Cota we knew," walang hintuan at determinado niyang sabi. Tila niyayapos ako ng kaniyang maotoridad na boses kaya ang kuryente sa aking likuran ay kumalat sa buo kong katauhan. Nanindig ang aking balahibo.
Nakakuyom niyang inangat ang kaniyang palad at ang nakatutusok niyang tingin ay sumisigaw ng kalayaan. Nagbago rin ang itsura ng nakabola niyang kamao. Naging letrang 'L' ito na tila isang baril na tumututok sa langit.
"Ang senyas na ito ay ang opisyal na simbolo ng LACOFRA. Kalayaan ay ating makakamit kung ang nasa itaas ay mapapatlsik. LACOFRA ang magwawagi!" Kahit na walang megaphone ang nakasalampak sa kaniyang bibig, nadinig pa rin iyon ng mga taong nasa likuran ng court na ito.
Ibinaba na ni Richard ang kaniyang kamay at nilapitan ang kahong gawa sa kahoy na patong-patong sa gilid ng entablado. Nakatuon ang mga mata ko sa bawat kilos ni Richard.
Nang nasa tapat na siya ng mga kahong kahoy, ipinasok niya ang kaniyang braso sa isa mga kahong nandoroon.
Napasinghap na lang ako't nanlaki ang aking mga mata nang makita ko ang bagay na binunot niya mula roon. Isang mahabang baril iyon tulad ng sa mga military.
"We can use these weapons para makontrol muli ang La Cota at mabalik ang dati nitong anyo. La Cota is our home and forever be our home."
Nadama ko ang pagkapit ni Omerah sa aking braso kaya ibinaling ko ang tingin ko sa kanya. Nakatutok ang kanyuang mga mata sa harap pero takot ang nababakas sa kaniyang mukha. Nahagya ring nakahilig ang kaniyang ulo sa puwesto ko.
Bumigat ang aking paghinga dahil giyera na nga ang magiging kasunod nito.
* * * * *
Tanghali na't nakatambay lang ako rito sa tuktok ng isang gusali ng paaralan. Mainit pero kailangan ko ring sanayin ang aking sarili dahil papasok na rin naman ako sa impyerno anumang araw-ang giyera. Hinayaan ko nang matulog muna sa Omerah sa isang classroom sa baba dahil masyado na raw siyang pagod sa mga nangyayari. She needs space.
Kahit ako naman, pagod din ako. Pero para maibalik ang kapayapaan sa La Cota, kailangan ko-namin-itong gawin.
Pinagmasdan ko rin ang tanawin mula rito sa itaas para lang makadama ng saglit na katahimikan. Sinubukan ko namang umupo sa semento pero napaso ang aking palad nang inilapat ko iyon kaya nakatayo na lamang ako't pinanonood ang tanghaling mundo. Hindi ko rin akalain na kahit nasa Palayan kami, tanaw na tanaw ko mula rito ang nagsisitaasang gusali ng La Cota pero maliliit na lamang sila mula rito at mahamog kung tingnan.
Ipinamulsa ko ang aking palad at tumalikod para bumaba. Pero nadatnan ng aking mga mata si Kelsey na nakatayo't may pulang bandanang nakapulupot sa kaniyang ulo.
"Dumating na ang pagkain. Baka gusto mo na mag-lunch," kaswal niyang sabi.
"Thank you."
Tumalikod na siya mula sa akin pero bigla kong naalala 'yong mga baril kaninang umaga.
"Sandali!" pagpigil ko.
Huminto si Kelsey at bahagyang nilingon ang kaniyang ulo. Ang kalahati ng kaniyang mukha ay ang aking nakikita.
"Why?"
"Saan nanggaling 'yong mga baril?"
Tumingala si Kelsey sa asul na langit at naningkit ang kaniyang mga mata.
"Sabi na't itatanong mo rin 'yan. You are too curious sa mga bagay-bagay." Humarap siya sa akin. "The guns were from a secret organization na ang goal ay parehas sa atin-ang mapataksik si Billones. Nang malaman nilang may nabubuong rebelyon sa La Cota, they immediately contacted us. Sila ang nagbibigay sa ating mga supplies: food, essentials, budget and the weapons."
"Sino naman 'yang secret organization?"
"I can't disclose more information, Nur."
Inikot na niya muli ang kaniyang katawan at naglakad papalayo mula sa akin. "Lunch time na. You better get your food."
