Chapter 2
CHAPTER 2
The Guy
* * * * *
Nur Ali Ibrahim
Halos tumakbo na ako marating lang ang Business and Accountancy Building. Inaayos-ayos ko pa ang mga papel na hawak-hawak ko dahil nagkagulo-gulo ito nang mabunggo ako ni Care kanina. Hindi na ako nagpasalamat dahil nagmamadali na ako at sa palagay ko 'di naman niya deserve ang pasasalamat. She and her dad killed the colorful and lively city of La Cota.
Pumunta na ako sa may elevator ng building at nag-abang. Maya-maya, may bumukas na isang elevator at iniluwa niyon ang sandamukal na estudyante kaya napaatras ako. Ipinahinga ko rin muna ang aking baga dahil napagod ito kahihingal.
Nang kumaunti na ang mga taong nagsisilabasan sa elevator, inihakbang ko na ang aking paa nang biglang may tumapik sa likod ko kaya napalingon ako rito.
"Uy, Nur! Sabay na tayo!" masiglang bati sa akin ni Tim, ang president ng LCU Youth Volunteers Org.
Ngumiti ako. "Sige."
Hinintay muna naming maubos ang mga taong iniluluwa ng elevator.
Kaming dalawa lang ang nandirito sa loob nang magsialisan na ang mga sakay. Pinindot naman ni Tim ang sixth floor saka sumandal sa makintab na pader ng elevator.
"How's your day, Mr. Vice President?" masigla pa rin niyang tanong.
"Okay lang naman."
"Hmm. I see," tumatangong ulong wika niya. Ngumuso naman siya sa direksyon ng kamay ko. "Papers? Para sa'n?"
"Sa klase ko kanina. Nagkagulu-gulo pa nga, e," I chuckled. Itinungo ko ang ulo ko at inayos ang mga papel. "Nabangga kasi ako kanina ni Billones."
Napabalikwas ng sandal si Tim at kumunot ang noo. "Billones? Si Mayor Billones?" Nanlaki ang mga mata niya at natakpan ang kaniyang bibig. Umiiling-iling pa siya.
I just scoffed and tapped his shoulder. "No. Not Mayor Billones, but his daughter."
He gasped some air. Tila hindi siya makapaniwala.
"Did you tell na you are a Muslim?"
Umiling ako. "No. Bakit naman? Hindi naman siya nagtanong. And besides, may meeting tayo 'di ba?" nakangising turan ko, pag-iiba na rin ng paksa saka ko inakbayan ang aming president. Nagpupumiglas pa siya pero ginulo-gulo ko pa ang buhok niyang Maya-maya ay nakarinig naman kami ng isang tunog mula rito sa loob ng elevator.
"Sixth floor," sabi ng isang babaeng mala-robot ang boses.
Nahati sa gitna ang pinto at lumabas na kami. Binaybay namin ang tahimik na pasilyo ng palapag na ito. Rooms were possibly locked dahil walang ilaw sa loob ng mga iyon.
"Bakit tayo rito magmi-meeting?" tanong ko sa kaniya.
"Ginagamit ng ibang club 'yong meeting area natin do'n sa Arts Building, e."
"Sa atin naman 'yon, a."
"Pinahiram ko sa club na 'yon kasi may emergency meeting daw sila."
"Wews," kutya ko at siniko pa siya. "Hula ko, Drama Club 'yon, 'no?"
"Uy, hindi, a." Nagsalubong ang mga kilay niya pero hindi maitanggi ang ngiti sa labi niya. Bahagya ring namula ang maputi niyang pisngi.
"Dude, I know na pinopormahan mo si Faye."
"No. No. No. Nagkakamali ka d'yan, Nur. Sadyang mabait lang ang president ng org ninyo-ng org natin," kumpiyansa niyang sabi at tinapik-tapik pa ang dibdib.
Nakarating na rin kami sa room na pagmi-meeting-an namin. 'Room 6063' was the written number beside the indigo-colored door. Pinihit na ni Tim ang door knob at naroon na nga ang ilang officer ng org namin-Si Minda, Cris at Ronald.
"Magkasama ang president at ang vice," tukoy ni Minda, ang aming treasurer. Nakaupo siya sa isang arm chair at nakapatong ang mga paa roon. May sinisipsip pa siyang lollipop.
"Parang first time n'yo lang kami makita magkasama, a?" natatawang tanong naman ni Tim.
