lies of love 8

Litong lito na nakatitig si Lorde kay Aria. Nagising siyang kasama ang dalaga sa kama. Hubad pareho.
Pilit niyang inaalala ang lahat ng nangyari kagabi. Blurred pero unti-unti ang pagbabalik ng kanyang memorya.

"Shit!" mahina niyang usal. He made mistake. He cheated on Avia. Ngayong wala na ang espirito ng alak sa katawan niya at pag-iisip. Pinagsisisihan niyang ginalaw ang kapatid ng kanyang asawa.

Sinabunutan niya ang sarili. Lalong sumasakit ang kanyang ulo, hindi lang dahil sa hang over kundi sa pag-iisip paano niya haharapin si Aria.

Nasa ganoong posisyon siya nang gumalaw si Aria. Nagmulat ito ng mga mata at pupungas pungas na naupo.

"Lorde?"

"I'm sorry, I'm sorry. Hindi ko si sinasadya. I'm drunk. Your here. And I miss Avia!" Agad niyang saad. Lumayo sa dalaga.

Parang may kutsilyong tumurok naman sa puso ni Aria.

Masakit. Sobrang sakit na pagkatapos ng nangyari kagabi, iyon lang ang sasabihin nito. Hindi niya tuloy mapigilan ang pagtulo ng kanyang mga luha.

"Sorry is not enough to ease the pain you caused me! Sobrang sakit ang pinaparamdam mo sa akin, Lorde!" Mahina ngunit madiin niyang saad. Ayaw man niyang maiyak, hindi naman niya kayang pigilan ang sarili para kaawaan.

Gulat at litong lito na napatingin sa kanya si Lorde. Alam niyang nasaktan niya ang babae ngunit tila ba may mas malalim na ibig sabihin ang sinabi nito.

"What do you mean?"

"Bakit ba nagbubulag-bulagan ka ha, Lorde! Bakit hindi mo nakikita na mahal kita! Bakit hindi mo kayang pakawalan ang sarili mo sa anino ni Avia. She's fucking dead!" sigaw niya at tumayo rin mula sa kama kahit lantad ang hubad niyang katawan.

"Ako ang nandito! Buhay at nagmamahal sa iyo. Noon at ngayon ikaw pa rin ang minamahal ko. Pilit kitang kinalimutan! Pilit kong sinabi sa aking sarili na hindi ka na kailanman magiging akin!" Puno ng sakit ang lumuluha niyang mga mata na nakatitig kay Lorde. Lalaking napasabujit sa buhok dahil sa kalituhan. "Pero tadhana na ang gumawa ng paraan para sa pagmamahal kong ito, Lorde! Nawala si Avia sa landas para sa pagmamahal kong ito! But you're not giving me a chance. Binabalewala mo ako!" sigaw niya rito. Paos na ang boses dahil sa paghikbi at iyak.

Litong lito na napaatras lalo  si Lorde. Pinulot ang mga nagkalat na damit at nagsuot ng boxer.  Kapagdaka'y nilapitan niya ang babae para sana ay aluin ngunit lumayo ito sa kanya. Napatiim baga siya na nakikitang nasasaktan ito. Ngunut kailangan niya agad putulin ang meron sila.

"I can't love you. Kung pwede lang sana, una pa lang minahal na kita. Hindi ka mahirap mahalin Aria." Napalunok siya at muling tumalikod dito. "Nagkakasala ako kay Avia, tayo. At nagkakasala lang ako sa iyo dahil nakikita ko sa iyo si Avia." Bumuga siya ng hangin bago muling magsalita.
"If I want you to stay here with me, maging si Avia ka! Dahil kailanman walang makakapalit sa kanya, dito." Itinuro ni Lorde ang kanyang puso nang muli niyang hinarap ang babae. "Si Avia lang ang laman ng puso ko. I'm sorry "

Hamagulgol lalo si Aria sa narinig. Inaasahan naman na niya iyon pero masakit pa rin. Wala ng sasakit pa na mismong sa bunganga ng lalaki manggaling ang masasakit na mga katagang iyon.

"Ako naman ng nauna." Nanghihina niyang saad at napaupo ng tuluyan. Niyakap niya ang tuhod habang idinukdok ang sarili sa tuhod. "Ako dapat ang nasa tabi mo noon pa! Pero nagsakrispisyo ako. Nagpaubaya ako para kay Avia!"

Mas lalong nalito si Lorde sa sinabi ni Aria. Mabilis na napalapit siya sa babae at nahigit ito patayo.

"What do you mean?" Madiin niyang tanong dito. Mas lalong humigpit ang kanyang pagkakahawak sa braso ni Aria nang nanatili itong tahimik. Umiwas ang mga mata sa kanya.

"What do you mean damn it!" sigaw niya sa pagmumukha nito. Marahas na binitiwan saka nagpalakad lakad. Marami ang biglang pumasok sa kanyang isip. Ayaw niyang paniwalaan ang nagsusumiksik doon na maaring katotohanan.

