Chapter 14
CHAPTER 14
Monday Protest
* * * * *
Nur Ali Ibrahim
8:55 AM
Napuno ng sabay-sabay na hiyawan ang buong tapat ng city hall. Kaliwa't kanan ang bawat watawat at posters na may nakaimprentang:
"Billones baba!"
"I don't need s*x. Billones is f*cking me and all La Cotanense!"
"Nagsisiga na ng apoy si Kamatayan para sa 'yo!"
"Bumaba na puwesto!"
May mga watawat din na may mukha niya at may nakapatong naman na X doon.
Walang tumuloy na miyembro ng LCU Volunteers Org dito dahil kagabi lang sa akin ito naipaalam ni Kelsey. Inaya ko naman si Tim kanina bago ako umalis kaso wala siya sa wisyo at may exam siya ngayong Lunes.
Wala ako sa main area ng rally. Nandito ako sa may sidewalk at dahil wala ring silong, tumatama sa aking balat ang sinag ng araw. Hindi naman gaanong mainit dahil umaga pa lang naman.
Dito sa puwesto namin, kasama ko ang ilang members ng LCU Rainbow Club. Kami ang namimigay ng mga tubig at mga pagkain para sa mga raliyista. Nakita ko rin dito ang LCU Muslim Club pero wala ro'n si Yarsi.
Mula rin dito sa pwesto ko, dinig na dinig ko ang boses ni Kelsey dahil gumagamit siya ng megaphone. Sigaw siya nang sigaw, "Wristband tanggalin! Kapayapaan panatalihin! Mayor Billones, bumaba ngayon din!"
Bawat segundo ay may bumisita ritong nagra-rally para manghingi ng almusal kaya binibigyan namin sila ng tinapay. May tatlong monoblock tables ang nakahilera sa aming harap kung saan naroroon ang mga naka-display na boteng tubig at ilang pagkain.
"Hey! Could you help me with this?" tanong sa akin ng kasama kong lalaki. Napalingon ako sa kaniya at inangat ko ang palad ko sa mesang ito.
May dinadala siyang mga kahon ng mga tubig kaya agad akong lumapit sa kaniya. Hindi ko pa lubusang kilala ang mga kasapi ng LCU Rainbow Club. Iniwan na lang kasi ako bigla-bigla ni Kelsey rito.
Inilapag ng lalaki ang mga kahon sa lupa at isa-isang binuksan ito. "Put these on the tables and put the others inside the ice box para malamigan."
"Opo," magalang kong sagot.
"No need to say opo. Magka-edad lang siguro tayo." Tumayo ng tuwid ang lalaki at pinunas niya ang kaniyang palad sa kaniyang damit bago ito ibinigay sa akin. "My name is Gio, boyfriend ni Kelsey. I'm also the vice president of this club."
Nakipagkamay ako sa kaniya. Tipid na ngiti ang hinarap ko sa kaniya. "I'm Nur, vice-president of LCU Volunteers Org."
"Yeah, sinabi sa akin ni Kelsey 'yong tungkol sa 'yo," sabi niya at bumitaw na siya sa pakikipagkamay. "Nice to meet you Nur."
Malinis tingnan si Gio. Maputi. Mukhang may ibang lahi rin dahil napakatangos ng ilong niya at may pagka-brown ang kaniyang buhok.
Sinimulan ko na rin ang inuutos niya sa akin. Yumuko ako sa lupa para tuluyang buklatin ang kahon. Isa-isa ko nang pinagkukukuha ang mga bote ng tubig at nilapag sa mga mesa. Tinulungan din ako ni Gio sa paggawa.
"By the way Nur, Kelsey told me that you are close with Care," sabi ni Gio habang abala sa paglalagay ng ilang mga bote sa mesa.
"Yes."
"Why? She's the daughter of the person we want to oust."
"Yeah but," I paused then suddenly my mind showed her beautiful smile, her glowing face and her laugh. "Iba siya." Dahil sa imahinasyon ko ay nakapagpakawala ako ng maliit na higikhik mula sa aking labi.
"Pa'no mo nasabing iba siya?"
"I just know," tipid kong sagot. Kumuha naman na ako ng dalawang bote at inilagay sa ice box. Pagkabukas ko niyon, may mga yelo pang hindi natutunaw.
"You just know?" Nakarinig ako ng isang hum mula kay Gio. Hindi ko na siya napapansin dahil sa paglipat ko ng mga bote ng tubig mula sa kahon papunta rito sa box. "But why are you smiling?"
Bigla akong natigilan at nabaling sa kaniya ang aking atensyon. Napakurap ako.
"Ha? No, I'm not." Dagling umiling ang aking ulo.
"'Kita ko 'yong smile mo kanina, eh. Don't lie," komento pa niya na may halong mapanlokong tono.
