lies of love 5

Doon nga nanatili si Aria  at masayang masaya ang mag asawa. Bumalik na rin sa dati ang pakikitungo ni Lorde sa kanya. Like she didn't exist kahit la.nga makasalubong niya. Mas halata pa nga na iniiwasan siya nito.

But there's a time na nahuhuli niyang nakatitig ito sa kanya. Tila pinag-aarapan ang kanyang mga kilos.

Nang isang gabi, lasing na lasing itong umuwi. Wala pa naamn ang mga magulang nito. Laking pasasalamat niya na nakauwi pa ito ng ligtas at hindi naaksidente.

"Buti hindi ka nadisgrasya. Kung iinom ka. Please naman hindi yung halos hindi mo na kaya yang sarili mo," pagalit na saad niya rito at pilit kinuha ang braso nito para alalayan.

"Stop nagging already! Kasalanan mo ito eh!"Napakunot noo si Aria. "Kung wala ka sana rito, eh di dito sana ako umiinom."

Napabuntong hininga si Aria. Labas ilong pala ang pag-imbita nito sa kanya na lumagi sa bahay. Ngayong lasing ito, lumabas ang totoo. Ayaw siya makita at makasama.

"P-puwede naman akong umalis, kung talagang naiirita ka sa akin na nandito ako," gumaralgal ang bosea ni Aria kaya napakagat labi siya.

"I dont want to see you but I want to keep you here. I don't understand myself."

Hindi niya alam kung anong magiging reaction sa sinabi ng lalaki. Or dahil lasing ito kaya nasabi ang mga salitang iyon. Kahit ano pa man iyon.
She will not assume something.
Masasaktan lamang siya.

Inakay niya ang half awake half sleep na si Lorde patungo sa kuwarto nito.
Dahil sa bigat nito pareho silang bumagsak sa kama.

Tinitigan niya ang natutulog na binata. Hindi na ito ermitanyo ngayon. Nakaahit na ito kaya lalong naging guwapo. Naging prominente ang matangos nitong ilong at mga labi na masarap halikan. And those long eye lashes. Mas naging kaakit-akit ang itsura nito dahil doon.

Hinaplos niya ang mukha ng lalaki.

"Magiging masaya ka kaya sa akin gaya ng kasiyahan mo sa kapatid ko kung naging akin ka? Pero iniwanan ka na niya. She leave you alone and lonely. Bakit hindi mo ako kayang tingnan ngayon? Bakit hindi na lang ako ang mahalin mo? I'm here for you. "

"Avia," rinig niyang banggit ng lalaki sa pangalan ng kapatid. Hanngang ngayon, hindi pa rin makalimutan ni Lorde ang kanyang kapatid.

Napaiyak siya sa narinig na pangalan. Hindi niya talaga kayang pantayan ang kanyang kapatid kahit pa patay na ito.

"Avia, Mahal ko." Patuloy na pagtawag nito sa pangalan ng asawa nito. Lumabas si Aria ng kuwarto na umiiyak at nasasaktan.

Kinaumagahan maagang nagising si Lorde dahil sa sakit ng ulo at pagkalam ng sikmura.

He was about to enter the kitchen nang maamoy ang masarap na amoy ng pritong tapang bangus.

Nakahain sa mesa kasama ng nahiwa ng kamatis. May itlog na rin na prito at sinangag na kanin.

Nasa lababo si Aria nakatalikod kaya hindi nito napansin ang pagdating niya. Tinitigan niya mula sa likod ang babae.

Physical feature ay parehong pareho sila ni Avia. Pero may something sa aura ng dalawa na magkaiba. Sweet and innocent si Avia. Strong and independent si Aria. Pero bakit sa tuwing makikita niya si Aria. He have that nostalgic feeling.

Yung unang pagtibok ng puso niya.

"Hmmmm," tikhim niya para kunin ang atensiyon ng babae.

"Ay puso ko nahulog!"

"Where?" Tawang tanong niya. Nagulat na naman niya kasi ito, buti at hindi malaswa ang lumabas sa bunganga nito gaya ng dati.

Ngumiti ito sa kanya.

"Gising ka na pala, kain na. Pagtimpla kita ng kape. "

"Sige, pero sabayan mo na ako."