"No, it's impossible." Iiling-iling na saad niya habang muking tumitig kay Aria. Napatawa siya ng pagak habang may pumatak ng luha sa kanyang mga mata.

"Mahirap bang tanggapin, Lorde?" Sinalubong ni Aria ang kanyang mga mata. "Na ang taong minahal mo? Pinagkatiwalaan mo?  Na akala mo totoo, ay nagsinungaling sa iyo? Mahirap bang paniwalaan na lahat ng meron kayo! Meron si Avia sa iyo ay nag-umpisa sa kasinungalingan!"

"Hindi iyan totoo! Hindi sinungaling si Avia! She loves me kaya hindi niya ako magagawang lokohin. Ikaw ang sinungaling!" sigaw niya sa babae na hindi tuminag sa panduduro niya. Sa galit na pinapakita niya.

Pinulot na rin ni Aria ang kanyang mga damit.  Kahit na nanginginig at hinang hina ay nakapagbihis siya ng maayos. Pinahid niua ang luha bago muling harapin si Lorde.

"May 15, 2016, Heaven club. Doon mo nakilala ang mukhang ito. You both enjoyed one's company. It's love at firts sight na halos hindi na ninyo pinakawalan ang isa't isa that night." Naglakad palabas ng kuwaryo si Aria.  "That's me. And we fucking have sex that night too!"

"No, no, you're  lying." Sinugod ni Lorde ang babae bago pa man tuluyang makalabas sa kuwarto.

"Sinungaling ka! Ginagamit mo.lang ang kaalaman mo para paikutin at lituhin ako para mahalin kita!" Pagak na napatawa si Lorde. "Hindi kita mamahalin, hinding hindi ako mapapasa iyo."

Ramdam na ramdam ni aria ang galit ni Lorde. Alam niyang hindi siya nito papaniwalaan. Naging buhay nito si Avia. Isa lamang siyang sampid sa buhay nito ngayon

"Umalis ka na...I don't want to see you anymore. Ayaw ko ng mga kasinungalingan mo!" Madiin nitong ika. Ito na ang mismong umalis at iniwan si Aria mag-isa.

Nagtungo siya sa library sa bahay at doon nagwala. Halos mabasag at matumba lahat ng gamit na meron doon. Nalilito siya.  Iba ang nasa isip niya sa sinasabi ng kanyang puso. Oo! Ng kanyang puso!

Samantalang kahit hinang hina, mabilis na nag-empake si Aria at umalis na hindi nililingon ang bahay na iyon. Muli, aalis siyang sawi.

Bago siya pumuntang bus station ay nagpahatid muna siya sa sementeryo kung saan ang mga labi ni Avia.

"Bakit hanggang ngayon Avia ako ang nasasaktan? Ang tanging ginawa ko lang naman ay magmahal  at magparaya para sa iyo. Kahit masakit sa parte ko na ipaubaua sa iyo ang tanging lalaking minahal ko. Bakit hindi mo magawang magparaya rin para sa akin? Bakit kahit wala ka na, anino pa rin ako sa iyo? Pagod na pagod na akong inuuna kayo!" Iyak niyang ika habang nakaluhod sa harap ng puntod ng kapatid.

"Nagparaya ako para sa ikaliligaya mo, kahit na halos ikamatay ko.
Kinaya ko iyon dahil alam kong magiging masaya kayo ni Mommy. Nagpakalayo-layo ako para hindi na kayo mag-alala pa. Nilayuan ko ang taong mahal ko Avia para sa iyo. Pero bakit kahit patay ka na! Kakompetensiya pa rin kita!" Sumbat niya rito.

"Mommy, si Avia?" Kararating lamang ni Aria galing sa bakasyon.

"Ah eh..."Hindi makasagot ang kanilang ina. Nag-iwas ito ng tingin sa  kanya na ipinagkibit nalikat lamang niya.

"Nga pala mommy, iyong binilin ko sa inyo? May naghanap ba sa akin? Did you give my number to him?" masaya niyang saad habang nilalabas ang mga pasalubong para sa ina at kambal.

Mas lalong naging mailap ang kanyang ina. Hindi makasagot at hindi makatingin sa kanya. Nagtaka siya. At si Avia? Hindi naman iyon lumalabas ng bahay. Pero wala itong inabutan niya.

Naging maliwanag ang lahat sa kanya noong umuwi si Avia at hinatid ni Lorde. Masaya ang dalawa na nag-uusap.

Pinigilan siya ng kanyang mommy noong gusto niyang sugurin ang kapatid na ngayon ay kahalikan si Lorde sa kotse. Isang linggo lang siyang nawala. Pero heto pa pala ang madadatnan niya. Hindi niya napigilang mapaluha dahil pakiramdam niya, tinaydor siya ng sariling pamilya.

"Mang-aagaw ka Avia. Wala kang hiya!" Sinabunutan niya ang kakambal  nang makapasok ito sa bahay.  Nakalimutan niyang may sakit ito sa puso dahil sa sakit at panibughong nararamdaman.