Bahagya akong pinagpawisan sa aking noo kaya binunot ko mula sa bulsa ang panyo at pinunas dito. Bakit ba kasi ako ngumingiti? Care, ano ba itong ginagawa mo sa akin at nakatanim ka na sa utak ko?
Umiling muli ako at lumunok. Sineryoso ko ang aking mukha at huminga nang malalim.
"I can sense something." Nasulyapan kong nakapamulsa na siya at nagpipigil ng tawa. "But I'm not here to say na masama 'yon. Kung siya ang pinili ng alam mo na, get her."
Huling bote na ng tubig at isinara ko na ang ice box. Pinagpag-pagpag ko ang mga palad ko.
"Gio, mali ka nang iniisip," sabi ko habang naglalakad papalapit sa mesa para magbantay muli.
"So, ano pala 'yong pagngiti mong 'yon? You also chuckled a while ago when I opened the topic about Care."
Kusang umangat ang kanang bahagi ng aking labi at umiling-iling. "Wala nga 'yon," pagtatanggi ko habang nakangisi pero mabilis ko ring binura ang ngisi na iyon.
Bigla na lang niyang ipinatong ang kaniyang palad sa aking balikat at tinapik-tapik ito. Sunud-sunod din ang paglagutok ng kaniyang dila.
"Tsk. Tsk. Naranasan ko na rin 'yan kay Kelsey."
Hindi ko na lang siya nilingon. Magalang ko namang tinabig ang kaniyang kamay. Hindi ko na rin alam ang sunod na nangyari dahil nakaramdam na lang ako ng saya at nakangiti na rito. Pero may kakaibang puwersa sa aking loob na kumakalaban doon kaya ibinabalik ko ang aking pagkaseryoso.
Care, please stop invading my mind and my heart.
"Take your time, Nur. Your heart knows you. Ikaw mismo ang may alam sa sarili mo," dagdag pa niya habang papalayo na sa aking puwesto dahil nakihalubilo na siya sa ilang miyembro ng org na 'to.
Napabuntonghininga na lamang ako at itinungo ang ulo habang nakikipagtitigan sa monoblack table na ito.
I know myself.
I am just confused with everything.
Pero sa tuwing nariyan si Care, pakiramdam ko, ayaw ko ang sarap ng pagtawid ng hangin sa aking katawan. I feel relieved and relaxed.
Mawawala lang din siguro itong kakaibang feeling ko para kay Care. Not now, but soon.
* * * * *
Tinatawag ako ng kalikasan kaya agad akong nagpaalam kina Gio rito sa pwesto namin. Hinanap ko muna 'yong cubicle pero bago ako makapunta sa mga 'yon, isang anunsyo mula sa city hall ang narinig ko. Huminto ako sa paglalakad at humarap sa city hall. May kalayuan na ako pero kitang-kita ko pa rin ang sandamukal na mga nagpo-protesta. Ang bawat LED screens naman sa mga gusaling nandirito ay ipinakita ang mukha ni Mayor Billones. Lahat ay biglang tumahimik at tumutok sa kaliwa't kanang mga LED screen.
Nakaupo si Mayor Billones sa kaniyang mesang may nakalagay na Mr. Francisco Billones at ang watawat ng Pilipinas sa likod.
"Magandang umaga mga mamamayan ng Lungsod ng La Cota. Naririnig ko ang inyong hinaing, sigaw at galit mula rito sa aking opisina. Nirerespeto ko ang inyong opinyon ngunit ang mga batas na aking ipinasa tulad ng sariwang balita tungkol sa pagkakaroon ng electronic wristband ng bawat Muslim ay hindi na magbabago. Ang batas ay batas. Pagod at paghihirap lamang ang mangyayari sa inyo. Nakakalap din ako ng impormasyon na ilang porsyento ng mga raliyista ay nagmula sa Unibersidad ng La Cota. Bumalik na lamang kayo sa inyong klase bago pa magkaroon ng gulo. Maraming salamat sa inyo."
Tila pumikit ang bawat LED screen at nawala na si Mayor Billones doon. Tahimik pa rin pero maya-maya ay nagsimula ulit ang mga sigawan at ang protesta.
Itinuloy ko naman ang pagpunta sa mga cubicle dahil ihing-ihi na ako.
Nang makarating na ako, pumasok na ako at mabilis din akong natapos. Pero habang nasa loob ng cubicle, kakaibang sigaw na ang narinig ko sa labas. Hindi na 'yon mga sigaw ng hinaing at galit kundi sigaw ng takot.
Tila may kakaibang kilabot ang nagpadulas sa aking buong katawan. Bumigat ang aking paghinga habang binubuksan ang cubicle palabas. Pumasok na ang liwanag dito sa loob at nadatnan ng aking mata ang nagtatakbuhang mga raliyista palayo. Agad na akong lumabas at tumakbo papunta sa pwesto namin. Nakabibinging sigawan ang nangibabaw sa buong kalsada. May mga tunog na rin ng wangwang at hindi ko alam kung sa ambulansya ba 'yon, fire trucks o sa pulis. Halo-halo ang naging tunog kaya mas lalo akong natakot.
