Chapter 11

CHAPTER 11

Old Toys

* * * * *

Care Billones

Lumabas ako ng kwarto ko na hindi nakasakay sa aking wheelchair. Sa tingin ko, medyo magaling na ang pilay kong ito. Hindi naman ito malala para maging sobrang tagal ang paghihintay ko para gumaling ito. Iika-ika nga lang ako sa paglalakad at nilalapat ko sa dingding ang aking palad sa tuwing naglalakad sa hallway ng mansyon. Ang pader ang naging alalay ko. Kung puwede lang sabihan ng "thank you" ito pero baka biglang sumagot ng "you're welcome" kaya 'wag na lang.

Ngayong araw rin ang simula ng online class ko. Hindi ko alam kung ano ang magiging setting niyon dahil unang beses ko pa lamang iyon masusubukan.

Nakarating na ako sa malawak naming kusina. Tila nagkikinangan ang puting tiles at ang mga naka-display na kitchenware. Nakita ko agad si Yaya Buning na nagluluto para sa aking agahan. Mabilis niya rin akong napansin dahil sa iika-ika kong lakad.

"Oh, Ma'am Care? Bakit ka nandito? Hindi pa magaling 'yang paa mo." Pinahinaan niya ang apoy sa kalan at agad na lumapit sa akin para ako'y alalayan.

Ikinawit ni Yaya Buning ang kaniyang braso sa aking tagiliran. "Yaya, okay na po ako."

She clicked her tongue and shook her head. "Hindi ka okay Ma'am Care. Ako na maghahatid ng pagkain. Gusto mo bang kumain sa dining hall?"

"Opo."

Nagsimula na ang paglalakad namin papuntang dining hall. Magkalapit lang naman ang kusina at ang hall na iyon. Habang papunta kami ni Yaya roon, nakarinig na lang ako ng isang pamilyar na boses mula sa isang lalaki. Hinanap ko iyon

"Yaya," tawag niya at sumulpot na lang bigla ang mukha ni Aleks sa aking mata na kumakain ngayon sa aming malawak na dining hall.

Kumunot ang noo ko at nalaglag ang panga ko. "Bakit ka nandito?"

"Para mag-almusal." Inilapag niya ang tinidor sa plato at inihinto ang pagkain ng pancake. Ngumiti siya sa akin at may tira-tira pang pancake na nakadikit sa kaniyang ngipin.

"Ma'am Care, kanina pa po siya nandito. Gusto ka raw niya kausapin," sabi ni Yaya sa tabi ko.

I just heaved a disappointed sigh and rolled my eyes.

Nang makarating ako sa mesa, umupo ako sa kabisera nito. Nasa kaliwa ko naman si Aleks at nakasandal habang inaayos-ayos ang kaniyang naka-gel na buhok.

Iniwan naman kami ni Yaya para ipagpatuloy ang niluluto niyang pagkain.

"Why are you here?" panimula ko.

"Hindi mo pala sinabi sa akin na Muslim pala si Nur." Inangat niya ang baso ng tubig at ininom ang laman n'on.

"So?"

"He's against the government, Care. Kalaban siya ng Papa mo. Baka sinasaksak ka na niya patalikod, Care." At ibinaba na niya ang baso sa mesa.

Iniling ko ang ulo ko. "Hindi siya gano'n."

"I met him last night, sa Kofi Cota. He was drawing your dad's face at nagmukhang masama ang Papa mo sa drawing na 'yon."

"Hindi ko buhay ang buhay ni Nur, okay? Kung may gusto siyang ilabas, i-drawing, o kung ano pa man 'yon, opinyon niya 'yon. And, I should respect that."

"Kahit Papa mo ang-"

"Bingi ka yata Aleks, eh. I said, I respect his opinion. Period."

"Fine," nakangising sabi niya saka itinaas ang kaniyang palad na parang susuko sa isang pulis. Umatras na rin ang upuang kaniyang kinauupuan saka siya tumayo.

"Yeah, fine! Kaya please lang, umalis ka na rito!"

Biglang dumating si Yaya Buning na may dalang isang platong may patong-patong na pancake at isang gatas sa kaniyang kabilang kamay. Natigil siya sa paglalakad habang tinititigan kami ni Aleks nang mabuti. May pagtatakang mababakas sa kaniyang mata.