"Lagi ka kasing early tuwing may meeting at lagi namang late 'yang si Nur," pabirong sabat naman ni Cris, ang aming secretary. May binubura pa siyang mga sulat sa white board. Ang kalbo naman niyang ulo ay kumikinang sa tuwing tumatama ang sinag mula sa mga ilaw rito. Parang bolang kristal.
"Sorry ha, kung lagi akong late," sinagot ko naman 'yong isinalaysay ni Cris. Sabay kaming natawa nang magtama ang mga mata namin. Binato niya pa sa akin 'yong pambura pero nakailag ako. Tumama naman 'yon sa pinto at nakagawa ng ingay.
"Makakasira ka pa, hoy!" sita naman ni Ronald, ang aming Outreach Coordinator. Kapansin-pansin din ang bangs niyang aabot na yata sa ilalim ng mga mata niya. Paano niya kaya nakita 'yong pagtapon ni Cris ng pambura?
"So, kayo lang?" biglang tanong ni Tim.
"May klase siguro 'yong ibang officers," sagot ni Cris habang naglalakad patungo sa isang arm chair saka umupo. "At saka, tayo-tayo rin naman ang key officers ng club na 'to. So, o-cakes lang 'yan."
"Sige, let's start this meeting na lang at, Cris gumawa ka na lang ng minutes para i-send mo na lang sa iba."
Tumango si Cris bilang sagot.
Tumungo naman si Tim sa teacher's table at inilapag ang mga palad doon. Humanap naman ako ng mauupuan.
"So, I called you guys kasi we will have another project and plano ko is next week na siya. Madali lang naman ito."
"Ayan na naman sa madali," narinig kong bumulong si Minda habang sinisipsip ang lollipop.
"Minda? May sinasabi ka ba?"
"Wala po Mr. President."
Tim exhaled. "Ang project natin ay para tulungan 'yong mga bata doon sa ampunan sa may Municipality of Palayan. Napuntahan na natin sila dati no'ng nagpa-Christmas Party tayo sa mga bata. Naalala n'yo ba 'yon?"
"Yes, vividly," sagot ko.
"Grabe nga e," sambit ni Cris. "Naalala ko no'n, pinagkaguluhan ng mga bata si Nur."
I shook my hands para pigilan na siya sa susunod na niyang sasabihin. I still clearly remembered what happened on that day. Kinuyog ako ng mga bata dahil may dumating daw na artista. Natuwa naman ako sa reaksyon ng mga bata kaso hindi ako makagalaw dahil yakap-yakap nila ang binti ko.
"Grabe talaga pag pogi, ano?" dugtong pa ni Cris at bahagyang sinapak ang braso ko.
"So, ano'ng project naman pala 'yan? Christmas party ulit? Matagal pa bago mag-Christmas, a," komento ni Ronald.
"Baka naman kasi Advance Christmas Party," sagot naman ni Minda.
Natawa naman si Cris sa sinabi ni Minda at inasar pa siya. Pero na-badtrip lang siya.
"Nope. Not a Christmas Party. Simple lang ito guys since the head adviser of all LCU clubs are asking for some documentation kaya kaliwa't kanan ang bawat meeting nga mga orgs ngayon," paliwanag ni Tim.
"Can we just submit a documentation na ginawa natin last school year?" tanong ni Minda habang nasa ere ang palad natila nagdya-juggle.
"They need the latest."
"So, ano ang atin?" tanong ko.
"Gift giving sa mga bata."
"Kaunti lang ang funds."
"Thank you Minda sa update kahit 'di ko pa tinatanong," nakangising sabi ni Tim at tinuro-turo pa ang aming treasurer. She just clicked her tongue and continued sucking the lollipop.
"Magfa-fund raising ba tayo?" tanong ni Ronald.
"Hindi na kasi next week na 'to. Wala na tayong oras para sa gano'ng bagay. At saka, ipapa-approve pa natin 'yong fund raising activity. Hassle."
"Bakit ba kailangan next week, Mr. Pres?" tanong naman ni Cris at pumangalumbaba sa arm chair.
"As what I said earlier, the head adviser of all clubs needs a report or a documentation sa mga projects ng bawat clubs. At, paspasan na dapat kasi kung anong club ang may pinaka-okay, pinaka-feasible na project or activity, bibigyan nila tayo ng funds next month. And, that means mayroon na tayong pondo para sa mga activity na gusto nating gawin," paliwanag ni Tim at ngumisi.
"And, what kind of gifts ba 'to?" Minda asked at itinapon na niya ang stick ng kaniyang lollipop. Saktong na-shoot iyon sa basurahang malapit sa pinto.
Mahinang pumalakpak si Cris at napangisi na lang ako.
