Chapter 25
CHAPTER 25
Recruits
* * * * *
Nur Ali Ibrahim
Madilim.
Namamawis ang aking noo.
Mabigat ang timbang ng paligid.
Nadama kong tila nakatali ang aking kamay sa aking likuran at nakalapat ang aking puwetan sa isang silya. Hindi ko rin maimulat ang aking mga mata dahil may piring na nakatakip dito. Dilim at takot ang tumaklob sa akin.
Nasaan ako?
May mga mahihinang pagtangis akong nadinig kaya naging aligaga ang aking ulo't palinga-linga sa paligid. Ibig sabihin, may mga tao akong kasama rito. Nang subukan kong magsalita, mayro'n palang telang nakapalibot sa aking bibig hanggang sa likod ng aking ulo. Tanging tunog lamang ang nabubuo mula sa aking bibig at hindi maayos ang paglabas ng aking mga salita.
Lapat na lapat ang aking tsinelas sa sementadong sahig. Hindi rin ako sigurado kung nasa isang kalsada ba ako o sa loob ng gusali. Tanging hula lamang.
Malalalim ang pagbuga ko ng hangin at ang aking hita ay nagsimulang manginig sa nerbyos. Nasaan ba talaga ako?
Natigil lamang ako sa aking pag-iisip dahil napukaw ng aking pansin ang isang paghampas mula sa unahan. Parang tunog ng isang paghamapas sa mesa at umalingawngaw iyon dito. Sa aking palagay, nasa loob kami ng isang malawak na kwarto pero 'di ko lang mabigyan ng tamang konklusyon.
"Tahimik!" bulyaw ng isang babaeng boses sa harap. Tumigil ang mga pagtangis ng mga tao rito. "Hindi namin kayo sasaktan. Wala kaming balak na gawin 'yon," dagdag pa ng babae.
Napailing na lang ako ng ulo dahil tila pamilyar ang boses na 'yon. Narinig ko na iyon dati at parang kakilala ko ang nagmamay-ari ng boses na iyon. Nailukot ko ang ilong sa inis dahil 'di ko maalala kung kaninong boses iyon.
"Huwag kayong matakot. Nandito kami para sa isang misyon at maniniwala akong misyon n'yo rin iyon." Saglit na tumigil ang babae sa pagsasalita. "Tanggalin na ang mga piring."
May mga yabag na umalingawngaw rito at 'di mapakali ang aking sarili. Bumilis ang aking paghinga at ang aking pawis mula sa noo ay mas lalong kumawala.
Napaaray na lamang ako nang marahas na tinanggal ang piring sa aking mata. Tila humapdi ng ilang segundo ang balat na pinaghatakan ng piring. Nakangiwi't pakurap-kurap ako habang pinagmasdan ang bawat paligid. Marami-rami nga ang nandirito. At halos lahat ng mga tao ay . . . namumukhaan ko. Bahagyang naningkit ang aking mga mata dahil sa aking nasaksihan.
Nakaupo ang bawat isa sa amin sa isang kahoy na silya at hiniwa-hiwalay. May bintana sa gilid ng silid kung saan pumapasok ang liwanag mula sa papalubog na araw. At ang pisara naman sa harap ay malinis na tila hindi ginamit kailanman. Nasa isang classroom kami na hindi ko alam saang lugar matatagpuan.
Pero . . . mas lalo akong nagulat nang makita ko kung sino ang babaeng nasa harapan.
Kaya pala pamilyar ang kaniyang boses. Kaya pala matapang at nakatitindig balahibo iyon.
"Magandang araw, former students of La Cota University. I am Kelsey Rivera, one of the founders of La Cota Freedom Warriors."
Namimilog ang aking mga mata habang parang naging lente ng kamera iyon at nakapokus lamang sa kaniya. Seryosong mala-tigre ang kaniyang titig, matikas ang kaniyang tayo, matapang ang ngiti, at walang bakas na takot ang mababanaag sa kaniyang anyo.
