Chapter 1

CHAPTER 1

The City

* * * * *

Care Billones

Napakaraming tao.

Sabay-sabay na pagkilos.

Kinikilabutan sa pangyayari.

Tila libo ang dami ng tao rito malapit sa Downtown La Cota na may dala-dalang malalaking karatula. Iyon ang bumati sa aking mga mata habang nagmumuni-muni rito sa likod ng aking sasakyan. Mula rito, dinudungaw ko sila. Ang kanilang postura't mukha ay tila sumisigaw ng galit. Nagkaroon pa ng traffic at ang dagundong ng mga sigaw at busina ay naghalu-halo sa gitna ng siyudad ng La Cota.

Ang mga taong ito'y hindi tanggap ang pagkapanalo ni Papa bilang bagong mayor ng La Cota. Isang anti-Muslim politician ang naluklok sa opisina sa siyudad na kilala bilang most diverse and most accepting city in the whole Philippines.

Ako rin, nagulat sa totoo lang. Hindi ko akalaing some people voted him. Kahit na ako ang anak niya, iba ang pananaw at paniniwala ko sa paniniwala niya.

"Ma'am Care, mukhang male-late po tayo sa university ninyo," sabi ni Kuya Ben, ang personal driver ko. Nakatingin pa siya sa rear mirror ng sasakyan, bakas sa mga mata niya ang pag-aalala.

"Okay lang po, Kuya Ben."

"Bakit pa kasi nagra-rally ang mga 'to. Lunes na Lunes pa man din. Hindi na lang nila tanggapin na nanalo ang Papa mo," bugnot na wika niya.

"Let them be Kuya Ben. Hayaan na lang po natin sila. They have the freedom to do that."

"Namimirwisyo na sila Ma'am." Bigla naman niyang pinisil ang busina ng sasakyan at nakipagsabayan pa sa mga tila wala sa tonong kumakantang mga kotse. Napangiwi ako dahil narindi ang aking tainga matapos niyang gawin 'yon.

I just sighed. Sumandal na lang ako sa malambot na upuan ng kotseng ito. Inilabas ko ang aking phone sa bulsa ng pantalon ko at sinaksak ang earphones doon. While browsing my playlist, someone messaged me. Galing iyon kay Jen, my classmate at isa sa mga bestfriend ko sa La Cota University.

Jen:
Care, ano na naman bang nainom
na kape ng tatay mo? Umagang-umaga
may nega na!

Bigla namang nangunot ang noo ko. Anong mayro'n?

You:Bakit?

Jen:
From now on, CLOSE NA
ANG MGA MOSQUES!

I gasped while looking at my phone. My eyes widen as if my eyeballs were coming out. Napakurap-kurap pa ako at paulit-ulit na binasa ang message ni Jen.

I gulped before replying.

You:
What? He did not tell
me anything about this!

Jen:
I love you, Care, but I
hate your dad.

Agad kong binuksan ang Twitter ko. Unang bumungad sa akin ang mga sunud-sunod na balita galing sa iba't ibang news sites and agencies. There's even international news.

Ang bilis talagang kumalat ng balita na parang isang virus.

Pinindot ko ang isang link na nasa pinakaitaas ng feed ko.

Mayor Billones closed all mosques in the City of La Cota

Ayan ang headline ng balita. Bumigat ang paghinga ko and I continued to scroll down to read the article.

I prepared myself.

"The new mayor of La Cota City decided to close all the mosques this Monday morning. It was one of his propagandas during his campaign that he would erase every inch of Islamic culture in the bustling city of La Cota," basa ko pero huminto muna ako ng saglit dahil parang maduduwal yata ako.

This can't be true. Mayro'n akong Muslim best friend at baka mag-iba na ang tingin niya sa akin dahil sa kagagawan ni Papa. Nakagat ko ang aking labi at inis na umungol. Napatingin pa sa rear mirror ng sasakyan si Kuya Ben pero 'di na niya ako inusisa pa.

Maya-maya, umandar na ang kotse at napatingin muli ako sa bintana. May mga traffic enforcer na nagmamando sa daloy ng trapiko at sa mga nagra-rally.

"Hay, salamat naman. Dumating na rin ang mga traffic enforcer, Ma'am," sabi ni Kuya Ben habang bumubuga ng hangin. Tinanguan ko na lang ang kaniyang sinabi.

