LIES OF LOVE 11

Manghang mangha ang kanyang anak sa laki ng bahay ng mga Yap.Takbo roon, takbo rito ang ginawa. Masayang masaya at malugod na tinanggap ang mga maaaring pagbabago sa buhay nilabg mag-ina.

Hinihingal na sa kakahabol ng kanyang lolo Roel. Masayang masaya rin ang matanda na may instant apo sila. Di man nila nakita agad at nakasama, nabigyan naman sila ng pagkakataon na makasama ito at lumaki sa piling nila.

Agad din nitong nakapalagayan ng loob si Lorde. Tanggap na tanggap ng bata ang kanyang ama. Lalo na noong ipinakita ni Mrs. Yap ang larawan ni Lorde noong bata ito. Pinagbiyak na bunga talaga silang dalawa.

Hinapit siya ni Lorde sa beywang nang makapasok na rin sila sa bahay.

"Tara sa kwuarto at ng makapagpahinga kayo ni baby," bulong nito na ikinapanindig ng kanyang balahibo sa katawan. Pasimple siyang pumiksi  rito.

"Lorde, ano ba? Baka kung ano isipin nila..."

Iniharap siya ni Lorde at biglang siniil ng halik. Nakalimutan niya na sa bawat pagtanggi o pagtutol niya ay hahalikan siya nito bilang parusa.

Tinampal ni si Lorde  sa braso noong pakawalan siya pagkatapos ng halik.
Tatawa tawa itong lumayo sa kanya dala ang kanilang mga maleta.

Nakangiti siyang nilapitan ni Mrs.Yap at inabutan siya ng orange juice. Niyaua siya nito na maupo sa sala  habang pinapanood ng maglolo na naghahabulan.

"I'm so happy na nandito kayo ngayon. Thank you, Aria."

"Wala po iyon tita. Karapatan niyo naman na makasama ang aking anak," ika niyang ngumiti rito.

"Hindi lamang naman iyon ang ipinagpapasalamat ko, Aria. Thank you for saving Lorde. Akala ko ay tuluyang na akong mawawalan ng anak." Maluha-luhang saad nito. Buti na lamang at muling natuwid ang landas ng anak.

Ginagap ni Aria ang kamay ni Mrs. Yap.

"I'm happy, Aria. The firts time I met you, iba na ang vibes ko sa iyo. I just like you in instance. Magaan ang loob ko agad sa iyo, hija. Kaya nakikiusap akong bigyan mo sana ng chance si Lorde."

Napalunok si Aria sa masinsinang pag-uusap nilang iyon. Hindi niya alam kung paano o ano ang sasabihin dahil maging siya ay naguguluhan pa rin sa sitwasyong meron sila ni Lorde.

Nanuyo ang kanyang lalamunan kahit pa may iniinom na juice.

"Hindi ko po alam kung saan kami dadalhin ng sitwasyon, Tita."

Pinisil nito ang kanyang kamay

"Trust me, my son love you more than anyone else. More than her late wife."

Umilap ang kanyang mga mata sa matandang kaharap. Iba ang sitwasyon nila ngayon. Si Avia ay naging buhay ni Lorde ng halos limang taon. Alam niyang hindi niya mapapantayan ang bagay na iyon.

Noong una, si LJ lang ang gusto nito.  Pero dahil buntis na naman siya, alam niyang dahil.iyin sa batang nasa sinapupunan niya.

"Protektahan mo ang puso mo. You didn't protect your womb, better protect your heart. I don't want you to cry." Parang naririnig niya ang boses ni Jaden at sinasabihan siya.

After dinner, nagtungo na sila sa kuwartong dati niyang inuokupa.
Ayaw man ni Lorde wala itong nagawa kundi pagbigyan siya.

Nakahiga na sila ni LJ at ready ng matulog noong kumatok si Lorde.
Pumasok ito at naupo sa gilid ng kama kung saan ang kanilang anak.

"Goodnight, sweetie."

"Goodnight, daddy."

Hinalikan niya ang anak sa noo.bago muling sulyapan si Aria na nakamasid lang sa kanya.

"Are you going to say goodnight to mommy too daddy?"  Nakatingalang tanong ni Lj sa kanya.

Muli siyang bumaling kay Aria na nag-iwas ng tingin

"Yes, pero puwede ba akong tumabi sa inyo? Gusto ko kayong makasama sa pagtulog," tanong  niyang kay Aria pa rin nakatingin.

Manghang muling bumaling si Aria sa kanya. Tipid niya itong nginitian at nagsusumamo ang mga mata na payagan siya.

