Chapter 24
CHAPTER 24
Rebellion
* * * * *
Care Billones
Mabuti na lang at wala akong klase ngayong araw kaya napagdesisyunan kong bisitahin ang mansyon. Nakapagpaalam na ako kay Jen kanina na aalis muna ako. May mga mga homework din siyang dapat tapusin kaya hindi ko na siya ginambala at kinulit pa para samahan ako.
Pagbaba ko ng taxi, dali-dali akong naglakad papunta sa napakatangkad na gate ng mansyon. Rehas-rehas ito kaya tanaw ko na ang malawak na hardin sa harap ng puting mansyon. May letrang 'B' pa na nakaukit sa tuktok ng gate na ito at guard house sa tabi.
"Ma'am, bakit wala ho kayong sakay?" tanong ng guard na may malaking tiyan at tila puputok na anumang oras ang mga butones ng puti nitong uniporme.
"I don't need a ride, Kuya. Papasukin n'yo na lang po ako," tamad kong sabi kahit na nag-taxi naman ako kanina.
Wala nang sinabi pa ang guwardiya at binuksan na lamang ang gate. Binagtas at tinakbo ko ang malawak na hardin na matatagpuan sa harap ng mansyong ito at nalagpasan ko na rin ang fountain na may estatwa ni Papa. Napaismid na lamang ako dahil matikas pa ang pagkakaukit niyon.
Nang makarating na ako sa pinto ng mansyon, buong lakas kong tinulak ang tila binarnisang pintong kulay tsokolate. Naamoy ko pa ang matapang samyo ng barnis kaya bahagyang nalukot ang aking mukha. Binagtas ko ang pasilyo at natagpuan si Yaya Buning sa may sala, naglilinis.
Gumaan na lang ang bigla ang aking pakiramdam nang tumingin si Yaya sa akin na may ngiti sa kaniyang labi. Tila may kakaiba akong nadama at uminit ang aking pisngi. Bumagsak ang aking balikat at malamlam siyang pinagmasdan. Ang aking luha mula sa aking mata'y nagsimula nang umagos paibaba.
Humikbi ako at lumapit kay Yaya. Ikinulong ko siya sa aking braso habang nakapatong ang aking baba sa kaniyang balikat.
"Ma'am, kumusta na? Bakit ka malungkot?"
Hikbi lang ang tangi kong naisagot at nagsimula na rin akong suminghot.
"Ma'am." Dumapo ang mainit na palad ni Yaya sa aking likuran at sinimulan niya iyong haplusin. Mas lalong nag-unahan ang paglabas ng aking luha at ang pagtaas-baba ng aking balikat ay hindi ko na rin mapigilan.
"Yaya, bakit gano'n? Bakit ganito na ang nangyayari sa La cota?" pananangis kong sabi. "Hindi ito ang future na gusto kong makita o maranasan. Yaya, bakit?"
Bumuntonghininga si Yaya. Ang kaniyang daliri ay naging suklay sa aking buhok at ipinapadulas niya lamang iyon nang marahan.
"Ma'am, nasa sa inyo kung paano maiiba ang kinabukasan ng La Cota."
Kumalas si Yaya sa aming yakapan at malungkot akong tinitigan. Ang kaniyang mata ay sinserong tumitig sa akin na tila nanunubig. Pinunasan niya naman gamit ang kaniyang hinlalaki ang aking mga luha sa aking pisngi saka dalisay niyang pinisil-pisil ang aking braso.
"Ma'am, kayo ang may hawak ng magiging kalagayan ng La Cota."
Tila may sinasabi ang likod ng kaniyang balintataw dahil may kakaiba sa kaniyang titig. Hindi ko lang mawari kung ano 'yon.
"Ma'am, kayo, kayong mga kabataan ang may kayang palayain ang La Cota sa kamay ng iyong ama."
"Yaya, sinasabi mo bang... kailangan kong kalabanin si Papa?"
"Kung iyon lang ang tanging paraan, natatakot man akong sabihin ito, pero . . . oo."
"Yaya-"
"Maaari mo namang kausapin ang papa mo dahil anak ka rin niya. Mahalaga siya sa 'yo." Saglit na huminto si Yaya. "Nasa opisina siya rito sa loob ng mansyon. Hanapin mo iya roon. Gawin mo ang lahat ng makakaya mo. Ikaw ang unang hakbang para magbago ang isip ng papa mo."
"Pero Yaya, ilang beses ko na ginawa 'yon."
"Susuko ka na ba? Ganyan ka ba kahina, bata? Alam mo sa sarili mong hindi ka madaling sumuko! Nabuhay ka nang walang ina at nakipagsapalaran ka sa iyong amang halos 'di ka pinansin buong buhay mo. Hindi ka madaling sumuko, ma'am. At... huwag kang susuko sa laban na ito."
Sampal sa aking mukha ang mga binitawang salita ni Yaya. Huminto na rin ang aking paghikbi at tila may kidlat akong nadinig sa labas. Napakurap pa ako dahil sa imahinasyon kong iyon.
Doon lamang tinanggap ng aking sistema ang mga sinabi ni Yaya.
Hindi ako madaling sumuko.
Hindi ako susuko.
Pirmi kong ipinikit ang aking mata na tila pinipiga ito upang mailabas ang lahat ng luha. Matapang akong babae at kung nasa mali ang isang tao sa kaniyang ikinikilos ay dapat ko itong itama. Ang paniniwala ng aking ama ay hindi katanggap-tanggap.
Iminulat ko muli ang aking mga mata at tumango sa harap ni Yaya.