"May nangyari ba habang wala ako rito?"

"Wala po Yaya Buning," sagot ni Aleks. "Aalis na po ako."

"Ngayon na? Gusto mo pa ng pancake?"

Sinapo ni Aleks ang kaniyang tiyan at hinimas-himas iyon. "Busog na po ako." Inginuso pa niya ang kaniyang labi na parang bata. Nairolyo ko na lang ang aking mata.

"Ah," tangong-sagot ni Yaya Buning. "Sige sige, ingat ka hijo, ha!"

Umalis na sa harapan ko si Aleks at nakahinga ako nang maluwag. Parang 'di ko kayang makipag-debate sa kaniya dahil mataas talaga ang prinsipyo ng lalaking 'yon. Isinubsob ko na lang sa bagong barnis na mesa ang mukha ko at naramdaman ko na lang ang paglapag ng platong dala-dala ni Yaya Buning. Naamoy ko bigla ang buttery scent ng pancake at ang honey nito.

"Ma'am, kain na po."

* * * * *

Alas dos na ng hapon nang natapos ang online class ko. Wala naman masyadong tinuro dahil kinakapa pa namin kung paano kumilos virtually. Naninibago pa rin ako dahil mas gusto ko 'yong presensya ng isang classroom at 'yong bulungan ng mga kaklase ko sa likod tuwing 'di nila gusto 'yong subject.

Humiga ako sa aking kama at nakipagtitigan sa aking cellphone. Kumusta na kaya sina Jen at Yarsi? Hindi ko pa sila nakakausap pero sabi ni Nur, maayos lang naman daw sila. Speaking of Nur, makikipagkita nga pala ako sa kaniya para maibigay ang mga laruan ko para sa proyekto nila.

Umupo ako sa gilid ng kama at agad na binuksan ang Messenger.

You:
Hi Nur!

Nur:
Uy Care, how are you?

Nanlaki ang mga mata ko at biglang umangat ang dulo ng aking labi. Ang bilis niya mag-reply.

You:
I'm doing good
naman. Tsaka, I'm
planning to give
the gifts to you tonight.

Nur:
Okay lang sa 'yo?

You:
Yeah. Ako bahala.
Saan mo ba gustong
makipagkita?

Nur:
Sa Kofi Cota.

Natigilan ako sa pagtipa. Nakita ni Aleks si Nur kahapon sa lugar na iyon. Baka hindi iyon magandang lugar para makipagkita ako sa kaniya.

You:
Wala ng iba pang
lugar na puwede akong
makipagkita sa 'yo?
Baka kasi may
makakita sa atin eh.

Nur:
Kofi Cota is a safe
place. Trust me. Mag-disguise
ka lang.

Hindi ko alam kung totoo ba ang "safe place" na iyan. Even La Cota City, this is becoming unsafe for him, for Yarsi, and to all innocent Muslim out there. Pero ano kaya ang mayro'n sa Kofi Cota at bakit gusto niyang makipagkita roon?

Agad rin akong nag-reply sa kaniya para sabihan kung anong oras ako makapupunta roon. Mabilis din akong umalis sa kama at hinanap ang eco-bag ko para ilagay roon ang lahat ng mga laruan ko. Nasa lumang kwarto ko matatagpuan ang cabinet na iyon-na ngayon ay kwarto ng ilang kasambahay.

Dala-dala ko ang eco-bag nang makarating ako sa tapat ng dati kong kwarto. Kulay itim ang pintong ito at may digital clock pa. Nasa first floor ito ng mansyon kaya nahirapan ako sa paglalakad dahil mula pa sa second floor ang kwarto ko ngayon. Ang hirap maglakad ng iika-ika.

"Tao po?" sambit ko kasabay nang pagkatok.

Agad din iyon bumukas at sumulpot ang ulo ni Yaya Chingching. Ang kapal ng lipstick sa kaniyang labi na parang kamatis na iyon. Mayroon din siyang nunal, sinlaki ng isang nirolyong kulangot, sa kaniyang baba.

"O, bakit po 'yon ma'am?" tanong niya sa pinakamagalang niyang tono saka niya tuluyan nang binuksan ang pinto.

"Nagalaw po ba d'yan 'yong mga laruan ko?"

"Ah, 'yong nasa cabinet po ba ma'am?"