Ibinalik ko ang tingin sa article at ipinagpatuloy ang pagbabasa. It was written here that Muslims could still pray at the comfort of their homes or if they wished to go back to the City of Maculay, they could do that also. Two choices but it seemed so discriminatory.

Ang lungsod ng Maculay ay katabing siyudad lang ng La Cota. Kilala ito bilang Islamic City of the La Cota Island. Dalawa ang siyudad at tatlong munisipalidad ang matatagpuan dito sa La Cota Island. The two cities were: La Cota and Maculay; and the three municipalities were: Dalampa, Montana and Palayan. Pero ang lungsod ng La Cota ay umusbong na lamang bilang isa sa pinakamayamang siyudad sa buong Pilipinas dahil may iba't ibang multinational companies ang nagsitayuan at nag-settle sa dating patag na lugar ng La Cota.

Nag-vibrate ulit ang aking phone at may nag-pop up sa itaas na bahagi ng screen nito. It was a message from from Yarsi, my Muslim best friend na nag-aaral din sa La Cota University.

Yarsi:
Care, what happened?
Why did your Dad do that?

Parang may gumapang mula sa cellphone ko na kalungkutan at hinaplos niyon ang aking dibdib. Nagpalamon ako sa malambot na inuupuan ko. Naipikit ko ang aking mata, dama ko ang bigat ng aking talukap. I didn't know what to reply. I was certain that Yarsi was having an emotional heart break because of the news.

My phone vibrated again and she sent another message.

Yarsi:
I am very disappointed.
But, do you hate us?
Do you hate me?

Napatingala na lang ako at nakipagtitigan sa kisame ng kotse ko. I breathed slowly. I did not hate anyone. Mahal ko siya and I knew that she felt crumpled right now. I decided to reply.

You:
Yarsi, I am very sorry. Hindi ko
talaga inaakala na ganito,
like tinotoo talaga niya 'yong
mga sinabi niya. I am, too, very
disappointed. And, I do not
hate you. I am not and will never
hate you, your company, your
culture and your religion.

Yarsi:
Are we still friends?

You:
Yes. We ARE and we
WILL. I love you, Yarsi.
I will meet you na
lang sa school.

* * * * *

Bumaba na ako sa kotse at nagpaalam na kay Kuya Ben. Agad kong sinukbit itong bag ko at nagmadali ng pumasok sa school.

La Cota University is one of the best schools in the whole Philippines. Even though the school is not situated in Metro Manila and in University Belt, nakikipagsabayan pa rin ang unibersidad na ito sa mga eskwelahang naroroon.

Napakalawak ng university kaya we have to ride a monorail to go and roam around in different buildings.

Habang nakatayo rito, whispers filled the whole platform na parang mga mga aligagang bubuyog. I looked around at napitlag ako nang may mga estudyanteng tinitingnan ako nang masama, pagtataka at halu-halong emosyon.

Alam ko kung ano ang nasa isip nila at ang pinag-uusapan nila. Nabalitaan na siguro nila ang ginawa ni Papa. Hindi ko naman sila masisisi pero bakit parang sa akin nila ibinubunton ang galit nila?

Bumuga na lang ako ng hangin at kinuha ang cellphone ko. I was going to listen some K-Pop songs para ma-boost naman ang enerhiya ko ngayong araw. Ipapasok ko na sana ang earphones ko sa tainga ko nang biglang may humablot niyon. Dahil nakakabit ang earphone ko sa cellphone ko, parehas silang nahablot at nahulog sa platform.

Gulat akong tumingin sa taong gumawa niyon. She was pretty but her aura screamed the opposite.

"Hi, Care Billones," panimula niya at winagwag ang buhok niya. "I'm sorry sa phone mong ... sa tingin ko, basag na," aniya pa at tumitig sa cellphone kong nahati na sa tatlo: 'yong case, 'yong battery, at 'yong phone mismo.

Wala akong time para magsalita dahil alam kong galit din siya sa Papa ko. Hindi ko naman nararanasan ito dati noong hindi pa mayor si Papa. Akma akong yuyuko para kunin ang cellphone ko pero sinabunutan ako ng babaeng ito. Napatingala ako at napadaing sa ginawa niya.