* * * * *
Kinagabihan, kasama ko si Omerah rito sa tuktok ng building na pinagtambayan ko kaninang tanghali. Kuliglig ang tanging pumapaloob sa aking tainga at kaunting ingay mula sa ibaba. Limitado rin ang ilaw rito sa abandonadong eskwelahan at ang covered court lamang ang kailangang pailawan tuwing gabi. Ito ay ginagawa para makatipid ng kuryente at maging ligtas at tago ang LACOFRA. May mga kandila at flashlight namang ginagamit ang iba sa bawat classroom.
Dahil dito, tila naging dagat ng dilim ang buong paligid. Nasa Palayan din kami at ito ang pinakamahirap na munisipalidad dito sa isla ng La Cota. Pero sa dulo ng kadilimang ito, nasisilayan ko ang liwanag na nagmumula sa siyudad ng La Cota kahit sinlaki lang ng langgam ang view nito mula rito sa kinaroroonan ko.
Nakaupo kami ni Omerah sa malamig na semento't dinadama ang banayad na paghampas ng ihip ng hangin sa aming katawan.
"Nur," pagpukaw ni Omerah sa akin.
"Bakit?"
"Gusto ko nang umuwi," malamlam niyang saad. Natiklop ko pa ang aking labi at tiningnan siya. Pinagmamasdan naman niya ang mga bituin sa langit.
"Kung kaya ko lang, Omerah, ginawa ko na. Pero nasa gitna tayo ng krisis. Nahihirapan ako."
"Alam ko. Kasalanan ko rin naman. Sinundan pa kasi kita noong araw na 'yon."
I shook my head. "Hindi. Wala kang kasalanan. Hindi mo kasalanang sundan mo ako roon sa border. Syempre, alam kong nag-aalala ka lang sa akin kasi ako ang nakatakdang mapapangasawa mo kaya 'wag mong sisihin ang sarili mo. Walang dapat na sisihin sa kaganapang ito."
Napabuntonghininga na lang si Omerah saka iniyuko ang kaniyang ulo. Sa sementadong sahig naman na siya tumititig.
"Kasalanan ko rin talaga ang lahat, Nur. Kasalanan ko. Ipinilit ko kasi talaga sa una pa lang. Ipinilit ko sa Abi ko na pakasalanan ka. Kaya nangyari ang lahat ng ito, dahil sa akin. Alam ko namang wala ka talagang gusto sa akin dahil may pagtingin ka talaga doon sa isang kasama mo noon. Nakikita ko, Nur. Babae ako at nakikita ko sa mga mata mo ang pagkinang noong nakita mo siya." Bahagya niyang itinapon ang namamanglaw niyang mga mata sa akin.
Napayuko na lamang din ako. I felt guilty kahit hindi naman dapat. Napapikit ako saka ko tiningala ang aking ulo. Pagmulat ko, libo-libong bituin ang sumalubong sa aking nalulungkot na mga mata.
"Nur, alam kong wala kang mahanap na tamang salita pero hindi ko kayang manghimasok sa puso mong may laman ng iba."
"Omerah-"
"Nur, I love you and I am happy that I met you. I love you, which is why I'm letting you go from this chained relationship. I will be pleased if you truly follow your heart."
Napalunok na lamang ako ng laway. Nakagat ko ang aking labi at ang pangingilid ng aking luha ay aking nadama.
"I'm sorry," nginig-boses kong sabi. "I'm sorry I couldn't love you."
Dumapo ang palad ni Omerah sa aking likod.
"Don't be sorry. Huwag kang humingi sa akin ng patawad kasi una pa lang, 'di mo na ako minahal. I understand that Nur. Besides, that girl that you love seems kind and lovely. Bagay na bagay kayo."
Napatango na lamang ako.
"Thank you. Thank you, Omerah. Salamat dahil naiintindihan mo ako."
Inalis ko ang tingin ko sa mga bituin at binaling ang tingin sa kaniya. Nakangiti siyang tumitig sa akin na tila ba walang dinadalang sakit.
"Thank you. Thank you, too . . ." halos bulong niyang sabi.
Naputol lamang ang aming pag-uusap nang umakyat dito sa rooftop si Kelsey. Sa kaniya naman nailipat ang aming tingin.
"Nur!" pagtawag nito sa akin. "Tim and his group are here . . . and also Care."
Bumilis ang pagtibok ng aking puso kasabay ng pag-awang ng aking bibig.
Si Care? Nandirito?
Pero bakit?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top