Chapter 17
CHAPTER 17
Good Bye My Friend
* * * * *
Care Billones
Nakapag-almusal na kami rito nina Jen at Yarsi sa dorm. Si Jen pa ang nagluto kahit na alam naman niyang hindi siya biniyayaan ng talento roon. Naging tahimik din ang alumsal namin dito kanina. Ang tunog lang na nabuo ay ang pagtama ng mga kutsara sa plato at ang mga mabibigat naming paghinga.
Biglang parang may sinalong malaking bato ang aking katawan kaya pinasan ko iyon. Kanina pa lumuluha si Yarsi sa harap ko kahit tapos na siyang mag-almusal. Punas siya nang punas pero walang katapusang luha ang lumalabas sa kaniyang mga mata.
Nakaimpake na ang lahat ng gamit niya. Kagabi pa 'yon nakaayos at buong magdamag kaming nag-iyakan kaya mugtung-mugto na ang aking mata. Hirap ako sa pagdilat. Hirap din akong tanggapin ang sitwasyon namin ngayon. Matamlay ang timbang ng hanging namumuo rito sa unit ng dorm namin.
Kahapon, naganap ang anunsyo ni Papa tungkol sa pagpapaalis sa lahat ng mga Muslim na naninirahan dito sa lungsod ng La Cota. Wala akong nagawa noong kinompronta ko siya dahil pinatawag niya ang mga guwardiya at ako'y pinalayas sa city hall. Nakaabang naman si Kuya Ben sa labas at inihatid niya ako rito sa LCU.
Sirang-sira na ang La Cota.
Wala nang buhay ang lungsod.
Madilim. Malungkot. Mabigat.
Tila ayaw ko na ring manirahan dito.
"This will not be the last time na makikita ko pa kayo, right?" tanong ni Yarsi habang hawak-hawak ang handle ng kaniyang puting maleta. Nakasuot siya ng itim na hijab, itim na damit at itim na pants. Dama ko ang kalungkutang bumabalot sa kaniya.
Narito na kami sa sala ng unit at naghahanda na si Yarsi para umalis.
May sumilay na ngiti sa pagod niyang mukha at kahit nababakas ang mga tuyong luha roon, hindi pa rin mapagkakaila ang kaniyang kagandahan.
Jen let out a deep sigh. Katabi ko siya ngayon at bigla na lang siyang tumingala sa kisame. Pinaypay niya ang kaniyang mukha gamit ang kaniyang kamay.
"Ayaw kong umiyak," matigas niyang sabi.
Napatingin muli ako kay Yarsi at binigyan ko siya ng isang taos na ngiti. "Yes, Yarsi. We will meet again. Pupunta kami sa Dalampa, ha!"
"Hihintayin ko kayo ro'n."
Walang anu-ano'y bigla na lang naglakad at sumunggab ng yakap si Jen kay Yarsi. Humagulgol na ang kasama namin. Hindi ko alam kung maiiyak ba ako o matatawa. Mula naman sa reaksyon ni Yarsi, bakas sa mukha niya ang pagkagulat at pagkasaya.
Inihakbang ko na lang din ang aking paa at nakisama sa mainit nilang pagyayakapan.
Parang batang pinalo sa puwet si Jen. Walang tigil ang pag-agos ng mga luha mula sa kaniyang mata. Kagabi, kaming dalawa ni Yarsi ang tumangis. Ngayon, ang tikasin naman naming kaibigan na si Jen.
"Mami-miss kita," sabi ni Jen sa pagitan ng mga hikbi. "'Wag kang mag-alala. Magiging okay lang ang lahat soon. Hindi ngayon pero soon. Babalik ka rin dito. Walang diskriminasyon, walang masasamang mga mata ang nakatingin sa 'yo, walang mga taong tatapak sa kung sino ka. Babalik din ang La Cota. Kaya, babalik ka rin."
Tila may humaplos namang mainit na bagay sa puso ko at napaluha na rin sa mga binitawang salita ni Jen.
"Salamat," sagot ni Yarsi at hinigpitan niya ang yakap sa amin. "I know this will end soon. Pero, unti-unti ko na ring tinatanggap 'yong situation ko. La Cota will remain in my heart. And you guys will be forever stuck in my heart, too. Mami-miss ko kayo. Mami-miss ko lahat ng mga bagay na ginawa at pinagsamahan natin. I might be banned in this place, but my love for you guys will remain. Mahal na mahal ko kayo. Dito ko napatunayan na, iba-iba man ang relihiyon natin, we can still unite and respect each other."
* * * * *
Yarsi left with a bright smile on her face. Tanghali na ngayon pero kahit kanina pa siya umalis, tinakpan naman ng lungkot ang buong klase ko. Hindi pumasok ngayon si Jen at nagmukmok lang sa dorm. Alam kong hindi pa niya tanggap ang pag-alis ni Yarsi. Mas may pinagsamahan kasi sila. Silang dalawa lagi ang nasa dorm, sabay matulog, bumangon, kumain o baka nga sabay rin maligo. Naiintindihan ko siya. Naiintindihan ko ang nararamdaman niya.