"The gifts are toys. Sino bang mga bata ang hindi mahilig sa mga laruan?" sagot naman ni Tim.
"Are we going to buy toys?" dagdag-tanong pa ni Minda.
"No, we are not dahil wala tayong extra funds. Pero, we can have a call for donations. Kilala naman ang club natin sa buong school kaya hindi tayo mahihirapan. At saka, nakalimutan n'yo na bang may dalawang pogi rito?" nakangiting tanong ni Tim. "Ako at 'yang si Nur. For sure, makakahakot tayo ng mga pinaglumaang mga laruan galing sa mga babae."
"Okay, good idea. Okay na ako d'yan," pagsang-ayon ni Minda at inayos niya ang kaniyang upo.
"Kayo . . . Nur, Cris and Ronald." Isa-isa kaming tinuro ni Tim.
"Okay ako," ani Ronald.
"Ako rin, Mr. Pres!" sabi naman ni Cris at nag-thumbs up pa.
"Me, too."
"Perfect. Paki-contact na lang si Kaira para siya ang gumawa ng poster at ipa-print na lang. Inform also other club members about this." Tumingin naman si Tim kay Cris. "Please send the minutes sa GC natin, Cris."
"Noted, Mr. Pres."
* * * * *
The train was fast approaching. Narito na ako sa platform ng monorail at papunta na akong Snak Hauz para kumain. Hindi na sumama sina Tim dahil ang susunod na klase nila ay malapit lang daw rito sa BA Building.
Nang makarating naman ako sa Snak Hauz, napatingala ako sa ganda ng architectural design ng building. I remembered when I was in my freshman year, I was totally amazed by how a cafeteria looked like an office building outside. Nang makapasok ako sa loob, ang sariwang samyo ng mga bagong lutong pagkain ang pumasok sa aking ilong. Natakam ako bigla. Dinig ko ang bawat kubyertos at ang mga pag-uusap ng bawat estudyante. May mga faculty ring nagla-lunch dito.
I looked for the Halal section and saw Yarsi, wearing a black hijab, and one of the members of LCU Muslim Club.
"Yarsi," tawag ko at agad akong lumapit. She was buying a Halal burger.
"Oh, Nur. Ikaw pala."
"Wala kayong meeting sa Muslim Club?"
"Hindi ako officer do'n," pabiro niyang sabi.
"Hindi officer, o tinatamad lang pumunta?" tanong ko habang ngumingisi.
"Tinatamad," pag-amin niya and she laughed, softly.
Sumingkit ang aking mga mata at nilinga-linga ang paligid dahil baka nandito ang dalawang babaeng kasama niya kanina. Pero wala. At saka, imbosible namang dumako rito si Care dahil Halal section ito.
"May hinahanap ka?" Yarsi wondered and looked around, too.
"Si Care?"
"Nando'n sa puwesto namin. Doon pa sa may dulo. Bakit?"
"Friends pa rin kayo?"
Biglang nagsalubong ang kilay ni Yarsi. "Yes. May problem ba ro'n?"
"Wala naman, pero her dad. We all know naman about her dad, 'di ba?"
"I know Nur but Care is not like him. Care actually cares."
"Pero what if, she's hiding the hatred inside. 'Di natin alam, baka sinasaksak ka na niya patalikod," babala ko. I was only giving an advice to her. I wanted my fellow Muslim student to be safe. Natatakot lang ako na kapag malaman ng tatay ni Care na may kaibigan ang anak niya na isang Muslim, baka mapahamak lang si Yarsi.
"Nur, I know you care, too. But I know her. I know Care, matagal na. Mabait siyang tao. I swear. She doesn't discriminate. She doesn't hate us. She loves us," pahayag niya.
"Pero," I lost my words. Bumagsak ang aking paligad at naglamlam ang aking paningin. Napabuga na lang ako ng isang tamad na hangin mula sa aking baga.
She just smiled, assuredly. Tinalikuran na niya ako at napabuga na lang ako ng hangin. Kung gano'n ang tingin ni Yarsi sa kaibigan niya, hahayaan ko na lamang siya.
* * * * *
I looked at my watch while exiting the monorail. It was quarter to three in the afternoon. May thirty minutes pa ako bago magsimula ang susunod kong klase. Nasa tapat na ako ng Computer Studies Building or CS Building. I took Multimedia Arts dahil iyon ang gusto ko noong high school pa lamang ako. I wanted to create an animation, a Filipino cartoon movie. And I wanted a Muslim young man to be the protagonist. Muslims, like me, were discriminated because of our religion and I wanted to change the perspectives of those people, not only here in La Cota but all around the world.