"Yes daddy, you can. Mommy will be on the middle." Ang anak na nila.ang sumagot. Umusod pa ang kanilang anak. Wala ng nagawa si Aria noong hilain siya ng anak para bigyan ng espasyo sa kanyang tabi si Lorde.

Tumalikod siya upang yakapin ang anak.

"Goodnight, hon," ika niyang hinalikan sa pisngi ang anak. Niyakap niya ito.

Pinakiramdaman niya si Lorde na ngayon ay nahiga na sa kanyang tabi.
Hindi na siya nagulat noong yakapin siya nito mula sa kanyang likod.
Isiniksik pa ang mukha nito sa kanyang batok.

"Baka hindi ka komportable?" Anas niya ng maramdamang tulog na ang kanilang anak.

"Kung sinasabi mongbumalis at matulog mag-isa. It's  a no, I want to stay here with you," bulong  nito sa kanyang teynga.

Akala ni Aria ay hindi siya makakatulog ng maayos. Pero napahimbing ang tulog niya dahil sa init na hatid ng katawan ni Lorde.
Ganoon din si Lorde. Iyong ang pinakamahimbing at tahimik niyang tulog.

Ayaw man ni Lorde na umalis sa araw na iyon ay kinailangan niyang pumasok dahil sa importanteng meeting. Lunch meeting nila ng mga investor sa isang restaurant.

Pauwi na siya nang mamataan ang pamilyar na babae. Babalik pa sana siya sa opisina ngunit minabuti niyang sundan na lang si Aria.

Bumaba ito sa isang building. Bago at modernong disenyo ang building na iyon. Nakalagay doon sa harap ang clinica de Santillian.

Pumasok roon si Aria. Sinundan niya ito ngunit hindi niya nakita kung saan kuwarto ito nagtungo, kaya minabuti niyang maghintay sa reception area.

Trenta'y minuto na ang lumipas, inip na inip na siya sa paghihintay kaya lumapit na siya sa reception area kung saan ang tatlong receptionist ay nag-uunahang i-assist siya.

"May appointment sir? What department po?"

"Ahmmmm." Heck, ano ba itong ginagawa ko?

"I'm here for my wife, yung magandang babae na pumasok kanina."

Nagkatinginan ang tatlong receptionist. Pawang mga nalilito.

"Sir,madami po kasi kaming kliyenteng magaganda. Kaya hindi po namin alam kung sino po ang asawa na tinutukoy niyo."

"Oo nga naman," tumango tango siya sa sarili. "Salamat na lang," sabi niyang patalikod na. Ngunit napahinto nang mabungaran ang papalabas ng si Aria kasama si Doctor Jaden.

Napataas ang kilay niya na sinalubong ang tingin ng gulat na gulat na si Aria.

"Anong ginagawa mo rito?" tanong nito sa kanya nang makalapit ang mga ito. Nakapamulsa siyang tinanguhan ang pagbati ng doctor.

"Sinusundo kita! Let's go!" Ginagap niya ang kamay ni Aria para sana ay umalis na.

"Ay sir, siya po ba si misis? Akala naman namin girlfriend ni doc si mam Aria," biglang sabi ng isang receptionist.

Namula ang mukha ni Aria. Napakamot naman ng ulo si Lorde at napatawa ng malakas si Jaden.

"Oh well, take care Aria. Ihahatid na sana kita pero may sumusundo na sa 'yong nagpapanggap. See you next week."

"What?" Aangal pa sana si Lorde pero pinigilan na siya ni Aria at ito na mismo ang humila sa kanya paalis doon.

Sa kotse habang papauwi na sila ay walang humpay ang kanilang pagtatalo.

"Find another OB, iyong babae." Ipinagpipilitan ni Lorde na magpalit siya ng Ob. Pero nasabi na niyang simula't sapol ay si Jayden na ang tumingin sa kanya.

"No! Anong dahilan para magpalit ako?"

"I'm jealous okay!"

Napatigil si Aria sa pagkikipag -argumento nang marinig ang dahilan ni Lorde. Maging si Lorde ay napatigil sa lumabas sa bunganga.

"Don't see him anymore. Mababaliw ako sa tuwing naiisip kong magkasama kayo!"

Tumingin siya sa labas ng bintana ng kotse. Sumibol ang luha sa mga mata niya.

"Wala kang karapatang magdesisyon para sa akin. If you can do that to Avia, not on me. Please, huwag na nating pakialaman ang business ng isa't isa," saad niyang lihim na lumuha.







Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top