* * * * *
Binisita ko ang opisina ni Papa rito sa loob ng mansyon. Pagbukas ko ng pinto, agad ko siyang nakitang nakatayo habang pinapanood ang mga monitor na nakadikit sa pader. Sampung monitor iyon at paiba-iba ito ng ipinapakita dahil sa libong CCTV rito sa La Cota.
"Nandyan ka pala, Care," sabi niya habang inaayos ang kaniyang salamin ngunit hindi pa rin siya humaharap sa akin.
"Pa," matibay kong sabi.
"Alam ko kung ano na ang sasabihin mo sa akin. Uunahan na kita ng sagot. I will say no to your requests."
Napalunok na lang ako ng laway dahil alam kong hindi talaga siya makikinig sa akin pero binigyan ako ng liwanag ni Yaya na kaya ko siyang pakiusapan ... ulit.
Inilagay ni Papa ang kaniyang mga kamay sa kaniyang likuran at nagsimulang maglakad papunta sa kaniyang mesa na may tumpok ng mga papeles. Umupo siya sa kaniyang silya at ipinatong ang dalawang siko sa mesa.
"Care, this is for the future of La Cota. We are now under attack by some rebel group or terrorist. They are recruiting students from your school, from LCU. At kailangan may magawa ako para pigilan ito."
"Pero, 'Pa, this is because of what you did. Kung hindi mo lang pinalayas noon ang mga payapang Muslim na naninirahn dito, walang mangyayaring ganito!"
"Payapa?" he scoffed. Napailing-iling pa siya at inangat ang kaniyang kamay. May inilabas pa siyang mapanglokong ngiti sa kaniyang mukha.
"Yes, Pa! They are living in peace here in our city pero ginulo mo 'yon. Ikaw! Ikaw ang sumira sa kapayapaan dito!" I started to grit my teeth. Umuusok na rin ang gilid ng aking mga mata.
"They will bring chaos here in our city, Care!"
"Now, who's talking? Sino ang nagbigay 'chaos' ngayon? Ikaw! IKAW!"
"I am not bringing chaos here, Care. I am only protecting my people! Remember that, MY PEOPLE!"
"So you are telling that Muslim citizens are not your people? You are their leader, their mayor! They live here! They grow up here! This is their home! THEIR HOME! Masakit sa kanilang iwan ito. And ang pinakaimportante, this is La Cota!"
Hindi ko na nakontrol ang pagtaas ng aking boses sa harap ni Papa. Kailangan niyang matauhan. Kailngan niyang ihinto ang lahat ng ito. Nagsitibukan na rin ang mga pulso ko sa kana at bahagyang nanunuyo ang aking lalamunan dahil sa pagsigaw.
Napitlag na lamang ako't napaatras nang hinampas ni Papa ang kaniyang palad sa ibabaw ng mesa. Bahagya akong pumikit at naitaas ang aking balikat.
"This is not their home and will never be their home!" Pinulot ni Papa ang telepono sa gilid ng mesa at may d-in-ial. "Yaya Buning, pakikuha si Care dito sa opisina ko."
* * * * *
"Ma'am, tumahan ka na."
Nakaupo kami sa aking kama rito sa aking kwarto habang yakap-yakap si Yaya Buning. Dama ko na ang mamasa-masa niyang uniporme dahil nakasubsob ang aking mukha sa kaniyang dibdib. Paulit-ulit din ang pagpapadulas ng kaniyang palad sa aking likuran para ako'y aluin.
"Ma'am, ginawa mo na ang dapat mong gawin."
"Yaya, walang nangyari. Hindi talaga mababago ang isip ni Papa. Hindi na niya mahal ang mga tao rito sa La Cota. Wala na siyang paki, pati sa akin," hagulgol kong sabi. Nalunod na rin ako sa sarili kong luha dahil hirap ako sa pagsagap ng hangin.
Wala nang inilabas pa si Yaya na salita sa kaniyang labi. Ipinagpatuloy niya lang ang pag-aalo sa akin. Mabibigat ang kaniyang paghinga dahil malalalim ang paghugot niya ng hangin mula sa kaniyang dibdib kung saan ako nakasubsob. Alam kong dama ni yaya ang aking kalungkutan at nagpapasalamat ako dahil nandyan siya sa aking tabi.
Ngunit habang tahimik akong humahagulgol sa bisig ni Yaya, tumunog ang aking cellphone na nakapatong dito sa aking kama. Iniangat ko ang aking mukha at bakas nga sa uniporme ni Yaya ang mantsa ng aking luha. Nagtama ang aking mga mata sa kaniya at lungkot ang nangibabaw roon. Tipid din ang ngiting naipinta sa labi ni Yaya.
Suminghot muna ako at pinunansan gamit ang palad ang lawa sa aking pisngi na nabuo dahil sa aking pagluha. Pinulot ko na ang aking cellphone at pinindot ang notification niyon.
Humigpit ang paghawak ko sa itim kong phone at tutok na tutok ang aking mga mata sa maliwanag nitong screen. Bahagya ring umawang ang aking bibig nang mabasa ko ang nakasulat dito.
Totoo ba ito?
Totoo ba itong nakikita ko?
According to the Intelligence Reports, LACOFRA is a terrorist group which is composed of students from La Cota University.
Terrorist group? Gano'n ba kabilis ang pagdedesisyon ng mga nakatataas? Ang sabi ni Papa, rebel group o terrorist group. Bali nag-iisip pa sila. Pero bakit ganito? Bakit ang bilis ng paghusga sa mga taong ito? At kung taga LCU nga ang LACOFRA, sino roon ang pasimuno ng grupong ito?
Sino?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top