Nakarating na ako sa seventh floor ng building at naroon sa labas ang mga kaklase ko sa Animation Fundamentals. At saktong dumating na rin ang professor namin at pumasok na kami sa loob ng room.
Habang papasok, may kumalabit sa balikat ko kaya napalingon ako.
"Nur. Ikaw si Nur 'di ba?" tanong niya habang tinuturo ako.
Napakurap ako. "Ah, oo. Paano mo nalaman ang pangalan ko?"
"Matagal ko nang alam. Medyo nakalimutan lang kita kanina, kasi 'di naman ako masyadong nagpi-pay attention sa mga tao. Magkaibigan pala kayo ni Yarsi. Kung nalaman ko lang 'yon dati, baka friends na rin tayo ngayon. So, magpapakilala ako sa 'yo formally. I'm Care Billones." She offered her right hand. I just gulped and I maybe looked like a statue right now. She smiled. I imagined lights and stars flickering around her pretty face. Teka, ano ba 'tong pinagsasabi ko? Pero, why did she look different? Bakit parang ang gaan ng paligid ko.
"Uhm, Nur." She snapped her fingers at bumalik ako sa aking tamang pag-iisip.
"Ah, yeah. Shakehands?" I awkwardly smiled and offered my hand. She immediately accepted it. Her eyes smiled. Nauna siyang bumitaw at agad kong sinuksok ang kamay sa bulsa ng maong ko.
"So, bakit ka nandito? Accountancy ka, 'di ba?"
"I took this as my elective. I wanted to draw," masigla niyang sagot.
"Ah," iyon lang ang nasambit ko. Bigla namang lumabas ang professor namin sa pinto at bakas sa mukha niya ang kalituhan. Alam niya sigurong Muslim ako at obvious namang, anak ni Mayor Billones itong babaeng nasa tabi ko na hate na hate kaming mga Muslim.
"This . . . is . . . strange," mabagal niyang sabi. "So, anyway, pumasok na kayo. May kukunin lang ako sa faculty."
Tinalima na lang namin ang sinabi ng guro. Magkatabi kami ng computer and suddenly, my face felt hot. I didn't know what was happening to me. I was nervous and I didn't know why. Dapat hindi ako kabahan dahil galit ako sa mga Billones pero tila 'di ko magawa. Naipikit ko na lang nang madiin ang aking mata at bahagyang itiniim ang aking bagang.
"Uy, Nur. Ang tahimik mo. Hindi ka naman ganyan, a."
Napalingon ako sa kaniya habang pinapaandar niya ang computer na nasa harap niya.
"Teka lang, a. Kung elective mo 'to, nandito ka na talaga since pasukan pa?" nagtataka kong tanong.
"Yep. Paiba-iba lang ako ng upuan dahil halata namang, hate ako ng mga estudyante dahil sa Papa ko," she said, still smiling. Pero habang nakatitig sa mga mata niya parang may nababakas doong kalungkutan.
"Bakit hindi kita nakikita?"
"Dahil busy ka siguro. I don't know. Bakit mo sa akin tinatanong 'yan? At saka, hindi mo ba binubuksan 'yong university portal? Nando'n lahat ng naka-enroll, ah." Her presence made me float. Parang nagniningning ang awra niya at hindi ko rin maintindihan bakit ganoon ang paningin ko sa kaniya.
"Class, naka-open na ba 'yang mga computers ninyo?" tanong ng professor namin na kababalik lang galing faculty.
Inalis ko ang tingin ko kay Care at tiningnan ang ibang tao. Hindi naman sila nagsa-shine o nagliliwanag. Baka may kakaibang nangyayari sa mata ko. Kailangan ko yatang magpa-check up ng mata.
* * * * *
Nauna akong natapos sa quiz namin kaya pina-dismiss ako ng professor namin. Pagkababa ko ng monorail ay tinahak ko na ang LCU Dorm Village para makauwi sa dorm ko. Pero habang naglalakad, nakarinig ako ng isang bagay na parang bumagsak galing sa likuran ko kaya dagli akong lumingon.
Nanlaki ang mga mata ko nang makitang nakangiwi at nasa lupa si Care. Nakagat ko ang labi ko dahil 'di ko alam kung ano ang gagawin ko. Ikinuyom ko ang mga palad ko. Nagdadalawang-isip ako kung tutulungan ko ba siya o hindi. Dinilaan ko pa ang itaas na bahagi ng aking labi.