"Sige, after this." Itinaas nito ang tasang titimplahan niya ng kape.

Naupo na nga siya at nagsandok ng makakain. Naupo na rin ito sa harap niya pagkatapos mailapag ang kapeng tinimpla sa kanyang harap.

"Hmmm, tagal ko ng hindi nakakain ng ganito. I miss this!" Subo lang siya ng subo. It's like heaven. Matagal na siyang hindi nakakakain ng tapang bangus.

"Hey, dahan-dahan. Parang hindi ka nakakain ng ilang taon niyan ah!" Pagbibiro naman ni Aria .

"It's true. Ayaw kasi ni Avia mangamoy itong bahay. She said mabaho raw . And she doesn't want to cook those. Kahit yung may bagoong."

It's Avia again right?

Napayuko so Aria habang patuloy na kumakain.Magpapa alam na sana siyang aalis pagkatapos nilang mag-almusal pero niyaya siya nitong mamasyal. Hindi nakahindi si Aria dahil gusto niyang mag spend ng time sa lalaki. Hindi lang daw ang mga magulang nito ang may ganang mag-relax. Sila rin naman daw.

Ipapasyal daw siya nito. Nood ng sine at malling lang. Masayang masaya niyang tinanggap ang anyaya nito. Tutal iyon naman na ang huli.

Una manonood sila movie. Wala siyang nagustuhan sa mga ibinigay nitong pagpilian niya.

Romance, comedy, drama? She was sure. It was Avia' s favorite again to watch.

"Nakapili ka na? " Umiling siya. "Wala kang gusto?"

"It's not my forte. Ayaw ko ng ganitong klaseng pelikula."

"I'm sorry, magkaiba nga pala kayo ni Avia." Napakamot ito sa ulo.

"Sabi ko na nga ba!" Anas niyang hindi nagpahalata sa kausap.

"Action movie?"

"Angel.has fallen"
"Angel has fallen!"

Sabay nilang sabi. Nagkatawanan sila.

Pagkatapos ng movie, kumain naman sila. It was in a Chinese restaurant. Masarap nng pagkain. Nabusog siya dahil walang palya siyang pinagsilbihan ni Lorde.

Naglakad lakad sila sa mall nang may makita silang stall ng ice cream.

"Want some?" tanong nito nakatingin na rin doon. Tumango siya.

Naupo siya sa may bench habang hinihintay si Lorde na pumunta at bumili. Nang biglang mag-ring ang kanyang cellphone.

"Hi hon," bati niya sa tumawag. "Yeah. 1 week na lang hon makakauwi na ako. Yes I will. You take care too. Okay? I miss you too. I love you so much!"

Busy si Aria sa kausap sa telepono kaya hindi niya namalayan ang palapit na si Lorde.

Napatigil ito  nang marinig Alang ilan sa mga usapan nito at ang nasa kabilang linya. Tila.bumigat ang kanyang dibdin nang marinig ang mga huling kataga sa usapan nila.

Agad namang ibinaba ni Aria ang cellphone at tiningala ang ngayon ay nakatayo ng si Lorde sa harap niya.

Umusad pa siya para bigyan ng mauupuan si Lorde .

"Y-you said, wala kang boyfriend. Bakit may ka I love you-han ka." Hindi niya mapigilang mag-usisa.

Napansin ni Aria ang pagbabago ng mood nito. As if parang galit ito ngayon. Gusto niyang isiping nagseselos ang lalaki pero agad niya ring sinaway niya ang sarili at inisip nalang na pagod na siguro ito.

Padaskol na naupo si Lorde sa tani ng dalaga. Lalo na noong hindi nito sagutin ang tanong niya. Iniabot niya ang strawberry flavor icecream na.hindi tinitingnan ang babae.

"Puwedeng palit tayo."

He just lick the mango flavor. Nilingon niya ang babaeng hindi pa inuumpisahan ang hawak na ice cream.

"I dont like this flavor. "

Yeah! Of course this is not Avia for Pit sake! My life sucks! Pagalit na saad niya sa sarili habang titig na titig sa mukha ng babaeng malawak ang ngiti sa kanya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top