"Opo, Yaya Chingching."

"Pasok po kayo ma'am."

Tuluyan na akong pumasok sa loob. Nag-iba na nga rin ang ayos ng kwartong ito. Dito ako nagtagal hanggang sa maging Grade 7 ako. Nag-hire na kasi si Papa ng maraming kasambahay para maging maayos ang mansyong ito. Marami namang kwarto rito kaya mas pinili ko na lang 'yong kwarto sa may second floor.

Nasa tapat na kami ng lumang cabinet ko. Kulay puti pa rin ito hanggang ngayon at mukhang bago. May mga stickers pa ako rito dati tungkol sa mga cartoons na pinapanood ko, pero ngayon wala na. Binuksan na ni Yaya Chingching ang cabinet at tumambad sa akin ang naglalakihang mga teddybear, mga barbie dolls at mga lutu-lutuan na set.

"Wala po akong ginalaw d'yan ma'am. Pero, nilalabhan ko po 'yang mga teddybear po para parating malinis."

Siningkitan ko ng tingin si Yaya. Sabi niya walang ginalaw, pero may nilabhan naman.

Pinili ko lang 'yong mga laruang kakasya sa eco bag kong ito. Hindi ko naman kayang dalhin 'yong human-sized na teddy bear. Mga malilit lang na teddy bear ang isinuksok ko sa eco-bag para magkasya pa itong mga manyika at mga lutu-lutuan na set.

Tinulungan din ako ni Yaya Chingching sa pagpili dahil sanay na raw siyang maglagay ng gamit para magkasya sa isang bagay. Mahilig daw kasi siyang maglayas noon kaya marunong siyang magsiksik ng kung anu-anong gamit sa bag niya. Dahil na rin sa tulong niya, mukhang naparami na rin ang laruang nakalagay rito sa eco-bag. Mabigat na ito kaya hirap na hirap akong buhatin. Buti na lang, batak din itong si Yaya Chingching. Kung tutuusin, mas matanda lang siya ng ilang taon kaysa sa akin kaya bata-bata lang din siya kung tutuusin pero mas maalam na siya sa kalakalan ng buhay.

* * * * *

"Dios mio marimar, Ma'am! Ano 'yang suot mo?" nakangangang sabi ni Yaya Buning. Sapu-sapo pa niya ang kaniyang sentido na tila masakit iyon.

"Lalabas ako, Yaya. Baka kasi mamukhaan ako ng mga tao."

Narito ako sa kwarto ko at nakabihis na rin ako. Sinunod ko ang suhestiyon ni Nur na mag-disguise ako.

Nagsuot ako ng mahabang pink na wig, naka-beach hat, naka-jacklet na kulay itim at sweat-pants na kulay itim din.

"Ma'am, mukha kayong tanga. Disguise ang tawag niyo 'diyan? Ma'am naman, mas lalo kayong papansinin!"

"Okay na 'to, Yaya. At saka, ito lang din ang nakita ko pang-disguise, ano?"

"Saan ka ba pupunta at ganyan 'yang suot mo?"

"Lalabas nga po ako. Sa Kofi Cota po. Sasamahan mo ako pati ni Kuya Ben."

"Naku, Ma'am! Magagalit niyan si sir!" Nangasim na ang mukha ni Yaya Buning. "Ano naman gagawin mo ro'n?"

"May imi-meet lang po ako Yaya. Ibibigay ko 'yon, oh." Itinuro ko ang mga laruang nasa eco-bag malapit sa pinto. Si Yaya Chingching din ang nagbuhat ng mga 'yan kanina dahil baka mas lalo akong hindi makakalakad kung ako pa ang gagawa niyon.

"Ma'am kinakabahan ako sa gagawin mo pero bilisan lang natin ha. 'Wag tayong magpatagal doon dahil ako at si Kuya Ben mo ang pupugutan ni Sir Billones."

"Opo, Yaya. Promise!" Itinaas ko ang palad ko na parang namamanata saka siya nginitian.

Lumapit na siya sa pinto at binitbit ang eco-bag. Nagulat siya no'ng una dahil sa bigat niyon at natawa naman ako.

Nakaramdam naman ako ng galak dahil makikita ko muli si Nur.

Kumusta ka na, Nur?

Na-miss ko ang moreno mong mukha at maayos mong pakikitungo.


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top