"Napakakadiri mong tao at nakuha mo pang tumapak sa university na 'to. This university is full of students who are open-minded and diverse. Pero, I think you, YOU, are not welcome in this campus anymore," nanlilisik-mata niyang sabi at marahas na binitawan ang buhok. Muntik pa akong mawalan ng balanse. "I'm Kelsey nga pala. President of LCU Rainbow Club," sabi niya at nagpaputok pa ng bubble gum sa labi niya. Hinawi niya naman ang kaniyang buhok bago tumalikod.

Siya pala si Kelsey. I didn't know what her face looked like pero 'yong pangalan niya ay lagi kong naririnig sa buong university dahil lagi siyang sumasama sa mga equality rights ng LGBTQ+ at ng mga minorities-gaya na lang ng mga Muslim. Hindi naman ako galit sa kaniya. Sa tingin ko nga, deserve ko rin naman 'yon kasi dumadaloy ang dugo sa akin ni Papa. Pero, medyo masakit 'yong sabunot na ginawa niya, ah.

Sinuklay ko ang buhok ko gamit ang kamay ko at nagmadaling pulutin ang phone ko dahil parating na ang monorail. Students stopped whispering and looking at me because they fixed their eye to the incoming train as if it was a celebrity walking on a red carpet. Isinuksok ko na lang ang naghiwa-hiwalay na piraso ng cellphone ko sa bag ko at nakisalamuha na rin sa mga estudyante. The train arrived and everyone got inside.

* * * * *

"BA Station. We are arriving at the BA Station," anunsyo sa loob ng monorail. Inihanda ko na ang sarili ko malapit sa pinto ng tren dahil susunod na ang estasyon ko-ang BA Building o Business and Accountancy Building. I took Bachelor of Science in Accountancy, currently a second year student. I wasn't really into business pero halos lahat ng mga babae kong classmates ay kinuha ang course na ito. Some of them flew to Manila and got accepted in different colleges there but I stayed here. La Cota was way better in comparison to all the cities located in Metro Manila. Gusto ko talaga maging isang kindergarten teacher pero ayaw ni Papa dahil masyado na raw maraming guro sa La Cota. So, gumaya na lang ako sa mga iba kong kaklase.

Bumukas na ang pinto ng tren at nagmadali akong lumabas. Bumaba na ako ng estasyon para pumasok sa building pero may humawak ng braso ko. Nandito pa lang ako sa hagdan at tanaw na ang maitim na building ng Business and Accountacy. Alam ko na rin kung sino iyon dahil lagi naman niya itong ginagawa sa akin. Bumagsak ang balikat ko at irap ko siyang tinitigan. Nakangisi siyang tumitig sa akin at tila bulateng sumasayaw naman ang

"What?" inis kong panimula.

"Good morning, Care," nakangiti niyang sabi. Lumabas pa ang pantay-pantay niyang ngipin at umaninaw iyon nang tinamaan ng sinag ng araw. Sana ganyan na rin kalinaw ang magiging future ng La Cota.

"Bitawan mo nga ako." Pero mas lalong humigpit ang hawak niya at tila nawalis ng tingting ang nakangiti niyang mukha. Napalitan iyon ng pagkaseryoso kaya natigilan din ako.

"So, tinotoo talaga ng Dad mo 'yong pagpapasara ng mga mosques," pahayag niya.

"Oo at wala akong alam doon kung tatanungin mo ako tungkol sa balitang 'yon. So, puwede bang bitawan mo na ako?" nanlalaki-mata kong pakiusap.

"I'm actually glad that he did that," sabi niya saka niya ako binitawan pero napako ang tingin ko sa kaniya. Did I hear it right? He was glad?

"Ano?"

"Care, alam mo namang I voted your dad last election because gusto ko 'yong mga plataporma niya." Inangat naman niya ang nakapormang bola niyang palad kalebel ng kaniyang dibdib. "He wanted to eradicate Muslims here in our city." Nagtaas siya ng isang daliri. "He wanted our city to become safe." Dalawang daliri na ang nagpakita sa kamao niya. "He wanted to change the city. He wanted to make our city more peaceful. And lastly, I hate Muslims," buong lakas niyang turan at ang dating nakapormang bola niyang kamao ay nakahayag na.

"Well, I hate you for saying that," walang emosyon kong sabi. Yes, nakalimutan kong si May mga friends pa nga siyang Muslim dito sa buong Business and Accountancy Building.

