Chapter 26

CHAPTER 26

Escape

* * * * *

Care Billones

Inilapag ni Tim ang isang notebook sa mesa rito sa loob ng club room. Nasa harap siya't nakatayo habang seryoso kaming tinititigan. Napalunok pa ako habang tinititigan ang kaniyang postura ngayon.

"I called you here because I have something to say . . . an important announcement," wika ni Tim habang binubuklat ang notebook at doon na nakatuon ang kaniyang tingin.

Mabuti na lang at natapos na ang morning classes ko at wala na akong klase ngayong hapon kaya nakadalo ako rito sa meeting ng org.

"There's a group that attacked our university few days ago and they are recruiting students here," walang tinginang sabi ni Tim dahil patuloy lang siya sa pagbuklat sa kwaderno. Ano ba kasi ang mayroon sa notebook na iyon? Parang gusto tuloy umangat ng aking puwet mula rito sa silyang kinauupuan ko para silipin kung ano ang mayro'n sa notebook na 'yon.

Pinagmasdan ko rin ang aking mga org mates at naka-glue ang kanilang mga mata sa puwesto ni Tim sa harap. Tahimik at seryoso ang kanilang porma. Napamasid din ako kay Mind ana tahimik na sinusupsop ang kaniyang lollipop.

Hindi ko na rin maiwasang kabahan kaya nakagat ko na lang ang itaas na bahagi ng aking labi habang dahan-dahang humihinga nang malalim. Hinahayaan kong dalawin ako ng banayad na hangin sa aking baga upang mapakalma ang aking sarili.

"LACOFRA is a group that started here in LCU. And, one of the founders of LACOFRA is the president of LCU Rainbow Club . . . Kelsey Rivera." Huminto sa isang pahina ng notebook si Tim at may pinulot na bondpaper doon. "This is where they are hiding."

Iniharap ni Tim ang isang printed map na hindi ko naman ma-recognize kung anong mapa iyon.

Pero sandali ... si Kelsey ang isa sa mga founder ng rebelyon? Napatango na lamang ako habang ipinangalumbaba ko ang aking mukha sa palad ko. Mainit ang dugo ni Kelsey kay Papa at pati na rin sa akin kaya posible talagang magpasimuno siya ng ganoong rebelyon. Sumasali na rin siya sa mga rally noon laban sa mga plataporma ni papa. Naiintindihan ko siya kung bakit niya ginawa ito.

"I am joining LACOFRA para mapahinto na ang kabalbalan ni Mayor Billones dito sa La Cota."

Itinapat ni Tim ang kaniyang malalamig na titig sa akin. Tila my puwersang nagpasandal sa akin dito sa upuan ko.

"Pasensya na Care. I know you are different from your dad and I hope you do understand us. We just want peace here in our homeland."

Napalunok ako ng laway saka tumango. Pirming ngumiti si Tim kaya tila gumaan ang aking pakiramdam at nakahinga ako nang maluwag.

"Inanunsyo ko lang ito sa inyo dahil baka ito na rin ang huli nating pagpupulong. Hindi ko alam kung ano ang magiging kinabukasan ko kapag opisyal na akong kasapi ng LACOFRA. I already contacted the group pero nahihirapan din sila sa pag-recruit dahil lockdown ang buong La Cota."

Naitungo ni Tim ang kaniyang ulo at inipit muli sa kwaderno ang printed map kung saan nagkukuta ang LACOFRA. "I am thankful, grateful, that I met you all."

Walang anu-ano'y biglang tumayo si Minda sa kinauupuan niya. Lahat ng ulo'y sa kaniya bumaling. Tinanggal niya muna sa kaniyang bibig ang nakasaksak na lollipop doon.

"Kung makikipaglaban ka na lang din sa letseng gobyerno na ito, sasali na rin ako," seryosong wika niya saka balik-supsop sa lollipop.

Itinaas naman ni Cris ang kaniyang kanang kamay at walang bahid na ngiti ang nakapinta sa kaniyang mukha. Patay at walang emosyon iyon kaya 'di ako sanay makitang hindi masaya ang kaniyang mukha. "Ako rin! Sasapi ako. Hindi ko na nagugustuhan ang nangyayari rito sa syudad natin. My friends, my Muslim friends and classmates, wala na sila. At gusto ko silang pabalikin dito."

Sumunod din si Ronald na mas lalong humaba ang bangs at si Kaira sa pagpresentang sasapi sila sa rebelyon.

Ako na lamang ang tanging hindi pa naglalabas ng opinyon tungkol sa bagay na ito. Pati hanging ipinapasok ko sa aking baga ay nininerbyos dahil lahat ng kanilang mata ay tumutok sa akin na tila baril.

Lumunok ako ng laway bago magsalita.

"I know that you are fighting for something worthy . . . which is the freedom of La Cota," walang hintuan at taas noo kong sabi. Tumayo na rin ako sa aking puwesto. "Ako man ang anak ng mayor ng lungsod na ito, I will also do my best to bring back peace here in our city."

"Are you also going to join LACOFRA?" tanong ni Tim.