Kelsey Rivera. Ang presidente ng LCU Rainbow Club ay isa sa mga nagpasimula ng grupong kakalaban sa pamahalaan ni Billones.
* * * * *
Nabura na sa kalangitan ang liwanag at tuluyan nang naghari ang buwan. Nagtipon-tipon ang lahat ng recruits dito sa basketball court sa gitnang bahagi ng abandonandong paaraalan na ito. Nasa Palayan pala kami at tagung-tago ang eskwelahan na ito kaya ligtas daw kami sabi ni Kelsey.
Nawala na ang takot na bumalot sa akin at naging kampante na rin ako nang makausap si Kelsey kanina.
Naghahanap pa raw sila ng mga bagong mare-recruit at ang focus ng kanilang paghahanap ay ang mga students ng LCU dahil alam nilang sasanib ang ang mga iyon upang mapabagsak ang baluktot na pamamahala ni Billones.
Kampante si Kelsey nang sinabi niya iyon. Naniniwala siyang karamihan sa mga taga-LCU ay taliwas sa paniniwala ni Mayor Billones.
Ngayong gabi, ang tanging pinoproblema ko na lamang ay si Omerah na hindi na mawala ang kaba sa katawan. Kanina pa siya tulala at nanginginig ang labi. Katabi ko lang siya rito sa mga benches sa gilid ng basketball covered court.
"Omerah, ayos lang ang lahat. Kilala ko kung sino ang mga 'yon," malumanay kong sabi sa namimilog niyang mga mata. Nakikita ko pa ang pagtaas-baba ng kaniyang lalamunan dahil na rin siguro sa kaba.
"K-Kaibigan mo ang m-mga kidnapper na 'yon?" nginig-labi niyang tanong.
Tipid akong ngumiti saka umiling. "Hindi sila mga kidnapper. Mga estudyante sila na gustong ibahin ang pamamalakad sa La Cota."
"S-sila ba 'yong mga rebelde?"
"Oo sila, pero they are fighting for the freedom of La Cota."
"H-Hindi ba sila terorista?"
"They are not," taos kong sabi kay Omerah. "Alam kong takot ka pero huwag kang mag-alala. I'm here. Nasa tabi mo lang ako at walang mangyayari sa 'yo," I assured her. Nais ko sanang tapikin ang kaniyang likod ngunit tila may umatras sa aking ugat kaya hindi ko naiangat ang aking braso.
"Thank you, Nur."
Unti-unti na ring bumabalik sa dati ang matingkad niyang mga mata. Mahirap para sa kaniya ang sitwasyong ito dahil una sa lahat, baka inisip na niyang na-kidnap talaga siya't kamatayan na niya iyon. Kaya ako, bilang mapapangasawa niya, ay kailangang maprotektahan at mapangalagaan ko siya.
Ngumiti ako't tumango sa harap niya.
Maya-maya may isang jeep ang dumating rito sa court kaya napukaw niyon ang aking pansin. Napatayo ako mula rito sa bench at sinipat-sipat mula rito sa aking puwesto ang kaganapan doon.
"Food supplies! Dumating na ang supplies!" sigaw ng isang lalaking nasa tuktok ng jeep. "Pumila lamang kayo nang maayos at isa-isa kayong mabibigyan ng pagkain!"
Kumulo ang aking tiyan kaya napayuko't nasapo ko iyon. Gutom na rin ako at tiyak akong gutom na rin si Omerah. Nilingon ko siya.
"Diyan ka lang. Ako na kukuha ng pagkain natin," sabi ko habang nakahayag ang aking kamay na dumito muna siya. "Diyan ka lang, ha." Saka nag-iwan ako ng mainit na ngisi.
Naging linya ang kaniyang labi at nakabuo rin iyon ng isang ngiti. Tila may yumakap sa aking puso nang makita ko iyon at nagpagaan sa aking sarili. Tumango si Omerah at saka na ako umalis para makakuha ng supply ng pagkain.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top