"Hey, Care. But, I don't hate all of them. There's something lang sa kanila na hindi puwede sa magandang city na ito." He opened his arms at sinalo ang masaganang sinag ng araw sa maputi niyang damit.

"Bye, male-late na ako. Wala kang kuwentang kausap." Tatalikod na sana ako sa kaniya pero kinurot niya 'ang dulo ng damit ko at nahila ako niyon. Sinamaan ko siya ng tingin nang lumingon ako.

Nakataas ang kaniyang dalawang kilay. "Hey, we have the same subject this morning. Nakalimutan mo na ba?" Walang anu-ano'y bigla na lang niya akong inakbayan. Parang masasakal pa ako sa akbay niya at iginiya na niya ako sa paglalakad.

Aleks was taking Business Management, second year din. May mga klase lang na parehas kaming pinapasukan gaya ngayon-Business Mathematics. Pumunta na kami sa may elevator ng building na ito dahil sa pinakatuktok pa ang room n'on. Kahit ano namang pagpupumiglas ko, hindi pa rin ako makawala sa bisig ni Aleks kaya hinayaan ko na lang siya.

He's a sweet guy since elementary. He's my boy best friend pero may mga perspective lang kaming hindi nagma-match sa isa't isa. Hindi na lang namin iyon pinag-uusapan dahil matinding debate ang kalalabasan niyon. I remembered when we were in 9th Grade, he joined a debate, an informal debate in our class. And the topic that our teacher gave to the debaters was, "Is it important for the city of La Cota to be a diverse and open city?" And, he chose, "No, it is not important."

Magaling magpaliwanag si Aleks. Sinabi niya na magiging one of the best cities pa rin ang La Cota kahit hindi ito diverse. Mas gugustuhin niya kasing tutukan ang mga totoong taong naninirahan sa siyudad kaysa sa mga dayo. Ever since La Cota flourished, marami na ang nagsipuntahan sa islang ito at sa siyudad na ito. And then, Muslim population grew in La Cota. Ginawan sila ng sariling city at doon na nabuo ang Maculay. They didn't bring any harm instead they helped La Cota to sprout. But, the native people of La Cota noticed it and they thought they were taking the jobs from the homegrown citizens. They thought that the Muslims had a hidden agenda which was to Islamized La Cota City and the island itself.

Doon umikot ang paliwanag ni Aleks noon. And until now, ganoon pa rin ang kaniyang pananaw.

* * * * *

Mabilis natapos ang una naming klase at may dalawang oras kaming vacant. Alas onse na ngayon at sakto na ring lunch time. Naging tahimik ang klase kanina dahil siguro sa presensya ko, ang presensya ng isang Billones. Hindi ko alam kung bakit hindi ako kinausap ni Jen at ni Yarsi. Kaya ngayong vacant, kukulitin ko na ang dalawang iyon.

"Hoy!" bati ko at tinapik pa ang bag ni Jen. Naglalakad na kami papunta sa monorail station para pumunta sa Snak Hauz. Nandoon lahat ang pagkain. Puwede rin doon mag-almusal o mag-hapunan. Isang building iyon na puro pagkain lang ang laman.

"Wala ako sa mood, Care," bugnot na wika ni Jen.

Mapait akong ngumisi. "I know. Masyado yata tayong naapektuhan ng news kaninang umaga."

"Ako, naapektuhan talaga," komento naman ni

"It must be really hard for her," dinig ko namang pakikisali ni Aleks. Hindi ko alam kung sincere ba siya o nagpapaka-plastic sa harap ni Yarsi. "Sige, bye girls. May class pa ako." Nawala agad sa paningin ko si Aleks.

"Care, kaya mo bang pakiusapan 'yang papa mo?" matapang na tanong sa akin ni Jen.

"You know, I can't. Kapag nasa harap ko siya, parang mahihimatay ako. Parang may virus nga 'yong aura niya, eh," paliwanag ko. Lagi na lang. Lagi na lang akong ganoon sa tuwing kaharap si Papa. Hindi ko magawang magsalita o kumilos. Parang estatwa lang ako sa harap niya o kaya parang nawawalan ng lakas 'yong tuhod ko.