Matiwasay ang aking pagtango. "I will talk to him para makalabas tayo at makapunta roon sa kuta ng LACOFRA."

"How?" tanong ni Minda na ginagawa nang lipstick ang lollipop.

"I will ask him to lift the lockdown para makalabas ang mga taong gustong umalis dito sa siyudad. Nakausap ko rin siya kahapon and he said the he cares for the people of La Cota kaya I will use that as a tool para makalabas tayo ng siyudad."

* * * * *

Nang matapos ang meeting sa club room, isa-isa na kaming nagsialisan. Tinawagan ko muna sa telepono si Yaya Buning kung nasaan si Papa at ang kaniyang sabi ay nasa city hall daw ito. Ipinagpaalam ko na rin kay Tim na ngayon ko kakausapin ang aking ama.

Hindi ko naman alam kung ano ang magiging kahihinatnan nito dahil kahapon, hindi man lang siya nagbigay awa mula sa kaniyang mga binitawang salita. Sarado na ang kaniyang isipan at ang puso ni Papa ay tila niyakap na ng semento't bakal.

Sakay ng taxi, binagtas ko ang La Cota. Habang nakasilip sa labas, pansin ko na binihsan ng kalat ang buong kalsada. May mga tindahang nagsara at may mga vandal kung saan-saan.

La Cota is hell.

Billones is a demon.

It's more fun in La Pota.

La Potangina

Kaliwa't kanan ang mga hindi kaaya-ayang mga vandal sa paligid.

Nasabi rin ni Tim na may ibang mga mamamayan ang nasa border ng La Cota at karatig siyudad at munisipalidad dahil takot silang maabutan ng giyera-kung may mangyari man. Nais daw nilang lumuwas ngayon din

Wala rin masyadong traffic kaya mabilis akong nakarating sa city hall. Pagbaba ko ng taxi, tiningala ko ang pader na gawa sa salamin ng estblisyemento. Ang salamin na iyan ay unti-unti ring mababasag kapag ang mga tao sa siyudad ay lalaban nang matatag.

Pumasok na ako sa loob ng city hall at sinalubong ang malamig na hangin mula sa air conditioning. Kakaunti rin ang mga tao rito't dama ko ang kalamigan ng kanilang kaanyuan.

Dumiretso ako sa opisina ni Papa. Nang makapasok ako sa loob, naabutan ko siyang nakatayo't dinudungaw ang labas ng city hall mula sa pader na gawa sa salamin. Ang labas ng city hall ay tila ghost town. Lumilipad ang ilang kalat at sumasabay sa agos ng hangin. Bibihira rin ang mga taong nakikita ko sa labas na tila mga ulan na hindi man lang makatapak sa buhangin ng disyerto.

"Care, naparito ka." Kung anong lamig ang nadama ko nang makapasok ako rito ay siyang idinoble nang batiin ako ni Papa.

"Hindi na ako magpapatumpik-tumpik pa."

"Tell me. I'm just here, listening."

Mabuti na lang dahil nakaharap siya roon sa pader na gawa sa salamin at likod lang niya ang nakikita ko. Kung nakaharap siya sa akin ay baka makita niyang inirorolyo ko ang aking mga mata dahil sa sinabi niya.

Listening? Are you really listening?

Pero ipinagkibit-balikat ko na lamang iyon.

"'Pa, you need to open the city again. People need to evacuate. They feel unsafe here."

Huminto ako sa pagsasalita't nag-abang ng kung anong sasabihin niya ngunit lumipas ang ilang saglit, katahimikan lang ang namagitan sa aming dalawa.

Baka ... baka nga nakikinig siya. Huminga ako nang malalim at nagpatuloy.

"You announced that there will be a possibility na magkakagiyera. At kung gusto mong walang madamay, kailangan mong palabasin at palikasin ang mga tao sa madaling panahon. Anumang oras ay puwedeng umatake ang LACOFRA."

Hinaluan ko nang pagmamakaawa ang tono ng aking boses upang maantig ang kaniyang pusong sementado.

"Pa, mahal mo ang mga tao rito sa La Cota 'di ba? So, please-"

"You are right," malamig niyang tugon.

Umatras lahat ng mga salitang nais mailabas ng aking bibig.

"La Cota is not safe anymore. I'll grant your wish."

Nagtiim ang aking panga, hindi dahil sa galit kundi sa taka at gulat. Mabilis ang naging desisyon niya kaya hindi ito inasahan ng aking sistema.

"Maaaring lumikas ang ang mga mamamayan ngunit walang puwedeng pumasok dito sa siyudad. Ang gustong magpaiwan, magpaiwan. Bubuksan ko lamang ang border ng La Cota sa loob ng limang oras."

Hindi ako makapaniwala. Pinigilan ko ang pag-apaw ng tuwa sa loob ng aking katawan upang hindi mapansin ni Papa. Makakalabas na rin kami ng siyudad.

"S-Salamat po, 'Pa," alinlangan kong wika sa kaniyang likurang tanging nakikita ng aking mga mata.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top