Nakarating ako sa pwesto namin at magulo na ito. Natumba na ang mga mesang inilatag namin at nagkalat na sa kalsada ang bawat bote ng tubig. Wala na rin dito sina Gio.
"Tear gas! Lumayo kayo!" dinig kong sigaw ng isang taong tumatakbo. Namilog ang mga mata ko at umawang ang bibig ko.
Tear gas? Bakit nagpapakawala ng tear gas?
Kumuha ako ng ilang bote ng tubig at inipon ko ang mga 'yon. Sampung bote na yata ang kaya kong yakapin. Nakatutulong ang tubig para maging first aid sa mga naapektuhan ng tear gas.
Habang tumatakbo, nasulyapan ko na lang ang isang taong nadapa dahil natamaan ng bomba ng tubig mula sa mga fire trucks. Saglit akong lumingon at mas lalong namilog ang mga mata ko nang makita ang napakaraming fire trucks na nasa likod namin. May mga pulis din na nagpapakawala nga ng tear gas.
Napuno rin ng kulay pula at asul na ilaw ang buong lugar dahil sa mga pailaw na nagmumula sa sasakyan ng mga pulis at ng mga bumbero.
Patuloy pa rin ang sigawan at nagpatuloy rin ako sa pagtakbo. Nahuhuli ang ilang mga nagpro-protesta at nagkagulu-gulo na. Naghihinagpis sa sakit naman ang iba dahil sa mga teargas na natamo nila.
Agad kong nilapitan ang isang babaeng mukhang ka-schoolmate ko dahil sa suot niyang ID.
"Halika," sabi ko. Nananangis na siya at halos 'di na makatakbo. Binitawan ko na ang mga bote ng tubig at nagsigulungan iyon sa kalsada.
"Mahapdi ang mata ko!" nanginginig niyang sigaw. Nilinga-linga ko ang paligid at marami-rami na rin ang nag-iiyakan dahil sa hapding kanilang nararamdaman.
Nakagat ko na lang ang aking labi habang tinititigan ang nagwawalang babae. "Halika na. Ilalayo kita rito. Huwag mong ilagay 'yang kamay mo sa mata mo."
Kinuha't hinigpitan ko ang hawak sa kaniyang pulsuhan. Tumakbo kami nang tumakbo. Naaawa ako sa malapelikulang trahedyang nasisilayan ng aking natatakot na mga mata. Tila bumagal din ang buong paligid. Nag-slow-mo ang lahat ng galaw at pati ang pagsigaw ay umalulong sa aking tainga.
Maya-maya, pumasok kami sa isang establisyemento dahil inaanyayahan kami ng guard na pumasok doon. May mga pumasok ding iba. Agad kong tinanong kung saan ang banyo para mahugasan ang katawan ng kasama ko. Itinuro rin naman ng guard iyon.
Pabalik-balik ang tingin ko sa babae. Tangis siya nang tangis. Ako naman, parang gusting kumawala sa dibdib ko ang nagtatambulang puso ko dahil sa kaba.
Nakarating kami rito sa banyo ng mga babae at may mga nagsisipasukan kaya ibinilin ko na lang siya sa iba pa.
"Hugasan n'yo nang mabuti 'yang mga katawan ninyo para matanggal 'yang tear gas," bilin ko sa isang babaeng parang hindi naman masyadong naapektuhan at may kasama ring na-tear gas-an.
"Sige sige salamat!" mabilis niyang sabi.
Agad akong tumakbo papunta sa main lobby ng establisyementong ito. Napakaraming tao rito. Napuno ng hingal, tunog ng telepono, at iyakan ang buong lobby. May nakaupo na sa sahig at pinapaypayan ang sarili gamit ang kamay. Mabigat naman ang aking paghinga at abnormal na rin ang pintig nito.
Napatingin naman ako sa isang flat screen TV na nakakabit sa bandang itaas ng lobby'ng ito. Napatutok ako bigla nang ang palabas ay ang balita tungkol sa kaganapan sa labas. Kitang-kita ko ang paghihinagpis ng bawat tao at pagposas sa mga inosenteng raliyista.
Natiklop ang aking labi at tinakluban ng kilabot ang aking balintataw.
Ang dugong dumadaloy sa aking ugat ay naging aligaga at nabuhay dahil sa kaba.
Hindi na ito ang La Cota'ng kinilala ko noon pa.
Hindi na ito ang La Cota'ng payapa sa aking mata.
Hindi na ito ang La Cota.
Ito na ba ang wakas ng La Cota? O ito pa lang ang simula? Marami pa bang inosenteng mamamayan ang madadamay?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top