"Uy, Nur. Naiwan mo 'to," dumadaing na sabi niya. She extended her hand and there was a cellphone that looks exactly mine. "Kunin mo na. Burara ka pala."
Nag-aatubili kong inihakbang ang aking paa at nilapitan na siya. Pero 'di ko kinuha ang phone ko. I scooped her from the ground and searched for the nearest bench. Ikinagulat naman niya iyon dahil umawang ang kaniyang bibig habang binubuhat ko siya.
"What are you . . . doing?" she asked.
"Helping you," sagot ko habang patuloy sa paghahanap ng bench.
"I am the one who's helping you kaya. Naiwan mo 'tong cellphone mo, e."
"Who told you to bring it to me? Wala naman 'di ba?" Bigla akong nainis dahil may kabigatan pala itong si Care.
"Nagmamagandang loob lang ako," she said, sulking.
Nang makahanap ako ng isang bench, dahan-dahan ko siyang pinaupo. Nakangiwi siya at kanina pa siya nag-i-inhale-exhale.
Lumuhod ako sa harap niya at tumingala. "Sa'n masakit?" nag-aalalang tanong ko.
"'Yong ankle ko. Natapilok ako habang hinahabol ka, e."
I clicked my tongue. I removed both of her pink shoes. Tiningnan ko kung saang bukung-bukong ang namamaga at nasa kaliwang paa niya iyon. It was red like a tomato. I touched it softly and it felt hot. Napadaing siya at bahagyang nasaktan dahil sa ginawa ko kaya agad ko ring tinanggal ang kamay ko.
"I-I am sorry. Dadalhin na lang kita sa clinic. Mukhang na-sprain ka, e." Tumayo ako at tumalikod. Lumuhod ulit ako sa lupa. "Pumasan ka na lang sa likod ko. Nangalay kasi ako sa 'yo kanina."
"Pasan? Piggy back?" tanong niya, medyo nanginig pa ang boses niya.
Nilingon ko siya at bahagyang ngumiti. "Please. Para mabigyan ka ng first aid."
I saw her bit her lower lip. She was hesitating and her cheeks turned rosy pink. She looked cute. Ugh. I mentally slapped my face. Naguguluhan ako sa mga pinagsasabi ko. Parang hindi ako iyon.
She leaned forward. "Okay," mahinang sabi niya.
Pinasan ko siya papunta sa clinic malapit dito sa LCU Dorm Village. Mas madali siyang buhatin kapag nasa likod. Parang nagdadala lang ako ng back pack.
"Mabigat ba ako?" biglang tanong niya.
"Hindi naman."
"Pero sabi mo kanina, nangalay ko no'ng binuhat mo ako."
"Pag pang-bridal 'yong style ng buhat, oo, medyo mabigat ka," wika ko at tahimik na natawa. I didn't know why I was laughing.
"Kailangan ko na yata mag-diet."
"I agree."
Bigla na lang siyang gumalaw-galaw kaya muntik na akong mawalan ng balanse. Pag mabitawan ko siya, baka mas lalong dumoble 'yang sakit ng paa niya.
"What's your problem?" inis kong wika. "Ilalaglag kita, sige ka."
"Ikaw. Ikaw ang problema ko," sabat niya.
"Tsk. Parehas talaga kayo ng tatay mo. I don't know why I am helping you right now. Did you do something? Ginayuma mo ba ako?"
"Hoy, for your info, don't compare me sa Papa ko. Ikaw kasi, sinabi mo pang 'I agree' sa sinabi kong magda-diet ko. Ang sakit kaya n'on para sa akin. Parang sinabi mong ang taba-taba ko at itong katawan ko ay hindi katanggap-tanggap sa lipunan. At saka, wala akong alam sa mga witchcraft na 'yan. Bakit naman kita gagayumahin, aber?" mahabang litanya niya at hindi ko namalayang nakangiti na pala ako habang nagsasalita siya. I folded my lips to stop smiling. Inilunok ko na lang ang kakaibang pakiramdam na ito saka ipinagpatuloy ang paglalakad.
Nakita ko na ang clinic at binilisan ang paglalakad. Hindi naman nagreklamo si Care. Nang makapasok kami sa loob, isang lalaking nurse ang bumuhat kay Care at pinaupo. Iniabot naman niya sa akin ang cellphone ko at in-interview siya kung ano ang nangyari at kung saan masakit. Ipinasok naman siya sa isang silid at hindi ko na nagawang magpaalam pa.
Maybe Yarsi was right. Maybe Care was a good person.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top