Napaka-estrikto ni Papa at nakakatakot talaga siya. Kuwento ni Yaya Buning sa akin, simula noong namatay si Mama, maliit pa raw ako noon at wala pang kamuang-muang, hindi na raw nakita ang liwanag sa katauhan ni Papa. He might be suffering pero naapektuhan lahat ng nasa paligid niya. Ako, bilang kaisa-isang anak niya ay naapektuhan din. We never talked about my life-my school. Ni-how are you anak, wala, e. Kaya si Kuya Ben or si Yaya Buning ang kinakausap ko sa bahay, isama na rin ang ilang kasambahay. Parang sila na nga ang tunay na pamilya ko, e. Ang mga allowance ko naman ay binibigay ni Papa sa debit card ko. At least, naaalala niya pa rin ako kahit sa ganoong bagay lang.

"Pero, anak ka niya. You are a family. He will listen to you," dagdag pa ni Jen. As if na kapamilya talaga ang tingin sa akin ni Papa.

"Yes, Care. Can you just try it?" malungkot namang dugtong ni Yarsi.

Napabuntonghininga na lang ako at matamlay silang tinitigan. "I will," giit ko. "But, what if hindi siya pumayag."

"The city will rebel," ani Jen. Jen had a point. The city might rebel.

"I doubt," ani Yarsi kaya sa kaniya namin itinuon ang tingin.

"Bakit naman?" tanong ko.

"He won the elections. Maraming bumoto sa kaniya. Rallies are already started noong umupo na siya sa pwesto. People, especially who voted him, obviously will support him. Tayong mga may ayaw sa kaniya, wala lang. Alikabok lang tayo sa kaniya," mariing paliwanag ni Yarsi.

"But we have to. Our voice is important. The government, not this shitty La Cota government, but the government of the Philippines must hear us," ani Jen.

"As if namang makikinig sila," sagot naman ni Yarsi.

"Girls, I will try my best to confront my father," pagsingit ko para tumigil na sila.

"I am hoping he will change his mind," Jen commented and she walked ahead from us.

Sinundan na lang namin si Jen. Nang marating na namin ang hagdan sa monorail, agad naming pumanhik doon pero dahil nakatuon ang pansin ko sa hagdan, may nabunggo ako. Napitlag ako at nanlaki ang aking mata. Papers scattered on the stairs and some were slowly falling na tila mga balahibo ng manok.

Agad ko siyang tinulungan at isa-isang pinulot ang mga papel. Tinulungan na rin ako nina Jen at Yarsi at ibinigay iyon sa lalaking estudyante.

Agad din siyang umalis sa harap namin at bigla akong tinapik ni Jen.

"Tulala! Nakakita lang ng gwapo," dinig kong sabi niya kaya kunot-noo akong tumitig sa kaniya.

"Yuck!" nandidiri kong sabi pero, oo, he's good looking. And ... he looked familiar, too.

"I know him," pakikisali ni Yarsi.

"Kilala mo?" nagtatakang tanong naman ni Jen.

"Kasama siya sa LCU Muslim Club at LCU Youth Volunteers Org."

"Ah, so he's a Muslim."

"Yup."

Tama. Nakita ko na siya. Nakita ko na 'yong lalaking 'yon. Pinitik ko ang daliri ko at tumingin naman sa akin ang dalawa.

"Kilala ko rin siya," aniko.

"Huh? How?" kunot-noong tanong sa akin ni Jen at bahagyang umawang ang kaniyang bibig.

"He's in my class."

"Class? Hoy, accounting student tayo, Care," sabat naman ni Yarsi at ngumisi.

"Oo, pero he's in my elective. 'Yong animation."

Napatango naman si Yarsi. "Ah. Yeah, he's taking Multimedia Arts."

"Alam mo, ang unfair ninyong mga Muslim students." Biglang humalukipkip si Jen. I fixated my eye to her. Kinabahan ako saglit dahil baka may masamang sasabihin siya kay Yarsi. Iaangat ko na sana ang kamay ko para sabihan silang ituloy ang paglalakad papuntang platform pero nagsalita ulit si Jen. "Bakit ang daming magaganda't gwapo sa inyo? So unfair," she said while shaking her head and clicking her tongue.

Natawa nang bahagya si Yarsi. "Hindi ko alam. Pero, stereotyping 'yan ah. Not all naman."

"O siya, siya, magpatuloy na tayo sa paglalakad. Nagugutom na ako." Nauna na akong naglakad at tumalima na lang sila.

Nasa platform na kami ng estasyon at saktong may parating na ring tren. Sumakay na kami roon at pumunta na ng Snak Hauz.





Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top