"Aria stop it!" Inawat siya ng kanilang ina ngunit hindi siya nagpatinag. Sawang sawa na siyang magpaubaya.
"Aria, it was my fault," sigaw na muli nito na nagpatigil sa kanya. Matalim na tinitigan niya ang ina.

Kusang tumulo ang kanyang luha dahil alam niya g mas kinakampihan ng lanilang ina si Avia. Si Avia na ang mabait! Si Avia na ang inosente.

Niyakap ng kanyang ina si Avia at pinatahan. Lalo soyang nanibugho dahil mag-isa lamang siya laban sa mga ito.

"Bakit niyo nagawa sa akin to mommy?" sumbat niya. Kailangan niya ng eksplenasyon.

"Anak, minsan lang ako makikiusap sa'yo, ipaubaya mo na kay Avia si Lorde." Marahas siyang umiling. Lumapit sa kanya ang ina. "Tutal nagkakamabutihan na sila. At ang kapatid mo,ngayon lang siya nagmahal ng ganito. Ipaubaya mo na si Lorde, Aria." Muli siyang umiling.

"At paano ako mommy? Paano naman ako? Kahit ba ikamatay ko, kailangan kong magparaya?" Matalim.niyang tinitigan ang kapatid. "Bakit ako ba? Si Lorde lang din ang tanging lalaking minahal ko ng higit pa sa buhay ko. Bakit ko ipaparaya ang lalaking nagpapasaya sa akin? Bakit ako ang magsasakripisyo para kay Avia? Hindi ba niya puwedeng gawin iyon para sa akin?" Humagulgol siya. Mahal na mahal niya ang ina at kapatid. Pero mahal na mahal niya rin si Lorde.

"Anak, you'rstrong. Kaya mong tumayo at makahanap muli ng lalaking mamahalin. Si Avia, alam mong kabaliktaran ka niya."

Lalo siyang naiyak dahil iyon na namn ang dahilan.  Tiniis niya ang lahat, pinakitang matatag sa harap ng mga ito. Pero hindi nila alam na nadudurog na ang kanyang puso. Nababaon na siya sa lungkot at selos. Hindi siya malakas gaya ng iniisop.ng mga ito.

"No mommy, this time, ako naman!"
Matigas na sabi niya sa ina. Pinilit niyang maglakad paalis ng bahay nila. Pero napatigil siya nang magsalita si Avia.

"I love Lorde Aria. Please, nakikiusap ako, bigyan mo ako ng oras na sabihin sa kanya ang totoo. Ako mismo ang magsasabi ng katotohanan sa kanya."

"Anak?"

Napapikit si Aria. Hindi alam kung paano turugunin ang pakiusap ng dalawa. Tiningnan niya ng matalim si Avia.

"I'll give you 1 week!"

"I promise!"

Pero hindi nangyari ang pangako nitong sasabihin kay Lorde ang totoo.
Kundi inaya ni Avia si Lorde na magpakasal agad kahit sa huwes ng lihim. Alam ng kanilang ina ang bagay na iyon. Pinagkaitan siya ng karapatan sa lalaking mahal niya. Pinagkaisahan siya ng mga ito.

"Wala kayong kuwenta! Pinagkaisahan niyo ako. Niloko!"

Isang sampal ang binigay ng kanyang ina sa kanya. Siya na ang niloko. Soya panang sinaktan pisikal.

"Ikaw ang hindi nakakaintindi, Aria! Alam mo kung ano kalagayan ng kambal mo. Kung iiwanan niya si Lorde, ikamamatay niya. Bakit ba napaka-selfish mo?"

Natawa siya ng pagak. Tila nababaliw na tumawa sa harap ng mga ito.

"At ako my, Hindi ba mamatay? Hindi ko din ba ito ikamamatay? Yung puso ko, unti-unti niyo ring pinapatay! Dinudurog.  Kayo ang makasarili, hindi ako!"

Tumakbo siya paalis ng bahay. Hindi na niya gustong manatili  pa roon. Walang lingong likod niyang tinalunton ang daan.

Hindi niya alam, sinundan pala siya ng kanyang ina. Hindi pa siya nakakalayo nang makarinig siya ng malakas na kalabog. Paglingon niya, nakahandusay na sa daan ang kanilang ina at duguan. Nasagasaan ang kanyang ina.

Gusto niyang lumapit sa ina pero napatigil siya ng makita si Avia na tumakbo palapit sa wala ng buhay na ina nila. Siya ring pagdating ni Lorde na agad  na pinangko si Avia nang mawalan ng malay.

Masakit man, hindi na siya muking nagpakita pa. Magmula noon ay nagpakalayo-layo siya. Mag-isa at walang pamilya.

Para wala ng gulo sa pagitan nilang magkapatid. Para na rin makalimot.
Hahayaan niya ang kapatid na lumigaya kahit pa ikamatay niya.
Iyon nalang ang kabayaran niya sa pagkawala ng kanilang ina.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top