Natapos ang buong araw ko nang tahimik. Pati rin ang buong unibersidad ay kakaibang tingnan. Parang may umuugong lang na ihip ng hangin sa tuwing binabaybay ko ang buong unibersidad. Halos lahat ng tao ay nakatungo sa daan. Para ngang ang dilim-dilim ng paligid.
Pagdating ko sa unit namin, tulog na rin si Jen. Nasa kwarto na siya ni Yarsi natutulog ngayon. Malinis ang dorm kaya in-assume ko na iyon ang ginawa ni Jen upang maibsan ang lungkot na nararamdaman. Nakapaghapunan na rin ako sa Snak Hauz kanina. Napansin ko rin na wala na 'yong "Halal Section" doon dahil halos lahat ng bumibili roon ay Muslim students, faculty members and school staffs.
Nagpahinga na rin ako sa kwarto at hiniling bago matulog na sana magwakas na ito agad-agad. Sana magbago ang isip ni Papa. Sana bumalik ang dating kulay ng La Cota.
Kinabukasan, agad kong hinanap ang club room ng Youth Volunteer's Org. Balak ko sanang kausapin ang president nilang si Tim. Kukumustahin ko lang naman siya dahil alam kong close din sila ni Nur.
Papasakay na ako ng monorail papuntang Arts Building nang makasalubong ko si Tim na paakyat din sa station. As usual, mukha pa rin siyang modelo kahit na napakasimple lang ng kaniyang suot: isang puting t-shirt, khaki shorts at white shoes. Hindi rin naman kasi mahigpit ang LCU sa dress codes (basta hindi ito revealing o distracting).
Agad ko siyang nilapitan at nagtama agad ang mga mata namin. Ngumiti ang kaniyang labi ngunit malungkot ang kaniyang mga mata.
"Oh, hi, Care!" panimula niya.
"Hello, Tim. How are you?" Sinuklian ko rin siya ng isang hilaw na ngiti. Saglit kaming huminto rito sa hagdan ng station.
Bumuga naman siya ng isang malalim na hininga bago ipinagpatuloy ang pag-akyat papunta sa station. "Ayos lang naman."
Alam kong hindi ayos.
"Malungkot ka ngayon, Tim. Umalis na si Nur at alam kong kaibigan mo siya kaya okay lang maging malungkot," sabi ko habang dahan-dahan naming tinatahak ang bawat stairs makaakyat lang sa platform.
"Matagal na akong malungkot, Care. Simula nang maging mayor ang papa mo, naging malungkot na ako para sa sitwasyon ni Nur. He's not just my bestfriend. He's a family to me."
"Naiintindihan kita, Tim. My friend is also affected by this."
"Pero... bakit wala kang magawa?" Huminto kami sa paglalakad. Napatingin din ako sa paligid at nasa platform na kami, tanaw ang mga daanan at buildings sa labas.
Napatungo ako at huminga nang malalim. Wala akong nagawa, nagagawa o magagawa. Kahit na anak ako ng mayor ng lungsod, mahirap baguhin ang isip ni papa.
"Care, tell me. Are you also siding with your father?" makahulugan niyang tanong.
Ibinaling ko ang tingin sa paparating na monorail. Nakagat ko ang labi ko bago ko ibalik ang tingin sa mukha ni Tim.
"Hindi. Kailanman, hindi ako papanig sa mga desisyon ni Papa."
"So... do something. You are the daughter of the most-"
"I am the daughter. Pero matigas ang ulo ni Papa. Tim, kung alam mo lang. I went there, yesterday. Pumunta akong city hall para lang kumprontahin si Papa. Pero... wala akong napala. Kahit anong hangin ang lumabas sa bibig ko, he will not listen."
Naipamulsa na lang ni Tim ang kaniyang mga palad sa kaniyang khaki pants. "It must be really hard for you." Dama ko ang pag-aalala sa boses niya.
"Oo, Tim. Parang ako... parang ako ang nagdadala ng lahat. Parang ako ang may kasalanan. Parang ako ang nagpaalis kay Nur at sa kaibigan ko." May kumuwalang luha mula sa mga mata ko habang sinasabi ko ang mga salitang iyon.
"Pero, susuko ka na ba? He might not listen now, but he will soon."
"Hindi ko alam, Tim. Hindi ko alam."
"Kung kailangan mo ng tulong, I'm here. I will help you to bring back La Cota." He patted my shoulder. Naging isang linya ang kaniyang labi kaya tipid din akong ngumiti. "Punasan mo na rin 'yang luha mo, heto gamitin mo." Binigyan niya ako ng isang panyo at malugod ko rin naman iyong tinanggap.
Nagpaalam na rin siya pagkatapos ng pag-uusap namin. Hindi ko na tinuloy ang pagpunta sa Arts Building dahil nakasalubong ko na rin siya rito sa station. Natuwa rin ako dahil sa buong pag-uusap namin, hindi siya nagtaas ng tono o nagalit man lang sa akin. Nararamdaman kong isang mabuting tao si Tim kaya naging magkaibigan sila ni Nur.
And Tim, I am not promising this but I am hoping the old La Cota City will be back.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top